lookupnovel logo lookupnovel
Romano (Kristine Series 13)

Chapter 5

Ch. 5 / 10 Nov 28, 2025

Chapter 5

Chapter Five

T

ULOY-TULOY

na sana ang dalaga sa elevator nang may pamilyar na tinig na tumawag sa kanya.

“Bobbie?”

Lumingon si Bobbie. “Derick...” manghang usal niya. Agad na naghinalang sinabi ng mama niya na narito siya.

Lumapit sa kanya si Derick at hinawakan siya sa braso at inakay sa tabi. Nakaharang sila sa pumapasok sa elevator.

“Ano ang ginagawa mo rito?” tanong nito. “Kahit ano ang pilit kong tanong sa mama mo’y hindi niya sinabi kung saan ka nagpunta. Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa akin?” Pagtataka at hinampo ang nasa tinig ng lalaki.

“I-ikaw, ano ang ginagawa mo rito?” Hindi halos magdaan sa lalamunan niya ang tanong.

Lumingon ito sa reception. “May mga importanteng bisita si Vivian—Mrs. Delgado na dumating galing Australia. Pinauna niya akong samahan ang tatlo dito. Commencement exercise ng bunsong anak niya ngayong gabi.”

“I see,” matabang niyang sabi. Hindi alam kung paano kikilos at kung paano uusigin ang kasintahan tungkol sa nakita niya.

“Bakit hindi ka nagsabing pupunta ka rito, Bobbie?” ulit na tanong nito. “Bakit hindi mo gustong ipaalam sa akin?”

Itinaas niya ang mukha. “T-tinatapos ko na ang lahat sa atin, Derick.”

“What?” Nagsalubong ang mga kilay nito at humigpit ang pagkakahawak sa braso niya. “Ano ang sinasabi mo?”

“I’m sorry, Derick,” aniya sa nagbabarang lalamunan. Hindi niya inaasahan ang sandaling ito.

“But why?” Hindi maipinta ang mukha nito. “Bakit biglang-bigla? Ano ba ang problema?”

“Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?” wika niya sa matalim na tinig. “Anyway, gusto ko lang ipaalam sa iyo na nasa opisina mo ako noong Mierkules, bandang alas-sais ng hapon...” Kitang-kita niya ang pagkawala ng kulay sa mukha nito. Lumuwag ang pagkakahawak sa braso niya. Sinamantala niya iyon upang gamitin ang hagdan sa pagpanhik.

Akma siyang hahabulin ni Derick subalit narinig niyang tinawag ito ng isa sa mga kasama. Nakahinga siya nang maluwag at binagalan ang pagpanhik sa itaas.

Magkasamang hingal sa pagpanhik at pagkahapo sa nangyayari ang nadama ng dalaga. Ano bang klaseng bakasyon itong ginawa niya?

Hindi siya nananghalian nang araw na iyon. Hindi niya gustong makita si Derick sa dining room. She hated the confrontation. Inubos niya ang maghapon sa pagtulog. Bandang alas-sais ng gabi nang may kumatok sa silid niya. Binuksan niya ang pinto. Nakatayo sa labas si Derick.

“Sino sa mga big boss ang kaibigan mo at narito ka sa VIP?” tanong nito sa nag-aakusang tinig.

Akma niyang isasara ang pinto subalit nakapasok na ito.

“Ano ang kailangan mo, Derick?”

Nagbuntong-hininga ang lalaki at naupo sa naroong couch. “Dine with me, Bob, and let’s talk...please.”

“No.”

“Gusto kong magpaliwanag. Siguro naman ay entitled ako roon, `di ba?” pakiusap nito.

Hindi siya kaagad nakakibo. “Ano pa ba ang dapat mong ipaliwanag? Nakita ko kayo,” she accused bitterly.

“Yes. Para ano para tumanggi? But will you let me explain and listen to my side?” Nang hindi siya sumasagot ay idinagdag ng binata. “Please, Bobbie. Hihintayin kita sa dining room ngayon.” Tumayo ito at lumakad patungo sa pinto. “Kahit abutin ako roon ng hatinggabi,” panghuling sabi nito bago lumabas at kinabig ang pinto pasara.

Nalilitong naupo sa gilid ng kama ang dalaga. Ano pa ba ang maaaring ipaliwanag nito? Siguro nga’y wala na kung punto de vista niya ang pag-uusapan. Pero ang kabilang isip niya’y nagsasabing may karapatan itong maghayag ng panig at walang masama kung pakikinggan niya.

