NAKATITIG lang si Etheyl kay Calyx habang nakaupo ito sa hospital bed at nakakandong si Seth sa hita nito. Naglalaro ang dalawa ng bato-bato-pick at panay ang tawa ng anak niya na bakas sa mukha ang kasiyahan. She felt a soft hand caress her heart while looking at the scene in front of her.
Ito ba ang pakiramdam na makita ang anak niya na nakikipaglaro sa ama nito? How she wished na sana si Calyx na lang ang ama ni Seth pero alam niyang napakaimposible ng kanyang hinihiling.
Nakikita ni Etheyl kung gaano kasaya ang anak habang kalaro ang lalaki. Si Calyx ang ikinakabahala niya. Baka napipilitan lang ito na pakitunguhan nang maayos ang kanyang anak. He was a freaking bachelor. Baka ayaw lang nitong paiyakin ang anak niya o baka naman ayaw nitong sumama ang pagtingin niya rito. Hindi na siya magtataka kung sa pag-uwi ni Calyx ay hindi na ito magpakita pa sa kanya. Ganoon naman palagi ang mga lalaki na dumaan sa buhay niya.
Tumikhim siya dahilan para mapatingin sa gawi niya si Calyx. Nginitian siya nito at pinagpatuloy ang pakikipaglaro kay Seth.
I have to set things right. Ayaw niyang magsinungaling sa anak.
“Seth, anak?” sabi ni Etheyl sa malumanay na boses at umupo sa gilid ng kama. “May tanong si Mommy, puwede mo ba akong sagutin?”
Binalingan siya nito. “Ano po `yon, Mommy?”
Tumingin muna si Etheyl kay Calyx na walang imik na nakamasid lang sa kanya bago nagsalita. “Anak, bakit mo tinawag na daddy si Tito Calyx mo?”
Sumimangot kaagad ang anak si Seth. “Hindi siya tito! Daddy ko siya! Daddy!” Kaagad itong yumakap kay Calyx. “Daddy kita `di ba?” tanong nito kay Calyx habang nakatingin sa mga mata. “We have the same hair color. `Tapos po, you called me kiddo. Palagi ko po kasing napapanaginipan na tinatawag ako ng ganoon ng daddy ko. `Tapos po noong binantayan po ako ni Tita Beth, may pinakita siya sa aking picture. Sabi niya `yon ang daddy ko at ang picture po na `yon ay kamukha ni Daddy,” sabi nito sabay turo kay Calyx.
Tumaas ang isang kilay ni Calyx. Nakikita niyang may sinusupil itong ngiti sa mga labi. “May ipinakitang picture sa `yo si Tita Beth mo?” tanong nito.
“Opo,” sagot ni Seth. “Kamukha n’yo po siya.” Tumingin si Seth sa kisame na parang nag-iisip, pagkatapos ay ibinalik ang tingin kay Calyx. “Ang name po ng daddy ko ay Calyx Vargaz. Sabi ni Tita Beth, secret lang namin `yon kasi nga magagalit si Mommy ko.” Sinapo nito ang mukha ni Calyx. “Hindi po ba ang name n’yo po ay Calyx?”
Tumango ang binata. “Yes. Calyx Vargaz is my name.”
Mabilis na nilingon si Etheyl ng kanyang anak na tuwang-tuwa. “See, Mommy? Siya talaga ang daddy ko!”
Nasapo niya ang ulo at hinilot ang sentido na nag-uumpisang sumakit. Mapapatay talaga kita Beth! Wala itong karapatan na magsinungaling sa anak niya! Letse! Ano na lang ang mangyayari kay Seth kapag nagsawa na si Calyx? Siguradong doble-doble ang sakit na mararamdaman nito.
Bullshit!
“Tulog ka na, kiddo.” Narinig niyang sabi ni Calyx pagkatapos ay inihiga si Seth sa kama. “Past nine PM na. Kailangan mo nang magpahinga para bukas, puwede ka nang makalabas.”
