MABIGAT ang pakiramdam ni Phoebe sa talukap ng mga mata ng imulat niya ang mga ito. Nanlalabo pa ang paningin niya pero batid niyang madilim ang paligid kung nasaan siya.
“Phibs…”
Naramdaman ni Phoebe ang haplos ng pamilyar na haplos sa mukha niya. “Cis,” bulong niya. Muli niya sanang ipipikit ang mga mata upang humimbing ng biglang may maalala.
“Phoebe, how are you?”
Tluyan ng napanbangon sa kinahihigaan si Phoebe at napasiksik sa sulok ng sofa. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Halos nakapalibot sa kanya ang lahat ng kasama, magkahalo ang pagtataka at pag-aalala sa mukha ng mga ito. “A-anong nangyari?”
“Narinig kitang kitang sumigaw kaya hinanap kita. Natagpuan kitang walang malay sa lumang kwarto,” sagot ni Kiko.
“Kukuha lang ako ng tubig,” prisinta ni Janine.
“Samahana kita,” sunod ni Rency.
Naging malikot ang mga tingin ni Phoebe habang nag-iisip at inaalala ang lahat ng nangyari kanina. Mga duguang katawan na gumagapang palapit sa kanya… Mga iyak at ungol na tumatangis at humihingi ng tulong sa kanya. Muli tumindig ang lahat ng balahibo niya sa katawan dahil sa takot.
“M-may nakita ka ba Phoebe sa kwartong iyon?” may takot na tanong ni Gabby.
“Si mang Potpot ba? Nakita mo ba siya? Tinakot ka ba niya?” seryosong tanong ni Mon.
Nanginginig ang katawang napatingin si Phoebe sa seryosong mukha ni Mon. “P-patay na si mang Potpot.”
Biglang natahimik ang lahat sa sinabi ni Phoebe. Lahat ay nakikiramdam sa sinabi ng dalaga.
“A-ano’ng sinasabi mo?” Hindi alam ni Mon kung bakit pati siya ay bigla ring nakaramdam ng kakaibang takot sa sinabi ni Phoebe. Imposible iyong mangyari dahil sigurado siyang si mang Potpot ang may kagagawan ng lahat ng nangyayari iyon sa kanila.
“N-nakita ko siya… Nakita ko sila… Sina Emma, Madz, Joel, Tims… P-pati sina JC at Claud. Patay na sila… Patay na sila nina mang Potpot!”
“Phibs, may sakit ka ba?” Sinalat ni Kiko ang noo at leeg ng kasintahan. Normal lang ang temperatura nito pero bakit tila nagde-deliryo ito sa mga sinasabi.
“Kiko, nakita ko sila… Nakita ko ang multo nila… Lahat sila, duguan at humihingi ng tulong. Kasama nila ang multo ni mang Potpot.”
“Imposible… Imposible ‘yan. Dahil alam kong si mang Potpot ang –“
“EEEEEHHHH!!!”
Isang malakas na sigaw mula sa kusina ang pumutol sa sinasabi ni Mon.
“Si Janine!” malakas na sambit ni Vernon. Mabilis siyang tumayo mula sa kinauupuan at pinuntahan ang sumsigaw na sina Janine at Rency.
Magkahawak kamay naman na sumunod sina Mon at Gabby.
Kahit takot ay kumapit si Phoebe kay Kiko upang hind siya maiwan mag-isa sa sala.
“Babe, what happened?” nag-aalalang tanong ni Vernon ng makalapit kay Janine. Magkatabing nakaupo ang dalawa at nakasiksik sa sulok ng kusina.
Nanginginig na itinaas ni Janine ang kamay at inilabas ang hintuturo.
“O-oh my God!” bulalas ni Gabby.
Nakatuon ang tingin ng lahat sa mahabang lamesa kung nasaan ang hubo’t hubad na katawan ni mang Potpot. Dilat ang mga mata ng matanda, wakwak ang malaking tyan, tapyas ang pagkalalaki mula sa gitna ng mga hita kung saan nakatirik ang kandilang itim na may sindi na nagbibigay liwanag ngayon sa kusina.
