A MINADO si Blanca na hindi siya magaling magluto. Kapag siya lang mag-isa, madalas siyang nagpapabili ng luto nang ulam, kung hindi man ay nagbubukas na lang ng de-lata. Kapag namimili sa grocery, bihira siyang bumili ng fresh meat. Kadalasang puno ang cart niya ng mga canned goods—Spam, corned beef, Vienna sausage. Sa mga pagkakataong nagluluto siya, masaya na siya sa chicken adobo. Paano siya matututong magluto kung hindi niya naging priority iyon? Palaging nandiyan si Yaya Dahlia at ito ang nagluluto. Nagkataong nasa bakasyon pa rin ang matanda kaya karinderia ang kadalasang takbuhan niya. May malapit niyon sa factory.
Dahil sinabi kay Daniel na magluluto siya, napilitan si Blanca na mag-Google ng recipe. Dumeretso siya sa grocery at namili ng ingredients. Ngayon, nagsisisi siya kung bakit feeling-cook siya kanina at ginustong lutuin ang specialty ni Gordon Ramsay na beef Wellington. It seemed easy and just needed some time. How wrong she was.
Hayun siya ngayon, pawisan, pero ayaw sumuko… Kahit pa walang kahit na anong “well” sa beef Wellington niya. Na-stress na siya at nagpatulong kay Aling Yolly na alam niyang ume-extra bilang kusinera.
“Naku, Ma’am, ano ba naman itong niluluto natin? Pansosyal naman ito,” reklamo ng matanda, na-stress na rin.
Pinanood nila ang video.
“Ano daw ang sabi, Ma’am? Pagkabalot sa karne sa tinapay, kailangan ilagay sa ref nang matagal?”
“Puwede na siguro kahit kalahating oras, para lang naman daw tumigas.”
“ Aysus , mas madali pang tumigas ang sa asawa ko,” sabi ni Aling Yolly, parang wala sa loob.
Nagkatawanan tuloy sila. Sa huli, nagawa naman nilang maisalang ang beef Wellington kuno sa oven na noon lang nagamit ni Blanca sa tanang buhay niya. Walang gumagamit niyon, kahit si Yaya Dahlia.
“Ilang minuto lang daw, Aling Yols. Paki-pack na lang din kapag luto na po. Maliligo lang ako saglit,” paalam niya. Inabot na siya hanggang alas-kuwatro y medya sa pagluluto at mayamaya ay darating na si Daniel.
Nag-ayos na si Blanca, may pagmamadali dahil kahit kailan, hindi na-late ang lalaki, isang bagay na gustong-gusto niya rito.
Nang lumabas siya, nailagay na ni Aling Yolly ang iniluto nila sa lalagyan at nagpaalam na itong babalik sa factory. Inilagay niya ang aluminum dish sa food basket na madalas niyang paglagyan ng pagkain ni Mitchell. Naglagay siya roon ng kanin, tinapay, at mga de-lata, just in case.
Nang matapos siya, eksaktong nandoon na rin si Daniel. “It smells nice in here. What have you been cooking?”
“If you really must know, I made beef Wellington.”
“Very nice.”
Hindi na lang umimik si Blanca. Mukhang naging maayos naman ang kinalabasan ng niluto nila ni Aling Yolly, kahit pa nga hindi kamukha ng malinis na trabaho ni Gordon Ramsay. Baka naman masarap.
Lumakad na sila.
Wala raw alam na lugar na puwedeng puntahan si Daniel na malapit sa Maynila, pero sa Google search nito, parang maganda raw sa Antipolo o Tagaytay, her choice. She chose Tagaytay. Mas malamig doon, mas sariwa ang hangin. Off they went. He used a map app and they got there before seven in the evening.
“May nagpi-picnic ba nang gabi?” tanong ni Blanca.
Ang lakas ng tawa ni Daniel. “Well, we can sleep over and do that tomorrow.”
