Chapter Four
M AHIGPIT ang hawak ni Lechel sa tuwalya na nakapulupot sa katawan niya. She’s now standing before Nykyrel, naked underneath this freaking towel. Bakit naman kasi hindi niya naisip na wala siyang damit na pampalit bago naisipang maligo?
So here she was, in front of this annoying man who had kissed her fervently. Biglang nag-init ang pisngi niya nang maalala ang nangyari sa kanyang kuwarto.
Nykyrel raked an appreciative look over her body and smirked at her breasts. Namula si Lechel nang maalala ang pagmasahe nito sa dibdib niya.
Tumikhim siya saka nagsalita para itago ang hiyang nararamdaman. “Kung nagtatanong ka kung paano ko nalaman kung nasaan ang kuwarto mo, binuksan ko lahat ng kuwarto sa bawat floor. Lahat `yon, naka-lock, maliban sa isang `to. So I assume na ito ang kuwarto mo kasi ito lang ang bukas,” paliwanag niya saka hinintay itong magsalita.
Pero hindi nagsalita si Nykyrel, as usual. Pumasok ulit ito sa loob ng kuwarto nito, pagkalipas nang ilang minuto ay bumalik ulit ang lalaki na may dalang whiteboard saka black marker. Ipinabasa nito sa kanya ang nakasulat sa whiteboard.
What do you want?
Wow! That actually hurt. Alam niyang nakakapagsalita ang lalaki, pero ayaw siya nitong kausapin? That stung.
“Bakit nagsusulat ka na naman?” Tinaasan niya ito ng kilay at tiningnan nang masama. “Alam kong kaya mong magsalita, kaya magsalita ka,” naiinis na sabi niya.
Nagsulat na naman si Nykyrel sa whiteboard at ipinabasa sa kanya.
I don’t want to.
Nag-iwas ng tingin si Lechel, ayaw niyang makita nito ang sakit sa bumalatay sa mukha niya.
“Puwede ba akong manghiram ng damit? Wala kasi akong pampalit.” Iyon ang kailangan niya sa lalaki kaya hinanap ito. “`Yon ang dahilan kaya nandito ako.”
Walang sabi-sabing pumasok na naman si Nykyrel sa loob ng kuwarto at nang lumabas, may hawak na itong oversize T-shirt saka kulay-itim na boxer shorts. Iniabot nito iyon sa kanya saka malakas na isinara ang pinto. Muntik nang tumama ang mukha niya sa isinara nitong pinto.
“Buwisit! Walang modo!” sabi niya saka sinipa ang pinto. “Buwisit ka!”
Hindi ba siya karapat-dapat para marinig ang boses nito?
Tiningnan niya nang masama ang pinto saka umalis. Buwisit na lalaki! And to think she found him attractive? Argh! Ang kapal ng pagmumukha ng lalaking iyon!
Dinala ni Lechel ang damit palapit sa ilong niya para amuyin. Hmm… Ang bango talaga ng lalaking iyon, pati mga damit nahahawaan.
A giggle escaped her lips, then she scowled. Naeengkanto talaga siya. Kanina, naiinis siya ngayon naman, para siyang baliw na kinikilig dahil lang sa mabangong amoy ni Nykyrel Guzmano.
Nang makapasok si Lechel sa kuwarto niya, agad niyang isinuot ang damit na bigay ni Nykyrel at nilabhan ang mga damit niya. Nang lumapat ang kanyang likod sa malambot na kama, napabuntong-hininga siya at ipinikit ang mga mata.
NYKYREL lay naked on his bed. Nasa isip niya ang magandang mukha ng kanyang buwisita. Nagtagis ang kanyang mga bagang at ilang ulit niyang minura ang sarili dahil sa pag-iisip niya sa babaeng iyon.
Huminga siya nang malalim saka bumangon at binuksan ang laptop niya. Naghanap siya ng online shop na may mga damit pambabae. Nang makahanap si Nykyrel, agad siyang nag-order ng ilang damit at undergarments. Nag-order din siya ng ilang pares ng sapatos at sandals. Size eight.
I’m sure of her shoe size .
Nag-order din si Nykyrel ng hair dryer at shampoo para sa babae.
Teka, bakit ko ba ginagawa `to? Wala naman akong pakialam sa babaeng `yon kahit maghubad pa siya sa harap ko.
Tumango-tango si Nykyrel bilang pagsang-ayon sa sarili. Tama, wala siyang pakialam sa babaeng iyon.
