lookupnovel logo lookupnovel
Down and Dirty (Fatal Attraction 1)

Chapter 21

Ch. 21 / 29 Feb 05, 2022

CHAPTER 21

LUNCH time nang umalis si Lyca para makipagkita kay Tyler sa isang restaurant. Pagdating niya sa establisimyentong napag-usapan nila ni Tyler ay naroroon na ang lalaki. Dinala niya si Fudgee. Siguro, dapat ay isauli na rin niya ang pusa. Iniwan niya ang pusa sa sasakyan kasama ng driver at bodyguards. Kasama rin niya ang mga bodyguards. Gusto niya sanang umalis mag-isa kaso ayaw siyang payagan.

“Paanong nangyaring ikinasal kayo? Ano ba ang totoong nangyari?” tanong ni Tyler habang magkaharap silang nakaupo sa mesa.

“May nangyari kasi sa amin. Tanda mo noong inutusan ako ni Princess na kuhanan si Alford ng nude. May nangyari sa amin nang gabing `yon at pinilit ako ni Mommy na ipakasal kay Alford.”

“Damn! Dapat talaga inihatid na kita nang gabing `yon, eh.”

“I’m so sorry, Tyler.”

“Lyca, puwede ka namang makipaghiwalay kung gusto mo.” Hinawakan ni Tyler ang dalawang kamay niya na nasa ibabaw ng mesa.

“One of the grounds for the annulment of marriage is vitiation of consent which includes obtaining consent by force, intimidation or undue influence. They forced you to consent to the marriage kaya hindi mahirap ipawalang-bisa ang kasal n’yo.”

“I know.” Marahang hinila ni Lyca ang kamay at ipinatong iyon sa ibabaw ng kamay ni Tyler. “But I want to stay as his wife.”

Bumalatay sa mukha ng lalaki ang kawalan ng pag-asa na kanina lang ay punong-puno niyon.

“But I thought you don’t love him.”

“Yeah. But as we got to know each other, I couldn’t help but be interested in every little detail about him. My admiration increased with his kindness towards needy people. He is so romantic and he makes me feel really special. I could spend hours and hours chatting with him or cuddling up with him, watching movies all day without getting bored.” Lyca sighed, wasn’t aware on how her eyes glowed as she spoke.

“You are in love with him.” Tyler’s voice pulled her out of her dreamy state.

“Ha?”

Mapait na ngumiti si Tyler. “It’s obvious. You are in love with him already.”

She was in love with Alford? In love na nga ba talaga siya?

Malalim na bumuntong-huminga si Tyler at muli siyang tinitigan. “It’s over. He’d already won your heart. Pero ang daya mo naman, eh. You were making me fall in love with you, Lyca. Naging sweet ka, lagi mo akong pinupuri. You fascinated me and you made me feel like I’m a perfect man, someone worth loving.”

Pinisil niya ang kamay ni Tyler. “You are. You are perfect and worth loving, Tyler. I’m so sorry! Kasalanan ko.” Hinila nito ang sariling kamay na hawak ni Lyca at isinandal ang likod sa sandalan.

Malungkot itong tumitig sa kanya. Seeing him in that state of dejection, rejected and hurt was breaking her heart. Tyler was such a good man and he didn’t deserve to be hurt. Nasaktan na ang lalaki nang iwan ito ng girlfriend at ngayon ito na naman, nasasaktan na naman niya.

Pagkatapos mag-usap ay nagpaalam na si Lyca kay Tyler. Inihatid siya ng lalaki sa labas ng restaurant kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan. Ayaw rin ni Tyler na ibalik niya si Fudgee.

“These past few weeks with you I’ve been truly happy. How could I forget the time we spent together?” His voice was very weak.

“Tyler! Huwag namang ganyan. Makokosiyensiya ako nito, eh.”

Malungkot itong ngumiti. “Can I hug you?”

Malungkot siyang ngumiti at siya na mismo ang yumakap sa binata. Mahigpit siyang niyakap ni Tyler. Iyong yakap na parang ayaw na siyang bitawan.

“Kidnap-in na lang kaya kita.”

