lookupnovel logo lookupnovel
KLWKN

Chapter 6

Ch. 7 / 9 Nov 28, 2025

Habang inaayos ko ang mga gamit ko. Biglang may kumakatok sa glass window ng classroom namin. Nakita ko sila Chi at Thea. Sumesensyas na mag cut kami ng klase. Hindi sila tumigil sa pag kalampag ng bintana ng classroom namin.

“Ano ba Rose! Pwede bang lumabas ka at puntahan ang mga kaibigan mo? Nag ri-review kami dito e!” sigaw nung isang kaklase naming sa akin. Hindi ko na ito inintindi at lumabas na lang ako ng classroom.

“Anong ginagawa niyo dito? May pop up quiz ako ngayon sa theology. Kayo na lang ang mag cutting, hindi ako interesado.” Pinakita ko ang hand-outs kong punong puno ng highlights. Katunayan na nag ri-review ako. “Istariray ka! Huwag kana pumasok! Nakakasira ng pag kakaibigan yang pag aaral mo!”

Sinamaan ko ng tingin si Thea, “Pasensya na talaga kayo, pero hindi talaga pwede.”

“Chi, alam mo na ang gagawin.” Sumenyas si Thea kay Chi.

“Hindi ako interesado,” pag tataboy ko sa mga ito.

“A-alis na nga tayo! Ano ba huwag kang kj!” excited na sabi ni Thea. “Kayo na lang, tsaka ilang oras ko pa lang kayo kakilala tapos yayain niyo na agad akong mag cutting? Ayos lang kayo?”

Nang aktong babalik na ako sa classroom, hinatak ako ni Chi. “Ayaw mo ha? Dadaanin ka naming sa dahas! Thea! Hawakan mo nga sa kamay!” Tinakpan ni Chi ang bibig ko. Nag pupumiglas ako ngunit masyado silang malakas.

“Tara na! Tara lets!!” masayang pag aanunsyo ni Jap. Habang nag i-spray ito ng kanyang pabango. Mga ungas na ‘to! Hindi nga yata talaga sila papasok. Nakita ko si Alvin na dala niya ang backpack ko.

“Ano ba naman ‘tong bag mo? Parang sampung kilo ang laman!” pag rereklamo pa nito. Samantala ng si Miggy ay pumapalakpak at humihiyaw. Nang nag kuros ang tinginan naming ni Miggy kumindat lang ito sa akin. I just rolled my eyes heavenwards.

“Saan ba tayo pupunta?” iritang tanong ko. Pumunta si Alvin sa harapan ko.

“Friendless no more na si Yaman! Nice!!!!” sabay rock and roll sign nito sa akin. Napapailing na lang ako sa mga nangyayare. Maya-maya pa’y lumabas na din si Don. Nag su-suot ito ng kanyang hoodie. “Dalian niyo padating sa prof pag nakita tayo non patay tayo!” Siryosong sabi nito sa amin.

Never in my life ko pang nasubukan ang mag cut ng class. Heto ang unang beses na mag cu-cutting ako.

“Bilis! Bilis!” sigaw ni Jap habang patakbo kaming pumunta sa parking lot.

“Pasok pasok!” sigaw ni Jap habang naka sakay na ito sa drivers seat. Para kaming mga sardinas na nag sisiksikan sa kanyang kotse.

“Hoy Jap, ano bang handa niyo? Gutom na ako!” pag ri-reklamo ni Thea. “Basta nag papatay sila ng anim na baboy at may lechon baka. Meron din roasted turkey, may manok at pati yata si barney isinama. Madaming bisita ‘yung tatay ko e! Alam niyo na bida bida.” Nang palabas na ‘yung kotse ni Jap sa exit gate ng school, may kamuntikan itong masagasaan.

“Anak ng pork chop!” biglang busina ni Jap sa kanyang sasakyan. Halos napasubsob kaming lahat sa lakas ng preno.

“Ano ba naman ‘yan Jap?! Akala ko ba naka pasa ka sa driving exam? Binayaran mo lang yata yung driving school! Puchang gala!” liningon ni Jap si Don na noo’y minamasahe ang kanyang batok.

“Wala pa akong lisensya ulul!” sabay tawa ng malakas ni Jap. Nang sabihin ‘yon ni Jap. “Mag commute na lang tayo. Potaena dito na tayo matatapos! Baka mabalita, Alvin namatay dahil makiki pamiyesta. Pucha! Pangit pakinggan!” Sarcastikong sabi ni Alvin.

“Mag grab na lang tayo. Mag kotse ka na lang mag isa mo!” galit nag alit na sabi ni Don.

