NAGISING si Pham na parang may kumikiliti sa pagkababae niya. Nang imulat niya ang mga mata at bumaba ang tingin, napaawang na lang ang kanyang mga labi nang makita ang ulo ni Marcus na nasa pagitan ng mga hita niya at abala sa pagpapaligaya sa kanya. Napakagat-labi na lang siya at napaungol nang halik-halikan nito ang hiyas niya.
“Oooh…”
Marcus stopped licking her, he looked up at her and smiled. “Good morning, sunshine.”
Mahina siyang natawa. “Kakaiba namang `tong pagbati mo ng good morning.”
His eyes were shining with delight. “Gusto mo ba?”
Kagat-labing tumango si Pham. “Oo.”
“Good answer.” Bumalik ito sa pagsamba sa pagkababae niya.
Napasabunot siya sa buhok ni Marcus habang gumagalaw ang dila nito paikot-ikot sa kanyang hiyas.
“Oooh!” Her toes were curling. “Marcus…”
Halos isubsob ni Pham ang ulo nito sa pagkababae niya. Pabiling-biling ang kanyang ulo sa sobrang sarap. She wanted more. More...
“Marcus…” Umaangat ang balakang ni Pham para salubungin ang dila nito na walang tigil sa paggalaw para paligayahin siya.
“Marcus… Oh, God!” Malapit na siyang labasan. “Bilisan mo pa, Marcus… Please, oooh! Faster… Oooh…” Pham was moaning with so much pleasure. “Malapit na ako, Marcus—Oooh!”
He sucked her clit and Pham screamed as she climaxed. Pero kahit nilabasan na siya, patuloy pa rin si Marcus sa pagdila sa kanyang pagkababae. Pilit niya itong itinutulak dahil hindi na niya kaya ang kiliti.
“Marcus! Tama na! Hindi ko na kaya!”
Natatawang tumigil si Marcus at tumingala sa kanya. “Good morning again.”
“`Morning…”
Marcus climbed on top of her and nuzzled her neck. Nang mapunta ang mga labi nito sa tainga niya ay bumulong ito.
“Puwede ko bang ipasok?”
Napakurap-kurap si Pham. “Ha?”
“Puwede ko bang ipasok sa loob mo?”
That question made her cheeks heat up. “B-bakit ka nagtatanong?”
“I need your approval.”
Napaawang ang mga labi niya. “Marcus naman.”
He kissed her neck and licked her earlobe. “Well, sunshine? Can I?”
Kagat-labing napatango si Pham. “Oo.”
“Hmm…” With that, Marcus slid himself inside her, making her moan again.
AFTER their hot, steamy good morning love making, Pham and Marcus had their breakfast in Eroticafe. Magkahawak-kamay silang pumasok sa loob ng cafe at pinili ang mesang nasa gilid. Agad namang may lumapit sa kanilang waiter.
“Happy erotic morning, Ma’am and Sir,” malapad ang ngiting bati sa kanila ng waiter. “May I take your order?”
Pinangunahan na ni Pham si Marcus. Inagaw niya ang hawak nitong menu saka nakangising um-order.
“Hmm… One sexy black coffee for him and a very sexy cold mocha coffee blend frappe for me.”
Pinandilatan siya ni Marcus. “Malamig na agad ang iinumin mo sa umaga?”
Nginitian niya ito nang matamis. “`Di ba, sabi ni Doc, kainin ko ang gusto kong kainin at gusto ko ng frappe.” Sinimangutan niya ito. “Huwag mong sabihing bawal din `yon, masasakal kita, Marcus.”
Napailing-iling na lang ang lalaki at napabuntong-hininga saka inagaw sa kanya ang menu at ito na ang nagpatuloy sa order niya.
“Hot pancakes for her and a salmon sandwich for me,” sabi nito.
Lalo niya itong sinimangutan. “Hindi mo in-order ang gusto ko.”
“Iniinis mo lang ako.”
Inirapan niya si Marcus saka nakangiting tumingin sa waiter. “At isang Boobironi pasta for him and a Penironi Carbonara for me.”
Malapad na ngumiti ang waiter. “Is that all, Madam, Sir?”
“Oo, `yon lang,” pagtataboy ni Marcus sa waiter.
Inirapan niya ang kasama. “Ikaw talaga, kontrabida ka kahit kailan.”
Inosenteng ngumiti si Marcus. “Ano na naman ang ginawa ko? Hinayaan na nga kitang order-an ako ng boobs something na `yon.”
