lookupnovel logo lookupnovel
One Wish (Kristine Series 18)

Chapter 8

Ch. 9 / 22 Apr 09, 2022

Chapter Eight

S INUYOD ng tingin ni Lora ang apat na magkakalapit na isla. Isa roon ay malaki at tatlo ay maliit. Kay gandang pagmasdan niyon mula sa kinatatayuan niya. Parang mga tuldok sa dagat.

Ibinalik niya ang tingin sa karagatan. Kumikislap ang repleksiyon ng pang-umagang araw sa ibabaw ng tubig. Hindi ilang beses niyang hinuli ang kagandahan ng pagsikat ng araw at ganoon din ang paglubog nito sa camera niya. Subalit nanatiling nakatago ang mga iyon sa kanyang silid. Hindi niya gustong paniwalaan ang mga papuring tinatanggap mula sa ama’t tiyahin. Dahil si Nelson ay hindi naa-appreciate ang gawa niya. Para daw larawan sa kalendaryo.

And now, she watched the man who was as elemental and compelling to her as the sea and the islands. Higit na mapanganib kaysa sa anumang malalakas na alon sa maalimpuyong dagat. She watched him swim. Bawat stroke ay nag-iigting ang mga muscle nito sa mga balikat at braso.

Images of him holding and kissing her last night danced through her mind. And she shivered involuntarily.

Huminto mula sa paglalangoy si Karl nang matanaw siyang nakatayo sa may barandilya. Kumaway ito. “Come on!”

Lora smiled a little, at saka pumanhik sa gilid ng yate, she took a deep breath and dived gracefully. Sumisid siya sa ilalim ng tubig. Dahil malinaw ang dagat ay nakita niyang sumisid din si Karl at patungo sa kanya. Binilisan niya ang paglangoy at lumayo mula rito.

Parang mga isdang naghabulan sa tubig ang dalawa. Buo ang loob ni Lora na hindi siya mahahabol ni Karl. Laking Maynila ang binata at kung mahusay mang lumangoy ay hindi marahil kasinghusay niya na sa tabing-dagat lumaki at nagkaisip. At tuwing inaakala nitong malapit na siyang abutan ay tila siya isdang muling lumalangoy palayo.

But she underestimated him. Naramdaman niya ang kamay ni Karl sa binti niya at hinihila siya. Kung makakalabas lang sa tubig ang tili niya’y baka nagmadaling sumunod si Tiya Lagring na alam niyang babantayan siya sa may deck.

Sinikap niyang kumawala mula rito subalit lalo lamang humihigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Mula sa binti niya’y tumaas ang mga kamay nito patungo sa baywang niya at sumikad ito paibabaw kasama siya. They both grasped for air nang pumaibabaw sila sa tubig.

“My god, you swim like a fish!” bulalas ni Karl, naghahabol pa rin ng hininga.

She grinned. Just as breathless as he was. “Pero... inabutan mo ako. You’re a better swimmer.”

“Kung nagpumilit kang magpumiglas ay baka napahiya ako. Muntik na akong kapusin ng paghinga kanina,” wika nito, his eyes skimmed her face. Then to Lora’s surprised, itinaas ni Karl ang kamay sa ulo ng dalaga at inilubog siya sa tubig kasabay nito.

Underwater, Karl claimed her lips. She had no idea for how long he was kissing her, subalit nang sa palagay niya’y mauubusan na ng hangin ang baga niya’y umahon sila sa tubig.

“Was that... the real kiss you promised?” she said breathlessly. “If it was, then it wasn’t sweet, Karl! It was salty!”

He gave a bark of laughter. His arms around her. And her legs curled around his waist as he treaded on water. Ang basang bathing suit ni Lora’y dumikit na sa katawan niya, outlining two very tempting breasts.

Hinawi ni Karl ang buhok niya sa mukha patalikod. She was smiling, and it revealed the white shine of teeth against the tip of her pink tongue. He bent closer, gave her mouth a soft kiss then lick the salty water from each corner... then his tongue moved to lick the top of her nose... and all over her face.

“W-what are you doing?” she asked, tila may nagkakarerang maiinit na likido sa katawan niya pababa.

“Licking off the salty water from your face,” he murmured against her skin.

Then Lora felt his big hand on her butt, she gasped.

