lookupnovel logo lookupnovel
One Night with the Billionaire (Filipino)

Chapter 13

Ch. 14 / 33 May 10, 2025

"CAMILLA."

"Sandra."

Masayang nakipagbeso-beso si Sandra, ang Mommy ni Zeke sa ina ni Rafe.

Sa kabila ng tinatamasang karangyaan mula sa tatlong napangasawa ay nakadama pa rin ito ng inggit sa balo ni Felipe Stamos. Camilla came from old money, after all. Hindi gaya niya, kinailangan pa niyang mag-asawa ng tatlong mayayamang lalaki upang makamit ang karangyaang tinatamasa sa kasalukuyan.

"You're looking exceptionally well," puna niya rito.

Pahapyaw niyang inikot ang tingin sa sala grande ng mansion nito na humihiyaw ng karangyaan. Hindi sila maituturing na malapit na magkaibigan. Pero gusto niya ang impluwensyang dala ng isang Camilla Elizalde-Stamos sa sandaling mapadikit ka sa isang kagaya nito.

"I owe it all to my family. I have a wonderful son, a very nice daughter in-law and a very bright grandson. And another grandchild on the way. Isn't it amazing?"

Sandra refrained herself from rolling her eyes heavenward. Halos magkasing-edad lamang sila ni Camilla pero wala siyang maramdamang pagkasabik sa ideya ng pagkakaroon ng apo. Lalo na nga kung ang apong iyon ay manggagaling din lang sa babaing tindera ng kakanin.

Hmp! Never, saloob-loob niya.

She wants her children to be married to a family with an impressive pedigree. At hindi siya makapapayag na makapag-asawa ang sino man sa mga anak niya ng kung sino-sino lang.

"After my husband died, I never thought it's possible for me to still find a reason to live. But I did. Anyway, enough of me. I'm sure nagpunta ka rito para maghatid ng isang magandang balita."

"Balita?" meron ba siyang hindi nalalaman tungkol sa mga nagaganap sa kanyang paligid?

"About Zeke. I heard he's getting married."

Tila bombang sumabog iyon sa pandinig ni Sandra! She tried to laugh it off. Gustong sabihin kay Camilla na isang malaking biro lamang ang lahat. Pero hindi niya iyon nagawa. Parang biglang nagdilim ang mundo niya. Hindi puwedeng mangyari iyon!

"K-kailan mo naman nalaman ang tungkol d'yan?" aniyang pilit na hinamig ang sarili at panatilihin ang composure.

"About three days ago. I'm sorry, sikreto lamang ba ang tungkol doon? Your son seemed happy and very excited when he told Rafe about it."

Three days ago.

Kailangan niyang gumawa ng paraan. Hindi siya makapapayag na may mangyaring kasal.

Over my dead body!

Dali-dali siyang nagpaalam kay Camilla. Kahit parang takang-taka ito sa inasal niya ay tumango na lamang ito.

Kaagad na ipinagbukas ng pinto ng chauffeur si Sandra.

"Saan po tayo, Madam?"

"Sa bahay."

Habang bumibiyahe ay tinawagan ni Sandra ang anak na si Vincent.

"Yes, Mom?"

"Kumusta na ang ipinapagawa ko?"

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng kausap sa kabilang linya. "It's already in the lab, Mom. Hinihintay ko na lamang ang result."

"I want it ASAP! Nasisiraan na ng bait ang kapatid mo. At bago pa siya gumawa ng isang malaking pagkakamali sa buhay niya ay kailangang makita ko muna ang resulta ng DNA."

"Mommy, matanda na si Zeke. I'm sure alam niya na kung ano ang ginagawa niya, okay?"

Sa ibang pagkakataon ay paalalahanan ni Sandra ang anak sa pagtukoy nito ng first name sa nakatatandang kapatid. Mabibilang lamang sa daliri kung tukuying Kuya ni Vincent si Zeke. Pero hindi iyon ang main concern niya sa mga oras na iyon. Ang kailangan niya ay ammunition para mapigilan sa binabalak nito ang panganay na anak.

"Tinatawag na ako ni Direk. I have to go."

Napilitan si Sandra na tapusin na ang tawag. Kahit kilalang modelo ang anak ay wala itong attitude sa trabaho. Very professional ito. At sa mga oras na iyon ay alam niyang busy ito sa isang commercial ad na ginagawa nito para sa isang telecommunication company.

Kailangan niyang mag-isip ng paraan kung paanong mailalayo si Zeke sa tinderang 'yon. Dati ay wala siyang pakialam kung kaliwa't kanan man ang pambababae ng panganay niyang anak. Pero ngayong kasal na ang pinag-uusapan ay hindi na puwedeng manahimik na lamang siya sa isang tabi. Pagtatawanan siyang tiyak at lilibakin nang palihim ng mga amiga niya sa sandaling mapabilang ang babaing 'yon sa pamilya nila.

Isang ideya ang biglang kumislap sa utak ni Sandra. Isa sa mga amiga niya ang bigla niyang naisipang tawagan.

Why didn't I think about this before? saloob-loob niya habang hinihintay na sumagot ang nasa dulong linya.

"Hello?"

"Eve," bati niya sa babaing sumagot. Si Evelyn Quirino, tulad ni Camilla ay mula rin ito sa angkan ng mga mapepera.

"Sandy, it's been a while," tuwang tugon mula sa kabilang linya.

"Yes, six months, right? Ang huli nating kita-kita ay noong wedding anniversary ni Blanca."

"Oo nga. By the way, belated happy birthday. I'm sorry I wasn't able to come to your party. You know naman that Pablito is recuperating, di ba?"

"It's okay, Eve, I understand. By the way, how's Vangie?" tukoy niya sa nag-iisang anak na dalaga nito.

