lookupnovel logo lookupnovel
Endlessly (Kristine Series 11)

Chapter 24

Ch. 25 / 34 May 09, 2025

K INABUKASAN ay magkasama uling nangabayo ang dalawa. Sa pagkakataong iyon ay dinala siya ni Bernard sa labas ng Hacienda Kristine. Sa may talampas na sakop ng de Silva Farm.

Bernard gazed at her, enchanted.

She was so beautiful habang nakasakay sa ibabaw ni Snowhite. Inililipad ng hangin ang mahabang buhok na tila mga pakpak ng uwak.

Nothing could mar her beauty. Not the eighteen months coma. Not even the birth of his child could alter those firm and high breasts worth dying for.

In fact, motherhood became her. Her waist narrow that he could span. The perfect behind na hinulma ng hapit na maong and those sexy thighs na nanunukso sa kanya mula pa kanina.

“Have I been here, Bernard?” tanong niya habang minamalas ang buong Paso de Blas mula sa tuktok ng talampas. Hinawi sa mukha ang buhok na nililipad ng hangin.

“Many times, love,” he said huskily.

Nilingon niya si Bernard at muling nagsalubong ang mga kilay sa paggamit nito ng endearment. Pero pinalipas niya iyon. Si Bernard ay bumaba ng kabayo at pagkatapos ay nilapitan siya at inabot upang ibaba rin. Subalit nasiko niya ang tiyan ni Snowhite sa pagbaba at humakbang paatras ang kabayo at naitulak siya nito kay Bernard.

Napatili siya kasabay ng pagkawala ng panimbang ni Bernard at bumagsak patalikod sa damuhan kasama siya. Sa kabila ng kabiglaanan ay sinikap ng lalaki na huwag siyang masaktan.

She landed on top of him. Her thighs in between his legs.

“Are you all right?” Si Bernard sa nag-aalalang boses, though his eyes caressed her face tenderly, passionately.

“Y-yes...” she stammered.

Ang distansiya sa pagitan ng mukha niya at mukha ni Bernard ay ilang pulgada. Nararamdaman niya ang pagtaas at pagbaba ng dibdib nito. And her heart pounded madly against her chest.

Tumukod si Jewel upang tumayo at kumawala subalit humigpit ang pagkakahawak ng isang kamay ni Bernard sa baywang niya habang hinahawi ng kabilang kamay ang buhok niya patungo sa likod.

“L-let me up.” h er voice almost in a whisper.

“Do you really want to?” he said in a voice hoarse with emotions. The need to touch her lips with his lips was so overpowering.

Jewel opened her mouth to say ‘yes.’ Pero walang lumabas doon. Mula sa baywang niya ay tumaas ang isang kamay ni Bernard sa likod ng ulo niya, exercising extreme self-control so as not to crush her in his arms. He buried his fingers in her hair and pulled her gently and tantalizingly brushed his lips against her lips.

“I missed you so much , Jewel! Oh, dio, como te amo!”

Banayad siyang napasinghap sa electrifying effect ng mga labi nito sa kanya, as if a live wire touched her flesh. And she almost cried aloud when Bernard gently bit the corner of her lips.

“This is not happening! This is a mistake... sheer madness. I do not even remember this man to feel like this!”

Pero nang tuluyan siyang hagkan ni Bernard ay tuluyang nawala sa isip niya ang anumang pagtutol. Bernard’s kiss was everything she had known it would be. His lips warm, firm and expertly moving against her lips and it was like magic. As if the kiss was her whole world.

She moaned softly when his tongue gently invaded the softness of her mouth. Nararamdaman niya ang pamilyar na init sa ibabang bahagi ng katawan niya subalit sa pagkakataong iyon ay may ibang damdaming sumibol sa dibdib niya.

It wasn’t just passion, there was something else that she felt like weeping.

Something like forever.

Bernard was hot and on fire and yet he couldn’t believe that he was trembling. Like the first time he had kissed her many years ago. And he wished na sana ay huminto sa pag-ikot ang mundo at manatili sila sa ganoong ayos.

Kissing her... loving her endlessly.

When he cupped one breast, naging daan iyon upang mapapitlag si Jewel and opened her eyes.

“B-Bernard...” she whispered breathlessly.

“Quiero hacerte el amor ; querida. I want to make love to you, darling...” he murmured in her lips in passion, forgetting the present. As if he was transported back in time... long long ago...

Jewel’s sanity returned, mabilis siyang kumawala. “This is a mistake, Bernard!” she said in a trembling and ragged voice.

Mabilis siyang kumawala mula rito at naupo sa damuhan at niyakap ang mga tuhod. Her chest heaving softly.

Ano ang ginagawa niyang ito? May anak siya sa ibang lalaki at ang taong ito na pinahintulutan niyang halikan siya ay may asawa. And yet she’d found home in his kisses.

