lookupnovel logo lookupnovel
Romano (Kristine Series 13)

Chapter 9

Ch. 9 / 10 Nov 28, 2025

Chapter 9

Chapter Nine

“A

NO

ang

gusto mo, Bobbie?” tudyo ni Romano at pinakawalan siya. “A wedding ring?”

Ipinagkrus niya ang mga braso sa dibdib dahil may palagay siyang biglang lumamig nang pakawalan siya nito.

“May masama ba roon?” Itinaas niya ang mukha. “I don’t go for casual affair, Romano. Sinabi ko na sa iyo iyan, `di ba?”

“Hindi rin ako ang lalaking nakahandang magpakasal sa kahit na kaninong babae, sweetheart.”

h

e twisted one corner of his lips in a dry smile. “But I want you.”

“Oh, I want you too.”

s

he raised her face with dignity. “At alam kong alam mo iyan. And you can seduce and command my body to sleep with you. Pero katawan ko lang, Romano, and I will be hating myself afterwards. Kaya hanggang kaya kong iwasan ka’y gagawin ko.”

“And what about Derick? He was your lover, wasn’t he? At kaya okay lang sa iyo dahil sinabi niyang pakakasalan—”

“He wasn’t my lover!” singhal niya rito. Pagkatapos ay nagsalubong ang mga kilay nang makitang matiim na nakatitig sa kamay niya ang binata.

Lumapit ito at mabalasik na itinaas ang kaliwang kamay niya. “Ano ito? Ito ba iyong engagement ring niya sa iyo?”

Bigla siyang kinabahan sa tono nito. Nagdilim ang mga mata. “Y-yes.”

“You took him back?” mapanganib nitong tanong.

“H-humingi siya ng tawad sa akin at—”

“Pinatawad mo?”

“I–I was thinking of... giving him a chance...”

“Why?”

“What do you mean why?” naguguluhang tanong niya.

“You don’t love him.”

Naningkit ang mga mata niya. “At ano ang alam mo sa salitang iyan? Ikaw na laruan lang ang gusto sa relasyon?”

“At si Derick?” hamon nito.

“He will marry me.”

“Iyon ba ang sinabi niya sa iyo?”

“Yes!” she hissed.

Nawala ang galit sa mukha ng binata. Pero naroon pa rin ang matiim na pagkakatitig sa kanya. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan bago muli itong nagsalita.

“You don’t know him, sweetheart.”

“Lalo kitang hindi kilala, Romano,” ganti niya. “Mahigit na sa anim na buwan kaming magkakilala ni Derick. Hindi niya itinatangging gusto niyang magtalik kami bago dumating ang araw na pakakasal kami. Pero iginalang niya ang kagustuhan kong ibigay ang sarili ko sa araw ng aming kasal. He never seduced me—”

“Knowing Derick, he did,” agap nito sa nanunuyang tono. “And knowing you too, kaya mo siyang tanggihan... kaya mong pigilin ang mga overture niya. Because his kisses meant nothing to you, sweetheart. You never melt in his arms as you did in mine.”

She was stunned. Nanlalaki ang mga matang nakatingala sa binata, as realization dawned. Totoo ang sinasabi nito. Ilang beses na ba siyang hinagkan ni Derick... niyakap. At kapag dumarating sa puntong gusto nitong lumampas ng higit pa sa halik ay tumatanggi siya. Derick would insist as Romano had. Pero hindi siya kahit kailan nakalimot. Hindi siya kahit kailan natangay. Oh, naroon iyong bahagyang kasiyahang dulot ng halik at yakap at pagdama pero hanggang doon lang.

“He will marry you alright,” patuloy ni Romano na nagpabalik sa isip niya rito. “Ngunit hindi dahil mahal ka niya. Hindi mo kilala ang uri ng pagkatao ni Derick, Bobbie. Isa siyang—”

“Huwag mong siraan si Derick, Romano, dahil lang sa pansariling motibo,” babala niya rito.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Romano. “Hintayin mo ako sandali at magpapaalam lang ako sa loob.”

“Kaya kong umuwing mag-isa...”

Hindi siya sinagot ni Romano pero ang tinging ipinukol sa kanya’y sapat na upang manatili siyang nakatayo roon. Nagbalik ang binata sa loob at kinuha ang susi ng bike sa drawer sa may bar.

“What’s wrong? Naririnig ko kayong nagsisigawan?”

s

i Lenny. “Lost your touch, `insan?” tukso nito.

“She wants diamond rings and wedding bells...” matabang niyang sagot.

“Argh!” Dramatikong hinawakan ni Lenny ang dibdib.

“Mapipikot ka nang wala sa oras, Romano,” biro ni Anton.

