M ABUTI na lang at may jacket ako. Hindi naging alangan ang sando sa pinasukan kong Italian restaurant. Hindi naman sa may pakialam ako sa opinyon ng ibang tao. May mga panahon talagang gusto ko na lang mag-blend in at hindi na magpaliwanag o umintindi sa mga tingin ng iba. Kung gusto ko ng iisipin, eh, aalalahanin ko na lang ang tatay kong hindi ko pa nabibisita.
Lasing na naman siguro iyon, kinakalimutan ang kuya at nanay ko. Si Nanay, hindi ko alam kung nasaan. Hindi ko rin naman gustong alamin. Si Kuya naman, masaya na. Pero paano ka sasaya kung ang kasama mo na lang ay ang pinili mong pamilya? Mas okay na iyon kaysa sa akin. Hanggang ngayon, nawawala sa kawalan. Hindi ko alam kung sino ang gagabay sa akin.
I’ll be late. 15 minutes. Message ni Aljur.
Sinimulan ko na lang isara ang zipper ng pula kong jacket habang idinadagdag pa si Aljur sa iniisip ko. Away. Bati. Away. Bati. Ikot-ikot lang. Nasanay na kami sa ganoon. Patatawarin niya ako. Patatawarin ko siya. At dahil kasalanan ko naman talaga ang nangyari sa beach, turn ko ang humingi ng sorry.
Ako ang nagmaneho sa amin pauwi. Hindi niya ako kinikibo. Hindi rin ako nagsasalita. Hanggang sa hawakan ko na ang hita niya. Hindi pa rin siya tumingin. Pinisil ko. Ayaw pa rin.
“Sorry na,” sabi ko. “Wala naman akong plano do’n kay Mr. Averilla. Mapapangasawa `yon n’ong client ko. Sex lang `yon.”
“Thank you, ha,” sabi ni Aljur. “At least, hindi ako sex lang.”
Pigil na pigil akong magbalik ng issue ng nakaraan. Ako ang may kasalanan. Hindi iyon maitatama kung magbabalik ako ng isa pang kasalanan.
“I’m sure you know that that’s not what I meant,” sabi ko. “Aksidente ang nangyari. Nag-aaway kami.”
“Tayo ang nag-aaway ngayon,” sabi ni Aljur. “Pero nasa bunganga ko ba ang titi mo? Wala naman, `di ba? Ganito ang nag-aaway. Kayong dalawa, nagpapasarap.”
“Is there any point for me to explain myself?”
“Ewan ko sa `yo,” sabi ni Aljur. “May point pa ba itong relasyon natin?”
Hindi ako nakasagot.
Mabilis ang takbo namin sa expressway. Andami nang nabago sa paligid. Pero sa aming dalawa, wala. Pero ako pa rin ang may kasalanan. I know I was a jerk. But I was a good jerk.
“When we decided na maging tayo,” sabi ko. “Alam ko naman na magko-commit ako sa `yo.”
“Magko-commit for three months,” sabi ni Aljur.
“Commitment pa rin. Sa iyo ako uuwi. Ikaw lang ang hahanapin ko. Tatabihan kita tuwing kailangan mo. At kanina, it was you who I was expecting. Nagte-text pa nga tayo, `di ba? `Tapos, kumatok itong si Mr. Averilla, naghahamon ng suntukan dahil akala niya ginalaw ko ang mapapangasawa niya. Natumba ako, eh, towel lang ang suot ko kanina kasi nga nag-send ako ng dick pic sa `yo. Iyon, natanggal. Malay ko bang baklang-bakla itong si Mr. Averilla at dinakma na lang ako bigla.”
“Hindi ka pumalag?”
“Kung pumalag ako, eh, di hindi ka galit. Hindi na ako nagso-sorry.”
“Proud ka pa?”
“Hindi. Nagsasabi lang ako ng totoo. If you want, I will give all the details hanggang sa labasan ako.”
“Nag-condom ka ba?”
“Oo naman.”
Pagkatapos tahimik uli kami.