“Okay po, Daddy,” sagot ni Seth.
Ginulo ni Calyx ang buhok nito. “Sige na. Tulog ka na.”
Kaagad na ipinikit ni Seth ang mga mata. Akala ni Etheyl ay natutulog na ang anak niya nang bigla itong magsalita.
“Daddy?”
“Yes, kiddo?” mabilis na sagot ni Calyx na para bang normal na tawagin itong daddy ng anak niya.
“Bukas po ba, paggising ko, narito pa rin kayo?” tanong nito sa malungkot na boses.
Kinagat ni Etheyl ang labi nang maramdamang nanubig ang mga mata niya sa tanong ni Seth. Oh, God! Please don’t hurt my son.
Calyx looked at her before answering. Nababasa niya sa mukha ng binata na siya ang gusto nitong sumagot sa tanong ng kanyang anak.
“Daddy?” Seth inquired again.
Nilapitan ni Etheyl ang anak at hinalikan sa noo. “Oo, baby. Bukas paggising mo, narito pa si Tito Calyx mo.” She dragged her gaze to Calyx who’s looking at her intently. “Hindi ba? Narito ka pa bukas o dapat na akong maghanda ng mahabang paliwanag kung bakit hindi ka niya makikita uli?”
Calyx looked at Seth and then his stare hopped back to her. May kakaibang kislap ang mga mata habang nakatitig sa kanya. “Nandito pa ako bukas at sa mga susunod pang bukas na darating.”
Bumilis ang tibok ng puso ni Etheyl at nabalot iyon ng kasiyahan. Totoo ba talaga? He would stay with her after knowing that she had a son? Ano ito? Isang malaking biro o isang panaginip lang? Sana hindi. Kasi kung nananaginip siya, ayaw na niyang magising pa. At sana naman hindi lang ito isang malaking biro ng tadhana.
NANG masiguro ni Etheyl at Calyx na natutulog na si Seth, lumipat sila sa mahabang sofa na nasa gilid ng kuwarto.
Nakahiga sila sa sofa. At dahil hindi sila kasya, pareho silang nakatagilid ng higa at nakaharap sa isa’t isa. Ang isang braso ni Calyx ay nakayakap sa baywang niya at ang isa naman nitong braso ang ginawang unan ni Etheyl.
“Sinong ama ni Seth?” mayamaya ay tanong ng binata.
Alam ni Etheyl na magtatanong si Calyx pero hindi pa rin niya napaghandaan ang isasagot dito. Would she lie or would she tell him the embarrassing truth?
Etheyl chose the latter.
“Kaga-graduate ko lang no’n sa college. My boyfriend, Vincent and I went to a bar to celebrate,” panimula niya. “Lasing siya, lasing din ako. Noong pauwi na ako, akala ko siya ang kasama ko. I was so drunk that night that I didn’t know who I was dancing with or drinking with. Ang naaalala ko lang, a guy took me home. Akala ko si Vincent `yon.” Mapait siyang ngumiti. “But then the next morning, nagising ako sa isang kuwarto na hindi ko pa nakikita sa tanang buhay ko at masakit ang pagkababae ko. I saw the blood on the sheet. I assumed na may nangyari sa amin ng kung sino mang lalaking `yon na may-ari ng kuwarto na `yon. I was scared and confused as hell and my head was throbbing, so, I run as fast as I could. And then nine months later, hello, baby Seth.”
“Anong nangyari sa boyfriend mo?”
“Galit na galit siya sa `kin. Iniwan niya ako and the rest was history.”
Umangat ang kamay ni Calyx para haplusin ang pisngi niya. Naramdaman ni Etheyl na tinuyo nito ang luha na hindi niya alam na pumatak na pala sa kanyang pisngi.