Pham chuckled. “Boobironi,” pagtatama niya. “Saka susubuan naman kita ng Boobironi pasta. Ayaw mo?”
Umaliwalas agad ang mukha ni Marcus. “I like.”
“`Yon naman pala, eh, di manahimik ka riyan.”
Napailing-iling na lang ito at napabuntong-hininga. “You really love pissing me off, huh?”
Nakangiti siyang tumango. “Nakakatawa kasi ang mukha mo kapag naiinis ka. Lalo na kapag gumagalaw ang panga mo sa pagtitimpi ng galit. Ang sarap kurutin ng pisngi mo. Nakakatawa.”
Marcus just shook his head in disbelief. “You’re being weird.”
“Siguro parte ito ng pagbubuntis ko,” sabi niya habang hinahaplos ang tiyan at nakangiti. “Kaya tiisin mo na lang. Ikaw naman ang nakabuntis sa akin, eh.”
Sa halip na sumagot, napatitig lang sa kanya si Marcus. He had this soft expression on his gorgeous face as he stared at her.
“What?” tanong ni Pham.
“Ito ang unang pagkakataon na binanggit mong buntis ka at nakangiti ka,” komento nito.
Parang sinakal ang puso niya sa sinabi nito. “I’m sorry. But contrary to your belief, Mr. Marcus Dela Cruz, hindi ko ipapa-abort si baby.” Nginitian niya ito. “Now, let’s stop talking about my pregnancy.” Ipinatong ni Pham ang mga siko sa gilid ng mesa saka lumapit dito. “Tell me about yourself, Sir Marcus.”
Tumaas ang isa nitong kilay. “Sir Marcus talaga?”
“What?” Mahina siyang natawa sa naging reaksiyon ng lalaki. “Isipin mo na lang na nagtatrabaho pa rin ako sa kompanya mo at itinext mo ako na mag-breakfast kasama ka at pumayag naman ako.”
Dalawang kilay na ni Marcus ang tumaas. “At nabuntis kita habang magka-text tayo?”
Kinuha ni Pham ang tissue na nasa gitna ng mesa at binato iyon sa mukha ni Marcus. “Huwag mo nang ipasok `yon sa usapan. Sakalin kita riyan, eh.”
Tatawa-tawa itong napapailing. “Okay, okay, I won’t.” Tumigil si Marcus sa pagtawa at tumingin sa mga mata niya. “Ano ba ang gusto mong malaman tungkol sa akin?”
“Ahm…” Nag-isip si Pham. “Ilang babae na ang napasukan niyang napakatulis mong kaibigan sa ibaba?”
Tumaas ang sulok ng mga labi nito. “Too many to mention.”
Namilog ang mga mata ni Pham. “Ganoon karami para hindi mo maalala?”
“Yeah. Minsan sabay ang dalawa.”
Nasapo niya ang bibig. “Holy shit! Dalawa?”
“Yeah.” He had this nervous smile on his face. “Galit ka ba? Do you find it disgusting?”
“No,” agad niyang sagot. “It’s just that, kung ako `yong isa sa dalawang babae, baka mapatay kita. Ang pinakaayoko sa lahat ay `yong may kahati sa isang lalaki, `tapos pagsasabayin mo pa kami? Baka buhusan kita ng kumukulong tubig.”
“Ayaw mong may kahati sa akin?”
Her heart beat louder. “Ayoko.”
“Why?”
Pham shrugged. “I don’t know.” Nag-iwas siya ng tingin. “Basta ayoko.”
Hinawakan ni Marcus ang pisngi niya at pinabaling ang tingin niya rito.
“Don’t look away from me, Fatima. Hindi ko `yon gusto. At wala ka namang dapat ipag-alala, hindi ko gagawin `yon sa `yo.”
Tumango si Pham saka ngumiti. Marcus continued caressing her cheeks softly as they waited for their order. Panay ang haplos nito sa pisngi niya habang matiim na nakatitig sa kanya na para bang minimemorya nito ang bawat sulok ng kanyang mukha. Siya naman ay hinayaan lang ang lalaki at tumitig din sa guwapo nitong mukha.
“Kahit minsan, hindi ko naisip na mahahaplos ko ang pisngi mo at hahayaan mo ako,” sabi nito na malamlam ang mga mata. “Kahit minsan hindi ko naisip na maaangkin kita na bukal sa loob mo.”
