lookupnovel logo lookupnovel
Magic Moment (Kristine Series 9)

Chapter 2

Ch. 2 / 12 Nov 29, 2025

Chapter Two

“G USTO kong malaman ang totoo, Monica!”

“Nakikiusap ako, Jerome. Kalimutan na nating lahat ito.” n agmamakaawa ang tinig nito. “Ikaw ang kinikilalang ama ni Nick. Hindi pa ba sapat iyon?”

“Sino ang ama ni Nick, Monica?” giit ni Jerome na ang tinging ipinupukol sa asawa’y kulang na lang ay patayin ito. “Buhay pa ba ito? Baka pinagtatawanan niya ako sa aking likuran dahil inako ko ang bastardo niya?”

Si Nick na nasa labas ay parang nauupos na kandila sa natuklasang lihim ng pagkatao. Hindi siya anak ni Jerome! Iyon ang sagot sa maraming mga katanungan sa isip niya kung bakit minsan ma’y hindi niya naramdamang minahal siya nito.

“H-hindi alam ng ama ni Nick na ipinagdalang-tao ko ang anak namin. I—I never intended for him to know.” t uluyan nang nawalan ng lakas ang mga tuhod ni Monica at muling ibinagsak ang sarili sa sofa. “Kung nagkasala ako sa iyo, parusahan mo ako. Nakahanda ako, Jerome. Pero kalimutan na nating lahat ito, please.” Sa pagkakataong iyon ay humagulhol ito ng iyak.

Matagal na tinitigan ni Jerome ang asawa bago muling nagsalita. “Hindi ako kasinsama ng inaakala mo, Monica. Kahit paano ay ipinagpasalamat ko ang katapatan mo sa nakalipas na mga taon. Hindi iilang beses kitang pinasubaybayan. Isa pa, naitago ng presensiya ni Nick ang isa sa mga lihim ng pagkatao ko na kung malalaman ni Franco ay lalo lamang akong pagtatawanan,” humugot ito ng buntong-hininga at sa mahinang tinig ay, “Pinatatawad kita.”

She wanted to collapse in relief. “S-salamat, Jerome...”

“Pero mula sa mga sandaling ito ay wala kang karapatang panghimasukan ang mga plano ko para kay Nick,” agap ng lalaki bago pa man nakahugot ng hininga si Monica. “Hindi ko kailangang makarinig ng anumang salita mula sa iyo sa pagnanais kong maging asawa ni Nick si Jennifer Navarro. At alam mong susunod sa akin si Nick...”

Halos pumuno sa mukha ni Monica ang mga mata. “Y-you—really can’t be serious...?”

Ngumisi ang lalaki sa tila matagumpay na paraan. “I have never been more serious in my whole life. Dudurugin ko si Franco sa pamamagitan ng bunso at kaisa-isa niyang babae. At tutulungan ako ni Nick doon, Monica.”

“No!” marahas niyang sigaw sa nagpa-panic na anyo at tinig. “Huwag kay Jenny, please. No.”

Huli na para ikalma ni Monica ang sarili. Itinulos sa pagkakatayo si Jerome na nakatitig sa kanya. Ipinahiwatig ng matinding pagtanggi niya ang pinakaiingat-ingatang lihim.

“Monica...” h alos hindi lumabas sa bibig ni Jerome ang pangalan ng asawa sa matinding galit. Marahang umatras sa tokador pero hindi hinihiwalayan ng titig ang mukha ni Monica na nagbadya ng iba’t ibang emosyon.

Higit sa lahat ay guilt.

“Hindi si—Franco Navarro, Monica. Sabihin mong hindi si Navarro...” h alos hindi lumabas sa tinig ni Jerome ang mga salita. Si Monica ay isinubsob ang mukha sa dalawang palad at humagulhol.

“You could have offered yourself to the devil and I wouldn’t care, pero hindi kay Franco... hindi kay Franco Navarro!” Halos manginig ang laman ni Jerome sa matinding galit. “Now I realized why you did not inherit the hacienda, sinadya mong si Nick ang magmamana nito, you bitch!”