Napangiti si Blanca. Dahil madilim na ang paligid, nagyaya ito sa Taal Vista Hotel. Nakakahiya namang kumain doon ng dalang baon kaya hindi na nila inilabas ang pagkain.
“But we can stay until tomorrow, I’m serious,” sabi ng lalaki.
“I guess that would work.” Truth was she wanted and needed to spend more time with him. Walang silbing i-deny ni Blanca ang totoo. Kung puwede lang na patigilin niya ang oras kapag magkasama sila, ginawa na siguro niya. Kung noon parang napakabagal umusad ng oras, mula nang magkakilala sila ni Daniel, parang bumilis iyon masyado. She was happy everyday. Spending more time with him only meant she would be happy much longer.
Kumain sila sa restaurant, saka nagpunta sa garden. Mula roon, makikita ang maliliit na ilaw sa Taal Lake sa ibaba, kahit pa nga silhouette lang ng bulkan ang matatanaw. Sa kaliwa, makikita naman ang makulay at malaking Ferris wheel ng Sky Ranch. The breeze was cold. Hindi pa nararamdaman ang lamig sa Maynila, pero doon sa ganoong oras, dama na iyon. Christmas was only a few months away.
Ibinigay sa kanya ni Daniel ang jacket. It smelled of him. His scent was faint, but it was masculine. Masarap iyon sa kanyang ilong.
“Nakasakay ka na ba sa Ferris wheel?” tanong ng lalaki.
“Yes. But I never enjoyed riding those things. Naaalala kong mahilig sa ganyan si Mitchell noon. Matagal bago nag-mature ang isang `yon. Madalas niya akong niyayaya noon, lalo na kapag malapit na ang Pasko. He never forgot the good times when he was little and Mama and Papa were still alive. Every year, they took us to Disneyland—in Japan, the States. Universal Studios, as well. Noong wala na sila, ako ang palaging niyayaya ni Mitchell, pero hindi ko na gusto noon.”
“So boring.” Ngiting-ngiti si Daniel.
“I know!” Natawa si Blanca habang nakatingin sa lalaki. “Do you take it against me?”
“I told you, I’m pretty boring myself.”
“I disagree.” Si Daniel yata ang pinakainteresanteng tao na nakilala ni Blanca. Kailangan bang maging adventurous ng isang tao para hindi maging boring? Personally, mas interesado siya sa sasabihin ng isang tao. After all, when there was nothing else to do, and the body and spirit were too tired to travel, what remained were chemistry and meaningful conversations.
She wanted a man who was willing to journey through life with her. Someone who would look at her and never get tired of her, even though she was far from being wild and adventurous. Despite what some people said about her, she believed she was a simple woman who enjoyed simple things. Naubos na yata ang energy ni Blanca sa adventure mula nang padalhan siya ng tadhana ng sunod-sunod na “adventure.” She liked a safe, comfortable place now.
“I like a simple life, Blanca,” sabi ni Daniel.
“Me, too. But you’re much too young.”
“Really?” Mukhang nang-iinis ito. “So you’re saying you’re old?”
Iyon talaga ang gustong sabihin ni Blanca dahil mas matanda siya kumpara kay Daniel, pero sa pang-iinis nito, hindi siya papatalo. “I’m forever twenty-one.”
Ang lakas ng tawa ng lalaki. “Then we can ride that Ferris wheel?”
“You bet your ass, we can.”
“Wala silang senior citizen discount.”
Bigla niya itong hinampas sa braso, kahit medyo napahiya siya. She really was older than he was. Hindi niya iyon maramdaman kapag magkasama sila, pero iyon ang totoo. Kasing-edad ni Mitchell si Daniel. Nakakailang. Pero mukhang hindi naman iyon iniinda ni Daniel, kung hindi lang siya nag-bring up ng topic.
