lookupnovel logo lookupnovel
Araw Gabi (El Paraiso)

Chapter 15

Ch. 16 / 30 May 31, 2025

N AGPUPUYOS pa rin ang loob ni Adrian habang nagmamaneho pauwi. Kung kanino ay hindi niya alam. Kung kay Michelle, o sa ex-boyfriend nito, o sa sarili. Inaamin niyang totoong malakas ang atraksiyon ni Michelle sa kanya. Idagdag pang sa dadalawang pagkikita’y nahuhulog ang loob ni Catherine dito.

What a strange woman she was. She was cheeky one moment and all-serious as could be the next. She was polite and well-mannered. She didn’t cuss, and as the song went—three times a lady. And yet she admitted being an easy lay.

She might not be as stunning as Norien and Beverly but she was every man’s wet dream in the sack. He was surprised with himself that Michelle had the capacity to turn him on in a way that no woman ever did.

Her sensuality was toned down and he’d bet his last coin that she didn’t even know it. But he could feel the passion beneath the calm exterior. She was a nuclear. Sinong babae ang umaamin na ganoon sila kadaling hilahin sa kama? Ilang lalaki na ba ang napaugnay dito kung ganoon ito kadaling lokohin?

Aren’t you the hypocrite she was referring you about? Since you are the “take `em and leave `em type”?

That was another matter, pangangatwiran ni Adrian sa sarili. Wala siyang dinayang babae. Alam ng mga ito ang score simula pa lang. He never made any promises. Hindi siya nagbibitiw ng matatamis na salita para lang akitin ang isang babae. Kapag pinatulan siya ng babae ay alam nito ang katutunguhan ng relasyon nila.

Tulad ni Beverly. Ang huling babaeng napaugnay sa kanya at ang pinakamatagal—tatlong taon. Nakilala niya ito nang maisip niyang kumuha ng Architecture two years ago. She was a woman of the world. She knew the score. And he didn’t care if she had another man on the side. Na lantaran naman nitong sinasabi sa kanya upang marahil ay pagselosin siya.

They were good together and he used protection. Oh, well, most of the time. At iyong panahong nakaligtaan niyang gumamit ng proteksiyon ay ang dahilan ng paglitaw ni Catherine sa mundong ibabaw. Adrian hadn’t regretted that. He loved her daughter to distraction. Pinangakuan niya si Beverly ng malaking halaga upang ituloy nito ang pagdadalang-tao. Pumayag ito.

At marahil, ipinagtaka nito kung saan niya kinukuha ang ganoon kalaking halaga, lalo na at nang manganganak na ito ay sa isang mamahaling ospital niya ipinasok.

Isang araw ay dumating ito sa El Paraiso kasama ang barkada. Nagtanong-tanong si Beverly at natuklasan nitong pag-aari niya ang bagong hotel at ang commercial building sa Pasig, gayundin ang asyendang dalawang doble ang lawak sa pag-aari ng mga de Alegre.

So she started using Catherine against him. Minsan ay dumarating siya sa Maynila na wala ang bata at si Beverly. Hindi na niya gustong maulit iyon kaya binigyan niya ito ng ultimatum. Kukunin niya ang bata at ibibigay ng korte ang karapatan sa kanya dahil mas may kakayahan siyang buhayin ang bata.

Bev had changed tactics. Simula noon ay walang buwang hindi ito nagtungo sa hotel o sa cottage at nananatili nang matagal bago muling babalik sa Maynila. That would have been to his favor because of Catherine. But she had started to become a nuisance. She had started telling people about them. Na magkasintahan sila at magpapakasal.

“Tigilan mo ang kalokohang ito, Bev,” he had told her. “You are making a fool of yourself.”

“Oh, but I love you, Adrian. Alam mo iyan. Matagal na rin naman tayong magkasintahan at kilala na natin ang isa’t isa. Ano pa ba ang hadlang para magpakasal tayo? Para din naman iyon kay Catherine. Gusto mo bang tawagin siyang anak sa pagkakasala?”

He sighed in pure boredom. “It won’t do, Bev. You know the score. Hindi ako naniniwala sa kasal.”