Ngumiti si Pham at hinawakan ang kamay nitong humahaplos sa pisngi niya at hinalikan ang palad nito. “Hinahayaan kita kasi hindi ko na kayang tikisin `to,” pag-amin niya. “I want your touch, your kisses, your body and everything you can offer. I want you, Marcus.”
A heart-stopping smile stretched over his lips. “I want you, too, Fatima, more than you could ever want me.”
Tumalon-talon ang puso ni Pham sa kasiyahan. She wanted to be close to Marcus, pero kailangan nilang dumistansiya sa isa’t isa kasi dumating na ang order nila.
“Pagkatapos dito, saan mo gustong pumunta?” tanong ni Marcus habang sinusubuan niya ito ng Boobironi pasta.
Nagkibit-balikat siya saka sumubo rin ng Penironi Carbonara. “May gusto akong gawin, pero siguradong aayaw ka.”
“Ano naman?” Sumimsim ito ng kape.
“Gusto kong sumakay sa Jet Ski, sa banana boat at mag-parasailing. `Tapos, `di ba, mayroon din dito sa isla na zip line? I want to try it.”
Halos hindi maipinta ang mukha ni Marcus habang nagsasalita siya.
“Kailangan ko bang ipaalala sa `yo na buntis ka?” Pinandilatan siya nito. “Those activities are not suited for a pregnant woman.”
Pinaikot ni Pham ang mga mata. “Sinabi ko nga, `di ba, hindi ka papayag.”
“That’s right. I won’t let you.”
Inirapan niya si Marcus habang sinusubuan ng Boobironi Pasta.
“Ano naman ang gagawin natin dito sa isla? Tutunganga?” pagtataray niya.
“May mga puwede naman tayong gawin na puwede sa buntis.”
“Like what?”
“Have sex.”
Tiningnan niya ito nang masama. “Bawal daw `yon sa buntis.”
Marcus glared back at her. “At sinong maysabi?”
“Ako.”
“Well, it’s not true.”
“Paki mo naman.”
Pham stuck her tongue out at him. Pero ganoon na lang ang gulat niya nang bigla nitong halikan ang kanyang mga labi. Napaungol siya sa ginawa nito lalo na nang sipsipin nito ang dila niya. Nang pakawalan ni Marcus ang mga labi niya, may kakaibang kislap sa mga mata nito.
“Don’t stick out your tongue at me, Fatima. Hahalikan kita tuwing gagawin mo `yon,” pagbabanta nito.
Para namang natatakot siya. She liked his kisses. She welcomed them. Inilabas niya ulit ang dila. “Bleh.”
Marcus smiled and claimed her lips once again.
“You like my kisses, yeah?” Nanunudyo ang kislap ng mga mata nito.
Tumango si Pham. “A lot.”
Mas lumapad pa ang ngiti ni Marcus sa mga labi saka hinalikan siya ulit sa mga labi.
Hindi fan si Pham ng PDA, pero wala siyang nagagawa tuwing hahalikan siya ni Marcus in public. Napakadali niyang madarang at napakahina niya.
“You taste like mocha,” sabi nito nang pakawalan ang mga labi niya.
Natatawang itinaas niya ang frappe at siya naman ang humalik sa mga labi nito. “You taste like coffee.”
Napailing-iling na lang si Marcus at ipinagpatuloy ang pagkain ng salmon sandwich.
“Ipagpatuloy na natin ang mga tanong ko,” sabi niya na nakangiti.
Marcus just smiled.
“Okay. Next question ko ay… bakit mo hiningi ang number ko kay Martin?”
“Nagandahan ako sa `yo,” mabilis nitong sagot.
Kumabog nang mabilis ang puso niya. “`Yon lang? Dahil nagandahan ka sa akin?”
“I have lots of reason, Fatima. But I’m not yet ready to tell you.”
“Why?” pangungulit ni Pham.
“Because I have to make sure first.”
“Make sure what?”
“Make sure that its being reciprocated.”
Kumunot ang noo ni Pham. Naguguluhan siya sa mga sinasabi nito kaya naman hinayaan na lang niya.
“Anyway, ang sunod kong tanong ay—”
“Ako naman ang magtatanong,” putol ni Marcus sa sasabihin niya.
Napasimangot siya. “Bakit naman?”
“Akala ko ba itinext kita na mag-breakfast tayo together at pumayag ka? Ibig sabihin n’on, nagde-date tayo. At may gusto rin akong malaman sa `yo.”
