Chapter Sixteen
N AKAHIGA si Cleevan sa kama at si Claria naman ay nakapatong dito habang pareho silang walang saplot. She felt comfortable lying on her husband’s warm body. Nakapikit siya habang sinusuklay nito ang buhok niya gamit ang kamay.
She sighed in contentment when he embraced her tightly like he was afraid that she would disappear.
“Hindi ako mawawala, Cleevan,” biro niya.
Tumawa ito nang mahina at lalo pang humigpit ang pagkakayakap sa kanya. “Mahal na mahal kita, Nett. Kapag nawala ka, mababaliw talaga ako.”
Parang kiniliti ang puso niya. “Mahal na mahal din, Cleevan. At makakaasa kang hinding-hindi kita iiwan.”
Hinaplos nito ang likod niya. It felt soothing. “Kahit may malaman kang hindi maganda tungkol sa akin, hindi mo ako iiwan?”
She opened her eyes then she looked up at him. “Cleevan, asawa mo ako. Hindi kita iiwan kahit gaano pa kasama ang malaman ko tungkol sa `yo.”
Isang malungkot na ngiti ang kumawala sa mga labi nito. “Natatakot akong panghawakan ang salita mo. Because I know, I’ll be crushed if you leave for any reason.”
Hinaplos niya ang pisngi nito. “Huwag ka nang malungkot. Mamasyal na lang kaya tayo?”
“Saan mo gustong pumunta?”
“Ahm…” Umakto siyang nag-iisip. “How about sa grotto ni Our Lady of Lourdes? Gusto ko nang bawiin ang sumpa ko.” Binuntutan niya ng tawa ang sinabi.
He chuckled. “Sige, punta tayo do’n.”
“Yehey!” parang batang sigaw niya at umalis sa pagkakakubabaw sa asawa at mabilis na tumakbo papunta sa CR.
Narinig niyang tumawa si Cleevan at sumunod sa kanya.
NAGKATINGINAN sina Claria at Cleevan nang makarating sila sa paanan ng hagdan patungo sa grotto.
“One hundred steps,” bulalas ni Cleevan at pinagsiklop ang mga kamay nila. “Wanna play while we’re climbing the stairs towards Our Lady of Lourdes?”
Kinunutan niya ito ng noo. “Anong klaseng laro naman `yon?”
“Twenty-question game,” nakangiting sagot nito.
Napangiti siya. “Twenty-question game? Really?” Natawa siya nang mahina. “`Di ba, number one rule niya na bawal magsinungaling at bawal mag-pass? Are you ready to spill all your secrets?”
He smirked. “Nett, the question is, are you ready?”
Pabiro niya itong inirapan. “Ready na ako. Wala naman akong itatago.”
“Good. I’ll ask the first question,” sabi nito.
Sabay silang umakyat sa hagdan. Nasa ikatlong baitang pa lang sila nang magtanong ni Cleevan.
“Unang tanong ko,” simula nito na sadyang ibinitin ang sasabihin. “When you first saw me, did I make you wet down there?”
Nanlaki ang mga mata niya sa tanong nito kasabay ng pamumula ng mga pisngi. “Bakit naman `yan ang tanong mo?” tanong niya.
“Ano naman ang masama sa tanong ko?” Puno ng kainosentihan ang boses nito. “I just want to know.”
Humugot siya ng isang malalim na hininga at tumingin dito. “Kind of.”
Ngumisi ang asawa niya. “Sabi ko na, eh. Noon mo pa ako pinagnanasaan.”
Pabiro niyang tinampal ang braso nito. “Heh! Kind of lang naman ang sagot. I did not confirm—”
“Nor deny.” Tumawa ito at hinalikan siya sa pisngi. “Huwag kang asar-talo. Nag-uumipisa pa lang ang laro.”
Inirapan niya ang asawa. “My turn. Number two question is... what is your favorite part of my body?”
“Now that is an easy question.” Tumigil si Cleevan sa pag-akayat at hinapit siya palapit dito at pinaglandas ang isang kamay papunta sa gitna ng hita niya. “Here. This is my favorite part of your body. With this, I can make you scream and I like hearing you scream in pleasure as you moan my name deliriously.”
Pakiramdam ni Claria ay naglalagablab sa init ang pisngi sa sagot nito.
“Nasagot ko na ba ang tanong mo, Nett?” mayamaya ay usisa nito ng lumipas ang ilang segundo na hindi siya umimik.
Tumikhim siya at umakyat uli sa hagdan. “Your turn,” she sounded breathless.
“Okay,” he drawled then asked, “My third question is ... do you like my penis?”
Mabilis na lumipad ang kamay niya para suntukin ito sa braso. “Ano ba `yang tanong mo!” asik niya.
Tumawa nang malakas is Cleevan at kinabig siya palapit para yakapin. “Huwag ka nang magalit. Simpleng tanong lang naman `yon.”
