lookupnovel logo lookupnovel
Jewel Black Diamond (Kristine Series 4)

Chapter 3

Ch. 3 / 12 Nov 28, 2025

Chapter 3

Chapter Three

T

ATL

o

NG taon na mula nang mangyari iyon. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Jewel. Ikinabit ang seatbelt sa upuan niya nang mag-flash ang sign na

fasten your seatbelts.

Ilang minuto na lang at lalapag na sa NAIA ang eroplanong sinasakyan niya mula Amerika. Sa loob ng tatlong taon ay nanatili siya roon. Inayos ni Leon Fortalejo ang lahat ng mga kakailanganin niya nang araw na umalis siya ng Paso de Blas. Sa ibang bansa niya tinapos ang huling taon sa kolehiyo.

Pinag-master din siya ng matanda. Management. Magagamit niya iyon sa Kristine Cement.

Hindi niya inaasahang uuwi siya. Maysakit si Leon Fortalejo. Iyon ang sinabi ni Emerald sa overseas call sa kanya.

Pinauuwi siya nito upang gampanan ang pamamahala sa Kristine Cement.

Isang matabang na ngiti ang pinakawalan niya. Maraming mga tao ang gagawin ang lahat maging apo lang ni Leon Fortalejo at pamahalaan ang isa sa pinakamalaking kompanya sa bansa.

Pero hindi interesado si Nathaniel. Her handsome cousin loves the outback.

Si Emerald ay writer at nag-e-enjoy sa trabaho nito maliban pa sa hindi papayag si Marco na gugulin ng asawa ang panahon sa pamamahala sa isang multi-million company.

At siya na lang ang natitira para pamahalaan ang Kristine Cement.

Very ironic. Sa kanilang tatlo nina Nathaniel at Emerald, siya ang walang karapatang hawakan ang posisyong iyon. Subalit mukhang doon siya patungo. Hindi dahil wala siyang kapabilidad na gawin iyon. May ibang dahilan.

Gusto rin niyang kaawaan si Leon Fortalejo. Buong buhay nito ay inukol sa kompanya. Ang kompanya at si Leon ay iisa.

At kung ang pagsunod sa gusto nitong pasukin niya ang kompanya ay makakabayad siya ng malaking utang-na-loob sa matanda ay gagawin niya.

ILANG sandali pa’y lumapag na sa Ninoy Aquino International Airport ang eroplanong sinasakyan niya. Pagkatapos ng ilang sandali ay sinusuyod na niya ng tingin ang maraming tao sa arrival area. Sa pagitan ng mga sumasalubong sa mga pasahero ay natanaw niya ang dalawang pamilyar na mukha. Mabilis ang mga hakbang niya patungo sa kinaroroonan ng mga ito.

“Jewel!” bulalas ni Emerald na niyakap ang kapatid. “Welcome back, love. I missed you so much.”

“Hello, Precious, glad to see you again. Halos tatlong taon ka sa Amerika pero negrita ka pa rin,” nakangising tukso ni Marco.

Kumawala sa pagkakayakap sa kapatid ang dalaga at hinalikan sa pisngi ang bayaw. “At ikaw, guwapo kong bayaw ay buskador pa rin hanggang ngayon. But really, I missed you both guys. I’m glad to be back,” aniya nang matuon ang mga mata sa tiyan ni Emerald.

“Wow, totoo ba iyan?” bulalas niya.

Muling ngumisi si Marco. “I finally made it. Gusto ko na ngang mawalan ng pag-asa, `di ba, darling?” masuyong lingon nito sa asawa.

Ngumiti si Emerald at hinaplos ang tiyan. “Four months na siya, Jewel. After three long years of waiting.”

“Natitiyak kong hindi na bagay sa akin ang katawagan mong

Precious

, Marco. Sa tagal ng pinaghintay ninyo, that bundle of joy is worth all the golds in Fort Knox!”

