lookupnovel logo lookupnovel
Stupidly In Love Again

Chapter 12

Ch. 13 / 22 May 18, 2024

Chapter 12

NAPATIGIL ako sa pagluluto ng sinigang nang marinig kong tumunog ang cell phone ko. Agad-agad akong lumapit sa table sa dining area para kunin at sagutin iyon. Hindi maialis ang ngiti sa mga labi ko dahil alam ko naman kung sino ang caller. Ganitong oras naman siya palaging tumatawag every night.

“Hello?” pagsagot ko sa tawag.

Bumalik ako sa kitchen para muling tingnan kung malambot na ang baboy. Nang masiguro kong malambot na, inilagay ko na ang iba pang sangkap ng sinigang, saka ko iyon muling hinalo at pinakuluan.

“ I miss you ,” sabi naman ni Brixx sa kabilang linya.

I chuckled. “I miss you ka diyan. Hello? Kakakita lang natin kanina sa office.”

“Kahit na ba.” Ramdam ko ang pagsimangot niya. “Halos twenty minutes lang kitang nakita sa office kanina, eh. I had to leave early at bumalik sa site. Nakakapagod at ikaw lang ang tanging supply ko ng energy.”

“Heh! Napakabolero ng lalaking `to!” sabi ko pero halos mapunit na ang mga labi ko sa sobrang ngiti.

My God.

Para akong teenager na todo kung kiligin nang dahil kay Brixx. I was already twenty-six years old and in the next two weeks madadagdagan na naman ang edad ko. Pero nang dahil sa lalaking ito na kausap ko, I felt like I was just eighteen years old na kumekerengkeng pa sa tuwing kausap niya ang crush niya.

Jusko, self. Nakakadiri ka. Umayos ka nga. Hindi ka na bata.

Si Brixx kasi, eh. Siya ang may kasalanan nito at hindi ako.

“I’m serious,” sabi niya. “What are you doing pala? Kumain ka na? Past nine PM na, ah.”

“Hindi pa ako kumakain,” sabi ko. “Nawili kasi ako sa pinapanood ko. Kaya nawala sa isip ko.”

He groaned. “ Ano ba naman—”

“Hep! Hep! Stop. Ito na, oh. Nagluluto na ako ng pagkain ko. Sesermunan mo na naman ako.”

These past few weeks mula nang maging busy kami pareho, palagi niya akong sinesermunan sa tuwing nakakaligtaan kong kumain. Akala mo bata pa ako kung paano niya paalalahanan. Hindi na lang ang sarili niya ang intindihin ni Brixx dahil kumpara sa akin, mas stressful ang pagiging engineer. Stressful kaya sa site.

“Good. Akala ko hindi ka na naman kakain, eh.”

“Kakain ako. Baka kasi sermunan mo na naman ako ng isang oras,” I said, laughing. “Ikaw, kumain ka na ba?”

“Not yet. Pagod kasi ako, eh. Saka, mas gusto kitang makita kaysa kumain.”

Halos matunaw ako sa sinabi ni Brixx. Sa totoo lang, gusto ko rin siyang makita. Sobrang busy talaga namin lately at palagi nga siyang nasa site. Matatapos na itong week na ito pero isang beses ko pa lang siyang nakikita noong dumaan siya sa office dahil may kailangan kunin.

Napaka-busy talaga ng mga engineer sa office kapag on going na ang project. Katulad nina Joe at Gio, stress na stress sila kapag on going na ang project nila. Si Andrea lang ang katangi-tanging hindi nai-stress dahil alam kong mas gusto niyang nasa site siya dahil maraming lalaki siyang nakikita. Napakalandi talaga ng hitad.

“Me too,” pag-amin ko. “Gusto rin kitang makita.”

“Holy shit!” napamura si Brixx. “Hindi nga, Cha. Totoo ba ang narinig ko o baka pagod lang ako?”