Ipinatong ko uli ang kamay ko sa hita ni Aljur. Ilang sandali pa, inilagay niya ang kamay sa kamay ko.
“Gutom na ako,” sabi niya. “Libre mo ako sa stopover.”
Iyon. Bati na kami.
Wala akong nakitang ibang lalaki sa mga naka-three months ko na nasasabihan ko ng mga totoong kalokohan ko. Maybe the way he understood me made me comfortable to tell him the truth. Hindi niya ako hinuhusgahan. Kahit mali ako, nakikita pa rin niya ako bilang isang tao. Hindi isang pagkakamali.
Okay na kami ni Aljur kaya nga ngayon, magkasama naming imi-meet ang dahilan ng away namin.
“Where is the CR?” tanong ko sa waiter pagsalubong nito sa akin.
“Second floor, Sir,” sagot niya sa akin.
Papaakyat, sinipat ko ang buong restaurant at tiningnan kung may kakilala ako. Ako nga yata ang nauna. Dumeretso na ako sa taas. Nakita ko naman agad ang CR. Inilagay ko sa lavatory ang gym bag ko at pumunta sa urinal.
Habang binabawasan ko ang tubig ko sa katawan, may isang lalaking pamilyar na tumabi sa akin. Nagkatitigan kami. Ibinalik ko agad ang garter ng pants ko sa dapat kalagyan at dumeretso sa salamin para maghugas ng kamay at kunin ang bag.
Hindi umihi ang lalaki. Hinawakan niya ang braso ko at ang isang kamay, idinakma sa aking harapan. Doon ko nalagyan ng pangalan ang lalaking ito. Isang linggo na rin kasi. Siya ang nag-text sa akin para magkita ngayon, at eto na. Pero hindi sex sa CR ang ipinunta ko dito.
“Mr. Averilla, this is wrong in so many levels,” sabi ko.
“It didn’t feel wrong on the beach,” sagot niya. Inalis niya ang kamay sa braso ko, pero ang nasa aking harapan ay patuloy sa paghagod. Hindi ko napigilang tigasan.
“You weren’t married then,” sabi ko.
“Was about to.” Nangingiti na siya dahil alam niyang nagugustuhan ng katawan ko ang ginagawa niya.
“You are my client now.”
Ang hindi ko pagtutol nang marahas ay naging hudyat sa kanya na ituloy ang ginagawa. Lumuhod siya sa harapan ko at inamoy-amoy ang pinababakat niyang bukol sa aking jogging pants.
“Was I not your client then?”
“Your wife was.” May diin sa wife. Para maalala niyang kauuwi lang niya sa honeymoon nila.
“My wife. Not me.”
“Don’t you want a polite ‘no’?” sabi ko na medyo naiinis na.
“I don’t take no for an answer. Polite or otherwise.”
Sumama na ang tingin ko sa kanya.
“Are those looks getting along with your big hard dick right now?”
“No,” sagot ko. “And you will take that no.” Ako naman ang humawak sa kamay ni Mr. Averilla at umiling.
Gusto ng katawan ko ang nangyayari pero mabait si Mrs. Averilla. Naging kaibigan ko siya. Alam niyang may hilig sa lalaki ang asawa niya. Ang usapan nila, kapag kinasal na sila, titigil na sa panlalaki itong si Mr. Averilla. Apparently, hindi. Foreshadowing na siguro ito ng kanilang paghihiwalay. Pero hindi ako ang magiging dahilan niyon.
Nakaluhod pa rin si Mr. Averilla at hawak ko ang kanyang kamay nang bumukas ang pinto ng CR. Kinabahan ako. At hindi ko alam kung nadagdagan o nabawasan ang tibok ng puso ko nang makilala ko ang pumasok. Si Aljur.
“Ano’ng nangyayari?” tanong ni Aljur. “Drew? Explanation?”
“Sir,” sabi ko kay Mr. Averilla. “Kindly explain to him why you are kneeling in front me.”
Tumayo si Mr. Averilla. “Excuse,” sabi niya. “I don’t wanna get caught in your drama.”
