lookupnovel logo lookupnovel
Rose Tattoo (Kristine Series 12)

Chapter 3

Ch. 4 / 25 Apr 09, 2022

Chapter Three

K AKAALIS lang ng mga kapatid nang muling bumukas ang pinto ng silid ni Lance at sumungaw ang isang may-edad ng lalaki.

“Hullo!” wika nito na itinaas ang mga kamay na may hawak na bote ng alak at dalawang kopita.

“Paul!”

Ngumiti si Paul Newman, ang matandang aktor na kaibigan niya at isa ring racer.

“How are you, buddy?”

“I nearly lost my left leg,” wika nito kasabay ng pagtagis ng mga bagang. Pagkatapos ay itinuro ang silya sa tabi. “Make yourself comfortable,” nang masulyapan ang alak na dala nito. “What’s that for?”

Ngumisi ang Amerikano at binuksan ang bote ng mamahaling alak at nagsalin ng tig-isang shot sa crystals. Inabot sa kanya ang isa na alanganin niyang tinanggap.

“One shot to smoothen some rough edges, buddy...”

“Yeah,” matabang niyang sang-ayon. “I guess I needed this,” at ini-straight ang laman. “That bastard almost killed me, Paul,” galit niyang idinugtong matapos ilapag sa tabing-mesa ang kopita. “I could kill him for this!”

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng nakatatandang lalaki. “Quinn was a dirty player, I know, and was a fool to endanger both your lives. But you’ve done him some damage, too. He never made it to the finish as he planned. You were brought to the same hospital...”

Naningkit ang mga mata ni Lance. “With only minor bruises while I can’t race for a long time!” galit niyang sinabi. Pagkatapos ay banayad na kinalma ang sarili sa pamamagitan ng paghugot ng malalim na paghinga. “Or maybe never, Paul,” he added softly, with regrets and bitterness in his voice.

Isang mahaba-habang katahimikan ang namagitan. Paul took his time sipping his wine. Sinulyapan ang clean wound sa noo ng kaibigan. Gusto nitong manghinayang. Lance would have made a name as a racer.

“The doctors said it will take a long time before I can fully use my leg,” patuloy ng binata. Frustration all over the handsome face.

“I can understand what you feel, Lance,” may simpatiyang wika ng Amerikano. “But there’s more to life than car racing...”

“Really?” tuya niya rito. “What would you do if you were in my place?” hamon nito sa kaibigan.

“To tell you frankly, I wouldn’t know.” t initigan siya nang deretso nito. “But one thing is sure, buddy, I’d be grateful I’m alive for my family...”

“PLEASE, Quinn, anyone could come in and—” s i Billie na iniwas ang mukha nang tangka siyang hagkan ng lalaki.

“We are in a private room, Billie. No one’s going to disturb us,” patuloy ito sa pagyakap at tangkang paghalik sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay hindi naiiwas ng dalaga ang mga labi. Siniil siya nito ng halik kasabay ng paghiga sa kanya sa hospital bed.

“Q-Quinn... your chest might—”

“Don’t believe the doctors, honey,” wika nito habang patuloy sa paghalik sa kanya. “I don’t have fractured chest. I’m having my discharge paper tomorrow...”

Nagpaubaya ang dalagita. Hindi ba at talaga namang ganoon ang mag-boyfriend? Si Quinn ang kauna-unahang boyfriend niya at hindi alam ng daddy niya at ni Nick. Magagalit ang pinsan kapag nalaman nitong ang boyfriend niya ay ang siyang dahilan ng aksidente ni Lance Navarro.

She met him in Colorado two weeks ago through a common friend. He was ten years older at sa tingin niya ay matured. They dated twice since then. Parehong clean dates hanggang sa malaman niyang car racer si Quinn. Niyaya siya nitong panoorin ang race ng lalaki at agad siyang pumayag. Hindi dahil interesado siya sa car racing kundi dahil sa guwapong Amerikano.