Si Nick ay inuntog ang ulo sa dingding sa matinding panggigilalas. Si Monica ay patuloy sa pag-iyak. Si Jerome ay binuksan ang top drawer ng tokador at inilabas ang isang baril at ipinasok sa baywang ng pantalon.

“J-Jerome... no!”

Subalit nasa labas na si Jerome at pabalandrang binuksan ang pinto. Hindi napansin si Nick na nasa gilid ng pasilyo. Halos takbuhin nito ang mga baitang ng malaking hagdan pababa.

“Jerome! Oh, no, Jerome, please!” hiyaw na habol ni Monica. Sinalubong siya ni Nick at hinawakan sa magkabilang balikat.

“Mama...”

“Nick!” Hilam sa luhang napatingala si Monica sa anak.

“Gusto kong marinig sa bibig mo ang katotohanan, Mama.” Naggalawan ang mga muscle sa mukha ng binata at halos bumaon ang mga daliri nito sa mga balikat ng ina.

“Saka ko na ipaliliwanag, Nick, please. Papatayin ni Jerome si Franco at walang kasalanan si Franco...wala!” Nagpumilit itong kumawala sa pagkakahawak ng anak at patakbong bumaba.

Sa bungad ng hagdan ay biglang huminto si Monica at nilingon ang anak. Sa tingin ni Nick tumanda ang ina nang maraming taon.

“Kung kinikilala mo akong ina, Nick, kung mahal mo ako bilang ina, nakikiusap akong ihatid mo ako sa FNC, anak...” g umagaralgal ang nakikiusap na tinig ni Monica.

Ilang sandali pa’y nasa labas na ng Alabang Hills ang mag-ina sakay ng kotse ni Nick. Dalawang kotse lamang ang pagitan nila at ng kotse ni Jerome. Nakatiim ang mga bagang ng binata habang mabilis na nagda-drive. Si Monica ay patuloy ang agos ng mga luha. Abot-abot ang kaba ng dibdib.

Hustong nakapasok sa compound ang kotse ng mag-ina ay palabas ng kotse nito si Jerome at nagmamadaling pumasok sa building. Hindi pinansin ang pagbati ng security guard at ng ilang mga empleyado. Tuloy-tuloy sa elevator at halos tabigin nito ang naroong mga empleyado na ang gulat ay nasa mga mukha.

“Tumawag ka ng ibang security guards at sumunod kayo sa opisina ni Franco!” utos ni Nick sa naroong guwardiya na agad namang tumalima . Si Monica ay hinabol ang pasarang isa pang elevator.

“Oh, damn!” Si Nick nang makitang wala na ang ina at parehong elevator ay paakyat sa itaas. Mabilis nitong tinakbo ang hagdan.

Si Franco ay kasalukuyang ipinakikita sa isang foreign investor ang isang miniature ng gusaling balak nitong itayo sa ibang bansa.

“Don’t you find the whole property area too small?” tanong ng foreigner habang sinu-survey ng paningin ang miniatures na nasa gitna ng silid at nakapalibot ng salamin.

“The owner of the neighboring lot is hesitant to sell yet. But my agent will take care of that. The whole area is approximately three hectares and...” h indi natapos ni Franco ang sasabihin dahil sa biglang pagbukas ng pinto.

“Jerome,” wika nito sa biglang pagpasok ni Jerome. Pagkatapos ay binalingan ang foreigner. “Mr. Wilder, I’d like you to meet...” na muling nahinto nang makitang mula sa pantalon nito’y hinugot ni Jerome ang baril. Ang foreigner ay nanlaki ang mga mata na biglang umatras sa tabi.

“Ano ang ibig sabihin nito, Jerome?”