Lumabas sila ng hotel at nagpunta sa Sky Ranch. Nang makababa ng sasakyan, si Daniel na ang bumili ng tickets nila. Hindi pa nagtagal, nakapila na sila sa Ferris wheel. Maraming mga kabataan ang nandoon, nagse-selfie.
Inilabas ni Blanca ang camera at nag-selfie rin sila. “Who’s old now?” tanong niya matapos mag-pose tulad ng mga kabataan—naka-peace sign sa gilid ng mukha.
Tawa nang tawa si Daniel. He looked more gorgeous when he laughed like that. Nakatingin lang si Blanca sa guwapong mukha ng lalaki. Her spirit was soaring high. She realized even more how bland her life had been—before him, at least. Ngayong masaya siya, ayaw niyang pakawalan iyon.
Mayamaya, nakasakay na sila sa Ferris wheel. He kept taking pictures of her. Ganoon din naman siya. Napakabagal pala ng andar ng Ferris wheel. Hindi rin niya inakala na kahit mabagal iyon, matatakot siya nang malapit na sila sa kaitaasan. Hindi na niya nagawang hawakan ang camera at inilagay na iyon sa bag. Nag-concentrate siya sa paghawak sa lahat ng puwedeng kapitan.
Kahit natatawa sa kanya si Daniel, hindi niya pinansin ang lalaki. Parang nanunukso nitong pinauga ang sinasakyan nila.
“Stop it!” saway ni Blanca.
“What? We’re not gonna fall.”
“Just stop!” Pinandilatan ni Blanca ang lalaki.
Sumunod naman si Daniel, kahit pa nga natatawa pa rin. Parang gusto siyang alalayan, pero pinigilan niya.
“Don’t even think about it. Mawawala ang balance nito. Diyan ka lang. `Wag kang gagalaw. `Wag kang hihinga.”
“Yes, Mom.”
It caught her by surprise, the pain of those words. Alam ni Blanca na nagbibiro lang si Daniel, pero nasaktan talaga siya. Siguro nga totoo na kapag insecure, nagiging sensitive. She was well aware that she was much older. She was aware that she could indeed sound like a mother. She had a nurturing nature, aside from the fact that she never had any chance to actually interact with a boyfriend for a long time.
Hindi siya nakaimik. Hindi siya makapaghintay na makababa ang sinasakyan nilang capsule. Nakakainis dahil wala siyang ibang puwedeng tingnan kundi si Daniel o ang ibaba—na ayaw niyang gawin pareho. Nakakalula ang labas, naiinis naman siya sa sarili at mas maiinis at mapapahiya kapag tumingin kay Daniel.
“I’m sorry, that was uncalled for.”
“No, it’s nothing,” sagot ni Blanca.
“I mean it.” Seryoso ang boses ni Daniel.
Tumingin si Blanca sa lalaki. Parang nakikiusap ang mga mata nito. Napabuntong-hininga siya at napahiya. “It’s silly, don’t worry about it.”
“It isn’t silly. Kasalanan ko. I really don’t know how to joke. I live in a farm, alone most of the time. I’m sorry, Blanca.”
“But it’s true, you know. I’m too old compared to you.”
“Are you kidding me? You’re four years older, sure. You know my father was middle-aged when he got my mother pregnant at nineteen.”
“He’s a man.”
“So? Don’t let feminists hear you.”
Bigla tuloy natawa si Blanca. Oo nga naman. Kung ang mga lalaking pagkatatanda na, nagkakaroon pa ng mga girlfriend na ang babata, bakit naman siya maiilang na magkaroon ng relasyon sa isang lalaking mas bata lang sa kanya ng apat na taon? Four years was nothing.
Inabot nito ang kanyang kamay at pinisil. “Hey, we okay?”
“We are. I’m sorry for being overly dramatic. It’s the age.”
