CHAPTER 27
“HINDI ko na matandaan kung kailan huling napuno ang hapag-k ainan na ito,” Se ñora Celestia remarked, her voice lace with happiness. Kasalukuyan silang nasa hapag-kainan at salu-salong naghahapunan. Nasa kabisera ng mesa si Señor Domenico nakaupo, katabi ang asawa nito sa kabilang bahagi at katabi ni Señora Celestia si C harles. Habang si Lyca at Alford ay magkatabi naman sa kabilang bahagi, along with Monica and Fenix and Fenix’s yaya.
“Sana, Alford, apo, madalas mo naman kaming bisitahin dito. At sana dagdagan n’yo na ang apo ko.” Si Señora Celestia uli.
“Hayaan n’yo, Lola. After nine months may apo na ulit kayo.”
“Oh, that’s great!” Señora Celestia clamped her hands together happily.
Ang alam ni Lyca ay apat pa lang ang apo ni Señora Celestia at puro babae. Mga anak ng dalawang nakababatang kapatid ni Alford. Si Charles naman ay nag-iisang anak lang din. Kapatid ng ama nito ang nanay ni Alford.
“How about you, Charles? Kailan mo kami bibigyan ng apo.”
“Wala pa sa isip ko `yan,” sagot nito habang patuloy sa pagkain.
“Charles, may lakad ka ba at nagmamadali kang kumain.”
“Wala naman. Hindi ko lang gusto ang mga kaharap ko.” Tumingin ito kay Señor Domenico. “Except the two of you,” sabi nito sa lolo’t lola at mayamaya ay tumingin kay Lyca. “At siyempre, ikaw,” dagdag nito sabay kindat sa kanya na ikinatiim naman ng bagang ni Alford.
“I think I would have to change my last will and testament. Bakit sa halip na mapunta sa unang lalaking apo ang malaking porsyento ng aking ari-arian ay sa unang apo sa tuhod na lang. Sounds great, right?”
Kunot-noong nag-angat si Charles ng tingin kay Señor Domenico.
“What do you mean, Grandpa?” Charles asked, his expression harsh.
“My first great grandson will be my heir. So, Fenix will inherit the greatest percentage of properties, and the remaining percentage will be divided equally para sa iba ko pang mga apo.”
“What!?” Charles’s voice rose in shock.
“Nagbibiro ka ba?”
“You love this land, Charles, pero nawawalan ka na ng puso. How could you be a good leader kung ganyan ka? Good leaders must be good role models, knowledgeable in their fields, and worthy of respect. Matalino ka at magaling pero napakamainitin ng ulo mo. Hindi ko hahayaan na ikaw ang mamahala sa hacienda kung ganyan ka.”
Natahimik ang lahat ng nasa hapag-kainan. Nasa mukha naman ni Charles ang galit.
“Pero sige, let’s make it fair. Kapag nabigyan mo ako ng apo, lalaki man `yan o babae, walang mababago sa last will ko. Pero kung mamamatay akong wala ka pa ring anak, pasensiyahan na lang tayo dahil ang cabin mo lang at ang batis ang mapupunta sa `yo.”
Inabot ni Charles ang tubig at uminom saka walang paalam na tumayo.
“Domenico, ano ba naman? Ginalit mo na naman ang bugnutin mong apo.”
“I just wanted back the old Charles. Siguro, kung magkakaroon siya ng sariling pamilya ay baka bumalik ang masayahing ugali niya. Nagkaganyan lang naman `yan nang umalis si Monica at mamatay sina Alessandro at Jericka.” Ang tinutukoy ni Señor Domenico ay ang mga magulang ni Charles.
“Grandpa, ipaubaya n’yo na po kay Charles ang asyenda. Hindi po kailangan ni Fenix `yon. Maybe, he wants to be a lawyer someday.”
Binalingan ni Alford si Fenix na katabi nito.
“You want to be a lawyer like Papa, Fenix?”
Umiling si Fenix. “I want to ride a horse like Uncle Charles.”
“Oh, see? Mukhang mas nanaig ang pagiging Costa niya. He wants to be a rancher like me.”
Nagyuko ng ulo si Monica. Guilt flickered in her face. Isa iyon sa dahilan ni Monica kung bakit ayaw nitong tumira sa mansiyon. Dahil kay Charles at sa pamilya ni Alford na niloko nito. Ayon kay Alford, ang gusto ni Monica sana ay magrenta na lang ng pansamantalang tutuluyan pero hindi pumayag si Alford at maging ang mag-asawang Costa nang malaman na may sakit si Monica. Kailangan ni Monica ng mag-aalaga rito.