"Haay, naku. Mukhang tatandang dalaga na ang anak kong 'yon. Mula nang pagtaksilan ng dating nobyo ay ayaw na uling sumubok makipag-relasyon. Malapit ko na ngang ipagpamisa."

"Oh, dear. I was actually having the same problem with my eldest. Bakit hindi na lang kaya natin ipagkasundo ang ating mga anak? It's like killing two birds with one stone. What do you think?"

Tila saglit na pinag-isipan ni Evelyn ang mungkahi ni Sandra.

Mayamaya ay sumagot ito. "Sige. Sang-ayon ako."

"Perfect."

Ngayon ay hihintayin na lamang niyang dumating ang resulta ng DNA test. Hindi siya naniniwalang anak ni Zeke ang batang 'yon. Wala siyang maramdamang pagkagiliw sa bata. Ang anak niyang si Annika ay likas na mahilig sa charity cases kaya hindi nakapagtataka kung nawiwili ito sa bata. Mana kasi ito sa ama. Mababa ang loob sa mga kapus-palad. Kaya nga ito maagang namatay dahil sa kung saan-saang relief operation ito madalas magpunta.

Itinaboy na ni Sandra ang isip tungkol sa dating asawa. Bigla siyang na-excite sa ideya ng pagpapakasal ng anak sa isang Quirino. At yaman din lamang na sisimulan niya kay Zeke, siguro ay hindi masama kung ang sunod niyang ihahanap ng mayamang mapapangasawa ay si Vincent. Pagkatapos ay ang bunso niyang anak na si Annika.

Isang matamis na ngiti ang unti-unting nagkahugis sa mga labi ni Sandra.

It's not a bad idea. Not bad at all.

THREE days later, ang katuwaan ni Sandra ay biglang sinira nang pagdating ng DNA test result na ipinadala ng anak na si Vincent. It was a ninety-nine percent match. Anak ni Zeke ang bata.

"No, no, no. Hindi puwede!" pinagpunit-punit nito ang papel.

Wala si Vincent at kasalukuyang may location shoot sa Thailand para sa isang commercial kung kaya't ipina-courier na lamang nito sa ina ang test result. Na sa kasamaang-palad ay pinunit ni Sandra. Matapos ang outburst nito ay tinawag nito ang isang kawaksi at pinasabihan ang personal driver na ihanda ang sasakyan. Aalis ito ng bahay.

Nasaksihan ni Annika ang lahat ng iyon. Inutusan niya ang isang maid na ipunin ang nagkapira-pirasong papel at ipinadala iyon sa kanyang silid. Doon ay pinilit pagdikit-dikitin ng dalaga ang papel hanggang sa makita niya kung ano ang nilalaman ng dokumentong iyon.

NAGHAHANDA na si Zeke para umuwi nang walang abog na bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Nagulat siya nang iluwa niyon ang kanyang ina. Isang naaalangang ngiti ang nakita niya sa mukha ng kanyang sekretarya nang marahan nitong kabiging pasara ang pinto sa likuran ng kanyang ina.

"I must say, this is a big surprise, Mother," aniya sa ina.

As far as he could remember ay iyon pa lamang ang ikalawang beses na tumuntong doon ang kanyang ina. Una ay noong ganap na isalin sa kanya ng ama ang pangangasiwa sa Infinite Pharmaceuticals. Ikalawa ngayon. Alam niyang hangga't maaari ay ayaw na ayaw tumuntong doon ng kanyang ina dahil hindi raw ito komportable sa loob ng dating kompanyang itinuturing na emperyo ng kanyang ama. Anuman ang dahilan at bigla itong napasadya roon ay natitiyak niyang importante ang kailangan nito sa kanya.

"Would you like something to drink, Mom?"

"No need. Hindi rin naman ako magtatagal. Naparito lamang ako para ihatid sa'yo ang resulta ng DNA test na iniutos ko kay Vincent. Here, I'm sure you're dying to know the result."

"Of course," wala ni munting pagdududa sa isip ni Zeke na anak niya si Samantha. Nakangiti pa siya nang bumaba ang tingin sa paternity analysis report. Ngiting unti-unting nabura nang mabasa niya ang nakasulat doon.

...is excluded as the biological father.

"W-what is the meaning of this?" maang na tingin niya sa ina.

"Exactly what is written in there—that kid is not yours. At ngayong malinaw na sa'yo ang bagay na 'yan, siguro naman ay makakapag-isip ka na nang mabuti. Hindi mo kargo ang mag-inang 'yon kaya hayaan mo na silang bumalik sa pusaling pinagmulan nila. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"No. No, this... this can't be?"

"Really?" tinaasan siya ng kilay ng kanyang ina. "Kung ganoon, iniisip mo bang pineke lamang ng kapatid mo ang resulta ng dokumentong 'yan?"

"Ipapaulit ko ito. Hindi puwedeng gani—"

"Stop it! Naririnig mo ba ang sarili mo? Para ka ng nasisiraan ng bait. At nagkakaganyan ka lamang dahil sa isang babae. Ano ba ang ipinakain sa'yo ng babaing 'yon, ha? Hindi mo ba naisip na baka sinasamantala niya ang pagkahumaling mo sa kanya at ngayo'y ginagamit niyang sandata ang bata? Isang bata na hindi mo naman talaga anak?"

Napipilan siya.

Iyon nga kaya ang ginawa ni Willa? Niloko lamang ba siya nito?

Bigla niyang nasapo ang ulo. Nagsimulang mag-analisa ang utak niya mula nang araw na sabihin sa kanya ni Paige kung nasaan si Willa. Nagsabwatan ba ang dalawa para mapaikot siya?

Fuck, fuck, fuck!

"Pull yourself together at gusto kong layuan mo na ang babaing 'yon."