“Heh! Ewan ko sa `yo!” Umingos siya. “Hindi kita sasagutin!”
Pinanggigilan nito ang pisngi niya at hinalikan iyon. “Asus, ang inosente kong asawa. Nagagalit sa tanong ko.” Tumawa uli ito. “Sagutin mo na. Bawal mag-pass at bawal magsinungaling, remember?”
Iningusan niya ang asawa bago sumagot. “Malamang gusto ko `yan,” sagot niya na nakatingin sa pagkalalaki nito.
“Oh, mahirap ba?” Nakangising inakbayan siya nito. “Your turn to ask.”
Humugot siya ng isang malalim na hininga bago nagtanong. “Fourth question. What’s the biggest mistake you’ve ever done in your life?”
Naramdaman niya na natigilan si Cleevan sa tanong niya. Nag-angat siya ng tingin. “Is there something wrong with my question?”
Umiling ito. “Wala naman. Marami lang kasi akong pagkakamali. Kaya hindi ko alam kung ano ang pinakamalaking pagkakamali ko.” Binuntutan nito ng tawa ang sinabi. “Anyway, I think the biggest mistake I ever did was fooling the person I love.”
Napakunot ang noo niya. “Sino naman ang niloko mo?”
Nginitian siya nito pero hindi iyon umabot sa mga mata. “Ah-ah. It’s my turn to ask.”
Sinimangutan niya ito. “Fine. Itatanong ko din naman `yon mamaya.”
“Whatever.” He shrugged. “My fifth question is ...” Inilapit nito ang bibig sa tainga niya at bumulong. “What’s your greatest sexual fantasy?”
Hindi niya napigilan uli ang kamao na suntukin ang lalaki sa tiyan. “Wala ka na ba talagang itatanong sa akin na hindi bastos?! Nakakainis ka na!”
Tumawa si Cleevan. “Nett, that’s why this is called a game because it should be fun and not somber.”
Humalukipkip siya. “Ewan ko sa `yo. Pinagti-trip-an mo lang ako, eh.” Nagtaas siya ng tingin sa hagdan. “Bakitt naman kasi ang tagal nating makarating doon sa itaas?” naiinis na sabi niya.
He kissed her on the temple. “Just answer it. Hindi mo mamamalayan nakarating na tayo sa itaas. At kapag hindi mo sinagot, I swear, hindi kita kakausapin hanggang sa makarating tayo sa itaas.” pananakot nito. “At saka, malay mo, i-fulfill ko ang greatest sexual fantasy mo.”
Nag-init bigla ang pisngi niya sa huling sinabi nito. “Okay, sasagutin ko na,” napipilitang sabi niya. “My greatest sexual fantasy is, me, pleasuring you in every way that I want and I can. Walang kontra mula sa `yo. Gagawin mo ang lahat ng gusto kong ipagawa sa `yo. No comment. No buts. `Yon…” she exhaled a long breath. “`Yon ang sagot ko.”
“So, in short, you’re kinky?”
Namumula ang mga pisngi na tinampal niya ang braso nito. “Sinasagot na nga ang tanong mo! Nakakainis ka na!”
He chuckled lightly. “Chill, Nett. We’re just playing.”
She stuck out her tongue at her husband like a kid. “Heh! Naiinis ako sa `yo!”
Tawa nang tawa ang asawa habang nilalambing siya na huwag nang magalit pero siya ay nakabusangot lang ang mukha.
“Come on, Nett, don’t be mad. Ikaw na ang magtatanong, `di ba? Eh di, gumanti ka sa tanong.”
Natigilan siya sa sinabi nito. Oo nga naman. May punto si Cleevan. Sa tanong siya gaganti. Pero ano ang tanong naman?
“Sixth question.” She faced him while slowly climbing the stairs. “Ano’ng ibig mong sabihin kanina? Iyong ‘I fooled the person I love’ answer mo.”
Nawala ang ngiti sa mga labi nito. “It has something to do with you,” he said softly.
“Hindi mo naman ako niloko,” nakangiting sabi niya nang maintindihan ang ibig nitong sabihin. “It’s between you and my parents. You just took advantage of my parents’ situation. But it was still my parents fault.”
Tumingin ito sa kanya na parang may iba pang sasabihin pero itinikom nito ang bibig at ngumiti. “My turn to ask. Seventh question,” he paused then said, “Kung papipilian ka, anong sex position ang gusto mo?”
“How should I know?” She glared at him. “Wala ka talagang matinong itatanong sa akin!”
“Nett, ano ba sa tingin mo ang itatanong ko sa `yo? I know everything about you.”
Dahil sa sinabi nito, may naisip siyang tanong. Excited na itinaas niya ang kanang kamay. “Oh! I know my next question! Ano ang alam mo tungkol sa akin?” mabilis at nakangiting tanong niya.
Umiling-iling si Cleevan. “Sagutin mo muna ang tanong ko.”