Marahan siyang natawa. “I have five bodyguards, and they will shoot you kapag ginawa mo `yon.”

“How to move on from the second heartbreak?”

Kumalas si Lyca mula sa pagkakayakap. Inabot niya ang mukha ni Tyler at masuyong hinaplos. “You can get over it. Nagawa mo na dati kaya magagawa mo ulit ngayon. At isa pa, sa tingin ko hindi naman gano’n kalalim ang nararamdaman mo para sa `kin. Hindi pa naman nagiging tayo.”

“In love na ako sa `yo. And I think it hurts more than the first.”

“You can find another woman. `Yong mamahalin ka talaga.” Muli niyang niyakap si Tyler. Kung hindi niya nakasama si Alford, hinding-hindi siya magdadalawang-isip na tanggapin si Tyler. Pero may asawa na siya at si Alford ang pinipili niya. Masaya siya sa kanyang asawa. Bumitaw siya mula sa pagkakayakap, nginitian si Tyler bago tumalikod para sumakay sa sasakyan.

Natigil ang tangka niyang pagbukas ng pinto ng sasakyan nang hawakan siya ni Tyler sa braso. Muli niyang nilingon ang lalaki, pero sa kanyang paglingon ay bigla siyang hinalikan nito. Hawak ni Tyler ang gilid ng magkabila niyang ulo. Itutulak sana niya ang lalaki pero bigla na lang may humablot kay Tyler palayo sa kanya.

“Alford!” sindak niyang sabi sa pangalan ng asawa. Ito ang humablot palayo sa kanya kay Tyler. Gumapang ang matinding takot sa buong katawan ni Lyca nang bigla na lang pinagsusuntok ni Alford si Tyler sa mukha hanggang sa mapahiga ito.

The blood started oozing out of Tyler’s mouth from the continous punching he had received from Alford. Noon niya nagawang kumilos mula sa pagkakapako sa kinatatayuan.

“Alford!” Hinawakan niya sa braso ang asawa at pilit na inawat. “Alford, stop! Awatin n’yo sila!” hiyaw ni Lyca sa mga bodyguards na mukhang walang balak umawat. Puro nakatayo lang dahil sa pagkabigla. Lumapit ang dalawa at hinawakan si Alford sa magkabilang braso pero nagpumiglas ito.

“Alford, tama na! Mapapatay mo na ang tao!” malakas niyang hiyaw na siyang nagpatigil kay Alford. Pero ang nag-aapoy na mga mata nito sa tindi ng galit ay nagbigay ng matinding takot sa kanya.

“Alford, stop, please!” maluha-luha niyang pakiusap. Nagsigalawan ang buto nito sa panga nang tumitig sa kanya.

“Tyler!” Isang boses ng babae ang nagpalingon sa kanya. Si Sasahh at Wilson.

“Oh, God!” Mabilis na nilapitan ni Sasahh ang nakahigang kapatid na umaagos ang dugo mula sa bibig. Nakaramdam siya ng awa para sa lalaki. Tangka niyang lalapitan ito pero napigil siya sa biglang pag-alis ni Alford. Sa halip na lapitan si Tyler ay hinabol niya ang asawa na pumunta sa sariling sasakyang nakarapada sa di-kalayuan.

“Alford!” She stopped him by grabbing his arm. Marahas na ipiniksi ng asawa ang braso dahilan para halos lumipad ang kamay niya sa ere. Her breathing hitched when Alford spun around to face her with a dark and hard expression. She could also see pain in his eyes.

“Respeto! Sana naman bigyan mo ako ng kahit kaunting respeto! Kung hindi mo kayang ibigay bilang asawa mo kahit bilang tao na lang!” he said through clenched teeth. Bago ito tumalikod ay nahagip ng kanyang paningin ang luhang nalaglag mula sa mga mata ni Alford.

Mabilis na sumakay si Alford sa kotse at agad iyong pinaharurot palayo. She felt a sharp pain in her chest, as if someone had twisted a sharp knife through her heart. Sakit hindi para sa sarili kundi para kay Alford. Nasaktan niya ang asawa.

