PALABAS si Kenneth mula sa guest bathroom ng malaking bahay nang may maulinigang ingay mula sa silid ni Sydney. Lumapit siya sa pinto at nakinig mabuti. Umuungol ang babae, may mga sinasabing hindi niya marinig nang maigi. Nananaginip yata. Lalayo na sana siya mula roon nang biglang umiyak ang babae. Noon na siya nagpasyang buksan ang pinto at pasukin ito sa silid. Binuhay niya ang ilaw doon.
Pabiling-biling ang ulo ni Sydney sa unan, luhaan ang magkabilang-pisngi. “Mommy, Daddy!” parang batang pag-iyak nito.
Dali-daling lumapit si Kenneth sa kama ng dalaga at niyugyog ito sa balikat para gisingin. “Sydney, gising. Nananaginip ka.”
Nagulat ito nang magdilat ng mga mata. Ilang segundo itong nakatingin sa kanya, saka humihikbing iniikot ang tingin sa paligid. Tinulungan niya itong bumangon at masuyong pinahid ang basang mga pisngi nito.
“I-I was dreaming. A-akala ko totoo. My God.”
Humihingal na sinapo ni Sydney ang noo, hinaplos niya naman ang buhok nito.
“Nakita ko sina Mommy at Daddy, nakatingin lang sa akin, parang… parang galit sila sa akin. S-siguro dahil natakot akong tingnan noon ang mga bangkay nila sa morge,” kuwento nito matapos niyang painumin ng nakaboteng tubig mula sa katabing mesita ng kama. “I could still remember that day, Ken. Malamig sa loob. Hindi naman talaga malamig na malamig pero pakiramdam ko, pinagyelo ang buong katawan ko. I couldn’t move. I couldn’t even cry. H-hindi ko alam ang unang mararamdaman ko. Nasa pinto lang ako. Niyayaya ako ni Manuel na pumasok pero umiling lang ako.”
Nakaramdam ng awa si Kenneth. Sa likod pala ng malamig, detached at matapang na personalidad ni Sydney ay may nagtatago palang anxiety.
Masuyo niya itong niyakap, hinagod ang likod. Alam niya ang pakiramdam kung paano mawalan ng magulang. Parang gumuho ang buong mundo niya nang pumanaw ang kanyang ina, kasabay niyon ay parang buhay na bangkay na rin lang ang kanyang ama. He felt he had lost both of his parents since that day.
“I didn’t even cry at their funeral,” sabi pa ni Sydney, nagsisimula na namang umiyak. “W-what’s wrong with me? I don’t think I hated my parents. I was devastated when they passed away. Na-realize kong mas okay pala na nakikita ko silang nag-aaway kaysa nakalagak na lang sa mga kabaong.”
Ano ang sasabihin ni Kenneth kay Sydney? Wala siyang mahagilap na tamang salita para pagaanin ang loob nito. He knew it very well. Dahil walang sinuman ang nakapagpagaan ng loob niya noong namatay ang kanyang ina.
“Alam kong mahirap, alam kong masakit. Pero wala na tayong magagawa kundi ang magpatuloy sa buhay nang wala sila, Sydney.”
Kumalas ito sa kanya at nagpahid ng mga mata. “I know, I know. I didn’t even realize that it hurts this much until now. `Tapos bakit ganoon? Ngayon ko lang sila napanaginipan, at bakit parang galit sila sa akin sa panaginip ko?”
Mabining hinakawan ni Kenneth ang magkabilang pisngi ng dalaga. “Sabi nila, a dream could be a hidden desire or fear. Siguro ay iyon ang ikinakatakot mo, na namatay ang mga magulang mo na galit sa iyo.”
“I… I don’t know what to think about them.” Umiling si Sydney.