“You bet,” nakatawang sagot ni Marco na hinila ang dalawang babae patungo sa baggage area upang kuhanin ang mga dala ni Jewel.

NASA kotse na sila nang lingunin ni Emerald ang kapatid sa backseat.

“Kumusta ang Mommy at ang Auntie Stella at si Ruby?”

“Mom is fine. She is sending her love and kisses to you both. At mag-overseas ka, Emerald. She will be thrilled `pag nalaman niyang buntis ka. Kay tagal na rin niyang hinihintay ang apo niyang iyan.”

Tumango si Emerald. “How’s Auntie Stella and Ruby?”

Ngumiti ang dalaga. “Gustong sumama ni Ruby. She missed you, Marco. Kaya lang ay ayaw ng Mommy. Alam naman ninyo si Mommy, si Ruby lang ang aliwan.” Tumingin siya sa labas ng kotse at nagkunwang interesado sa tanawin sa tabi ng Roxas Boulevard na para bang may nabago roon mula nang umalis siya. At na sana ay ibahin na ni Emerald ang usapan.

“At si Auntie Stella...?”

:

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng dalaga. Hindi niya gustong sumagot subalit sa wari ay hindi titigil ang kapatid.

“Working on her third divorce.”

h

alata ang iritasyon sa tinig niya. “Naaawa nga ako kay Ruby. And please, Emerald, ayokong pag-usapan siya.”

“Jewel, masama bang kumustahin ko ang kapatid ng Mommy? Isa pa, she is also yo—”

“Please...” mariing agap niya.

“Ibahin mo ang usapan, darling. Kadarating lang ng kapatid mo at hindi natin gustong masira ang mood niya, `di ba?”

Kinindatan siya ni Marco sa rearview mirror at ngumiti ng pasasalamat si Jewel.

Nagkibit ng balikat si Emerald.

Humilig sa upuan ang dalaga at pumikit. Bago pa niya namalayan ay naidlip na siya. Nasa mansiyon na sila ni Leon sa Quezon City nang magmulat siya ng mga mata.

“Bakit wala rito ang Lolo, Emerald? Akala ko ba’y maysakit siya?” tanong niya nang makitang puro mga pinagkakatiwalaang katulong lang ang naroon.

“Mula nang magkaroon ng ikalawang atake ay hindi na umalis ng villa ang Lolo.” Tinawag nito ang katulong at nag-utos ng juice habang si Marco ay tinungo ang bar at nagsalin ng alak.

Hinubad ng dalaga ang sapatos at naglakad sa malamig na marmol patungo sa malaking sofa at naupo. “Pero bakit? Malayo sa ospital ang Paso de Blas. Paano kung atakihin na naman siya? Alam naman ninyo ang sakit sa puso, traydor iyan. Isa pa, hindi ba at ipinamana na niya iyon kay Nathaniel?”

Lumakad si Marco patungo sa kanila at naupo sa tabi ng asawa. “Bilang anak ay si Margarita ang magmamana ng buong asyenda, Jewel. Ipinagkaloob lamang ni Leon ang pamamahala kay Nathaniel. Ang niyugan na siyang major earner nito at ang bakahan. Ganoon din ang Kristine Hotel and Resort. Pero alam nating pormalidad lang iyon dahil sa malaon ay mamanahin ni Nathaniel ang lahat ng mga iyon. Pero ang

v

illa Kristine at ang lupang nakapalibot dito at ang limestone site ay nananatiling nasa pangalan ni Leon,” paliwanag ni Marco na dinala sa bibig ang kopita ng alak.

“Pero bakit? At paano tinanggap ni Nathaniel iyon?”

“He understood. Entail inheritance ang Villa Kristine, Jewel, at alam ni Nathaniel iyon. Gustuhin man ng Lolo na ipamana iyon kay Nathaniel ay madaling mapawalang-bisa iyon ng batas kung sakaling magkontesta ang Lolo Rafael,” tinukoy ni Emerald ang nakababatang kapatid ni Leon. “Kung buhay ang

d

addy ay tiyak na ito ang magmamana ng Villa Kristine. Pero dahil nga patay na siya ay malamang na si Lolo Rafael. Bagaman hindi pa malinaw iyon,” sinabayan ni Emerald ng pagkibit ng mga balikat.

