S EEING Banong again made Summer feel relieved, but confused at the same time. Bakit parang galit ang lalaki sa kanya? She was sure Olga said something wrong. Pero bakit mas may tiwala ang lalaki sa babaeng iyon kaysa sa kanya? It did not make any sense. Kailangan nilang mag-usap.
Nakakahiya man, aminado siyang gumawa ng paraan para makausap ang lalaki sa pamamagitan ng mga bata. Totoong kailangan na nilang mag-practice uli para sa kompetisyon, pero nang sabihin nina Patricia na nagpa-practice daw ang mga ito sa bahay ni Banong, nag-insist siyang pumunta ang grupo sa kanyang bahay para sa mas magandang training sa susunod na laban. Dahil excited ang kabataan na matuto, mabilis pumayag ang mga ito, huwag pang sabihin na enjoy ang mga kabataan sa kanyang bahay.
Was she in the wrong? Kailangan bang hinintay na lang niyang magkusa si Banong? Pero hindi fair na bigla na lang itong hindi magpapakita at hindi magre-reply sa mga text message. Hindi siya mapakali. Halos wala pa siyang tulog sa nakaraang ilang araw. She had to do something. Si Banong ang may kasalanan! Why did she feel guilty anyway?
Nandoon ang mga bata kaya hindi muna sila nag-usap. Pero mayamaya, nilapitan ni Summer ang lalaki. Hindi niya kaya ang tensiyon.
“Can we talk?”
Tumango si Banong. Lumabas sila ng bahay at naglakad palayo.
“What’s going on?” tanong ni Summer.
“Alam ko na ang lahat, Somerita. Magkakailangan pa tayo. `Wag na nating pag-usapan. Ang gusto ko sana, ipagkatiwala mo na sa akin ang mga bata. Ako na ang gagawa ng paraan. Ayokong nagagamit sila sa ganitong style.”
Summer was shocked. “Ganitong s-style?”
“Ginagamit mo ang mga bata para makuha ang gusto mo.”
“Gusto lang naman kitang makausap. Masama ba `yon? Ikaw ang hindi nagre-reply sa akin, ako ang lumalabas na masama?”
“Kung hindi ako nagre-reply sa `yo, bakit hindi mo man lang naisip na baka hindi pa ako ready?”
“Hindi ready? Hindi ko alam na kailangan mong maging ready para kausapin ako!”
Bumuntong-hininga si Banong. “Hindi ako ready. Ayaw kong magpunta dito, sa totoo lang. Naiilang ako sa `yo. Sana next time, `wag mo nang gamitin ang mga bata. Kukuha na rin ako ng ibang coach nila, sakaling manalo sa contest next week.”
“Puwede ba akong magtanong kung bakit? O baka hindi ko puwedeng malaman?” She was now mad. How dare he make her feel like she was the villain! Siya na nga ang inaway ni Olga, siya pa ang masama!
“Sabi ko naman sa `yo, alam ko na ang ginawa mo kay Olga. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo siyang saktan. Nakaka-disappoint.”
“Siya ang sumugod dito!” Tuluyan nang sumabog ang galit ni Summer. Naiintindihan na niya ngayon kung ano ang nangyari—nagkuwento si Olga kay Banong at mas pinili ng lalaking paniwalaan ang kuwentong iyon kaysa kay Summer.
“Pinapunta mo `yong tao dito.”
“Never! Ni wala akong number niya! `Ayan, kahit tingnan mo pa sa log ng phone!” Iniabot niya rito ang phone na tiningnan naman nito. Walang recently called doon na Olga dahil hindi niya alam ang number ng babae!
Walang nakita si Banong, pero nag-type ng number. Ganoon na lang ang gulat ni Summer nang makitang lumabas sa contacts niya ang number na na-type ni Banong. The name written was “Olga de Puta.” Pakiramdam ni Summer, sinampal siya sa pagkabigla. Oh, God, she was played. Man, Olga was good. Unang-una, never niyang dudumihan ang contacts ng phone sa paglalagay ng ganoong pangalan doon. Organisado siyang tao kaya may label ang bawat isang pangalan at lalong wala ni isang pangalang may kasamang mura o masamang description. Pangalawa, madaling maisip kung kailan pinakialaman ni Olga ang kanyang phone. Ilang minuto niyang ginawa ang lemonade at naalala niyang hindi makita ang phone nang hanapin iyon dahil siguro, nalimutan din ni Olga kung saan nakapatong ang gadget nang damputin nito, or baka nagahol sa oras sa pakikialam doon kaya kung saan na lang naipatong.
