lookupnovel logo lookupnovel
Not In The Contract

Chapter 20

Ch. 21 / 25 Feb 09, 2022

Chapter Twenty

C LARIA felt like her heart had been pulled out from her chest and was shred it into tiny pieces. Her eyes were red and they hurt. She was physically and mentally exhausted. Ayaw na niyang gumalaw pa. Gusto niyang umupo na lang sa isang tabi at ibuhos ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman.

Pero hindi siya puwedeng umupo sa gilid at umiyak. Kailangan niyang umuwi para kunin ang mga gamit. Babalik siya sa bahay ni Cleevan kahit ayaw niya.

Papalapit pa lang ang sinasakyang taxi sa bahay, nanikip agad ang kanyang dibdib. Parang may kamay na pimupiga niyon. Napakasakit ng puso niya. Nang tumigil ang taxi, saka lang niya napansin na hilam na naman pala sa luha ang mga mata.

Pagkatapos bayaran ang taxi, mabilis siyang naglakad papasok sa bahay. Sinalubong siya ni Ace nang makapasok siya.

“Claria—”

“Don’t talk to me,” sansala niya sa sasabihin nito at nilampasan ang lalaki.

“I have something to tell you.”

“Wala akong pakialam.”

Tuloy-tuloy siyang naglakad papunta sa hagdan.

Nang makapasok sa loob ng kuwarto, parang sinakal ang puso ni Claria. This room held a lot of memories—good and bad. Marahas niyang pinahid ang luha at pumunta sa walk-in closet. Kinuha niya ang travelling bag at mabilis na inilagay doon lahat ng damit at gamit.

Isinara niya ang zipper ng travelling bag nang mapuno iyon ng gamit. Pagkatapos, lumabas siya ng kuwarto dala-dala iyon. Nang makababa sa hagdan, agad niyang nakita si Ace na nakatayo sa nakabukas na pinto ng bahay.

“Please, Claria, just give me one minute to talk. I have to tell you something.” May halong pagmamakaawa ang boses nito.

Ipinilig niya ang ulo. “I’m in a hurry.”

“Hindi mo kailangang magmadali. I called Cleevan’s secretary, nasa opisina pa si Cleevan at parang wala raw sa sarili. So please, give me a minute.”

“I don’t care about Cleevan—”

“You should. Know why?”

“Why?” she asked dryly.

“Because all those monstrous things he did … he did that so he could have you.” Lumapit si Ace sa kanya. “Bago mo isisi ang lahat kay Cleevan, puwede bang isipin mo muna kung ano ang mga ginawa niya para sa `yo?”

“The end doesn’t justify the means,” walang emosyong sabi niya. “At saka, hindi na magbabago pa ang isip ko. Aalis ako. Iiwan ko ang kapatid mo na ipinakulong ang tatay ko. Alam mo ba kung gaano kasakit `yon para sa isang anak na makulong ang ama niya? Akala ko, kaya kong tanggapin ang sekreto ni Cleevan. Pero hindi pala. Hindi ko kayang makisama sa lalaking nagpahirap sa pamilya ko. I would do anything for our marriage to be null and void—”

“You don’t have to do that.”

“I do.”

He sighed. “Okay. Hindi kita pipiliting manatili. Just give me one minute to tell you another secret.”

Tumawa siya nang mapakla. “Another one? Balak mo bang pira-pirasuhin ang puso ko na dati nang pira-piraso? Tama na, Ace! Hindi ko na kaya. Masyado nang masakita, eh.”

“Just hear this one out.”

Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga at humalukipkip. “Sige. Tell me. Just make it quick. Aalis na ako.”

Huminga muna nang malalim si Ace bago nagsalita. “You’re not actually married to Cleevan.”

Dahan-dahang umawang ang labi ni Claria nang unti-unting mag-sink in sa isip ang sinabi nito. “A-ano? I-imposible! I signed a marriage contract—”

“Hindi umabot sa city hall ang dokumentong `yon. Paglabas ng dokumentong iyon sa bahay n’yo, pinunit na iyon ni Cleevan. See? Hindi kayo kasal. No need to make your marriage null and void.”

“Bakit niya pinunit?” naguguluhang tanong niya.

Nagkibit-balikat ito. “I don’t know. I asked him once, he didn’t answer me. Sabi niya, tanging ikaw lang ang puwedeng makaalam ng sagot sa tanong na iyon.”

Bumuga siya ng hangin atg ihinilamos ang dalawang kamay sa mukha. Gulong-gulo na siya. Hindi na niya alam kung ano ang paniniwalaan at kung ano ang susundin. Her mind was shouting for her to leave Cleevan and never come back. But her heart was shouting for her to stay. She was so confused!

“You’re free to leave, Claria.” sabi ni Ace. “But before you go, I advise you to go to Cleevan’s office—”

“No. Hindi na ako babalik do’n.”

