HALOS hindi nakilala ni Kenneth ang babaeng nakatayo sa labas ng gate ng kanyang bahay. Kung hindi pa ito nagpakilala ay hindi niya ito mamumukhaan. Payat na payat ito, magulo ang buhok, at haggard ang mukha. Tuluyang nilisan na ito ng ganda at kabataan.
Tandang-tanda pa niya ang kagandahan ng babae noon bago siya iniwan. Ngayon ay halos hindi na mababakas dito ang dating anyo.
“Nagbaka-sakali lang akong puntahan ka sa opisina ni Greg, baka sa kanya ka pa rin nagtatrabaho. May nakausap akong empleyado doon at ibinigay ang contact number at address mo. Sorry at hindi muna ako tumawag o nag-text. Wala kasi akong cell phone.”
“Paula… Ano’ng nangyari sa iyo? T-tuloy ka, halika sa loob,” nag-aalala at natatarantang sabi ni Kenneth sa babae.
Mabagal itong naglakad kasabay niya, patingin-tingin sa bakuran, at hindi naitago ang pagkamangha nang makapasok sila sa loob ng kanyang bahay.
“Asensado ka na pala.” Inilibot ni Paula ang tingin sa loob ng malawak na living room.
“Nakuha lang sa tiyaga at sipag,” sabi ni Kenneth. “Have a seat. Papahanda ako ng pagkain,” aniya at tumuloy sa kusina kung saan naglilinis si Jane. Kumuha siya ng bottled water sa ref.
Binalikan niya sa salas si Paula pagkatapos magpahanda ng merienda sa kasambahay. Nakatayo pa rin ang babae, inililibot pa rin ang tingin. Hindi siguro makapaniwalang pag-aari niya lahat ng nakikita.
Parang kailan lang noong nagrereklamo sa kanya ang dating nobya dahil matigas ang kanilang higaan, na malamok ang kanilang bahay. Hindi siya nagawang mahintay ni Paula na umasenso dahil ang gusto ay ang mabilisang pag-unlad sa buhay. Pero ayaw niyang sumbatan ngayon ang babae, wala siyang maramdamang hinanakit dito.
“I’m sorry iniwan kita noon,” mayamaya ay malungkot na sabi ni Paula. “Pero nakarma naman yata ako. Tingnan mo ako ngayon—gurang na, nag-iisa. Walang kapera-pera.”
Lumapit si Kenneth sa babae at hinawakan ito sa braso. “Upo ka,” sabi niya at iginiya si Paula sa sofa at tinabihan. Pinainom niya ito ng tubig. “What happened to you? Tell me.”
Nagkibit-balikat si Paula, saka nagpahid ng basang bibig. “Heto, diborsyada. Nakapag-asawa ng abusadong Canadian at ako pa ang pinalabas na masama sa korte, nakuha niya ang custody ng anak namin.”
“I’m sorry to hear that,” nahahabag na sabi ni Kenneth.
“Mula nang ikasal kami ay hindi na ako nagtrabaho. Ngayon ay hirap akong maghanap ng ikabubuhay ko. Wala naman akong mga kakilala o kaibigan doon. Gumamit nga lang ako ng credit card para makabili ng plane ticket pauwi dito.”
Hindi alam ni Kenneth ang sasabihin. “Umuwi ka na ba sa atin?” naisip na lang niyang itanong.
Umiling si Paula. “Galit sa akin sina Tatay dahil hindi ako nagpalaam na aalis ng bansa noon. Matagal ko na silang hindi nakakausap.”
“Hindi ka matitiis ng mga magulang mo, Paula. Mahal ka nila.”
Mapait na ngumiti ang babae. “Kung may pera siguro ako ay may mukha akong ihaharap sa kanila. Hindi tulad nito, mukha akong basahan. Ni wala akong perang pangkain. Isang linggo na ako sa isang kaibigan ko sa Marikina, pero nahihiya na ako makituloy sa kanila kasi siksikan sila sa bahay.”
“Dumito ka muna,” alok ni Kenneth. “I’ll take care of you for the meantime.”
Noon na ito napaluha. “Napakabuti mo pa rin, Ken. Nagkamali talaga ako ng pinili. S-sana hindi kita—”
“Huwag mo nang isipin iyon. Matagal nang nangyari `yon, Paula. Ang isipin natin ngayon ay kung paano mapapabuti ang buhay mo. I can help you start a new life, get a job, a home.”
Yumakap sa kanya si Paula at umiyak. “Sorry talaga, Ken. Sorry!”