“Pag-interesan kaya ng Lolo Rafael ang Villa gayong mayaman din ito?” kaswal na tanong ni Marco na sinaid ang laman ng kopita. “Ang ipinagtataka ko ay kung bakit nanatiling nakabitin ang forty-five percent controlling stocks ng Kristine

g

roup of

c

ompanies. Kayo ni Emerald ay may fifteen per cent each share of stock. Ang twenty per cent ay pinaghatian ng tatlo pang ibang shareholders at ng Tiyo Josef. Si Jasmin ay pinagkalooban ni Leon ng limang porsiyento noong ikasal sila ni Nathaniel.”

“Fifteen percent?” ani Jewel na tumingin sa bayaw. “Hindi ba wala akong ka…”

“C’mon, Precious, anak ka ni Romano in all legalities kaya hindi dapat na maging issue ang bagay na iyan.”

“Tama si Marco, love. Isa pa, buhay pa ang

l

olo kaya kalimutan natin ang usapang ito. Pumanhik ka na sa itaas at magpahinga ka muna,” sinulyapan ang relo sa braso. “Mayroon kang one hour and a half para magpahinga. Pagdating ng helicopter ay kakatukin kita sa silid mo.”

Tumango at tumayo ang dalaga. Pero bago pumanhik ng hagdan ay nilingon si Marco. “Ang isa sa pangunahing dahilan kaya ako pinauwi ng Lolo ay dahil sa Kristine Cement, `di ba?” Tumango si Marco. “Bakit kailangang umuwi pa ako ng Paso de Blas when I can stay here?”

“Mahigpit ang bilin ni Leon na iuwi kita sa Paso de Blas, Jewel. Isa pa, hindi ka naman magtatrabaho agad. Enjoy your vacation first. Anyway, nasa Kristine Cement ang Tiyo Josef at ang pinagkakatiwalaang si Mrs. de Lara.”

Hindi na kumibo si Jewel at pumanhik nang tuluyan. Wala siyang maidadahilan para huwag umuwi sa Paso de Blas. Pagdating sa silid niya’y ibinagsak ang sarili sa kama. Ibinaon ang mukha sa unan sa pagsisikap na alisin sa isip ang larawang pilit na nagsusumiksik doon mula pa nang sabihin ni Emerald na pinauuwi siya sa Pilipinas ni Leon.

She is twenty-two now. Three years older. Marahil ay natural lang na hindi niya maiwasang maisip ang mga alaala dahil isang bahagi ng buhay niya ang pangyayaring iyon.

Natitiyak niyang nalampasan na niya ang bahaging iyon at kung sakaling magkita man silang muli ay balewala sa kanya. She is a matured woman now, cool and composed. Hindi tulad noon.

A nineteen-year-old teenager. Swooning like a fool over him and cried a river when he dropped her in favor of the alluring Sandra.

Pero hindi ba at nabalitaan niya minsang nag- overseas call sa kanya si Jasmin na hindi naman nagkatuluyan ang dalawa? At si Sandra ay nasa Maynila at nagtatrabaho sa isa sa mga kompanya ni Jake Atienza, ang asawa ng kakambal nitong si Alexa.

At hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit ikinagalak niya ang kaalamang iyon na para bang babalik si Bernard sa kanya. He dropped her once dahil kapatid lang

daw

ang turing nito sa kanya. Hindi binago iyon ng tatlong taong lumipas.

At matagal na niyang tinanggap ang damdaming iyon ni Bernard dahil minsan man sa loob ng panahong pinagsamahan nila ay hindi nito sinabi sa kanyang mahal siya o may pag-ibig ito sa kanya.

