lookupnovel logo lookupnovel
Ymar Stroam (Possessive Series 7)

Chapter 15

Ch. 15 / 24 Apr 09, 2022

CZARINA woke up feeling sated. And a smile stretched on her lips when she saw Ymar beside her, peacefully sleeping. Umayos siya ng higa paharap sa asawa saka pinagmasdan ang guwapo nitong mukha.

Pareho silang walang trabaho ngayong araw kaya naman nang magising sila kaninang umaga at natapos mag-agahan, bumalik sila sa kuwarto at doon nagpalipas ng oras. They enjoyed each other’s company and body the whole day. Hanggang sa napagod sila sa sunod-sunod na pagtatalik at nakatulog.

Umangat ang kamay niya para haplusin ang ilong nito, ang pisngi at mga labi.

“God, you’re so handsome,” bulong ni Czarina habang hinahaplos ang mukha nito.

Ymar’s eyes slowly opened and a smile appeared on his lips. “Thank you.”

Kinurot niya sa tagiliran ang asawa. “Gising ka naman pala, eh.”

Mahina itong tumawa. “Kung hindi ako nagpanggap na natutulog pa para tingnan kung ano’ng susunod mong gagawin, eh, di sana hindi ko maririnig mula sa `yo na guwapo ako.”

Inirapan niya si Ymar. “Sakalin kaya kita?”

Tumawa lang ito. Ipinalibot nito ang braso sa kanyang baywang saka hinapit siya palapit.

Nakagat na lang ni Czarina ang ibabang labi nang maramdaman ang pagkalalaki ni Ymar na gising na gising, tumatama sa gitnang hita niya at kumikiskis doon.

“Ymar…” mahina niyang daing sa pangalan ng asawa nang haplusin nito ang mayayaman niyang dibdib.

Hinalik-halikan siya ng asawa sa pisngi, papunta sa panga at pataas sa kanyang tainga. Pagkatapos ay bumulong ito. “Wanna go out with me today, banana?”

Para siyang nabingi sa narinig. “A-ano?”

“Wanna go on a date with me?” ulit nito.

Namilog ang kanyang mga mata. Simula ng magpanggap silang dalawa, hindi pa siya niyaya ni Ymar na makipag-date. Ngayon lang. She couldn’t help but feel giddy and happy. Para sa kanya, assuming na siya kung assuming pero nararamdaman niyang nag-i-improve na talaga ang relasyon nilang dalawa.

Czarina could feel it. Ymar was not pretending anymore. Nararamdaman niya iyon sa mga titig nito sa kanya, sa mga ginagawa para sa kanya, sa mga halik nito at sa mga maiinit na sandali na pinagsaluhan nilang dalawa.

At kailangan niyang ingatan iyon. Kung kinakailangan niyang maging mabait, hindi lang bumalik sa dati si Ymar, gagawin niya.

Kaya ko `to! Ako pa ba! Mabait naman talaga ako, eh . Hindi lang halata.

Mahina siyang natawa sa naisip saka tumango kay Ymar. “Sige. Date tayo,” sabi niya na may masayang ngiti sa mga labi. “Pero ako ang pipili ng lugar—” Czarina! Be nice, remember? Tumikhim siya. “—I mean, dahil mabait ako, puwedeng ikaw rin naman ang pumili,” biglang bawi niya.

Pinakatitigan siya ni Ymar. “`Yon ba talaga ang gusto mo?”

Kagat ang ibabang labing mabilis siyang tumango. “Oo naman.”

“Really?”

Tumango siya ulit. “Yes.”

Napailing-iling ang kanyang asawa. “Czarina, nakikita ko sa mga mata mo na napipilitan ka lang.” Tumiim ang titig nito sa kanya. “Now tell me what you want.”

Napalabi siya. “My ex hated it when I decide for him.”

“I’m not your ex, banana. I’m your husband.”

“Hindi ka talaga magagalit kung ako ang pipili kung saan tayo magde-date?” paniniguro niya.

“Hindi.” Then he smiled. “So, saan mo gustong pumunta?” tanong ni Ymar habang pinagsasalikop ang kamay nilang dalawa. “Kahit saan, dadalhin kita.”

Tumaas ang kilay niya. “Kahit saan talaga? Totoo?”

Tumango si Ymar. “Kahit saan. Name it and I’ll take you there.”

Mariing ipinikit ni Czarina ang mga mata para mag-isip. At nang imulat niya ang mga mata, nakapagdesisyon na siya. “Ayaw kitang pangunahan. You decide where to take me,” sabi niya. “Surprise me.”

Mukhang na-challenge si Ymar sa sinabi niya dahil may kakaibang kislap ang mga mata at tumaas ang sulok ng mga labi nito.

“Challenge accepted,” sabi ni Ymar saka siya kinubabawan at siniil ng mapusok na halik ang kanyang mga labi. “Dito ka lang,” sabi nito nang pakawalan ang kanyang mga labi. “Give me two hours. Gusto ko pagbalik ko, nakabihis ka na. Wear something comfortable.”