“Joke lang! To namang mga ‘to. Ang o-oa niyo ha?!” Nilabas nito ang kanyang student license.

Kinalampag kami nung kamuntik ng masagasaan ni Jap. “Kaya naman pala, dapat tinuluyan mo na!” iritang sabi ni Don nang makita niya kung sino ang kamuntik na masagasaan ni Jap.

Ibinaba ni Jap yung salamin ng kanyang sasakyan, “Si Kalbo pala!” They are pertaining to their enemy, Allan.

“Naks, shinning shimmering splendid pa rin ang ulo mo ahh!” pam bubwisit ni Alvin sabay hawi din sa ulo niyang semi kalbo. “SHATAAAAAP!” bwisit na rebat ni Allan. Ngunit sa kabila ng ganong pambati nila sa isa’t isa nag handshake ang mga ito.

“Sa susunod na makita ka namin pakalat kalat tutuluyan na kita paps!” sabay thumbs up naman ni Allan.

“Saan punta? Putcha wala pa tayong isang buwan cutting na agad?! Hype na ‘yan!” pabirong sabi ni Allan habang sinisilip kung sinu-sino ang laman ng sasakyan ni Jap. “Nandito pala si yaman.” Sabay salute nito sa akin bilang pambati.

“Si Rose napansin mo, ako hindi? Kainaman na ‘yan!” tumingin sa akin si Miggy at nag wink. Tila ba sinusubukan ni Miggy na tanggalin ang atensyon ni Allan sa akin.

“Kalbs, mamaya na tayo mag kukumustahan! Gutom na ako!” pam bubulyaw ni Don habang hinahagod ang kanyang sikmura. “Oo nga naman, Allan. Kahiya-hiya man sa’yo pero lumayas ka na diyan.” Iritang pag tataboy ni Chi.

“Sunod ka na lang kina Mayor kung gusto mo. Alam mo naman bahay nila.” Sabay turo ni Alvin kay Jap. “Akala mo naman bahay mo ‘yung pupuntahan. Talagang ikaw pa nag invite?” pambabara ni Thea kay Alvin.

“Napa sungit naman ni soon-to-be,” medyo namula sa Thea sa banat ni Alvin.

“Che!” iritang sabi ni Thea.

Hindi rin nag tagal at umalis na kami ng campus. This will be the first time na mag cu-cutting ako. Tapos kasama ko pa ‘tong mga ito. Nag suot ako ng headset dahil gusto kong makinig ng sarili kong playlist. They were listening to some Parokya ni Edgar songs.

Inagaw ni Miggy ‘yung isang headset. “Anong pinapakinggan mo?”

“Pa share naman!” inayos nito ang kanyang upo at isinuot ang headset kanyang tainga. I was listening to Iris by Goo Goo Dolls. Pinag masdan ko si Miggy, isinandal niya ang kanyang ulo at pinikit ang kanyang mga mata. Huminga ito ng malalim na para bang wala itong kakapiranggot na problema sa mundo.

Hindi na lang din ako nakipag talo pa kay Miggy. Just this one, papabayaan ko siya. Pag katapos nito, tataasan ko ulit ang mga pader ko.

Medyo umuulan din ng mga oras na ‘yon. Habang tumutulo ang bawat patak ng ulan sa salamin, napapaisip ako kung hanggang kalian ako ganito.

I wanted to be okay. Pero maybe not today.

Pagkatapos naming kumain sa bahay nila Jap, nag yaya ang mga ito sa peryahan. Pinasuot sa akin ni Miggy ‘yung extrang hoodie na dala niya.

“Alam mo, ang cute niyo ni Miggy.” Pang co-corner sa akin nila Chi at Thea habang kumakain ang mga ito ng dirty ice cream at cotton candy na may gatas. “Cute? Tss, ayan na naman kayo.”

“Ano ba kasing masama te? Sa halos apat na taon ka naming nakikita sa respira ni minsan hindi mo man lang binigyan ng chance si Miggy?” napakunot noo ako sa sinabi ni Thea. “Chance? Bakit? Hindi naman nanliligaw si Miggy sa akin.”

“Alam naman namin, pero girl. Hindi sa pagiging bias pero malaking parte si Miggy ng buhay namin.” Pag bibida ni Chi sa akin kay Miggy.

“Hindi ako interesado kahit kanino man.” Diretsong sagot ko sa mga ito. Ngumiti sa akin si Thea at tinapik ako ng marahan sa likod, “Darating ka din doon. Pasensya ka na kung minamadali ka namin.”

“Salamat.” Tipid na sagot ko.

“Nasaan na ba ‘yung mga yun?” tanong ni Chi habang hinahanap naming sila sa crowded na peryahan. “Ayun! Ayon ang mga talandi!” bulgar na sigaw ni Chii habang hinahatak kami papunta sa kinaroroonan nila Miggy.