“I wasn’t talking about his office in Sudalgo Corporation; I was talking about his office here.” Itinuro nito ang maliit na pasilyo na nasa kanang bahagi ng second floor. “At the end of that hallway lies Cleevan’s office. Nasa `yo na kung pupuntahan mo.” Kinuha nito ang kamay niya at may inilagay na susi doon. “It’s up to you.” Pagkasabi niyon ay umalis na ito.

Matagal na nakatingin si Claria sa pasilyo na tinutukoy ni Ace bago nakapagdesiyon. Iniwan niya ang travelling bag sa sala at naglakad papunta doon. Nang makarating, agad niyang nakita ang pinto ng opisina ni Cleevan.

Mabilis siyang naglakad palapit sa pinto at ipinasok ang susi sa keyhole at pinihit iyon pabukas.

Napakagat-labi siya nang makaramdam ng kaba. Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto at pumasok. Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng opisina. Wala namang kakaiba sa loob gaya ng nasa isip niya. It was just a normal office of a businessman.

Lumapit si Claria sa mesa na nasa gitna at umupo sa swivel chair. Bumaba ang tingin niya sa drawer na nasa kanyang harap. Her curiosity was piqued. Hinugot niya pabukas ang drawer habang tahimik na nagdasal na sana ay hindi iyon naka-lock.

Isang tipid na ngiti ang lumabas sa mga labi niya nang mabuksan iyon.

Nagmamadali siyang hinalungkat ang laman ng drawer. Natigilan siya sa paghalungkat nang may nabuksang folder at panay picture niya ang laman niyon. Umawang ang kanyang bibig sa nakita.

Isa-isa niyang tiningnan ang mga picture. All of it were stolen pictures of her. Napaawang uli ang kanyang bibig nang makita na may picture din noong nasa US siya at nag-aaral. Pati noong nagkatrabaho siya. She should find this creepy but her heart was feeling insanely different. Pakiramdam niya, kahit paano, nabawasan ang sakit na nararamdaman.

Cleevan must be a cold-hearted man who put her father in jail. But he was also the man who cared and loved her too damn much! And seeing this picture, he could pass up as her stalker.

Ibinalik niya ang mga picture sa folder at ibabalik na sana iyon sa drawer nang may mahagip ang kanyang tingin. Kinuha niya ang ilang pirasong papel na medyo may-kalumaan na at binasa kung ano ang mga iyon.

Bumilis bigla ang tibok ng puso niya habang isa-isang binabasa ang mga sulat ni Cleevan.

July 7, 2004

Hey, Clarianette

It’s me, Cleevan. Do you remember me? Of course you don’t. I’m just the boy who loves you from afar. It’s not really a big deal for you, but for me, it is.

Today is the first day of your senior high school and I just want to say good luck. I wish to see you and tell you about our father’s deal but it’s not time yet. Have a nice day ahead.

Love,

Cleevan

September 22, 2004

Hello, Clarianette. Today is your birthday. Happy birthday! Hindi ko kayang ibigay sa iyo nang personal ang regalo ko dahil alam ko namang hindi mo ako kilala. Baka isipin mo pa na ang weirdo at creepy ako. Kaya naman ipapadala ko na lang kay Daddy ang regalo ko sa `yo. Sana magustuhan mo ang necklace. Pina-personalize ko pa ang pendant niyan kasi alam ko kung gaano mo kagusto ang mga personalized na pendant. Sana talaga magustuhan mo.

Love,

Cleevan

January 19, 2005

Dear Nett,

Okay lang ba na tawagin kitang Nett? I know, I know, feeling close. But I like Nett. It’s not mouthful. Well, I’m writing to you again. Hindi ko nga lang alam kung may lakas ako ng loob na ibigay o ipadala ito sa `yo. I have two letters now but I don’t have the courage to mail it to you. Nagpaplano pa lang ako na ipadala sa `yo, kinakain na ng kaba ang buo kong pagkatao.

Pero ngayon, lalakasan ko na ang loob ko. I need to mail this letter to you. Aalis na kasi ako. Pupunta na ako sa US. I realize that, I won’t torture myself by staying here in the Philippines and seeing you happy with Lance, your boyfriend. Yes, I know his name. Kasi minsan ko nang ginusto na ipa-assassinate siya para masolo kita. Pero naisip ko, baka kamuhian mo ako. Kaya naman, pinaimbestigahan ko siya and it turns out na okay naman siya. Magiging masaya ka sa kanya. Mabuti na rin siguro iyon. May mag-aalaga sa `yo habang wala ako.