Then, his subconscious voice ruined everything.
Oh, really? Kung wala kang pakialam, bakit ino-order-an mo siya ng damit, sige nga?
Nykyrel grimaced. Peste talaga ang bahaging iyon ng kanyang isip.
Nang i-check out niya ang in-order, binayaran niya iyon gamit ang credit card. Darating ang mga iyon bukas ng umaga.
Napabuntong-hininga si Nykyrel saka bumalik sa pagkakahiga sa kama. Ipinikit niya ang mga mata at hinintay na dalawin siya ng antok. Pagkalipas ng ilang minuto, hindi pa rin siya makatulog. Bumangon siya saka kinuha ang cell phone at nag-text sa buwisita niya.
Hey.
He hit send.
Ilang minuto siyang naghintay bago nag-reply ang babae.
What?!
Pinigilan niya ang matawa sa reply ni Lechel na parang galit. Ipinilig niya ang ulo. Kaya siyang patawanin ng babae sa simpleng text nito.
What’s wrong with me? tanong ni Nykyrel sa sarili.
Nag-reply siya.
Can’t sleep? Still thinking of the kiss we shared?
Hindi alam ni Nykyrel kung bakit iyon ang sinabi niya kay Lechel. Gusto lang niyang malaman kung nagustuhan nito ang halik na pinagsaluhan nila. Pero hindi naman puwedeng tanungin niya ito ng ganoon. Pero bakit ba tatanungin niya ito ng ganoon? He had low confidence when it came to some things in his life, but not in kissing or sex department. At pakialam naman niya sa babaeng iyon kung nag-enjoy ito o hindi? He may have a disorder and all but he was a good fucking kisser.
Naputol ang pag-iisip ni Nykyrel nang marinig na tumunog ang message alert tone ng cell phone niya. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng excitement na basahin ang mensahe ni Lechel sa kanya.
What the fuck is happening to me? tanong ulit ni Nykyrel sa sarili.
Heh! Huwag mo akong kausapin! Lechel replied.
Mahina siyang natawa. Nag-e-enjoy siyang ka-text ang babae.
Weird! I don’t like texting for fuck sake!
Nag-reply siya agad. I can still remember the feeling of your breasts against my palm.
Biglang nag-init ang katawan ni Nykyrel sa sariling text. Damn this woman and what she’s doing to him.
Lechel replied. Pervert! Hindi na ulit mangyayari `yon! Hindi kita papatulan, `no?
Nanlamig ang katawan ni Nykyrel sa reply nito. Mapakla siyang tumawa. Oo nga pala, nakalimutan niya. Nakalimutan niyang hindi siya pinapatulan ng mga babaeng alam kung sino talaga siya sa likod ng kanyang guwapo mukha. And he’s pretty sure Lechel would not kiss a man with disability, even if he’s handsome as a Greek God.
Naiinis na itinapon ni Nykyrel ang cell phone sa carpeted na sahig saka pabagsak na nahiga sa kama. Ayaw niyang makipag-usap sa kahit na sino. Kaya mas gusto niyang i-text ang kanyang mga sasabihin. Ayaw niya ng kausap kasi ang mga kumakausap sa kanya, pinagtatawanan siya at kinukutya. Pero bakit gusto niyang kausapin si Lechel?
Bakit ba niya nararamdaman ito?
Bago pumasok si Lechel sa buhay niya, maayos ang kanyang lagay. Ayos lang sa kanya ang mag-isa at hindi makipag-usap sa ibang tao. Now that she came, he’s pissed, confused and horny as hell.
Buwisit na buhay ito! Buwisit din ang babaeng iyon!
Matutulog na lang siya. But how the hell could he sleep when he had a massive erection?
NAGISING si Lechel dahil sa malakas na katok na nanggagaling sa pinto ng kanyang kuwarto. Agad na nasira ang umaga niya. Alam niya kung sino ang kumakatok. Wala namang ibang tao sa bahay na iyon maliban sa kanila ni Nykyrel.
Umalis siya sa kama at padabog na binuksan ang pinto. “Ano na naman ang kailangan mong hinayupak ka?” pagtataray niya.
Napatitig si Nykyrel sa kanyang katawan. Halata ang paghanga sa mga mata nito.
“What?” she snapped at him.
“Beautiful,” bulong nito, pero dinig na dinig niya.