Had she been this wanton before she lost her memory? Kaya ba hindi alam kahit ni Emerald kung sino ang naging boyfriend niya? Ginawan ba niya ng kahihiyan ang pamilya niya? Kaya ba hindi nais ng mga itong ipaalam ang ama ni Lenny?

Si Bernard ay sandaling hindi nakakilos sa pagkakahigang iyon sa damuhan. Still gripped by the most powerful desire he had ever known in his life.

Not savage, not wild. But when he kissed her, he thought he had found home at last. And the need to possess her is so overwhelming. The hard and throbbing ache between his thighs is unbearable!

“Look at me, Jewel,” he commanded in a hoarse voice.

Wala sa loob na lumingon siya and saw his darked eyes glittered with desire. The swelling of his manhood is obvious. She took a gasping breath at mabilis niyang inalis ang mga mata mula sa pagkakatitig doon subalit muling nagsalita si Bernard.

“Titigan mo akong muli, querida , at saka mo sabihin sa aking isang pagkakamali ang ginawa natin!”

Ikinulong niya ang mukha sa nanginginig na mga palad. “Don’t do this to me, Bernard,” she tried to choke a sob. “Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. I’m scared and confused. I have child that no one seemed to know kung sino ang ama. Now, I am acting as if I am some kind of a wanton... walang moral...”

Natilihan si Bernard. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang init sa katawan. Mabilis na tumayo at inabot siya at niyakap nang mahigpit and kissed her temple.

“Hush, you are none of those things!” mariing wika nito and silently cursed himself. “Huwag mong ipasok sa isip mo ang mga bagay na iyon, Jewel. And I’m sorry...”

Lo siento mucho, querida mia. Not for what I have done a while ago, but for long ago.

He held her close for an endless moment. Na tila ba sila lamang ang tao sa lupa. Minamalas ang buong Paso de Blas sa kanyang karangyaan, ang pagsasayaw ng mga kugon sa paligid sa mabining ihip ng hangin, ang pulutong ng mga ibon sa himpapawid.

Her back on his chest. His arms around her, holding her so close na tila ba anumang sandali ay tatangayin siya ng hangin at muling mawawala.

Nanatili sila sa ganoong ayos until the sky turned violet, then purple, then electric blue.

Nag-angat ng mukha si Jewel at nilingon si Bernard. Nililipad ng hangin ang buhok nito at sa kaibuturan ng isip niya ay tila nakita na niya ang anyong iyon. His eyes full of longing and tenderness.

Hindi niya gustong isatinig ang nasa puso at isip pero kusang lumabas ang salita sa mga labi niya.

“How come this is all a mistake when I feel so safe here in your arms?” she said in a half-whisper.

“There is no mistake, querida.” h e forced a smile. Tumayo ito kasama siya. “Halika, lakarin natin ang pababa ng talampas...” i nabot ni Bernard ang mga tali ng kabayo at hinila ang mga ito sa kabilang kamay habang hawak ang kamay ni Jewel sa kabila.

They held hands and walked through the wind and grass.

NAGSALUBONG ang mga kilay ni Bernard nang makita sa harap ng villa ang service vehicle ng Kristine Hotel.

Sinuway ba ni Nathaniel ang bilin nitong huwag munang dalawin si Jewel hangga’t hindi nanauli ang memorya niya?

“May bisita tayo,” he said grimly.

“Sino?” tanong niya. Pero hindi sumagot si Bernard at nagtiim ng mga bagang. Bumaba ng kabayo at pagkatapos ay inabot siya at ibinaba mula kay Snowhite.

“Mauna ka nang pumasok at ihahatid ko sa kuwadra ang mga kabayo,” utos nito.

Walang kibong sumunod si Jewel. Sa sala-grande ay naroon si Lance at ini-inspection ang mga gun display sa shelf. Iniisip nito noon kung saan kumuha ng baril ang bunsong kapatid na si Jenny at ipaputok sa kanila ni Zandro.

“Lance!”

Lumingon ang binata at ngumiti. “Hi.”

Napahugot ng paghinga si Jewel. Lance was wearing a tight original blue jeans and signature sport shirt. Tall, over six feet and well-built. Hindi sila nagkakalayo ng laki at taas ni Bernard.

Only Bernard was a little bit subtle with his ways. Though she could guess, beneath those subtleness is a wild and cruel streak. While Lance is different. Masayahin, palangiti, and easygoing.

It was so unfair, she thought miserably. Lance Navarro had no right to be so handsome at pagkatapos ay hindi niya maramdaman ang matinding pag-aalsa ng puso niya tulad ng nadarama niya lagi kay Bernard, gayong hindi tamang makadama siya ng ganoon para dito dahil may-asawa ito.

