lookupnovel logo lookupnovel
Calyx Vargaz (Possessive Series 5)

Chapter 2

Ch. 2 / 29 Feb 05, 2022

TITIG na titig si Etheyl sa guwapong mukha ni Calyx Vargaz. Mahimbing itong natutulog kaya malaya niyang napagmamasdan ang guwapo nitong mukha. The magazine photos did not do him justice. His pitch black eyes were really magnetizing as he looked at her earlier. And those dimples and his lips... Damn it. He was gorgeous and he knew how to use it.

Ito ang lalaking minsan sa buhay ay kinabaliwan din niya. Pero maaga siyang namulat sa katotohanan na ito ang tipo ng lalaking hindi siya magugustuhan kaya naman binura na lang niya ang kung anumang paghangang nararamdaman para dito noon, lalo na nang malamang kakilala niya ang dini-date nito nang mga panahong iyon.

Isang pagkakamali sa parte ni Etheyl ang nangyari kagabi. Siya ang unang humalik sa lalaki, siya ang nang-akit dito, pero hindi niya maikakaila na nagustuhan niya ang ginawa.

Pero alam niyang hindi na masusundan pa ang nangyari sa kanila ni Calyx kaya kampante siya na hindi na sila magkikita pa. He’s a billionaire and she’s just a woman trying to live her life as happily as she could. Kung anuman ang nangyari kagabi, isa na lang iyong magandang alaala. Hindi na iyon mangyayarin uli. Sigurado siya.

Nagkita lang naman sila ni Calyx dahil pumunta siya sa magarang hotel na iyon para makipag-usap kay Cole at kung puwede pa nilang ayusin ang dapat ayusin. Malungkot siya sa pagkawala ni Cole sa kanyang buhay. Kahit paano ay naging mahalaga ito sa kanya. Pero nagutay-gutay muli ang kanyang puso nang sabihin nitong ayaw na nito sa kanila. Ayaw ni Cole sa pinakamahalagang tao sa buhay niya at lalong ayaw nito sa kanya dahil ayaw niyang gawin ang hinihingi nito. What an asshole! Hindi makapaniwala si Etheyl na pinatulan niya ang lalaking iyon! Ang akala niya, mahal siya ni Cole. Isa lang palang kasinungalingan ang lahat. Gusto lang pala siya nitong ikama kaya ganoon. Pagpapanggap lang ang lahat. Tulad ng mga lalaking dumaan sa buhay niya. Mga manggagamit. Mabuti na lang at walang nakuha ang mga ito sa kanya, pero nasaktan naman ang puso niya.

Nasaktan si Etheyl nang sobra sa mga sinabi ni Cole. Akala pa naman niya ay tanggap ng lalaki ang lahat sa kanya. At naroon si Calyx para maibsan ang lungkot at sakit na naramdaman niya kaya nangyari ang nangyari kagabi.

She would not have sex with a stranger if it was not Calyx Vargaz.

God. Walang puwedeng makaalam nito.

Kailangan na niyang umuwi. Mag-uumaga na. Mula sa glass walls ng dingding ng hotel, nakikita niyang malapit nang ngumiti ang Haring Araw.

Mabilis na bumangon si Etheyl at maingat na umalis sa kama. Pagkatapos ay pinulot niya ang mga damit na nasa sahig at isinuot iyon. Pagkatapos ay maingat na lumabas ng hotel room. Kailangan niya talagang umalis bago pa magising si Calyx. Ni hindi siya nakapagsuklay.

Last night was unforgettable but she needed to put it aside and go on with her life. Hindi na mauulit ang nangyari kagabi. Pero alam niya sa sarili na hindi niya makakalimutan ang nangyari sa kanila ni Calyx.

Pagkalabas ng hotel, pumara kaagad siya ng taxi at nagpahatid sa bahay niya. Kaagad siyang sinalubong ni Beth—ang matalik niyang kaibigan—nang makapasok sa bahay. Ang kaibigan ang naiwan doon kagabi.

