lookupnovel logo lookupnovel
Favourite Obsession

Chapter 21

Ch. 22 / 35 Apr 08, 2022

HEART IN THE BOX

“MISS Virgo, may dumating pong package sa inyo,” sabi ng isa sa mga kasambahay nina Vixor nang makauwi siya nang araw na iyon. Hindi niya kasama ang lalaki dahil may ginagawa raw itong importante.

“Salamat,” sabi niya nang nakangiti, saka tinanggap ang maliit na box na iniabot nito. She went to her room and excitedly opened the package.

Napasinghap si Virgo at mabilis na nabitiwan ang box nang makita ang laman niyon. It was a heart. A very fresh heart. Iyong puso na katatanggal pa lang sa isang katawan. Blood was still surrounding the organ. Tatakpan sana niya ang box nang mapansing may nakasulat sa likod ng takip ng kahon. Binasa niya iyon. Para siyang nanghina.

The next time you receive a box, puso na ni Lucien ang laman niyon. So, if you don’t want your Lucien to die, stay away from him. Don’t talk to him. Don’t visit him and don’t even think of him. Understand? Good.

Mabilis niyang tinakpan ang kahon. Nagpalit ng sweatshirt at maikling denim short si Virgo. Dala ang kahon na may lamang puso, tumalon siya mula sa terasa ng kuwarto nila ni Vixor at mabilis na tumakbo papunta sa bahay nina Lucien. Hindi niya alam kung bakit doon siya dinala ng mga paa, pero hindi na siya nag-isip pa.

Kailangan niyang makita si Lucien. Parang naninikip ang dibdib niya habang paulit-ulit na pumapasok sa isip ang sulat na nasa likod ng takip ng karton.

Nang makarating sa destinasyon, mabilis siyang umakyat sa terasa ng kuwarto ni Lucien at kumatok sa sliding door na kumokonekta sa kuwarto nito.

Seconds later, the door opened. Pumasok agad siya at hinanap ng mga mata si Lucien. He was casually leaning on the sliding door, door frame, hiding from the sun. Mabilis niyang isinara ang pinto at humarap sa lalaki.

“May kaaway ka ba?” tanong agad niya.

Kinunutan siya ng noo ni Lucien. “Wala naman. Bakit?”

Bumuga siya ng hangin at iniabot ang box. “I received that today.”

Tinanggap ni Lucien ang kahon at binuksan iyon. He grimaced when he saw a bleeding heart inside.

Itinuro niya ang takip ng kahon. “Read it.”

Agad naman iyong binasa ni Lucien. Mahina itong napatawa, saka matiim siyang tinitigan. “Bakit ka nandito, Virgo? Nag-aalala ka sa akin?”

Mabilis siyang umiling. “Gusto ko lang magtanong kung may kaaway ka. Ayoko ng tinatakot ako. Halos buong buhay ko, takot ang naghahari sa buo kong pagkatao, pero hindi na ngayon. Kung sino man ang nagpadala sa akin niyan, sisiguruhin kong puso niya ang ilalagay ko sa isang kahon,” galit na sabi niya, saka bumuga ng hangin para pakalmahin ang sarili.

Nanginginig ang mga kamay niya sa galit na nararamdaman. Virgo knew her eyes were now red.

Inilapag ni Lucien ang kahon sa ibabaw ng mesa na malapit dito at naglakad palapit sa kanya. She could see the uncertainty in his move. Parang gusto nitong lumapit, pero may pumipigil dito.

Virgo blew a breath and sat on Lucien’s bed. “Take away my anger. Oh, God. Take it away. Erase it.” She wanted to strangle someone to death. She wanted to kill someone.

Mapaklang tumawa si Lucien. “I can’t.”

Tiningnan niya ito nang masama. “At bakit? `Di ba, magaling ka sa pag-control ng emosyon? Bakit hindi mo kayang gawin `yon ngayon?”

“Virgo, I regret what I did to you two years ago. Hindi ko na gagawin ulit `yon sa `yo kahit pa may permiso mo,” sabi nito saka bumuga ng hangin.

Mahina siyang tumawa. “Ganoon ba? Nagbago ka na pala. Good for you then.”

Tumabi ng upo si Lucien, saka huminga nang malalim. “So, you can run around in the sun, huh? How do you do that?”

Unti-unti siyang kumalma. “Vixor tattooed me.” Ipinakita niya ang tatoo sa daliri. “Protection from the sun.”

Napatango-tango ang lalaki. “Royalty thing.”

“Yeah.”

“Masaya ka ba sa piling niya?”

“Oo. He’s good to me. At laging sinisiguro ni Vixor na safe ako.”

“That’s good.” He sounded like choking.

“Lucien?”

“Hmm?”

“I hate you for controlling my emotions before. Pero ayoko namang makita ang puso mo na nakalagay sa kahon.”

“Then stay away from me.”

Napatitig si Virgo sa lalaki. “Sa tingin mo, hindi `yon ang ginagawa ko?”