“You bastard! Papatayin kita!” Itinaas nito ang baril kay Franco. “Sadya mong ipinain sa akin si Monica upang pakasalan ko at mabigyan ng pangalan ang anak mong bastardo. Hayup ka, Franco. Ito ang pinakasukdulan sa mga ginawa mo sa akin at hindi kita patatawarin sa pagkakataong ito!”

“Jerome, huwag!” Si Monica na tinakbo ang asawa subalit itinulak nito si Monica at muling itinutok ang baril kay Franco na gulat at pagkalito ang nasa mukha. Si Monica ay mabilis na tinakbo si Franco kasabay ng pagputok ng baril.

“Nicky!” Mabilis na tinakbo ni Franco ang patumbang babae at sinalo ng mga bisig.

“Mama!” Si Nick na dinalawang hakbang ang kinalalagyan ng ina.

Ang mga security guard ay akmang hahawakan si Jerome subalit umatras ang lalaki. Itinutok sa mga ito ang baril.

“Ako ang may-ari ng kompanyang ito at inuutusan ko kayong lumabas!” Pagkatapos ay itinutok na muli kay Franco ang baril. “Hindi kita paliligtasin, Navarro! Magsama kayong dalawa ni Monica sa hukay!”

Isang putok pa uli ang pumailanlang. Ang security guard ay hindi makapaniwalang binaril nito ang isa sa major stockholders ng kompanya.

SA LABAS ng pasilyo ng ICU ay naroon si Franco at Nick. Gayundin si Bea na kararating lang. Ang dalawang lalaki ay parehong malayo sa isa’t isa. Si Bea na hindi alam ang puno’t dulo ay nanatiling tahimik at nakamasid.

Sabay-sabay na natuon sa pinto ng ICU ang mga mata ng tatlo nang lumabas ang doktor.

“Sino ang anak ng pasyente?”

“Ako. How is she, doc?” Mabilis na lumapit ang binata.

Umiling ang doktor at hinawakan sa magkabilang balikat si Nick. “She wants to talk to you. You have a few minutes.” h indi pa halos natatapos ng doktor ang sinasabi ay binuksan na ni Nick ang pinto papasok.

“Oh, Franco.” n anlumong yumakap sa asawa si Bea. Si Franco ay halos mamanhid na ang mga panga sa kaiigting.

“I’m sorry, Mr. Navarro. Ginawa na namin ang aming makakaya pero fatal ang tama ng baril sa dibdib niya.” t umango si Franco na tumingala kasabay ng pagyakap nang mahigpit sa asawa.

Sa loob ay ginagap ni Nick ang kamay ng ina. Sinikap na hindi tumulo ang nakaambang mga luha.

“Mama...” he whispered hoarsely.

“Nick... I’m sorry...” bulong ni Monica. Walang lakas ang pagpisil sa kamay ng anak.

“Sshh... d on’t talk.”

“Walang kasalanan si—Franco, Nick. Ako ang may kasalanan—sadya ko siyang nilasing—noong— araw na iyon...” s uminghap ng hangin si Monica at napapikit si Nick. “H-he was so repentant that he blamed himself for what happened. H-hindi—niya alam kung ano—ang gagawin sa nangyari. Bea had just given birth to Alvaro...”

“Mama, please...”

“Let—me talk, please.” n akikiusap ang tinig ni Monica. “I know he—he would have married me had it been possible, son. At hindi—niya alam na ipinagdalang-tao kita.” s a tig-isang sulok ng mga mata ay umagos ang luha ni Monica. Gustong mabasag ng mga bagang ni Nick sa pagpipigil ng emosyon.

“I love him, Nick. I have loved him since the very first time I saw him.” m ay isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Monica. Naalala ang araw na nagtungo sa tindahan ni Mrs. Laureano si Franco at sunduin si Bea. “I never—regretted that forbidden moments with your father. I have treasured it through the years. Iyon lang ang nag—silbing lakas ko para makisama kay Jerome.” i tinaas nito ang kamay sa mukha ng anak. “And I love you, too, my darling. Ikaw ang pinakamahalagang bagay na dumating sa buhay ko...”