“Saan ka galing? Alalang-alala ako sa `yo,” sabi ni Beth, saka siya niyakap. “Bakit hindi ka umuwi kagabi?”

“Wala, nalasing lang ako kagabi,” pagsisinungaling niya.

“Saan ka naman nalasing?”

“Sa bar ako nakatulog,” pagtatahi niya ng kuwento, saka iniba ang usapan. “Nasaan ang pinapabantayan ko sa `yo?”

“Naku, hayun, tulog pa. Maghahatinggabi na kasi `yan natulog sa kakahintay sa `yo,” imporma ni Beth.

Napabuntong-hininga si Etheyl, saka umupo sa sofa at sinuklay ang mahabang buhok. “Hindi ko na alam ang gagawin ko, Beth.” Bumuntong-hininga siya. “Nag-break na kami ni Cole kagabi.”

Napasinghap ang kaibigan. “Oh my, God…” Umupo ito sa tabi niya, saka hinawakan ang kanyang kamay. “Ayos ka lang ba? Kaya ka ba naglasing?”

Nag-iwas si Etheyl ng tingin nang maalala ang nangyari kagabi, ang mainit nilang pagtatalik ni Calyx. “Oo… Kaya ako naglasing ay dahil sa sobrang sama ng loob. Pero okay na ako.” Huminga siya nang malalim. “Wala na akong pakialam sa kanya. Tulad ng iba, sex lang din ang habol niya sa `kin. Hindi por que ganito ako ay patakbuhin na akong babae.”

Bumadha ang lungkot sa mukha ni Beth. “Akala ko iba siya.”

Mapait na ngumiti si Etheyl. “Pare-pareho lang naman ang mga lalaking `yon. Mga manggagamit at manloloko.”

Malakas na bumuntong-hininga si Beth. “Pero sobra-sobra naman `to, Etheyl.” Umiling-iling ito. “Lima na ang naging boyfriend mo pero lahat, isa lang ang habol sa `yo at nang hindi mo naibigay, iniwan ka.”

Ngumiti siya nang pilit sa kaibigan. “Ayos lang `yon. Tanggap ko na, na wala talagang lalaking magseseryoso sa `kin.”

Umiling si Beth. “Hay, naku, siya nga pala,” tumayo ito, “kailangan ko nang umalis. Nandito ka na naman.”

Tumango siya, saka niyakap ang kaibigan. “Salamat, ha?”

“Walang anuman.”

Pinakawalan niya ito.

“Kita na lang tayo mamaya sa party ng isa sa mga estudyante mo.”

“Sige.” Nginitian niya ang kaibigan. “Kita na lang tayo mamaya.”

Nang makaalis si Beth, ini-lock niya ang pinto, saka pumasok sa kanyang kuwarto at nahiga sa kama. Ipinikit ni Etheyl ang mga mata para makatulog. Ngayon lang niya naramdaman ang pagod sa paulit-ulit na pag-angkin sa kanya ni Calyx kagabi. Kailangan niyang magpahinga. May party pa siyang pupuntahan.

NAGISING si Calyx na wala na si Etheyl sa kuwarto. Ginalugad niya ang buong kuwarto pero mukhang nakaalis na ang babae.

His eyes fell on the bed. Biglang pumasok sa isip niya ang mainit na pagtatalik nila kagabi ni Etheyl, parang naririnig pa niya ang mga halinghing nito tuwing nag-iisa ang kanilang mga katawan.

He could still feel her lips on him. And he felt his cock stirring again.

Fuck! Hindi siya makapaniwalang bumaba ang tingin sa kanyang pagkalalaki. He’s actually having a hard on just by thinking about that woman. Hindi pa ito nangyayari sa kanya, ngayon lang.

What’s so special about that woman that his cock couldn’t seem to get enough?

Napabuntong-hininga siya, saka napailing-iling. “Fuck.”

Marahas niyang ipinilig ang ulo at nahiga uli sa kama. Naaamoy pa niya ang natural na mabangong amoy ni Etheyl.