“K–Karl... madudungawan tayo ni Tiya Lagring...” She pushed him at binigyang distansiya ang mukha.

“Wala na tayo sa tapat ng lower deck, Belle,” he said huskily. Ang mga kamay nito sa ilalim ng tubig ay gumagawa ng masarap na landas sa katawan niya.

“T-this is... ridiculous...” aniya, her voice trembled a little. “Y-you’re making love to me on water...”

“For a change,” ani Karl, his lips curving in a smile that was as seductive to her senses as sunlight tangled in a breaking wave.

At kailangan niyang magbigay ng distansiya para sa sariling katinuan. At sa pagkabigla ni Karl ay tila madulas na isdang kumawala mula sa kanya si Lora at mabilis na sumisid palayo. Lumutang siya ilang dipa ang kalayuan mula sa binata.

“Race me to the shore, Karl!” she shouted, smiling at him tauntingly.

“You don’t play fair, siren!” he shouted back and grinned knowingly. May partidang ilang dipa ang dalaga. But he wasn’t a champion swimmer in Texas U for nothing.

Hanggang tuhod na ni Lora ang tubig at tinatakbo na niya ang dalampasigan nang abutan siya ni Karl. Hinapit siya nito sa baywang at parehong natumba ang dalawa sa mababaw na tubig.

She shrieked and laughed at the same time habang sadyang ipinagulong ni Karl ang mga katawan nila patungo sa buhanginan.

“I won,” he said huskily.

Tumaas-baba ang dibdib ni Lora sa paghingal subalit nakangiti. She could never remember a day when she was this happy in a company of a man. Of course, her father didn’t count.

“But you cheated!” protesta niya. And didn’t notice that Karl’s hand was cupping the back of her head at nagsilbi iyong panangga upang hindi abutan ng maliliit na alon ang mukha niya.

“Did I, my Belle?” His voice was low and sexy.

“Yes! Malapit na ako sa—” s he stopped in mid-sentence. Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi.

Karl’s gaze on her was so intent that she felt her skin actually go warm. She was aware for the first time of their position. And that their bodies were pressed together intimately.

May pakiramdam siyang nanunuyo ang mga labi’t lalamunan niya. She licked her lips unconsciously.

Karl groaned silently. At bago pa mapigil ni Karl ang sarili’y yumuko ito at inangkin ang mga labi niya, giving her a kiss that was warm, seductive, and certain.

Kung mayroon mang gapintig na pagtutol sa bahagi ni Lora, it was lost in the glow of feeling secure in his embrace. Tumaas ang mga kamay niya sa leeg nito at tumugon ng halik. Just as thorough.

Karl’s mouth feasted on hers, greedy for more. And Lora offered more. Pagkatapos ng mariing pag-aangkin sa mga labi niya’y nagbago ang halik ni Karl. It slipped into a softer, slower, and more seductive kiss.

An aching pleasure glided through her. So sweet, so welcome it made her want to cry. Wondered why she hadn’t felt this before. At bakit niya ito nararamdaman sa isang lalaking hindi naman niya lubusang kilala?

Karl pulled her tightly. Kung maaari lang ay walang hangin o tubig-dagat ang makaraan sa pagitan nila. And while part of him wanted nothing more than to go on kissing her forever, he ended the kiss when he faintly heard her sob.

He stared down at her and watched her opened her eyes slowly. Inaasahan nitong pagtutol ang nasa mga mata ng dalaga. Instead her eyes were dreamy. Her face flushed. The sob must have been his imagination.

“You’re sweet,” ani Karl, tumaas ang kamay sa mga labi niya and touched her lips.

“I–I guess I couldn’t complain about the kiss,” she whispered shyly. “It... was wonderful, Karl.”

He smiled and kissed her soft mouth once more. But he didn’t linger. He didn’t dare. Wala itong nakikitang ibang nilalang sa dalampasigan at baka hindi nito magawang kontrolin ang sarili.

Tumayo si Karl at iniabot ang kamay kay Lora. “It’s a long swim to the ship, siren.”

ITINUKOD ni Lora ang mga braso sa barandilya. Iyon ang ikalimang gabi nilang paglalayag. Sa nakalipas na dalawang araw ay tinuruan siya ni Karl kung paano mag-water ski. At sa dalawang beses niyang pagbagsak sa tubig ay naroon lagi si Karl at nakaalalay bagaman alam nitong mahusay siyang lumangoy. At tuwing nadidikit ang balat nito sa katawan niya’y tila laging may nagsisinding apoy sa katawan niya.