She smiled. “Okay.”

He dropped three sweet kisses on her lips before leaving the bed.

Nang makalabas si Ymar sa kuwarto ay agad siyang bumangon at nagpunta sa banyo para maligo. Kailangang maganda siya sa date na inihahanda ni Ymar. Kailangang bonggang-bongga siya para maakit ito sa kanyang kagandahan. And she will seduce him tonight. Kailangang nakapaglalaway ang bango niya.

Pagkatapos maligo, piniling isuot ni Ymar ang kulay-itim na skater skirt at kulay-baby pink na flouncy shirt. Pinaresan niya iyon ng kulay-itim na wedge na hindi masyadong kataasan. As usual, hindi siya nag-makeup. Nagpabango lang siya at nag-lotion, pagkatapos ay may ngiti sa mga labi na hinintay niyang bumalik si Ymar.

“WHERE are you taking me?” pang-sampung beses na yatang tinanong ni Czarina si Ymar simula nang umalis sila sa bahay nito. Nakasakay na sila sa Lexus at nagmamaneho na papunta sa kanilang destinasyon.

“Surprise,” sagot nito at kinindatan siya.

Inirapan niya si Ymar at nakasimangot na tumingin sa dinadaanan nila. It was just six in the evening, near sunset. Hindi siya makapaghintay na malaman kung saan siya dadalhin ng asawa.

Napakurap-kurap at kumunot ang noo niya nang pumasok ang sinasakyan nila sa isang pier at tumigil sa harap ng isang mahabang dock.

“Ano’ng gagawin natin dito?” tanong ni Czarina na naguguluhan.

Sa halip na sagutin, lumabas ito ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. Ang daming pumapasok na senaryo sa kanyang isip habang naglalakad sila papunta sa mahabang dock nang magkahawak-kamay.

And then they stopped in front of a yacht.

Inalalayan siya ni Ymar pasakay ng yate. At nang umakyat sila sa top deck ay bahagyang umawang ang mga labi ni Czarina nang makitang mas magandang pagmasdan mula roon ang papalubog na araw.

She could feel the cold and salty breeze of the sea. From where she was standing, she could see the breathtaking sunset that made the sea look like a sparkling autumn. Napakasarap sa pakiramdam ng sariwang hangin na tumatama sa kanyang mukha habang nakapikit ang kanyang mga mata at ninanamnam iyon.

“This feels so good.” She breathed in.

“Yeah,” sang-ayon ni Ymar na nakayakap sa kanyang likuran. “But you should really look at your left.”

Iminulat ni Czarina ang mga mata saka bumaling sa kaliwa niya. Namilog ang kanyang mga mata sa nakita at umawang ang kanyang mga labi. Kumurap-kurap siya pero hindi pa rin nawala ang nakikita niya sa kanyang harap.

Then it was not just her imagination. It was real. The romantic table for two in front of her was real!

Hindi rin nakatakas sa paningin ni Czarina ang romantic ambiance ng top deck ng yate. Sa gitna mismo ng top deck, naroon ang mesa na may bouquet of tulips at may champagne. Sa tabi niyon ay may maliit na buffet table na abot-kamay lang ng uupo sa mesa. Doon nakalagay ang mga paborito niyang pagkain tulad ng banana smoothie, banana chips, banana cake at krema de pruta halo-halo na may maninipis na slices ng saging sa ibabaw. Bigla siyang natakam at nanubig ang kanyang mga bagang sa mga pagkain sa harap niya.

“Hope you like dinner under the moon and the stars,” sabi ni Ymar na nakayakap pa rin sa kanya.

Humarap si Czarina sa asawa saka hindi napigilang pupugin ito ng halik sa mga labi. “Thank you. Thank you for bringing me here. This is amazing.”

Inayos ng kamay ni Ymar ang kanyang buhok na nililipad ng hangin. “Naisip ko kanina na wala naman `yon kung saan kita dadalhin. Wala `yon sa karangyaan ng pagdadalhan ko sa `yo, nasa `kin `yon kung paano ko ipaparamdam sa `yo kung gaano ka kaespesyal sa `kin. And this is it.”

He was right. She didn’t need expensive dates or expensive restaurants and places. What she needed was this. Sapat na iyon para sa kanya.

“Ikaw ang nag-prepare ng pagkain?” tanong ni Czarina habang nakatingin sa maliit na buffet table sa harap niya.

“No. `Yong banana chips lang ang niluto ko sa mga `yan.” Inilapit ni Ymar ang bibig sa kanyang tainga at hinalikan ang likod niyon. “I know how much you love banana chips.”

Her body tingled. Iba ang epekto ng sinabi nito sa kanyang katawan. Siguro dahil ibang saging ang pumasok sa isip niya. Hilaw na saging. Hilaw na hilaw pero masarap na masarap.

