N ARAMDAMAN ni Faye na parang may mainit at malambot na bagay na bumalot sa kanyang katawan. Iminulat niya ang mga mata at ang mukha ng lalaking naging bahagi na ng kanyang napakagandang panaginip ang namulatan niyang nakatunghay sa kanya.
“Hello.” There was his familiar soothing voice again. “Good morning. Nagising ba kita?”
“Hindi naman.” Napansin niya ang malambot na kamang kinahihigaan at ang kumot na siyang bumalot ng init sa kanya. “Bakit ako nandito?”
“Nahulog ka yata sa kama kaya ibinalik kita.”
“Oh…” Habang pinagmamasdan si Rath ay unti-unti na ring nagigising ang kanyang kamalayan. Hanggang sa tuluyan na siyang mahimasmasan. “Oh!”
Bumalikwas si Faye at automatic na sumiksik sa headboard ng kama. Dahan-dahan namang umurong palayo ang lalaki.
“I didn’t do anything, I swear.” Natatawa pa nitong itinaas ang mga kamay. “Unless I was too drunk to know what I did last night. In that case, I’m sorry. Although hindi pa nangyari sa akin na nakalimutan ko ang ano mang ginawa ko. Usually, it would take a really hard blow in the head before I could forget anything.”
“Rath!”
“What?” Saglit itong parang nainsulto sa narinig. Pero agad din namang bumalik ang ngiti sa mga labi nito. “Oh, I’m—”
“No, no. It’s okay.” Kahit paano ay nakabawi na rin siya. “I, ah… ahm…”
Lumapit si Rath sa bintana at bahagyang hinawi ang nakasarang kurtina, saka sinilip ang labas niyon. “Ikaw ba ang nagdala sa akin dito?”
“Eh… o-oo. Lasing ka kasi kagabi at nakatulog sa likod ng kotse ko. Nandito na ako nang malaman ko iyon at masyado nang malayo ang Maynila kung ibabalik pa kita. Kaya ipinasok na lang kita dito para makatulog ka nang maayos.”
“Really?” Muli siya nitong binalingan at humalukipkip. “Wow. That is so nice. To think na hindi mo man lang pinagsamantalahan ang kahinaan ko kagabi.”
“Ha?”
“Nothing.” Tumawa pa ito. “So, where are we, anyway? Nasa Pilipinas pa ba tayo?”
“I think so.” Dahil sa magaan nitong pagtanggap sa kakaibang sitwasyon nila ngayon, naging at ease na siya kahit paano. She got out of the bed. “Papunta na ako sa lugar ng dati kong kaibigan. Ang kaso, sa sobrang lalim ng gabi, hindi ko na nakita nang maayos ang dinadaanan ko. Kaya… medyo naligaw ako. Pero ngayong maliwanag na, malalaman ko na rin kung saan na ang tamang daan papunta sa kaibigan ko. ”
“Pareho pala tayo ng masamang habit. Laging nawawala sa direksiyon. Hmm. Pagtatawanan na naman ako nina Ken at Rath nito.”
“Excuse me?” Nabibingi na yata siya, ah.
“They make it a point to make fun of my poor sense of direction.”
“No, I mean… d-did you just say… Rath?”
“Yes, my brother. Twin, actually. Of course, you probably know that by now.”
“No.” Oh. My. God.
“What? That’s weird. Everybody knows who Rextor Lagdameo is.”
“Hindi ka si Rath? As in?”
“No.”
“Oh, God.” Nasapo ni Faye ang noo.
“You seem disappointed.”
“Of course I am! Si Rath ang binalak kong makasama ngayon. Hindi ikaw. I don’t even know you!”
Ilang sandali muna ang lumipas bago siya nakakuha ng reaksiyon mula sa lalaki. And it wasn’t a very good one, either. Dahil nawala ang aliwalas sa guwapo nitong mukha at napalitan ng tila matinding pagkainsulto nang mamaywang ito.
“Then why did you bring me here?” he demanded.
“You’re not supposed to be here. Si Rath dapat ang— Aaahh!”
Nilampasan na niya ang lalaki palabas ng silid. Dere-deretso na sana siya sa labas nang pigilan siya nito sa braso. Bahagya pa siyang napapiksi.
“Hindi ka pa nagbabayad ng bill natin,” sabi nito. “I would have paid for it kung dala ko lang ang wallet ko.”