“Oh, don’t get her wrong.”

i

winasiwas niya ang kamay. “She didn’t ask me to marry her. But she didn’t want a casual affair either and has been rejecting me since I first met her.”

“So what’s the problem? Maraming babae, lover boy,” malambing na sabi ni Georgie.

“Derick Bustamante’s marrying her.”

“What?” sabay na wika ni Aidan at Lenny. Nakamata lang si Anton na nagkibit ng balikat.

“I’m taking her to his apartment,” ani Romano na lumakad palabas.

“What’s wrong with him?”

s

i Lenny kay Aidan.

“He’s in love,” kaswal na sagot nito.

“So what else is new? He’s always in love!” bulalas ni Anton na itinaas sa ere ang mga kamay. At pagkatapos ay nagtatawang niyuko si Georgie. “Aren’t we, honey?”

“WHERE are we going?” sigaw ni Bobbie sa tainga ni Romano dahil hindi siya maririnig mula sa likod nito.

“Wait and see,” lingon ng binata sa kanya.

Hindi na siya kumibo at hinigpitan ang yakap sa baywang nito. They’re flying. Higit na mabilis ang pagpapatakbo nito ngayon kaysa kanina.

Makalipas ang ilang sandali’y ipinasok ni Romano ang motorbike sa gate ng isang townhouse sa Greenhills na pamilyar kay Bobbie.

“D-dito nakatira si Derick,” aniya.

“I know.” Ipinarada nito ang motorbike sa mismong tapat ng townhouse nito. Naroon ang kotse ng binata at isang itim na Mercedes Benz. Nakaupo sa may gutter ang driver ng Mercedes Benz na tumayo nang makita si Romano.

“Magandang hapon po, sir...” bigay-galang nito. Sinulyapan si Bobbie at banayad na nginitian.

“Papasok kami sa loob, Mang Joaquin,” abiso ng binata sa maawtoridad na tinig. Nakita ni Bobbie ang pag-aalinlangan at takot sa mukha ng matandang driver. “Huwag kayong mag-alala, Mang Joaquin, hindi kayo madadamay.” Nilingon si Bobbie at hinawakan sa kamay. “Let’s get inside.”

“K-kaninong kotse iyon?” Nilingon niya ang Mercedes Benz. “At bakit tayo nagpunta rito?”

“Kay Vivian Delgado ang kotseng iyon at driver niya si Mang Joaquin. At malalaman mo mayamaya kung bakit tayo nagpunta dito.”

Kinakabahan ang dalaga pero hindi makatutol. Tuloy-tuloy sila sa loob ng kabahayan. Walang tao. Tumingala sa itaas si Romano. At pagkatapos ay nilingon siya.

“Nasa itaas sila. Pumanhik ka kung gusto mo,” wika nito sa kanya. “Hihintayin kita dito sa ibaba...”

She was about to say no. Bakit siya papanhik? Kung anuman ang naroon ay hindi niya gustong makita. Nang mula sa itaas ay makarinig siya ng tawa ng isang babaeng tila kinikiliti at hinahabol.

“Stop it, Derick!” tili nito kasabay ng tawa.

Pareho sila ni Romano na nakatingin sa itaas. Mayamaya’y tumakbo sa barandilya ang babaeng nagtitili, walang suot kundi underwear. Kasunod si Derick na nakatapis lang ng tuwalya. Unang nakita ng babae si Romano. Nawala ang tawa nito at nanlaki ang mga mata.

“Don’t worry, Mrs. Delgado. Your secret is safe with me,” wika ng binata na tumingin kay Derick na tila natuka ng ahas pagkakita kay Bobbie. “Pumili na lang kayo ng ibang babaeng maaaring pakasalan ni Derick.”

Hanggang sa makasakay sila sa motorbike at makaalis sa lugar na iyon ay walang salitang namutawi kay Bobbie. She was shock and angry. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa baywang ni Romano at hinugot ang singsing sa daliri at ubod-lakas na itinapon sa kalye.

“Good,” ani Romano at pinabilis ang takbo ng bike.

Inihatid siya ng binata sa bahay nila. Hindi siya pumasok sa kabahayan at nagtuloy sa swing. Sumunod si Romano.

“I’m sorry,” anas ng binata.

“P-paano mong nalaman?”

Huminga ito nang malalim. “Derick is a socialite gigolo, Bobbie. Hindi lang si Vivian ang nahumaling dito. Maraming mayayamang matrona at biyuda. Kliyente ng

d

addy si Mrs. Delgado kaya kilala ko rin. Her husband is almost sixty. They used to come to the island with their three kids until she met Derick. Ibinigay niya kay Derick ang pamamahala sa Delgado Travel and Tours kaya nag-stick sa kanya ito. Vivian bought his townhouse, his car, and everything he owned...”