What happened was very simple. Olga texted her own phone using Summer’s phone. Tinawagan din nito ang sariling numero. Matapos iyon, binura nito ang ebidensiya, maliban sa pangalan sa contacts. Smart. Pero kaya niyang patunayan ang lahat ng iyon. May CCTV siya, may recording ang lahat ng iyon.
“Disappointed talaga ako sa `yo,” sabi ni Banong.
“You don’t have any reason to be. Hindi ako ang may gawa niyan. You need to believe me. Nagpunta siya rito at pinakialaman malamang ang phone ko.”
“Pasensiya na, Somerita, pero hindi na ako naniniwala sa `yo. Anyway, salamat pa rin sa lahat ng tulong. Pero last session na ito ng mga bata sa `yo. Ayoko na sanang ma-involve sila sa `yo.”
Ouch. His words were like a knife. She was hurt, but mad as hell also. “Ibig mong sabihin, mas naniniwala ka sa Olga na `yon kaysa sa akin? You are unbelievable! You are so wrong about her! Alam mo bang hindi anak ng ex-husband niya ang anak niya? If she can lie about that, why can’t she lie about everything else?!”
“Tama na, please. Lalo akong nate-turn off sa `yo. Ano ba naman ang pinagsasabi mo—”
“It’s true! Narinig ko siya noon na noon pa, hindi pa kami magkakilala. Mas una ko siyang nakita kaysa sa `yo. Sa fast food. Iyon ang narinig kong kuwento niya!”
“Pakinggan mo nga ang sarili mo, please. Para ka nang nasisiraan ng bait. Dahil lang sa akin? Ganoon ba ako ka-special? Hindi mo kailangang manira ng ibang tao para lang makuha ang gusto mo. Anyway, wala na rin naman. Hindi naman din naging tayo, `di ba? Aminado ako, ginusto ko noon na sumubok, pero hindi tayo puwedeng magsama. Kami na ni Olga. Iyon naman talaga ang original na plano kung hindi ka nakialam. Muntik na akong maniwala sa `yo.”
“K-kayo na?” Halos hindi iyon lumabas sa bibig ni Summer. How can this be possible at all? “Do you even love her?”
“Noon pang bata ako, siya na ang pangarap ko. Muntik pang masira ang plano, salamat sa `yo.” Maaskad na ngumiti si Banong, saka tumalikod. It was obvious that he was mad. Summer was as well, at least initially. Ngayon, wala nang nangibabaw sa kanya kundi sakit. It was clear he did not love her at all.
Simple ang nangyari. Si Olga ang mahal ni Banong noon pa, pero hindi nito matanggap na may ibang lalaki ang babae. Nakita siya ni Banong bilang panakip-butas. Pero dahil gusto nitong paniwalaan na walang problema kay Olga, si Summer ang mabilis na naging kontrabida sa manipulasyon ni Olga.
“You’re a dumbass,” sabi niya sa lalaki. “Hindi ako ang nag-imbento ng balita na may ibang lalaki si Olga.”
Tumigil sa paglalakad si Banong, saka humarap sa kanya. “Puwede ba, `wag mo nang gamitin ang mga bata dito? Tanggap ko si Olga sa kung ano siya. `Wag ka na sanang makialam. Wala ka nang puwedeng gawin para mabago ang isip ko.”
“`Wag kang mag-alala, wala akong balak baguhin ang kahit na ano,” sarkastikong sabi ni Summer. “Good luck.” Maghanda ka na sana ng arinola at itali mo diyan sa tuktok mong matigas!
She was breathing heavily. She was disappointed, terribly hurt and deeply upset. Pero wala naman siyang magagawa. Gusto niyang umiyak, pero walang luhang lumabas sa kanyang mga mata. Bumalik siya sa bahay. Wala na si Banong, nakita niya ang sasakyan nitong umalis.
Hindi pa tapos ang session niya sa mga bata. She focused on the rest of the day. Lahat ng kayang isiksik sa lesson ng mga ito, ginawa niya. Para siyang lumutang sa katawan. She was not there, but also very much there at the same time.
Nang matapos ang session, pinakain niya ang grupo, saka pinauwian ng mga pagkain. She knew it was going to be their last session, pero hahayaan na lang niya si Banong na magpaliwanag sa mga bata.
Nang makaalis ang grupo, naiwan siyang tulala. And then she bawled her eyes out for a love she found and lost.