Two days before the race ay nagpaalam si Quinn at nangako siyang darating sa unang araw ng race which she did. Si Nick ang idinahilan niya kay Luis na sa tantiya niya ay bahagya na siyang narinig sa kalasingan. At nagmadali siyang umalis ng bahay. She was there to cheer for Quinn pero sa mismong mga mata niya ay nakita niya kung paano gitgitin ni Quinn ang sasakyan ni Lance. At kung paanong sa mismong mga mata niya ay sumadsad sa tabi ang sasakyan ni Lance Navarro.

Ilang beses bumaligtad ang racing car at napatayo siyang bigla sa upuan at sumigaw. Through the telescope, she saw him crawled. She was shocked and horrified at bawat distansiyang nagagawa ni Lance palayo ay tila binubugbog ang dibdib niya sa matinding kaba. Pagkatapos ay nag-apoy ang sasakyang pangkarera ni Lawrence Navarro. Though he barely made it, she cried her relief. At saka pa lang niya napagtuunanan ng pansin ang sasakyan ni Quinn.

Totoong sumadsad din ang sasakyan ni Quinn pero hindi ito nag-apoy at bumaligtad. And she wondered why all her attention was focused on Lance at hindi sa boyfriend and wasn’t half as worried for him as she was with Lance Navarro. She reasoned out na hindi man sila magkaibigan ni Lance ay kapatid naman ito ng pinsan niya at anak ni Franco Navarro.

“Stay where you are, honey.” s i Quinn nang iwan ang mga labi niya. “I’ll lock the door...” t umayo ito at humakbang patungo sa pinto.

Napabalikwas ng bangon si Billie sa nais ipahiwatig ng lalaki. Mabilis siyang tumakbo patungo sa pintuan at inunahan ang lalaki. Maluwang niyang binuksan ang pinto.

“I-it’s almost dark, Quinn. I... I have to go now.”

Ngumisi si Quinn. “You can’t forever run away from me, honey.” h inapit siya nito sa baywang at isinandal sa hamba ng pinto at hinagkan sa leeg. Ang isang kamay nito ay ipinapasok sa miniskirt niya at mahigpit na hinapit ang katawan patungo rito.

“Quinn...” she tried to protest lalo na nang akma siyang aakayin nito pabalik sa loob. Napahawak siya sa hamba ng pinto nang mahagip ng mga mata ang parating na tao sa pasilyo sakay ng wheelchair.

“Quinn, someone’s coming...” n akadama ng bahagyang ginhawa si Billie sa destruction para lamang mapasinghap at manlaki ang mga mata nang makilala kung sino ang nasa automatic wheelchair.

Kitang-kita niya sa mga mata ni Lance Navarro ang malisya para sa kanya at galit nang makilala kung sino ang kayakap niya.

“Oh, hi, there, Lawrence.” s i Quinn na napahinto nang maramdaman ang presensiya ni Lance. “From a racing car to wheelchair. That’s a nice diversion...” nakangising tuya nito habang pinaglipat-lipat ang tingin kay Billie at sa binata. “And has my girl here informed you about us?”

Nagsalubong ang mga kilay ni Billie at nilingon si Lance. Tulad niya ay sandali ring bumadya ang kalituhan sa mukha sa pagitan ng galit. Nagtagis ng mga bagang nito at mahigpit na ikinuyom ang mga kamay at akmang ililiko ang wheelchair patungo rito.

“Uh-uh. Don’t ever try it, Lawrence,” nakangising banta ni Quinn na itinaas pa ang isang kamay. “Your martial arts won’t help you this time. You might damage both your legs.” n akakalokong umiling ito at hinila papasok sa loob si Billie. “C’mon, honey...” i sinara nito ng paa ang pinto.

“You shouldn’t have taunted him, Quinn,” inis niyang sinabi rito. “It was your fault that his car overturned and caught fire. He almost got killed...”

