GUSTONG sakalin ni Czarina si Ymar habang pinagmamasdan ito mula sa breakfast table habang ang asawa ay nasa maliit na terrace ng kusina. Abala ito sa pakikipag-usap sa telepono habang sumisimsim ng kape.
Nagtatagis ang mga bagang na inirapan niya ang likod ng asawa.
All mine, my ass! Umingos siya.
Mula nang lumabas sila sa kuwarto, abala na si Ymar sa pakikipagtawagan sa cell phone nito. Kapag tapos na itong makipag-usap ay may tatawagan na naman itong iba. It was so annoying to look at but she couldn’t still help but stare at her ‘husband’ who looked so handsome.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga saka ibinalik ang atensiyon sa kanyang agahan. Napakaganda kanina ng gising niya, lalo na nang matapos siyang angkinin ng asawa bago sila bumangon. Pero heto, sira na kaagad ang araw niya.
So annoying!
Inubos ni Czarina ang iniinom na kapeng may cream saka iniligpit ang pinagkainan at hinugasan iyon. Pagkatapos ay nagpunta siya sa kuwarto nila ni Ymar at naligo. Nang matapos linisin ang sarili at nakapagbihis, lumabas siya ng bahay saka pumunta sa kanyang bahay.
Wala siyang balak hintayin ang asawa na matapos itong pakipagtawagan. Kung abala ito, puwes, aabalahin din niya ang sarili para hindi magmukhang tanga.
Kumuha siya ng bagong doctor’s robe sa closet niya saka nagmamadaling naglakad palabas ng bahay habang dala ang bag at nakasampay sa kanyang braso ang robe.
Nang itulak ni Czarina pabukas ang gate, natigilan siya nang makita si Ymar na nakasandal sa hood ng kotse nito at nakaharap sa gate ng bahay niya.
“What?” she asked, annoyed.
Nagsalubong ang mga kilay ni Ymar nang tumuon ang mga mata nito sa doctor’s robe na kanyang dala. “Where the hell are you going, wife?”
Isinara ni Czarina ang gate ng bahay saka nakapamaywang na humarap sa asawa. “Work. Bakit ka nagtatanong?”
“What happened to our plans today?” he asked, genuinely confused.
“Gone,” nakataas ang kilay niyang sagot. “Mukha namang busy ka sa mga katawagan mo kaya huwag na lang. May importante din naman akong gagawin ngayong araw—”
“Hop in.” Binuksan ni Ymar ang passenger seat ng kotse nito habang nagsasalita siya. “Come on, wifey…”
Gustong-gusto niyang hindian ang asawa, pero may sariling isip ang kanyang mga paa na naglakad palapit sa kotse nito at sumakay sa passenger seat.
Instead of closing the door, Ymar sat on the edge of the car’s floor as he put her seat belt on. “There.” Tumitig ito sa kanya habang nakaupo pa rin. “Nagalit ka ba dahil busy ako kanina?”
Iningusan niya si Ymar. “You said you are mine today,” parang batang nagtatampong sabi niya saka inirapan si Ymar. “Tapos busy ka sa kakatawag.”
Nakangiting umangat ang kamay ni Ymar at masuyong hinaplos ang kanyang pisngi. “Hindi ko alam na matampuhin pala ang asawa ko.”
Dahil sa simpleng salitang ‘asawa ko’, para na namang nakikipagkarera sa bilis ng pintig ang puso ni Czarina.
Para itago ang tunay na nararamdaman, inirapan niya ang asawa. “Sabi mo kasi `yon kagabi. Eh, di sana hindi ako umasa kung hindi naman pala.”
Pinaglandas ni Ymar ang daliri sa ibaba niyang labi saka siya nginitian. “I promise, today is gonna be fun.”
Nakasimangot pa rin siyang tumango. “Okay.”
Hinalikan muna siya ni Ymar sa mga labi bago ito umalis sa pagkakaupo sa sahig ng sasakyan saka umikot papunta ng driver’s seat.
Nang buhayin nito ang makina ng sasakyan at nasa daan na sila papunta sa kung saan man siya balak dalhin ay pinagsalikop ni Ymar ang mga kamay nila at pinisil.
Lihim siyang kinikilig sa ginagawa ni Ymar. It was a simple gesture, yet her heart was beating so darn fast.