KAHIT paano, napangiti si Summer nang mabasa ang text message ni Patricia. Sa buong grupo, ito lang ang nagte-text sa kanya. Si Tonette, minsan siyang tinawagan at inalam kung ano ang nangyari, pero hindi na naulit pa ang pagtawag nito. Summer was in a big professional kitchen. Para siyang sinuksukan ng kable sa spine at biglang napatayo, umalis sa farm at tumuloy sa Maynila. She called her former publisher and asked if she still wanted her to cater for her event. Ang sagot nito, “Well, I thought you’re doing it so why the hell are you asking me? I’m waiting for the menu.”
Iyon lang ang kailangan ni Summer para magsimulang magtrabaho uli. Hindi niya inasahan na magiging ganoon kabilis ang lahat. Tinawagan niya ang dating sekretarya at sinabing magre-register siya ng catering business na noong nakaraang taon ay isinara din. In three weeks, she was able to operate again. She was using her old kitchen, which was cleaned, fumigated, and repainted. Mabuti na lang at hindi niya iyon pinarentahan sa iba, kahit maraming gustong kumuha.
Her former secretary resigned from her job instantly. Ni hindi niya inakala na sa kanya pa rin ang loyalty nito. Akala niya, kasali ito sa mga empleyadong galit sa kanya. Nevertheless, she tried calling her because she was the best. Lo and behold, the woman told Summer everything she had been meaning to. Matagal na raw nitong gustong mag-apologize dahil pakiramdam ng babae, kinulang ito sa suporta sa kanya sa panahong kailangan niya.
Now, clients were pouring in. Tama ang sinabi ng publisher—mabilis makalimot ang mga tao. Mukha ring totoo ang sinabi nitong hindi kasinlala ng kanyang inakala ang nangyari. Yes, a few people turned their backs on her, and a lot took advantage of her when she was vulnerable. Iyon ang dahilan kung bakit napilitan siyang ibenta ang shares sa kompanyang siya ang nagtatag. Now, she had no plans of making it a big corporation anymore. Sole proprietorship, under her total control. Higit sa lahat, parang sa kanya kumampi ang tadhana. Kahit ibinigay niya ang original recipe ng bottled products sa kompanya, nagdesisyon ang mga itong baguhin iyon mula sa payo ng bagong chef na na-hire. Sales dropped. Balita niya, na-pull out ang mga produkto sa grocery at malaki ngayon ang demand sa kanyang produkto noon. And so she was selling them again. Hindi nga lang pangmalakihang volume ngayon. Ayaw na ni Summer ng ganoong klaseng buhay na binabalanse niya ang lahat sa sarili. She still wanted some free time, though that seemed impossible now. Sa susunod na buwan, magkakasunod ang catering service nila. She was opening a deli next week as well. She was developing new products and finishing her cookbook. Kabi-kabila ang food tasting nila ngayon para sa mga gustong magpa-cater.
Her website was simple and provided adequate explanation regarding the mess she got into the year before. Ang payo ng publisher, huwag na niyang ilagay iyon sa website, pero gusto niyang makampante ang lahat ng mga magiging clients nila. She asked the page master to upload photos of her kitchens, as well as sanitary permits.
Hindi na kasindami ang mga chef at cook niya ngayon. Now, only ten people were employed, including her secretary. Isa ang kanyang pastry chef na may dalawang assistants. Dalawa ang tao sa butchery, dalawa sa cold kitchen, at ang natitira ay nasa banquet na siya ring gumagawa ng produktong pangbenta sa araw-araw. Kulang ang production nila sa dami ng umo-order. She even had advanced orders from abroad. Ang wait staff niya, hina-hire lang kapag may event, kahit required sa mga ito ang mag-train sa kanya bago ang event.
She was a busy lady. Salamat dahil wala siyang balak magmukmok sa kung saang isolated na lugar at damdamin ang lahat ng sakit. She was done. She was so done. Sa gabi, paghiga ni Summer, agad nang nakakatulog. Paggising, dumederetso na siya sa kitchen. Kapag natatagpuan niya ang sariling naiisip si Banong, kikilos siya para mawala ito sa isip. She was determined to move on. Sayang ang feelings niya para sa lalaki. He was an asshole, a gullible one at that, too.
Habang tumatagal, nakakaramdam siya ng galit kay Banong. She was realizing more and more that he only wanted to be with Olga. Iyon lang naman ang simpleng katotohanan. He chose to be stupid and he had that right. Duda si Summer kung mababago pa ang isip ng lalaki kahit ipakita niya ang clip galing sa CCTV camera sa bahay niya. For what? He will find a way to make himself believe that Olga was a saint. Or at least someone who was not an asshole. Magsama ang dalawa. Wala nang pakialam si Summer.