Sabay silang natawa. He held her hand until they had to leave the capsule. Nag-ikot-ikot sila sa Sky Ranch at mayamaya ay nagyaya na rin si Daniel pabalik sa hotel. They booked a room. He asked her, “Do we need to book two separate rooms?”
Biglang kinabahan si Blanca. What was she supposed to say? Naisip din niya na masyado na siyang matanda para magpaligoy-ligoy. “It’s all right. We can get a twin room.”
“No available twin rooms, Ma’am.”
“It’s all right.” She felt awkward, but Daniel took over and booked a room for them. Nagkakatawanan sila habang nasa elevator. Wala silang baong damit, pero may baong pagkain. Ang kaawa-awang beef Wellington ni Blanca, mukhang hindi na matitikman pa.
Nang makarating sa kuwarto, agad niyang inilabas ang niluto. Medyo mainit pa rin iyon, salamat sa insulation ng food basket. “Nice. It’s still warm.”
“Let me try then.” Inililis ni Daniel ang manggas ng suot na polo, kinalas ang ilang butones niyon.
Inalis ni Blanca ang takip ng plastic dish. Hindi kagandahan ang hitsura ng pagkain, pero maganda pa rin, kumpara sa katotohanang hindi siya marunong magluto. May dala siyang mga kubyertos. She sliced into the log of beef wrapped in puff pastry. She sliced into it. It was well-done. Dapat medium rare lang iyon, pero nasobrahan ang pagprito niya. Matalim ang kutsilyo at nadama niya agad na hindi gaanong malambot ang karne.
“I think it’s not as soft as Ramsay said.”
“We’ll see.” Daniel sliced a small piece and chewed on it. “Hmmm… Hmmm…”
Agad na humiwa si Blanca ng para sa kanya dahil hindi siya natuwa sa reaksiyon ng lalaki, halatang nagpapanggap lang! Pagsubo niya, agad inasinta ng nakakalokang alat ang kanyang dila. Pilit niyang nginuya ang karne, pero nakatasan na niya iyon sa bibig ay hindi pa rin nagawang lunukin. Naging sapal lang iyon. Walang-imik siyang tumuloy sa banyo at iniluwa roon ang laman ng bibig, saka muling lumabas.
“I’m sorry for putting you through that misery.”
Ang lakas ng tawa ni Daniel. “I liked it.”
“Really?”
“No. But you made it so I like it.”
Napairap si Blanca.
Inakbayan siya nito. “You tried and it was good, except for the beef.”
“Next time you have to try my chicken adobo. I admit it, it’s the only thing I can make. It’s not excellent, but it’s edible.”
Tawa nang tawa si Daniel. “You’re funny, do you know that?”
“Or maybe you just don’t have any funny people around you,” sagot niya.
“Could be true, too. Come here.”
Humakbang si Blanca palapit, nakangiti. Ikinulong ni Daniel sa mga palad ang kanyang mukha. He stroked her cheek before kissing her lips. She was absolutely stunned at the intensity of it. She was breathless, her heart was pounding in her ears. Napatingin siya sa mukha ng lalaki. He was intently looking at her, as if searching for something. Was he also caught unaware of the chemistry they had?
Hinaplos niya ang pisngi ni Daniel. She was trying to find out what was it about him that made her so weak in the knees. Inabot nito ang kanyang kamay, saka hinalikan. He smiled. “What do you want to do now?”
Stare at your face . Ngumiti si Blanca. Kung puwede nga lang niyang sabihin, bakit hindi? “Why don’t we play a game?”
“A game?” tanong ni Daniel.
“I saw it on YouTube.”
“All right. What do we do?”
“Ask each other questions. It’s called ‘Never Have I Ever.’”
“I’ve heard about it. Let’s do it.”
Nag-Google si Blanca ng mga tanong, pagkatapos ay nagsulat sa dalawang papel ng “NEVER” sa unahan at “I HAVE” sa likod. Ang unang tanong na napili niya, “Never have I ever broken somebody’s heart.”