Pumasok siya sa banyo at naligo. Pagkatapos patuyuin ang buhok ay nagbihis. Isang haltered minidress ang suot niya, in chocolate brown. Inilagay sa mga tainga ang pearl earrings na siyang tanging alahas na suot maliban sa graduation ring niya. At lumabas ng silid.

Ilang sandali pa’y hinahanap na ng mga mata niya si Derick sa dining room. Nasa isang sulok ito at kinakawayan siya.

Tumayo ito at hinila ang upuan niya. “That’s a retro, Bobbie,” bati nito sa damit niya. Nasa mga mata ang paghanga. “And you look gorgeous.”

“Thank you,” pormal ang tinig niya.

Kinawayan ni Derick ang waiter. “Ano ang gusto mo?

“Nothing heavy. Soup and vegetable salad is fine. And fresh orange juice.”

Iyon ang ibinigay ni Derick sa waiter. Ganoon na rin ang inorder nito at beer. Pagkaalis ng waiter ay binuksan ni Bobbie ang bag at may kinuha roon. Inilagay iyon sa harap ni Derick.

“I am giving you that ring back,” marahang sabi niya.

Napapikit ang lalaki. Tumingala sa kisame at humugot ng malalim na paghinga. Pagkatapos ay muli siyang tinitigan.

“Nagkasala ako, inaamin ko. But please try to understand, Bobbie...”

“Out of curiosity, sino ang babaeng iyon, Derick?” tanong niya sa malamig na tinig.

Bahagyang nangunot ang noo nito. “You didn’t recognize her?” Hindi siya sumagot at nakatingin lang dito. Inihilamos ni Derick ang kamay sa mukha bago muling nagsalita. “Si—Vivian Delgado...”

“W-what?” Nanlaki ang mga mata ni Bobbie. Napatuwid ng upo.

Tumango ang lalaki. “Iyan ang gusto kong ipaunawa sa iyo, Bob. She’s been after for some time....”

“I don’t believe you,” pailing niyang usal. “S-she’s married! At ayon sa iyo’y bukas pa siya pupunta rito dahil sa commencement exercise ng anak niya, then she must be a good mother...”

Hindi muna sumagot si Derick dahil sa paglapit ng waiter dala ang order nila. At nang mailapag na ang mga ito’y saka nagpatuloy.

“She appears to be an ideal wife and mother to her grown-up children. Pero hindi nangangahulugan iyon na hindi niya ako tinutukso. Sa ibang pagkakataon ay ginagamit niya ang pagiging kaakit-akit pa rin niya. In some times, she pressured me...”

Nanlumo ang dalaga. Hindi malaman ang iisipin. Mahabang katahimikan ang namagitan. Si Derick ang bumasag niyon.

“At hindi ko inaasahan ang pagdating niya kahapong nag-o-overtime kami ni Mylene. Agad niya itong pinauwi.”

m

alungkot na umiling ang lalaki. “Sa mga nagdaang pagkakataon ay nagagawa ko siyang iwasan, Bobbie. Pero hindi sa partikular na araw na iyon. Nawawalan ako ng tiwala sa sarili dahil sa... sa nangyari sa atin sa apartment ko...”

t

inangka ng dalagang magsalita subalit pinigil siya ni Derick. “Hindi dahil sinisisi kita, Bobbie. But I am only a man. May pangangailangan ako at inabutan ako ni Vivian sa panahong ipinagkait mo sa akin ang sarili mo...”

“At ako ang sinisisi mo?” Napadukwang siya sa mesa upang marinig ni Derick ang sinasabi niya. “I—thought you said you understood.”

Banayad na tumawa ang lalaki, patuya, para sa sarili. “Sinisikap kong maunawaan, Bobbie. To give yourself to me on our wedding night is kind of romantic... and lovely. I’d like that too. Pero napakahirap niyon para sa akin. I am a healthy man and you are my girlfriend. We kissed, we touched and yet...”

Hindi makapagsalita si Bobbie. Hindi mapalagay sa sinasabi nito. Ipinahihiwatig ng mga salita nito na kung nagkasala man ito’y dapat din siyang sisihin. Nakadama siya ng bahagyang guilt. Bakit nga ba

kailangang pangatawanan niya ang paniniwalang iyon? Hinahayaan niya si Derick na hagkan at hawakan siya subalit hanggang doon na lamang at totoong nahihirapan nga ito sa maraming pagkakataon.