Pareho silang tahimik ni Ymar habang nasa biyahe, magkahawak lang ang kamay habang nagmamaneho ito.
Then he pulled the car over in front of a tall and huge law firm.
Tumaas ang kilay niya. “Ano’ng ginagawa natin dito?”
“Spartan is on the rooftop,” sagot ni Ymar saka binitiwan ang kamay niya at lumabas ng sasakyan.
When he opened the door for her and she stepped out, he automatically intertwined their hands together before guiding her towards the law firm’s door.
Nang makasakay sila sa elevator, pumuwesto sa likuran niya si Ymar saka niyakap siya kahit marami silang kasabay. Panay ang siko ni Czarina sa asawa para pakawalan siya sa pagkakayakap pero bumulong lang ito.
“You’re wearing a skirt, wifey.” Mas humigpit pa ang yakap ni Ymar sa kanya. “Two men are behind us, they might look at your delectable legs. I’m a very possessive husband so I’m doing this. Hindi ko gustong may ibang lalaking tumitingin sa mga hita mo nang may pagnanasa, ako lang dapat kasi ako ang asawa mo.”
Lihim siyang napangiti sa sinabi ni Ymar.
Possessive, huh?
Nakayakap pa rin sa kanya si Ymar kahit sila na lang ang tao sa loob ng elevator.
“Wala nang tao, wala nang titingin sa legs ko.”
Ymar groaned and kissed her neck. “Let me hug you for a little while. Wala namang tao, eh. Magagawa ko ang gusto ko.”
Nakagat ni Czarina ang ibabang labi nang maramdaman niya ang kamay ng asawa na nasa kanyang hita. Mabuti na lang at nakarating na sila sa rooftop bago pa nito magawa ang gustong gawin na alam ni Czarina na hindi rin niya matatanggihan.
Magkahawak-kamay na iginiya siya palabas ni Ymar. Habang naglalakad, palinga-linga si Czarina, tinatanong ang sarili kung ano ang ginagawa nila roon. Nang makarating sa rooftop ay tumuon ang kanyang mga mata sa helicopter na naroon.
Bago pa siya makapagtanong ay hinila na siya ni Ymar palapit sa helicopter at tinulungang makasakay.
“Saan mo ba ako dadalhin, ha?” naguguluhang tanong ni Czarina kay Ymar nang mag-umpisa nang umangat sa ere ang helicopter. “Pagkatapos mong mag-busy-busy-han, gagawin mo `to? Akala mo siguro hindi na ako naiirita sa `yo, `no—”
He covered her lips with his.
Natigilan si Czarina at napakurap-kurap nang ilang segundo hanggang sa natagpuan na lang niya ang sarili na ginagagad ang mga labi nito at tumutugon sa banayad na halik ng asawa.
“Ymar…” mahina niyang halinghing nang bahagyang maghiwalay ang mga labi nila ng asawa.
He brushed his lips against hers again before softly nipping the lower part, his hand slowly caressing her waist as he pulled her closer.
“Huwag ka nang magalit sa `kin, hmm…” pabulong na sabi ni Ymar habang nanunukso ang uri ng paghalik sa kanyang mga labi. “Trust me, I made those calls to make you happy, banana.”
Sa narinig, binigyang distansiya ni Czarina ang mukha nila ng asawa saka tinitigan ito nang matiim. “What do you mean?”
Isang mahiwagang ngiti lang ang sinagot sa kanya ni Ymar at ginawaran siya ng halik sa noo, mayamaya ay bumaba iyon sa tungki ng kanyang ilong at lumapat sa mga labi niya.
“Ymar, sagutin mo nga ako—”
“You’re so pretty.”
Her heart went haywire again. “Ymar naman, eh—”
“I’m serious.” Bumaba ang halik nito sa kanyang leeg habang ang kamay ay hinahaplos ang dibdib niya. “And I feel lucky to be your husband.”
Parang lalabas na ang puso ni Czarina sa kanyang dibdib dahil sa mga sinasabi ni Ymar. Hindi siya sanay na ganito ang lalaki. Ang lambing ng asawa sa kanya. She was used to him being a snob and not caring towards her. Kaya ngayong nagbabago ang pakikitungo nito sa kanya, lalong naguguluhan ang puso ni Czarina na nag-uumpisa nang mahulog kay Ymar.
“Are you pretending again?” She couldn’t help but ask.