“Nakaraan na `yon. Huwag mo nang iyakan pa,” sabi nito na seryosong nakatingin sa mga mata niya. Walang panghuhusga sa mga mata nito katulad ng kanyang inaasahan. “Pero alam mo, may magandang kinalabasan naman ang nangyaring `yon sa `yo.” Tumingin ito kay Seth at ibinalik ang atensiyon sa kanya. “You have Seth. At para sa `kin, dapat kang maging masaya. Don’t dwell on the past because you will not have a bright future if you keep on looking back. Just focus on what’s happening in the present. Kaya nga tinawag `yong present, `di ba, kasi isa `yong regalo mula sa Panginoon. Focus your attention on your son, dahil siya ang present mo. Siya ang regalo ng Diyos sa `yo.”
Napatitig si Etheyl sa binata na nakangiti sa kanya. “Salamat at hindi mo ako hinusgahan.”
“Pinalaki ako ng mga magulang ko na hindi mapanghusga ng kapwa. Pareho lang naman tayong tao, may mga pagkakamali din ako, hindi ako perpekto. And who am I to judge?” anito. “I’m just a mere mortal who’s going crazy over you.”
Umawang ang mga labi niya. “A-ano?”
Umiling si Calyx. “Wala.”
“Ano nga `yon,” pamimilit niya.
Ngumiti ito. “Huwag na, hindi ka naman maniniwala, eh.”
Inirapan niya si Calyx at natahimik silang dalawa nang ilang minuto hanggang sa basagin niya iyon sa isang katanungang matagal na niyang tinatanong sa sarili. “Minsan naisip ko, paano kaya kung hindi ako tumakbo? May ama kaya ngayon ang anak ko?”
Dahan-dahang nawala ang ngiti sa mga labi ni Calyx at nagdilim ang mukha nito.
“Mabuti na ring tumakbo ka,” sabi nito sa walang emosyong boses. “Kasi hindi kita makikilala. Pero kung nangyari man `yang iniisip mo at nakilala kita, wala akong pakialam kahit may asawa ka pa. Hindi ako titigil, hangga’t hindi ka nagiging akin.”
Malalaki ang matang napatitig siya sa guwapong mukha ng binata habang sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso. “Calyx, ano bang pinagsasasabi mo riyan…?”
“I don’t want to see you with another man, Etheyl. Hell, I don’t want men looking at you.” He possessively wrapped his arms around her waist. “I don’t want you to think of another man. I’m a very jealous and possessive man, beautiful. Ang akin ay akin.”
Parang sasabog ang puso niya sa bilis ng tibok niyon. “Pero hindi ako sa `yo—”
“You think that you are not mine, but you are mine, Etheyl.” Inilapit nito ang mukha sa mukha niya. “Kahit ikaila mo ng ilang libong beses, alam kong nakapasok na ako sa sistema mo. I can feel it, Etheyl.”
Bigla siya nitong kinubabawan.
“Calyx—”
Inilapat nito ang mga labi sa mga labi niya pagkatapos ay matiim na tumitig sa kanya na parang binabasa ang nilalaman ng puso at isip niya.
“I don’t want to hear you say that you are thinking about Seth’s father. Dahil nagseselos ako, Etheyl. Ayokong may ibang lalaking laman `yang isip mo maliban sa `kin. Hindi ako papayag na may ibang lalaking umagaw sa `yo.”
Nakaawang lang ang mga labi ni Etheyl sa binata. Hindi siya makapagsalita. Parang nag-freeze ang utak niya sa mga narinig.
“Ayaw mong maniwala sa `kin na ikaw ang tipo kong babae at hindi kita lolokohin, ayos lang `yon sa `kin. But please, don’t think of any guy other than me. Not Seth’s father, not Vincent and not Cole. Ako lang. Just me, Calyx Vargaz.”
Parang sasabog na ang dibdib niya sa bilis ng tibok niyon. “Calyx…”
Ipinikit ni Etheyl ang mga mata nang makita niyang unti-unting bumababa ang mga labi ni Calyx sa mga labi niya. At nang magtagpo ang kanilang mga labi, napabuntong-hininga na lang si Etheyl.