Pero pinalaki siya ng mga magulang sa konserbatibong paraan. Na ang sex ay para lamang sa dalawang may basbas ng kasal. At wala siyang natatandaang ginawa niyang issue sa mga magulang iyon. O suwayin kaya ang mga ito dahil hindi naman nito malalaman kung makikipag-sex siya sa mga naging boyfriend niya. Pero hindi kaya ng moral niya iyon. Natanim iyon sa puso at isipan niya. Nagkaugat at tumubo. Hindi niya alam kung paano bubunutin iyon.

At magandang lalaki si Derick. Hindi ilang kababaihan sa opisina ang alam niyang may gusto rito noong panahong nag-o-OJT siya. Hindi lang siguro si Mrs. Delgado ang tumutukso rito.

Inabot ni Derick ang palad niya. “I’m sorry, Bob, kung nasaktan kita...”

“I’m sorry, too, Derick. Pero hindi na magbabago ang isip ko. It’s over.”

Nanlaki ang mga mata ng lalaki. “You can’t mean that, Bobbie,” protesta nito.

“Ikinalulungkot ko.”

i

niatras niya ang silya at tumayo. “Babalik na ako sa silid ko.”

“Please,” pakiusap ng lalaki. “Hindi pa natin nagagalaw ang pagkain natin. Maupo ka at kumain tayo. Kalimutan muna natin ang nangyari. You can at least pretend, can’t you?”

Alanganin siyang tumango at muling naupo. Inilatag niya ang napkin sa harap at nagsimulang kumain. Ganoon din si Derick. Sa loob ng sumunod na mga sandali’y nag-uusap sila nang kaswal. Niyaya pa siya nito sa disco nang matapos silang kumain pero tumanggi siya. Inihatid siya nito sa fourth floor.

“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kung bakit narito ka sa VIP rooms...” wika nito nang ipinapasok niya ang susi sa keyhole ng pinto. Banayad na galit at malisya ang nasa tinig nito.

“There was no available rooms when I arrived. Ang gift certificate ko ay galing sa miyembro ng pamilya ng may-ari ng hotel. She gave it to my mother months ago...”

Nagliwanag ang mukha ni Derick sa sinabi niya.

“Goodnight, Derick...”

s

umulyap siya rito bago binuksan ang pinto.

Hinawakan siya ng binata sa braso. “We’ll talk again, Bobbie. Ayokong tapusin ang lahat sa atin nang ganito na lang. At gusto kong isaisip mo lagi na mahal kita.”

Hindi siya kumibo at pumasok na sabay pagsara sa pinto. Kinapa ang switch ng ilaw at binuksan iyon.

“Back to Derick’s arms, sweetheart?”

Napasinghap siya nang malakas sa gulat. Nakahiga si Romano sa kama. Nakaunan sa mga braso. Ibang kulay na ang kamiseta pero suot pa rin ang jacket. Ang maong ay mas luma pa kaysa suot kaninang umaga at rubbershoes na walang pakialam kung sumayad man sa malinis na beddings.

Ipinagkrus niya ang mga braso sa dibdib at sumandal sa pinto. “I’d really want to scream. But I doubt if it will affect you,” aniya na nagpipigil ng galit. Nakalimutan na yata ng lalaking ito ang ibig sabihin ng salitang

‘privacy.’

“You’re absolutely right,” banayad na sagot ng binata pero iba ang ibinabadya ng mga mata nito. “You can shriek to your heart’s content, sweetheart, pero hindi ako lalabas sa silid na ito hangga’t hindi tayo nagkakaliwanagan.”

Lahat ng pagpipigil sa sarili’y unti-unting inipon ni Bobbie sa dibdib. And he’s right, hindi ito maliligalig kahit na magalit pa siya. Gagalitin siya nitong lalo. Derick would probably concede but not this arrogant man.

“Come and sit here.”

i

tinuro ni Romano ang tabi ng kama. “And let’s talk.”

“I–I’d rather sit here.”

h

umakbang siya patungo sa couch at naupo. “Hindi kita naiintindihan, Romano. Ano ba ang dapat nating pag-usapan? We’ve never met until a few days ago pero kung magsalita ka’y para tayong may relasyon.”

“Ipusta mo iyan,” he said and smiled arrogantly. “At huwag mong pagdudahan iyon. I know you like me.”

Pinigil niya ang paghugot ng hininga at sa patuyang tinig ay: “Ganoon kalaki ang tiwala mo sa sarili mo?”

Hindi sinagot ni Romano iyon, sa halip ay: “Sinundan ka ba ni Derick dito o tinawagan mo siya?”

t

ila patalim na humihiwa ang tinig nito.

“Bakit mo alam na narito si Derick at paano mo nalamang—”

i

winasiwas niya ang kamay at umiling. “No... no. Don’t answer that. Stupid question.”