Hindi nakakilos si Lyca mula sa kinatatayuan. She couldn’t think straight. Hindi niya alam ang dapat gawin ngayon.

“Lyca…” he heard Tyler’s voice from behind. Pinunasan niya ang luhang hindi niya namalayang sunod-sunod na tumulo bago hinarap ang lalaki. Nandoon din si Sasahh at Wilson.

“I’m sorry,” Tyler said.

“Sinabi ko na sa `yo na masasaktan mo sila sa ginagawa mo pero pinatagal mo pa rin!” sumbat ni Sasahh kay Lyca.

“Inirespeto ko ang desisyon mo, Lyca, na huwag ipaalam kay Tyler ang tungkol sa inyo ni Alford. Kasi sabi mo, si Tyler ang mahal mo. Nangako kang hindi masasaktan ang kapatid ko!”

“I’m sorry!” Tuluyan na siyang humikbi.

“Lyca—”

“Tyler, stop! Isa ka pa, eh! Sinabi ko na sa `yong may asawa na si Lyca nakipagkita ka pa talaga! Halika na nga!” Hinila ni Sasahh si Tyler palayo. Naiwan siyang umiiyak. Hinawakan siya ni Wilson sa balikat at bahagyang pinisil.

“Alford is a womanizer. But I’ve witnessed how he changed. He changed for you, Lyca. Sana pahalagahan mo naman. Kung hindi mo talaga kayang mahalin si Alford, mas mabuting deretsuhin mo na. Don’t give him false hope.” Tinapik ni Wilson ang balikat niya bago siya iniwan. Tuluyan siyang bumulalas ng iyak! Gusto lang naman niyang maayos ang lahat pero mas lalong naging magulo.

PAGKATAPOS ng nangyari kanina ay umuwi si Lyca ng bahay. Inaasahan niyang madaratnan si Alford sa bahay pero wala ito roon. Sumapit ang gabi pero hindi talaga umuwi ang asawa. Hindi siya mapakali. Tinawagan niya si Tres at tinanong kung alam ba nito kung nasaan si Alford. Nasa The Rock Bar daw kasama si Wilson at Dock kaya agad siyang nagpunta sa naturang bar.

Pinagalitan na naman siya ng pinsan niya. This was serious! Ramdam niya ang galit ni Alford at natatakot siya. Nalaman ni Lyca mula sa isa sa kanyang bodyguard na tumawag daw si Alford dito at nagtanong kung nasaan siya kaya nalaman ng asawa na magkasama sila ni Tyler.

“God, puwede ba, huwag na nga kayong sunod nang sunod!” pagalit niyang sita sa mga bodyguards na lagi na lang nakabuntot sa kanya. Lalo siyang napu-frustrate sa ginawa ng mga ito.

“Pasensiya na po, Ma’am. Sinusunod lang namin ang ipinag-uutos ni Sir.”

Marahas siyang bumuga ng hangin sa bibig saka pumasok sa loob ng bar.

Palinga-linga siya sa loob ng madilim na club habang naglalakad hanggang sa makita niya sina Wilson at Dock. May mga kasama itong babae. Si Dock ay naka-secured ang mga braso sa baywang ng isang babae. Habang si Wilson ay pormal lang na nakikipag-usap sa isang babae—Oh wait! It’s Vicky. Juliet Policarpio’s BFF.

Where’s Alford? Lumapit siya sa mesa ng dalawang lalaki. She was about to get Dock and Wilson’s attention when a woman in red caught her attention. Pero hindi talaga sa babae natuon ang kanyang atensiyon kundi sa lalaking kinakandungan nito—ang asawa niya at ang malanding si Juliet. He had a glass of liquor in his hand while the other hand was on the woman’s ass, squeezing it.

Nang-aakit na pinaglandas ni Juliet ang daliring may mahabang kuko na napipinturahan ng pula sa labi ni Alford habang nakatitig sa mga mata ng isa’t isa. She felt a pang of jealousy, pain and anger. Lumapit ang nakaawang na labi ni Juliet sa naghihintay na labi ni Alford.