“Fuck!” Tinapon niya ang unan sa sahig. Inihilamos niya ang dalawang kamay sa mukha at nagdamit. Pagkatapos ay mabilis siyang umalis sa inookupang silid.

Pagkalabas ng elevator, tinawagan agad ni Calyx si Lander. Unattended ang kaibigan.

Napapabuntong-hiningang tinawagan niya si Ymar. Pagkalipas ng dalawang ring, sumagot ang kaibigan.

“Hey. Kumusta?” tanong niya sa kabilang linya.

Ymar grunted. “Bakit ka napatawag? Hindi ako naniniwalang nangungumusta ka.” Walang buhay ang boses nito.

Mahina siyang natawa. “Inuman tayo. Libre mo.”

Tumawa si Ymar. “Ikaw ang nag-aya pero ako ang manlilibre? Saang planeta ka ba ipinanganak? Napakakuripot mo talaga. At saka baka nabubulag ka na, ang aga-aga, inom na agad ang inaatupag mo? Wala bang gamot sa pharmacy mo na pampatanggal ng toyo sa utak kasi `yon ang mayroon sa utak mo ngayon.”

He rolled his eyes. “Come on. Hindi naman tayo maglalasing, isa o dalawang shot lang. I just need a drinking buddy. And no, wala akong toyo. Come on. Let’s drink.”

“Ikaw ang nag-aayang uminom pero ako ang manlilibre?” Ymar chuckled dryly. “Now that’s fantastic.”

“I know, right?” Calyx smirked. “Inuman na tayo.”

“Nasaan si Lander?” tanong nito mayamaya.

“Unattended.”

“Kaya pala ako ang ginugulo mo.” Malalim itong huminga. “Fine. Let’s meet in Bachelor’s bar in twenty minutes. Siguro naman bukas pa sila ngayon.”

“Twenty-four hours ang bar na `yon,” sabi niya na nakangiti, saka tinapos ang tawag.

Mabilis na tinungo ni Calyx ang parking lot kung saan nakaparada ang Aston Martini niyang sasakyan. Sumakay siya sa kotse at mabilis iyong pinaharurot patungo sa Bachelor’s Bar.

“MARAMING salamat talaga, Ms. Vallega. Napakaelegante ng anak ko at salamat iyon sa `yo,” sabi ng ina ng debutante na katatapos lang isa-isang kausapin ang mga bisitang dumalo sa engrande nitong eighteenth birthday party kung saan imbitado rin siya at si Beth na umaaktong assistant niya. “Nakakatuwang sumunod ka sa yapak ng ina mo na isa ring Etiquette at Personality Development teacher noon ng mga kumakandidata sa Binibining Pilipinas. Hindi ka man nanalo noon sa Binibining Pilipinas nang sumali ka, pero nakuha mo naman ang talento ng ina mo pagdating sa pagtuturo sa mga kabataang babae ng tamang eleganteng paggalaw at pananalita sa harap ng maraming tao.”

“Walang ano man ho `yon, Mrs. Sanchez,” nakangiting tugon niya sa ginang. “It was my pleasure guiding your daughter to be as glamorous as she is now. Palagi akong tinuturuan noon ni Mommy sa tamang paggalaw at pananalita, at gusto ko ring ibahagi ang kaalaman ko sa iba.”

Halatang proud na proud ang ginang sa anak. “Nakakatuwang makitang ganoon ang anak ko. Mabuti na lang at ini-enroll ko siya sa eskuwelahan mo nitong summer. Sulit ang binayad ko.” Nginitian siya nito. “O, siya, kumain ka lang, ha? Maiwan muna kita. Enjoy the party, Ms. Vallega.”

Matipid na ngumiti si Etheyl. “I will.” Nang tuluyang makaalis ang ginang, bumaling siya kay Beth na sumisimsim ng wine. “Gusto ko nang umuwi, Beth.”