“You came here to mend a broken heart, ganoon ba?” tudyo nito. “How and why. Start from the very beginning.”

Gusto niyang isigaw na wala itong pakialam but still he will have his way. Kung bakit niya pinahihintulutang gawin nito iyon sa kanya ay hindi pa rin niya maintindihan.

“Last sembreak ay nag-OJT ako sa Delgado Tours for two weeks. We—we were attracted to each other. Naging mag-boyfriend kami sa loob ng anim na buwan. The night before you saw me, he made our engagement formal by giving me a ring...”

h

uminto siya roon pero hindi kumibo si Romano at nakatitig lang. Nakikinig.

At tila agos ng tubig na tuloy-tuloy niyang sinabi rito ang sumunod na pangyayari.

“Who was the woman? Kilala mo ba?” tanong nito makalipas ang ilang sandaling katahimikan.

Umiling siya. Hindi niya kayang sabihin dito ang sinabi ni Derick na si Mrs. Delgado iyon. Ni hindi nga niya gustong maniwala na ang socialite ang kasama nito nang hapong iyon. Pero nagpatianod siya dahil hindi naman punto kung sino ang kasama nito kundi bakit nito ginawa iyon.

“Ano ang ginagawa niya dito? Sinundan ka ba niya?”

“Hindi niya alam na narito ako. Nagkataong nakita niya ako sa lobby kaninang umaga. May dala siyang mga bisita ni Mrs. Vivian Delgado.”

“Ano ang gusto niya? O kaya ko nang hulaan iyon?” sarkastikong sabi ng binata.

Hindi siya sumagot.

Napabangon si Romano sa pagkakahiga. “Iyon lang at magkasama na naman kayo ng ilang oras ngayong gabi pagkatapos ng ginawa niya sa iyo? Do you really love him that much at nadala ka na naman sa mga magagandang salita?” Malakas ang buntong-hiningang ginawa nito. “Samantalang kahapon pa kita inanyayahang sumama sa aking maglibot sa buong Paso de Blas pero ayaw mo?” Sa pagkakataong iyon ay hindi ikinaila ng binata ang iritasyon. “I am offering what we don’t extend to our paying guests!”

“Oh, thank you, I’m honored,” tuya niya. “I’d rather be with Derick!”

“Why?” singhal nito. Hindi siya sumagot. “Damn you, answer me!”

Bahagya siyang kinabahan sa galit na nasa mga mata nito. Tumaas ang dibdib niya sa paghinga ng malalim.

“Kilala ko si Derick. And I–I feel comfortable with him. He... d-doesn’t make me feel...”

h

indi niya alam kung paano dudugtungan ang sinabi. Sa ilalim ng mga mata niya’y nakita niyang tumayo si Romano at lumapit sa kinauupuan niya.

Umikot ito sa may likuran niya at naramdaman niya ang mga kamay nito sa likod ng sandalan ng silya. At saka yumuko. Nararamdaman niya ang hininga nito sa may tainga niya.

“Feel like what? Iyong parang may paruparo sa sikmura mo everytime I’m near? Iyong gusto mong ipaubaya sa akin ang sarili mo at hayaang hagkan kita hanggang sa pareho tayong pangapusan ng hininga?”

She was shocked. Nanlalaki ang mga mata niya. Guilt flooded all over her face and was glad na nasa likuran niya ang binata at hindi nakikita ang mukha niya.

“I–I didn’t say that!”

“Your face tell tales, sweetheart,” ani Romano na muling yumuko and brushed his lips against her temple that she couldn’t control her shivers.

He chuckled softly. “See what I mean? And that’s because there’s this spark between us. At hindi mo nararamdaman kay Derick iyon kaya sa palagay mo’y safe ka sa kanya, `di ba?”

“You’re being ridiculous!” Padabog siyang tumayo. Subalit nahawakan ni Romano ang mga balikat niya sa likod at iniupo siya pabalik sa sofa.

“Let’s be honest with each other, sweetheart,” patuloy ni Romano. “Gusto mo ako at gusto rin kita. So chuck him totally. We can make beautiful music together.”

“For pete’s sake! Paano mong nasasabi iyan when we’ve never met until a few days ago!”

“Does it take forever for two people to get attracted with each other?” He softly combed her hair with his fingers. “There’s something between us, sweetheart. Aminin mo.”

“Oh, yes. Something’s between us. An ocean!”

“Touché.” He laughed softly.