Napabuntong-hininga si Kenneth at hinaplos ang buhok ng babaeng parang nakahanap ng kakampi at pag-asa sa kanyang mga bisig.
“SORRY for being late,” nahihiyang sabi ni Kenneth nang dumating sa restaurant na tagpuan nila ni Sydney.
“Okay lang. Na-traffic nga rin ako papunta dito.”
“It’s not the traffic,” nakangiwing sabi ng lalaki, saka umupo.
Nag-alala tuloy si Sydney. “What happened?”
Bumuntong-hininga ito. “Si Paula.”
Natigilan siya saglit. “P-Paula? Your ex?” Gusto niya tuloy tumingala nang mga sandaling iyon at tanungin ang langit ng sarkastikong, Really?
Tumango si Kenneth. “Nasa bahay siya ngayon. Wala siyang ibang mapuntahan.”
Ikinuwento ng lalaki ang nangyari kay Paula pagkatapos nilang um-order ng mga pagkain. Sa narinig ay nangibabaw ang awa kay Sydney. Dapat iniisip niyang deserved ng babaeng iyon ang nangyari dito pero parang hindi niya kaya.
“S-so, ano na’ng plano mo ngayon?” usisa ni Sydney.
“Doon muna siya sa bahay hangga’t hindi siya nakaka-recover. Kailangan niya ng pansamantalang aalalay sa kanya.”
Tumango-tango lang si Sydney. Ano ang sasabihin niya kay Kenneth? Hindi niya alam kung mayroon siyang karapatang magbigay ng opinyon sa kung ano ang dapat nitong gawin sa dating nobya.
Pinilit niyang maging masaya sa dinner nilang iyon pero parang tuksong dumadapo sa kanya ang pangamba. Paula had been a threat to her in the past, sino’ng magsasabing hindi na ito threat ngayon sa pagitan nila ni Kenneth?
Napangiti nang mapakla si Sydney. Ano pala eksakto ang nasa pagitan nila ng binata ngayon? SEX. Iyon lang.
Sex na kung sex. But they were happy together. Hindi niya papayagang may bumuwag sa kaligayahang iyon. Not this time.
Nagde-dessert na sila nang mayroong tumawag kay Kenneth. Sinagot namna iyon ng lalaki. Ang kasambahay nitong si Jane ang tumatawag.
“Okay, I’ll be home in a while,” umiiling na sabi nito, apologetic na tumingin sa kanya.
“Is everything all right?” usisa ni Sydney nang ibulsa nito ang iPhone.
“Ayaw raw kumain ni Paula.”
Pinigilan niya ang mapabuntong-hininga. Hindi kaya nag-iinarte lang `yon? gusto niya pang isatinig pero sinaway rin niya ang sarili. Hindi niya alam ang tunay na nangyari kay Paula. Kung totoong inabuso ito ng dating asawa, hindi niya alam kung anong pinsala ang tinamo nito.
“Sydney—”
“It’s all right. You can go home.” Pinilit ni Sydney na ngumiti.
“I’m sorry.”
“Okay lang `yon. Here, halos `di ko pa nagalaw itong cake, take it home with you and give it to her.” Bahagya niyang itinulak patungo kay Kenneth ang platitong naglalaman ng malaking slice ng blueberry crumb cake. “Huwag mo lang sabihing galing sa akin kasi baka hindi niya kainin,” pabiro pang sabi niya.
Ihinatid siya ng binata sa kanyang kotse. “Babawi ako sa susunod,” pangako nito at humalik sa kanyang pisngi.
Nginitian na lang ni Sydney si Kenneth at walang lingon na pumasok sa kanyang kotse. So, no sex for tonight then. Kanina pa naman siya nasasabik para doon. May nakahanda pa naman sana siyang gawin para sa binata. Gusto niyang gamitin sa sarili ang dildo na padala sa kanya ni Andrew habang nanonood sa kanya si Kenneth.
Masasabi ni Sydney na kakaiba ang mga pagtatalik nila ngayon kaysa noong mga panahong nakalipas. Hindi lang dahil mas wild at agresibo sila pareho ngayon. It was just that… the lust was more tormenting, the passion was more intense. And the flames… God. The flames were burning hotter than ever.
Sa sama ng loob ay tinawagan ni Sydney si Andrew habang nagmamaneho.
“And so she’s back. From outer spaaace!” kanta naman nito.
“Gaga!” natatawang singhal ni Sydney sa kaibigan.
“`You think she’s still a threat talaga?”