Natigilan ito at napatitig sa kanya. “Do I look like I’m pretending?”
Pinakatitigan ni Czarina ang asawa, nang hindi niya nasagot ang tanong nito. Nag-iwas siya ng tingin. “Magaling kang magpanggap, hindi ko mahahalata kung nagpapanggap ka lang ba o hindi.”
Masuyong sinapo ni Ymar ang kanyang mukha saka siya pinatingin dito. Matiim siyang tinitigan ng asawa bago nagsalita.
“I’m not pretending. This is me, Czarina.”
Tumango siya at nag-iwas na naman ng tingin.
Malakas na napabuntong-hininga si Ymar saka masuyong iniyakap ang mga braso sa kanyang baywang saka siya hinapit palapit dito. Parang naglalambing na ipinatong nito ang baba sa kanyang balikat habang pahigpit nang pahigpit ang yakap sa kanya.
“When I’m with you, I don’t pretend,” bulong ni Ymar. “Palagi mong tatandaan `yon. Lahat ng ginagawa ko at sinasabi, wala `yong halong pagpapanggap.”
And that made her confused even more. Ano ba ang gustong ipahiwatig ng lalaki sa kanya?
Unknowingly, her arms were wrapping around Ymar.
Ilang segundo ang lumipas na nakayakap sila sa isa’t isa bago sila naghiwalay.
Umangat ang kamay ni Ymar saka hinaplos ang kanyang pisngi. “Let’s have an enjoyable day. Shall we?”
Napatingin si Czarina sa labas ng helicopter mayamaya ay tumingin kay Ymar at tumango. “Sure.”
Pinagsalikop na naman ni Ymar ang kamay nila saka siya inalalayang makalabas ng helicopter nang lumapag iyon.
Agad na inilibot ni Czarina ang tingin sa malawak na paligid.
Then she saw a hot-air balloon.
Namilog ang kanyang mga mata saka hindi mapigilan ang ngiti na bumaling kay Ymar. “Sasakay tayo diyan?”
Tumango ito.
“Yes!” Parang batang nagtatalon siya pero agad ding nawala ang kasiyahan nang makita ang mahabang pila. “Aabutin tayo ng hapon sa kakapila,” nakasimangot niyang sabi.
Natatawang inakbayan siya ni Ymar. “Don’t worry. I made a call to a friend of mine. Hindi na natin kailangang pumila.”
“Talaga?” Bumalik ulit ang saya sa mukha niya. So that was why he was busy with his phone earlier. “Saan tayo sasakay? Hurry! I’m excited. Hindi pa ako nakakasakay niyan pero parang ang saya sa itaas. Hurry! Hurry!”
Mahinang natawa si Ymar at napailing nang hawakan niya ang kamay nito saka hinila.
“Halika na,” ungot ni Czarina.
Natatawang iginiya siya ni Ymar papunta sa hot-air balloon na hindi kalayuan sa hot-air balloon na pinipilahan ng karamihan. Mahina ring natawa si Czarina nang makita ang disenyo ng balloon. Mayroon iyong maliliit na saging na kulay yellow.
“Really?” natatawang bumaling siya kay Ymar. “Bananas?”
Tumango ito. “For my beautiful wife.”
Kinikilig na napangiti siya. “Maganda naman talaga ako, `no.”
Malakas na natawa si Ymar at hindi mapigilan ni Czarina ang sarili na mapatitig sa asawa. He looked so happy. He didn’t look like he was pretending. Sinabi kanina ni Ymar na hindi ito nagpapanggap at may kakaiba iyong hatid na kasiyahan sa kanyang puso.
“What?” nagtatakang tanong sa kanya ni Ymar nang mahuli siya ng asawa na nakatitig dito.
Umiling si Czarina saka itinuon ang mga mata sa hot-air balloon. Wala siyang imik hanggang sa makalapit sila.
“Hi.” Nakipagkamay si Ymar sa lalaking nakasakay sa hot-air balloon at inaayos ang mga tali doon. “Ymar Stroam. And this is my wife,” iminuwestra nito ang kamay sa kanya, “Czarina Stroam.”
Her breathing stopped and her heart stilled. Czarina Stroam. Bakit ba parang napakasarap niyong pakinggan? Ang pangalan niyang ang kakabit ay apelyido nito?
