lookupnovel logo lookupnovel
Araw Gabi (El Paraiso)

Chapter 14

Ch. 15 / 30 May 31, 2025

“G USTO kitang imbitahang magkape,” ani Adrian nang ihinto ang sasakyan sa tapat ng bahay nito, “pero gabi na. Sa ibang pagkakataon.”

“You’re right and I just feel like hitting my pillow.” She gave him a wan smile. Lumabas ito at binuksan ang pinto sa likuran at binuhat ang natutulog na anak. Ang yaya ay lumabas na rin.

“Hindi ako magtatagal,” anito. “Ipapanhik ko lang muna si Catherine.”

Tumango si Michelle at sinundan ng tanaw ang paglalakad ng mga ito sa dilim na lalo pang pinadilim ng naglalakihang mga puno sa paligid. Ang tanging liwanag ay nanggagaling sa malamlam na ilaw mula sa wraparound veranda. Ang yaya ay nauna na at nakita niyang pumanhik sa isang mataas na hagdan kasunod si Adrian.

May nagsindi ng ilaw sa kabahayan at mula sa liwanag niyon ay napuna niyang naka-canopy sa veranda ang malalaking sanga ng mga puno. Kahit marahil sa katanghaliang-tapat ay malilim at malamig sa lugar na iyon. Pagkuwa’y napuna niyang ang floor level ay hindi niya matanaw ang kabuuan. Tila nawala ang kalahati niyon bukod sa ipinagtataka niyang sa itaas agad pumanhik sina Adrian at ang yaya.

Napasilip siya sa bintana ng pickup at sinipat sa dilim ang buong istruktura ng bahay. Natanto niyang nakatayo ang bahay sa gilid ng isang bundok!

Ang first floor level ay idinisenyo na paayon sa bundok! The second floor which happened to be the house’s main entrace was made mostly of wood. Lalo na ang veranda. Subalit ang ibaba, kung saan may nagliwanag na ilaw ay yari sa adobe at sa tantiya niya ay ng malalaking ashlar stones.

Mula sa kinalalagyan niya ay natitiyak niyang dagat ang ibayo pa roon. Nalalanghap niya ang simoy ng maalat-alat na hangin. She could even see the pale shadow of the sea below.

Michelle gasped her appreciation of the place which she decided was truly a paradise. She wondered how the house and the place would look in the light of day. Kung sino man ang nagdisenyo ng bahay sa gilid ng bundok ay isang henyo.

Ilang sandali pa’y nakita na niya ang pagsungaw ni Adrian sa veranda at ang muling pagbaba nito.

“Nainip ka ba?” tanong nito nang makapasok na sa loob ng pickup.

“Wala ka pang limang minuto.” Nilinga niya ang mga bintana. “If you don’t mind, mas gusto kong buksan ang mga bintana. Malamig at masarap ang simoy ng hangin dito.”

Adrian pushed a button and the windows on both sides rolled down. Ang bango ng iba’t ibang bulaklak na hindi niya kayang tukuyin ay dinala ng mabining hangin sa ilong niya kasali na ang amoy ng bagong putol na mga damo. She filled her lungs with fresh air.

Ang malamlam na liwanag ng ilaw sa mga poste sa daan ay hindi sapat upang magliwanag ang buong paligid. Pero hindi pa ganoon kadilim nang magdaan sila roon kanina at nahantad sa mga mata niya ang tanawing dinaanan nila.

Kahit paano ay may bahagi sa dibdib ni Michelle ang nanghihinayang na hindi niya nagugol ang kabataan sa lugar na iyon. Virgilio seemed to be a loving man. What would have it been if she grew up with her biological mother? Katulad din ba si Virgilio ni Amador? Would he indulge her because of Harriet? Magiging excess baggage lang din ba siya?

No. She didn’t think so. Magkalayong-magkalayo ang ugali nina Virgilio at Amador sa isa’t isa. Nagkaisip na siyang malamig ang pakikitungo ni Amador sa kanya. Samantalang si Virgilio, sa una pa lang ay mainit na agad ang pagtanggap sa kanya.

Buong buhay niya ay lumaki siya sa resentment ni Digna Verano at sa kalamigan ni Amador. Alam niyang mahal siya ni Emma at naniniwalang mahalaga siya rito subalit hindi ito mapaghayag ng damdamin. Emma’s physical expression of love was limited to kissing her goodnight.

Napakalalim ng hiningang pinakawalan ni Michelle para lang pagluwagin ang dibdib. Walang silbing alalahanin pa ang lahat ng nakalipas. She had to move on.

It was time to leave this place and go to Donsol. Sisikapin niyang malaman ang tungkol sa pagkatao ng tunay niyang ama. A few hundreds wouldn’t harm her tight-budget.

“I’m sorry...” Adrian said gently, pinukaw ang pag-iisip niya.

Nilinga niya ito. “Saan?”

“Sa nangyari sa mga magulang mo.”

Tumango siya. “Me, too.”

“Kung tama ang math ko, kalilibing lang ng mga magulang mo nang palabas kayo sa motel ng lover mo?” Muli ay ang pagbabalik ng animosity sa tinig nito. “Despite the grief, both of you can’t forgo lust, can you?”