Mula sa likuran ay niyakap siya nito. Her thirty-eight, cup B breasts brushed his back and her hands went around him and cupped his sex. Bahagya lang na tumugon ang katawan ni Adrian. He even wondered if there was something wrong with him. Sa mga huling pagtatalik nila ay kailangan munang ilabas ni Bev ang kakayahan bago tuluyang tumugon ang katawan niya. But she was patient. Too patient. At mapamaraan.

Pero hindi sa pagkakataong iyon. Pinakawalan niya ang sarili mula rito at hinarap ito. “There’s no gentler way of telling you this, Beverly. Pero tinatapos ko na ang lahat sa ating dalawa.”

Nanlaki ang mga matang napasinghap ito. “Hindi totoo ang sinasabi mo, Adrian!”

He sighed patiently. “I mean it, Bev. End of the road. Maganda ka.” Hinagod niya ang kabuuan nito. She had a figure of a goddess and yet he wasn’t attracted anymore. He hadn’t been for quite sometime. He could have married her if only for Catherine, but she had a moral of an alley cat.

“Hindi ako kawalan, honey. Maraming mag-aagawan sa iyo sa sandaling maghiwalay tayo.”

“But I don’t want them, Adrian! Ikaw ang gusto ko!”

Yeah. And my money, he thought cynically.

“I am sorry. I didn’t mean to hurt you. We were good together but—”

“Hindi mapapasaiyo si Catherine!” she cried.

He sighed patiently. “Kung kinakailangang dalhin ko sa korte ang bagay na ito ay gagawin ko. Pero hindi mo gugustuhin. Matatalo ka at wala ka pang pera. So take my offer of money. Two million and get out of our lives. Pirmahan mo ang inihanda ng abogado ko. Oh, you can have visitation rights. Ikaw pa rin naman ang ina ni Catherine.”

“Nang dahil sa Norien na iyon kaya ka nakikipaghiwalay, ano?” singhal nito na tumalim ang mga mata.

Nagdikit ang mga kilay niya. “What has Norien got to do with us?”

“Kinausap ako ng nanay niya!” singhal nito. “Sinabi ng matandang iyon na nakatakda kayong pakasal ng anak niya at na hindi ka papatol sa isang mababang uring katulad ko. Fuck that old woman!”

He had no idea about that. But if Odette and Norien could help him get rid of Bev, then a little white lie wouldn’t harm.

“Oh, well...” he started. Pero bago niya masabi ang ano mang sasabihin ay dinampot nito ang ashtray sa side table at ibinato sa kanya. Bahagya na siyang nakaiwas at tumama iyon sa pinto.

“I hate you, Adrian! Let your lawyer see me. But don’t ever, ever come to my apartment again!”

Bumalik sa cottage si Bev at nanatili roon para sa gagawing negosasyon ng abogado. Nang sumunod na umaga ay wala ito sa cottage bagaman nasa harap ang kotse nito. She hadn’t come back that night. Kinaumagahan pa uli, natagpuan ang bangkay nito sa baybaying malapit sa boundary ng Donsol.

Ayon sa mga nakakita ay nagtungo si Beverly sa may dako sa batuhan. Nagbigay ng babala ang lifeguard subalit hindi ito nagbigay-pansin.

Adrian blamed himself for Bev’s death. Since then, he had lost interest in women as bed partner. Hindi dahil walang babaeng nagsikap na muli siyang masilo. He’d met all shapes, sizes, and colors of women in El Paraiso since this was a tourist town. He just hadn’t given enough damn to make the effort.

Until Michelle Verano.

Nasa isip pa rin niya si Michelle nang iliko ang sasakyan patungo sa bahay niya. Nagsalubong ang mga kilay niya nang may masilawan ang headlights niya sa harap.

Virgilio’s Land Cruiser.

PAGBUNGAD ni Adrian sa itaas ng veranda ay naroon si Virgilio at nakahilig sa chaise lounge sa dilim, sa kamay ay may hawak na kopita ng alak.

“Hey,” bati niya, nilingon ang pintong bahagyang nakabukas. “What are you doing here in the dark?”

“I prefer to wait for you here,” wika nito pero hindi nag-angat ng katawan mula sa pagkakahilig at inilapag sa ibabaw ng barandilya ang kopita ng alak na may kaunti pang laman.

Sumandal si Adrian sa wooden railings. “May problema ba?”