Pilit niyang pinasigla ang mukha at ngumiti. “Kailan ka dumating? Ikaw ba ang sakay ng pickup sa labas? How did you get here?”

“Whoa, baby!” Nakatawang itinaas ni Lance ang mga kamay. “Isa-isa lang ang tanong. All right, wala pa akong ten minutes dito and yes, I used that hotel vehicle. I piloted the FNC chopper at nasa helipad ng hotel building...” s a malalaking hakbang ay sinalubong nito si Jewel at masuyong hinapit sa baywang. “So how are you? Bakit hindi mo sinabi sa aking pupunta ka dito?”

“I am sorry, Lance,” sagot niya sa apologetic na tono. “Kinagabihan din mismo nang araw na naroon ka ay nagyaya si Bernard na dalhin kami ni Lenny dito. I never had the chance to inform you...”

May kung anong gumuhit sa mga mata ni Lance sa sinabi niya, something like anger, pero agad ding nawala. Marahil ay imahinasyon lang niya. Niyuko siya at hinagod ng paningin ang mukha niya.

“You’re beautiful,” he said huskily. “Nawala ang kaunting pamumutla mo. I wish you were in Alta Tierra...”

“I guess I can schedule that...” she tried to compromise.

Tikhim ni Bernard ang nagpagulat sa kanya at mabilis na kumawala mula kay Lance. Bigla siyang nakadama ng pagkapahiya sa ginawa. Tila siya batang nahuling may ginagawang masama.

Minutes ago, she had found comfort in his arms. Pagkatapos ngayon ay heto at halos nakakulong din siya sa mga bisig ni Lance.

“Saan ko utang ang pagdalaw mo na ito, Lance?” pormal na tanong ni Bernard at matalim na tinitigan si Jewel.

Humakbang siya patungo sa piano at wala sa loob na binuksan at tinipa-tipa habang sinusulyapan ang dalawang lalaki.

Nagkibit ng mga balikat si Lance. “Gusto ko lang kumustahin si Jewel, Bernard. And, oh, I booked myself in Kristine Hotel...” n ilingon nito si Jewel. “Have you been there?”

Wala sa loob na umiling siya. Sa sulok ng mga mata niya ay ang pagtalim ng mga mata ni Bernard sa pagkakatitig sa kanya.

“Then come with me this afternoon, Jewel. Well have fun snorkling and aqua cycling...” s a pagitan iyon ng imbitasyon at utos.

“L-let’s see about that,” aniya na hindi malaman kung ano ang gagawin sa pagitan ng dalawang lalaking parehong sa kanya nakatitig. “Mag—magbibihis muna ako, Lance.” s inulyapan niya si Bernard bago nagmadaling pumanhik sa itaas.

Kumuha lamang siya ng bathrobe at nagmadaling pumasok sa banyo sa may pasilyo upang mag-shower. In less than ten minutes ay nakapag-shower at nakapagbihis siya. Nagmadali siyang bumaba subalit sa itaas pa lang ng hagdan ay nakita na niyang wala sa sala ang dalawang lalaki.

Nasa ibaba na siya nang makarinig siya ng usapan sa may library. Nagsalubong ang mga kilay niya na huminto sa paghakbang. Muli ay tila may nangyari nang ganito at sinikap niyang alalahanin subalit hanggang isa manakit ang ulo niya ay wala siyang maalala.

Humakbang siya patungo sa library. Naudlot siya sa pagbukas ng pinto nang marinig ang malakas na tinig ni Lance.

“You are a selfish bastard, Bernard! Wala kang karapatang gawin ito sa kanya!”

“I know you fight well, Lance. You fought with my brother Zandro. At kung gusto mo akong hamunin sa sarili kong pamamahay, then, that would be easy,” kalmanteng sagot ni Bernard twisting his lips in one corner. Kasabay ng paggalaw ng mga muscles sa bagang sa nagbabadyang galit.

“I do not wish to fight you, Bernard, soon you will be my brother-in-law,” sagot ni Lance in grim tone. “I am trying to put some sense into your head where everyone else failed.”

“Oh, yeah?” sarkastikong sagot nito.

“Yes!” Lance snapped. “May asawa kang tao at hindi mo man lang iniisip ang magiging katayuan ni Jewel sa paningin ng lahat. Ano ang dahilan at dinala mo siya rito?”

Napapikit si Jewel at sumandal sa dingding. Hindi niya gustong makinig pero lalong hindi niya gustong iwan ang dalawa. Kinakabahan siyang magkainitan at magpang-abot ang mga ito.

“Wala kang pakialam sa mga ginagawa ko, Lance. Karapatan kong dalhin ang mag-ina ko dito! They belong here. This is her home... their home!”

