M ALAPIT nang dumilim nang makarating sina Agatha at Reeve sa condo na tinutuluyan nila. Pagkarating kasi nila kaninang hapon ay dumaan sila sa mga magulang niya. Nandoon din ang ama ni Reeve at doon sila nag-merienda. Naging mahaba ang kumustahan at kuwentuhan bago ibinigay ng mga magulang nila ang susi sa bagong bahay nila ni Reeve.
At the condo, they ate an early dinner then visited their new house before they moved in tomorrow. Naisip nilang maglipat agad bago matapos ang honeymoon nila at hindi pa sila abala pareho. Tutal, malapit lang ang village kung saan naroon ang bagong bahay na joint gift ng kanilang mga magulang.
“Wow!” namamanghang sabi ni Agatha. “Is this our new house?”
“I believe it is,” sagot ni Reeve habang ipina-park ang kotse sa harap ng gate ng bagong bahay.
Simple pero elegante ang dating ng two-story yellow house. It was definitely not a mansion. Eksakto lang ang laki ng bahay para sa bagong kasal. Madali lang i-maintain. Hindi na nila kailangan ng kasambahay.
Sabay sila ni Reeve na bumaba ng kotse at pumasok sa white fence gate. Hanggang baywang lang ang taas ng gate. Kaya siguro ganoon ay dahil nasa isang exclusive village with high security ang bahay. Napansin agad nila ang garahe na para sa dalawang sasakyan sa kanang bahagi ng bahay. Ang harap ng bahay ay green grass garden at sementadong patio. Meron pang dalawang rattan swing chairs doon. Sa pagitan niyon ay may maliit na bilog na rattan table.
“Nasa labas pa lang tayo pero ang homey na ng feeling,” komento ni Agatha. She believed that she would love living in their new home. Mas na-excite tuloy siya sa paglilipat nila bukas.
Binuksan ni Reeve ang main door ng bahay. Binuksan nito ang switch ng ilaw at pumasok sa loob. Ang living room ay fully furnished na. There was a complete sala set and there were white curtains hanging already. May maliit na chandelier pa sa kisame. Sa right side corner ay may mga naka-display at nakasabit na picture frames pero wala pang laman ang mga iyon. Pero may isang kalakihang picture frame na nakasabit na may picture niya.
Namilog ang mga mata ni Agatha. “Oh! Bakit napunta `yan diyan?” bulalas niya. Eleven years old lang siya sa picture. Naka-school uniform siya at nakaupo sa damuhan. Napakalapad ng ngiti niya habang nakatingin sa kawalan.
Isa iyong stolen shot. Ang pinsan niyang si Kuya Reynald ang kumuha ng picture. Nang ipakita iyon ng pinsan sa mommy niya ay agad iyong nagustuhan ng mommy niya kaya pinalakihan at ipina-frame. Her mom thought that the stolen shot was really adorable. Her mother said it showed the real her. Para naman sa kanya, it looked weird. Para lang siyang baliw na ngumingiting mag-isa.
“It’s nice,” komento ni Reeve. “Lovely and innocent.”
Nilinga niya ang asawa. “No, it’s not. It’s creepy. Tanggalin natin.”
“No. Ayos na `yan diyan. I like how the photo showed purity and beauty in one.”
Napangiti siya sa sinabi ni Reeve. “Really? Bakit para sa `kin ang creepy? It’s a stolen shot, you know. Napag-trip-an ako ni Kuya Reynald nang mga panahong `yon. I’m smiling all by myself. `Di ba ang weird?”
Umiling si Reeve. His eyes were fixed on the photo. “Ano ba’ng iniisip mo nang mga panahong `yan?”
Ikaw.
Napangiti uli si Agatha. Kinuhanan iyon ilang linggo makalipas siyang aksidenteng matamaan ni Reeve ng soccer ball. “My grade school crush,” simpleng sagot niya. “Halika, tingnan na natin ang dining area at kitchen.” Nauna na siyang maglakad papunta sa dining area na may six-seater rectangular table na gawa sa mahogany. Kanugnog lang iyon ng living area.
Simple lang din ang dining area. May maliit uli na chandelier na nakasabit sa kisame. May bar counter na naghahati sa dining area at kichen. Maayos at malinis ang medyo malaking kitchen. May refrigerator at gas range. Iyon pa lang ang laman ng kitchen.
“Mukhang kailangan nating mamili ng mga gamit sa kusina,” sabi niya habang isa-isang binubuksan ang mga wall and floor cabinets.
“Maybe we could open some wedding gifts tomorrow. Malay natin may mga nagregalo ng mga gamit para dito sa bahay. Knowing my girl cousins, iyon ang ireregalo ng mga `yon,” sabi ni Reeve habang inililibot ang tingin sa kitchen.