Binawi ni Faye ang braso at walang imik na nagpunta sa front desk para asikasuhin ang kanilang bill. Pagkatapos ay nagmamadali siyang bumalik sa kanyang sasakyan. Pakiramdam niya ay para siyang robot na malapit nang bumigay kung hindi makakalayo roon.
Kung hindi siya makakalayo sa lalaking ito.
Napapiksi na naman si Faye nang muli siyang pigilan ni Rex sa braso. “Mag-breakfast na muna tayo. Malayo-layo ang magiging biyahe natin pabalik ng Maynila.”
“I’m not hungry.”
“I am.”
“Eh, di kumain kang mag-isa.”
“Wala akong pera dito. Hindi mo ba ako narinig kanina?”
Ang pagkapahiyang naramdaman niya kanina dahil sa aksidenteng pagkakakuha sa lalaki imbes na ang kapatid nito ay unti-unti nang nawawala. Si Rex na rin kasi mismo ang bumubura ng simpatya niyang iyon sa ipinapakita nitong kagaspangan ng ugali. Muli niyang kinuha ang wallet at binigyan ito ng isang libong piso. He looked even more insulted now than when he mistook her for Rath.
“Kulang pa ba `yan?” tanong niya. “Ano ba ang kakainin mo, pang-last supper mo na?”
“Sumama ka sa akin.” Ibinalik nito sa kanya ang pera. “Ikaw ang magbayad ng kakainin ko.”
“Magbayad kang mag-isa.” Ibinalik uli ni Faye ang pera. “Kumain kang mag-isa. Hindi mo ako alalay.”
Rex didn’t let go of her hand as he shoved the money back to her. She didn’t let him go either. Matira ang matibay.
“Ano ba’ng problema mo? Binigyan na nga kita ng pangkain mo—”
“I don’t need your money.”
“Then what the heck—”
“Ikaw ang nagdala sa akin sa lugar na ito kaya asikasuhin mo ako. You will pay for my food and you will take me back to Manila after that.”
Muntik nang mapatunganga si Faye sa inaasal nito. The spoiled brat! Humalukipkip siya. “Paano kung ayoko?”
Nagpamaywang naman ito. “Then I’ll make sure na mabubulok ka sa kulungan. This is kidnapping, you know.”
“Hah! At sino’ng maniniwala sa `yo?”
“Kahit sinong gusto kong maniwala sa akin. I’m a billionaire boy. I can do anything.”
“Talaga? Sige nga, subukan mo akong pigilan ngayon.”
Tinalikuran na ni Faye ang lalaki at binuksan ang pinto ng kotse niya. Hinding-hindi siya magpapa-harass sa hudyong ito. Pero bago pa man siya makapasok ay sumara na ang pinto dahilan para maipit ang kamay niya. Napahiyaw siya sa sakit. Agad naman siyang dinaluhan ni Rex.
“I… I’m sorry. Let me see it.”
“Lumayo ka sa akin, buwisit ka!” Kahit ayaw ay napaiyak na si Faye sa sobrang sakit na nararamdaman. “Aray ko…”
“Faye—”
“Heh!” Nagpalakad-lakad siya para kahit paano ay maibsan ang pagkirot ng kanyang kamay. She felt like her hand was swelling. Hayup talagang lalaki iyon. Hindi na nga ito ang pakay niya, ito pa ang magiging mitsa ng buhay niya. Parusa yata iyon para sa mga gaya niyang nagtangka ng masama sa kapwa.
A hand touched hers and the next thing she knew, Rex was gently putting a cold face towel over her injured hand. Babawiin sana niya ang kamay pero pinigilan siya nito.
“Yelo lang ito na ibinalot ko sa towel. It will help ease the swelling.”
Tama naman si Rex. Naramdaman kasi niya ang pagginhawa ng kanyang pakiramdam. He was so attentive she suddenly forgot her dilemma and just watched him fuss over her injured hand. Pinagmasdan niya ang mukha ni Rex at naalala ang mapayapang mukha nito nang nagdaang gabi habang natutulog ito. Hindi niya alam na ang mukha ng lalaking hinangaan niya nang husto nang nagdaang gabi ay pag-aari pala ng iba. Pero parang walang nagbago sa damdamin niya sa kabila ng hindi naman pala ito si Rath.
Magkamukha kasi talaga sila, katwiran ng isip ni Faye. Kaya natural lang na pareho ang reaksiyon mo sa kanila.
He looked up at her and caught her staring at him. Patay malisya na lang siya nang bawiin ang tingin.