Nanlaki ang mga mata ni Lance. “Home? Have you gone mad? At ano sa palagay mo ang gagawin ni Diana sa sandaling malaman ang ginagawa mong ito? Do you want to keep Jewel here as your mistress at pagsamantalahan ang pagkawala ng memorya niya? I won’t allow you to do that, Fortalejo!” mariing pahayag ni Lance sa nagtatagis na mga bagang.

“And how are you going to do that?” naghahamong wika ni Bernard. Unti-unting humuhulagpos ang kontrol sa matinding panibugho. Itinulos sa pagkakatayo si Jewel.

Mag-ina ko!

Napaatras sa dingding at pumikit.

Home ... they belong here!

Sinabi na ni Bernard sa kanya iyon pero hindi niya pinagtuunan ng pansin. May ulap na tila unti-unting nahahawi sa isip niya.

I—am six weeks pregnant, Bernard...” Napasinghap siya sa pagpasok niyon sa isip niya nang muling matuon ang pansin sa loob ng silid nang marinig ang mga tinig.

Nag-isang linya ang mga mata ni Lance. “I’ve done some little investigation, Bernard. Alam kong anak mo si Lenny at nagkaroon kayo ng relasyon ni Jewel bago nangyari ang aksidente...”

Sa labas ng pinto ay nakulong sa lalamunan ni Jewel ang hininga sa narinig. At sa nanlalaking mga mata ay isinandal ang ulo sa dingding kasabay ng muling pagpikit at ang muling paghawi ng lambong sa isip.

“Six weeks na ang nasa tiyan ko...”

“I’ll marry you now!”

“With the power vested in me, I now pronounce you man and wife,” nakangiting wika ni Judge Adriano sa kanila. “Congratulations , Mrs. Fortalejo...” i nilahad nito ang kamay sa kanya at mahigpit siyang kinamayan bago bumaling kay Bernard.

“N-no…!” h alos walang tinig na lumabas sa tinig niya. Pinangangapusan siya ng paghinga.

“Ano ang ginagawa mo rito sa silid ng l olo? Paano kang nakapasok?”

“I told you, Jewel, I want you! Magiging akin ka sa oras na ito!”

“Papatayin ka ni Bernard!”

Butil-butil ang pawis sa noo niya. Kasabay ng pagsasalimbayan sa isip ng nakaraan. Ang lalaking inabutan niya sa silid ni Leon... ang pagtatangka nitong pagsamantalahan siya... ang matarik na veranda pababa... ang paghakbang niya rito. Ang pag-ikot ng lahat sa kanya.

I love you , Bernard...

“Do not rekindle old flames,” patuloy ni Lance sa matigas na tinig na muling nagpapitlag kay Jewel sa likod ng pinto. “Pinakasalan mo si Diana Montero anim na buwan matapos ang fraud funeral ni Jewel. Set her free, Bernard, I love her and I am willing to marry her...”

“Shut up, Lance!”

May-asawa!

Pinakasalan mo si Diana Montero... Diana Montero!

“No!” hiyaw ni Jewel mula sa labas na ikinalingon ng dalawang lalaki. “No!”

“I’ll kill you for this, Lawrence Navarro!” poot na sinabi ni Bernard at nagmamadaling humakbang palabas.

Sumunod si Lance.

Si Jewel ay nagtatakbong palabas ng villa. “Oh, please, no!”

“Jewel!”

Patuloy siya sa pagtakbo. Hindi alintana kung saan siya dadalhin ng mga paa. Nasa likuran ang dalawang lalaki. Hindi na niya halos nakikita ang dinadaanan sa pagkakahilam sa mga luha.

Inabutan siya ni Bernard at hinapit sa baywang. “Bitiwan mo ako!” piglas niya sa pahisteryang paraan.

“Jewel, please... listen...!” ani Bernard sa kanya. Patuloy siya sa pagpupumiglas at bumagsak sila sa damuhan.

“Why? Why, Bernard?” she asked painfully, agonizingly, in between half-hysterical sobs.

“Jewel...” Nagsikip ang dibdib ni Bernard sa hapding nasa mga mata niya. Patalim iyon na humihiwa sa puso nito.

“Y-you promised to—to love me forever,” she whispered in a broken voice kasabay ng sunod- sunod na pag-agos ng mga luha.

Dio! Inabot nito si Jewel at mahigpit na ikinulong sa mga bisig. “I love you, dark eyes. I love you so much!”

“Liar!” sigaw niya sa pagitan ng hagulhol. Nagpupumilit kumawala at pinagsusuntok ang dibdib ni Bernard.

Hindi siya inawat nito at hinayaan siyang saktan ito hanggang sa maubos ang lakas niya.

“Liar... liar...” pahagulhol niyang sinabi na sumubsob sa dibdib ni Bernard na mahigpit siyang niyakap.

Si Lance na nakatayo ilang hakbang mula sa kanila ay tumingala at pinuno ng hangin ang dibdib.