lookupnovel logo lookupnovel
Switch Desire (Temptation Island Series 3)

Chapter 16

Ch. 17 / 27 Feb 09, 2022

PAGGISING ni Ria sa umaga, si Izaak agad ang hinanap niya. Ilang gabi na itong hindi umuuwi. Kung umuwi man, laging umaga na. Hindi naman niya ito naaabutan dahil pagkagising niya, nakaalis na ito papuntang opisina. Tuwing pumupunta naman siya sa opisina nito, ayaw naman siyang papasukin ng sekretarya nito kahit anong pilit niya.

Kaya naman napagdesisyunan niyang hintayin ito hanggang madaling-araw. Hanggang sa nakatulog na lang siya, pero hindi pa rin ito umuwi.

“`Nay Koring,” tawag ni Ria sa mayordoma na nasa kusina at nagluluto. “Nasa opisina na ho ba si Izaak?”

“Kararating lang niya, Ma’am,” magiliw nitong sagot saka tinapos ang niluluto at humarap sa kanya. “Sa katunayan nga ho, dadalhin ko itong kape sa kanya. Parang may hangover, eh. Amoy-alak, eh.”

“Ganoon ho ba?” Napatiim-bagang si Ria saka kinuha ang kape na nasa platito. “Ako na ho ang magdadala. Nasaan ho siya?”

“Nasa hardin ho, Ma’am Syl.”

Madilim ang mukha niyang naglakad papunta sa hardin. Nang makarating doon ay padabog niyang inilapag sa ibabaw ng mesa, sa harap ni Izaak, ang kape.

Nalukot ang mukha ng lalaki na tiningala siya. Gumuhit ang gulat sa mukha nito nang makita siya, pagkatapos ay kumunot ang noo. “Nasaan si `Nay Koring?” tanong nito na iritado. “Siya ang inutusan ko niyan.”

“Mag-usap tayo,” sabi niya. “Bakit ba hindi—”

“Ayaw kitang makausap.”

“A-ano?” Parang may sumipa sa puso ni Ria. Ang sakit niyon.

“I don’t want to talk to you.” His eyes were cold, emotionless. “Hindi pa ba `yon obvious sa `yo? Hindi nga ako nagpapakita sa `yo, `di ba? Sana nakaramdam ka na.”

Napaawang ang mga labi niya, ang puso ay parang kinakatay sa sobrang sakit.

“Anong...” Namasa ang mga mata ni Ria. “A-ano ba’ng pinagsasasabi mo?” She could feel her heart breaking. “A-akala k-ko, okay t-tayo.” Gumagaralgal ang boses niya sa sobrang pagpipigil na hindi maiyak.

“Umalis ka na sa harap ko.” Tumayo si Izaak saka napabuntong-hininga na para bang napipilitan lang pakiharapan siya. “Ayaw kitang makausap.”

Tuluyan nang nalaglag ang luhang kanina pa niya pinipigilan ni Ria. “Three days, Izaak. Tatlong araw kang hindi nagpakita sa akin, tatlong gabi kang hindi umuwi. That’s exactly seventy-five hours and thirty minutes.” She looked at her wrist watch. “And nine seconds.” Mapakla siyang natawa. “Lagi akong naghihintay buong magdamag para sa `yo kasi nag-alala ako na baka napano ka na o baka may nangyaring masama sa `yo. Pero kahit text, wala akong natanggap para man lang mapanatag ako. Ayos lang baka kasi busy ka.”

Nag-uunahan nang tumulo ang mga luha sa mga pisngi niya. “Pinuntahan kita sa opisina mo, pero busy ka nga raw, hindi ako nagpumilit. `Tapos ngayon, lasing ka at pagsasalitaan ako nang ganyan. Do you know how worried I was? Do you even have the slightest idea what I had been through these past three days worrying about you?”

Nakatitig lang si Izaak sa kanya, pagkatapos ay napabuntong-hininga. “Hindi ko sinabing maghintay ka o mag-alala ka sa akin.” Napakalamig ng boses nito. “Saka busy naman talaga ako. I was with Michelle.”