Basa na ng luha ang magkabilang pisngi ni Rency at patuloy pa rin ang mga luha niya sa paglandas. Nangangatal na ang mga labi niya sa takot. Nakita na niya iyon. Hindi siya maaaring magkamali. Nakita na niya ang hitsurang iyon ni mang Ptpot sa bangungot niya. Kung ganoon ay mangyayari lahat ng nakita niya. Mamamatay silang lahat. Mamamatay silang lahat kagaya ng nangyari sa bangungot niya. “M-mamatay tayo... Mamamatay tayong lahat... Walang makakaligtas sa atin… Wala kahit isa…”
“Rency?” Napalingon si Janine sa katabi. Umiiyak na nakatulala si Rency sa duguang katawan ni mang Potpot. Bumunulong ito habang umiiling. Ang tingin niya tuloy ay biglang nasiraan ng bait ang kaibigan niya.
“We’re gonna die, Janine…” ani Rency na humarap kay Janine. “Lahat tayo… Kagaya ni Joel, Emma, Madz at Tims… We’re all gonna die… Lahat tayo... Lahat tayo mamamatay. ”
“Rency..” bahagya ng niyugyog ni Vernon si Rency dahil sa pagwawala nito. Naisip niyang baka madamay pa si Janine sa kung ano mang nangyayari sa dalaga. “Rency, calm down.”
“Mamamatay tayo… Alam ko na ang mangyayari… Lahat tayo mamamatay… Mamatay tayong –”
“I sadi calm down!” Hindi na napigilan ni Vernon ang sarili na sampalin si Rency.
Kaagad namang bahagya na nahimasmasan si Rency ng malakas na lumapat ang palad ni Vernon sa mukha niya. Naging malalim at mabilis ang paghinga niya. Nanginginig pa rin ang buong katawan niya pero huminto na sa pagbulong.
Sabay-sabay silang halos napalingon sa may pinto ng kusina kung saan may malakas na kumalabog na tila may kung anong mabigat na bagay na humampas doon.
Saglit pang nagtingninan ang tatlong binata bago nagdesisyon si Kiko na siya na ang tutungo sa pinto na palabas sa may likod ng mansion. Dahan-dahan siya sa pagpihit ng seradura ng pintong nilapitan bago iyon itinulak. Bahagya siyang napaatras ng maramdamang tila may malaking bagay na naka harang sa may pintuan. Bumwelo pa siya bago biglang malakas na tinulak ang pinto.
“Holy sh*t!” napamura na si Kiko ng tumambad sa kanya ang tatlong duguang katawan. Nakatahi ang kaliwang pisngi ni Tims sa kanang pisngi ni Claud na butas ang lalamunan, ang kanang pisngi naman ni Claud ay nakatahi sa kaliwang pisngi ni JC. Duguan ang tatlo at mababakasan na wala ng buhay. Mabilis siyang pumasok sa loob at malakas na muling isinarado ang pinto. Lahat ay nakatayo at nakatingin sa kanya na tila naghihintay ng mas masama pang balita. “Let’s go back sa loob.”
“Anong nakita mo Kiko?” tanong ni Mon.
“W-wala. Tara na, bumalik sa loob,” pagsisinungaling ni Kiko.
Hindi tumalima si Mon at naglakad palampas kay Kiko bago tumuloy sa labas. Nanlaki ang bilugan niyang mga mata. ‘T*ng ina! Ano ba itong mga nagyayari sa amin?!’
***
“Rency… Rency…”
Malamig na hangin ang bumalot sa katawan ni Rency ng bumangon mula sa hinihigaang foam na inilatag nila sa may sala. Magkakasama silang pito na doon magpalipas ng gabi. Inilibot niya ang paningin sa paligid na tanging isang kandila lamang ang nagbibigay ng liwanag. Hinahanap niya ang pinaggagalingan ng pamilyar na boses na tumatawag sa pangalan niya. “Marvin,” halos bulong niya bago maingat na tumayo upang hindi magising ang katabing si Phoebe. Sa may bintanang hindi kalayuan sa kinatatayuan niya kung saan pumapasok ang malamig na hanging nagpapalipad sa kurtinang nakasabit ay nakatayo ang isang lalaki. Sigurado siyang si Marvin iyon. “Marvin.” Hind nga siya nagkamali ng magsimulang maglakad si Marvin pasalubong sa kanya. Tumama ang liwanag ng kandila sa maamong mukha nito.
“Rency,” may pag-aalalang sabi ni Marvin ng makalapit.
Mabilis na binawi ni Rency ang braso mula sa malamig na kamay ni Marvin. Ramdam niyang hindi siya sasaktan ng binata. Pero hindi maalis ang takot sa kanya sa tuwing maiisip na hindi tao ang kausap niya. “Hindi ka tao…”
Isang hakbang paatras ang ginawa ni Marvin.