Tiningnan ni Lechel ang sarili saka magkasalubong ang mga kilay na tumingin kay Nykyrel. “Suot ko ang oversized T-shirt at boxers mo, Nykyrel. At nasisiguro kong parang pugad ng ibon ang buhok ko kaya huwag mo akong mabiro-biro nang ganyan. And I’m not in the mood, so don’t fuck with me.”
“Oh!” Naging matiim ang tingin nito. “I would like to fuck you,” he mumbled.
Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. “Anong sabi mo?”
“W-wala.” Nagbaba ng tingin si Nykyrel saka iniabot sa kanya ang medium size na box na dala nito. “H-heto.”
Hindi niya ipinahalata na nagulat siya na nagsalita ito. Tiningnan niya ang karton na hawak ng lalaki. “Ano naman `yan?”
Tumikhim si Nykyrel. He looked like he’s struggling to speak. “Ahm…” Tumikhim ito ulit. “C-clothes. F-for you.”
Did he just stammer? Oh, well. He looked so cute stammering like a child.
“Clothes?”
Binuksan ni Lechel ang box at sinilip ang nasa loob. Umawang ang mga labi niya nang makita ang laman ng box. Clothes. Shorts. Undergarments. Jeans. Shoes.
“Wow! Para sa akin `to?”
Tumango si Nykyrel.
“Bakit?” tanong niya.
Tumikhim na naman ito bago nagsalita na para bang nahihirapang ibuka ang mga labi.
“Y-you n-need i-it.”
Bigla itong napamura nang malakas saka basta na lang binitawan ang box dahilan para bumagsak iyon sa sahig. Inilabas nito ang cell phone at nag-type saka ipinakita sa kanya ang isinulat doon.
You need it. Next week pa ang pangalawang injection mo. Ang pangatlo ay next, next week pa. Isuot mo `yan. BTW, you look hot with my shirt on.
Hindi napigilan ni Lechel ang pamumula ng kanyang mga pisngi. She looked hot? Parang may nagliparang paruparo sa loob ng tiyan niya. Peste!
Bahagya niyang ipinilig ang ulo saka tumingin sa mga mata ni Nykyrel. His deep lazy brown eyes seemed to captivate her whenever their eyes meet.
“So, balik na naman sa pagsusulat sa halip na magsalita ka.” Inirapan niya ito, saka sinipa ang karton papasok sa loob ng kuwarto. Naniningkit ang mga matang tinitigan niya si Nykyrel. “Ano ba’ng problema mo? Alam kong ayaw mo sa akin. Alam kong buwisita mo ako. Pero bakit hindi mo ako kinakausap? Bakit ba, ha? Nakakainis ka na alam mo `yon. Akala mo naman kung sino kang importante sa mundo na babasahin ang isinusulat mo para lang makausap ka!”
Nagdilim ang mukha nito. Tumalim ang mga mata at gumalaw ang panga tanda na galit ito.
Sobra ba ang sinabi niya? He deserved it.
Inaasahan ni Lechel na sisigawan siya ng lalaki kaya nagtaka siya nang para itong robot na tumalikod at iniwan siya. Pero hindi nakatakas sa paningin niya ang sakit na kislap sa mga mata nito bago umalis.
Agad siyang na-guilty. Kaya naman hinabol niya ang lalaki para humingi ng tawad sa mga masasakit na salitang nasabi niya.
“Nykyrel! Nykyrel!” sigaw ni Lechel sa pangalan nito. “I’m sorry. That was rude of me,” sabi niya nang hindi ito tumigil sa paglalakad.
Tumigil ang lalaki sa paglalakad saka galit na tumingin sa kanya. Nykyrel stormed towards her, seized her waist and pinned her on the wall.
Napasinghap siya. “Nykyrel—”
“I’m mad!” he growled and smashed his lips on hers, making her whimper.
Lechel instantly melted in Nykyrel’s arms and wrapped her arms around his neck. Against her better judgment and opinion, she kissed him back. Nilabanan niya ang halik nito, nag-espadahan ang mga dila nila at lumaban siya ng kagatan ng labi. He bit her bottom lip, she did the same.
Nykyrel pinned her harder on the wall. Lalong lumalim ang halikan nilang dalawa, dahilan para habulin niya ang sariling hininga.
They nipped, they sucked and they kissed each other fervently. Parehas silang napapaungol sa kanilang ginagawa at nag-iinit ang katawan niya. Something was building in her belly and it tingled.