Nakilala na ni Agatha ang apat na pinsan ni Reeve na pulos babae. Kung siya ang tanging babae sa magpipinsang Anderson, si Reeve naman ang tanging lalaki sa magpipinsang Monteverde.
Binuksan niya ang isang pinto sa right side ng kitchen at nalamang banyo pala iyon. Binuksan din niya ang isang pinto malapit sa ref. It was the back door. Sa labas niyon ay laundry area. May sampayan doon at washing machine. Hindi na siya mamomroblema sa sensitivity ng balat niya sa detergent powder dahil iyong washing machine ay automatic na ring nagbabanlaw at nagpipiga. Pagsasampay na lang ang gagawin niya kung sakali.
“There’s another door in the dining area. Sa tabi ng hagdanan,” imporma ni Reeve.
Isinara ni Agatha ang back door at lumapit sa pintong sinabi ng asawa. Sumunod si Reeve sa kanya at ito na ang nagbukas ng pinto. They turned on the lights and saw that it was a mini-library. May mahogany desk at swivel chair pa sa kaliwang bahagi ng library. Office ang parteng iyon, para kay Reeve. Sa kabilang bahagi naman ay may study table para sa kanya.
“Puwede kayang ipalipat din ang piano ko dito?” sabi niya nang makitang may sapat na space sa bandang gilid ng study area para sa isang piano.
“Puwede,” sagot ni Reeve. “I’ll call some people to arrange that, sweetheart.”
Sunod nilang nilibot ang second floor. May tatlong malalaking pinto. Una nilang binuksan ang pinto sa kaliwang dulo. It was a guest room. Kompleto rin iyon sa gamit. Wala nga lang bedsheet ang higaan at kurtina ang bintana.
They went to the second room which was the door in the middle. Pagbukas nila sa pinto at ilaw ay napasinghap si Agatha. Nagkatinginan pa sila ni Reeve na halatang nagulat din sa nakita.
“Hindi naman excited masyado sina Mommy?” natatawang sabi niya.
The second room was a nursery! Mapapansin agad ang napakaraming laruan sa loob. Dolls and robots. Toy cars and stuffed toys. Meron pang maliit na kama at crib.
Pumasok si Agatha sa kuwarto at dinampot ang isang asul na teddy bear. Naisip niya, hindi pa nila napapag-usapan ni Reeve ang pagkakaroon ng baby. Pero kasal na sila kaya dapat open na siya sa posibilidad na mabuntis.
“I think it’s too early to set this up,” sabi ni Reeve.
“Yeah,” she agreed. She liked kids pero parang hindi pa siya handang magkaanak. “Masyado lang talaga silang excited,” tukoy niya sa mga magulang nila. Umupo siya sa maliit na kama at niyakap ang hawak na teddy bear.
Reeve looked at her. “You’re not ready yet, are you?”
Tumango siya. “Having and raising a child is a very difficult task. Dapat focus ang parents—”
“I’m not ready, too,” pag-amin din ni Reeve. “My job demands a lot of my time. Bagong kasal pa tayo.”
Ngumiti si Agatha at tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ng asawa. “So, let’s check the last door?”
Reeve nodded.
Tumayo si Agatha at ibinalik ang teddy bear kung saan niya kinuha.
“Ano pala ang gagawin natin sa room na `to?” tanong niya.
“Let’s just leave it like this. Baka magtampo pa sina Papa kapag itinabi natin ang mga gamit.”
They walked to the last door which was obviously, the master’s bedroom. Pagpasok nila ay kompleto na rin ang mga gamit sa loob. There was a king size bed, dresser, flat screen TV hanging on the wall, aircon, mini-chandelier hanging from the the ceiling, a walk-in closet, a bathroom just beside the dresser at the left corner of the room, and windows with white curtains.
Sa itaas ng headboard ng higaan nila ay nakasabit sa dingding ang napakalaking framed wedding picture nila ni Reeve. It was, again, a stolen shot. Unang sayaw nila iyon bilang mag-asawa. She was smiling while looking up at her new husband; Reeve was also smiling while looking down at her. Silang dalawa lang ang nasa dance floor, nakayakap sa isa’t isa.
“They really like framing stolen shots, huh?” komento ni Reeve.
“Mom and Dad told me that stolen shots are the purest and most truthful moments that can be captured. Iyon daw ang worth framing and posting because emotions are genuine and evident,” nakangiting sabi ni Agatha. Bumaling siya kay Reeve na nakatingin pa rin sa picture. “This house is so nice and homey. Excited na `kong lumipat!”
Napatitig sa kanya si Reeve.
Nginitian niya ito.
Imbes na ngumiti ay nag-iwas ito ng tingin. “You want to spend the night here?” tanong nito.
“Wala tayong dalang pantulog.”