She stiffened nang sakupin ng dalawang kamay nito ang buhok niya at banayad na hinila patalikod sanhi upang mapatingala siya. Pumakabila sa likod ng sandalan ng couch ang buhok niya at napahilig ang ulo niya sa ibabaw nito. Nakatitig siya sa baliktad na mukha ng binata na unti-unting yumuko. Hahagkan siya nito at wala siyang magawa. At sa kaibuturan ng isip niya’y hindi niya gustong pigilin ang gagawin nito.

Tila may dila ng apoy ang nagdaan sa katawan niya sa unang haplos ng mga labi nito sa mga labi niya. She closed her eyes. His tongue swirled deep into her mouth. She had never known anything like this before. A kiss must not left her helpless and weak, pero iyon ang nangyayari.

Mula sa mga balikat niya’y unti-unting bumaba ang mga kamay ni Romano sa dibdib niya... slowly...inside her dress... his hands hot on her skin. Hanggang sa matagpuan ng mga kamay nito ang hinahanap. She moaned at inabot ng mga kamay ang mukha ng binata. Kumikiliti sa palad niya ang stubbles nito.

Sa pakiramdam niya’y nakasakay siya sa roller coaster dahil naliliyo siya. May kung anong pinukaw si Romano sa katawan niya na kung ano man iyon ay gustong mag-umalpas. She could feel that deep, aching hunger inside her. At kinatatakutan niya iyon. Hindi niya iyon kayang pakibagayan.

At alam niyang iyon din ang nararamdaman ng binata. He was breathing raggedly, he was kissing her with wild passion.

“R–Romano...”

“Hmn...” he murmured in her lips.

Ano ba ang sasabihin niya? Gusto ba niyang huminto sa paghalik ang binata at sa ginagawa ng mga kamay nito sa dibdib niya? Nagsimula siyang mag-panic.

Naramdaman ni Romano ang biglang pag-aatubili niya. Nag-angat ito ng mukha at sandali siyang tinitigan. Pagkatapos ay nagpatihulog sa sofa patuloy sa carpet.

She felt relief and bereft at the same time. She could still feel the aching heat in her belly. Inayos niya ang upo. Si Romano’y hindi kumikilos sa pagkakahiga. Tumaas-baba ang dibdib sa pagkakatitig sa kanya.

“Ano ang problema?” tanong nito sa tinig na may bahagyang panunudyo.

“N–nothing... l-lumabas ka na...”

s

unod-sunod ang ginawa niyang paghinga. “Iwanan mo ako, please...” nagpa-panic niyang pakiusap.

“Alright, calm down,” matabang nitong sabi. “Wala akong natatandaang may pinilit akong babae sa buhay ko.” Tumayo ito at naupo sa harap niya. “When we make love it should be in reckless abandon. Iyong walang reservation. Iyong walang sisihan

pagkatapos.”

d

umampi ang mga labi nito sa tuhod niya and moved upward slowly. She bit her lower lip upang hindi mapasigaw. A moaned came out instead.

Nag-angat ng mukha ang binata, twisted a corner of his lips in a mocking smile. “There’s a chemistry between us, at napatunayan ko sa iyo iyon, sweetheart.”

Nairita siya roon. Sa nanlalambot na mga tuhod, tumayo at humakbang patungo sa pinto at binuksan ito. “So you’ve proved your point. You can melt me in your arms. So get the hell out of here, lover boy. Ayoko ng casual affair!”

Romano smiled lazily at tumayo na rin. Lumakad patungo sa pinto. Huminto sa harap niya. “What do you want? A wedding ring on your finger?” He utterred a mocking groan. “Forget about that, sweetheart. You’re not ready for that. At lalong hindi ako,” at hinapit siya nito mula sa likod and kissed her nape. “But we’re ready for this.”

“Bitiwan mo ako!” Sinikap niyang magpumiglas subalit mahigpit ang pagkakayapos nito sa baywang niya mula sa likod.

And she could feel the male power nang sadyain nitong idikit siya sa ibabang katawan nito. Patuloy siya sa pagpumiglas nang yumuko si Romano at ibinaon ang mga ngipin sa balikat niya. She cried softly in pain. Then closed her eyes in pure feminine submissiveness. Her head tipped back against his shoulder as his hand moved to her breast and kneaded them softly.

And when she thought she was lost, binitiwan siya ng binata. Hinawakan sa mga balikat at iniharap.

“See what I mean?” tudyo nito. “That’s all for now. I know you’re tired.” At humakbang ito palabas.

“Bastard!” she hissed.

Narinig niya ang tawa nito habang lumilipat sa kabilang silid. Ibinagsak niya ang pinto pasara.