lookupnovel logo lookupnovel
Iuhence Vergara (Possessive Series 2)

Chapter 13

Ch. 14 / 24 Feb 09, 2022

TAMA nga si Grace . Ang matatalim na mata ni Mhel ay pasimpleng nakatingin kay Nali. Makati talaga ang babae dahil palaging nakadikit kay Iuhence. Mula nang matapos mag-usap si Iuhence at ang ninong nito, hindi na nilayuan pa ni Nali ang binata. Ang nakakatawa, panay ang iwas ni Iuhence dito.

Si Mhel naman, para ipakita na naiinis siya, hindi siya lumapit sa binata. Nagagalit siya! Nagseselos siya! Letse! Peste! Bakit ba kasi kailangan pa nilang mag-stay sa isla na iyon? Oh, yeah, because Grace’s father forced them to stay for merienda.

“Huwag mo silang tingnan nang masama, Mhel, lapitan mo na lang,” suhestiyon ni Grace na nakaupo sa kanyang tabi. Nasa balkonahe sila at nakatingin kina Iuhence at Nali na nasa dalampasigan at parang nag-uusap.

Matalim ang mga mata na tumingin siya sa gawi ng dalawa. Panay ang yakap ng haliparot na babae kay Iuhence at panay naman ang iwas ng binata pero kahit ganoon, umakyat pa rin ang lahat ng dugo niya sa ulo dahil sa sobrang selos.

Yeah. I should take Grace’s advice.

She stood up with the intention of getting rid of Nali.

Naglakad si Mhel palapit sa dalawa. Nang makalapit kay Iuhence ay ipinalibot niya ang mga braso sa leeg ng binata at hinila pababa ang leeg nito at siniil ng halik ang mga labi.

Iuhence moaned when their lips touched. Idinikit niya ang katawan sa katawan nito at naramdaman niya ang pagkalalaki ng binata na unti-unting nabubuhay dahil sa halikan nila.

Nang bumaba ang mga labi ni Iuhence sa kanyang leeg, nagmulat si Mhel at nginisihan si Nali habang abala pa rin ang binata sa paghalik at pagkagat-kagat sa kanyang leeg.

Nanlisik ang mga mata ni Nali at parang nagpupuyos sa galit habang nakatingin sa kanila ni Iuhence.

Hindi nag-iwas ng tingin si Mhel, sa halip ay matapang niyang sinalubong ang mga mata ng babae. Nakahinga siya nang maluwag nang nagmamartsa itong umalis.

Nang makalayo na sa kanila si Nali, bigla niyang itinulak palayo si Iuhence, saka naglakad palayo rito.

“Hey! Mhelanie! Stop!”

Tumigil siya at hinarap ito. “Ano?”

“Ano ba ang problema mo?” naguguluhang tanong nito. “Hahalikan mo ako, `tapos itutulak palayo. And by the way, where were you? Care to explain?”

Tinaasan niya ng kilay ang binata. “O, eh, ano naman ngayon? Kanina ka pa nakikipaglampungan sa Nali na `yon. `Tapos ngayon magtatanong ka? Gusto mo kutusan kita? Letse! Magsama kayong dalawa!”

Halata ang gulat sa mukha ni Iuhence. “Ano ba ang sinasabi mo?” Gulong-gulo ang boses nito. “Hindi ako nakikipaglampungan sa kanya. Umiiwas nga ako, eh.”

Nagtagis ang mga bagang ni Mhel. “Ano’ng pinagsasasabi ko? Oh, I don’t know. Hanging out in Nali’s room? Caught in an erotic position? Sleeping in the same fucking bed?” Matalim ang kanyang mga mata habang si Iuhence ay parang nagulat. “Care to explain those?” Nang hindi ito makapagsalita sa sobrang gulat, inirapan niya ang binata at tinalikuran.

Ayaw niyang makausap ito.

Hanggang sa sumapit ang merienda, wala pa ring imik si Mhel. Si Grace lang ang kinakausap niya. At kapag nahuhuli niyang matalim na nakatingin sa kanya si Nali, matalim din ang mga mata na sinasalubong niya ang tingin nito.