“Iba talaga tong si Miggy, ang lakas ng charisma!” amazed na sabi ni Thea.

Desidido si Miggy na maka kuha ng gold fish. Everyone is cheering for him. Para talaga siyang ball of sunshine. Kahit wala siyang ginagawa kusang lumalapit sa kanya ang mga tao. “Kalmahan lang naman Ninyo sap ag lapit kay Miggy.” Pag tataboy ni Don sa mga ilang babaeng hinahatak si Miggy.

“Lumayas ka nga diyan!” sigaw nung babaeng isa kay Don habang sinusubukan nitong picturan si Miggy. “Don, pabayaan mo na sila. Samahan mo na lang akong mang huli!” masayang sabi ni Miggy.

Mayamaya pa’y dumating si Owen. Lumapit ito sa amin. “Ano ga?” maligalig na bati nito sa amin.

“Owen pautang! Dito tayo sa color color!” pag aayaya ni Alvin. “Miggy, tara na!” pag yayaya ni Don sa kanya. Ngunit ayaw nitong mag paawat.

“Aanhin mo ba kasi yang isdang ‘yan, ha Migoy?” curious na tanong ko. “Basta may gagawin ako. Huwag kayong makulit! Support niyo na lang ako.” Wala na silang magawa at pinanood na lang naming si Miggy na manghuli ng isda.

“Ayun! Ayun!!!” sigaw ng lahat. At nang makahuli na si Miggy ng isa. Nag tatalon ito sa galak. “Lucky charm ka talaga!” sabay kurit nito sa pisngi ko.

“Sira ulo! Bahala ka nga diyan!” pinunasan ko yung parting kinurit ni Miggy.

Pagkatapos namin sa peryahan, Pumunta kami sa isang pet shop, “Gusto ko lang po sanang Isurrender yung alaga kong gold fish.”

Halos mapanganga kaming lahat sa sinabi ni Miggy.

“Kakakuha mo lang kanina niyan, alaga mo na agad?! Anong pangalan ng pet mo? Petmalu?” pam babasag trip ni Jap. “Kula..” siryosong sagot ni Miggy.

“Kula?” sabay sabay naming tanong, “Kulangot.” Sabay tawa ni Miggy.

“Hay nako Miguel, ewan ko na sa’yo! Bala ka na diyan!” lumabas na muna silang lahat. Samantalang ako sinamahan ko si Miggy.

“Alam mo, adik ka.” Hawak hawk ni Miggy ang plastic na may laman na isda. “Medyo,” napailing na lang ako sa sagot nito sa akin.

“Ano ba kasing rason mo bat mo pinilit na kunin ‘yan?” itinapat nito ang isda sa akin. “He’s alone now,”

“Kahit isda nalulungkot din.” Nakangiting sabi ni Miggy habang naka tingin doon sa aquarium na punong-puno ng goldfish. Nakipag usap na rin ito sa manager ng pet shop. Ginupit na nila yung plastic kung nasaan ang gold fish.

Pinag masdan ko lang si Miggy, tuwang tuwa itong pakawalan ang goldfish na kanyang nakuha. “Now, you’re not alone.” Pumirmi muna si Miggy sa tapat ng malaking aquarium at pinag masdan ang pag langoy ng mga isda.

“Tara na,” napangiti na lang ako kay Miggy sa mga oras na ‘yon. Nadatnan naming nag yoyosi ang mga ito sa labas. “Galit na galit ang langit,” nakatingin kaming lahat sa makulimlim at umiiyak na kalangitan.

“Iba talaga ang trip nitong si Miggy. Napaka buti mo talaga.” Sabi ni Jap habang pinag mamasdan namin si Miggy.

“Atleast he’s happy. Let him be.” Pag katapos kong sabihin ‘yon pumasok na ako sa loob ng van.

Mag mimilk tea sana kami nang biglang nag suggest si Owen.

“Ano ga? Arat sa Baguio bukas!” napatingin silang lahat kay Owen. “Luh? SIryoso ba?”

“Ayaw pamo?” nag sigawan ang mga tao sa loob ng van.

“Tawag lang ako sa bahay naming sa Baguio, sabihan ko ang mga kuya na tayo’y hanggang linggo doon. Ayos ga?”

Hindi ko alam kung nabibigla lang baa ko sa mga nangyayare.

Napag desisyunan din naming na mag sleep over kami kina Jap. Dahil maaga ang alis namin papunta ng Baguio. Susunduin kami ng driver nila Owen.

“Hoy! Bakit andito kayo?!” pang bubulyaw ni Thea na noo’y nakapuyod at nag i-skin care.