“Hindi ko masasabing pangit ang naging relasyon ko sa kanila. Ibinigay nila ang lahat ng kailangan ko. Nirespeto nila ang mga bagay na gusto kong sarilinin na lang. Pero kasi… Parang hindi ko naramdaman `yong pagmamahal at pag-aaruga ng mga magulang sa anak.”
Parang nadurog ang puso ni Kenneth sa mga narinig. Wala siyang ideya na salat pala sa pagmamahal si Sydney. Ang babaeng ito na parang hawak ang mundo sa ibabaw ng mga palad dahil sa pera ay hindi pala nakaranas ng pagmamahal ng mga magulang. Napakasuwerte niya pa rin kung tutuusin dahil naranasan niya ang mahalin at arugain ng kanyang ama’t ina kahit wala silang yaman sa buhay. May mga bagay talaga na hindi nabibili ng pera.
No wonder she was willing to pay him to be her lover. Dahil hindi rin nakaramdam ng pagmamahal mula sa gagong ex-boyfriend nito.
Napasinok si Sydney. “I never cried like this before,” pag-amin nito. “P-para akong bata.”
Umiling si Kenneth. “Okay lang umiyak. Hindi tanda ng kaduwagan ang pagluha.” Muli niya itong pinainom ng tubig. “Matulog ka na uli.”
“Thank you, Kenneth. Sorry, naistorbo ka pa tuloy.”
Ngumiti na siya. “Wala iyon. Willing ako paistorbo sa iyo kahit kailan mo gusto.”
Inalalayan niya si Sydney na humiga uli, itinaas niya ang kumot hanggang sa dibdib nito. Tatayo na sana si Kenneth nang makita ang takot at ang lungkot sa magagandang mata ng dalaga. Hubad pa rin ang matigas at malamig na maskara ni Sydney Vida.
“Puwede kitang samahan sa pagtulog,” alok ni Kenneth.
“N-no, it’s okay. Sanay akong matulog mag-isa.”
Bumuntong-hininga siya. “Natatakot ka pa, bakit hindi mo masabi sa akin? Normal lang ang matakot.”
She tried giving him a dirty look. “I’m not scared. I don’t n-need you.”
He was amused. “Nanginginig ang boses mo.”
Pilit nitong pinatigas ang boses. “Matulog ka na, iwan mo na ako dito.”
Hindi lumabas ng kuwarto si Kenneth, sa halip ay binuhay niya ang lampshade bago pinatay ang switch ng ilaw. Walang sabi-sabing bumalik siya sa kama at humiga sa tabi ng dalaga.
“K-Kenneth!” bulalas ni Sydney, nanlalaki ang mga mata sa kanya.
“Wala akong gagawing masama sa iyo, relax.” Inabot niya ang katabing mesita at pinatay ang lampshade doon.
Normal man siyang lalaking nagnanasa sa isang sexy at magandang babae, hindi siya mapagsamantala. Sydney was in her vulnerable state right now and he wanted to help her ease her anxieties.
Umusod naman ito palayo, ibinigay sa kanya ang unan sa tabi nito. “Talagang wala dahil nasa ilalim ng unan ko ang baril ko,” sabi nito pero wala namang galit o pagbabanta sa boses.
Naunang nakatulog si Sydney. At sa gitna ng nagkakagulong hormones ni Kenneth, nakuha rin siyang dalawin ng antok. Mas nanaig ang kagustuhang protektahan ang dalaga sa gitna ng dilim.
Pagkagising ni Kenneth kinabukasan, napangiti siya dahil nakayakap sa kanya ang katabi. Ang mainit na hininga ni Sydney ay tumatama sa kanyang lalamunan. And her boobs… damang-dama niya ang mga iyon na nakalapat sa kanyang dibdib. He could feel her perky nipples, too. She was bra-less.
Shit. Delikado.
Gustong humiwalay ni Kenneth kay Sydney pero matindi ang pag-ayaw ng kanyang katawan. At nang gumalaw ito ay lalo siyang nataranta. Idinikit pa nito lalo ang katawan sa kanya. Si Junior ay nag-uumpisa nang magwala nang madikit sa puson ng babae.