“Fine,” nakasimangot na sabi niya. Hindi pa siya sumasagot ay nararamdaman na niya ang pag-iinit ng mga pisngi. “A-ano ... ang gusto k-ko? Ahm... ah... ano, ahm, g-gusto kong subukan `yong nakahiga ang lalaki. `Tapos, `yong babae ang nakapatong.”
Tumigil ang asawa sa pag-akyat at humarap sa kanya. “You want to do it later?”
Napaawang ang bibig niya. “Ano?”
“Want to do it later?” ulit nito.
Napipilan siya. Walang lumabas na salita sa bibig niya kahit nakaawang pa iyon. She did not know what to say. She was speechless.
“Mukhang nagulat ka sa tanong ko.” Nag-umpisa uli itong umakyat. “Anyway, about your eight question, ano ang alam ko sa `yo? Hmmmm... kapag isa-isahin ko ang lahat ng alam ko tungkol sa `yo, aabutin tayo ng siyam-siyam bago ko masabi sa `yo lahat. So, iisa-isahin ko pa ba?”
Umiling siya. “It doesn’t matter,” mahinang sabi niya. “Ikaw na ang magtanong.”
“Okay, my ninth question…” He paused for a second. “Do you want to do the sex position you like with me, tonight?”
“Hindi ko alam…” mahinang tugon niya. “Maybe not ... maybe yes.”
“I’ll take the maybe yes.”
She rolled her eyes at him. “Whatever. My tenth question is, if given a chance, mag-aasawa ka pa ba ng iba?”
“Hindi na,” mabilis na sagot nito. “Ikaw ang asawa na pinangarap ko at papangarapin ko hanggang sa mamatay ako.”
Nilukob ng kaligayahan ang puso niya sa sagot nito. “Ganoon din ako. Hindi ko inaasahan na makakaramdam ako ng ganito para sa `yo. Hindi ko akalain na kaya ko palang magmahal ng ganito. At ikaw pa ang mamahalin ko. Hindi ko inaasahan pero natutuwa ako na mahal kita at mahal mo rin ako.”
Tinawid ni Cleevan ang distansiyang pagitan nila at inilapit ang mga labi nito sa nga labi niya. “I love you, Nett.”
“I love you, too, Cleevan.”
They smiled at each other. Hahakbang na sana sila paakyat sa hagdan nang makitang nakarating na sila sa itaas. Nagkatinginan sila at naglapat uli ang mga labi.
“Nakarating na tayo,” sabi ni Cleevan nang maghiwalay ang mga labi nila. “Hanggang ten questions lang tayo.”
“Oo nga. Paano `yong natitirang ten?”
“Mamayang gabi na lang,” sagot nito.
Magkahawak-kamay silang naglakad papunta sa kinalalagyan ni Our Lady of Lourdes. Pagdating doon, sabay nilang ipinikit ang mga mata at nagdasal si Claria.
Our Lady of Lourdes, salamat po. Naalala mo ba ng huli akong pumunta dito? I asked You to give me the best man in the world to be my husband. Akala ko noon si Lance iyon, kaya naman nainis ako sa `Yo. Kasi akala ko, hindi Mo pinakinggan ang hiling ko. Pero nagkamali ako. Ibinigay Mo sa akin si Cleevan—ang lalaking hindi man perpekto sa mga mata ko pero perpekto naman para sa puso ko. Mahal na mahal ko po ang asawa ko, Our Lady of Lourdes, kaya hihilingin uli ako sa `Yo ngayon. Sana habang-buhay kaming magkasama ni Cleevan. At saka sana, malampasan namin lahat ng problema na darating sa aming dalawa. Maraming salamat po.
IPINIKIT ni Cleevan ang mga mata at piping nagdasal.
Our Lady of Lourdes, naalala mo ba ang huling hiling ko sa Iyo? Iyon ay ang makasama ko ang babaeng pinakamamahal ko. At natupad na nga iyon ngayon. Kasama ko na po siya. Thank You for granting my wish. Alam kong abuso na ito. Pero may hihilingin uli ako. Sana habang-buhay kong makasama si Nett. I’ll go insane if she ever leaves me. So please, I beg You, make her stay. Sa ngayon, wala pa akong lakas ng loob na sabihin sa kanya ang totoo. Sana kapag dumating ang panahon na malaman niya ang totoo, patawarin niya ako. Salamat.
Pagkatapos, dumilat siya kasabay ng paglapat ng mga labi ni Clarianette sa mga labi niya.
He looked at his wife lovingly. “I love you, Nett. Always have, always will,” buong pagmamahal niyang sabi.
She smiled back with love in her eyes. “I love you, too. Now and forever.”
Seryosong tinitigan ni Cleevan ang asawa. Sana hindi mawala ang kislap ng pagmamahal sa mga mata nito kapag nalaman ang totoo. Dahil kapag nalaman ni Clarianette ang totoo, nasisiguro niyang isusumpa siya nito at iiwan.