“What made you think so?”

“It’s almost twelve midnight, Vir,” aniya. “Magkasama lang tayo kanina pero narito ka ngayon.”

“How’s Michelle?”

He frowned. Hindi niya mabasa ang ekspresyon nito sa dilim pero nararamdaman niya ang tensiyon mula rito. Bigla ba itong nagkaroon ng damdamin kay Michelle dahil sa pagiging kahawig nito kay Harriet? Naobserbahan niya ang masuyong paghawak-hawak nito kanina kay Michelle. He hated to admit it to himself but he was jealous as hell. At forty-seven, Virgilio was a good-looking man.

“Ako pa ang nagbukas ng pinto ng cottage. She must be fast asleep at this moment.”

“I noticed how you two glared at each other like fighting cocks.”

“How observant,” he said drily.

“Alam mo ba na noong mga binatilyo at dalagita pa lang kami ni Harriet ay wala na kaming ginawa kundi magsinghalan at magbangayan sa isa’t isa?”

Adrian raised his hands in a mixture of annoyance and amusement. “Uh... uh. You didn’t drive here just to tell me that. It’s almost midnight, Vir.”

Inabot nito ang kopita ng alak sa pasimano at nilagok iyong lahat. Pagkuwa’y, “Didn’t you notice she loves macapuno sweets?”

“And so was Harriet. Iyon ang gusto mong tukuyin, hindi ba?” he said drily.

“Yes. At ang sabi mo’y mahusay siyang magpinta. Nakita mo ba ang gawa niya?”

“So, okay, she looks like Harriet,” he said in exasperation. “She loves macapuno sweets and she paints. And yes, I saw her painting. I saw her irritation when she couldn’t add the right color to the blazing afternoon sun. So what? Hindi mo gustong sabihin sa aking naaakit ka sa kanya dahil sa maraming halos pagkakapareho nila ni Harriet?”

Hindi na niya maitago ang inis sa tinig. For goodness’ sake, para na silang magkapatid ni Virgilio at hindi niya gugustuhing nang dahil kay Michelle ay masisira ang pagtitinginan nilang iyon sa isa’t isa!

“My God, you are jealous!” Virgilio exclaimed. “You are attracted to her, Adrian!”

“Oh, shit.” Umalis siya mula sa pagkakasandal sa barandilya. Iyon ang isa sa mga sandaling naghahanap siya ng sigarilyo. But he’d quit smoking for two years now because of Catherine. “What is it that you want, Virgilio? So, I am attracted to Michelle. She’s a pretty lady, well-mannered. And Catherine likes her...” Ipinasya niyang sabihin na iyon bago pa ito maghayag ng sariling damdamin. At bigla’y natanto niyang napakaluwag sa dibdib niyang maamin iyon sa sarili.

May ilang sandali ang pinalipas ni Virgilio bago sumagot. But he glimpsed first the way his mouth quirked in amusement. “Kung iniisip mong naaakit ako kay Michelle at kaya narito ngayon ay para sabihin sa iyo iyon, nagkakamali ka, Adrian.”

Pinanatili niyang walang ekspresyon ang mukha bagaman nakadama siya ng relief sa sinabi nito. “So, okay, ano ang sadya mo sa akin na hindi maipagpapabukas?”

Tumayo si Adrian at lumakad palapit sa barandilya at itinuon ang paningin sa kadiliman sa wharf sa ibaba. Naiilawan iyon ng malamlam na ilaw mula sa poste, sapat upang matanaw ang 40-foot private yacht na pag-aari ni Adrian. Nakadaong din doon ang dalawa sa anim na fishing boats na hindi naipalaot dahil may sakit ang dalawang mangingisda.

“When Harriet was younger she loved to paint,” Virgilio started. “Noong mga bata pa kami, basta nakakita ng maiguguhit iyon ay walang sinasayang na sandali. Kahit na saan na lang. Sa lupa... sa papel, sa buhanginan. On her eighteenth birthday, I gave her watercolors and a roll of canvas. I have never seen her so happy I can still imagine now how her eyes lit that day. Ang mga ipininta niya gamit ang mga regalo ko ay nakatago pa hanggang ngayon sa attic ng bahay...