Natawa ako sa pagkabigla ni Brixx. Hindi niya inaasahan ang pag-amin ko na nami-miss ko rin siya. Eh, totoo naman kasi. Nami-miss ko rin si Brixx, gusto ko siyang makita sa personal at hindi puro night calls lang.

“Oo nga!” sagot ko. “Para matikman mo rin `tong niluto kong sinigang.”

“Sure ka?” pagkumpirma ni Brixx. “Gusto mo talaga akong makita?”

“Oo nga sabi. Paulit-ulit naman `to.”

“Hindi nga? As in sure na sure na sure na sure?” Parang bata kung manigurado itong timang na ito.

I rolled my eyes. “O s’ya hindi na. Hindi na kita gustong makita. Bahala ka na diyan. Good-bye!”

“Cha naman,” malungkot na sabi ni Brixx. “Hindi nga? Kasi ako, gusto talaga kitang makita.”

Bigla naman akong nakaramdam ng guilt. Halatang pagod kasi si Brixx at tinatarayan ko pa sa phone.

Huminga ako nang malalim. “Yes. I wanna see you, too.”

“Sabi mo `yan, ah.” Na sa hula ko, nakangisi si Brixx sa kabilang linya.

“What’s with you?” kunot-noo kong tanong at biglang may nag-doorbell. “Wait, may tao. Ito na ata `yong pina-deliver kong mineral water.”

“Sige, buksan mo. Guwapo ang makikita mong nagde-deliver ng mineral water.”

Napaikot na naman ako ng mga mata. “Anong guwapo ka diyan? Matanda na kaya `yon!”

“Ayaw maniwala, eh. Sige buksan mo,” sabi niya. “Kapag guwapo `yang nagde-deliver ng mineral water, akin ka na? Pero kapag hindi guwapo, sa `yo na ako?” sabi niya saka tumawa.

“Buwisit! Wala akong ibang pagpipilian!” sagot ko at muli na namang nag-doorbell. “Sandali lang. Mukhang hindi na makapaghintay si Manong mineral water. Wait lang.”

Inilagay ko sa bulsa ang cell phone at kumuha sa ibabaw ng fridge ng one hundred para ibabayad kay Manong. Nagtungo agad ako sa pinto para buksan iyon at nagulat ako sa sumalubong sa akin.

“The hell!” gulat kong sabi nang makita ko si Brixx.

Buhat-buhat niya ang mineral water sa balikat niya habang nakangisi sa akin. May dala rin siyang backpack.

“See? Panalo ako. Guwapo ang magde-deliver ng mineral water. Paano ba `yan? Akin ka na, Cha.”

Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil napatingin ako sa labas. Wala si Manong na usually nagde-deliver. Binalingan ko si Brixx habang nakakunot na naman ang noo ko.

“What are you doing here?”

“I told you, gusto kitang makita,” sabi niya habang nakangiti. “Saka, gusto mo rin akong makita, `di ba? So, I’m here.”

“Nasaan si Kuyang nagde-deliver niyan?” nagtataka kong tanong.

“Umalis na,” sagot ni Brixx. “Nakasalubong ko siya kanina. Ako na ang kumuha nito.”

“Eh, paano `tong bayad ko?”

“Binayaran ko na siya,” sabi niya. “Hindi mo na ako kailangang bayaran.”

“Ah, okay. Sayang din `tong one hundred,” sabi ko, saka ibinulsa ang pera.

“Kiss na lang ibayad mo,” ngumuso si Brixx. “Isang kiss lang na punong-puno ng pagmamahal.”

“Kiss mo sa pader, buwisit!” sabi ko, saka siya tumawa.

Pinapasok ko na sa loob ng unit ko si Brixx. Dumeretso kami sa kusina para i-check ang niluluto kong sinigang. Siya naman dineretso sa water dispenser ang mineral water.

Habang nakatalikod sa gawi niya, bigla kong naramdaman na tumayo siya sa likuran ko. Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko, saka siya humugot ng malalim na buntong-hininga na parang inaamoy ang amoy ko.