Lucien chuckled sardonically. “Virgo, tumakbo ka papunta sa akin nang matanggap mo ang kahon na `yan. Sigurado ka ba na ayaw mong makita ang puso ko sa kahon? Kasi sa ginawa mo, malaki ang posibilidad na mangyari nga `yon.”

Virgo cursed. Bakit ba hindi niya iyon naisip?

“I’m so sorry. I’m just worried—” She stopped talking when she realized what she had just said.

“Worried?” Lucien smiled. “Why? Why are you worried over me, Virgo?”

Natigilan siya sa tanong nito. She didn’t know the answer to that.

Napailing-iling si Lucien nang hindi siya makasagot. “Huwag kang mag-alala sa akin. Alalahanin mo ang sarili mo. Ikaw ang tinatakot ng kung sino mang nagpadala ng kahon, hindi ako. Kaya mag-ingat ka.”

Nagbaba siya ng tingin. “Hindi ako natatakot.”

“Virgo, I can still feel your emotion. Alam kong natatakot ka. Don’t lie to yourself. Kailangang sabihin mo kay Vixor na nakatanggap ka ng ganoong bagay para malaman niya kung paano ka mas mapoprotektahan.”

She sighed. “Ayokong sabihin kay Vixor. Ayokong mandamay ng ibang tao.”

Tumayo si Lucien at naglakad papunta sa pinto ng terrace saka iyon binuksan. “Kung ganoon, makakaalis ka na.”

Napatitig si Virgo sa nakabukas na pinto at kay Lucien. “Noon, gusto mong manatili ako. Ngayon naman, gusto mong umalis ako. Ang gulo mo.” Mabilis siyang lumabas sa kuwarto at bumalik sa mansiyon ng mga Simonides.

NANG makaalis si Virgo, naglakad si Lucien papunta sa vault ng kuwarto niya. Kinuha niya mula roon ang kaparehong kahon na natanggap ni Virgo. Natanggap niya ang kahon kaninang madaling-araw.

Inilapag ni Lucien ang box sa tabi ng box ni Virgo at binuksan nang sabay ang dalawang kahon.

Bleeding heart.

Iyon ang laman ng kahon na natanggap niya. At katulad ng kay Virgo, may nakasulat din sa likod ng takip.

Kung ayaw mong ang puso ni Virgo ang maging laman ng kahon na ito, lumayo ka. Kalimutan mo siya at huwag kang manggugulo. Understand? Good.

His jaw tightened. Ayos lang sa kanya na takutin siya, pero hindi puwedeng pati si Virgo, madamay sa kalokohang iyon. Kawawa naman ang babae. Alam niyang natatakot ito. Nararamdaman niya iyon.

Lucien badly wanted to erase her fear. But he reigned himself. Iyon ang hindi maganda sa kanya, eh. Pagdating kay Virgo, he can do anything, even do forbidden things like controlling her emotion, just to keep her safe.

Napatitig ulit si Lucien sa dalawang kahon na nasa harap niya.

The box had no trace. Kung sino man ang nagpadala niyon, nasisiguro niyang sanay na iyon na magpadala ng kung ano-ano sa ibang tao. He should investigate. Walang puwedeng manakot sa babaeng mahal niya.

Bumukas ang pinto ng kuwarto niya.

“Since when did you let threats stop you?” tanong ng kanyang ama.

Tinakpan ni Lucien ang dalawang kahon at humarap sa ama. “Tinatakot din nila si Virgo. She’s my strength and also my weakness. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa kanya nang ako ang dahilan.”

Napailing-iling ang kanyang ama. “You need to mate with her, Lucien.”

Bumuntong-hininga siya. “That’s impossible to happen. As you know, she hates me.”

“It’s not impossible.” Tinapik nito ang balikat niya. “Naniniwala akong mahal ka ni Virgo. Kailangan mo lang siyang suyuin. Ipakita mo sa kanya na mahal mo siya.” Pagkatapos, kinuha nito ang dalawang kahon na may lamang puso. “Sa akin na `to. Tandaan mo ang sinabi ko. Huwag kang matakot sa kung sino man ang nagpada nito. Ako na ang bahala.”

“Thanks, Dad.”

“No problem, Lucien. Just do what you have to do.”

Iniwan siya ng ama sa kuwarto niya. Bumuntong-hininga siya at napapikit nang maamoy ang mabangong halimuyak ng dugo ni Virgo. Her scent still lingered in the air of his room.

Holy hell! I miss her so much!

WHEN Virgo arrived in Simonides Mansion, she went invisible when she heard shouts inside the mansion. Pumasok siya sa loob ng mansiyon at dahan-dahang naglakad papunta sa nagsisigawan. It was Vixor and his mother.

“Stop it already!” sigaw ni Vixor. “You’re destroying lives! Ilang buhay na ba ang nasira n’yo ni Daddy? Pati buhay ko, sinira n’yo! Kaya namatay ang kakambal ko dahil sa inyo. You made him a monster. You killed him—”

“Si Lucien ang pumatay sa kakambal mo!” balik-sigaw ng ina nito. “Siya ang may kasalanan! Kaya si Virgo, alagaan mo siyang mabuti. Kasi siya lang ang alas natin kay Lucien. Make her fall for you. Mate with her if you must. Siya ang kahinaan ni Lucien. At habang magkasama kayo ni Virgo, nasasaktan si Lucien. Dapat lang `yon sa kanya!”