Pinaikot ni Beth ang mga mata. “Hay, naku, Etheyl, enjoy the night.” Tinaasan siya nito ng isang kilay. “Kailan ka ba huling nag-enjoy sa isang party na katulad nito?”

Pinaikot ni Etheyl ang mga mata. “Beth, wala akong oras sa mga ganito. Ang dami ko pang gagawin sa bahay, eh. Kung hindi lang talaga kailangang narito ako, nunca na um-attend ako sa party na `to.”

Umingos si Beth. “Ewan ko sa `yo. Mabuti nga at narito ka. It’s part of your job to socialize. Kailangan mong ipakita sa mga tao kung gaano ka kaelegante, kaganda at kaaya-ayang kumilos para makakuha tayo ng maraming estudyante.” Tumayo ito. “Kukuha lang ako ng maiinom. Gusto mo?”

Umiling siya. “Magmamaneho pa ako pauwi.”

Pabiro siyang inirapan ni Beth, saka umalis. Itinuon na lang ni Etheyl ang atensiyon sa pinggan na hindi pa niya nauubos ang laman. Akmang kukuha siya ng vegetable salad nang marinig ang pamilyar na baritonong boses na hindi niya inaasahan na maririnig niya pagkatapos ng kagagahan niya nang nagdaang gabi.

“I didn’t expect to see you here, Etheyl.”

Naging malakas ang pagkabog ng kanyang dibdib. No! It can’t be Calyx! He cannot be here! Pero isang businessman ang ama ng debutante, hindi nakapagtatakang imbitado si Calyx Vargaz.

Pilit na pinakalma ni Etheyl ang sarili, saka walang emosyong tiningala ang lalaki. “Mr. Vargaz,” pormal niyang sabi sabay tango rito.

Tumaas ang isang sulok ng labi nito. “So I’m Mr. Vargaz now, not ‘oh, Calyx, oh.’”

Naramdaman ni Etheyl ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi dahil sa huling sinabi ng lalaki na sa paraang umuungol. Pasimple siyang nag-iwas ng tingin para pakalmahin ang sarili, saka ibinalik ang tingin sa binata. “Kung wala ka namang kailangan sa `kin, makakaalis ka na. Ibang babae na lang ang istorbuhin mo, huwag ako,” pagtataray niya.

Umupo si Calyx sa tabi niya, sa iniwang upuan ni Beth.

“What changed?” Humaplos ang daliri nito sa pisngi niya at nilabanan niya ang sariling huwag mapapikit sa masarap na pakiramdam na dulot niyon. “Last night, you were a sex goddess and now you are so demure. I wonder…”

“Hindi na kasi ako lasing,” taas-noo niyang sabi. “That’s what changed.”

“Really?”

Napaigtad si Etheyl at mahigpit na napakapit sa mantel ng mesa nang maramdamang lumapat ang kamay ni Calyx sa kanyang mga hita. At dahil mahaba ang mantel, natatakpan din ang pang-ibabang parte ng katawan niya, hindi makikita ang kamay ni Calyx na ngayon ay pumasok sa suot niyang damit at gumagapang patungo sa gitnang bahagi ng mga hita niya.

Nakagat niya ang labi at naikuyom ang mga kamay nang makarating ang kamay ni Calyx sa kaselanan niya. Her toes actually curled when his fingers slid inside her panties.

Oh, God…

Bahagyang tumagilid paharap sa kanya si Calyx, saka bumulong. “Let’s see if this one has changed too…” Pagkasabi niyon ay ipinasok nito ang isang daliri sa loob ng kanyang pagkababae.

Pinigilan ni Etheyl ang mapadaing sa sarap na lumukob sa kanyang kaibuturan. Alam niyang wala na siyang maidadahilan pa dahil alam niyang alam ni Calyx kung gaano kabasa ang kanyang pagkababae. Sa halip, pinilit na lang niya na hindi mapaungol at bumakas sa mukha ang nararamdamang sarap nang mga sandaling iyon. Pilit niyang itinutulak palayo ang kamay ni Calyx kahit nasasarapan siya sa ginagawa nito pero lalo lang nitong ibinabaon ang daliri sa basang-basa niyang kaselanan.