Pero bago pa man iyon maglapat ay mabilis siyang lumapit. She put her hand over Juliet’s mouth, squeezing it as hard as she could sabay hila sa babae palayo. Itinulak niya si Juliet. Natumba ang babae sa kung saan nakaupo ang kaibigan nitong si Vicky. Nadaganan nito ang kaibigan.

“Ano ang problema mo?!” tili ni Juliet at galit siyang tinitigan.

“Subukan mo lang ilapat ang nguso mo sa labi ng asawa ko, bubunutin ko talaga ang lahat ng ngipin mo kasama ang gilagid mo!”

“Asawa?” Juliet laughed humorlessly.

“Asawa mo ba ang ambisyosang `to, Alford?”

Alford just shrugged nonchalantly and downed the remaining contents of his glass.

Muling tumawa nang malakas si Juliet.

Hinarap ni Lyca si Alford. “Umuwi na tayo sa bahay, please.”

Alford smirked as he looked at her. “Miss Veliganio, hindi tayo magkaano-ano para umuwi tayo sa iisang bahay. Just go home! Can’t you see? I’m enjoying a piece of ass here. Just go!” taboy ng asawa sa kanya at nasasaktan siya sa ginagawa nito. Pero lasing si Alford at galit sa kanya kaya naiintindihan niya. Iintindihin ni Lyca dahil siya naman ang may kasalanan.

“Please, Alford!”

“Just. Go. Home!” matigas nitong taboy sa kanya.

Parang umakyat ang lahat ng dugo ni Lyca sa ulo nang marinig ang tawa ni Juliet.

“Nakikiusap ako sa `yo. If you don’t want me to make a scene here umuwi na tayo!” Shit! Alam ni Lyca na parang marupok na goma lang ang kanyang pasensiya kaya alam niyang anumang oras ay mapapatid iyon. Hindi niya alam kung ano ang kanyang magagawa. Lalo pa’t naririnig ni Lyca ang nang-uuyam na tawa ni Juliet.

“Hu-hu-hu! Kawawa naman ang naliligaw na pusa. Uwi na! That delicious meat is mine. Meow, meow—Hey!” Tumili si Juliet nang hablutin niya ang baso na naglalaman ng alak mula sa mesa at itinapon iyon sa mukha ng babae. Pupungas-pungas pa ito na parang malulunod sa isang basong alak.

“Try to spit out another shit and I’ll beat your fake nose!”

Nagtagis ang mga bagang ni Juliet at akmang tatayo pero pinigil ito ni Wilson. Tumayo si Wilson at tinabihan si Alford saka bumulong. Muli siyang tinitigan ng asawa. Nagpakawala ito ng marahas na buntong-hininga bago tumayo saka naunang naglakad palabas.

“ALFORD, please, mag-usap naman tayo. Nakipagkita lang naman ako kay Tyler para mag-explain. He deserved it,” paliwanag ni Lyca habang nakasunod sa asawang pumasok ng kanilang kuwarto.

Hinarap siya ni Alford. “What kind of explanation did you give to him? Like, don’t worry, Tyler, I don’t love Alford. Napilitan lang naman akong magpakasal sa kanya. Ikaw talaga ang mahal ko. Just wait for me until I get my marriage annulled. You consoled him by uttering sweet nothings as you were holding each other in a tight embrace. So fucking romantic!” he said sarcastically.

“Alford, hindi! You are taking this the wrong way. I told him that I want to stay with you. I want to stay as your wife. I hugged him, yes, but I didn’t expect that he’d gonna kiss me.”

“You had the chance to tell me but you didn’t. Nagawa mong magpaliwanag sa kanya pero sa `kin na asawa mo hindi mo magawa dahil siya ang mahal mo, Lyca!” Punong-puno ng galit ang boses nito.

Hindi sila magkakaintindihan lalo’t nakainom ito.

“Mag-usap tayo bukas `pag hindi ka na lasing.”

“Hindi na kailangan! I don’t wanna hear your lies!” Hinugot ni Alford ang cell phone mula sa bulsa ng jeans at inilapag iyon sa nightstand bago pumunta ng banyo.