LYCA looked utterly gorgeous in the royal-blue silky satin dress. It clung to her curvaceous body perfectly and flared out in a gentle bell around her legs. There was nothing that she could not wear. Every dress seemed to fit wonderfully around her frame. Her hair was pulled back into a bun and thick strands fell loose, framing her gorgeous face.
“Napakaganda mo, Lyca.” Mula sa salamin ay nilingon niya si Monica na nakaupo sa wheelchair. She flashed her sweet smile.
“Thank you, Monica.” Pinaandar ni Monica ang wheelchair palapit sa kanya. Kinuha nito ang dalawang kamay niya at mahigpit iyong hinawakan.
“Si Fenix. Siya lang ang tamang nangyari sa buhay ko. Alam kong wala akong kahit na katiting na karapatan para makiusap dahil sa napakalaking kasalanang nagawa ko. Pero makikiusap ako sa `yo, Lyca. Alagaan mo ang anak ko.” Yumuko si Lyca para magtapat ang kanilang mukha.
“Hindi mo kailangan makiusap, Monica. I will take care and love Fenix like my own. Pangako `yan.”
Monica sighed in relief. “Maraming salamat sa pagtanggap kay Fenix. Kung sana’y nanatili na lang ako sa tabi ni Charles noon, hindi siguro naging ganito ang kapalaran ko. Sinaktan ko si Charles nang sobra. Nasira ko ang magandang samahan nina Alford at Charles.”
Inabot ni Lyca ang pisngi ni Monica. Nakita niya ang matinding pagsisisi nito.
“Napatawad ka na ni Charles.” Kinausap ni Alford si Charles at sinabi ni Alford ang kalagayan ni Monica. Nagbago ang pakikitungo ni Charles kay Monica. Madalas na nitong kausapin si Monica at minsan ay inilalabas ng mansiyon habang tulak ang wheelchair. Sa tingin niya ay mahal pa rin ni Charles si Monica hanggang ngayon.
“Sana makahanap siya ng babaeng magmamahal sa kanya.”
“He will. Someday I know he will find a right woman for him.”
“Sige na. Lumabas ka na at baka naiinip na si Alford. Happy birthday!”
“Thank you!” Nagyakap ang dalawa. Habang tumatagal ay pahina nang pahina si Monica. Ayaw talaga nitong manatili sa ospital noon pero ngayon ay napapayag na sa pangungumbinsi ni Charles. Lumalaban ito para mas makasama pa si Fenix at si Charles. Nararamdaman niyang may pagtingin pa rin si Monica kay Charles.
Itinulak ni Lyca palabas ng kuwarto ang wheelchair kung saan nakaupo si Monica. Sinalubong naman sila ng personal nurse nito at kinuha mula sa kanya ang wheelchair.
“Enjoy your date with Alford.”
Marahan siyang tumango. Bumaba siya ng hagdan at tuwang-tuwa siyang sinalubong ni Mira.
“Nasa labas na ang karwahe mo, Cinderella. Ang ganda-ganda mo talaga!”
“Thank you, Mira!” she said through a soft laugh.
Halos isang buwan na silang nasa asyenda. Si Alford ay bumabalik ng Maynila kapag may mga aasikasuhing importanteng bagay at naiiwan siya roon. Hindi niya maiwan ang mag-ina, lalo na si Fenix. Hindi na ito gaanong maalagaan pa ni Monica dahil mabilis na itong mapagod, lalo na kapag sinusumpong ng sakit. Sinamahan siya ni Mira sa pinto at isang singhap ang kumawala mula sa kanyang bibig nang makita ang isang karwahe sa labas. May karwahe nga. At hindi basta simpleng karwahe lang kundi napakagandang karwahe.
Inayusan iyon na parang isang prinsesa ang karwahe. At mas namangha siya sa dalawang lalaking nakatayo sa magkabilang bahagi ng pinto ng carriage. The tall, dark and handsome man and a cute little boy who dressed up like a coachman, none other than Charles and Fenix.