Tipid ang ngiti na ibinigay ni Czarina sa lalaki saka akmang makikipagkamay nang hawakan ni Ymar ang magkabilang kamay niya na parang pinipigilan siya. Walang nagawa si Czarina kundi ang mag-hi na lang sa lalaki
“H-hi.”
Mukhang napansin ng lalaki ang ginawa ni Ymar dahil napangiti na lang ito. “Hi din. I’m Toni. Ako ang magma-maneuver ng hot-air balloon.” Mayamaya ay napakamot ito sa batok. “At, ahm, wala naman akong sakit sa balat kaya huwag kayong mag-alala.”
Napakagat sa ibabang labi si Czarina. Mukhang iba ang iniisip ni Toni sa ginawang pagpigil ng asawa sa kanya para makipagkamay sa lalaki.
“Sorry,” sabad ni Ymar. “I don’t let any man touch my wife. I’m very possessive of her.”
Mahinang natawa ang lalaki. “Halata nga, Sir. Akala ko tuloy kung ano na.”
Lalong humigpit ang hawak sa kanya ni Ymar. “Puwede na ba kaming sumakay?”
“Yes, Sir.”
Mabilis siyang binuhat ng asawa saka isinakay sa malaking basket pagkatapos ay ito naman ang sumakay. Kaagad na hinawakan ni Ymar ang kanyang kamay mayamaya ay yumakap sa baywang niya mula sa likuran at ipinatong ang baba sa kanyang balikat.
Hindi alam ni Czarina kung bakit mabilis ang tibok ng puso niya. Dahil ba sa excitement o dahil kay Ymar na bahagyang inilalapat ang labi sa kanyang leeg.
“Ang bango naman ng asawa ko,” bulong nito pagkalipas ng ilang sandali mula nang bahagyang halik-halikan nito ang kanyang leeg. “Ang sarap mong kainin ngayon.”
Siniko niya si Ymar na ikinatawa lang ng asawa. “Tumigil ka, may kasama tayo.”
Mas humigpit pa lalo ang yakap ni Ymar sa kanyang baywang habang ang kamay ay nanunuksong humahaplos sa dibdib niya. At dahil nakatalikod sila sa lalaking kasama sa basket, malaya ang asawa niya sa ginagawa nito.
Ymar kept on kissing her and caressing her breast as the hot-air balloon ascended. Tumigil lang ang asawa niya sa ginagawa nang nasa ere na sila.
“Wow…” mahinang sabi ni Czarina na puno ng paghanga habang nakatingin sa ibaba. “This is awesome.”
Nararamdaman niya ang malamig na simoy ng hangin kaya naman siya na ang yumakap kay Ymar. Naramdaman niyang natigilan ang kanyang asawa kaya siya tiningala nito.
“Ayaw mo?”
“Gusto,” sagot ni Ymar saka niyakap na rin siya nang mahigpit.
It felt so good to hug Ymar. Pakiramdam ni Czarina ay napakasaya niya at kompleto siya. Parang wala na siyang hahanapin pa kapag kasama niya ang asawa. Minsan hinihiling ni Czarina na sana, hindi na matapos ang pagpapanggap nila, na sana hindi na sila magpa-annul ng kasal. Nakakatawa nga dahil siya ang tipo ng babae na takot at ayaw mag-asawa. Anak lang ang gusto niya pero pagdating kay Ymar, nawawala ang takot niya sa pag-aasawa.
She wanted to marry Ymar for real… but this was all just pretentions. Darating ang araw na masasaktan siya dahil habang nagpapanggap, hindi niya namamalayang nahuhulog na ang kanyang loob kay Ymar—
“Let’s make it official,” sabi ng asawa na pumukaw sa diwa niya.
Czarina looked up at Ymar. “What official?”
Pinakawalan siya ng lalaki sa pagkakayakap saka may kinuha sa bulsa nito.
Nahigit niya ang hininga nang makitang isa iyong singsing na may katamtamang laki ng bato. The ring looked elegant and sexy combined. Alam niyang bagay na bagay iyon sa kanyang daliri.
Parang sasabog ang puso ni Czarina nang isinuot nito ang singsing sa kanyang daliri.
“Ymar…”
“With that ring, you’re officially my wife,” sabi nito saka siya nginitian. “Huwag mong huhubarin `yan, magagalit ako.”
Wala sa sariling tumango siya habang nakatitig sa singsing sa daliri.