Kumuyom ang kamay ni Ria. “Gago ka.” Mabilis niyang pinahid ang luhang kumawala sa mga mata. “Nag-alala ako sa `yo, hindi ako makatulog, hindi mapakali, hindi nga ako nakakain ng hapunan sa kahihintay sa `yo at sa pag-aalala sa `yo kung napano ka, `tapos kasama mo pala ang babae mo? Nagsabi ka na lang sana na nasa kandungan ka nang iba, para hindi ako nag-alala sa `yong gago ka!”

Nagmamartsang umalis si Ria sa hardin at nagtuloy-tuloy sa kuwarto nila ni Izaak. Doon ay pinakawalan niya ang malakas na hikbing kanina pa pinipigilan.

She’s worried. She was sick worried! At kasama pala nito si Michelle?

Nasapo ni Ria ang bibig habang palakas nang palakas ang hikbi. Hindi niya iyon mapigilan. Parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang sama ng loob. Parang sinasakal ang puso niya, hindi makahinga.

Pinahid ni Ria ang mga luha saka humugot ng malalim na hininga habang minamasahe ang dibdib kung nasaang parte ang kanyang puso.

Ang sakit.

Ito ang unang beses na nakaramdam si Ria ng ganitong sakit sa puso simula nang magkamalay siya. Ito ang unang beses na pakiramdam niya, kinatay ang puso niya. Ito ang unang beses na naramdaman niyang umiyak at dumugo ang puso niya. At ang sakit-sakit niyon. At wala siyang ideya kung paano tatanggalin ang sakit na nararamdaman.

Parang namamatay ang puso niya sa sakit. Mas dumodoble ang sakit kapag naalalang kasama ni Izaak si Michelle sa mga araw na hindi ito nagpakita sa kanya. Baka nagpunta ito sa Temptation Island at may nangyari sa mga ito.

Sinapo ni Ria ang dibdib at pinisil ang parte kung nasaan ang puso niya.

“Tama na…” bulong niya. “Tama na… Tama na… Hindi na ako makahinga…”

Hilam ang luhang kinapa niya ang cell phone na nasa bedside table saka tinawagan ang kakambal.

“Hello? Ria?”

“`NAY KORING, `di ba, sinabi ko sa inyong ikaw ang magdala ng kape sa akin?” Itinapon ni Izaak ang tasa sa lababo dahilan para mapasigaw sa gulat ang mayordoma. “Bakit n’yo ipinahatid sa iba?”

Nagbaba ito ng tingin, halatang kinakabahan. “K-kasi, S-sir, n-noong isang araw pa ho kayo hinahanap ni Ma’am Syl.” Nag-angat ito ng tingin sa kanya. “Nag-aalala na nga ho ako doon, eh. Hindi kumakain kapag gabi sa kahihintay sa inyo. Sa tanghalian naman, kaunti lang ang kinakain, nagdadahilang walang gana. Kahit bigyan ko ng merienda, hindi naman ginagalaw. Ikaw lagi ang bukambibig at hinahanap. Kaya pasensiya na, Sir, kung siya ang pinagdala ko ng kape n’yo.”

Agad niyang binura ang munting konsiyensiyang naramdaman. “Sa susunod, huwag n’yong susuwayin ang utos ko. Maliwanag?”

“Opo, Sir.”

Nakapamulsang umalis si Izaak ng kusina saka nagpunta sa second floor. Malayo pa siy a sa pinto ng master’s bedroom, naririnig na niya ang impit na hikbi ni Ria.

Parang may sumipa sa dibdib niya sa narinig, pero nilabanan niya iyon. Ilang araw din niyang ikinondisyon ang utak na huwag magpaapekto sa mala-Oscar nitong performance.

Naglakad si Izaak palapit sa pinto at bahagya iyong itinulak pabukas. Natigilan siya sa pagpasok nang makita si Ria na nakaupo sa gilid ng kama at hawak ang dibdib kung saang parte naroon ang puso.

“Tama na…” bulong nito na parang may kinakausap, para itong nagmamakaawa. “Tama na… Tama na… Hindi na ako makahinga…”

Hindi niya maialis sa mukha ni Ria ang mga mata.

Her tears… they seemed so real. So genuine. But he’d bet that she knew that he was watching. Ito pa, pang-Emmy at Oscar ang acting skills.

Kinapa nito ang cell phone sa bedside table saka may tinawagan.