Humiyaw si Fenix ng ‘Mama Lyca’ at tumakbo palapit sa kanya. Hinawakan siya sa kamay saka hinila papunta sa karwahe. Yumuko si Charles bilang paggalang at inilahad ang kamay sa kanya para alalayan siyang umakyat sa karwahe. Nakangiti niyang inabot iyon at sumakay. Anong nakain ng lalaking ito at napapayag sa ganitong kalokohan.
“C’mon, little coachman.” Binuhat ni Charles ang bata at pinaupo sa unahan saka naman ito sumakay. Nilingon siya ni Charles.
“Ready, beautiful?”
“Ready, Mama Lyca?” segunda naman ni Fenix na marahan niyang ikinatawa.
“I’m ready,” she responded with a warm smile. Charles pulled on the reins and shouted. Nagsimulang tumakbo ang kabayo.
It was her twenty-first birthday. Hindi niya alam kung ano ang plano ni Alford. Ayaw niyang magkaroon ng malaking handaan kaya sabi ni Alford, mag-date na lang sila. Hindi niya alam na may pakarwahe ang loko. Hindi rin niya alam kung saan sila magde-date pero ang alam niya dito lang sa loob ng asyenda. Magpapa-set-up daw ito ng isang candle light dinner.
“Mabuti, pumayag kang maging driver. With costume pa, ah.” Uniform ang suot ni Charles at Fenix. It was deep red na papunta na sa burgundy at may sombrero.
“Pinakiusapan lang ako ni Grandma,” tipid nitong sagot.
“Kabaduyan talaga ng asawa mo. Pasalamat siya at birthday mo kaya pumayag ako.”
Marahan siyang tumawa. Mabait naman si Charles. Masungit sa iba pero sa kanya, mabait naman.
Ilang sandali lang ay may natanaw siyang mga ilaw sa horse running field kung saan napapaikutan ng barrier. Kapag tinuturuan siyang mangabayo ni Alford ay doon sila pumupunta. Malawak ang field. Pero ang pinagtatakhan niya ay parang hindi naman iyon simpleng candle light dinner lang. Ang enggrande ng ayos ng pinakagitnang field. Pumasok ang karwahe sa nakabukas na tarangkahan at huminto sa mismong tapat ng ginawang aisle. Bumaba si Charles at Fenix. Inilahad ni Charles ang kamay at inalalayan siyang bumaba.
Kinuha ni Lyca ang kamay ni Fenix at naglakad ang dalawa sa aisle. White and purple ang lighting, and the venue was filled with a lot of flowers. It was a majestic setting. Sa magkabilang bahagi ng aisle ay may mga bilog na mesa at may mga bisitang hindi niya kilala, pero sigurado siyang ang iba ay mga tauhan sa asyenda dahil nakilala na niya ang mga ito. Kumaway siya sa mga taong naroon, maging si Fenix ay panay rin ang kaway.
And there… Oh, God! Her parents were there, and her sister and the tsikiting. Malapad ang kanyang ngiting nagmadali sa paglalakad hanggang sa lumitaw si Alford sa dulo ng aisle, clad in a burgundy Armani sports coat paired with dark jeans, plain white V-necked shirt and black leather shoes. Aw! Ang guwapo-guwapo talaga ng asawa niya. Bagay na bagay talaga sila!
Nang makalapit ay agad siyang yumakap kay Alford. “Akala ko ba, simpleng dinner lang. God, paano mong nagawa ang lahat ng ito nang hindi ko alam?” Marahang natawa si Alford. Pinakawalan niya ang asawa mula sa mahigpit na pagkakayakap.
“Magaling ako, eh. Happy birthday.” Ginawaran siya ng pinong halik sa labi ng asawa.
“Thank you so much!”
IYON na yata ang pinakamasayang birthday ni Lyca. Nandoon din sina D ock, ang pinsan niyang si Tres at Wilson. Sa isang hotel pala muna nag-stay ang mga ito kasama ang pamilya niya. Kaninang umaga pa raw ang mga lalaki sa Sta. Barbara. Si Mira naman ay sumunod. Napakagaling umarte ng babaeng iyon.
Tatlong linggo na rin pala iyong pinagplanuhan ni Alford katulong ang Wedding Dream—one of the best event organizers in the country. It was a semi-formal event.