“Yes. My ex-wife.”
“What happened?” Iyon talaga ang gustong malaman ni Blanca. Paano nga ba itatanong ang ganoon kaselang tanong nang hindi lalabas na para siyang imbestigador?
Bumuntong-hininga si Daniel. “She said that even if I married her, I wasn’t ready for it.”
“Was it true?”
“I guess.”
“Why did you marry her when you weren’t ready?” Lalong na-curious si Blanca. “What’s she like anyway? She’s American?”
“Yes, she is from the States, a nurse. I met her in a party. We dated for a year and then I asked her to marry me. She said yes. And then came the divorce after a year. I wasn’t always around for her. I was always busy. I wasn’t emotionally there for her and she’s only human.”
“I’m sorry to hear. Well, a-are you ready now?”
Biglang ngumiti ang lalaki. “What do you think?”
Nandilat si Blanca. “How should I know?”
Ang lakas ng tawa ni Daniel. “How about you?”
“No. I don’t think I have. I mean, I’ve broken up with boyfriends a few times, but I don’t think they were heartbroken at all. Ni wala nga sa kanila ang tumawag sa akin para makipagbalikan. Parang masaya pa sila na nakipag-break na ako. Iyong ibang babae, palaging sinasabi na gustong makipagbalikan ng mga ex nila sa kanila. Pero iyong akin, mga masasaya yata.”
Sabay silang natawa.
Pero totoo ang sinabi ni Blanca. Siguro, talagang hindi siya minahal ng mga naging boyfriend. “I guess they never really loved me.”
“Fools.”
“I told you, I’m boring.”
“I told you, you’re not.”
“Sino ang hindi boring na magyayaya ng ganitong game?”
“Touché.”
Ang lakas ng tawanan nila. Mula sa mesa, niyaya siya ni Daniel sa kama. May kaba sa kanyang dibdib, kahit pa nga hindi siya nakakaramdam ng kahit na anong kaba sa posibleng mangyari. Inakbayan siya nito. “Tell me why you haven’t found the one yet.”
“He doesn’t have an Uber app.”
Tawanan sila nang tawanan. They talked about anything and everything under the sun. Siguro nga, napakasimple ng buhay nilang dalawa kumpara sa iba, pero may mga taong sadyang tulad nila.
“Malapit na ang Undas,” biglang nasabi ni Blanca. “Will you go back to the States? Your mother is there, right?”
“I visit on her birthday. You?”
“Same thing for me. You know what I have always wanted to experience? Halloween. Trick or treating sounds fun. Ang kaso wala naman dito.”
Ikinuwento ni Daniel ang trick or treat nito sa Amerika taon-taon, kung kailan naghahanda ito ng mga candy para sa mga bata, pero isa o dalawa lang ang kadalasang nagpupunta dahil sa layo ng farm nito. May service na kotse ang trick or treaters. Masaya raw palagi ang mga bata dahil sa dami ng candy na ibinibigay nito. Umaasa kasi si Daniel na para sana iyon sa maraming mga bata, pero dahil halos walang nagpupunta, nauuwi sa dalawa.
“You seem to like children.”
“I love children.” He would be a good father, that much she could tell. “You always say you’re boring. Do you want to change that?”
“I don’t know if I will be happy changing me at all.”
“I meant why don’t we make a list of everything we have always wanted to do but never got any chance to get to.”
“Sounds fun. Like a bucket list.”
Iyon nga ang kanilang ginawa. Soon, they had a list. Ang iba sa mga iyon, hindi naman maituturing na adventurous o out of the ordinary. Blanca realized even more that she needed to make something out of her time, her life. It was great that she was going to do so with Daniel.
Their eyes met and he kissed her again. The kiss turned hot. Akala ni Blanca, matutuloy iyon sa iba pa, pero tumigil si Daniel. He didn’t say anything else but just held her. In his arms she slept peacefully.