C hapter Twenty-four
NATIGILAN si Havoc nang makababa sa club. Narinig niya ang kantang nanggagaling sa mini stereo ni Hub habang naglilinis ito ng bar. Hindi niya maiwasang makaramdam ng galit.
“So as long as I live I love you, w ill love and hold you. You look so beautiful in white…”
“Hub…” pagkuha niya sa atensiyon ng bartender.
Agad itong humarap sa kanya. “Boss, good morning.”
“Stop that music,” utos niya. “It’s annoying me.”
Agad namang sumunod si Hub. “Pasensiya na, boss.” Ngumisi ito. “Ano’ng gusto mo, boss?” Naglabas ito ng shot glass at whiskey. “Isang shot o isang bote?”
Napatitig si Havoc sa alak. Araw-araw niya iyong karamay sa tatlong taon na lumipas. Nasanay na si Hub na ginagawa niyang agahan ang alak.
“I’m not drinking today,” sabi niya na nagpatigil kay Hub sa pagsasalin ng alak sa shot glass.
Gulat itong nag-angat ng tingin. “Talaga, boss? Hindi ka talaga iinom?”
Tumango si Havoc. “Yeah. I have an appointment today.”
“Kahit naman, boss, may appointment ka…” Hub pointed out. “Umiinom ka pa rin.”
“This one is different,” sabi niya saka umupo sa pabilog na sofa sa club. Doon niya hihintayin si Inna.
Havoc didn’t even bathe. He didn’t change his clothes. Basta bumaba lang siya. Baka kasi dumating na si Inna at maghintay sa kanya. Pero halos isang oras na ang lumipas, wala pa ring Inna na dumating.
Pero sabi niya, pupuntahan niya ako ngayong araw.
Nagtagis ang mga bagang ni Havoc. Umasa na naman ba siya sa wala? Pinapaikot na naman ba siya ni Inna. Naniwala na naman siya.
Ganito na ba siya ka-martyr at katanga pagdating dito?
One more hour! s igaw ng isip niya. Sige, isang oras pa.
Seconds turned to minutes and minutes to an hour.
Kumuyom ang kamay ni Havoc.
She’s playing me for a fool again.
Padabog siyang tumayo at malalaki ang hakbang na lumabas sa club. Sumakay siya sa kotse at pinatakbo iyon papunta sa restaurant kung saan nagtatrabaho si Inna. Kung wala ito roon, isa lang ang dahilan niyon. Tinakasan na naman siya ng babae pagkatapos nilang magkita kagabi.
Nang makarating sa restaurant, agad niyang ipinarada ang sasakyan saka pumasok sa loob ng restaurant.
“Good morning, Sir,” bati ng waitress na sumalubong sa kanya. “Table for?”
“Is Inna here?” Sa halip ay iyon ang isinagot ni Havoc sa babae.
Natigilan ito. “Inna?”
“Yes. Inna Pauline Velasquez,” banggit niya sa buong pangalan ni Inna. “Nandito ba siya? Pumasok ba siya ngayon?”
Nag-aalangang tumango ang babae. May itinuro itong waitress na naglilinis ng mesa. Agad na nanikip ang dibdib ni Havoc.
She left me for this kind of life?
Nagtatagis ang mga bagang na nilapitan niya si Inna. Hinawakan niya ito sa braso para pihitin paharap sa kanya. Pero natigilan si Havoc nang maramdamang sobrang init nito. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang maalalang hindi lang siya ang naulanan kagabi.
“Fuck!” Pinihit niya si Inna paharap sa kanya saka hinawakan ang mukha nito. “Ang init-init mo.” Inilapat ni Havoc ang kamay sa noo nito. “Fuck! You’re burning up.”
Inna’s eyes were unfocused and her breathing was uneven. “H-Havoc? A-ano’ng ginagawa mo rito?”
His anger rose up. “Bakit ka pinagtatrabaho nang may lagnat ka?” Hindi niya napigilan na magtaas ng boses. Hinanap ng mga mata niya ang manager ng restaurant. Nang makita niya ito ay galit siyang nagtanong. “You! Bakit pinagtatrabaho mo siya kahit may sakit?”
“Havoc—”
“Sir.” Lumapit sa kanya ang manager. “Pinapauwi ko ho siya kanina pa, ayaw lang ho talaga niya.”
Bumalik ang tingin niya kay Inna na may pilit na ngiti sa mga labi.
“I’m fine. I can work,” sabi nito.
“Inna!”