“Ayoko nang mag-isip ng kung ano-ano. I told you, kontento na ako sa kung ano’ng meron kami ni Kenneth ngayon. Ayoko nang magplano pa ng para sa kinabukasan namin tulad ng ginawa ko dati. We’re both happy.”
“Eh, paano nga, may asungot na naman. Kung naagaw niya dati si Kenneth kahit boyfriend mo na siya noon, ngayon pa kaya na nagde-date lang kayo?”
“I don’t know what to think anymore, Drew,” nasabi na lang ni Sydney pero ang totoo ay marami siyang naiisip gawin.
“You know what I think? Here’s what I think: Paula is a bitch-cunt-ass na mukhang pera na palaging bumabalik kay Kenneth kapag wala nang malapitang ibang tao. And Kenneth is a douche bag in accepting her again in his life. I’m sorry, Sydney, pero ano ba problema ng lalaking `yan? Masyadong martir sa pag-ibig.”
Napabuga siya ng hangin. “`Yon nga ang problema, pag-ibig .”
Narinig niyang nagbuga rin ng hangin si Andrew. “Mahal mo pa siya, ano?”
“Andrew! As if naman minahal ko siya noon.”
“Syd, kailan ka ba aamin? Kitang-kita ko kung paano ka winasak ng lalaking `yan noon kahit hindi mo ipinapahalata sa akin ang damage na nagawa niya.”
“Heto na naman tayo. I told you na before, `di ba?”
“Na ego mo lang ang nasaktan? Na parang papunta ka na sa pagmamahal sa kanya pero bago ka pa nakarating doon ay binasag na niya ang pag-asa mo? I’m sorry, my friend, but I still think it was really more than that.”
Ayaw nang ungkatin pa ni Sydney ang nakaraan. But look what was happening right now. Nagbabalik lahat ng kahapon. Tinanggap niya ang magagandang nagbalik, pero kasama pala ng mga iyon ang mga hindi rin kanais-nais. Sadyang ganoon ba talaga ang buhay? Hindi ba maaaring magagandang bagay na lang ang piliing yakapin?
“Puwes, mali ka sa mga iniisip mo,” kontra ni Sydney.
“Bahala ka na nga diyan!” singhal ni Andrew. “Sorry, Sydney, ha? Pero hindi dahil mahal na mahal kitang kaibigan, kailangan kong i-validate lahat ng point mo. Kung naiisip kong mali ka, sasabihin ko pa rin iyon kahit itakwil mo man ako.”
“Alam ko naman `yan, bruha.”
“Then if you still feel something towards Ken—kahit ayaw mo pang amining love `yan—I say, ipaglaban mo siya. Huwag mo na siyang pakawalan gaya ng dati. Do whatever it takes para hindi magtagumpay si Paula na masilo uli siya.”
Ipaglaban. Iyon din ang iniisip gawin ni Sydney. “Paano nga kung mahal pa niya si Paula?” naitanong niya.
“Putang-inang pagmamahal `yan, `kamo! Hindi siya liligaya sa manggagamit na `yon. Ikaw ang dapat niyang pag-ukulan ng pagmamahal dahil kaya mo iyong tumbasan o higitan pa. At iyan ang dapat mong iparating sa kanya.”
“Actually, ganyan din more or less ang balak kong gawin. Ayoko lang… ayoko lang magmukhang madamot, alam mo `yon? Babae rin ako gaya ni Paula.”
“All is fair in love and war!” panunulak ni Andrew. “Kung sa huli ay hindi pa rin ikaw ang pipiliin ni Kenneth, hindi ka niya talaga deserved. Kawawang Puday kung nagkataon, pero I will stop teasing about your nonexistent sex life na kapag naghiwalay kayo. That’s a promise.”
“Oo na. Sige na, Drew. Dadaan muna ako sa bakery para bumili ng dessert. Kung bakit naisipan ko pang i-give `yong masarap kong cake kanina para sa babaeng `yon. Lalo tuloy sumama ang loob ko.”
“Ay, shungaaa! ” tili ni Andrew bago siya tuluyang nagpaalam dito.
BAKAS ang pag-aalala sa mukha ni Kenneth nang pagbuksan ito ng pinto ni Sydney.
“What happened, are you all right?”
Ngumiti si Sydney at hinila ang lalaki papasok. Natawa siya nang mapansin ang suot nitong T-shirt. “Ken, baliktad ang T-shirt mo!”
“Shit,” mura nito nang mapansin ang suot. “Sorry, nagmamadali lang akong nagpalit kanina, muntik pa nga akong mahulog sa hagdan.”