Ria was sobbing as she gripped the phone tightly. “Ayoko na. Ayoko na, Syl. Hindi ko na kaya.” Palakas nang palakas ang hikbi nito. “Let’s switch back. I can’t… I can’t do this anymore. I can’t…” Sinapo nito ang dibdib. “I can’t breath…” Binitawan nito ang cell phone saka tumayo para habulin ang hininga.

Izaac just stood there, looking at Ria. And then he heard the familiar voice of his fiancée.

“Maria? Ayos ka lang ba? My God! Ano ba’ng nangyayari sa `yo? Answer me!” Syl was panicking. “Maria! Maria!”

“I’m fine.” Ria was still breathing heavily. “Let’s just switch back. Ayoko na siyang makita. Ayoko na siyang makausap. Ayoko na, Syl. Ayoko na. I want to go back to my old peaceful life. I’m sorry, but I can’t do this anymore. Guilt is eating me, Syl, and now I’m paying for what I did. Nagbabayad na ako sa kasalanang nagawa ko sa `yo. I shouldn’t have let him enter my system. I should have pushed him away. Hindi ko na mahihintay na matapos ang bakasyon mo.”

“Its okay,” sabi ng malumanay na boses ni Syl. “I understand. I’m sorry, Maria. I’m really sorry.”

“Ayos lang.” Tinuyo ni Ria ang mga luha sa pisngi.

Pinatay nito ang tawag saka kinuha ang shoulder bag sa closet at inilagay roon ang cell phone. Natigilan ito nang paalis na sa kuwarto at nakita siya sa pinto.

“Izaak,” sabi nito sa pangalan niya.

Pakiramdam niya, parang naninikip ang kanyang dibdib. Izaak felt suffocated. “Aalis ka?”

“Pansamantala lang naman.” Mapait itong ngumiti. “Babalik din naman ako agad, magpapahangin lang ako. But before I leave, I just want to request just one tiny favor.”

Namulsa siya. “And that is?”

“Don’t be mad at me when I came back. Basta huwag mo na lang akong pansinin. Puwede ba `yon?”

Si Syl ang babalik at hindi ito kaya nakikiusap ito sa kanya.

“You’re asking too much from me.” Sinundan ng mga mata niya ang luhang nalaglag sa mga mata nito. “I can’t do that.”

“Ganoon ba? Sige, pagsasabihan ko na at babalaan ang ‘ako’ na babalik dito sa bahay mo.” Ria smiled, but it wasn’t a happy one. “Have a happy day, Izaak.”

“I will.” That’s a lie.

Tinuyo nito ang luha sa pisngi at taas-noong naglakad palabas at nilampasan siya.

Mahigpit na napahawak si Izaak sa hamba hanggang sa hindi na niya naririnig ang yabag nito. Mapakla siyang natawa habang nakatingin sa kama kung saan ilang beses niyang inangkin si Ria. Sa kamang ilang beses siyang naging masaya.

“Ang sabi ko lang naman, ayaw kitang makausap,” bulong niya sa hangin. “Hindi ko sinabing iwan mo ako.”

“WELCOME to my penthouse,” nakangiting sabi ni Lucifer kay Ria nang mapagbuksan siya nito. “Pasok ka.”

Ngumiti siya saka humakbang papasok at inilibot ang tingin sa kabuuan ng penthouse. “Ang ganda naman dito,” komento niya. “Spacious.”

Ginulo ni Lucifer ang buhok niya. “Spacious talaga kasi wala pang ibang gamit. Kababalik ko lang kasi galing isla.”

“Ah.” Umupo si Ria sa pang-isahang sofa. “Puwede bang dito muna ako nang ilang araw?”

“Sure.” Umupo si Lucifer sa sofa na kaharap niya. “Dalawa naman ang kuwarto kaya ayos lang.” Matiim siya nitong tinitigan. “Your eyes… You’ve been crying.”

Tipid siyang ngumiti. “Umalis na ako sa bahay ni Izaak. Ang sabi ko, babalik din ako, magpapahangin lang, pero hindi na ako babalik doon, si Syl na.”

Pinakatitigan siya nito. “Is that why you cried?”

Umiling si Ria. “Kagagahan ko `to at kasalanan ko rin kung bakit ako umiyak.”