“Kung mayroon mang black diamond, ikaw iyon, Jewel. And you’re very special to me, dark eyes. You will always be, tandaan mo iyan.”

Special. Ganoon lang. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya at inayos ang sarili. Naririnig na niya ang ugong ng chopper sa ere. Napaaga ang dating niyon.

Sumungaw si Emerald sa pinto. “Get ready, Jewel,” pagkatapos ay isinarang muli iyon.

Pinanood niya mula sa bintana ang paglapag ng helicopter sa landing pad sa malawak na bakuran ng mansiyon. Mas bago at malaki ang helicopter na nakita niya.

Here I come, Paso de Blas,

aniya na pinalakas ang loob. Tiniyak sa sariling hindi siya maaapektuhan ng muli nilang pagkikita ni Bernard. She’s over it.

And if and when na magkita silang muli, it is easy to say ‘

hi and hello

.’

Just like the song,

I remember the boy but I don’t remember the feelings anymore.

Mabigat ang katawang lumabas siya ng silid. Ilang sandali pa’y inalalayan na siya ni Marco pagpanhik sa chopper. Nauna na si Emerald. “Bago ba ang chopper na ito, Marco?”

Tumango si Marco. “Pero gamit pa rin ang lumang helicopter sa resort. Para doon sa mga foreigner na gustong mag-travel by air. Alam mo na, the rich and famous.”

s

a tabi ng piloto naupo si Marco.

Isang ngiti ang isinalubong ng piloto kay Jewel na ginantihan naman niya ng ngiti rin.

“Siyanga pala, Jewel, ito si Mitchel. Anak siya ni Judge Adriano. Remember him? Isa sa mga sponsor ng kasal namin ni Emerald at ganoon din kina Nathaniel at Jas. Nasa States siya noong nasa Paso de Blas ka.”

“Glad to meet you, Jewel...” wika nito bago isinuot ang headset.

Tumango siya kasabay ng ngiti. Why, the man is handsome! Bumagay ang pagkakaroon nito ng balbas.

Binalingan ni Mitchel ang control. Hindi nagtagal at unti-unti nang umangat sa lupa ang helicopter. Makalipas ang ilang minuto ay tila mga langgam na lamang ang mga sasakyan sa ibaba at halos abot-kamay sa wari niya ang nagtataasang skyscrapers.

Ganoon din ang malalaking sasakyang pandagat nang matapat sila sa Manila Bay.

Mahusay na piloto si Mitchel. Gumawa ito ng light exhibition sa pagpapalipad at nag-enjoy nang husto ang dalaga sa short flight na iyon patungong Paso de Blas.

Naunang bumaba sina Marco at Emerald. Susunod na sana ang dalaga nang kausapin siya ng piloto.

“Now, I guess, I’m free to shake hands,” nakangiting inabot nito ang kamay sa kanya.

Nagpaunlak ang dalaga at mahigpit siyang kinamayan ni Mitchel.

“Hope to see you around, Miss Fortalejo.”

“Jewel. Tinawag mo na ako sa pangalan ko kanina.”

n

gumiti siya rito. Marahang hinila ang kamay na overdue na ang pagkakahawak ng binata pero hindi pa rin binibitiwan ni Mitchel.

“Magmumukha ba akong adelantado kung iimbitahin kitang mananghalian bukas?” patuloy nito still holding her hand.

Umikot ang mga mata ng dalaga na tumawa. “No. But you’re fast.”

“Nasa ere ako, I can’t have the chances na tulad ng iba. Kaya sinasamantala ko ang pagkakataon.”

“Try two days from now, Mitch. Pero huwag bukas. May jet lag pa ako.”

Kumislap ang mga mata ng binata. “Deal. Tatawagan kita. Sa radio man o sa CP,” at saka pa lang nito binitiwan ang kamay niya na gusto nang pagpawisan.

Isang tipid na ngiti ang iniwan niya bago tuluyang bumaba.