She was deeply touched. “I’m fine. Na-miss lang kita.”
Napatigilan saglit si Kenneth. Parang hindi makapaniwalang iyon lang ang dahilan kung bakit niya ito tinawagan nang alas-onse ng gabi ng Sabado.
Hanggang sa unti-unting ngumiti ang binata, napansin rin ang suot niyang manipis na negligee. She wasn’t wearing a bra.
“Nagkita lang tayo kahapon.”
“Well…” She playfully traced her fingertips to his neck. “I need you tonight,” bulong ni Sydney sa tainga nito.
“So this is a booty call?” tudyo ni Kenneth, humagod ang kamay sa kanyang likod pababa sa kanyang puwit.
“Hmm… Ayaw mo ba?”
“Kailan ba naman kita inayawan?”
Napatili si Sydney nang bigla siyang iangat ni Kenneth para buhatin. Agad niya namang iniyakap ang mga binti rito.
“Ang ingay mo. Wala ba ang mga kasama mo sa bahay?” natatawang tanong ng lalaki habang naglalakad patungo sa hagdan paakyat sa ikalawang palapag ng bahay.
“Day off nila hanggang bukas. Ewan ko kung saan nagpunta.”
Ngumisi si Kenneth. “Solo natin ang bahay?”
“Uh-huh.” She let out a sexy giggle. “Puwede tayong mag-ingay.”
Hindi na sila nakarating sa kanyang kuwarto dahil sa gitna ng stairway ay hinubad na nila ang mga kasuotan ng bawat isa.
“Sa lahat ng parte ng bahay na ito, itong hagdanan ang nakaligtaan nating markahan noon,” naalala ni Kenneth bago pumuwesto, sprawling his magnificent naked body. “Careful,” sabi nito nang sakyan ni Sydney sa mga hita.
She began licking his shoulder, kissing her way down to his chest. He growled when she bit one of his nipples and then she suckled it. Dumausdos pababa si Sydney hanggang sa magtagpo ang mga dibdib niya at ang matigas nitong pagkalalaki. Inipit niya iyon sa pagitan ng kanyang mga suso pagkaluhod sa pagitan ng mga hita ni Kenneth. She raised and lowered down her chest against his enormous cock.
“I know you missed this, too,” she teased him, seductively smacking and licking her lips.
“You really know how to kill me, temptress.”
Kenneth bucked his pelvis and began thrusting in between her tits. She opened her mouth and let the head of his dick reach her tongue. Tuwing tataas iyon ay didilaan niya sandali.
“Fuck, Sydney!” marahas na ungol ng lalaki, binilisan ang pag-urong-sulong. “Babe, I have to warn you— Shit, I can’t stop—”
“I want you to come, Kenneth,” Sydney purred. Hinigpitan pa niya ang pagpiga sa kanyang mga suso. “Oooh, yeah. Come, baby. Come to me!” she ardently enticed him.
“FUCK!” malakas na sigaw ng binata nang sumabog ito sa sukdulan.
His cum squirted all over her neck and boobs and some got on her face. She licked her lips and let out a long mmmm.
“Shit, shit…” mahihinang mura ni Kenneth. “It will take me a while to recover, sweetheart.”
Sydney giggled. “I know.”
“Fifteen minutes?”
She winked at him. “I can wait kahit isang oras pa.”
Hinila siya ni Kenneth. “Come sit on my face, babe.”
Inalalayan siya nitong pumuwesto sa paraang gusto nito. Kumapit si Sydney sa isang baitang ng hagdan at sa metal balustrade, saka ibinuka ang mga hita sa mukha ng kaniig. She gasped when he pressed his lips into her dribbling pussy, French-kissed it—tasting her hot nectar.
“Ooooh!” she moaned aloud when he drew the soft folds into his mouth, brushed his lips and tongue over them. “Yes, oh, my gosh. Aaaah, ah… ang sarap!”
Kenneth gently sucked those tender folds before wrapping his lips around her clit. Napakalaki ng awang ng kanyang bibig habang humahalinghing at maingay na humihinga. She was clawing the wooden step, pounding it repeatedly.
“God, Kenneth… Kenneth!” Sydney yelled when he shoved his tongue inside her cunt and reached as deep as he could.
She bobbed her buttocks around his mouth, up and down against his probing tongue. He then stopped moving his tongue and just stuck it out firm and steady and let her fuck herself with it. Hindi nagtagal
ay naramdaman ni Sydney na paakyat na siya sa sukdulan.