Hanggang sa matapos ang merienda ay hindi niya kinibo si Iuhence. Kahit noong naglalakad na sila pabalik sa pinag-iwanan nito ng jet ski.

“Have a safe trip, Iuhence,” wika ng ama ni Grace nang ihatid sila sa dalampasigan. “Ikinagagalak din kitang makilala, Miss Mhelanie,” anito nang bumaling sa kanya.

Tumango siya. “Ikinagagalak ko rin po kayong makilala.”

“Iuhence, kailan ka babalik dito sa isla?” sabad ni Nali sa nang-aakit na boses.

“Tumigil ka na, Nali,” saway ng ama rito. “Tantanan mo na si Iuhence. Tama na. Kanina ka pa.”

Nawalan ng imik ang babae at namula ang mga pisngi sa hiya dahil sa pagsaway ng ama.

“Ingat kayo,” ani Grace at nginitian siya.

“Salamat,” sagot niya at tipid na ngumiti.

Kahit hindi masyadong mahaba ang oras ng pagsasama nila ni Grace sa isla, nagkalagayan na sila ng loob. I think we’re friends.

Walang imik na sumakay si Mhel sa jet ski at mahigpit na humawak sa balikat ni Iuhence na nagmamaneho niyon. Nang humarurot ang jet ski palayo, parang nakahinga siya nang maluwang. Uuwi na sila sa isla kung saan walang haliparot na babae.

Pero kahit nang makauwi na sila ni Iuhence ay hindi pa rin niya kinibo ang binata. Mabilis siyang bumaba sa jet ski nang dumaong iyon at naunang maglakad patungo sa villa.

“Mhelanie! Mhelanie!”

Hindi niya pinansin si Iuhence at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad.

May humawak sa braso ni Mhel at parang may kuryenteng dumaloy roon. Alam niyang si Iuhence iyon dahil sa kakaiba niyang nararamdaman kapag hinahawakan siya nito. Pinigilan siya ng binata, pagkatapos ay pinihit siya paharap.

“Kausapin mo naman ako.” May pagsusumamo sa boses ni Iuhence. “Galit ka ba sa akin? Please tell me. Mababaliw ako sa kakaisip kung bakit ka galit sa akin—”

“Eh, di mabaliw ka,” galit niyang sabi. Jealousy was eating her rational thinking. “Galit pa ako kaya huwag kang haharang-harang sa dinaraanan ko. Baka masuntok at masipa kita.” Ipiniksi niya ang braso na hawak nito at pumasok sa villa.

Dere-deretso si Mhel sa kuwarto na inookupa nila ni Iuhence at ini-lock iyon.

Pagkalipas ng ilang minuto, kumatok ang binata sa pinto. “Mhelanie, buksan mo ang pinto.”

“Ayoko! Diyan ka lang sa labas!”

“Come on. Open up. Please?” Parang nagmamakaawa ang boses nito.

“Ayoko nga sabi, eh!”

Nawalan ng imik ang nasa labas ng silid. Hindi nagtagal at nagsalita si Iuhence.

“I’m sorry about Nali. Mamatay man ako rito ngayon, wala kaming naging relasyon ni Nali maliban sa pagiging magkaibigan. Alam kong may gusto siya sa akin pero parang nakababatang kapatid lang talaga ang tingin ko sa kanya. Her sexual advances always failed. I don’t like her. `Yong sleeping in the same bed, that happened way back when I was in college. Pero walang nangyari sa amin kasi kasama namin sa kuwarto sina Tyron, Calyx, at Ymar. I swear it’s the truth.”

Tumigil si Iuhence ng ilang segundo bago nagpatuloy sa pagpapaliwanag. “`Yong caught in an erotic position, kagagawan niya iyon para pilitin ako ni Ninong na pakasalan siya. But Ninong knew the truth. Hindi ko gusto si Nali. At `yong hanging out in her room, it only happened once. It was her birthday kaya pinagbigyan ko siya. I can’t say no since I forgot to buy her a gift.” Malakas itong bumuntong-hininga. “Please, open the door. Pangako, totoo lahat ng sinabi ko. Mamatay ka man.”