This is me, saying good-bye. For now…

Love,

Cleevan

March 29, 2005

Nett, I need you. Hindi ko na kaya ang sakit. I need someone to hold me and tell me that everything is going to be all right. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayong patay na ang mga magulang ko. I don’t know where I stand; I don’t know where I’m going to start. I’m lost, Nett. I don’t know where to go. I need you here, with me. I really need you, Nett. I feel so alone and I’m scared. I feared for my future and my brothers’.

If I send this letter to you, I wonder if you would actually care. I wonder if you would come to me and hug me and tell me that everything is going to be okay. I wonder if you would stay with me to guide me until I know where to go again. Pero kahit paulit-ulit kong sabihin sa sarili ko na may pakialam ka sa akin, alam kong wala. Ni hindi mo nga ako kilala. Niloloko ko lang ang sarili ko sa pag-iisip na darating ka at sasabihin mo na magiging maayos din ang lahat.

It pains me to think that you don’t actually care, that you won’t waste your time in such trivial matters. But even if my heart is clenching in pain right now, I have to be strong… stronger than anyone in this world. I have to stand on my own two eet because no aid will come. No one cares…

This may be my last letter to you. I just want to say that I love you. Kahit man lang sa sulat, masabi ko.

Love,

Cleevan

Napatigil sa pagbabasa si Claria nang maradamang basang-basa na ang pisngi sa mga luha. Walang ingay siyang humihikbi habang nagbabasa. Hindi niya akalain na ganoon ang naramdaman ni Cleevan nang mawala ang mga magulang nito. She thought he did not care… but she was wrong.

Kinagat niya ang ibabang labi nang maradamang tumulo na naman ang mga luha. Mabilis niyang tinuyo iyon at muling ibinalik ang atensiyon sa binabasa.

May 20, 2007

Nett,

The sky is so dark. It suits my mood today. I feel the darkness in me. I thought I’d be happy if you become my wife, but I’m not. Because I know, it’s against your will. It was so stupid of me to think that somehow, a miracle would happen between us. But I guess I’m just hoping against hope.

I’m fucking hopeless and pathetic!

But even though I hate hoping, still, I want to hope that someday, your heart and soul will be mine. I’m hoping… that you’ll love me, too.

Always loving you,

Cleevan

Iyon ang huling sulat ni Cleevan. It was dated May 20. Iyon ang petsa kung kailan siya pumirma ng marriage contract.

Mayamaya, isang humahangos na Cleevan ang pumasok sa kinaroroonang opisina na ikinagulat niya.

“Don’t leave me!” sigaw nito.

Her heart yearned for him. “Cleevan…”

“Huwag mo akong iiwan. Please… Nagmamakaawa ako, Nett.” Lumapit ito sa kanya at lumuhod sa harap niya. “`Diba sabi mo kahit ano’ng malaman mo tungkol sa akin o kahit gaano pa iyon kasama, hindi mo ako iiwan? Nett, nangako ka sa akin. Pinanghawakan ko ang pangako mong iyon kaya please, tuparin mo. Mahal na mahal kita. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka. Mababaliw ako. Pease, Nett, stay. Stay with me. Please…” Tear escaped his eyes and it clenched her heart to see the man she loved cry. “I’m sorry if I did those awful things to your family—”

“Stop.”

Sadness and pain dawned on his face. “Iiwan mo ako…” Napasalampak ito ng upo sa sahig at tumingala sa kanya. Bakas ang takot at sakit sa mukha nito. “Bakit mo ako iiwan? Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko sa `yo? Hindi pa ba sapat `yon? Nett, I know I’ve made mistakes, a lot of them, but I can’t change them now. If I could, I would in a heartbeat. But I cannot turn back the time and changed them.” Walang emosyon itong tumawa. “Hindi mo ba ako mahal? Ayaw mo na ba talaga sa akin?”

Dumukwang siya palapit dito at hinaplos ang pisngi nito. “I was planning to leave for New York today—”

“Was?” Hope was sporting on his face.

“Yes, I was. But my plan changed.” She wet her dry lips using her tongue. “Ayokong umalis. Maybe because I want to keep my promise to you, but we have to get this straight.” Tumingin siya sa mga mata nito. “I’m staying because something in me wanted to stay. But I’m no longer your wife. And for the meantime, I will stay at my parents’ house.”

Bakas sa mukha ni Cleevan na hindi sang-ayon sa sinabi niya. Pero tumango ito. “Okay. That’s good enough for me.”

She gave him a tight smile. Then, she stood up and was about to leave the office when he heard Cleevan talk.

“I love you, Nett.”

She looked at him softly. “I f still feel the same way. But it still hurts like a truck mowed me over. I need time to think. I need space.”

Lumabas si Claria sa opisina at kinuha ang travelling bag na iniwan sa sala. Pagkatapos, lumabas siya ng bahay.

Sa bahay muna siya ng mga magulang titira habang naguguluhan pa ang kanyang isip at puso.