“Sino’ng maysabi na kailangan natin ng damit?” nakangisi nang sabi nito. “At sino’ng maysabing matutulog tayo?”
Nag-init ang magkabilang pisngi ni Agatha. Bago pa siya makasagot ay nasakop na ng asawa ang kanyang mga labi. “Reeve…” ungol niya nang maramdaman ang kamay nito sa dibdib niya.
“Aangkinin kita, Agatha. Gusto kong ngayon na. Dito…” he sexily whispered in-between kisses.
May masarap na kilabot na tumulay sa buong katawan ni Agatha. Sumunod ay naramdaman na lang niya ang paglapat ng kanyang likod sa malambot na kama.
“AGATHA!”
Napalingon si Agatha at nakangiting sinalubong ng yakap si Trisha. Simula na ng first day ng first semester nang araw na iyon.
“Trisha! I’ve missed you!” sabi niya habang yakap ang kaibigan. Isang buwan din silang hindi nagkita pagkatapos ng kanyang kasal. Ngayong first day na ng pasukan na lang sila muling nagkita.
“Oh, my! Mas na-miss kaya kita. Hindi pa tayo sabay na nag-enroll last week. `Pag pinagsama, four weeks tayong hindi nagkita. That’s one month!”
Natawa si Agatha. Sa totoo lang, lagi nga talaga silang magkasama ni Trisha kaya napaka-clingy nila sa isa’t isa.
“So… how was your first?” Trisha asked in an excited tone and twinkling eyes. Naglalakad sila papunta sa unang klase nila.
“First?”
Pinaikot ni Trisha ang mga mata. “First night with your Reeve? Duh!”
Nag-init agad ang mga pisngi ni Agatha. “Ano ba, Trish? Nasa loob tayo ng campus. Mamayang uwian ko na lang ikukuwento sa `yo, okay? Sama ka sa bagong bahay namin.”
“Of course!” impit na tili nito. “Ikukuwento mo lahat, ha?”
“I will. But not the lovemaking parts, okay?”
Nag-make-face ito. “Okay. I respect your sexual privacy.”
“Ewan ko sa `yo.” Kinurot niya sa tagiliran ang kaibigan.
“Ouch! What was that for?!”
“Sa wedding gift mo! Argh! Nakakahiya kay Reeve.”
Trisha laughed. “Bakit? Hindi n’yo pa ba nata-try? Mahal kaya ang mga `yon. Good for couples like you.”
“Mahal pala, bakit binili mo pa?”
“Ayokong magkuripot sa wedding ng best friend ko, `no.”
Nakarating na sila sa classroom para sa unang subject nila.
“Seriously, hindi n’yo pa nagagamit?” pangungulit pa ni Trisha habang umuupo sila sa puwestong nahanap nila.
“No. And we will never use those,” Agatha emphasized. “Ibabalik ko na lang sa `yo ang mga `yon, naughty girl.”
Umiling si Trisha habang tumatawa. “Anyway, hindi ko alam kung bakit kumuha tayo ng math subject para sa kulang nating GE subject. Gusto mo bang bumagsak ako?”
Natawa si Agatha. Kung ano kasi ang napipili niyang kuning subject ay kinukuha rin ni Trisha basta GE or General Education. “Ano ka ba, Trish? Basic Math lang ang kinuha natin. Saka requirement `yan bago tayo maka-graduate since `yong math sa dati nating course ay hindi na-credit.”
“I hate math!”
“Remember, music majors tayo? Na-form lang din ang music because of math. Numbers and patterns were used to create sounds.”
“Yeah, right,” sabi ni Trisha pero parang labag sa loob na tanggapin ang katotohanang kailangan talaga nila ng math.
“Math din itong subject na pinapasukan natin ngayon.”
“I’m fully aware of that, thank you.”
Napansin nilang nagpasukan na rin ang iba pang mga estudyante sa classroom. Obviously, galing sa iba’t ibang course at year ang mga classmate nila.
“Nandiyan na ang prof,” sabi ng isang babae sa harap nila.
“Grabe, ang bata pa ng prof! Nasa thirties lang yata. Ang pogi!”
“Totoo?”
Hindi nila pinansin ni Trisha ang mga narinig at naghanda na sa pagdating ng kanilang Math professor.
Mayamaya pa ay may pumasok na lalaki at pumunta sa harap. Pamilyar ito kay Agatha. Guwapo nga ang lalaki at halatang bata pa kaysa sa ibang propesor. Dahil nasa third row sila ni Trisha, lumapit si Agatha para makumpirma kung sino ang lalaki.
“Good morning, people!” masiglang bati ng professor. “I will be your math professor for this semester.”
Nanlaki ang mga mata ni Agatha nang mamukhaan ang lalaki. “Johann?”