“English talaga kayo?” sabi ni Aljur sa akin na hindi inaalis ang tingin kahit lumabas na si Mr. Averilla. “Ano? Para intense?”
Kinuha ko ang kamay ni Aljur at inilagay sa matigas kong harapan.
“Ano’ng gagawin ko diyan?” tanong niya.
Inilabas ko ang aking katigasan. Nasa CR kami ng restaurant. Kung hindi sa GMRC, pinatos ko talaga si Mr. Averilla. Pero luck is with me. Dumating ang boyfriend ko.
“Subo mo,” sabi ko. “Para malaman mong walang ibang laway ang dumikit diyan.”
“Gago ka ba?” sabi ni Aljur. “Inaaway kaya kita.”
“Nagmamakaawa `yong lalaki, gusto akong chupain. Hindi ko pinagbigyan kasi may masasaktan,” sabi ko.
“Ako ba `yong masasaktan?” Ngumiti si Aljur.
“Subo mo na,” utos ko uli.
“`Tang-ina ka. Ang libog mo talaga.” Lumuhod si Aljur at sumunod sa pinagagawa ko.
PAGBABA namin ni Aljur, nakaupo na si Mr. Averilla kasama ang isang magandang babae. Little black dress. Sleeveless na may mababang V-neck. Kita ang kanyang cleavage na kahit hindi kalakihan ay maipagmamalaki. Lampas balikat ang kanyang wavy ash brown hair. Matangos ang ilong, at alam niya ang rule, na isa lang ang highlight sa make-up. Her luscious lips were bloody red. Ito ang kanyang mas pinaangat, bago ang chinita niyang mga mata, then cheeks.
Tumayo silang dalawa.
“Camina,” sabi ni Mr. Averilla. “This is Drew. He is the hottest Bridal Shower Guy in town.”
“Yosi lang ako,” paalam ni Aljur. Hindi pa nga pala niya alam na ang nakaluhod sa harap ko kanina ay ang ka-meeting namin. Si Mr. Averilla na dahilan din kung bakit sa text na lang kami nag-uusap.
“Akala ko, tumigil ka na?” bulong ko.
“Mukha namang walang tumitigil sa atin,” sabi ni Aljur.
“Please stay,” pakiusap ko. Ayokong mabastos ang kliyente namin. “Please.”
Ngumiti si Aljur. Mas fake pa ang ngiti niya sa mga fake news sa FB.
“This is Aljur, my partner,” pakilala ko kay Aljur. “And this is Mr. Averilla, siya ang nag-arrange nitong lahat. Thanks.”
“Mr. Averilla?” tawa ni Camina. “Call him Percy. Or Precy if you want.”
Namula si Mr. Percy Averilla.
“Let’s just get to business, Camina,” sabi ko.
“Ang formal mo,” sabi ni Camina. “Loosen up. Magsasayaw kang nakahubad sa harap ko. The only thing I want stiff is your dick. No Viagra please.”
Natawa ako.
“Hindi Viagra gamit niyan,” sabi ni Aljur.
“Gusto ko rin naman `yang deretso na,” sabi ko. “So when is the wedding? Who is the bride? The groom? Dapat mas guwapo ako sa kanya.”
“Mas guwapo ka naman,” sabi ni Camina. “Pero iba ang appeal ng mapapangasawa ko, wala kang laban. But let’s order lunch first.”
Hindi na ako nakapagtanong dahil tinawag na ni Camina ang waiter.
Pagkalipas ng ilang minuto, dumating ang order namin. Quattro Carne Pizza. Margherita. Four Seasons Salad. Spaghetti Ala Marienerie at Four Cheese Penne. Gutom yata ang babaeng ito. Mabuti na lang at nakapag-withdraw ako.
Habang kumakain, itinuloy na namin ang usapan. Two weeks from now ang bridal shower. Medyo tight ang schedule dahil two weeks na lang iyon bago ang kasal. Pero doon kami nagkasundo sa araw na iyon. Hotel lang naman sa Ortigas. Okay na rin ang presyuhan. Settled na ang logistics. Pwede nang magkuwentuhan na lang.