Tumingin si Inna sa kanya. “Mamaya kita pupuntahan sa club pagkatapos ng trabaho ko.” Hinawakan nito ang ulo saka mariing ipinikit ang mga mata. “Kailangan kong magtrabaho.”
“Inna—”
“I’m fine.”
Umatras ito at babalik na sana sa paglilinis nang bigla na lang gumiwang ang katawan nito at natumba. Mabilis naman niya itong nasalo at nagmamadaling binuhat. Lumabas siya sa restaurant. Isinakay niya si Inna sa kotse niya.
Havoc was panicking as he drove fast towards the nearest hospital. Hindi niya alam na kaya pa rin pala niyang makaramdam ng nakakabaliw na pag-aalala sa taong sagad sa buto ang galit niya.
Nang makarating sa ospital, agad niyang binuhat si Inna. Sinipa niya ang pinto ng kotse niya para sumara. Nagmamadaling pumasok sa ER si Havoc.
“Ano hong nangyari sa pasyente, Sir?” agad na tanong ng nurse na sumalubong sa kanila.
“Nahimatay. Mataas ang lagnat niya,” kinakabahang sagot niya.
Nakatingin lang si Havoc kay Inna habang inaasikaso ito ng mga nurse at doctor.
He was worried, damn it!
After everything that Inna did to him, he was still worried as fuck. She could still affect him this much.
“How is she?” tanong niya sa doktor. “Okay na ba siya?”
Nag-angat ng tingin ang doktor. “We will run some tests before I can give you a definite answer. But we will do everything for her to be okay.”
Bumaba ang tingin ni Havoc kay Inna. Hinaplos niya ang noo nito. Tumingin ulit siya sa doktor. “Bakit siya nahimatay, Doc? Dahil ba sa lagnat?”
“We’re still running some tests. Kung wala naman siyang infection at ibang sakit, may posibilidad na pagod ang dahilan ng pagkahimatay niya.”
“Sobrang pagod?” ulit niya na hindi makapaniwala. “Ganoon siya kapagod para mahimatay?”
Tumango ang doktor. “Fatigue and fever are not a good combination.”
Havoc nodded. “Thank you, Doc.”
Tumango ang doktor bago umalis. Pagkalipas nang ilang minuto, binalikan sila ng nurse at kinunan ng dugo si Inna. Bumaba ang tingin niya sa babae na mahimbing na natutulog. Napabuntong-hininga siya.
Pagod na pagod ka ba sa katatrabaho? How did you end up being a waitress?
Umupo si Havoc sa isang stool na malapit sa kama na kinahihigaan ni Inna. Ipinatong niya ang mga braso sa gilid ng kama at pinakatitigan ang babae hanggang gumalaw ito at unti-unting nagkamalay.
Napakurap-kurap si Inna nang makita siya. “H-Havoc?”
“You feeling okay?” tanong niya.
Tumango ito. Bigla siyang nabahala nang makitang tumulo ang luha sa mga mata nito.
“I’m sorry.” Mabilis nitong tinuyo ang mga luha saka tumingin sa paligid. “Nasa ospital ba tayo?”
“Dinala kita rito nang mawalan ka ng malay,” sagot niya.
Napatango-tango si Inna saka sinubukang bumangon.
Pinigilan niya ito. “Don’t. You need to rest.”
Umiling ito. “I need to work.”
“No, Inna—”
“I need to work, Havoc,” may diin ang boses na sabi nito.
Tinitigan niya si Inna na pilit na bumabangon kahit alam niyang hindi pa nito kaya. Bigla na lang siyang nagalit.
“Ito ba ang buhay na pinili mo kaysa ang makasama ako?” Nanunumbat ang boses niya. “Ito ba, Inna? Mas gusto mong naghihirap ka nang ganito kaysa ikasal sa akin? Do you dislike me that much to leave me?”
Para itong hinihingal nang makaupo sa kama at pinakatitigan siya. Dumukwang ito at hinawakan ang pisngi niya. “Alam kong galit ka sa akin. Sa nakalipas na tatlong taon, hindi ako umasa na may babalikan pa ako. But I tried, Havoc. I tried so hard to come back for you. I did everything I can. I sent you a letter, I even sent an email to you. Hindi ko kasi memorize ang number mo at ni Caya para sana makausap kita. I’m so sorry.” Marahas itong umiling habang umiiyak. “Sorry.”
Umiling si Havoc. “I’m a mess, Inna. You broke me. And your sorry can’t fix me.”
“I know,” sabi nito sa mahinang boses. Dahan-dahan itong nahiga na para bang nanghihina.