Walang salitang namutawi sa mga labi ni Nick. Nagsisikip ang lalamunan sa pagpigil na umiyak. But tears rolled down anyway.

“P-pinatatawad mo ba ako, anak?”

“I love you—so much,” sagot niya sa basag na tinig. Hinagkan ang kamay ng ina. Pagkatapos ay tumingala at pinuno ng hangin sa dibdib.

“G-gusto... kong makausap si Bea...” pakiusap ni Monica sa naghihirap na tinig. Mabilis na lumabas si Nick. Nang pumasok ay kasama na ang mag-asawa.

“Nicky...” g inagap ni Bea ang kamay ng kaibigan.

“Please, forgive me...”

TATLONG linggo na ang nakararaan matapos na inihatid sa huling hantungan si Jerome at Monica. Nakabalik na rin sa ibang bansa ang nakatatandang kapatid nitong si Luis Montaño at ang pamilya. At sa loob din ng mga panahong iyon ay parang estranghero sa isa’t isa sina Franco at Bea. Ang tatlong anak ay pawang hindi rin alam kung paano tatanggapin ang mga pangyayari.

“Talk to me, please,” pakiusap ni Franco kasabay ng pagpigil sa braso ng asawa nang mag-akmang papasok sa silid si Bea. “You’ve been avoiding me...”

“Ano ang gusto mong sabihin ko, Franco?” she asked in a pained voice.

Nasa loob ng mga bulsa ng pantalon ang mga kamay ng lalaki at huminga nang malalim. “I don’t know either.” t umingala ito sa kisame sa nahahapong anyo. “Ano ang maaari kong ikatwiran sa mga nangyari? Ipinaliwanag at inihingi ko na ng tawad sa iyo ang hindi sinasadyang pagkakamaling iyon. Muli, humihingi ako ng tawad...”

“Paano ko gagawin iyon gayong kaibigang matalik ko ang sangkot? Higit pa sa kaibigan lamang. Para kaming magkapatid, Franco...” n agbara ang lalamunan ni Bea.

“I love you, Bea, alam mo iyan. Hindi ko ginusto ang nangyari. I’d rather die kaysa gawan ng masama si Nicky, alam mo rin iyan. I maybe many things to you and to a lot of people pero hindi ko magagawang pagtaksilan ang isang kaibigan. Matagal kong dinala sa dibdib ko ang pagkakasalang iyon. At hindi ko alam na nagbunga ang minsanang pangyayaring iyon. At gusto kong ipagpasalamat na hindi ko nalaman hanggang sa mga sandaling ito ang tungkol kay Nick or else I would have lost you, Bea. At hindi ko kaya iyon...”

Tiningala ni Bea ang asawa. Her eyes filled with so many emotions. “At paano mong nalamang hindi ako mawawala sa iyo ngayon, Franco?”

Tumiim ang mukha ni Franco sa pagkakataong iyon at naningkit ang mga mata. “Don’t you ever tell me that, Beatriz Navarro! Pinagbigyan kita sa nakalipas na mga araw na huwag makipag-usap sa akin dahil walang hindi naapektuhan sa atin sa nangyaring trahedya. But I’ll be damned kung pahihintulutan kitang manatiling ganyan ang pakikitungo sa akin!”

Huminga nang malalim si Bea. “Gusto kong sabihin sa iyo ito, Franco. Babalik lamang sa dati ang lahat kung tatanggapin ka ni Nick!”

“That is unfair!” Subalit pumasok na sa silid ang asawa.

Tumiim ang mukha ni Franco. Isa pa iyon sa suliranin niya. Hindi pa bumabalik mula sa Sto. Cristo si Nick. At kanina ay ibinigay sa kanya ng sekretarya ang fax letter nito na nag-tender ng resignation. Sa kabila ng lahat, sa kaibuturan ng puso niya’y naroon ang galak na dugo niya si Nick Gascon.