“Walang nakakaalam niyon kundi ako. She said it was her secret. Nahihiya siyang malaman ng lahat na ang isang mahirap na tulad niya’y may hilig na magpinta at nangarap na maging isang mahusay na pintor balang-araw.” Virgilio paused for a moment. “At nang magpakasal kami’y mas natuon sa aming dalawa ang buong panahon niya. We were just too happy being together that we never thought about it. Or perhaps she had, pero may mas mahalagang bagay na nais niyang gawin.”

Adrian was silent for a moment. Hindi niya alam kung saan talaga patungo ang usapan maliban sa unti-unting nadadagdagan ang maraming pagkakatulad nina Harriet at Michelle. Tinitigan niya ang nakatatandang lalaki sa dilim, pilit inaaninag ang anyo nito.

“Huwag mong bigyan ng kahulugan ang iilang pagkakatulad, Vir. Mga pagkakataon lang ang mga iyon,” mabuway niyang sabi.

“I don’t believe in coincidences, Adrian. Lalo na at narito si Michelle sa El Paraiso!”

“Vir, what are you trying to tell me. Surely—”

“Hindi namin sinabi ang bagay na ito sa iba, Adrian,” putol nito sa sinasabi niya. “Kahit si Mama Celestina ay hindi alam ang tungkol dito. Nang ipadala ako ni Papa sa Amerika upang ilayo kay Harriet ay hindi ko nalamang nagdadalang-tao siya...”

“What?”

“Hindi ko nalaman ang tungkol sa pagdadalang-tao ni Harriet,” ulit nito. “There was no way of contacting me in the States. Hindi niya alam ang address ko roon at hindi nakarating sa kanya ang mga sulat ko. Sa munisipyo pa lang sa Donsol ay ipinahaharang na ni Papa. Inakusahan ko si Papa sa bagay na iyan subalit matigas nitong itinatanggi ang bagay na iyon.”

“Vir, what are you talking about?” he asked impatiently.

“That Michelle could be my daughter.”

“That’s... that’s not possible!”

“Kanina ko lang siya nakita, Adrian, pero lahat ng katibayang anak ko siya’y nasa kanya. Ano pa ba ang maaari kong hanapin gayong kahit ang kaarawan niya’y siyang kaarawan ng nawawala naming anak ni Harriet?”

“I don’t believe this!” nalilitong usal niya.

“For many years until Harriet’s disappearance, my wife had never stopped looking for our daughter, Adrian. Iyon ang dahilan kung bakit hindi siya tumitigil sa kapaparoon sa Maynila. Minsan ay kaming dalawa. We hired investigators to locate Harriet’s friend Emmaline. Pero naglaho itong parang bula. Ang huling records na maaari naming sundan sa paghahanap sa kanya ay record ni Emmaline sa korte. It was a dead end. The lawyer who took her case migrated to the States with his family many years ago.

“Kay Emmaline iniwan ni Harriet ang aming anak nang umuwi siya rito sa El Paraiso. Anna Vida... that’s our daughter’s name. She was almost four years old. Isang taon muna ang lumipas bago niya nagawang balikan sa Maynila si Emmaline dahil nang mga panahong iyon ay naratay ang nanay niya, bukod pa sa malimit na pagkakasakit ng tatay niya. Subalit lumipat na ng tirahan si Emmaline nang puntahan niya ang dating apartment na inuupahan nilang dalawa...”

Adrian was speechless. May mahabang sandaling nakatitig lang siya sa mukha ni Virgilio sa dilim. He was the closest thing to a brother. Virgilio was sixteen years older. As a kid, he had always admired him. Ang ama niya at ang ama ni Virgilio ay matalik na magkaibigan. Parehong beteranong sundalo ang mga ito sa Vietnam.

When his own parents died when he was just a boy of ten, Virgilio’s father took care of him. Pinagpasensiyahan sa kabila ng rebelyon niya. Sa kabila ng tatlong taon niyang tinalikuran ang paaralan. Sinikap gampanan ni Fred de Alegre ang papel na iniwan ng ama niya. At dahil malaki ang agwat ng edad nila ni Virgilio bukod pa sa nasa Amerika na ito ay higit silang nagkalapit ni Fred de Alegre.