“I’m coming… Oh, God. I’m comiiiing!”
She slammed herself down to his mouth as she soared to the heights of raw pleasure, clamping his head with her thighs. Nakatirik ang kanyang mga mata habang bayolenteng nangangatal ang buo niyang katawan.
Hindi na namalayan ni Sydney kung paano nakaalis sa kanyang ilalim si Kenneth at tinabihan siya nito. His face was wet with her juice.
“Good Lord,” humihingal na sabi niya, hilo pa sa taas ng kanyang narating. “Look at us,” she said with a giggle. “We messed each other’s face. We should finish this on the bathtub, what do you think?”
“Fine with me,” sabi ni Kenneth at maliksing tumayo at binuhat siya patungo sa master’s bedroom.
“`YOU KNOW, puwede nating i-recommend si Paula sa mga center na sumusuporta sa mga abused women. I know one in Tagaytay, `yong Sunlight. Mas matutulungan siya roon kasi may mga psychologist sila,” suhestiyon ni Sydney kay Kenneth habang nasa bathtub sila at nagpapahinga mula sa mapusok na pagtatalik.
Itinutok ni Kenneth ang spray ng tubig mula showerhead sa clitoris niya habang umuulos sa kanya mula sa likuran. Hindi niya nabilang kung nakailang climax siya bago sumabay sa kanya ang kaniig.
They had countless sex these past few days. Sa bawat pagniniig, mas tumitindi ang kasabikan nila sa isa’t isa, mas nag-aapoy ang pagnanasa. Ang kanilang mga dinner sa labas ay madalas na nauuwi sa hotel room. Tatlong beses na rin siyang iniuwi ni Kenneth sa bahay nito. She always loved his bed. She loved the warmth of it, the comfort, the smell. It felt like home.
Now she was missing his bed. Gusto ni Sydney na doon sila magsiping at matulog. Pero paano pa siya makakapunta sa bahay ng lalaki kung naroroon naman si Paula ngayon? Mahigit isang linggo na ang babae roon at wala yatang balak umalis. Panay pa ang tawag kay Kenneth tuwing ginagabi ito ng uwi. Daig pa ang isang asawa.
“We have an employee na tinulungan naming ilayo from her abusive husband—si Anna sa accounting. Annulled na ang kasal nila last year, may boyfriend na nga siya ngayon,” kuwento pa ni Sydney kay Kenneth.
Nasa likuran niya ang lalaki, nakayakap ang mga binti sa kanya habang nakasandal siya sa malapad nitong dibdib.
“Hayaan mo, sasabihin ko iyan sa kanya.” Humalik ito sa kanyang balikat at inihaplos sa kanyang braso ang mabulang sponge.
There were scented candles lit around the bathroom and they were sipping red wine while soaking in the warm bubbly water. Romantic na sana para kay Sydney ang ambiance kung hindi nila pinag-uusapan si Paula.
She felt so selfish, even bordering on feeling evil to have this silent hatred over that woman. Naaawa siya rito, bilang tao at babae. Pero naiinis pa rin siya at nagbalik uli ito sa buhay nila ni Kenneth. Great, just fucking great. Just when everything was going nicely between them. Parang nauulit lang ang lahat…
Ano na naman ang magiging ending nito? Maiiwan na naman ba siyang luhaan? Wait, everything was different now. Nobyo niya noon si Kenneth, ngayon ay exclusive date-slash-sexual partner lang.
“`Tapos `pag handa na siyang mag-umpisa uli, puwede siyang magtrabaho sa LVT,” mungkahi pa ni Sydney.
“Iyan din ang iniisip ko.”
Humaplos siya sa tuhod ng lalaki. “Dito ka na matulog,” paglalambing niya rito. “Nami-miss na kitang katabi.”
Hindi agad ito sumagot, parang nag-iisip.
“Please? I’ll cook you breakfast in the morning,” pangungumbinsi pa ni Sydney.
“You don’t have to bribe me with breakfast, babe,” sabi naman ni Kenneth at humalik sa kanyang bumbunan. “I’ll sleep here tonight with you.”
Ipinaling niya ang mukha sa lalaki at hinalikan sa mga labi.
I want us to sleep together every night…
Ano ba itong naiisip niya? Nang pumayag siyang makipagmabutihan uli kay Kenneth, kabilin-bilinan niya sa sarili na hindi siya magpaplano o aasa ng kung ano-ano para sa hinaharap. Ang importante ay masaya siya palagi. Now she wanted to be with him every night? What would be next?