Sa bibig niya pinaraan ang pagbuga ng malakas na hininga. “Magkakasakit ka, Adrian, kapag lilipas ang isang minuto na hindi mo ako natutuya o nasisinghalan.” Her sigh was tired and weary. She just wasn’t in the mood to have a word war with him. Punong-puno ng emosyon ang damdamin niya sa pagkikita nilang iyon ni Virgilio. She was so affected with his sadness.

“I don’t know why you dislike me so much. Mula pa nang unang araw tayong magkita. Pero wala akong balak alamin. Aalis na ako bukas kaya umaasa akong hindi na tayo magkikita.”

Hindi ito kumibo at patuloy sa tahimik na pagmamaneho. She settled herself comfortably and was about to lean her head on the headrest when he spoke.

“I apologize.”

Umangat ang mga kilay niya. “Oh. Really?”

“I mean it.” He heaved a sigh. “Kahit ako’y hindi ko maintindihan ang sarili ko. Sa tuwing maiisip kong galing kayo sa motel ng boyfriend mo ay nag-iinit ang ulo ko.”

She opened her mouth to say something then closed it again. Then she smiled. Inihilig sa headrest ang ulo.

“Why is it so?” tanong niya sa magaan na tono makalipas ang isang buong minuto. “Are you one of those puritanicals? Those self-righteous hypocrites?” she asked mockingly.

“Don’t get me wrong, Michelle. I had my shares of women since fourteen. And I don’t sit in judgment with people. My own daughter was born out of wedlock. And I love her so much.”

“Then why?”

“Damn if I know.”

She wanted to push for a deeper explanation but she decided it didn’t matter anyway. Sa halip ay iba ang inilabas ng bibig niya at ikinagulat pa niya ang sinabi, “I am not pregnant. Hindi iyon ang dahilan ng pagkahilo ko.”

Hindi ito lumingon at hindi rin kumibo. The expression on his face didn’t change. She wondered if he heard her. Nagpatuloy ito sa pagmamaneho. Ang katahimikan sa pagitan nila ay lumawig hanggang sa makarating sila sa cottage. This time, she allowed him to open her door.

Inihatid siya nito hanggang sa loob ng balkon at sa ibaba ng tatlong baitang na hagdan. Inilabas niya ang susi mula sa bulsa ng capri pants niya.

“`Night, Adrian.”

To her astonishment, his hand snaked out to her waist and pulled her close against him. And before she could even take a breath, he angled his head and his lips closed over hers.

A TINY gasp, half shock and half pleasure escaped Michelle’s throat. Si Adrian man ay namangha rin sa ginawa. At isiping mula sa simula’y wala na siyang magandang kaisipan para sa babaeng ito. But neither of them stayed surprised very long. Somehow, they both had wanted this since their first meeting.

Michelle went up on tiptoe and pressed into him, kissing him back. At sa isang sandali ang halik ay nagsiklab at tila apoy na kumalat. Tumutupok sa kanila. Slowly, iniisod niya ito patungo sa dingding ng cottage at isinandal doon.

She tasted hot, exotic. And she made that little throaty sound that told him she was deep into the kiss. He told himself to back off. But his mind wouldn’t cooperate with his body. He groaned and went in deeper, trying all he could to get all of her sweet female heat.

Ang isang kamay niya ay pumailalim sa tank top nito. Naramdaman niya ang sandaling pag-atubili ni Michelle. Then she shuddered with pleasure as his thumb teased her nipples through her bra. He pushed his erection against her stomach and she twisted her hips against him.

Heat exploded through him. Sa isang bahagi ng isip niya ay natanto niyang kailangan nilang huminga at pakawalan ito. Or else he would strip off her jeans and take her right where they were. Napakadali para sa kanyang itaas ang mga binti nito patungo sa baywang niya at pagmasdan ang mukha nito habang...

Marahang tawanan sa di-kalayuan ang nagpangyari upang mabilis na pakawalan ni Michelle ang sarili mula sa mga bisig niya. She looked around her guiltily. Nang makitang walang tao at madilim ang paligid ay nakahinga ito nang maluwag at isinandal ang ulo sa dingding at tumingala sa kanya.

She opened her mouth to say something. Subalit inilagay niya ang forefinger sa mga labi nito. They were still wet from his kisses. They looked bruised too. Itinukod niya ang isang braso sa dingding at niyuko ito, his fingers raised her chin.

“Ang intensiyon ko lang ay para lang humingi ng paumanhin sa maraming maling akala ko...” he whispered huskily, his lips a breath away from hers and he fought the urge to kiss her back.

“Hinahagkan mo ba ang babae kapag humihingi ka ng paumanhin?” Her voice husky, as if she hadn’t used it for months.

“Ngayon lang.”

She cleared her throat and said casually. “Yeah, okay. I’m flattered.”

“You were aroused. Still are.”

She raised a brow. “Magpapaligsahan ba tayo kung sino ang mas higit na na-turn on?”

Adrian grinned and strong white teeth glowed in the semidarkened cottage. Then he kissed her briefly on her lips. Pagkatapos ay itinuwid niya ang katawan at umatras palayo rito bago pa niya gawin ang talagang gustong gawin.