“Masakit pa ba?”
“Oo.” Hinaplos at marahang minasahe ni Rex ang kamay niya at tila gumapang ang kakaibang sensasyong iyon. Wala sa oras tuloy na binawi niya ang kamay. “Hindi na pala.”
Pumasok na siya sa loob ng sasakyan pero nanatili sa kanyang tabi sa labas ng bintana si Rex. “You can’t drive, Faye.”
“Don’t tell me what I can or cannot do. You’re not my father. You’re not even Rath.”
Napansin na naman niyang nagtagis ang mga bagang nito. Hindi niya alam kung ano ang ikinagagalit ni Rex ngayon samantalang siya nga ang napeperwisyo. Itinutok niya ang mga mata sa daraanan nila at binuhay ang makina. Salamat sa yelong ibinalot sa towel kaya nagawa na rin niyang magamit muli ang kanyang kamay. Walang imik na ring pumasok sa passenger seat si Rex.
“Akala ko ba kakain ka ng agahan?” tanong niya mayamaya.
“I changed my mind. Let’s go.”
“Excuse me?”
“What? You don’t expect me to stay here, do you? Ibalik mo ako sa Maynila kung saan mo ako kinuha.”
“Huwag mo akong mautos-utusan dahil hindi mo ako tauhan.”
“Hindi kita inuutusan. Obligasyon mo ako ngayon dahil dinala mo ako dito nang walang paalam.”
“Lango ka sa alak kagabi. Paano kita matatanong?”
“Sinapak mo sana ako para magising.”
“Sige, maglasing ka uli. Kunwari naulit ang gabing iyon. At `pag lasing ka na, sisiguruhin kong hindi lang sapak ang ipanggigising ko sa `yo.”
“Masyado kang matapang. Ikaw na nga itong may atraso sa akin.”
“Kasalanan mo `yon dahil naging kamukha mo si Rath. Kung hindi mo lang siya naging kamukha—”
“Yes, it would have been much better for me. So, please, will you stop comparing me to my brother? It’s starting to get on my nerves.”
Hindi alam ni Faye kung paano siya napatahimik ni Rex. Pero ganoon na nga ang nangyari. Siguro dahil alam niya ang pakiramdam ng laging ikinukumpara sa kapatid.
Habang nasa biyahe pabalik sa Maynila ay hindi na sila nagkibuan. Mas mainam na iyon kaysa naman magkabanggaan na naman sila. Pero mukhang hindi rin nakatiis si Rex sa nakabibinging katahimikan kaya nagsalita na rin ito.
“Matanong ko lang. Ano nga pala ang gagawin mo kay Rath kung sakaling siya ang nakuha mo at hindi ako?”
“I’m just gonna talk to him.”
“In this place?”
“Ano ba’ng pakialam mo? Kahit sa Mars ko pa gustuhing mag-usap kami ni Rath, hindi mo na problema `yon.”
“Hindi nga. Pero malaking problema iyon para sa `yo.” Sumandal ito sa headrest ng passenger seat. “Mabuti na lang pala at nagkamali ka ng taong nadampot. Dahil kung si Rath nga ang kasama mo ngayon, mga pulis at militar na ang dumadampot sa `yo sa mga oras na ito.”
“Hindi iyon gagawin ni Rath.”
“My brother is an egoistic maniac. Ayaw n’on ng nadedehado ng babae. Isa pa, hindi iyon nagsasalita kaya wala ring silbi itong gagawin mo sana sa kanya.”
“He’s not an egoistic maniac.”
“Marunong ka pa sa akin. Ako ang kapatid niya kaya alam ko ang ugali niya.” Napailing na lang si Rex. “Kayo talagang mga babae. Bakit ba napakahilig ninyo sa mga taong masasama ang ugali? Akala ninyo, kaya ninyong magpatino ng mga ganong klase ng tao. Nagsasayang lang kayo ng oras kaya kung ako sa `yo, Miss Faye Valentine, maghanap ka na lang ng ibang charming, sweet, at mapagmahal na lalaking ki-kidnap-in. `Yong hindi ka na mag-aaksaya ng oras at panahon na patinuin. Kumabaga, ready-to-use na.”
Ang sarap pukpukin ng manibela ang lalaking ito. Inakala pa naman niya noong una na si Rath ito dahil napakasuwabe ng ugali. Iyon pala, nagpapanggap lang si Rex. At ngayon, sinisiraan pa nito ang lalaking pumupukaw sa kanyang atensiyon.