Tama si Calyx, nakapasok na ito sa sistema niya. At `yon ang ikinakatakot niya. Baka dumating ang araw ma-realize na lang niya na nakapasok na rin ito sa kanyang puso.
Nang maghiwalay ang mga labi nila, hindi napigilan ni Etheyl ang sarili na magtanong. “Ako ba talaga ang tipo mong babae? Kasi, Calyx, magsabi ka lang kung sex ang habol mo sa `kin kasi ayokong masaktan—”
“Sshh.” Dumapo ang mga labi nito sa leeg niya at hinalikan siya roon. Gumapang ang halik nito patungong tainga niya. “Etheyl, I will not have a difficulty finding a willing woman to warm my bed. Kung sex lang ang habol ko sa `yo, kaya ko `yong makuha sa ibang babae na walang anak at walang sabit. Pero hindi lang iyon ang gusto ko sa `yo, Etheyl. I want all of you, at kasama na roon ang anak mo.”
Mapait siyang ngumiti. “Ang hirap lang paniwalaan ng lahat ng ito. Ayokong magising isang araw na panaginip lang pala ang lahat, or worse, baka isang bangungot.” Napailing-iling siya habang nakapikit. “Ayoko ng ganito Calyx, natatakot ako sa ganito.”
Habang nakapikit siya, naramdaman niyang hinalikan ni Calyx ang kanyang noo.
“Etheyl, I’m here to stay,” sabi nito.
Hindi siya umimik at nanatiling nakapikit, bumukas lang iyon nang kunin ng binata ang atensiyon niya.
“Etheyl?”
She opened her eyes. “Hmm?”
“I have a request.”
“Ano naman `yon?” kunot ang noong tanong niya.
May pag-aalangan sa mukha ni Calyx bago nagsalita. “Puwede bang huwag mong sabihin kay Seth ang totoo? Gusto kong patuloy niyang isipin na ako ang daddy niya.”
Nagsalubong ang mga kilay niya at marahas siyang umiling. “No. Hindi ako magsisinungaling sa anak ko.”
“Please?”
“Hindi ako papayag. Ayokong magsinungaling sa anak ko.”
“So you would rather tell him the truth and hurt him in the process?”
Natigilan siya, saka napabuntong-hininga. “Truth hurts. Pero mas mabuti na `yon kaysa magsinungaling ako sa kanya.”
Nag-iwas ng tingin si Calyx at umalis sa pagkakakubabaw sa kanya.
“May mali ba sa hiling ko?” mayamaya ay tanong ng binata habang nakatingin kay Seth na mahimbing nang natutulog. “Gusto ko lang naman maging masaya `yong bata. Do you see his face every time he calls me daddy and I call him kiddo? I don’t know a thing or two about being a father, but I’m willing to learn. Doon din naman tayo pupunta, `di ba? Mas makabubuti nang malaman ko ngayon kung paano maging isang ama kaysa naman mangapa ako kapag magkasama na tayo.”
Natigalgal si Etheyl sa huling sinabi ng binata. Doon din sila pupunta? Wait! What?! Alam ba ng lalaking ito ang pinagsasasabi nito? Alam ba ni Calyx ang ibig sabihin ng sinabi nito ngayon-ngayon lang? It’s an indirect marriage proposal! Or maybe she’s just overthinking again. But no… iyon ang pagkakaintindi niya sa sinabi nito.
“Earth to Etheyl. Hey!”
She heard someone snapped a finger. Napakurap-kurap siya at nagtama ang mga mata nila ng binata.
“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni Calyx sa kanya.
Napatitig siya sa binata. “Alam mo ba ang ibig sabihin ng mga pinagsasasabi mo?”
“Yes. I do.”
Napailing-iling na lang siya at bumuga ng hangin. Sigurado siyang hindi nito alam ang pinagsasasabi nito. Pero umasa ang puso niya na sana, may katotohanan ang mga salita na lumabas sa bibig ni Calyx. Then she would be the happiest and luckiest woman in the world.