Napaawang ang mga labi ni Mhel. Mabilis niyang binuksan ang pinto at matalim ang mga mata na tiningnan ang lalaki. “Anong mamatay man ako? Ikaw kaya ang patayin ko?!”

Puno ng hindi maipaliwanag na emosyon ang mukha ni Iuhence habang nakatingin sa kanya. “I’m telling the truth, Mhelanie. Dahil kapag namatay ka, para na rin akong namatay.”

Her heart nearly leaped out from her chest. “Iuhence...” Nagbaba siya ng tingin nang maramdaman ang malakas na pagtibok ng kanyang puso. This man really has an effect on her. “Bakit kasi hindi mo sa akin naikuwento si Nali bago mo ako dinala sa isla na `yon? Maiintindihan ko naman—”

“Because she doesn’t matter to me,” putol ng binata sa kanya. “Mas importante sa akin ang makasama ka kaysa ikuwento siya sa `yo. She isn’t relevant in my life, but you are. If I were to compare you with my human needs, you are the air that I breathe. Ganoon ka kahalaga para sa akin. Because without you, I’ll cease to exist.”

Mhel was reading between the lines. At sa mga sinasabi ni Iuhence, kulang na lang ang salitang “I love you” para makumpirma niya na mahal siya nito. His effort, those words, and the way he looked at her. Hindi naman siya bobo para hindi maintindihan ang mga ipinapahiwatig ng binata. It’s that or she was just assuming and hoping that somehow, her love for him is not unrequited.

There. She said it. Hindi na niya kayang i-deny pa iyon. Yes, she loved this man so darn much.

At kung puwede lang mahimatay ang puso niya sa kilig, baka iyon na ang nangyari. Pati yata dulo ng daliri niya, kinikilig sa mga salitang lumalabas sa bibig ng lalaking ito.

“Please, huwag ka nang magalit. Huwag ka nang magselos,” anito na nagsusumamo.

Nasa dulo na nang dila ni Mhel na i-deny ang sinasabi ni Iuhence na nagseselos siya pero hindi siya nagsalita. Wala nang halaga pa kung ide-deny niya. Halata naman sa ikinilos niya na nagseselos siya.

“Nakakairita siya, eh,” aniya sa malumanay na boses.

“Trust me, mas naiirita ako sa kanya. Dahil sa kanya, hindi mo ako pinansin.” Ipinalibot ni Iuhence ang mga braso sa kanyang baywang. “Let’s have dinner. My treat.”

Umingos si Mhel. “You can’t cook, silly—”

“Padating na ang yacht ko isang oras mula ngayon. A dinner for two is already set. So, dine with me?”

“Sige.” Nararamdaman ni Mhel na mas nahuhulog pa siya sa binata dahil sa mga ginagawa nito.

“Good.” Gumuhit ang pilyong ngiti sa mga labi ni Iuhence. “We have one hour to burn. Mas madali maghintay kapag may ginagawa. Lalo na kung ang gagawin natin ay `yong nakakabuhay ng mga laman.”

Mahina siyang natawa at mabilis na hinubad ang blouse na suot. Sunod niyang tinanggal ang bra. “O, ano pa ang hinihintay mo?” tanong ni Mhel nang makitang nakaawang ang bibig ni Iuhence habang nakatingin lang sa mayayaman niyang dibdib na wala nang saplot.

Kaagad naman itong nakabawi sa gulat at inangkin ang mga labi niya kasabay ng marahang pagmasahe sa kanyang mayayamang dibdib.

“Oh, Iuhence…”

Mabilis siyang pinangko ng binata at inihagis sa kama. Mabilis siyang kinubabawan nito at muling nilamukos ng halik sa mga labi. Buong puso iyong tinugon ni Mhel.

It’s going to be a hot and sweaty one hour.

MABILIS na naglalabas-masok ang kahabaan ni Iuhence sa pagkababae ni Mhel nang tumunog ang cell phone ng binata. Hindi nila pinansin iyon at ipinagpatuloy lang ang ginagawa.