Bawat pagdantay ng kamay ni Karl sa kanya, iyon ma’y tila inosente at walang malisya, alam niya at nararamdaman na may inihahatid iyong mensahe sa kanya. Sa maraming pagkakataon, hindi ilang beses siyang hinagkan ni Karl na tila ba bahagi na iyon ng bawat sandaling magkasama sila. At ang mga ngiti nito, ang mga titig, lahat ay nagbabadya ng kakaibang mensahe. At hindi niya maiwasan ang masarap na kilabot na gumagapang sa kanyang katawan.

Kaninang umaga’y nasa Romblon sila, and Karl had suggested that they get to shore. Gamit ang speedboat ay natungo sila sa Romblon port. They wandered through the small town.

“What exactly are we looking for?” tanong niya nang patuloy na inuutusan ni Karl na sige lang sa pagtakbo ang tricycle dahil may hinahanap sila.

“Just wait and see,” wika nito. Iyon ang unang pagkakataong nakasakay ito ng tricycle, and he was enjoying it.

At nang mapadaan sila sa isang bahay na ang harapang bakuran ay puno ng maraming halamang namumulaklak ay ipinahinto ni Karl ang tricycle. Kinausap nito sandali ang may-ari habang naghihintay siya sa tricycle at makalipas ang ilang sandali’y muli silang nagbalik sa pantalan at pabalik sa yate.

At kaninang hapunan ay ganoon na lamang ang pagkamangha niya nang sa paglabas nila ng Tiya Lagring niya sa dining room ay puno ng sariwang bulaklak ang mesa na inaayos ni George sa isang bowl. Roses, lily of the valley, carnations, at kung ano-ano pang hindi niya mabigyan ng pangalan.

“Saan galing ang mga iyan, George?” she asked excitedly.

“Pinakuha sa akin ni Karl kanina sa Romblon bago tayo naglayag uli.” Makahulugang kumislap ang mga mata nito. “Para daw sa iyo, Lora...”

“Oh.” Humakbang siya palapit and touched one petal delicately.

Umirap si Tiya Lagring. “Hmp... Nang dahil lang diyan sa mga bulaklak na iyan ay halos mapugto na ang hininga mo, Lorabelle! Kay rami niyan sa atin, ah! At hindi mo pa ako mapahinuhod sa sagot mo kung bakit natagalan kayo ni Karl sa paglalangoy noong isang araw!”

Hindi sumagot si Lora. Dreamily, she pulled one stem of rose and inhaled its sweetness. Si George ay mataktikang iniwan silang magtiya matapos salinan si Tiya Lagring ng kape.

Iyon ay kaninang umaga. At kung wala si Tiya Lagring ay hindi niya natitiyak kung ano sana ang gagawin niya bilang pasasalamat nang sumalo sa agahan si Karl.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya habang tinatanaw ang madilim na karagatan. Hindi siya makatulog kaya nasa deck siya kahit hatinggabi na. Nasa isip niya ang sinabi ng t iya Lagring niya kung ano ang mangyayari sa namumuo niyang atraksiyon kay Karl pagkatapos ng paglalayag.

Hindi rin niya alam ang sagot doon. At kung maaari lang na hilingin sa bituin na huminto sa pag-inog ang mundo at manatili siyang kasama ito ay gagawin niya.

“It’s cold and dark here, Lorabelle...”

The baritone voice startled her. At kung hindi niya natutop ang bibig ay napasigaw siya sa gulat. Hindi niya inaasahang may gising pa sa yate maliban sa kapitan at isang crew sa oras na iyon.

“Hindi kita gustong gulatin,” ani Karl, ibinalabal sa kanya ang jacket nito. “Bakit ka narito? You’ll catch pneumonia, manipis lang ang suot mo...”

Warmth spread through her. At noon lang niya napagtanto na giniginaw siya nang nasa katawan na niya ang mainit na jacket ni Karl. The jacket smelt of the man himself—simply masculine.

“T-thank you... twice...”

“Twice?”

“Once for the flowers... and this...” Niyuko niya ang jacket. “Bakit gising ka pa?”

