lookupnovel logo lookupnovel
The Billionaire's Mysterious Lover

Chapter 11

Ch. 12 / 29 Feb 05, 2022

"ARE you busy tomorrow?" malambing na tanong ni Red nang tumawag ito kay Evangeline.

"Hindi naman. Why do you ask?"

"Let's go on a date."

It's already been a week since they became official. Alam na rin ng mga magulang niya na sinagot na niya ang binata. Wala siyang narinig na pagtutol o anumang pangit na side comments mula sa mga ito. Ang tanging hangad lang ng parents niya ay ang kaligayahan niya. And hoped that her relationship with Red is finally for keeps.

"Okay," excited na tugon niya.

Mula nang sagutin niya ito ay naging napaka-busy na nilang pareho. Bagaman nasusundo pa rin naman siya nito sa trabaho, halos kakaunting oras na lamang ang nailalaan nila sa isa't isa.

"I'll pick you up at seven in the morning."

"Seven AM?"

"Yes, angel. Seven ante meridiem."

"You mean magdi-date tayo nang umaga?"

"From morning 'til noon. Kung puwede nga lang hanggang gabi. Pero ayaw ko namang mag-alala sina Tita at Tito kaya iuuwi rin kita bago gumabi."

Isang kinikilig na ngiti ang pinilit supilin ni Evangeline. "Sige, ikaw ang bahala."

"See you."

"See you."

Nang matapos ang tawag ay saka naman niya naisip na nakaligtaan niya itong tanungin kung saan ang lakad nila. Sinubukan niyang tawagan ulit ito para alamin kung saan sila pupunta. Pero nakailang ring na siya ay hindi pa rin ito sumasagot. Naisip niyang siguro ay busy na ito sa bar. Nang tumawag ito ay medyo maingay ang background kaya alam niyang nasa bar ito.

Posible kayang dadalhin siya nito sa isa sa mga pag-aari nitong isla? Bigla siyang na-excite sa idea. She loves the beach and the sea. Excited siyang nagbaon ng swimwear at spare clothes. They'll probably go sailing, too. And the thought thrilled her even more. The last time she went sailing was back in her college days. At napakatagal na niyon.

Halos hindi siya pinatulog ng excitement. Nang magising siya kinabukasan ay lampas ng ika-anim ng umaga!

"Oh, darn," nagmamadali siyang bumangon at dumiretso ng banyo.

Wala ng maraming seremonyas, kaagad na pumailalim si Evangeline sa malamig na buhos ng shower. Bahagya pa siyang napatili nang bumagsak sa kanyang balat ang malamig na tubig. Minadali niya ang paliligo upang hindi siya lalong ginawin. Nang matapos ay tiniyaga niyang tuyuin ng tuwalya ang buhok. Hindi kasi siya gumagamit ng hair dryer dahil nada-damage nang husto ang buhok niya.

Nang makuntento ay kaagad na siyang nagpalit ng summer dress. Tamang-tama namang isinusukbit niya ang kanyang beach bag nang kumatok ang kanyang ina.

"Red is here," anunsyo nito nang pagbuksan niya ng pinto. "Oh, why are you dressed like that?"

"Why not? May mali ba sa suot ko?"

"Well," parang may sasabihin ito pero sa huli ay hindi na lamang itinuloy. "Oh, whatever. You look so pretty in that dress, anyway."

"Mom."

"Hinihintay ka na ng nobyo mo. Bilisan mo at baka magbago ng isip, ako ang isama niya."

"Mama!"

Tatawa-tawang nauna ng bumaba ang kanyang ina. Si Evangeline ay muling bumalik ng silid at pinagmasdang mabuti ang kanyang ayos.

May mali ba sa ayos ko?

Napailing na lang siya. Matapos magwisik ng pabango ay bumaba na siya sa naghihintay na kasintahan.

"Good mo—uh, hello, angel. You look great," bati ni Red pagkakita sa kanya.

"Tell me something. May mali ba sa bihis ko?"

"Hmm, nah. You look perfect."

"'Yong totoo."

"You look great."

Aangal pa sana siya ngunit mabilis na itong nagpaalam sa kanyang mga magulang. Nagtaka pa siya nang pagdating nila sa driveway ay isang Jeep Wrangler ang nabungaran niya.

"We're not going to the beach, are we?"

"No, angel. We're going up the mountains."

"Ugh, you should have told me. Magpapalit muna ako ng damit," mabilis siyang pumihit pabalik ng bahay.

Ngunit maagap siyang napigilan ni Red at iginiya na sa passenger seat ng sasakyan nito.

"You look absolutely gorgeous in that summer dress. We're going up the mountains pero hindi naman tayo susuong sa gubat para magpalit ka pa ng damit."

Napasimangot siya. Kunsabagay ito man ay nakasuot lamang ng simpleng jeans at walang manggas na t-shirt na pinatungan nito ng maong na jacket. Ang suot nilang pamaa ay parehong canvas shoes. Para silang nag-usap.

"Fine."

Nakangiting pinisil nito ang kanyang baba at inayos ang kanyang seat belt. Sabay pa silang kumaway ni Red sa kanyang mga magulang nang tumakbo ang sasakyan palabas ng driveway.

Habang bumibiyahe, naisip ni Evangeline na sayang lang pala ang paghahanda niya ng swimsuit. Hindi niya naman magagamit.

Inabot ni Red ang kanyang kamay at marahang pinisil. "Next time, I will take you to the beach. We'll go sailing."

Agad na nabura ang kunot sa noo ni Evangeline at matamis na nginitian ang nobyo.

