lookupnovel logo lookupnovel
Endlessly (Kristine Series 11)

Chapter 15

Ch. 16 / 34 May 09, 2025

Paso de Blas, Palawan

“B AKIT ka nagpatawag ng family meeting na ito, Marco?” Si Bernard na inikot ang paningin sa lahat ng mga nakaupo sa paligid ng mahabang mesa sa loob ng library sa Villa Kristine.

Si Zandro na nasa kanang bahagi ni Bernard ay kampanteng nakaupo at marahang tina-tap ng forefinger ang mesa. Natitiyak nitong hindi tungkol sa kompanya ang pag-uusapan dahil wala ang ibang board of directors at wala sa loob si Andrea to take the minutes.

Hindi agad sumagot si Marco, nanatiling nakatitig sa ibabaw ng mesa habang halata ang tensiyon sa pagitan ni Margarita na sa ilalim ng mesa ay mahigpit na humawak sa kamay ni Josef na walang ginawa kundi ang magbuntong-hininga and with worried eyes. Si Jasmin ay nanatiling nakayuko.

“What is this all about?” Si Bernard na tila gustong mairita. “At bakit kayo humihikbi, Ate Margarita? Is something wrong?”

Suminghot si Margarita na wala sa loob na umiling at pinahid ng panyolito ang mukha.

Tinitigan ni Marco si Emerald na banayad na tumango. Actually, he needed the family for moral support. Maliban pa sa kailangang personal nitong sabihin sa mga ito ang balita. Pagkatapos ay tumikhim at muling iginala ang paningin sa mga naroroon.

“Hindi madali para sa akin ang ipahahayag ko sa inyo sa mga sandaling ito,” panimula nito na sinabayan ng tingin si Nathaniel na nanatiling nakayuko. “Natitiyak kong ang Tiya Margarita, Tiyo Josef at Jasmin ay nasabihan na ni Nathaniel sa gusto kong iparating sa inyong lahat...”

Nagsalubong ang mga kilay ni Bernard. “Ano ang alam mo na hindi ko alam, Marco? May kinalaman ba ito sa Kristine Steel?” muling tanong ni Bernard.

s inalubong ni Marco ng tingin si Bernard, tinatantiya. “More than anything else, Bernard, gusto kong hingin... namin ni Nathaniel, ang pang-unawa mo at malawak na pangmalas...” s inulyapan nito si Nathaniel na akmang magbubuka ng bibig pero minabuting itikom uli at sumandal upang mabawasan ang tensiyon.

“Ya ve al grano, Marco.” s i Bernard. “Just get straight to the point, you’re killing us with suspense.” i nikot niya ang paningin sa mga nakapaligid. Tanging siya at si Zandro lamang ang hindi kinakikitaan ng tila pagkabagabag.

Muling tumikhim si Marco at pinuno ng hangin ang dibdib. “I want you all to know that—that— Jewel...”

Marahas ang paglingon ni Bernard sa tiyuhin sa pagkarinig sa pangalang iyon. Nagsalubong ang mga kilay at naningkit ang mga mata.

“Jewel is very much alive and she’s coming home!” mabilis na dugtong ni Marco na para bang kapag hindi niya binilisan ay hindi na niya masasabi.

Tanging si Bernard at Zandro lamang ang marahas na nag-angat ng ulo sa mga nakapaligid. Si Julia ay halos hindi huminga habang pinagmamasdan ang apo.

“Are you out of your mind?” galit na singhal ni Bernard. “Kaya mo ba ipinatawag ang meeting na ito ay para lang sabihin ang kalokohang iyan? Or is that your kind of a joke to start this meeting with? If it is, I am warning you, Marco...”

“Calma, Bernard, por favor.” s i Nathaniel. “Hindi madali para sa amin ito at sana’y pakinggan mo munang lahat ang sasabihin ni Marco...”

“Ikaw rin ba, Nathaniel?” baling niya rito. Bilang anak ni Leon ay kapatid niya sa ama si Margarita at pamangkin niya si Nathaniel bagaman mas bata siya rito nang mahigit dalawang taon. “Ano’ng kalokohan ito?”

“Are you going to listen or not?” May warning ang tinig ni Marco. Hindi na kumibo si Bernard bagaman naniningkit ang mga matang sinalubong ng tingin ang tiyuhin at tahimik na sumandal.