Hindi naman nagpunta ang parents ni Alford dahil nasa ospital raw ang papa nito. Mabuti na rin iyon dahil sa sitwasyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng mama ni Alford ang existence ni Fenix. Pinakiusapan ni Alford ang lola’t lolo nitong huwag munang ipapaalam sa mama niya ang tungkol kay Fenix. Si Alford na lang ang magsasabi kapag kasama na nila si Fenix na bumalik ng Maynila. Hindi man sang-ayon ang matanda ay hindi na rin nagreklamo pa. This was so hard! Siya ang nasasaktan nang sobra para sa mama ni Alford, pero mas matinding gulo ang mangyayari kapag nalaman nito ang totoo.
Lying wasn’t a great thing to do. You lie, you’ll eventually hurt someone. It disintegrated our trust. But there were situations where you needed to lie. Whatever your reasons for lying and hiding the truth, just hold on to what you believe will lessen the pain. Sometimes lying was the only way to protect the ones you loved. Some people lied to protect someone from hurting.
Alam na rin ng pamilya ni Lyca ang tungkol kay Fenix bago pa man nagpunta ang mga ito sa Sta. Barbara. Ipinagtapat iyon ni Alford pero hindi sinabi ang buong katotohanan. Natanggap naman ng mommy at daddy niya pero binalaan si Alford na huwag susubukang mag-uwi pa ng isa pang anak, lalo na kung bunga iyon ng pagtataksil kay Lyca dahil babawiin siya ng mga magulang. Siya, si Alford, Monica at Alfred lang ang nakakaalam ng sekreto at nangakong ibabaon ang sekretong iyong hanggang kamatayan nila.
Marahan niyang hinaplos ang ulo ni Fenix na kanina pa kumakain ng ice cream. Mula kanina ay doon na sa gelato station tumambay ang bata. Her son was so cute, and she loved him so much.
“Mrs. Gueverra, it’s about time to make a wish,” imporma sa kanya ng event organizer, si Red Montero-Esquivel.
Sumunod siya sa event organizer at pumunta kung saan naroroon ang three layered fondant cake. Bahagyang kumunot ang noo ni Lyca nang mapansin ang lemon tree bonsai sa isang stand sa tabi ng cake. May mga bunga iyon at ang talagang nakaagaw ng kanyang pansin ay ang mga note card na nakasabit sa duwendeng puno. Kinuha niya ang isa at binasa ang nakasulat.
“Hi, Ma’am, this is a reminder that my heart still beats for your daughter.” - Alford.
“I’ve been waiting for you for six years. Ang tagal kong hinintay na maging akin ka.”
Nilingon ni Lyca si Alford na ngayon ay nasa likuran na niya, hawak ang isang mikropono.
“What?”
“Six years na akong in love sa `yo.”
“What?” ulit niya sa naunang sinabi na marahang ikinatawa ni Alford.
“Since the first day I laid my eyes on you, I knew the long search for the right one was over. I felt something that I didn’t feel from any woman I had been with. I couldn’t believe that a fifteen-year-old brat who had the bad habit of rolling her eyes at me can make me feel giddy like a schoolboy watching his first crush as she bats her eyelashes; that she’d placed a seal on my heart na hindi nagawa ng iba.
“So I told myself that you only belong to me; that you’ll be the only woman I’ll ever want to be with, and someday a mother to our little boys and girls.”
“Alford!” marahang bulalas ni Lyca. Ano ba ang pinagsasabi ng lalaking ito? She had known Alford since she was fifteen, and he loved to tease her, kaya naman lagi niyang tinatarayan ang lalaki. Pero may bagay siyang naaalala tuwing magkikita sila. Binabati siya ni Alford ng “Hi, my future.” O hindi kaya ay sasabihin nitong “Hihintayin ko ang pagkahinog mo” and she rolled her eyes in response. God, naiirita siya tuwing sinasabi ang ganoon ni Alford. Kinikilabutan siya! She was fifteen and Alford was twenty-four that time.
“Alford, magtigil ka nga! Mag-asawa na tayo binobola mo pa ako, eh! Ang daming taong nakatingin at nakakarinig.”
“I’m telling the truth! Kahit tanungin mo ang mommy mo. May usapan na kaya kami.”
“S-si Mommy? Anong usapan?”
“It was Tres’ birthday party. Nilapitan ko ang mommy mo. I took her hand and kissed the back of it as a sign of respect for my future mother-in-law. Then I told her that I really liked you, but I wasn’t sure if I was in love with you, yet my heart would skip a beat whenever you were there. Ang sabi ko sa mommy mo if my feelings towards you wouldn’t change when you get in the right age for marriage, pakakasalan kita.”