Hanggang sa magising si Sydney, mahina itong umungol at nagkusot ng mga mata saka nagdilat. Ngumiti siya rito nang magtama ang kanilang mga mata.
Itinaas ng dalaga ang kumot at itinakip sa bibig bago nagsalita, iniiwasan sigurong maamoy niya ang hininga nito sa umaga. “Good morning. Kanina ka pa gising?” groggy na tanong nito.
Nagtakip din si Kenneth ng kumot sa bibig.
“Medyo. Ayaw mo kasing humiwalay sa akin kaya hindi pa ako bumabangon,” sabi niya.
Tumaas ang isang kilay nito. “You’re having a boner.”
Tumawa si Kenneth. “Morning wood.”
“Hmm… I doubt it.” Pinisil ni Sydney ang kanyang ilong. Bumangon na ito at bumaba mula sa kama.
Bumangon na rin siya. “Sorry. Ikaw kasi, niyayakap mo ako.”
“I’ll cook breakfast.”
Hindi siya tatanggi. Kakainin niya lahat ng luto ng babaeng ito. Kahit ano. Kahit parte pa ng katawan nito.
WEIRD. Pero nag-e-enjoy si Sydney sa setup nila ni Kenneth. It was giving her some kind of joy that she had never felt before. Ganito pala ang pakiramdam kung malinaw at walang komplikasyon ang isang relasyon. Iyong alam nila pareho kung hanggang saan lang sila sa buhay ng isa’t isa. Puwedeng itigil anytime, no hard feelings.
“Drew, I’ve been thinking, maybe I can have a real relationship with Kenneth, beyond just sexual,” sabi ni Sydney sa kaibigan nang muli silang mag-usap sa telepono.
“Why not? Sabi mo naman, sweet siya.”
Hindi ikakaila ni Sydney na nagugustuhan niya ang atensiyong ibinibigay sa kanya ni Kenneth. Ang klase ng atensiyon na hindi niya kailanman naranasan kay Jacob. Siguro ay katulad pa rin siya ng ibang babae—nagke-crave ng lambing at asikaso mula sa karelasyon. Naa-appreciate niya lahat ng mabubuting ginagawa sa kanya ni Kenneth, lalong-lalo na nang samahan siya nito sa pagtulog. Jacob never slept beside her. Sex lang ang gustong gawin ng lalaking iyon sa kama kung katabi siya nito.
“Sweet lang siya dahil kinokondisyon nga niya akong makapaghanda sa sex.”
“Nah. I don’t think so. He’s very gentleman, too. Hindi siya nagsasamantala sa iyo, Syd! My gosh. Saan ka nakakita ng ganyang lalaki sa panahon ngayon? Kapag iba lang `yan, baka araw-araw kang pipiliting maka-sex hanggang sa makulitan ka na lang at bumigay. O kaya pinasok ka na sa kuwarto at sinampahan. `Kaloka!”
Natawa si Sydney. Nagpasya siyang hindi sabihin kay Andrew ang nangyari noong isang gabing nagtabi sila sa pagtulog ni Kenneth. Kahit ito ang maituturing niyang best friend, hindi pa rin niya dini-discuss ang nakatagong kahinaan dito. Andrew never ever saw her cry.
“Alam niyang hindi ako basta-basta bumibigay kaya hindi uubra ang pangungulit sa akin. Saka subukan lang niya akong pasukin, isang bala lang siya.”
“Uh, really? Sabi mo mukhang hindi siya takot sa iyo? I swear, I think you’ve already found a match. So what kung mahirap siya? Puwedeng gawan ng paraan `yan. You told me na matalino siya at praktikal. Aba’y pag-aralin mo siya!”
“My goodness, baklang-bakla na ang dating ko, ganoon?”