“O, yeah, keep doing that, honey,” he said huskily when he felt her controlling the muscles around her vagina walls.

Mas nadadagdagan ang sarap ng bawat ulos ni Iuhence dahil sa ginagawa niya. Para siyang mababaliw sa sarap habang binabayo nito ang sentro ng kanyang pagkababae.

Kasabay ng mabilis at malakas na pagbayo ni Iuhence ay ang pag-iingay ng cell phone nito. Pero hindi pa rin nila pinansin iyon. He thrust hard and long. He didn’t stop until she was writhing in pleasure.

Ipinalibot ni Mhel ang mga binti sa baywang ng binata at sinalubong ang bawat pag-ulos nito. Mahigpit siyang nakayakap sa mga balikat ni Iuhence habang lumiliyad at kumikiwal ang katawan sa sarap na nararamdaman.

“Iuhence… I’m coming… Ohhh— Good heavens. Hayan na— Ohhhhh!”

Ilang segundo lang ang binilang ni Mhel, sumabog na ang kaibuturan niya at malakas siyang napaungol sa sarap. Pagkatapos ay sumunod naman si Iuhence na pinuno ng katas nito ang kanyang pagkababae.

“That was—” She took a very deep breath. “—mind-blowing.”

“I know,” habol ang hiningang sabi ng binata. “Palagi naman, eh.”

Kumawala si Mhel sa pagkakayakap kay Iuhence. Napabaling ang tingin niya sa cell phone na kanina pa nag-iingay. “Sa tingin ko, kailangan mo nang sagutin ang tumatawag sa `yo.”

Inabot na ng binata ang cell phone na nasa night stand at sinagot ang tawag. Nasa loob pa rin niya ang pagkalalaki nito.

“Hello?” May iritasyon sa boses ni Iuhence na agad namang napalitan ng pagliwanag ng ekspresyon. “No need.” Ngumiti ito. “That will do. Thank you, Heather.”

Tumaas ang isang kilay ni Mhelanie nang banggitin nito ang pangalang Heather. Babae na naman nito iyon?

“Heather is my very loyal and trusted secretary,” mabilis na paliwanag sa kanya ni Iuhence. “Maglilimang taon na siya bilang sekretarya ko.”

“Ah, okay.” Kumalma kaagad ang puso niya. “Bakit ka niya tinawagan?”

“Para sabihing dumating na ang yacht ko.”

Nanlaki ang mga mata ni Mhel. “Ganoon ba?” Itinulak niya ang binata sa dibdib. “Hugutin mo na at umalis ka sa pagkakakubabaw sa `kin. Maliligo pa ako.”

“Puwede ka namang hindi maligo. Ako lang naman ang kasama mo ro’n at wala nang iba.”

Pinandilatan niya ito. “No way! Get off me!”

Natatawang umalis si Iuhence sa pagkakakubabaw sa kanya. Siya naman ay mabilis na tumakbo patungo sa banyo.

ISANG simpleng sundress ang isinuot ni Mhel at isang simpleng tsinelas ang ipinares niya roon. Hindi bagay ang stiletto sa pagrampa sa dalampasigan. Ang buhok naman niya ay inilugay lang niya. Sinuklay lang niya iyon at siyempre, naglagay siya ng kaunting makeup.

Pagkalabas ng kuwarto, napangiti si Mhel nang makakita ng isang tangkay ng bulaklak sa sahig at nakapatong iyon sa isang scented paper na may sulat-kamay ng binata.

My sweetest honey, Mhelanie. Nauna na ako sa `yo sa yacht. Pagkalabas mo ng villa, makikita mo agad ang yacht ko. I hope you enjoy this night. – The sweetest food torturer, Iuhence V.

Inaamoy niya ang rosas habang naglalakad palabas ng villa. Si Iuhence na yata ang pinaka-sweet na lalaking nakilala niya at parang may nagliliparang paruparo sa paligid ng kanyang puso.

Kaagad nakita ni Mhel ang yate pagkalabas ng villa. Ngumiti siya nang malapad nang tumambad sa kanya ang nagkalat na rose petals sa dalampasigan.