“My fault?” Tumaas ang kilay nito. “C’mon, Billie, I also suffered from that accident. And that arrogant bastard deserved it. He thought he was the gods’ gift to mankind! I only put an end to his—”

“For your information, that arrogant bastard is my first cousin’s brother!”

Ngumisi nang malapad si Quinn. “You think I didn’t know that? My sister used to work for FNC plant as chemist and stupidly fell for that bastard!” Tumalim ang mga mata nito. “She couldn’t get close to him so she befriended your cousin and got invited to his birthday thinking that Lance would arrive and get her chance with him. Then my sister saw you arrive with your school uniforms and hugged and kissed Nick...”

That was two years ago, naalala niya. But Nick didn’t want them at the party dahil sa edad nila ng classmate niya so they were sent to the guest room upstairs. Balewala sa kanya iyon dahil hindi naman siya interesado sa mga bisita. Bagaman hindi alam ni Nick na wala silang ginawa ng classmate niya kundi panoorin ang mga nasa ibaba.

“Lance arrived later that night,” patuloy ng lalaki. “And to my sister’s agony, he was with a whore h ollywood starlet who never left his side! My sister got so mad that she couldn’t make her job right for the next few days and made a mistake mixing some chemicals. And the management sucked her!”

Hindi makapaniwala si Billie sa narinig. “Y-you used me. I thought...”

“I tried my luck with Jennifer Navarro,” paismid nitong patuloy at hindi inintindi ang sinabi niya. “But that bitch was as snobbish as her brother and she left Houston two days after I met her and lost my chance...”

“O-our meeting in... in... Colorado—was that planned?” Gusto niyang maiyak. She thought Quinn liked her.

The man had the grace to smile sympathetically. “No, that wasn’t planned. My sister was with me, remember the one on the telephone booth? She recognized you...”

“I... I thought you... you like me, Quinn.” g umagaralgal ang tinig niya sa pagsisikap na huwag maiyak.

“Oh, I do, baby. I do.” i nabot siya nito at hinagkan sa mga labi. “I should have taken care of you before I left Colorado but you’re so damn conservative. But maybe we could do something about that...” i nabot nito ang butones ng blouse niya at sinimulang tanggalin. Mabilis siyang kumawala at itinulak si Quinn sa pagkabigla nito.

“I hope you’ll rot in hell!” she cried angrily. Dinampot ang bag sa may silya at mabilis na lumabas ng silid at ibinagsak ang pinto.

Pagdating sa labas ay tumingala si Billie upang punuin ng hangin ang nagsisikip niyang dibdib.

Damn him! Ginamit siya. Ginamit siya sa pag-aakalang masasaktan nito si Lance sa pamamagitan niya. He probably thought that Lance would feel betrayed kung malaman nitong girlfriend siya ni Quinn.

Little did he know na hindi sila personal na magkakilala ng alinman sa mga anak ni Franco Navarro. Oh, she would meet them for sure one of these days dahil kay Nick, pero kung kailan iyon ay walang nakakaalam. Her father hated the Navarro’s mula nang mamatay ang Tita Monica niya.

Malayo-layo na ang nalalakad niya nang sa pagliko sa pasilyo ay bumungad si Lance na ang wheelchair ay itinutulak ng isang matandang nurse. Napahinto siya sa paglakad.

“I really wish you’d buzz for your nurse if you want to go out of your room, Mr. Navarro,” wika nito sa reprimanding tone na hindi naman pinansin ni Lance dahil natuon sa kanya ang tingin. His eyes mocking her.

“You seemed to have forgotten to button your shirt, honey ,” patuyang sinabi nito kasabay ng pagtaas ng sulok ng mga labi. Ang nurse ay dinaanan lang siya ng tingin at tuloy-tuloy nang itinulak si Lance patungo sa silid nito.

Niyuko niya ang sarili. Dalawang butones ng blusa niya ang nakabukas showing part of her breast. She sighed miserably at isinara ang butones habang naglalakad.