Napapikit siya roon. “I–inamin niya sa akin ang tungkol kay Mrs. Delgado pero sa ibang kuwento.”

s

he shook her head wearily. “B-but never mind that. He said he’s going to... to marry me,” naguguluhang wika niya.

“Siguro’y totoong pakakasalan ka niya. Hindi ako nakatitiyak. Pero may mga blind item sa society columns tungkol sa kanila at nakakahalata na si Mr. Delgado. It was probably Vivian who instructed Derick to marry you upang tuluyang mawala ang tsismis sa kanilang dalawa. Anuman ang katotohanan, hindi si Derick ang lalaking para sa iyo, Bobbie...”

Marahas siyang nag-angat ng mukha. “At sino, ikaw?” Nasasaktan siya at si Romano ang naroon para sa receiving end ng emosyon niya.

“Sa bibig mo nanggaling iyan.”

“Wala akong balak tumalon sa apoy mula sa kawali, Romano,” nagpupuyos niyang sabi. Masamang-masama ang loob. Gusto niyang maghisterya. Derick could have been deceived her for the second time.

Dumukwang si Romano at itinaas ang mukha niya. “Ang masasabi ko lang sa iyo, sweetheart, ay hindi ko kailanman itinago ang tunay kong intensiyon sa iyo. I have always been very frank with it. I want you. I still do. But sorry, no wedding bells.”

“Go to hell, Romano!”

Tumayo ang binata. “Go upstairs and cry, Bobbie. Hindi masamang umiyak. It will help you feel better. Tatawagan kita bukas...”

“I won’t be around!” pangako niya.

Hinawakan siya nito at itinaas sa pagpipiglas niya. “Don’t think about, Derick,” at saka siniil siya ng halik. Pagkatapos ay iglap ding binitiwan. “I maybe an inconsiderate and selfish brute dahil gusto kong ang halik ko ang pagtuunan mo ng pansin kaysa lalaking iyon.” Muli siyang binitiwan at saka sumaludo. “

Adios

.”

ANG

sumunod

na dalawang araw ay iniukol ng dalaga sa pagpa-practice sa graduation. Hindi tumawag si Romano subalit nagpapadala ng mga bulaklak.

Sweetheart,

You know my number. Tell me if you have changed your mind. The night is getting cold and lonely and my bed is empty.

Romano.

“Flowers again, hija?”

s

i Mrs. Fajardo mula sa likuran niya.

Agad na nilamukos ng dalaga ang card at baka mabasa pa ng ina. Tipid siyang ngumiti upang itago ang inis.

“For all we know, `Ma, isa sa mga pag-aari ng mga de Silva at Fortalejo ay isang flower shop.”

Natawa si Mrs. Fajardo. “I like that boy. Straightforward and honest. How old is he?”

“Twenty-two, I think..”

“And he wants to marry you?”

Mabilis siyang umiling. “He wants to bed me.”

Na-shock ang matanda. “Roberta Lou, ang bibig mo!”

Natawa siya. “Iyon ang totoo, Mama. And you’re right, Romano’s honest,” matabang niyang sabi. “Honest to tell me brutally that he hates wedding bells but would welcome me in his bed.”

Shock na tumalikod ang matandang babae na bubulong-bulong. “Young people today...” pagkatapos ay huminto sa paghakbang at nilingon ang anak. “At ano ang sagot mo?”

She smiled sweetly. “I’m tempted.”

Nanlaki ang mga mata ni Mrs. Fajardo. “Don’t you dare!”

GABI ng graduation niya. Tinanggap ni Bobbie ang karangalan bilang cum laude.

“Congratulations, hija,” wika ng matandang babae.

“Thank you, `Ma.”

t

umingin siya sa paligid. Ewan kung bakit umaasa siyang dadaluhan ni Romano ang pagtatapos niya.

“Are you looking for him?” tanong ng ina.

“Him who?” pagkukunwari niya.

Umiling ang matandang babae. “Sinabi niyang hihintayin ka niya sa parking lot.”

Nanlaki ang mga mata niya. “Nandito siya, `Ma?”

“Oh, yes. Mula sa simula hanggang sa matapos. Siya sige, ipinagpaalam ka na niya sa akin.”

Mabilis siyang kumawala sa ina at halos takbuhin ang parking lot. Hinanap sa malamlam na ilaw ang motorsiklo nito subalit pulos kotse ang naroon. Nang mula sa kung saan ay dalawang braso ang humapit sa kanya mula sa likod at iniangat siya sa lupa.

Napasigaw ang dalaga.

“Hey, it’s just me,” nakatawang sabi ni Romano. Pinaghahagkan siya sa batok. “Hmn... Poison...” pagkilala nito sa pabango niya.

“Ibaba mo ako, ano ba!” sigaw niya. “Papatayin mo pa ako sa takot.”