“Huwag mong sisiraan si Rath sa akin dahil kahit gaano pa kasama ang ugali niya, para sa akin, siya pa rin ang pinakamabuting taong nakilala ko. Ilang beses na niya akong iniligtas sa kapahamakan na ni minsan, hindi mo nagawa.”
“Of course not. I rescued you when you slipped off that fast-food restaurant about a few days ago.”
“That was Rath.”
“That was me.”
“It was Rath,” giit niya.
“It was me. Sinabi ko lang noon na ako si Rath dahil kinailangan kong umiwas sa babaeng lumapit sa akin. Hindi naman kasi kita puwedeng iwan doon na hindi sigurado kung okay ka na ba.”
Napasulyap si Faye sa lalaki. Nakapikit ang mga mata nito na parang pansamantalang hinayaan ang sariling makapagpahinga. It was him? Pero imposible iyon. Dahil ang naramdaman niya nang panahong iyon ay mas matindi pa sa naramdaman niya nang unang beses siyang sagipin ni Rath sa mga adik na iyon sa isang squatter’s area. Hindi puwedeng mangyari iyon dahil ang kakambal lang nito ang tanging alam niyang nakakapukaw sa naghihilik niyang damdamin.
“That was really… you?” sambit niya nang muling ibaling ang atensiyon sa pagmamaneho.
“Disappointed? Yes, that was me. And I still can’t believe you mistook me for my brother. Samantalang mas guwapo naman ako sa kanya. Sandali, ihinto mo muna sa tabi.”
“Bakit?”
“Call of nature.”
“Hindi tayo puwedeng tumigil. Aabutan tayo ng gabi.”
“It’s only eleven in the morning, Faye.” Nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho. “You want me to pee in here? Fine.”
Mariin niyang tinapakan ang break nang kumilos si Rex para buksan siguro ang zipper ng pantalon nito. “Bastos!” tili niya, saka nangigigil itong binato ng nadampot na kapirasong papel. “Dito ka pa magkakalat sa kotse ko!”
“Ayaw mo naman kasing ihinto itong sasakyan.” Bumaba na ito. Pero muli siyang sinilip sa bintana na may nakakalokong ngiti sa mga labi bago umalis. “Huwag mo akong sisilipan.”
“Heh! Hindi kita type!”
“Oh, geez. I feel sorry for you.”
“Gano’n? Dahil si Rath ang gusto ko at hindi ikaw?”
Imbes na sumagot ay dumeretso na lang si Rex sa masukal na bahagi ng kalsadang iyon. Sinundan niya ito ng tingin. He might not be Rath but he definitely had his twin’s magnificent physique. And he had this confident stride that made those women from the fast-food restaurant follow his every move. Lalaking-lalaki kasi ang bawat kilos nito at tindig. Not to mention the way he talked to her.
“Oo, punong-puno ng kayabangan,” sambit ni Faye, saka inilapat ang ulo sa headrest ng driver’s seat. Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon na habang si Rath ang iniisip niyang nagpapabilis ng tibok ng puso niya noon ay si Rex naman pala ang kaharap niya.
Bulag nga yata talaga ang pag-ibig. O mas tamang sabihing, duling.
“Faye!” sigaw nito na ngayon ay papunta na sa may kaparangang bahagi ng lugar na iyon. “Huwag mo akong iiwan dito!”
“Why, thank you for reminding me!” Sinubukan niyang buhayin uli ang sasakyan pero wala na roon ang susi. Muli niyang binalingan ang lalaki at ngingisi-ngisi lang ito habang iwinawagayway ang susi ng sasakyan.
“`Just want to make sure,” sabi nito, saka naglakad na sa kaparangan.
Inis niyang pinalo ang manibela. “Asar! Matalino talaga ang matsing na iyon, ah.”
Actually, wala naman talagang balak si Faye na iwan si Rex. Napakawalang puso naman niya kung gagawin iyon. Dahil kahit anong katwiran pa ang meron siya, sa huli ay siya pa rin naman talaga ang may kasalanan kung bakit niya ito pinoproblema ngayon.
Pagkatapos ng ilang minuto, wala pa rin si Rex at naiinip na siya. Saan na ba nagsuot ang lalaking iyon? Bumaba siya ng sasakyan at lumapit sa direksiyong pinasok nito kanina.