“Inna…” Bigla siyang nag-aalala. “Inna, are you okay?”
In her weak state, Inna stretched her arm and offered her hand. “I-I’m s-sorry.”
Bago pa bumagsak ang kamay nito, sinalo iyon ni Havoc. Hinawakan niya ang kamay nito. “Rest. You need it.”
“B-but I n-need t-to w-work.”
Umiling si Havoc. “Not on my watch. Magpahinga ka na.”
Ayaw man ni Inna, unti-unting pumikit ang mga mata nito. Humigpit naman ang hawak niya sa mainit na mainit nitong kamay.
Bago pa siya makapagsabi sa nurse na mataas ang lagnat ng pasyente niya, may lumapit sa kanilang lalaki. May dalang aluminum na palangganita na may lamang tubig at yelo. Binasa nito doon ang anim na face towel. Inilagay iyon ng lalaki sa magkabilang armpit at knee-pit ni Inna. Pagkatapos, naglagay pa ito ng isang nakatuping face towel sa noo. Ang isa naman ay inihaplos sa braso, kamay saka leeg ni Inna.
“Ako na,” sabi niya nang makitang papasok ang kamay nitong may hawak na towel sa dibdib ni Inna.
“Heto, Sir.” Agad namang ibinigay sa kanya ng nurse ang towel. Ramdam na niya ang init niyon kahit kababasa lang sa malamig na tubig. “Buong katawan po niya, Sir, para po bumaba agad ang lagnat niya.”
Tumango si Havoc. Bumuga siya ng malalim na hininga bago inumpisahang haplusin ang katawan ni Inna gamit ang malamig na towel. Sa kamay, braso, leeg at dibdib.
Napalunok si Havoc at nag-iwas ng tingin sa dibdib ni Inna. Mabilis niyang tinapos ang pagpupunas doon. Pagkatapos, binasa niya ulit ang towel sa malamig na tubig. Ang tiyan at likod naman ang pinunasan niya bago isinod ang hita, binti, paa at talampakan ng babae. Humingi pa siya ng isang bimpo para gamitin sa mukha ni Inna na sobrang mainit na mainit pa rin.
Iyon ang ginawa ni Havoc sa lumipas na oras. Panay ang punas niya sa katawan ni Inna hanggang sa bumaba ang lagnat nito.
“Thank God,” mahina niyang sabi nang sabihin ng nurse na bumaba na ang temperatura ng katawan ni Inna. “Thank God.”
Ilang oras pa silang nag-stay sa ER hanggang sa lumabas ang resulta ng laboratory. Normal naman ang lahat kaya hinayaan na sila ng doktor na makalabas.
Medyo nanghihina pa rin ang katawan ni Inna habang nakasakay sa kotse niya. Nang sulyapan niya ito, nakatulog na naman ang babae.
Pinatay ni Havoc ang aircon para hindi ito lamigin. Nagmameho siya papunta sa beach house kung saan ito makakapagpahinga. Nang maihiga niya si Inna sa kama, napatitig siya sa babae. Mahimbing pa rin ang tulog nito, halatang pagod.
“Did you work too much?” tanong niya sa natutulog na babae saka hinaplos ang buhok nito. “Just rest. Saka na ako magagalit kapag okay ka na.”
Inihilamos ni Havoc ang mga palad sa mukha. Umalis siya sa kuwarto at bumaba sa salas para doon magpalipas ng oras habang may alak na namang karamay.
NANG magising si Inna, kahit paano ay maayos na ang pakiramdam niya. Bumalik na ang kanyang lakas. Bumangon siya sa pagkakahiga at inilibot ang tingin. Unti-unti, nag-sink in sa isip niya kung nasaan siya.
She was in the beach house that Havoc built for her.
Oh, my God!
Mabilis siyang lumabas sa kuwarto. Bumaba siya sa salas nang makitang madilim na. Kailangan na niyang umuwi.
“Saan ka pupunta?” Boses iyon ni Havoc na ikinatigil niya sa paghakbang.
Napatingin si Inna sa pinanggalingan ng boses. Napatitig siya kay Havoc na nakasandal sa hamba ng pinto ng kusina. May hawak itong isang bote ng alak.
“Aalis ka?” May bahid ng kalasingan ang boses ng lalaki.
Nang hindi siya sumagot, naglakad si Havoc palapit sa kanya habang umiinom ng alak sa mismong bote.
Doon niya naalala ang sinabi ni Monti. Havoc was a mess. And it was because of her.