“I am sorry for being such a lout. Nang makita kitang umiiyak sa dilim sa tabi ng kalsada ay naisip kong isa ka roon sa mga babaeng kapag may nangyayaring aberya ay hindi nag-iisip ng paraan at basta na lang iiyak...”

“And then you recognized me. Ang babaeng kalalabas lang sa motel kasama ng boyfriend niya. At nahihilo dahil inakala mong naglilihi.” She twitched a corner of her mouth in a wry smile. “That cemented your opinion of me. I am the kind whose perfect place is in the bedroom.”

Matagal na sandaling tinitigan niya ito. Hindi pa rin namamatay ang apoy ng pagnanasa sa katawan niya. “Opinions can be changed, Michelle,” he said after a while. “But I still believe your place is in bed. My bed.”

She gasped. At bago pa nito matugunan ang sinabi niya ay agad niyang sinundan, “I’ll see you tomorrow at ten.”

She frowned at him. “Why?”

“Nangako ako kay Catie na dadalhin ko siya rito, remember? She likes you. Na bibihirang mangyari, lalo at hindi naman kayo magkakilalang gaano.”

Habang pauwi sila kanina ay wala nang ginawa ang anak kundi ang magkuwento at kumapit sa leeg ni Michelle. He had never seen his daughter so animated and happy since Harriet’s disappearance. Nakita marahil nito sa katauhan ni Michelle si Harriet.

“I like her, too,” she said honestly. “Anyway, you bring the food. I don’t cook. Besides, walang paglulutuan.”

“Don’t worry about that.” Tinitigan niya ito nang may biglang pumasok sa isip niya. Nag-iisip siyang angkinin ito ngayon lang at natitiyak niyang hindi ito tatanggi kung ang paraan ng pagtugon nito ang pagbabasehan!

The passion that flared between them was nuclear. Pero anong klaseng babae ang makikipaghalikan sa kanya nang ganoon gayong may kasintahan na? Catherine’s mother’s sexual behaviour flashed his mind and suddenly his jaw tightened.

“Bakit hindi mo kasama ang boyfriend mo sa pagtungo rito sa El Paraiso?” he asked coldly.

She almost rolled her eyes. “Oh, dear. And I thought the evening would end up enchantingly.” She was sarcastic. Naupo ito sa huling baitang ng hagdan. “Wala akong pakialam, Adrian Olivar, kung ano man ang iniisip mo sa akin.” She sighed. “Nakakapagod iyong lagi na lang tayong nag-iiringang dalawa. I’ll see Catherine tomorrow and then I’m off!”

“To join your lover? Bakit, tumawag ba siya sa iyo?”

“You know what? Other times, iisipin kong nagseselos ka.”

“Siguro nga,” marahas niyang sabi. “Kung ako ang boyfriend mo at nalaman kong nakikipaghalikan ka sa ibang lalaki, to the point of almost making it, I’ll kill you.”

She gaped at him as if at a loss for words. Then she cleared her throat. “Well... ah, okay. If... if it makes you feel better, you didn’t seduce an affianced woman. Two days after that near-accident in Pasig, Dexter dumped me.”

Nabigla siya roon. “Why?”

Iniwas ni Michelle ang mga mata, subalit nahagip na niya ng tingin ang biglang paglamlam ng mga iyon. “I am easy. He got what he wanted from me. So, ano pa ba ang dahilan para magpatuloy ang relasyon?”

Tumigas ang mukha ni Adrian, nag-igting ang mga bagang. Anong klaseng lalaki ang makikipag-break sa panahong kamamatay lang ng mga magulang ng girlfriend?

“Naghiwalay kayo sa mismong panahong namimighati ka sa pagkamatay ng mga magulang mo?”

She refused to meet his eyes. Nagkibit ito ng mga balikat na para bang bale-wala ang lahat. “He must have thought it was the best time to give me the boot. Para isang iyakan na nga lang naman.”

He muttered a series of oaths that made Michelle wince. “How could you have taken it so lightly?”

“I am a realistic person, Adrian,” she said with a deep sigh. “Walang mangyayari kung patuloy kong panghihinayangan ang bagay na hindi ko na maibabalik pa. Oh, yes, I cried and spent sleepless night over him. Ang nangyayari sa buhay ko ang nasa isip ko nang makita mo akong umiiyak sa tabing-daan. Umaasa akong magpapakasal kami. We were actually planning our wedding.”

“You really fell for that bastard?”

Her smile was self-mocking. “He’s handsome, he’s rich, and you’ve seen his car, haven’t you? Plus he would be a lawyer soon. Ano ang maaaring hanapin ng isang babae?”

“Fuck!”

“Oh, right,” she muttered drily.

Isang matalim na tingin ang ipinukol niya rito. “So, you admitted being an easy lay?”

“We almost had sex right where we are, hadn’t we?” she taunted, smiling without humour.

Adrian muttered under his breath. Pagkuwa’y tumalikod na siya. Nasa labas na siya ng balkon nang huminto at lingunin ito.

“We’ll be here around ten.”