“Hindi ba nawawalan ng rose petals ang lalaking `to?” natatawa niyang tanong sa sarili.

Naglakad siya patungo sa yate at natawa nang mahina dahil sa red carpet na nakalatag sa daan.

Good heavens! This guy is incorrigible!

Dumaan si Mhel sa red carpet at nang makarating sa dulo, may isang magandang babae na sumalubong sa kanya. Bago pa siya kainin ng selos, nagpakilala na ang babae.

“Miss Mhelanie, I am Heather.” Iminuwestra nito ang kamay papasok sa loob ng yate. “This way, Ma’am.”

Sinundan niya ang babae patungo sa pinakamataas na bahagi ng yate kung saan naroon si Iuhence at naghihintay sa kanya.

Mhel’s world stopped spinning when she met his strikingly tantalizing emerald eyes. This man should be in jail for having those tantalizing eyes. Because of those beguiling emerald eyes, he could get away with murder.

Bumagay dito ang suot na puting polo shirt na nakatupi hanggang siko at nakabukas ang tatlong butones, dahilan para masilayan niya ang matipunong dibdib ng binata. Pinaresan nito iyon ng dark faded jeans at leather slippers.

Iuhence Vergara was one hot piece of meat!

Hindi na namalayan ni Mhel na nakaalis na pala si Heather. Silang dalawa na lang ng binata ang naiwan sa top deck.

Ipinaghugot siya ni Iuhence ng upuan. “Have a seat, honey.”

Kagat-labing lumapit siya sa upuan. Nang makaupo, umikot ito at umupo sa silya na nasa kanyang harap.

Napatingin si Mhel sa mesa at may naglarong ngiti sa mga labi nang makitang puno iyon ng masasarap na pagkain.

“A chef cooked these for you?” tanong niya nang mag-umpisa na silang kumain.

Napakasarap ng mga pagkain na nakahain para sa kanila.

“Yeah.” Nagpakawala si Iuhence ng mahinang tawa. “Alam mo naman na hindi kami friends ni Mr. Cooking kaya hindi na ako mag-a-attempt pa na magluto. Baka kasuhan na ako ng food torturing.”

Mahina siyang natawa. “Not food torturing but food poisoning.”

Sumimangot ang binata. “That’s an insult, honey. I am wounded.” Umakto itong nasasaktan pero mayamaya ay ngumiti rin. “Anyway, matagal na tayo dito sa isla pero parang kaunti pa lang ang alam natin sa isa’t isa. Kahit nga yata paborito kong kulay ay hindi mo alam—”

“White and black.”

Namilog ang mga mata nito. “Paano mo nalaman?”

Itinirik ni Mhel ang mga mata. “Iuhence, lahat yata ng damit mo ay `yon ang kulay. Your villa is color white with black on the edges. Ang kulay rin nitong yate mo ay puti na may itim sa gilid. Pati rin ang jet ski mo ay black and white. At lahat ng gamit sa loob ng villa ay may puti at itim.”

Umiling-iling ang binata habang may naglalarong ngiti sa mga labi. “Oh… okay. Well, what’s my favorite drink?” he inquired smugly. Inaasahan siguro nito na hindi niya alam. Doon ito nagkakamali.

“Coffee. You’re always drinking coffee. Mapaumaga man, hapon, o gabi. If given a chance, magkakape ka.”

He let out a short chuckle. “Napansin mo pala.”

There’s a smug expression on her face. “Ikaw? May alam ka ba tungkol sa `kin?”

Tumango ito at sumimsim ng wine mula sa kopita. “Yeah. Pinaimbestigahan kita.”

Halos malaglag ang mga panga ni Mhel sa sinabi ni Iuhence. “What the hell?! Pinaimbestigan mo ako nang hindi ko nalalaman? Are you fucking kidding me—”

“I just want to know you more,” paliwanag nito.

“Anong know me more? God, Iuhence, you could have asked me.”