Her heart never stopped beating so fast. Lalong bumilis iyon nang banggitin nito ang salitang date.
“Anong gusto mong malaman?” kinakabahan niyang tanong.
“What’s your first impression on me?” tanong ni Marcus habang matiim na nakatingin sa mga mata niya.
Pham gulped at the intensity of his stare. “Ahm, first impression ko… ang guwapo mo.” Nag-iinit ang mga pisngi niya. “I find you gorgeous. Ikaw ang unang lalaking ginusto kong—” Pinigilan niya ang bibig.
“Go on,” Marcus urged her.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata para labanan ang hiya. “I want to lick every inch of you. There! Happy?”
“Huwag kang sumigaw,” natatawang sabi nito at sumimsim ng kape. “Gusto ko nang bumalik sa cabin.”
“Bakit naman?”
“So you could lick every inch of me.”
Parang may mainit na usok na lumabas sa mga tainga niya sa panunudyo ni Marcus. Malakas niyang tinampal ang balikat nito.
“Buwisit ka! Huwag mo akong inisin, Marcus, masasakal kita.”
Tumawa lang ang lalaki, saka hinuli ang mga labi niya at hinalikan bago bumulong sa kanyang tainga. “But I really want to go home, so I could lick every inch of you.”
Inirapan ito ni Pham saka inubos ang Penironi Carbonara.
“Ayokong bumalik sa cabin, nakakabagot kaya doon.” Sumimangot siya. “Gusto kong mag-swimming.” Ngumiti siya nang malapad. “Mag-swimming tayo, Marcus.”
“Sige ba.”
A memory flashed through her mind. Nagulat si Pham sa pagkabigla sa memorya na iyon. Nanlamig ang buong katawan niya at nanginig ang kanyang mga kamay. At hindi iyon nakatakas sa mga mata ni Marcus.
“Ayos ka lang?”
Tumango si Pham. “Ayoko na palang mag-swimming. Sa cabin na lang tayo.”
A knowing emotion glinted on Marcus’ eyes. He knew what changed her mind.
“Fatima, walang mangyayari sa ating masama kung magsu-swimming tayo.” Hinawakan ni Marcus ang kamay niya. “Trust me. I won’t let anything bad happen to you.”
“That’s what Martin said,” mahina ang boses na sabi niya.
“I’m not Martin, Fatima.” May galit sa boses nito.
“Alam ko.” Huminga siya nang malalim at tumingin dito. “Pero ayoko pa rin.”
“Come on, Fatima. Kailangan mong labanan `yang takot mo.”
Umiling siya. “Ayoko.”
Hindi ko kaya kung pati ikaw mawawala.
“Fatima—”
“It’s a no, Marcus.”
Bumuntong-hininga ito. “Okay.”
Mataman niyang tinitigan ang lalaki. His eyes were sharp and dark. His jaw tightening and his lips were thinned.
“Marcus, may problema ba?” tanong niya na naguguluhan.
“I thought today was gonna be different,” sabi nito. “You seem different. Nararamdaman kong may nag-iba sa ating dalawa. Pero nagkamali yata ako. Dahil kahit anong mangyari o kahit anong gawin ko, laging nandiyan ang alaala mo kay Martin na pumipigil lagi sa `yo. Ang tanging oras lang na naramdaman kong wala si Martin sa sistema mo ay kagabi.” Umiling ito. “Why did I even hope that things would change from now on.”
Pham could see pain and anger in Marcus’ eyes. And its making her heart clench with pain.
Bigla siyang tumayo. “Tara, mag-swimming tayo.”
Natitigilang tiningala siya ni Marcus. “Ano?”
“Itinext mo ako at niyayang mag-swimming at pumayag ako,” sabi niya saka hinawakan ang kamay ni Marcus. “Halika na. Maligo na tayo.”
Marcus stared at her, confused. “Sigurado ka ba?”
“Oo.”
Mataman siya nitong tinitigan pagkatapos ay ngumiti ito. “Thanks.”
Pham smiled. She was doing this for Marcus. She’d conquer her fear for Marcus. Kasi kahit anong tikis at pigil niya, kahit pa gawin niyang bato ang kanyang puso, hindi niya maitatanggi na nasaktan siya nang makita ang emosyon sa mga mata nito kanina.
At doon na-realize ni Pham na hindi simpleng pagkagusto o pagnanasa lang ang nararamdaman niya para kay Marcus. By the fast beating of her heart and by her reaction towards him, she was falling for him. Really falling for him. Hard.