“Havoc—”
“Dapat galit ako sa `yo, eh.” Dinuro siya nito habang may hawak na alak. “Pero bakit tuwing nakikita kita, nawawala ang galit ko? `Yong gustong-gusto kong magalit sa `yo habang-buhay, pero hindi ko magawa kasi mas nangingibabaw ang kagustuhan kong makasama ka habang-buhay.”
Parang sinakal ang puso ni Inna nang makitang may isang butil ng luha na tumulo sa mata nito.
“Ayoko na sa `yo, Inna. Gusto na kitang kalimutan. Gusto na kitang palitan sa buhay ko.” Matalim na matalim ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. “Ayaw na kitang makita. Ayaw na kitang makasama. Suko na ako. Ayoko ng mahalin ka. Pero ito…” Itinuro ni Havoc ang puso gamit ang bote ng alak. “Hindi ka makalimutan nito. Hindi kita kayang burahin dito. Hindi ko kaya. Hindi ko magawa kahit ayoko na.”
Itinaas ni Inna ang kamay para tuyuin ang luha sa pisngi nito. Pero tinabig lang ni Havoc ang kamay niya.
“Ayoko na sa `yo.” Titig na titig ito sa kanya habang sinasabi iyon. Walang emosyon ang mga mata ni Havoc. “So, please, leave my mind and my heart. Alone. So I can finally move on.”
Humugot siya ng malalim na hininga saka tumango. “Sige. Pero bago mo ako kalimutan, bago mo ako ayawan, please, hear me out.”
“What for?” iritadong tanong nito. “May magbabago ba?”
“Hindi ko alam. Pero gusto kong magpaliwanag,” sagot niya. “Please, hear me out. Please, Havoc? Please?”
Umiling si Havoc. “Ayoko nang magpakatanga sa `yo, Inna. Ayokong nakasalalay sa `yo ang kasiyahan ko at ang buhay ko. My life is messed up right now because of you. I’m so messed up right now because you left. I know it’s my choice to move on. But I couldn’t move.”
Nagtagis ang bagang nito. “I just realized that I lost myself when you left me. Ngayong nakita ulit kita, naisip ko na ang tagal ko pa lang sinira ang buhay ko dahil sa `yo. Gusto kong buuin uli ang nasirang ako kaya ayoko nang marinig ang paliwanag mo. Baka kapag narinig ko ang paliwanag mo, hindi ko kayanin ang dahilan mo. I’m weak when it comes to you, Inna. And I don’t want to be weak anymore. Ayokong masaktan na naman.”
Parang may sumasaksak sa puso ni Inna sa sobrang sakit. Pero ngumiti pa rin siya.
“Pasensiya ka na. Hindi ko gustong saktan ka. Pero kung ayaw mong marinig ang paliwanag ko, ayos lang sa akin. Inaasahan ko na naman `to. Naiitindihan ko. Pero sana, kapag handa ka ng marinig ang paliwanag ko, magsabi ka lang sa akin.
Humakbang siya paatras saka ito nginitian. “Havoc, kung may hindi man nagbago sa akin sa nakalipas na tatlong taon, `yon ay ang nararamdaman ko sa `yo. I still love you, Havoc.” Tumulo ang mga luha niya. “I still love you so much. So much. I didn’t mean to leave you. I didn’t mean to hurt you because I would never hurt my tesoro. ”
Hinintay niyang magsalita si Havoc. Pero tiningnan lang siya nito nang malamig at walang emosyon. Tumalikod na lang siya saka lumabas ng beach house. Hindi pa siya nakakalabas ng gate, may bumusina na sa likuran niya. Tumigil sa tabi niya ang kotse ni Havoc. Bumaba ang salamin ng bintana ng sasakyan nito.
“Get in,” sabi ni Havoc. “Ihahatid kita. Baka kung mapaano ka pa sa daan.”
Tumango si Inna saka sumakay sa kotse at tahimik na nag-seatbelt. Kailangan na niyang makauwi.
“Saan ka nakatira?”
Ibinigay ni Inna ang address kung saan niya gustong bumaba. “Thank you.”
Tumango lang si Havoc saka tahimik na nagmaneho. Siya naman ay tahimik lang din. Nakatingin lang siya sa labas hanggang sa makarating sa address na ibinigay niya.
When the car stopped, she faced Havoc. “Havoc—”
“Don’t come to my club. I don’t want to see you anymore. Let’s pretend that what happened today didn’t happen.”
Tumango si Inna saka lumabas ng sasakyan. Niyakap ang sarili habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Nilampasan lang siya ni Havoc.Tumakbo paalis ang sasakyan nito, palayo sa kanya.