Was this serious? Pakiramdam ni Czarina ay parang nakikipagkarera ang puso niya sa bilis ng tibok niyon. Nagpapanggap lang naman sila, `di ba? Bakit may singsing pa?
Napatitig siya kay Ymar na ngayon ay nakatingin sa ibaba. Gusto niyang tanungin ang asawa kung ano ba talaga, pero natatakot naman siya sa magiging sagot nito. Natatakot siyang baka nag-a-assume lang siya at masyado lang malikot ang kanyang imahinasyon.
Out of curiosity, she grabbed Ymar’s hands and looked at his fingers. May suot itong singsing na medyo kapareha ng singsing na bigay nito.
Napabaling sa kanya si Ymar. “Hmm?”
Napatitig siya sa kanyang asawa. “Is this our wedding ring?”
“Yes.”
Napaawang ang mga labi ni Czarina. “Para sa `kin talaga `tong singsing?”
“Ikaw lang naman ang asawa ko, siyempre para sa `yo `yan.” Pinakatitigan siya ni Ymar. “Bakit? Hindi mo gusto?”
Mabilis siyang umiling. “Gusto.”
That put a smile on Ymar’s face. “That’s good to hear.”
Napatango siya saka umaktong pinagmamasdan ang paligid, pero ang totoo ay nakikiramdam siya.
This should have been an enjoyable ride, but here she was, her heart was confused and her head was in a turmoil.
Ymar is confusing the hell out of her!
Hanggang sa bumaba ang hot-air balloon ay wala si Czarina sa kanyang sarili. Ang daming katanungang pumapasok sa isip niya na natatakot naman siyang itanong kay Ymar.
She was full of questions and what ifs.
“You’re spacing out,” pansin sa kanya ng asawa habang naglalakad sila. “What’s going on in that pretty head of yours?”
Sinuklay ni Czarina ang buhok gamit ang daliri saka umiling. “Wala naman.” Pinilit niyang ngumiti. “Anyway, saan na tayo pupunta ulit—”
Her phone rang.
Mabilis niyang kinuha iyon sa shoulder bag saka tiningnan kung sino ang tumatawag.
It was Shane.
Agad niyang sinagot ang tawag. “Shane, bakit ka napatawag—”
“Manganganak na si Mrs. Gobrina, Doc,” imporma sa kanya ni Shane sa medyo nagpa-panic na boses. “Kailangan niya ho kayo. At tumawag si Mrs. Hernandez, nasa Romero’s Hospital na rin siya, naghihintay sa inyo. Sabi niya, mukhang manganganak na siya. Tinext po kita, Doc, para i-inform sa mga patients na manganganak. Hindi n’yo po ba natanggap?”
Nasapo ni Czarina ang noo. “Shit! Sige, papunta na ako diyan. Papuntahin mo na lang si Mrs. Gobrina sa Romero’s Hospital. I’m on my way.” Pinutol na niya ang tawag saka bumaling kay Ymar. “I have to go. I’m sorry. It’s an emergency and—”
“Let’s go,” sabi nito saka hinawakan ang kamay niya at iginiya siya pabalik sa helicopter na sinakyan nila kanina.
“Sir, saan po ang sunod nating pupuntahan?” tanong ng piloto kay Ymar nang makita sila.
“Uwi na tayo. May emergency ang asawa ko,” sagot ni Ymar saka tinulungan siyang sumakay.
Agad namang sumakay ang piloto at mabilis na pinaandar sa ere ang helicopter.
And just like that… their work got on the way again. This should have been a fun day. Pero mas kailangan siya ng kanyang mga pasyente, ang mga ito ang kailangan niyang unahin.
PABAGSAK na umupo si Czarina sa swivel chair sa kanyang clinic. Kababalik lang niya galing sa ospital pagkatapos magpaanak ng dalawang pasyente. Nang umalis siya sa ospital kanina, inaasikaso na ni Shane ang pagpapagawa ng birth certificate ng mga bagong panganak na bata.
Hinilot niya ang sariling balikat nang bumukas ang pinto ng pribado niyang opisina at pumasok doon ang kaibigang si Anniza na nagpakunot sa kanyang noo.
Tumaas ang kilay niya. “Buntis ka ba para pumasok dito?”
Lumapad agad ang ngiti ni Anniza. “You tell me.”