“God, I really missed you, Cha,” sabi niya. “Parang nawala na kahit paano ang pagod ko sa araw na `to.”

Hinayaan ko lang si Brixx sa ginawa niya dahil alam naman naming pareho kung ano kaming dalawa. Wala pang kami kaya hanggang diyan lang ang ginagawa niya. Hindi niya ako pinipilit sa ayaw ko. Kapag naramdaman niyang hindi ako komportable sa ginagawa niya, tumitigil siya.

“Matatapos na ako rito. Umupo ka na. Kumain na tayo.”

Umayos siya ng pagkakatayo. “Maliligo muna ako. Puwedeng makiligo?”

Hinarap ko siya. “Bakit? Naiwan mo na naman susi ng unit mo?”

He nodded. “Oo. Pati nga laptop ko, eh.”

“Ay, shunga naman diz boy!” pangangasar ko.

“At least, love ka very much diz boy!” sabi ni Brixx saka tumawa.

`Nak ng teteng. Palaging may sagot itong ulupong na ito sa bawat sinasabi ko.

“O siya, maligo na. Ayusin mo lang paggamit mo ng banyo, ah. Kakalinis ko lang kanina niyan!”

Sumaludo siya. “Yes, boss!”

Dumeretso na si Brixx sa loob ng banyo at naligo na.

Habang ako naman, tinanggal ko ang mga anek-anek ko na nasa mesa. Nilapag ko sa couch sa sala ang laptop ko at doon ko na lang ch-in-arge. Kailangan kong tapusin ngayong gabi ang latest episode ng mga Korean drama na pinapanood ko dahil wala naman akong gagawin.

Naghain na ako sa mesa habang nasa loob pa si Brixx ng banyo, saka siya sumigaw.

“Cha!” sigaw niya. “Nakalimutan ko magdala ng tuwalya. Pahiram naman ako.”

“Wait lang!” sabi ko at dumeretso sa kuwarto ko para kumuha ng malinis na towel. “Ito na, Brixx.”

Nasa tapat na ako ng pinto ng banyo nang bumukas iyon nang bahagya. Sumilip si Brixx kaya kitang-kita ko ang chest at abs niya. Lower part lang ng katawan niya ang tinatakpan ng pinto. Agad tuloy akong napaiwas ng tingin dahil sa nakita ko. God, pati sa ganoong tanawin ang sexy ni Brixx.

Kinuha ni Brixx ang towel. “Thanks, Cha.”

“You’re welcome.” Aalis na sana ako nang bigla niya uli akong tawagin. “What?”

“Ipapakita ko sa `yo ang ka-sexy-han ko.”

“Hindi na kailangan! Shut up!” sigaw kong umani ng tawa mula kay Brixx.

Buwisit na Brixx. Balak yata akong i-seduce. Hindi ba niya alam na mahina lang akong babae? Haru Jusko, Lord. Ilayo n’yo po ako sa tukso. Gusto kong mawala ang pinakaiingatan ko kapag kasal na ako. Not now. Hindi pa ako ready. Marami pa akong kailangan gawin sa buhay ko.

Lumabas na nakatapis lang ng tuwalya si Brixx kaya kitang-kita ko na naman ang abs niya na parang hinihikayat ako na hawakan iyon. Wala raw dalang pantulog si Brixx kaya pinahiram ko siya ng boxer. Iyong pinahiram ko sa kanya at regalo sa akin noon ni Gio na something naughty daw. Boxer na panlalaki ang ibinigay niya. Hindi ko inaakalang magagamit iyon ngayon. At si Brixx pa mismo ang gagamit.

Noong ibinigay sa akin ni Gio ang boxer, si Brixx agad ang pumasok sa isip ko. Hindi sa nami-miss ko siya noon. Galit nga ako sa kanya at sinusumpa ko siya, `di ba? Siya ang naisip ko dahil siya lang ang naaalala ko na mahilig gumamit ng boxer. Naisip ko noon, ano kayang hitsura ni Brixx if ever suot niya iyon?