Mahigpit na napahawak si Etheyl sa lalaki nang paikutin nito ang daliri sa kanyang clitoris at nilaro iyon. Mayamaya ay umawang ang mga labi niya nang bigla na lang nitong binaon sa loob niya ang dalawang daliri nito, saka sinimulan iyong ilabas-masok.

Ginawa ni Etheyl ang lahat para pigilan ang sariling mapaungol dahil sa paglabas-masok ng mga daliri ni Calyx sa loob ng pagkababae niya. Bahagyang umawang ang labi niya, nanuyo ang lalamunan at lumalim ang paghinga. Nang hindi na niya kaya pang pigilan ang ungol na gustong kumawala sa kanyang mga labi, humarap siya kay Calyx saka binaon sa dibdib nito ang mukha niya kasabay ng pagkawala ng mahinang ungol at ang pag-abot niya sa rurok ng kaligayahan.

Kapos ang hininga ni Etheyl habang humuhupa ang orgasmong pinalasap sa kanya ni Calyx na bumalot sa buo niyang pagkatao sa harap ng maraming tao. Ni nawala nga sa isip niya na nasa party sila at puwedeng may makakita sa emosyong tiyak na bumakas sa kanyang mukha kanina.

Lalong nag-init ang kanyang mga pisngi nang dumistansiya siya kay Calyx at dahan-dahan naman nitong hinugot ang daliri sa kanyang pagkababae at pinunasan ang katas niya na nakapalibot sa daliri nito gamit ang table cloth.

Nang mapabaling siya sa lalaki, nagtama ang kanilang mga mata. Kinindatan siya ni Calyx at nginitian.

“Looks like that part of you didn’t change.”

Halos umusok ang mga pisngi ni Etheyl dahil sa sobrang pag-iinit niyon. Bigla siyang tumayo para iwan ang binata pero bago pa siya makahakbang palayo, napigilan siya nito sa braso.

“Not so fast, beautiful.” Tumayo si Calyx at mabilis na hinapit siya palapit sa katawan nito, saka parang nang-aakit na hinaplos ang likod niya. At dahil backless ang damit na suot, nagsitaasan ang kanyang mga balahibo nang humaplos doon ang mainit nitong palad. “You look beautiful in your dress, but I don’t like it.” Nagdilim ang mukha nito. “Kanina ka pa pinagtitinginan ng kalalakihan sa party na `to.”

Kahit nahihiya dahil sa nangyari kani-kanina lang, taas-noong sumagot si Etheyl. “Wala kang pakialam kung ano man ang suotin ko. And we’re in a party, Mr. Vargaz, and I think my dress suits the event.”

“Yeah, it does.” Hinaplos na naman nito ang likod niya. “Pero kailangan ba talagang backless ang isuot mo? Puwede namang kahit na anong damit na natatakpan ang sexy mong likod.”

“Mr. Vargaz, my dress is none of your business—”

“Hindi ko gusto ang damit mo. That’s an improper dress for this event or for any event, damn it!”

Hindi siya makapaniwalang napatitig sa binata, saka napailing. “Ewan ko sa `yo.”

Akmang aalis siya nang mapigilan na naman siya nito sa baywang.

“Not so fast, Etheyl.” He whispered. “You left without saying goodbye last night.”

Pilit niyang nilabanan ang nararamdaman ng katawan. “Mr. Vargaz, kung anuman ang nangyari sa atin kagabi, kalimutan mo na `yon. Lasing ako at wala sa tamang huwisyo kaya ko nagawa `yon. So, please, bitawan mo ako.”

Nahigit ni Etheyl ang hininga nang maramdamag humigpit pa ang pagkakayapos ni Calyx sa kanyang baywang. Magkadikit na magkadikit ang mga dibdib nila. Alam niyang ramdam na ramdam nito ang mayayaman niyang dibdib at halos hindi siya gumagalaw dahil gahibla na lang ang layo ng mga labi nila ni Calyx.