“So ikaw ang bride?” tanong ko.
“Yes,” sagot ni Camina habang kumakain ng penne. “I am arranging my own bachelorette party kasi ayokong pangit ang ipadala nilang babastos sa akin. Huling tikim ko na ng ibang lalaki, `no? Hindi ko na ipagkakatiwala sa iba.”
“I usually get information about the bride para alam ko kung paano siya isu-surprise. So I guess, ito na iyon,” sabi ko. “Well, this is new.”
“Just do your usual. Sapat na sa akin na pogi ka. At bakla. At least hanggang manyakan lang tayo. Hindi mo magagawang ipasok `yang big hard dick in my pussy. Or…” Tumawa nang may kahulugan si Camina.
Natawa si Percy. Mukhang nagkuwento ito.
“So you, Aljur,” sabi ni Camina. “Sumasayaw ka rin?”
“No,” sabi ni Aljur. “Support lang sa jowa.”
“Ay, guwardyado ka pala, Drew,” sabi ni Camina. “Kasama mo siya sa lahat ng transactions?”
“Ngayon lang,” sabi ni Aljur. “Gusto ko lang makita ang Mr. Averilla na nangungulit sa kanya.”
“Grabe ka, Percy,” sabi ni Camina. “Akala ko loyal ka na kay Margaret.”
“Loyal na ako do’n,” sabi ni Percy. “Wala namang nangyari sa CR kanina, `di ba?”
“Wala,” sagot ko.
“Dapat lang,” sabi ni Camina. “Kasal ka na. Kaya nga kami ni Hubby, bago ikasal, eh, bibigyan na namin ng last landi ang isa’t isa. At ikaw ang last landi ko, Drew. Galingan mo.”
“Oo naman.”
“Sanay na sanay ka na, ah,” sabi ni Camina. “Bread and Butter mo?”
“Butter lang,” sagot ko. “TL ako sa BPO. `Yon ang Bread ko.”
“Malaki naman ang kita ng TL para sa single, ah,” sabi ni Camina na natawa sa hirit ko.
“Yes, single ako,” sabi ko. “Pero maluho ako.”
“Oh,” sabi ni Camina. “Luho. Mag-invest ka na. Hindi mapupunuan ng luho `yang emptiness mo. I suggest, hanapin mo ang source ng emptiness mo, at ang pera mong naiipon, ilagay mo sa stocks or insurance.”
“Thanks,” sabi ko. Hindi ko kailangan ng pangaral sa pagkakataong ito. Alam ko pa naman ang ginagawa ko. Pero kliyente ko ito. Hindi ko magagawang barahin na lang basta. And actually, may point naman siya.
“May point siya, Drew,” sabi ni Aljur. “Nasabi ko na `yan, `di ba?”
“Kaya ka nga nandito,” sabi ko. “Ikaw ang nagsasabi sa akin niyan. Mangungulit sa akin.”
Nagtawanan na rin kami.
“You should be filling that emptiness,” sabi ni Percy kay Aljur. May paghahamon.
“Nasabi ko na rin `yan,” sabi ni Aljur. “Kaya lang, hindi ako ang kailangan niya. At hindi rin ikaw `yon, sigurado ako.”
“Sino? Ako?” joke ni Camina.
Nagtawanan uli kami. Mabuti alam ni Camina kung paano humirit nang tama.
CAMINA Fricia Sol. Ito ang account niya. 24. Ang aga naman niya ikakasal. She took good photos. Kahit mga pictures na naka-tag siya, maganda. Kahit wacky na, maganda pa rin.
In a relationship with Peter Pan?
Sino si Nitram Stallone? At logo ng bastketball team ang profile picture. Sobrang private naman ng mapapangasawa nito.
“Napaka-mature naman nitong mapapangasawa ni Camina,” sabi ko. “Ayaw magpakilala.”