"Pero sa susunod naman kasi sabihin mo muna sa akin kung saan tayo pupunta. Akala ko kasi talaga ipapasyal mo ako sa beach."

"Sorry," itinaas nito ang kanyang kamay at hinagkan ang likod ng kanyang palad.

Lihim siyang kinilig sa gesture ng nobyo.

"Nagugutom ka na ba? Gusto mong dumaan muna tayo sa isang cafe?"

"Mahaba ba ang magiging biyahe natin?"

"Um, about three hours."

"Mag-take out na lang tayo ng burgers at fries."

"Okay, you're the boss."

Nang may madaanan silang fastfood ay um-order na lang ito sa drive-thru. French fries, cheeseburgers, pine apple juice at coffee. Habang nasa biyahe ay magana silang kumain. Nangingiti pa si Evangeline habang kumakagat ng cheeseburger.

"What's so funny?" parang nagtatakang nag-side glance sa kanya si Red.

"I think this is the very first time na nag-almusal ako ng cheeseburger at French fries."

"I'm sorry. Next time, sisiguruhin kong makakapag-almusal ka nang maayos bago kita yayaing mag-date," tila nagi-guilty na sabi nito.

"Hey, who says I'm complaining? I like it. I like the fact that I'm eating cheeseburger and fries with you while we are on the road."

"Really?"

"Really."

Iyon lang at ngumiti na ito. Habang nagmamaneho ito ay sinusubuan niya ito ng French fries. Sa muling pagsubo niya rito ay hinuli nito ang kanyang kamay at isinubo sa bibig nito ang daliri niya na may dumikit na flavor ng cheese.

"R-Red," parang biglang may tumulay na kuryente mula sa daliri niya papunta sa kanyang braso. Na kaagad naglakbay sa bawat himaymay ng kanyang laman at lumikha ng nakapanghihinang sensasyon sa buo niyang katawan.

"I love cheese. Especially when it coats your finger."

Biglang nanuyo ang lalamunan ni Evangeline nang pawalan ng nobyo ang kanyang hintuturo mula sa bibig nito. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mukha. Na mabilis niyang ikinubli sa pamamagitan ng pagsipsip sa kanyang pine apple juice.

Matapos nilang kumain ay nagkuwentuhan na lang sila ng mga naging kalokohan nito at ng mga kaibigang sina Rafe at Zeke. At kahit nagmamaneho ay madalas nitong hawak ang kanyang kamay na para siyang makakawala. Paminsan-minsan ay pasimple nitong sinisimsim ang kanyang kamay na para bang haling na haling ito sa amoy ng kanyang balat. Naaaliw na lang siyang isipin na patay na patay ito sa alindog niya.

Pagkalipas ng halos tatlong oras ay nagsimula ng maging maberde ang kanilang dinadaanan. Sa magkabilang gilid ng kalsada ay nakita ni Evangeline ang ekta-ektaryang palayan. Mula roon ay lumiko ang Jeep sa isang semi-rough road. Medyo pataas ang kalsada na tila bago pa lamang dini-develop. Mabuti na lamang at sadyang pang-rough terrain ang kanilang sinasakyan. Hanggang sa makarating sila sa kanilang destinasyon ay walang aberyang nangyari.

Nang alalayan siyang pababa ni Red ay namamanghang inilibot niya ang paningin. Nasa ituktok sila ng bundok! Parang kaunting tiyad niya lamang ay maaabot niya na ang mga ulap.

"Oh, my God. This place is amazing!" hindi niya napigilang ibulalas.

"Kung napaaga tayo, nakita mo sana ang sunrise."

"I bet it was wonderful, too. Do you have a property here?"

"May nabiling lupain dito si Daddy."

"Your Dad?"

"Ang tiyuhin ko na nagpalaki sa akin. And like I told you, siya na ang kinilala kong ama. He adopted me legally."

"Is he here?"

"He already passed away. His wife died three years after he brought me home. Hindi na siya nagpakasal ulit kahit bata pa naman siya nang mabalo. I don't know whether it's a curse or a blessing. Pero nasa lahi yata ng pamilya namin ang maging faithful at loyal hanggang kamatayan sa sandaling matagpuan na namin ang taong itinakda naming mahalin. Katulad na lamang ng aking ina..."

Nang mahimigan ni Evangeline ang pait sa tinig ng nobyo ay nilapitan niya ito at niyakap. She wanted to console him. Ang pagaanin ang bigat sa dibdib nito na idinulot ng masakit nitong kabataan. Sa loob ng ilang sandali ay nanatili lang silang magkayakap habang nakatingin sa magandang tanawin sa kanilang harapan.

Isinuot niya ang mga braso sa loob ng jacket ni Red nang makaramdam ng ginaw. Palibhasa siguro mataas ang kinaroroonan nilang lugar kung kaya't malamig ang klima.

"Giniginaw ka ba?"

"Medyo."

"Tara sa bahay."

Ang bahay na tinutukoy nito ay isang napakagandang cabin. Napaliligiran iyon ng mga pine trees at ilang mga punong namumunga. At katulad ng tanawing nakita niya kanina, napahanga rin siya sa ganda ng bahay. Napaka-ideal na bahay-bakasyunan iyon para sa isang malaking pamilya.

"There's a pool at the back if you want to swim."

"Talaga?"

"Yep. And the water is all natural, mula sa hot spring."

"Wow, I can't wait to see it," excited na sabi niya.

"Magpapahanda ako ng pagkain para sa poolside na lamang tayo mag-early lunch."

"Brunch."

"Yes. Brunch."