Sa loob ng mahabang sandali at sa matinding pagkamangha ng lahat ay ipinagtapat ni Marco sa ikalawang pagkakataon ang mga pangyayari matapos ang anniversary party nilang mag-asawa four months ago sa panggigilalas at paghugot ng matatalim na paghinga ng mga naroroon.

Bernard froze. Itinuon ang mga mata kay Nathaniel na tumaas ang dibdib and meet his eyes bilang pagkumpirma sa inihayag ni Marco.

“Vaya por dios!” Halos hindi lumabas ang tinig niya. “Wala kang karapatan—wala kayong karapatan!” wika nito sa nanginginig na tinig sa pinagsama-samang matinding emosyon.

Nawalan ng kulay ang mukha niya. Ang naroon ay matinding panggigilalas, disbelief, anger, and anguish.

“Bernard...” l umapit si Nathaniel at hinawakan siya sa balikat.

Tumayo si Bernard at isang suntok ang pinakawalan na nagpasadsad kay Nathaniel sa dingding ng conference room. Napatili si Jasmin at dinaluhan ang asawa.

Si Margarita ay sumubsob sa dibdib ng asawa at tahimik na umiiyak. Si Julia na antimano ay kinausap nang sarilinan ni Marco ay nanatiling nakaupo, very much worried. She was as shocked nang unang sabihin ito ni Marco sa kanya. At kung may sakit ito sa puso ay nangahulugan iyon ng kamatayan nito.

Subalit higit nitong ininda ang anyo ng apo. Gusto nitong lapitan si Bernard pero nag-aatubili. Sa kanya lumaki si Bernard at kabisado nito ang apo at sa pagkakataong iyon ay walang anuman o sinuman ang makapagpapalubag ng damdamin nito.

Si Zandro ay nanatiling nakaupo at sapo ng mga palad ang ulo. How do people take this kind of revelation? Lalo na ang kapatid?

“Tumigil ka, Bernard!” babala ni Marco na mabilis na tumayo at nilapitan ang pamangkin.

Tumaas ang kamao ni Bernard upang salubungin ng suntok si Marco. Hindi na naisip na tiyuhin nito ang lalaki, subalit bago ito nakagawa ng pinsala sa tiyuhin ay napigilan na siya ni Nathaniel na nakatayo na at ni Zandro.

“Calm down, Bernard!” Si Nathaniel uli.

“Que va! All of you, get out!” hiyaw nito sa lahat ng mga naroroon. “Dio... Dio!”

Mahigpit nitong ikinapit ang mga kamay sa edge ng conference table and hunched his shoulders in anguish.

Nakakaunawa ay halos iisang taong tinungo ng lahat ang pinto maliban kay Zandro, who wanted to stay with his brother, at si Nathaniel at Marco na hindi ninais na lumabas. Whatever the consequences, they will have to face it together.

Si Emerald na kahuli-hulihang lumabas ay tahimik na ipininid ang pinto.

“Damn you, two!” hiyaw ni Bernard sa dalawang lalaki. “I could kill you for this, don’t you know that?” Gumagaralgal ang tinig nito. “Wala kayong karapatang gawin iyon! Wala kayong karapatang sirain ang buhay ko at papaniwalaing patay na siya!”

“Alam kong hindi madali para sa iyong tanggapin ang katotohanang ito, Bernard.” s i Marco. “Pero wala kaming magawa, ang Mommy ang may kagustuhan sa mga nangyari. No one expected her to live...”

“You are not God!” Kumislap ang mga mata nito sa luhang namuo roon. “Wala kayong karapatang gawin sa akin ito! Wala kayong karapatang ipaglihim sa aking—buhay pa siya!” He broke down.

Mabilis na tumalikod si Zandro upang hindi makita ang anyo ng kapatid.

“Yo se,” banayad na wika ni Nathaniel na halos mapiga ang dibdib sa anyo niya. Hindi ininda ang pananakit ng panga. “But what can we do, Bernard? She was her mother and at that time she was so right.

“Natakot si Anna na ipaalam sa lahat iyon dahil tiniyak ng mga doktor na kung sakaling magkamalay si Jewel ay magkakaroon ito ng brain damage. Hindi niya kayang pagtawanan ng lahat ang anak niya...” s inikap nitong ipaunawa kay Bernard ang katotohanang iyon.