“I’m working.”

Umangat ang mga kilay niya. “You’re supposed to be on leave!”

He laughed huskily. “I can always mix business with leisure, Lora. Nasa yateng ito ang mga modernong kagamitan para hindi maputol ang trabaho ko. Ikaw, bakit gising ka pa?”

She shrugged. “One of those rare nights when one couldn’t get to sleep at all.” Muli siyang humarap sa dagat. Then softly, “Saan tayo patungo?”

His voice was deep and husky when he answered. “To the ends of the earth...”

May ilang segundong hindi sumagot si Lora. A smile played her lips as she watched the water below. “I doubt if ever we’ll find exactly where the ends of the earth was. Only lovers do...”

“Couldn’t we?”

“C-couldn’t we what?” She swallowed, pretending to misunderstand him.

“Lovers...”

Like a slow motion, she turned to meet his eyes. He was like a pirate. Sa bahagyang liwanag sa deck, his eyes were more black than usual, as sensual and mysterious as a midnight sea.

Isang hakbang ang ginawa ni Karl at halos nakadikit na si Lora dito. Itinukod nito ang mga braso sa barandilya sa magkabilang bahagi ni Lora at nakulong siya roon.

“When you came aboard this ship, alam mong iyon ang inaasahan ko, Lorabelle,” he said thickly.

Itinukod niya ang mga kamay sa dibdib ng binata at itinulak ito upang bigyan ang sarili ng kaunting distansiya mula rito. Subalit para siyang nagpipilit na itulak ang Grand Canyon.

“Are we in love?” she said a little bit cheerfully upang alisin ang seksuwal na tensiyon.

Ang akmang pagyuko ni Karl upang angkinin ang mga labi niya’y napigil. His eyes surveyed her face. For the first time in his life, sandali itong nalito mula sa sinasabi ng isang babae.

“What has love got to do with this, Lora?” tanong ni Karl. Torn between amusement and surprise.

“A lot of course,” sagot niya sa kaswal na paraan. Lihim na nagpasalamat nang magbigay ng distansiya si Karl, gaano man iyon kaliit. “Because you seemed to want something only people in love do.”

“Don’t be so naive, my dear. Hindi lahat ng lovers ay in love sa isa’t isa.” Muling nawala ang distansiya sa pagitan nila. At nang magyuko ng ulo si Karl upang hagkan siya’y iniwas ni Lora ang mukha.

“Y-you promised me that there’s no hanky—”

“I lied.”

She gasped softly. “Kung ganoon, bakit kailangang isuhestiyon mong isama ko ang Tiya Lagring...”

“Because you were torn between modesty and the desire to come sailing with me. Besides an army of aunts couldn’t stop me, you know that...”

Naguguluhang umiling si Lora. “N-no. You were wrong...”

“Ang nangyari sa atin sa beach ay patunay ng katotohanan ng sinasabi ko, Lora. Had I not stopped on time, natitiyak kong hindi ka tututol sa mangyayari.”

Gusto niyang mapahiya dahil tama ito. She shook her head wearily and opened her mouth to say something. Subalit hindi nagawang makalabas ang mga salita nang mahigpit siyang hapitin ni Karl at angkinin ang mga labi niya. At sa pagkakataong iyon ay tiniyak nitong hindi magagawang umiwas ni Lora.

The soft and firm lips were drowning her. And she was torn between desire and clarity of mind. Karl desired her. Hindi nito itinago ang katotohanang iyon mula sa kanya. And she knew, he was seducing her subtly. At pinaniwala niya ang sariling magagawa niyang panatilihin ang katinuan ng kaisipan. But she was wrong. Tuwing nagkakalapit sila, it seemed that the right thing to do was kiss and touch each other.

And she knew a man like Karl was dangerous, pero para siyang proverbial na gamugamo, nagpapatukso sa apoy.

Did she took more than she could chew? And didn’t common sense desert her when she accepted his invitation to sail with him?

She gasped softly when Karl’s mouth travelled to her ear, licking the sensitive part and his hand went up and down her spine.

“Do you feel the draw, Lora? The pull between us?” he whispered.

Yes. My heart is pounding against my chest. My knees are melting. Oh, god!

Now, would she give in to starry night, warm embrace and hot kisses?