“Rex! Ano ba? Ang tagal mo namang jumingle . Daig mo pa ang elepante, ah. Tama na `yan!” Wala pa ring sagot mula sa lalaki. “Kapag hindi ka pa lumabas diyan, iiwan na kita dito. Bahala kang maligaw…”
Napakunot ang noo ni Faye nang biglang may maalala. “Pareho pala tayo ng masamang habit,” wika ni Rex noong nasa motel pa sila kanina. Laging nawawala sa direksiyon. Of course, hindi kasinsama ng habit nito ang naging pagkaligaw niya nang nagdaang gabi. Pero sa kamalasan, mukhang naligaw na nga ito sa kasukalang iyon.
“Hay naku! Ang tanga talaga!” Namaywang si Faye at mas nilakasan pa ang boses. “Hoy, Rex! Tama nang pagdidilig `yan. Baka malunod na ang mga halaman at insekto dito. Maawa ka naman!”
Pero wala pa rin. Kahit mahinang ingay na indikasyong nandoon lang ito sa paligid ay wala siyang narinig. And no matter how much she hated to admit it, she started to get worried.
“All right, ihahatid na kita sa Maynila ngayon mismo kung titigilan mo na `yang pagpaparusa mo sa mga halamang ligaw at puno dito.” Wala pa ring sagot. Did something happen to him? Hindi kaya nakagat ito ng ahas o kaya naengkanto? Guwapo si Rex at malamang nga na napag-interesan ng mga lamang-lupa—
Ipinilig ni Faye ang ulo. Wala na sa tamang direksiyon ang iniisip niya. Hindi na rin niya mapigilan ang papalakas na tibok ng kanyang puso. Oh, God. Wala naman sanang ano mang nangyari sa lalaking iyon.
“Rex, magbibilang ako ng hanggang tatlo,” ultimatum na niya. “Kapag hindi ka pa lumabas, I swear, iiwan na talaga kita. Isa!” No answer. “Dalawa!” Still no answer. “Tat—”
“Faye.”
“Aaahhh!” hiyaw niya, sabay layo. Nang makilala ang biglang kumalabit sa kanyang likod ay agad din siyang nahimasmasan. Relief flooded her and she just ran towards him and threw her arms around him. “Oh, God, you had me worried sick!”
Ngayon lang siya nag-alala nang ganoon. She could almost hear the pounding of her heart. Walanghiyang lalaki ito! Mapapatay talaga niya!
Pero natigilan din si Faye mayamaya nang ma-realize kung ano ang ginagawa ngayon. Kung kaninong mga braso ang matatag pero maingat na nakayakap sa kanya. Kung kaninong malapad na dibdib ang kinahihiligan niya ngayon. Kung kaninong mainit na hininga ang mayuming dumadampi malapit sa kanyang tainga.
It was Rex’s. Not Rath. Ngayong alam na niya kung sino sa dalawa ang kaharap, mas hindi siya makapaniwalang ganoon pa rin katindi ang nararamdaman niya. It was really Rex.
Mabilis na kumalas si Faye. At kung nagulat man ang lalaki sa iginawi niya, hindi na iyon mahahalata sa kaaya-ayang mukha nito. Hindi tuloy niya maiwasang mapahiya hindi lang kay Rex kundi pati na rin sa kanyang sarili. At para makabawi, malakas niya itong hinampas sa dibdib.
“Aray. Bakit ba?”
“Don’t you ever do that again,” angil niya.
“Do what? Ikaw na nga itong nakayakap, ikaw pa ang galit.” Hinimas-himas pa nito ang nasaktang dibdib. “Naligaw lang ako nang kaunti. Sa dami ng puno at halaman dito, hindi ko na matandaan kung saan ako pumasok. And then I heard your voice. Sinundan ko lang iyon, ang kaso sa ibang direksiyon naman ako lumabas. Pero at least, nakalabas ako, `di ba? Mabuti na lang pala at malakas kang sumigaw.”
“Ikaw—”
“Salamat.” Ngumiti si Rex pagkatapos.
At kung ano man ang sasabihin pa ni Faye, hindi na niya iyon matandaan pa. Parang sa isang iglap, nilipad ng hangin ang lahat ng inis niya. At sa hindi rin malamang kadahilanan, ayaw mawala sa kanyang alaala ang init na hatid ng mga bisig nito. And she could feel her heart thumping again. Nagmamadali siyang pumasok sa kotse.
She really needed to get them back to Manila fast. Baka sakaling luminaw na sa kanya ang lahat doon.