“S-sino kab a talaga? Bakit sa akin ka lang nagpapakita?”
“Gusto ko lang mailigtas ka,” mahinang sagot ni Marvin.
“Ako? Bakit ako?” Gusto nang malaman ni Rency kung bakit sa kanya lang nagpapakita si Marvin. Kung totoong gusto siyang iligtas nito, bakit tila siya lang?
“Dahil mag-isa ka lang… Dahil ikaw lang ang walang tagapagtanggol… Dahil ikaw ang higit sa kaninoman ang hindi dapat madamay… At dahil…”
“Dahil ano pa?” ani Rency ng huminto sa sinasabi si Marvin.
“Dahil ikaw na ang susunod… Ikaw na ang isusunod niya, Rency…”
Nangilabot si Rency sa sinabing iyon ni Marvin. Mangyayari na ba ang mga nakita niya sa bangungot niya? Mamamatay na ba siya.
“Rency, kailangan mo ng umalis dito.”
Siya naman ang napaatras sa ginawang paghakbang ni Marvin palapit at akmang paghawak nito sa kanya. Parang hindi na niya kaya pang makinig sa mga sinasabi nito. “Tama na, please…”
“Rency, making kang mabuti sa akin. H’wag kang magtiwala kanino man sa kanila. Lalong-lalo na -”
“Ayoko ng makinig! Tumigil ka na!”
“Rency?”
Bumalik ang tingin ni Rency mula sa mga natutulog na kasama kung saan nanggaling ang boses na tumawag sa pangalan niya. Si Vernon.
“Sinong kausap mo?” tanong ni Vernon habang kinukusot ang mga mata. Naalimpunagatan siya dahil sa halos sigaw ni Rency na tila may kausap.
Kagaya ng inaasahan ni Rency, parang hangin na biglang naglaho ang kanina lang ay kausap niya na si Marvin. Naglakad sya pabalik sa may tabi ni Phoebe bago muling itinaklubong sa sarili ang makapal na kumot. “W-wala… Wala akong kausap,” sabi niya bago ipinikit ang mga mata. Hindi maalis-alis sa isip niya ang sinabi ni Marvin. Naguguluhan na siya sa mga babala nito. Pero sana ay hindi magkatotoo kung ano man ang narinig niya mula dito kanina. Sana hindi magkatotoo ang bangungot niya. Sana wala ng sumunod pang mapahamak sinoman sa kanila.
Nagkibit balkiat naman si Vernon ng marinig ang sagot na iyon ni Rency bago bumangon mula a pagkakahiga sa may malambot na sofa bed na baon niya at nakahiwalay kina Rency. Tanging si Janine lang ang katabi niya dahil hindi siya sanay na may ibang katabi matulog. Tiningnan niya ang oras sa suot na relo, alas quarto na ng madaling araw at medyo humina na ang ulan sa labas. Inihilamos niya ang mga palad sa mukha bago naglabas ng sigarilyo at lighter mula sa bulsa. Nawala na ng tuluyan ang antok niya. Saglit pa siyang humitit buga ng usok ula sa sigarilyong hawak bago ibinaling ang tingin sa nahihimbing na nobya. Hinaplos niya ang magandang mukha ni Janine. Hindi maaaring maging tama ang lahat ng hinala niya. Hindi maaaring mapahamak ang babaeng pinakamamahal niya.
Isang malalim na buntong hininga ang binitawan niya bago pinatay ang sigarilyo sa kalapit n ashtray. Muli niyang inihilamos ang mga palad sa mukha bao itinuloy na isinuklay ang mga daliri ng kamay sa kulot at mahaba niyang buhok. Hindi maaaring bumalik ang nag-iisang taong nasa isip niya na maaaring may kagagawan ng mga nangyayari ngayon. Alam niya at sigurado siyang hindi na iyon muling makakabalik pa.
“Bullsh*t!” pigil na sabi ni Vernon. Hindi na niya mapigilang bumalik sa isipan ang nakaraan. Ang nakaraang pilit niya at batid niyang pilit na ring ibinaon sa limot ng Perwisyo Boys. Ang nakaraang ipinangako nilang itatapon at kahit kailan ay hindi na nila ibabalik pa. Ang nakarang sa hinagap niya ay hindi niya naisip na maaari silang sundan at paghigantihan…