Then, boom. Darating pala ang moment na susuotin iyon ni Brixx at hindi ko na kailangan i-imagine kung anong hitsura niya once isuot niya. The real thing was in front of me and he was sexy as hell. God.

White polo lang daw ang nadala ni Brixx, saka underwear. Iyong pants niya lalabhan na lang daw niya mamaya bago matulog para magamit iyon bukas papunta sa site.

Kumain na kaming dalawa ni Brixx. Todo puri siya sa akin na ang sarap daw ng luto ko. Sabi ko gutom lang siya at kapag gutom ka, sumasarap ang kahit anong kainin mo—hindi raw—masarap daw talaga akong magluto kaya puwede na raw akong mag-asawa. Asawahin ko na raw siya. Ang buwisit talaga. Naipasok niya pa iyon.

Kinamusta ko ang project namin at sabi niya okay naman daw. Isang buwan na ang nakalipas simula nang makapag-usap kami ni Brixx sa school at maipaliwanag na niya sa akin ang lahat. Pagkatapos, dalawang linggo na rin nang magsimula ang renovation ng school’s library after ko matapos i-drawing ang plano.

Nang matapos kaming kumain, nagpresinta si Brixx na siya na raw ang maghuhugas. Pero sabi ko huwag na at magpahinga na lang siya dahil halata nang pagod siya. Ang lamlam ng mga mata niya. Mukhang nakaka-stress talaga maging engineer. Mabuti na lang hindi ako nag-shift noong second year college pa ako.

“Cha! Pahiram ng laptop mo, ha!” sabi niya habang naghuhugas ako.

“Sige lang!” sagot ko. “Huwag mo lang i-close tab `yong isa, ah. Papanoorin ko `yan.”

Naglinis muna ako sa kusina at pinabayaan si Brixx sa ginagawa niya sa laptop ko. Mahigit thirty minutes din akong naging busy at pagtingin ko kay Brixx, nakahiga na siya sa couch at natutulog na—nasa center table na rin ang laptop ko. Napabuntong-hininga ako nang makita kong tinanggal niya ang tab na papanoorin ko. Ugh!

Gusto kong sigawan si Brixx sa ginawa niya dahil ang tagal-tagal pa naman mag-loading niyon dahil ang bagal ng internet ko ngayong gabi. Pero pinalampas ko na lang dahil ayoko nang gisingin si Brixx. Mukhang malalim na ang tulog niya habang nakabaluktot siya sa sofa. Gusto ko sana siyang gisingin para lumipat sa kama kaso baka masira naman ang tulog niya. So, kumuha na lang ako ng kumot at kinumutan siya.

Habang natutulog si Brixx sa couch, umupo naman ako sa ibaba. Nasa likuran ko siya. Kinuha ko ang laptop, saka ako nagtingin-tingin sa Facebook. Friends na kami ng Wondergirls sa Facebook at ibinalik ko na rin ang realname ko sa account ko. Bakit daw kasi Cha-Cha lang daw ang inilagay ko kaya hindi raw nila ako mahanap before. Dalawang magkasunod na girls’ date nila isinusumbat sa akin iyon.

Wala na ako magawa kaya napagdesisyunan ko na lang panoorin iyong stage play namin ni Brixx noong college. May copy na ibinigay si Aireen sa akin. Hiningi raw niya iyon sa professor namin para mapanood niya. May sakit kasi siya noon kaya hindi siya naka-attend at nakasama sa casting.

Habang pinapanood ko ang stage play namin, biglang nagsalita si Brixx. Nilingon ko siya at nakita kong antok na antok siyang nakatingin sa akin.

“Where did you get that?” tanong niya sa akin, saka siya umupo sa couch.

“Kay Aireen, may copy pala siya,” sagot ko. “Wala akong copy nito, eh. Mabuti na lang meron si Ai.”