Lucifer nodded and asked. “Do you love him?”

“Yeah.” Mahina siyang natawa saka iniiwas ang tingin kay Lucifer. “Nasasaktan ako, eh. Isn’t it proof enough that I love him?”

Nagkibit-balikat ito. “Malay ko. Hindi ko pa naman nararanasan `yan. But basing on your red swollen eyes, I will say you love that bastard.” Napailing-iling si Lucifer. “Bakit mo naman kasi minahal?”

“He’s charming. And sweet. And handsome. And hot. And he just know how to charm my heart.” Natatawang naiiling siya. “Seriously, hindi ko alam. Noong una, guwapo lang si Izaak sa paningin ko, `tapos pinagnasahan ko na. `Tapos iba na ang nararamdaman ko sa mga araw na nakakasama ko siya. And then one day, I just woke up already falling for him, no, scratch that, I woke up already in love with him.”

Lucifer sighed and shook his head. “Alam mo kung anong kailangan mo?”

“What?”

“Bar and Beer.”

Kumunot ang noo ni Ria. “A what?”

“Lets go bar hopping now and get wasted.” Tumayo ito sa kinauupuan saka ginulo na naman ang buhok niya. “And while we’re there, go find someone to play with para mawala si Izaak sa sistema mo. Maybe its just an infatuation.”

Napakagat-labi si Ria. “Paano kung hindi?”

Lucifer looked back at her. “Then you’re fucked, Maria.”

She groaned. “Lucifer naman, eh!

“What?” Tatawa-tawa ito. “Lets go. Mag-bar hopping na tayo.”

Napipilitan siyang tumayo at sumunod dito palabas ng penthouse.

INFATUATION. Iyon ang nasa isip ni Ria habang maharot na sumasayaw sa saliw ng malakas na musika sa gitna ng dance floor.

Ito na ang pang-apat na bar na pinuntahan nila ni Lucifer, pero hindi pa rin magawang pumili ng lalaking mapaglalaruan buong magdamag.

“Hey, sexy,” sabi ng baritonong boses ng kasayaw niya na halos haplusin ang buong katawan niya. “Wanna spend the night with me?”

Nang-aakit na humarap si Ria sa lalaki saka iniyakap ang mga braso sa leeg nito. Ito na ang pang-apat na lalaking hinayaan niyang yakapin siya habang maharot na sumasayaw. Umaasa siya na sa tulong ng lalaking ito, mawawala si Izaak sa kanyang sistema. The other three men had failed. Kahit halik, hindi niya pinahalik. Kaya naman susubukan niya sa lalaking ito.

“Hey, handsome,” she said in a sultry voice. “Kiss me.”

Akmang hahalikan siya ng lalaki nang biglang pumasok sa isip niya ang guwapong mukha ni Izaak habang umuungol ito at sinasamba niya ang pagkalalaki nito.

Malakas niyang naitulak ang lalaki na minura siya, pero wala siyang pakialam. Sumusuray na lumapit siya kay Lucifer na nasa gilid lang lagi at nagmamasid sa kanya.

“Umuwi na tayo,” bagsak ang balikat na sabi ni Ria. Mahigpit siyang napakapit sa braso nito nang muntik nang masubsob.

Lucifer sighed and carry her bridal style.

“No luck?” tanong nito habang naglalakad palabas ng bar at buhat-buhat siya.

Umiling si Ria at isinubsob ang mukha sa dibdib nito. “Wala. Palagi siyang pumapasok sa isip ko. Palagi na lang. I can’t even kiss a man that I find attractive, damn it!”

Iniupo siya ni Lucifer sa passenger seat ng sasakyan nito saka umikot papuntang driver’s seat.

“Ano’ng gagawin mo ngayon?” tanong ni Lucifer ng nasa daan na sila.

Ria shrugged. “Hindi ko alam. But I do know now, that this, is not an infatuation.”

Lucifer tched. “Lets go clubbing tomorrow night again,” suhestiyon nito.

“Ayoko na.” Humilig siya sa pinto. “Tanggap ko na na mahal ko nga ang gagong `yon.”

Lucifer sighed heavily. “You’re fucked then.”

“Yes,” Ria agreed. “I’m fucked.”