He was inching closer to her and she could feel her body responding to their closeness.

“Mr. Vargaz—”

“Kalimutan ko na lang ang nangyari kagabi?” tanong nito sa nanunuring tingin. “Paano kung ayoko?”

Napalunok siya. “Please, bitawan mo ako.” Her body… it’s starting to react, it’s starting to burn for him. “Bitawan mo ako, Mr. Vargaz.” Pilit niyang nilalabanan ang pagkadarang na nararamdaman ng katawan.

“Paano kung ayaw ko?”

“Sisigaw ako,” pananakot niya.

Tumaas ang isang sulok ng mga labi nito. “Go ahead, beautiful. Scream as loud as you can.”

Pilit siyang nagpupumiglas para makawala sa mahigpit nitong pagkakayakap sa kanyang baywang. “Bitawan mo sabi ako, eh.” Hindi niya mapigilan ang sarili, bumaba ang tingin niya sa mapupula at manipis nitong labi na alam niyang napakasarap halikan.

Damn those sexy lips.

“Go on,” may panunudyo ang kislap sa mga mata ng lalaki, “kiss me like you did last night.”

Mabilis na nag-iwas ng tingin si Etheyl. “Bitawan mo ako. Uuwi na ako.”

Lalong inilapit ni Calyx ang mukha sa kanya, na lalong bumuhay sa kanyang katawan. “Care to dance before going home?”

Umiling siya. “No.”

“I’ll take that as a yes.”

Walang nagawa si Etheyl nang igiya siya ng binata patungong dance floor. Ayaw niyang gumawa ng eksena na makakasira sa party na iyon kaya nagpatianod na lang siya sa binata.

Kaagad na yumapos ang mga braso ni Calyx sa katawan niya nang makarating sila sa dance floor. Napakalapit ng katawan at mukha nila sa isa’t isa, na naamoy na niya ang mabango nitong hininga na lalong dumadagdag sa pagnanasang nararamdaman niya para sa binatang kasayaw.

Please, God, help me! This temptation will not do me any good.

Nahigit ni Etheyl ang hininga nang maramdamang gumapang pababa sa pang-upo niya ang kamay ng binata.

Malalaki ang matang tumingin siya sa pangahas. “Calyx!”

He smiled showing his set of dimples that almost made her knees buckle. “There’s my name.” Tumaas na naman ang kamay nito mula sa pang-upo niya papunta sa kanyang baywang. Muli siyang niyapos habang sumasayaw sila sa tugtog ng malamyos na musika. “It actually sounds good when you say it.”

Nakagat ni Etheyl ang labi nang maramdaman ang hininga ni Calyx sa tainga niya.

Good God! Ano ba ang ginagawa ng lalaking ito sa kanya? Simpleng yapos pa lang nito pero halos manginig na ang kanyang kalamnan. Hindi iyon puwedeng magpatuloy. Kailangan niyang iwasan si Calyx. Hindi makabubuti sa kanya ang epekto nito sa katawan niya.

She had to get away from him!

Marahang itinulak ni Etheyl palayo ang lalaki. Sapat para mapaatras ito at hindi mapansin ng mga naroon ang ginawa niya, saka malalaki ang hakbang na umalis sa dance floor at nagtuloy-tuloy palabas ng solar, papunta sa gate ng bahay.

Hindi na sana siya pumunta. Hindi na sana siya um-attend sa party na iyon. Eh, di sana, hindi niya nakita si Calyx na kumpiyansa siya na hindi na makikita kailanman, pero doon siya nagkamali.

Mabilis na tinungo ni Etheyl ang kanyang kotseng nakaparada at nagmamadaling pinaharurot palayo. Palayo sa temptation na gusto niyang iwasan, sa temptation walang maidudulot na maganda sa kanya kundi sakit lang ng ulo.