Umikot ang kanyang mga mata saka kahit napapagod ay tumayo at binuksan ang kuwarto kung saan niya ginagawa ang checkup niya. “Sige, higa ka na.”
Mabilis na nahiga si Anniza at nakangiting tumingin sa kanya. “Kapag buntis ako, ninang ka at si Haze.”
“Oo naman,” nakangiting sagot ni Czarina at sinalat-salat ang tiyan nito. Kahit pagod, napangiti siya nang ma-confirm na buntis ang kaibigan. “Buntis ka nga.”
“So the PT wasn’t lying!” masayang hiyaw ni Anniza at mabilis na bumangon. “Yehey! I’m so happy! Siguradong magugulat si Dark nito.”
“Magugulat?” Czarina snorted. “Hindi na nakakagulat ang balitang buntis ka. Alam naman yata niya na sharpshooter siya.”
“I’m so excited to tell him.”
Nginitian niya ang kaibigan. “I’m happy for you and Dark. Sabi na sa `yo, eh. Makakahanap ka ng lalaking magmamahal sa `yo nang buong-buo.”
Lalong lumapad ang ngiti ni Anniza. “Thanks.” Nagniningning ang mga mata nito sa sobrang kasayahan. “He loves me so much. And that makes my heart fly in happiness.”
“Oo na.” Iningusan niya ang kaibigan. “Ikaw na ang masaya. Umalis ka na nga,” mapait niyang sagot.
Natatawang niyakap siya ni Anniza saka nagpaalam na. She sighed and went out from her private office that served as her private clinic, too. Nagpasalamat siya nang makitang nakabalik na sa clinic ang sekretarya niya at mukhang tapos na ito sa inaasikaso.
“Shane, close mo muna ang clinic,” sabi niya sa secretary na nakaupo sa mesa nito. “Magpapahinga lang ako. Pero kapag emergency, gisingin mo ako. Okay?”
“Sige po, Doktora,” sagot ni Shane.
“Salamat.”
Pumasok uli siya sa private office niya ay nahiga sa kama na naroon. Ipinikit niya ang mga mata at handa nang matulog nang bumukas ang pinto ng kanyang opisina.
“Shane, no patients please. I’m tired,” mahinang sabi niya.
Lumapit sa kama ni Czarina ang yabag na narinig kanina. Sa isiping si Shane iyon at may kukunin lang sa loob ng kanyang opisina ay hindi na siya nagsalita pa. Shane sometimes entered her office to get some papers and such.
May dumantay na kamay sa kanyang baywang at narinig niya ang pamilyar na boses ng asawa.
“Scoot over.”
Mabilis siyang nagmulat ng mga mata para siguraduhing hindi siya pinaglalaruan ng kanyang tainga.
“Ymar?” gulat na sabi ni Czarina nang makita ang asawa na nakatayo sa gilid ng kama. “A-ano’ng ginagawa mo rito? Paano mo nalaman na dito ang clinic ko?”
“Scoot over,” ulit nito. “Sinundan kita mula sa ospital. Bigla ka na lang kasing umalis na hindi mang lang iniisip na hinihintay kita doon.”
Napalabi siya. “Sorry. I was just tired.” She scooted over while staring at Ymar. “Ano ang ginagawa mo rito? Bakit hindi ka na lang umuwi sa bahay?”
“I don’t want to. Wala ka naman do’n.”
Ymar sighed and lay beside her.
Binuhat ng asawa ang kanyang ulo at ipinatong iyon sa braso nito, saka yumakap sa baywang niya.
“Ymar…” Humarap siya sa asawa. “Ano’ng ginagawa mo rito?”
He buried his head on her shoulder. “I want to be with you, that is why I’m here.”
Umawang ang mga labi ni Czarina sa sagot nito kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso. She couldn’t speak. She was stunned at those blunt words.
“Hug me back, banana,” pukaw ni Ymar sa naglalakbay niyang diwa.
Ipinalibot ni Czarina ang braso sa baywang ng asawa at ipinikit ang mga mata. Hindi siya umimik at hinayaan ang katahimikan na pumuno sa pribado niyang opisina. Masarap magpahinga kapag kasama at katabi ang lalaking nagpapasaya sa kanya.
She wanted to stay like this with Ymar. Sana, hindi na matapos ang sandaling iyon. Pero alam niyang matatapos din ang lahat, kaya naman susulitin na lang niya habang kasama pa ang lalaki.