Ang mahirap para sa kanya ay ang huwag nang isipin ang mga kabataan. Gustong-gusto niyang turuan ang mga ito para mas malaki sana ang chance sa competition. Pero ayaw niyang pangunahan si Banong, lalo na at sinabi ng lalaki na ito na ang bahala. Salamat at sinabi ni Patricia na matapos daw manalo ng mga ito sa regional at mapili bilang isa sa dalawang representative ng Luzon, dumating ang kapatid na chef ni Banong na may kasamang isa pang chef. Ang kasama raw na chef ang nagtuturo sa mga ito, at ang kapatid ni Banong ay nagpupunta lang sa probinsiya once a week. Malapit na rin ang finals. Ready na raw sina Patricia, pero ang sabi nito sa kanya, Chef, mas gusto namin ang turo mo. Mas madaling matutuhan. Mas marami din kaming natutuhan sa `yo. Parang review na lang halos ang ginagawa namin kay Chef Aga. Magaling magturo ang kapatid ni Kuya Banong, si Chef Santino, pero busy kasi kaya bihira namin makasama.
Sinabi na lang ni Summer na kung may tiwala ang kapatid ni Banong sa chef na dala, walang problema. She knew Banong’s brother trained extensively as well. Magkatulad sila ng training halos, kahit magkaiba ang chef na nag-train sa kanila. Mas focused din ang kapatid ni Banong sa pastries. Napakagaling ni Santino pagdating sa French desserts.
Nag-reply si Summer kay Patricia: `Wag kayong kabahan. Naniniwala akong kaya ninyo. I will keep you in my prayers.
Agad itong nagpadala ng sagot: Sana makarating ka sa competition, Chef.
I will try my best, ang reply ni Summer. Iniisip pa niya. Gustong-gusto man, naiilang siyang magpunta roon, kahit pa nga naiisip na malamang na hindi sila magkita ni Banong sa dami ng tao. Maybe she will come to watch from afar, tutal ay may booth din naman sa food fair na magpi-feature ng kanyang produkto. She had been asked to speak as well, which she found weird, given what happened, but she was starting to realize that the name she built was stronger than her father’s vile plans. Somehow, she felt vindicated.
Minsan, naiisip ni Summer na kung hindi siguro siya masyadong na-damage emotionally, nagpatuloy siya at napagtagumpayan ang lahat ng iyon. Pero hindi siya nagsisisi na nagbakasyon at nakilala si Banong.
Kahit galit sa lalaki, hindi siya nagsisisi na nagkakilala sila. He will remain as someone who made her happy. Gusto pa rin naman niyang itago ang mga masasaya, kahit kung minsan ay nangingibabaw ang mga sinabi nito at ang katotohanang pinili nito si Olga, sa kabila ng lahat. What a stupid, stupid man.
Stupid in love. And that hurt. Because he was in love with someone else.
Inabala na ni Summer ang sarili sa kitchen, hanggang sa makatanggap ng tawag mula kay Warren. Napangiti siya. At least Warren was doing well. Nang makabalik ito mula Amerika, pinahiram niya ng kaunting puhunan. He picked up the pieces and was now working on contracts like he used to. Madalas silang magkasama mula nang makabalik siya. He even volunteered to do her shop for free. Siyempre, hindi pumayag si Summer na libre, lalo na at alam niya na hindi pa tuluyang nakakabawi si Warren. Bukod sa shop, ito rin ang gumawa ng mga logo niya.
“How are you?” he asked, as he kissed her cheek. Kahit nag-out na si Warren, wala pa ring mag-aakala na bi ito kung hindi kilala. He was a very handsome and masculine man.
“I’m all right. You?”
“I’m great. And hungry.”
Napangiti si Summer at agad na ipinagluto ang lalaki. Mahilig ito sa pasta. Habang nagluluto, nagkuwentuhan sila. Alam ni Warren ang lahat ng nangyari sa kanya. Ibinalita niya na malapit na ang contest at naiisip niyang panoorin ang mga bata.
“Well, why not? Don’t let him stop you, my dear,” sabi nito.
“I just don’t want to see him again.”
“I can’t blame you. I will come with you, if you like.”
“Oh, will you? Please?”
“I just said I will. Now, smile. Let me show you some stuff I made for the shop.” He opened his phone gallery. At least, natuwa si Summer sa lahat ng artwork ni Warren para sa bubuksan niyang shop.