Tumawa si Andrew. “Loka, wala naman akong pinapag-aral, ano? Saka alam mong iwas ako sa mga lalaking mukhang pera kaya wala akong dyowa tuloy. Saka hindi naman mukhang pera si Ken, `di ba?”
“Ken na talaga? Nickname basis?”
“Eh, siyempre kung magiging boyfie mo na siya ay kailangan ding maging close kami.”
“Siya lang kasi ang lalaki ngayon sa buhay ko. Kasundo ko rin siya. I like him and I desire him as well. It could start from there, you know? I realized kasi na hindi ko pala gustong hindi kami official na mag-on habang nagiging intimate kami. At saka kung hindi uubra, di maghiwalay kami.” Kapag boyfriend na ni Sydney si Kenneth ay baka mas mapapadali ang pakikipag-sex niya rito. He was right, maybe she needed a real connection after all.
“Alam mo namang nasa likod mo lang ako sa lahat ng desisyon mo. Saka as if you’d listen to me naman kung sakaling kokontra ako. Tumawag ka lang naman sa akin ngayon para i-validate ko ang gusto mong mangyari, bruha ka.”
Nagpaalam na siya kay Andrew nang dumating si Kenneth na may dalang mga manggang manibalang na ipinabili niya rito kanina.
“Thank you,” natutuwang sabi ni Sydney sa lalaki pagkaabot sa dala-dala nitong plastic bag.
Ngumiti ito nang halikan niya sa pisngi. Sweet din naman pala siya, naisip niya.
“Ang bilis mong maglihi,” biro naman ni Kenneth.
Pabiro niya itong hinampas sa dibdib. “C’mon, samahan mo akong kainin ang mga ito.”
“ARE YOU sure you don’t want me to pay this time?” tanong ni Sydney kay Kenneth nang nasa kotse na sila patungo sa downtown. Nagyaya itong manood sila ng sine at kumain sa labas; ito raw ang gagastos.
“May pera pa ako.”
“`Yong perang bigay ko?” natatawang tanong niya.
“Ibinigay mo na `yon kaya akin na,” sabi naman ng lalaki na sumulyap saglit sa kanya mula sa pagmamaneho at kumindat.
“You know, I was thinking… Ano kaya kung mag-out of town tayo? May rest house ako sa La Union at Baguio.”
Umiling ito. “Hindi ko maiwan-iwan si Tatay, pasensiya na.”
“Ahm, eh, kung bayaran ko si Dianne o kaya si Rita na alagaan ang tatay mo? Para hindi ka na kawawang panay ang uwi sa bahay n’yo at gumagawa ng chores doon.”
“Hindi mo kailangang gawin `yan, Sydney.”
“I’m doing this for you. Ayokong napapagod ka masyado.”
“Hindi naman ako napapagod.” Ngumisi si Kenneth, pilyo. “May naka-reserve akong energy para sa iyo.”
Sa food court sa mall sila nananghalian bago tinungo ang sinehan doon. Nakaakbay si Kenneth sa kanya habang naglalakad sila at hindi naman siya pumalag. Nagpapalabas pa lang ng commercials at movie trailers nang pumasok sila at sa pinakalikod sila pumuwesto. May dalawang linggo na ring ipinapalabas ang pelikulang iyon kaya kakaunti ang tao sa sinehan.
Siguro dahil maraming nakain si Sydney kanina, malamig ang aircon at madilim sa kinaroroonan niya, kaya nag-umpisa siyang maghikab hindi pa man lumalabas ang feature film.
“Inaantok ka ba?” puna sa kanya ni Kenneth nang mag-umpisa na ang palabas. “Umuwi na tayo kung gusto mo.”
“Nah. Let’s watch,” sabi niya naman.
Kaso lumipas ang tatlumpong minuto ay hindi namalayan ni Sydney na dinaig na siyang tuluyan ng antok. Nakasandal ang ulo niya sa balikat ng lalaki nang maalimpungatan, nakaakbay sa kanyang likod ang isang kamay nito. Patapos na rin yata ang pelikula.