Naghiwalay lang ang kanilang mga labi nang hindi na sila makahingang dalawa. Matiim na tumitig si Nykyrel sa mga mata niya.
“Ano?” sabi ni Lechel na hindi kumportable sa uri ng pagkakatitig ng lalaki.
“A—” Tumikhim ito saka lumayo sa kanyang katawan. He sexily bit his lower lip and then turned away. Pissed.
Ano na naman ang ginawa niya? Ito pa talaga ang galit? Samantalang sa kanilang dalawa, siya ang dehado. Buwisit na lalaking iyon! Hmp!
Naiinis na pumasok si Lechel sa loob ng kanyang kuwarto, saka isa-isang inilabas ang laman ng karton para mawala sa isip niya ang halikan nila ni Nykyrel. Nagulat siya sa laman ng karton. Para sa kanya talaga ang laman niyon. Lahat ay para sa kanya.
Hindi mapigilan ni Lechel ang sarili, unti-unting natutunaw ang kanyang galit sa lalaki. Alam nitong wala siyang pampalit na damit. And him doing this meant he was allowing her to stay in his house for a couple more days.
Kinuha niya ang cell phone sa night stand saka nag-text sa lalaki.
Salamat sa mga damit.
Ilang minuto ang lumipas, nag-reply ang lalaki.
In the kitchen. Now. Breakfast.
Isang malapad na ngiti ang kumawala sa mga labi ni Lechel. This man was turning her into bipolar. She felt giddy, then annoyed, angry, then happy. Nababaliw na yata siya. Baka epekto ito ng vaccine na ini-inject sa kanya ni Nykyrel para sa anti-rabies.
Oh, well.
Lumabas si Lechel sa kuwarto niya saka nagpunta sa kusina. Habang papunta roon, nasa isip niyang pagsalitain nang pagsalitain si Nykyrel. Gusto niyang marinig ang baritono nitong boses. He stammered, but damn, he’s sexy as hell.
Nang makapasok siya sa kusina, nandoon na si Nykyrel at nakatingin sa piniritong itlog na nasa sahig.
Nagsalubong ang mga kilay ni Lechel. “Anong nangyari?”
Aabutin na sana ng lalaki ang whiteboard para magsulat nang pigilan niya ito.
“Ayokong basahin ang sasabihin mo,” sabi ni Lechel kay Nykyrel. “Gusto kong marinig.”
Nanatiling tahimik ang lalaki habang nakatingin sa kanya. Hindi niya kayang basahin ang emosyon sa guwapo nitong mukha.
“Nykyrel, tell me.” She urged him. Hinawakan niya ang balikat nito saka pinisil. “Makikinig ako, pangako. Gusto kong malaman kung bakit ba ayaw mo akong kausapin. Hindi kita pagtatawanan kahit ano pang dahilan mo.”
Nagdilim ang mukha nito. “L-lies. B-big l-lies. G-gagamitin m-mo `yon l-laban sa a-akin,” sabi ni Nykyrel na parang nahihirapang magsalita saka biglang umalis sa kusina.
Pero bago siya tinalikuran, nakita ni Lechel ang pagkapahiya sa mukha nito. Parang nahihiya ang lalaki dahil nagsalita ito. She saw how his cheeks reddened in embarrassment. Parang may pumiga sa puso niya sa nakita.
Bakit naman mahihiya si Nykyrel sa kanya? Good heavens! Guwapo ito, mayaman, mukhang matalino naman ito at hindi engot. He owned a freaking company, for God’s sake! Ano ba ang dapat nitong ikahiya? Wala naman, ah.
Huminga siya nang malalim saka umupo sa bakanteng upuan na nandoon. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang nakita niyang emosyon sa mukha ni Nykyrel. He was embarrassed of something a while back. Pero ano iyon? Ang hirap maging manghuhula. Ang hirap maging Madam Auring.
Bumuga ng marahas na hangin si Lechel saka nagluto ng agahan. Nilinis muna niya ang itlog na nasa sahig bago nagluto ng dalawang sunny-side up, bacon, bread and two cups of black coffee. Matapos ihanda ang niluto sa mesa, nag-text siya sa lalaki.
Handa na ang agahan. Halika na rito, kung hindi uubusin ko ang niluto ko.
Ilang minuto lang ang binilang ni Lechel, bumalik na si Nykyrel sa kusina. Walang emosyon ang mukha nito nang umupo sa kaharap niyang upuan.
Huminga siya nang malalim. This was going to be a long day.