“May copy din ako niyan. Humingi ako kay Ma’am Alonzo,” sabi ni Brixx. “Pero hindi ko pinanood.”

“Why?”

“Baka kasi lalo lang kitang ma-miss noon,” nakangiti niyang sabi. “Pero ngayon, kaya ko na `yang panoorin uli. Kasama na uli kita, eh. Kaya ko nang balikan ang nakaraan.”

“Ako rin,” sabi ko. “Noong umalis ako, hindi ko na kinayang panoorin ang Tangled movie o `yong theme song nila. Sa tuwing ginagawa ko kasi, isa lang ang pumapasok sa isip ko—ikaw.”

Binaling ko ang tingin ko sa screen ng laptop. Ang scene na doon, nagkita na sina Flynn which is Brixx at Rapunzel which is me. Sobrang bigat ng suot kong wig noon dahil sobrang haba niyon—ang hirap gumalaw.

Tinapik ni Brixx ang balikat ko at minuwestra niyang umupo ako sa couch. Tumayo ako nang bigla niya akong hilahin para paupuin sa pagitan ng mga hita niya. Muntik na tuloy malaglag ang laptop.

“Brixx naman!” angal ko.

“Ssssh! Huwag kang maingay,” sabi niya. “`Andiyan na `yong good part.”

Mabilisan ang scene. Hanggang sa napunta na ang scene sa nag-uusap sina Flynn at Rapunzel about sa dream ni Rapunzel na makalabas sa castle at makita ang mga maliliwanag na bagay na nakikita niya sa bintana.

“I’ve been looking out of a window for eighteen years, dreaming about what I might feel like when those lights rise in the sky. What if it’s not everything I dreamed it would be?” pagsabay ko sa sinabi ng character ko. “Saulo ko pa rin siya until now.”

“It will be,” sumagot naman si Brixx kaya napatingin ako sa kanya. Nakangisi siya. “Ako rin kaya.”

“And what if it is? What do I do then?” muli kong banggit ng line.

Brixx shrugged. “Well, that’s the good part, I guess. You get to go find a new dream.”

Parehas pa kaming natawa dahil after five years, saulo pa rin namin ang ibang mga lines.

“It’s funny, isn’t it?” sabi si Brixx. Hindi na niya sinabayan ang lines niya.

“`Yong alin?” nagtataka kong tanong.

“`Yong ang dali lang para sabihin na humanap na lang ng ibang dream kapag hindi natupad `yong dream nila,” sagot niya. “Akala siguro ng iba gano’n kadali `yon. Heck. Hindi gano’n kadaling kalimutan ang pangarap mo, `no! Dala-dala mo iyon kahit saan ka magpunta o kahit tumanda ka. Hindi mo iyon agad makakalimutan. Hindi lang pagiging bigo sa pag-ibig ang ibig sabihin ng heartbreak. Minsan, pagiging bigo rin sa pangarap.”

Napangiti ako. “May pinaghuhugutan ka na naman.”

“Well, yeah, I guess,” sagot niya at isinandal ni Brixx ang ulo niya sa balikat ko. “Noong bata pa ako at nabubuhay pa si Mama, tinanong niya ako kung ano raw ang pangarap ko.”

“Ano’ng sinagot mo?”

“Sabi ko hindi ko alam. Wala akong pangarap dahil mahirap lang kami. Mulat na kasi ako noon sa katotohanang kapag mahirap ka, wala kang karapatan mangarap. Wala ka naman kasing chance na makukuha mo `yon. Kaya hindi ka na dapat umasa,” sabi ni Brixx. “Pero ang sabi ni Mama, mas may karapatan daw akong mangarap dahil mahirap lang kami. I should work hard para ma-reach ko `yong dream ko. `Tapos, sinabi niya sa akin `yong dream niya para sa akin. Tinawanan ko pa nga siya no’n, eh.”

“Why? Ano ba ang sinabi niya?” curious kong tanong.