“Bakit `di mo ako ginising?” bulong niya rito.
“Ang sarap kasi ng tulog mo.” Kinabig ni Kenneth ang ulo niyang ilalayo niya sana sa balikat nito. “Matulog ka lang kung inaantok ka pa.”
“Hmm, hindi na.” Muli siyang naghikab, hindi inialis ang ulo sa balikat nito.
Nakangiti si Kenneth nang tingnan niya ang mukha nito. Napakasuyo ng paghaplos ng mga daliri nito sa kanyang pisngi. At nang bumaba sa kanya ang mukha ng binata ay iniangat ni Sydney nang kaunti ang ulo para salubungin ang balak nitong paghalik sa kanya.
Kenneth gave one strange kiss. Naroroon ang init pero mas nangibabaw ang pagsuyo, ang lambing… ang tamis. She had not experienced that kind of kiss before. She thought every mouth-to-mouth kiss was kind of sexual. But this one… Parang mabining hinahaplos ang kalooban ni Sydney, parang pinapagaan ang kanyang pakiramdam. Parang ihinahatid siya sa masaya at mapayapang lugar. It was tender, blissful. Parang gusto niyang kiligin at matunaw sa kanyang kinauupuan. It was indeed a strange kiss…
Natigil sila sa paghahalikan nang may malakas na sumabog sa eksena ng pelikula. Sabay pa silang ngumiti nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Ginagap ni Kenneth ang isang palad ni Sydney at hindi iyon binitiwan hanggang sa lumabas sila ng sinehan.
Nagyaya siyang mag-shopping pagkatapos. Pilit niyang ipinamili ng mga damit at iba pang gamit sa katawan si Kenneth kahit matigas ito sa pagtanggi. Nanalo ang kakulitan niya, ayaw sigurong makipagtalo ng lalaki sa kanya sa pampublikong lugar. Bumili rin siya ng para sa kapatid at ama nito.
Palabas na sila mula sa department store nang may babae silang nakasalubong at binati si Kenneth. Tumigil sila sa paglalakad.
Hindi naiwasan ni Sydney na itaas ang kilay nang sipatin siya ng nanunuring tingin ng babae. The woman looked younger than her, pretty and fair-skinned.
“Kumusta na, Lenita?” nakangiting bati rito ni Kenneth.
“O-okay lang,” parang asiwang sagot ng babae, saka inilipat kay Kenneth ang tingin.
“Hindi mo ba ako ipapakilala sa kanya, babe?” sabad ni Sydney at humawak sa bisig ng lalaki.
Kinunutan naman siya nito ng noo dahil siguro sa pagtawag niya rito ng “babe.” Gusto niyang matawa. He looked cute.
“H-hello, ako si Lenita,” pagpapakilala ng babae sa kanya at nagpeke ng ngiti.
Iniabot niya ang isang kamay. “I’m Sydney, Kenneth’s girlfriend. Nice to meet you, Lenita.”
Sabay pang napanganga sina Lenita at Kenneth sa kanyang mga sinabi.
“A-akala ko… I’m sorry, mali lang siguro ang balitang—Never mind,” nahihiyang sabi ni Lenita at nagyuko ng ulo.
“Oh, you thought nagtatrabaho lang sa akin si Kenneth?”
Nang mag-angat ng ulo si Lenita, peke uli itong ngumiti. “Anyway, b-bagay kayo. O siya, mauna na ako sa inyo,” sabi nito at mabilis na tumalikod.
Nakita niyang halos mapatid ang leeg ni Kenneth sa pagtanaw sa papalayong babae.
“Gusto mo ba siyang sundan?” inis na pukaw ni Sydney rito.
“Bakit ganoon ang sinabi mo sa kanya?” sita naman nito sa kanya.
“Bakit, ayaw mo ba akong maging girlfriend?”