“And?” she asked, stunned.
“Your mom guffawed, but she agreed eventually. Pero sabi niya i-enjoy ko muna ang pagiging binata ko habang wala ka pa sa tamang edad. Since then, I had been sending your mother pastries every month with a note, “Hi, Ma’am, this is a reminder that my heart still beats for your daughter.” Sa loob ng mahigit limang taon, ginawa ko `yon. Walang palya.”
Her mouth and eyes went agape with astonishment. Namimilog ang mga matang tumingin sa hawak na card, nilingon ang dwarf tree at tumingin sa kanyang ina na nakatayo kasama ang ama at kanyang kapatid, kasama ang lolo’t lola ni Alford. Tumango ang kanyang ina bilang patotoo sa sinasabi ni Alford. Naalala niya minsang may nagpapadala nga ng isang dosenang cupcakes, cakes at kung ano-ano pang sweets noon sa mommy niya. Naiinis pa ang daddy niya noon at tinanong ang mommy niya kung sino ang laging nagpadala ng mga pastries dito.
Her mom answered with a giggle, “One of my favorite persons. ” That really annoyed her father.
God, si Alford ang taong iyon at inipon talaga ng mommy niya ang lahat ng note card. Pero bakit hindi iyon sinabi sa kanya ng kanyang mommy? Kaya naman pala kung ipagtulakan siya ng mommy niya kay Alford ay para siyang tutang ipinamimigay lang dahil boto ito kay Alford. Sino ba naman ang hindi hahanga sa ginawang iyon ni Alford. He was so brave and sweet. Sa mommy talaga niya nagtapat ng nararamdaman ang asawa para sa kanya at hindi sa kanya. At hindi siya makapaniwala.
Aware naman si Lyca na may gusto sa kanya si Alford pero hindi niya akalain na iba ang tingin nito sa kanya kompara sa ibang babae.
Her attention went back to Alford when he suddenly got down on one knee before her, a red velvet box with the diamond ring in his hand. Her heart started pounding inside her chest, her eyes misted over as she held her breath.
“Sinubukan kong ibaling ang atensiyon ko sa iba’t ibang babae dahil baka nagkakamali lang ako sa nararamdamn ko, at baka sakaling makalimutan ko ang nararamdaman ko para sa `yo, dahil alam kong wala ka namang gusto sa `kin. But I still can’t help it but stalk you and send your mother a reminder that I still like you. Sinabi ko sa sarili kong magbabago ako maging akin ka lang. That I would only commit to a serious relationship kung ikaw ang babae.
“I know you didn’t love me and our situation was not ideal, but I love you so damn much and I can’t give you up that easily. I know that forcing you to marry me is a very selfish act, but that’s the only way to make you mine, so I grabbed the chance no matter what the consequences were. I love everything about you and I’m willing to risk everything just to be with you in every second of your life; to keep you as mine forever no matter how hard it is. Will you stay with me forever? Marry me again, giliw ko!”
Lyca didn’t hold back her tears anymore. Hot tears were streaming down her cheeks as his words flew over her like a soft caress. She found it appealing a man proposing on one knee. She had been dreaming about a marriage proposal from a man she had wanted to be with for the rest of her life. Kaya galit na galit siya nang sirain ni Alford ang pangarap niyang iyon, at hindi niya inaasahan na matutupad pa iyon ngayon.
Masaya na naman siya, at hindi na iyon importante pero kakaiba pa rin pala kapag ipinaranas talaga iyon ng lalaking pinakamamahal mo.
“Even though there’s nothing left to save this relationship that we have, you still care and love me. No matter how difficult I am to deal with or even our damn situation,” Lyca stated and nodded. “Yes. I’m gonna marry you again.” Parang batang humagulhol si Lyca. Tumayo si Alford at mahigpit siyang niyakap ng asawa.
“Nakakainis ka!”
Marahang natawa si Alford at mas hinigpitan ang yakap sa kanya. “I love you so much!” madamdaming bulong ni — Alford.
“I love you more! Thank you for loving me despite all my shortcomings and quirks. Thank you for pursuing me no matter how hard it was. Thank you for waiting for the right time no matter how long it took. God, Alford! Mahal na mahal kita. No doubt. I’m so in love with you right now!” she said, sobbing. Alford just groaned, squeezing her body in his arms.