Patuloy lang si Aljur sa paghuhugas ng pinggan na apron at shorts lang ang suot. Pagkatapos mag-dinner, dumeretso na ako sa living area ng condo ko. Binuksan ang laptop at nagsimulang mag-research ng mga bagay tungkol sa ikakasal. Mga ilang sentences na rin ang nasabi ko. Si Aljur, wala pa ring imik. Kahit noong kumakain, sinubukan kong magsimula ng mga usapan. Pulos tango at iling lang ang sagot niya.
“Alis na ako,” sabi ni Aljur. Pinunasan niya ang kamay, tinanggal ang apron at lumapit sa akin kung saan nakalagay ang T-shirt niya.
Tumayo ako habang sinusuot niya ang T-shirt. Niyakap ko siya. Ayoko pa siyang umalis.
“Para saan `to?” tanong ni Aljur. “Hindi pa ba nasasaid ang libog mo sa araw na ito?”
Gusto ko talagang may katabi matulog. Ayokong mag-isa ngayong gabi. Kahit alam kong hindi kami okay. Mas gusto ko ng si Aljur ang katabi ko. Ayoko nang maghanap ng iba.
“Dito ka na matulog,” sabi ko pagkatapos ay hinalikan ko siya sa batok.
Umiwas siya. “Drew, tama na muna,” sabi ni Aljur. “Unti-untiin na nating hiwalayan ang isa’t isa. Nakadalawang buwan na naman tayo. Mukha namang hindi nagwo-work. Sayang naman ang isang buwan pa nating pagsasakitan.”
“Kaya nga let’s make the best out of the remaining days.”
“Ayoko. Mas masakit iwan `yon.”
“Parehas naman tayong masasaktan.”
“Masasaktan ka? Bakit? Mahal mo ba ako?” Humarap sa akin si Aljur at tumingin. Gusto niya ng sagot pero hindi ako nakapagsalita. “Kung mahal mo ako, sana napatawad mo talaga ako,” sumbat ni Aljur. “Wala nang gantihan.”
“Akala ko ba, okay na tayo do’n kay Mr. Averilla?”
“Akala ko rin,” sabi ni Aljur. “Pero no’ng nakita ko siya kanina, masakit pa rin pala. `Yon din siguro ang naramdaman mo no’ng sinabi mong hindi na rin naman ako malinis. No’ng naka-sex mo siya, iyon ba ang iniisip mo? Tie na tayo? Nakaganti ka na sa nagawa ko sa `yo.”
Bumitaw na ako. Ano ang isasagot ko doon? Tumalikod ako at humarap na lang sa glass wall ng condo, tanaw ang mga ilaw ng lansangan sa gabi. “Sorry, hindi naman iyon paghihiganti,” sabi ko. “Akala ko, gano’n tayo sa relasyon natin ngayon. Pinatawad kita, pinatawad mo ako. Bakit kailangang maalala uli? But sige. If you wanna go, just go.”
“Thanks,” sabi ni Aljur. Naglakad siya papalayo.
Hinayaan ko siya. Nanatili akong nakatingin sa salamin, pinagmamasadan sa reflection ang paghakbang niyang hindi bumabagal. Pero mas bumilis doon ang tibok ng puso ko. Hindi na ako nag-isip. Bigla akong napasigaw.
“Sorry!” sabi kong napayuko. “And please don’t go. Huwag ka naman umalis.”
Hindi pa rin tumigil sa paglalakad si Aljur. “`Yang mga ganyan mo, Drew, eh,” sabi niyang patuloy na naglalakad. “`Pag hindi ako umalis, hindi na ako makakaalis. Mamahalin na kita.”
Nakarating siya sa pintuan at humawak na sa doorknob.
“Eh, di mahalin mo ako.”
Huminto si Aljur at humarap sa akin. “At matututunan mong mahalin ako?”
“Turuan mo ako,” sabi ko.
“Tuturuan kita?” sabi niya. “Handa ka bang limutin ang ang three-month-rule mo?”
Ngumiti lang ako.