“Mag gu-goodnight lang.” sabay kindat ni Alvin kay Thea. Habang sinusuot nito ang bonnet ni Miggy. “Bakit ga kayong mga babae ang daming cheche bureche sa mukha?” sabay pang uusisa ni Jap sa mga skin care ni Chi.

“Bakit ba ang dami niyong napapansin?”

“Kami tamang sabon lang, pang lahatan na ‘yon!” proud na sabi ni Jap habang hawak hawak nito ang spray mist sa mukha ni Chi.

Nag hugas lang din ako ng mukha at nahiga na. Malaki ‘yung kwarto. Tamang tama para sa amin. Medyo malamig din sa kwarto dahil dalawang split type na aircon ang naroroon.

Nagulat ang lahat ng lumabas si Thea na may suot na mask. “Ang ganda talaga,” manghang sabi ni Alvin kay Thea. “Ulul!” pambabasag naman ni Thea.

I don’t know but somehow my eyes are on Miggy. He was holding a book. It was an old bible. Pero binalik ko na ang tingin ko sa aking journal.

Pag katapos din naming mag goodnight sa isa’t isa nag si tulugan na kami. It was 12am nung nag si tulugan kami. Dahil maaga kaming luluwas pa-Baguio bukas.

4:30am nang makasakay na kaming lahat sa van. Halos inaantok pa ang mga ito. Nakaupo pa rin ako sa likuran. Malapit sa bintana. Katabi ko pa rin si Miggy.

He was wearing a burgundy hoodie tapos naka kulay khaki lang ito na pants. Tsaka off-white na white shoes. Simple pero may dating.

“Ilagay niyo are sa likod.” Tuwang tuwa si Jap nang makuha nito ang tatlong paper bag na punong puno ng pagkain. “Ano ba naman yan, mahiya naman tayo!” bulyaw ni Chii kay Jap.

“Ganito dapat, tatabi sa pagkain.” Tapos tuwang tuwa si Jap na manghalungkat.

“Uhm, heto pala para sa’yo.” Nagulat ako nang biglang mag abot ng white rose sa akin si Miggy. “Aba! Iba!” pang aasar nila kay Miggy.

Kumunot ang noo ko, “Para saan ‘to?”

“Hmm, malalaman mo mamaya. Tara na Owen, tara na po manong.” Halos mag titili sila Chii at Thea sa ginawang ‘yon ni Miggy.

“May dadaanan lang tayo sandal.” Miggy pleaded.

Wala namang nag reklamo sa kanila sa sinabi ni Miggy. Napatingin na lang ako sa binigay na bulaklak ni Miggy. Hanggang sa bumaba kami sa cemetery.

“Pucha! Akala ko ba baguio? Anong gagawin natin dito?” takot na sabi ni Don. “Ililibing ka na daw ng buhay diyan, pre!” pang aasar ni Alvin.

“Tara?”

“Huh?” tanong ko kay Miggy na noo’y pababa na sa van. “Araw-araw mong dinadalaw si Pacco. Mag papaalam lang tayo sa kanya. Three bouquet of roses para sa tatlong araw na hindi mo siya madadalaw. May dala na din akong kandila.”

Napa aww na lang silang lahat sa loob ng van. I was moved by this kind of gesture.

We both went to Pacco’s grave. As he was putting the roses on his grave, sinindihan ni Miggy dala nitong kandila.

“Promise, as long as I am here.. I will do my best to protect her. Huwag kang mag alala pre! We’ll make sure na mag eenjoy siya doon.” Hindi ko alam kung maiiyak baa ko sa ginawang ‘yun Ni Miggy.

“Tatlong bulaklak, para tatlong araw na hindi ka mabibisita ni Rose. Pasensya kana kung hindi ka niya madadalaw bukas at sa isang araw. Pupunta kasi kami sa Baguio.” I was holding back my tears when Miggy tell those words.

“She’ll be okay. Soon. I promise,” sabay tingin sa akin ni Miggy. At pagkatapos ngumiti. He offered him a prayer. “We’ll take good care of her. Guide her from above,”

Huminga ng malalim si Miggy, “So papaano ba ‘yan pre? Aalis na muna kami.”

Tumingin sa akin si Miggy. “Tara na?” he lend his hand as if he was telling me to trust him.

“Thank you, Miggy.”

He just gave me a nod as an answer tapos ngumiti din ito sa akin. Tumingala muna ito sa langit, he was feeling the cold breeze habang ako hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawang ito ni Miggy.

He was really a nice man. Too bad masyado akong matigas para sa kanya.

At pag katapos noon bumalik na kami sa Van.