Umiling-iling si Vixor. “No. Kayo ang pumatay kay Vixon. Kung hindi n’yo kami pinag-eksperimentuhan, buhay pa sana siya ngayon. And Virgo is not someone that I want to fool. Ayoko.”

Tumawa nang nakakainsulto ang ina nito. “Virgo is a pawn, Vixor. Gumising ka. Nasa poder na natin siya. Gagamitin natin siya para makapaghiganti kay Lucien. Hindi naman `yon malalaman ni Virgo dahil wala naman siyang alam lagi.”

Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang sarili na sigawan ang babae na akala niya ay mabait. Iyon pala, may binabalak itong masama at gusto pa siyang idamay.

“No, Mom,” sabi ni Vixor. “Hindi isang pawn si Virgo.”

Vixor’s mother shrugged nonchalantly. “Bahala ka. Basta tuloy ang plano para lalo pang maging makapangyarihan ang mga kalahi natin.”

Umingos si Vixor. “They’ll stop you and Dad.”

“Sino? Ang mga pesteng hunters na `yon?” Tumawa ito. “As if they can stop me.”

Napailing-iling si Vixor. “Bahala kayo sa mga binabalak n’yo. I’m out. I don’t want to be one of your pawns, Mom. No.”

Umalis si Vixor at iniwan ang ina sa loob ng library. Si Virgo naman, dahan-dahang umalis na rin at nagpunta sa kuwarto nila ni Vixor. Bumubuo siya ng plano para iligtas ang sarili. Hindi niya hahayaang kontrolin na naman siya ng kung sino. No way in hell she’d let that happen.

VIXOR stood on the edge of the rooftop in their mansion. May earphones sa mga tainga niya habang pinapakinggan ang sinasabi ng kausap sa kabilang linya.

“We located five rogues. Kapareho n’yo sila ni Lucien Kallean. They are now in the dungeon. Hinihintay lang namin ang utos mo para sa susunod naming gagawin.”

He sighed and looked at the dark sky. “Ikulong n’yo muna. Wait for my orders. May kakausapin pa ako.”

“Masusunod, Kamahalan.”

Nang mawala ang kausap sa kabilang linya, tinawagan ni Vixor ang taong matagal na niyang gustong kausapin.

“This is Vixor,” sabi niya nang sagutin ng nasa kabilang linya ang tawag. “We need to talk.”

“What do you want?” Matalim ang boses ng nasa kabilang linya. “Where did you get my number?”

“I’m a prince. I have connections.”

Pagak na tumawa ang nasa kabilang linya. “Ano’ng kailangan mo?”

“Kailangan ko ang tulong mo. Rogue’s like us were captured. They are now being held in the dungeon.”

“Like us?” May pagkabahala sa boses nito. “Anong ibig mong sabihin?”

“There are lots of rogues like us. Not a normal rogue,” sabi niya. “Kasalanan `yon ng mga magulang ko. They have to be stopped. Baka pati ang nag-iisa kong kapatid, madamay sa mga plano nila. Hindi `yon puwede. Nagpapahiwatig na sila. Kilala ko ang kapatid ko, hindi `yon tatanggi.”

“So, kaya mo `to ginagawa dahil may personal kang dahilan.”

Vixor chuckled. “Oo. So, ano, tutulong ka?”

Bumuntong-hininga ang kausap. “Paano ko masisigurong hindi ka kasama ng mga magulang mo sa kabaliwan nila?”

Vixor smiled. “My mom wants to use Virgo—”

“I’m in.”

Natawa siya. “Kapag si Virgo talaga, kahit ano gagawin mo.”

“Yeah. See you in Hegro Lake.”

Natigilan si Vixor. “Paano mo nalaman na nandoon ang headquarters na itinayo ko?”

“I do know how to spy and investigate, your highness.” Pagkasabi niyon, pinatayan siya nito ng tawag.

Napailing-iling na lang siya, saka tumalon mula sa rooftop.

HABANG nasa banyo si Virgo at naliligo, paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang sinabi ng ina ni Vixor kanina.

She was Lucien’s weakness. Nasasaktan si Lucien dahil sa kanya.

Was that true?

Her heart wouldn’t stop beating so fast. And her mind was now in turmoil. Ano ang dapat niyang gawin? Oo nga at galit siya kay Lucien, pero hindi naman niya inisip na paghigantihan o saktan din ang lalaki tulad ng ginawa nito sa kanya.

Kung magiging tapat lang si Virgo sa sarili at hahayaan ang baliw niyang puso na magdesisyon, baka nasa piling na siya ngayon ni Lucien. Gusto niyang i-deny at magkunwari na hindi niya alam ang dahilan ng kakaibang pagtibok ng kanyang puso.

Pero hanggang kailan niya kayang magkunwari sa nararamdaman ng kanyang puso? Hanggang kailan?