Nagtatawang ibinaba siya ng binata. “`Ayun ang kotse ko. Tara doon.” Hinila siya nito patakbo sa nakaparadang Volvo. Binuksan ang pinto at pinapasok siya. Umikot ito sa driver’s seat at sumakay.

“Congratulations,” nakangising wika ng binata. “At hubarin mo iyang toga mo. Naiinitan ako.”

Sumunod siya. Kinuha iyon ni Romano at inihagis sa likod ng sasakyan. “Thank you for coming,” nakangiting wika niya rito. “I really appreciated it. Thank you for the flowers too, they’re lovely.”

“The messages are even lovelier,” nakangising wika nito.

Umikot ang mga mata niya pero nakangiti. She really missed him. Really, really missed him. Isang linggo ring hindi ito nakipagkita sa kanya pero dumarating sa kanila ang mga bulaklak araw-araw kasama ng mga mensaheng sa una’y kinaiinisan niya. Pero nang lumaon ay natatawa na lang siya.

Pinaandar ang ignition at ilang sandali pa’y lumalabas na sila ng university compound.

“I really missed you, you know,” he said solemnly. Inabot ang kamay niya at hinagkan.

“Me, too,” pag-amin niya.

“Tara sa penthouse,” seryosong aya nito. “Walang tao roon. We can spend a few hours together.”

n

aroon ang provocation sa tinig nito. Kasama na ang hamon.

Hindi siya sumagot. Nakatingin lang sa daan. Hindi na rin muling nagsalita si Romano. Patuloy sa pagtakbo ang sasakyan nang walang nagsasalita. A silent agreement was made. Hanggang sa makarating sila sa K. Esmeralda Building.

Maliban sa mga neon light at ilaw sa building at sa mga katabing building ay madilim ang buong parking area. Binati sila ng security guards ng building at sinusian ang glass panel upang makapasok sila.

Magkahawak-kamay silang pumasok sa elevator. Parehong walang nagsasalita. Si Bobbie ay kinakabahan. Hindi matiyak kung tama ang ginagawa niya.

Nang bumukas ang elevator sa rooftop ay nakadama ng lamig ang dalaga. Kung sa ginaw sanhi ng malakas na hangin o dahil sa anticipation sa maaaring mangyari sa gabing iyon.

Pero iisa ang tiyak niya. Mahal niya si Romano.

Binuksan ng binata ang pinto ng penthouse at pinapasok siya. Binuksan ang ilaw. Gusto niyang masilaw sa liwanag or perhaps it was the guilt she’s feeling. Sa gabing ito’y itatapon niya sa hangin ang lahat ng bagay na pinaniniwalaan niyang mahigpit.

Naupo siya sa sofa malapit sa pinto. Nagtuloy si Romano sa bar at nagsalin ng alak. Pagkatapos ay lumakad pabalik at ibinigay sa kanya ang isa.

“Tama na ang one shot,” nakangiting wika nito. Lumakad ito uli patungo sa component at may hinanap na tape. “I haven’t decided kung ano ang magandang kanta para sa ating dalawa,” tudyo nito at pagkatapos ay natatawang umiling. “I can’t believe this. Imagine, we’re almost on the twenty-first century pero heto ako at naghahanap ng magandang love song para sa atin dahil lang naisip kong makaluma ka pagdating sa courtship at hindi ako marunong manligaw kaya kinantahan kita.”

“Hindi ko sinabing iyon ang gusto ko,” wika niya sa gumagaralgal na tinig. “But it was lovely...”

“To tell you the truth, nahawa ako sa iyo. You made me reminish my parents’ love story...”

n

agsalang ito ng disc sa player. “I guess my Mom and Dad would loan us their song habang hindi pa tayo nakakaisip ng sa atin.”

Pumailanlang ang awitin.

It’s now or never...come hold me tight

Kiss me, my darling...be mine tonight

Tomorrow will be too late

It’s now or never, my love won’t wait...

Lumakad si Romano patungo sa bar at muling nagsalin. Naupo sa isang stool roon. Dinala sa bibig ang kopita and sipped slowly. Pagkatapos ay tinapunan siya ng tingin.

“I have two gifts for you...”

“R-really?”

“Yeah. Ang isa’y nasa inyo. Ipinakisuyo ko sa mama mo kaninang umaga na ilagay sa silid mo.”

“What is it?”

“Malalaman mo pag-uwi mo.”

“At ang isa?”

Matagal bago sumagot si Romano. “...Just like a willow, we would cry an ocean if we lost true love and sweet devotion.”

s

inasabayan nito ang mahinang awitin sa component while staring at her intently. “...your lips excite me... let your arms invite me. For who knows when we’ll meet again this way...”