“I could have been with her, by her side... dinadamayan siya... dio ... dio !” bulong nitong sinabi na halos mawalan ng lakas sa matinding dalamhati at pagdaramdam at pag-iigting ng katawan. Nahahapo itong muling bumalik sa upuan. “You have all ruined my life... our lives!”

Mahabang katahimikan ang namagitan. Si Bernard ay halos pigilin ang sarili sa paghagulhol nang malakas.

Ano ba ang nangyayari sa buhay niya? May sinaktan siyang babae sa panahong nakalipas at muli ay may sasaktan siya.

Death could be sweeter at this moment.

Sa mahabang sandali ay walang nagsalita. Si Marco ang bumasag sa tensiyon. Isang dantay sa balikat ni Bernard ang ginawa.

“Hindi ko gustong paniwalaang hindi mo alam na nagdadalang-tao si Jewel, Bernard, bago ang aksidente. Why didn’t you marry?” tahimik na tanong ni Marco.

Matagal bago sumagot si Bernard. His chest heaving.

“Bakit, Bernard?” pag-ulit ni Marco. “Things would have been different kung nagpakasal kayo ni Jewel...”

Hindi ilang libong beses na binalik-balikan niya sa isip iyon sa nakalipas na panahon. Kung sana ay pumayag si Jewel na magpakasal sila sa paraang gusto niya noong una niyang malamang nagdadalang-tao ang dalaga, disin sana ay baka naging iba ang takbo ng pangyayari.

Hindi ba at ilang beses niyang sinisi ang sarili doon? Na sana ay iginiit niya ang gusto niya at hindi ang gusto ng dalaga. Hindi nga ba at isa sa mga dahilan kung bakit ganoon na lamang ang bigat ng dinadala niya sa inakalang pagkamatay ng kasintahan ay dahil alam niyang taglay ni Jewel sa sinapupunan ang anak nila?

His child that he thought died with her!

And she is alive! Siya at ang anak nila!

Gusto niyang sumigaw sa galak pero hindi magkapuwang iyon sa nag-uunahang ibang emosyon sa dibdib niya.

Inihilamos niya ang mga palad sa mukha at sa gumagaralgal na tinig ay sumagot. “Her... period was never regular and it didn’t occur to her that she might be carrying my... my child until later. At gusto kong ihandog sa kanya ang pangalan ko bilang Fortalejo, Marco.” p uno ng pagdaramdam ang tinig niya.

“I promised her that. And at that time, hindi pa nasisimulang ayusin ang pagpapalit ng apelyido ko...”

Nagmura nang marahan si Marco at tumingin kay Nathaniel. Si Zandro ay nanatiling tahimik bagaman tumaas-bumaba ang dibdib.

“Despite the influence and the money, alam mong buwan ang aabutin bago mo mapalitan ang pangalan mo, Bernard, maliban sa hindi mo ito gaanong pinagtuunan ng pansin.” s i Nathaniel sa banayad na galit. “May mga legal requirements at advertisement sa peryodiko bilang pagtupad sa batas. Hindi mo ba naisip na lalaki ang tiyan ni Jewel at magiging kahiya-hiya siya sa mata ng mga tao? Lalo na sa mga tagarito?”

Nagsisikip ang dibdib na itinaas ni Bernard ang ulo and grasped for air. “We—talked and discussed about it...” sagot niya. And again, filled his chest with air.

“At napagpasyahan ninyong ipanganak na muna ni Jewel ang bata bago kayo magpakasal, ganoon ba?” Hindi gusto ni Marco na haluan ng sarcasm ang tinig dahil labis-labis na ang pagdaramdam at tensiyon ng pamangkin subalit hindi nito naiwasan iyon.

Itinaas ni Bernard ang mukha at nilingon ang dalawang lalaki. His eyes in slits. “And I thought you knew me very well, Marco. Did you think I will allow that to happen?” wika nito sa nang-uusig na tinig. Umiwas ng tingin ang dalawang lalaki.

“When I learned that she was pregnant, I offered to marry her immediately but she refused since she’d rather wait na maging legal akong Fortalejo. Pero nagpilit ako—at napapayag ko siya sa bandang huli. Lamang ay sa paraang gusto niya...”

“What?!” sabay na bigkas ng dalawang lalaki. Si Zandro ay marahas na nag-angat ng mukha. Si Nathaniel ay napakapit sa upuan na para bang iyon ang lifeline nito.

“Judge Adriano married us secretly...!”

“Madre de dios!” Si Nathaniel na ibinagsak ang sarili sa upuan.