“Pinaimbestigahan kita noong mga panahong nasa Russia ka pa at hindi pa maayos ang samahan natin. I want to know what happened to you in those eight years that you were gone,” paliwanag ng binata habang malamlam ang mga matang nakatingin sa kanya. “Sa mga panahong `yon, nasisiguro kong hindi mo sasagutin ang mga personal kong katanungan.”

He’s probably right. Hindi talaga niya ito sasagutin.

“So, ano naman ang nalaman mo sa pagpapaimbestiga mo sa `kin?” nakataas ang isang kilay na usisa niya.

Iuhence grinned devilishly. “A lot.”

“Like?”

“Like everything about you.”

Hindi makapaniwalang napailing-iling si Mhel. “Seriously?”

“Yeah.”

Nagpakawala siya ng buntong-hininga. “So, wala ka nang gustong malaman sa `kin. Tutal alam mo naman ang lahat ng tungkol sa `kin.”

“There’s one thing,” ani Iuhence habang matiim na nakatingin sa kanyang mga mata. Nagdulot iyon ng pagbilis ng tibok ng kanyang puso.

“Ano?” Kinabahan siya sa paraan ng pagkakatitig ng binata.

“Kung gusto mo ba ako o hindi.”

Umawang ang mga labi ni Mhel sa sobrang gulat. “A-ano?”

“Gusto kong malaman kung gusto mo ba ako o hindi.”

Nang hindi siya nakasagot, tumayo si Iuhence at lumapit sa kanya, pagkatapos ay ipinalibot nito ang isang braso sa baywang niya, iginiya siya patayo, at hinapit palapit sa katawan nito.

“Huwag mo nang isipin ang sinabi ko,” anang binata na titig na titig sa kanya na para bang natatakot na kapag pumikit ito kahit sandali lang ay mawawala siya. “Dance with me instead.”

“Wala namang—”

As if on cue, a sweet music filled her ears.

Nagpahila si Mhel kay Iuhence patungo sa gitna ng deck at sumayaw sila sa saliw ng malamyos na musika.

“I don’t know how to dance,” pag-amin ng binata sa kanya na ikinangiti niya.

“`Tapos ang lakas mong isayaw ako,” biro niya.

“I’m not ashamed to admit to you that I’m not good at something. `Yon ako, eh. Kasama ang mga kahinaan ko sa bumubuo ng pagkatao ko. Before, I was ashamed to admit it for a reason that you might laugh at my handsome face, but now, that’s okay. Alam ko naman kasi na hindi mo ako huhusgahan at pagtatawanan dahil lang doon. Ang tanging magagawa ko na lang ay hasain ang sarili ko sa mga bagay na mahina ako.

“I don’t know how to cook, but I will learn for you. I don’t know how to dance but I swear I will hire the best dance instructor in the world to teach me so I could flawlessly dance with you. I have a really bad voice, but I will hire the best singer in the world to teach me how to sing so I can serenade you without being afraid that I might not hit the high notes. I will do those things for you, para maging bagay ako sa `yo.”

Naririnig ni Mhel ang malakas na pagtibok ng kanyang puso. “Iuhence, hindi ako perpekto para gawin mo ang mga bagay na iyon para maging bagay tayo. I have my own version of weaknesses. I’m not perfect.”

“In my eyes…” Hinaplos nito ang kanyang pisngi. “You are perfect, Mhelanie.”

Tumigil si Mhel sa pagsasayaw at tumingin sa mga mata ng binata. “Hindi ako tanga, Iuhence. I can read between the lines. I know you’re trying to say something and I know, or, I assumed that I know what it is. Pero puwede bang sabihin mo na sa akin ngayon? Gusto kong malaman kung tama ba ang pagkakaintindi ko sa mga ipinapahiwatig mo.”

Isang misteryosong ngiti ang gumuhit sa mga labi nito. “That’s good that you can read between the lines. But I won’t tell you now. Hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin ko sa `yo.”

“Kailan ba ang tamang panahon?”

Itinuro ni Iuhence ang dibdib kung nasaan ang puso nito. “Malalaman nito kung kailan ang tamang panahon na `yon.”

“At kailan naman kaya `yon?”

“Soon, my love . Soon.”