“Fuck you,” sabi ni Aljur na nakangiti na rin. “Fuck you and your three month rule!”
“Can you just stay and fuck me instead?” sabi ko. Napahinto ko na siya. Hindi na niya itinuloy buksan ang pinto. Pwede ko nang daanin sa biro ang away na ito.
Nakangiti si Aljur na lumapit sa akin. Hindi ko mabasa ang ngiti na iyon, pero parang gusto ko ang susunod na mangyayari. Sasapakin ba niya ako, o kakantutin? Pwede naman pareho.
Hinubad niya ang kasusuot lang na T-shirt at isinandal ako sa bintana ng unit ko. Sinimulan niya akong halikan. Marahas. Pinapasok ng dila niya ang kaloob-looban ng aking bibig.
HINDI naman kasi talaga namin napag-usapan ang nangyari. I’d been single for two weeks nang ipakilala sa akin ng tao ko sa opisina ang isa sa mga naka-date niya. Hindi naman daw sila nag-sex so hindi magmumukhang free taste ng talong ang opisina namin. Si Aljur ang ipinakilala niya.
Isang linggo, sampung sex, okay naman kami. Nag-decide kaming maging exclusive, maging kami. Ngayon, isang linggo at isang buwan na ang lumipas. Nandito kami sa kama ko, katatapos lang uli ng isang round pagkagising na pagkagising.
“Nag-overreact ako. Tapos na dapat ang issue ko kay Mr. Averilla, pero umarte pa rin ako,” sabi ni Aljur. “Sorry.”
“Sorry din,” sabi ko. “Promise, hindi na ako magbabalik ng issue.”
“Hindi ko na rin aalalahanin ang three-month-rule mo,” sabi ni Aljur na nakahiga sa dibdib ko. “Alam ko naman kasi ang pinasok ko noon. Binalaan na naman ako. Kaya siguro nagawa ko ring magloko noong una. Pero last na `yon. Seseryosohin na lang kita bago tayo matapos. Malay mo, hindi matapos.”
“Wala akong maipapangako,” sabi ko.
“Wala naman akong inaasahang babalik sa `kin. Magbibigay lang naman ako. May matatanggap at matatanggap naman ako for sure. Kahit hindi sapat, ayos na rin.”
“Sorry, Aljur.”
“Wala ka namang kasalanan. Ang tindi ng hang up mo sa nagturo sa iyo ng rule na `yan. Kung sapat ako para maka-move on ka doon sa Sylvestre na iyon, eh, di good. Malay mo, kaya kong maging mas malaki diyan sa buhay mo para hindi mo na mapansing may nawawala.”
Hindi na naman ako nakapagsalita. Nanatili akong nakakulong sa palaisipang iniiwan ni Aljur sa akin.
“Bakit?” Hindi ko kinayang hindi magtanong.
“Bakit bakit?”
“Why are you still holding on to us?”
“Ikaw? Why are you still holding on?”
Because you wash the dishes, gusto kong isagot. Pero sa tingin ko, hindi iyon makakatulong. “Because you’re a good fuck,” naisagot ko instead.
“I know,” sagot ni Aljur. “Sex lang naman ako sa `yo. Sex lang kami sa `yo. Na pagkatapos ng tatlong buwan, sawa ka na. Pero at least, totoo ka. Salamat sa compliment, by the way.”
The fuck. I should have said the dishes excuse. Because that’s the truth. Nagagawa ni Aljur ang mga ayokong gawin. Nahaharap niya ang mga pilit kong iniiwasan. Among other reasons na hindi ko pa rin mabigyan ng salita. Tulad ng nandiyan siya. At ayokong mag-isa. At alam niya iyon pareho.
Pero tumalikod si Aljur sa pagkakahiga sa akin. Nagpaka-cinematic pa siya at bahagyang lumingon sa akin.
“I’m a good fuck. Our sex is actually good,” sabi niya. “Fuck you again tomorrow.”
Sa lamig ng mga salita niya, nanlamig ang buong paligid. Naiwan akong nag-iisa.