Iginiya siya ni Ymar papunta sa mesa at pinaghugot siya ng upuan.

“Wait for just a couple of minute,” sabi ni Ymar bago umalis sa kanyang tabi.

Minutes later, the yacht started moving. Nagpalinga-linga si Czarina habang gumagalaw ang yate, hinahanap si Ymar. Nakita niya ang asawa sa loob ng isang maliit na kuwarto na gawa sa salamin at di-kalayuan sa kanya.

She could see Ymar steering the wheel through the glass front wall of the room.

Napakurap-kurap siya habang nakatingin sa asawa. He looked hot as he directed the ship to where it should go. And then suddenly, the yacht stoped moving and she saw Ymar walking towards her with a small smile on his sexy lips.

“Hey,” sabi nito at umupo sa katabi niyang silya. “Okay na ba sa `yo rito? Ayoko nang masyadong lumayo sa dock.”

“Okay lang.” Nakatingin pa rin siya kay Ymar at puno ng paghanga ang kanyang mga mata. Her husband knew how to maneuver a yacht! Dayum hot!

“So, ahm…” Tumikhim si Ymar. “Matagal na akong hindi nakikipag-date so bear with me, okay?” sabi nito na ikinataas ng kilay niya.

“Gaano katagal?”

“Years.”

Czarina gave Ymar a disapproving look. “You mean to say, wala kang naging girlfriends for years.”

“Flings.” Nagkibit-balikat ito. “I’m a hump and dump kind of guy,” pag-amin nito. “Yeah, I was an ass.”

“Was?”

Tumitig si Ymar sa kanyang mga mata. “Was because I’m not an ass anymore.”

Tumaas ang sulok ng mga labi niya. “Sigurado ka?”

“Oo.” Mas tumiim ang titig ng asawa sa kanya. “I don’t think I can do that to you.”

“Talaga? You won’t hump and dump me?”

“I already humped you, Czarina, but I will never dump you. Masyado ka nang mahalaga sa `kin para iwanan ka.”

Tumingin siya sa kalangitan na ngayon ay madilim na at puno na ng bituin para itago ang kinikilig na ngiting gumuhit sa kanyang mga labi. Importante siya kay Ymar? Gosh! Parang sasabog ang puso niya sa sayang nararamdaman.

“Czarina?” Napakalambing ng boses na ginamit nito nang tawagin ang kanyang pangalan.

Ibinalik niya ang tingin kay Ymar na nakatingin din sa kanya. “Yeah?”

“Salamat.”

Kumunot ang noo niya. “Salamat saan?”

“For pretending to be my fiancée, for agreeing to marry me. For letting me pleasure and ravish you…”

Nag-init ang mga pisngi ni Czarina sa huling sinabi ni Ymar saka malungkot na ngumiti nang may maalala. “Three months is just around the corner.”

Ymar’s eyes lost their shine. “Puwede bang kalimutan mo muna `yon? Puwede bang kalimutan mo muna ang kasunduan natin? Can you do that, Czarina?”

Yes! She could definitely do that. Ayaw naman talaga niyang inaalala ang kasunduan na iyon pero bigla na lang pumasok sa isip niya. She wanted to be Ymar’s wife. For real.

“Sure. I can do that,” sabi niya na nakangiti.

Ymar smiled back. “Let’s eat?”

Tumango siya. “Sige.”

And the next couple of minutes, she felt like a queen. Nakaupo lang siya habang nilalagyan ni Ymar ng pagkain ang pinggan niya. At mukhang hindi pa ito nasiyahan, sinubuan pa siya. Wala namang silbi kung tatanggi siyang subuan nito dahil nagpupumilit ang kanyang asawa.

And here came the dessert.

Si Czarina mismo ang kumuha ng banana smoothie. Nang makakita ng whip cream ay nilagyan niya ang ibabaw ng smoothie. Masarap ang smoothie kapag maraming whip cream na nakahalo. Well, para sa kanya masarap iyon.

“You really like banana smoothie,” komento ni Ymar na nakamasid lang sa kanya habang enjoy na enjoy na sumisimsim ng smoothie. At tuwing nauubos ang whip cream na inilalagay at inihahalo niya sa smoothie, agad niyang nilalagyan iyon ng panibago.

“Masarap naman kasi ang banana smoothie.” Czarina sighed in pleasure when she finished drinking the smoothie. Nakangiting tumingin siya kay Ymar. “Ang sarap.”

Napailing-iling si Ymar habang nakatingin sa kanyang mga labi. “May nagkalat na whip cream sa gilid ng labi mo.”

Kitang-kita ni Czarina ang kislap ng pagnanasa sa mga mata ni Ymar habang nakatingin sa mga labi niyang bahagyang nakaawang.

That was her cue to seduce Ymar tonight.

She gave him her most seductive look. “Lick it off then.”