He smiled. “Gusto raw niyang makakita ako ng babaeng mamahalin ko nang lubos. `Yong babaeng makakasama ko sa pagbuo ng mga pangarap ko. `Yong babaeng matatawag kong akin. `Yong makakasama ko habang buhay at magbibigay sa akin ng isang masaya at kumpletong pamilya na hindi niya ibinigay.” Natawa si Brixx. “Ang bata ko pa noon kaya tinawanan ko siya. Pero ngayon, alam ko na ang ibig niyang sabihin.” Nagseryoso si Brixx. “Sabi pa niya, if ever na wala na siya sa mundo kapag nakilala ko ang babaeng sinasabi niya. Dalhin ko raw `yon kung saan siya nakalibing at ipakilala ko raw siya. Gusto raw niyang makita na masaya ako sa babaeng pinili ko.”

Tumitig si Brixx sa akin. Kahit nakapatay ang ilaw sa sala, kitang-kita ko ang mga mata niyang kumikinang habang nakatitig sa mga mata ko. He was looking at me seriously. It was as if he already found the one he was looking for. That he already found the girl he wanted to spend the rest of his life with.

“And one of these days, kapag okay na ang lahat.” Inayos ni Brixx ang buhok ko na tumatakip sa mga mata ko. “Kapag naging official na bumalik ka na sa akin. Dadalhin kita kung saan nakalibing si Mama. Sasabihin ko sa kanya na natupad na `yong pangarap niya sa akin. Na nahanap ko na `yong babaeng gusto kong makasama habang-buhay. `Yong babaeng naging dahilan kung bakit ako naging successful. Ipapakita ko sa kanya kung gaano ako kasaya sa `yo. Kung gaano ako kasuwerte sa `yo.”

“Paano… paano kung hindi niya ako magustuhan?” kinakabahan kong tanong.

“Imposible `yon, Cha,” nakangiti niyang sagot. “Walang kaayaw-ayaw sa `yo. Everything about you is inspiring. At kung nabubuhay lang si Mama ngayon? Baka natuktukan na niya ang ulo ko dahil pinakawalan kita dati.” Natawa na naman si Brixx. “Saka niya sasabihin sa akin na, ‘ang suwerte mo, anak. Nakahanap ka ng gaya niya. Huwag mo na `yan pakawalan pa.’”

Saka kami parehas na muling napatingin ni Brixx sa laptop nang nagsisimula na kaming kumanta roon. Iyon na ang scene kung saan pinapanood na nina Flynn at Rapunzel ang mga sky lantern.

Tumutugtog na sa background music ang “I See The Lights .” Ang ganda ng scene na iyon dahil may mga fake na lantern na nakasabit sa buong school’s gym na akala mo totoong lumilipad.

Nakatitig sa akin si Brixx na nasa stage play habang kumakanta ako roon.

Sumabay ako sa pagkanta at ilang sandali lang narinig kong sumasabay na rin si Brixx. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.

“All at once, everything is different. Now that I see you,” pagkanta ni Brixx kaya napatingin ako sa kanya.

When I looked at him, I saw how he stared at me. Katulad iyon kung paano niya ako tingnan noong stage play namin. He looked at me like he had really found the one he had been looking for.

“I love you, Cha. I really really love you. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang pagmamahal ko sa `yo,” sabi niya saka inilagay ang kamay ko sa dibdib niya kung nasaan ang puso niya. His heart was beating so fast—really, really fast. “My heart is like this when I’m always with you.”

I gave him a genuine smile—iyong ngiting nagpapasalamat sa mga sinabi niya.

I love you, too. Brixx. I said to myself. Hindi pala ako tumigil sa pagmamahal sa `yo. Nagpahinga lang pala ako.

Hindi pa kasi ako handang sabihin sa kanya uli iyon. Pero alam kong isang araw, muli kong sasabihin sa kanya ang mga salitang matagal na niyang hinihintay.