Tinuruan siya nito ng mga pasikot-sikot sa negosyo upang, ayon dito, ay matutuhan niyang palaguin ang kayamanang iniwan ng sarili niyang mga magulang.

“Ako at ang mga magulang mo’y nanghihinayang na pareho kayong lalaki ni Virgilio, Adrian,” minsan ay sinabi sa kanya ng matandang de Alegre. Labintatlong taong gulang siya nang mga panahong iyon at si Virgilio ay nasa Amerika.

Adrian laughed. Alam niya kung ano ang gustong tukuyin ni Fred de Alegre. “Kung alinman sa amin ang naging babae, malaking bagay ang labing-anim na taong gulang sa pagitan ng aming mga edad, Lolo Fred.”

“Age doesn’t matter, my boy,” he had told him with regret.“Hindi ko gusto ang pangyayaring nahulog ang loob ng anak ko sa anak ng taong itinuturing akong mortal na kaaway! Maliligalig lang ang sambahayan ko.”

Adrian paced the wooden floor in confusion. Hindi siya pinagkakatiwalaan ni Virgilio sa mga lihim na pakikipagtagpo nito kay Harriet dahil alam nitong malapit siya kay Fred de Alegre. Hindi niya ito sinisisi.

“Talk to the investigators, Adrian, tomorrow morning,” he said frantically. “Ipaimbestiga mo ang pamilya Verano. Gusto kong malaman lahat ang tungkol sa kanila. May basehan tayo ngayon, si Michelle mismo. Hindi mahihirapan ang mga imbestigador kung ibibigay mo sa kanila ang plate number ng sasakyan ni Michelle.”

“Kung totoo lahat ang sinasabi mo,” he said after a while, “posible kayang alam ni Michelle ang tungkol sa iyo... kay Harriet?”

“That is a big possibility. Nagtungo siya rito, Adrian. At hindi ako naniniwalang at random ay basta na lang niya pinili ang lugar na ito mula sa guidebook.”

“She said her parents were dead and—”

“Na maaaring siyang dahilan upang hanapin niya ang totoo niyang mga magulang; maaaring naipagtapat sa kanya ni Emmaline ang tungkol kay Harriet bago ito namatay. Anything is possible, Adrian.”

“Then why not just ask Michelle?”

“I will. But I want solid proof. It won’t take three days for the investigators to know what we wanted to know. Ibigay mo lang sa kanila ang mga detalye.”

“Paano kung... kung totoong lahat ang hinala mo?”

“My God, she’s my daughter!” Virgilio said agonizingly. “Ang tanging mayroon ako sa kanya ay isang munting larawan nang siya’y tatlo at kalahating taong gulang pa lamang na lihim na naitago ni Harriet sa mga magulang niya. And all those years, kahit nang mga panahong narito na ako at buhay pang pareho ang aming mga magulang ay lihim kaming nagtutulungan sa paghahanap kay Anna Vida.

“Alam mo bang bukod-tanging ang bagay na hindi namin siya kapiling ay ang nagsilbing hadlang sa lubusang kaligayahan naming dalawa? Tuwina’y naroroon ang guilt na may anak kaming hindi namin alam kung nasaan... kung buhay pa, o kung ano ang dinaranas.

“Harriet had blamed herself for our daughter’s disappearance, for trusting her best friend. You cannot know the pain and anguish she had suffered all those years...” Nabasag ang tinig nito. At sa pagyugyog ng mga balikat nito’y natitiyak ni Adrian na umiiyak ito.

Maaaring umiiyak na ito bago pa man siya dumating kaya mas minabuti nitong manatili sa dilim.

“Hindi ko alam kung ano na ang nangyari kay Harriet, Adrian,” he continued brokenly. “Natatakot akong mag-isip. If Michelle’s my daughter, which I am certain she is, mamamatay na muna ako bago ko hayaang mawala siyang muli!”

“She said she’s leaving tomorrow, after Catherine’s visit.”

Tinitigan siya ni Virgilio. There was challenge in his eyes. “Ang pagselosan ako’y sapat nang dahilan para matiyak kong may interes ka kay Michelle. Bagay na hindi ko nakita sa iyo sa kabila ng mga babaeng halos ibigay na ang sarili sa iyo. Now, would you really want her to leave El Paraiso?”