Pumunta si Lyca sa walk-in closet at kumuha ng pamalit na damit ni Alford at muling lumabas. Hinintay niya ang asawa sa labas ng pinto ng banyo. Ilang sandali ang lumipas nang bumukas ang pinto. Bagong ligo ito. A small white towel slung low around his hips. Inabot niya sa asawa ang damit pero hindi iyon kinuha ng asawa. Nilagpasan siya ni Alford at pinuntahan ang cell phone na nag-iingay.

“Hello? Si Monica? Ngayon na? Okay, twenty minutes nandiyan na ako.” Inilapag nito ang cell phone sa nightstand. Nilagpasan siya ni Alford na parang multong hindi nito nakikita. Pumunta ng walk-in closet ang asawa. Agad siyang sumunod at napasukan itong humila ng maong na pantalon at puting T-shirt habang nasa isang kamay ang puting briefs.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Lyca sa asawang mabilis na nagbibihis. Hindi siya pinansin ni Alford. Matapos magbihis ay kumuha ng sapatos at isinuot iyon saka lumabas. Pasunod-sunod siya sa asawa. Nag-ayos ito ng buhok at pagkatapos ay pumasok ng banyo para kunin ang susi ng kotse sa bulsa ng pantalon, kinuha ang cell phone at walang paalam na lumabas ng kuwarto.

Inihagis ni Lyca ang hawak na damit sa kama at mabilis na sinundan si Alford hanggang sa makalabas ng bahay.

“Giliw ko, saan ka pupunta?” Yumakap siya sa baywang ni Alford nang buksan nito ang pinto ng kotse sa driver side.

“Lyca, pumasok ka na sa loob.”

“No! Sasama ako!” pagmamatigas niya.

“Hindi puwede!”

“Sino ba si Monica?”

Alford paused for a while before answering her. “She’s my first love.”

Humigpit ang pagkakayakap niya kay Alford. “First love? You have a first love?”

“Ano ang tingin mo, ikaw lang ang mayroong first love?”

“Eh, bakit pupuntahan mo siya?”

“I didn’t demand an explanation from you nang puntahan mo si Tyler. Pero, sige, sasagutin ko `yang tanong mo. I will go see Monica just to hug and kiss her. Happy?”

Nasasaktan na talaga siya! “Then sasama ako. You brutally hit Tyler, so gagawin ko rin `yon sa first love mo!” Alford heaved a deep breath as he threw his head back.

“Pumasok ka na!” Binaklas ni Alford ang kamay niyang naka-lock sa baywang nito pero mas lalo siyang kumapit.

“Please, hubby, huwag ka nang umalis! Sorry na!”

Kinuha ni Alford ang atensiyon ng bodyguards na naroroon at patakbo naman ang mga itong lumapit.

“Pakipasok si Lyca at huwag n’yong palalabasin.”

“Subukan n’yo lang akong hawakan at masasaktan kayo!” banta niya sa dalawang bodyguards na tangkang hahawak sa kanya.

“Ipasok n’yo na siya.” Marahas na binaklas ni Alford ang mga kamay niya. Hinawakan siya ng dalawang bodyguards at inilayo kay Alford na para ba siyang isang kriminal.

“Let me go!” tili ni Lyca, at nang hindi siya binitawan ng dalawa ay kinagat niya ang mga ito sa braso. Napahiyaw ang dalawa at nang mabitawan siya ay agad siyang tumakbo palapit kay Alford pero naharang naman siya ng dalawa pang bodyguard.

“Ano ba!?” Sinipa niya sa binti ang dalawa.

“Lyca!” malakas na sigaw ni Alford ang nagpatigil sa kanya. “Pasok!” Mahina pero matigas ang boses nito.

She shook her head stubbornly. “Sasama ako. M-mambababae ka, eh.” Gumaralgal ang boses niya. Matagal siyang tinitigan ni Alford bago ito muling nagsalita.

“I’m getting really tired dealing with a stubborn and unrepentant person like you! Give me a break!”

Nanikip ang dibdib ni Lyca sa sinabi ni Alford. Tuluyang namuo ang luha sa kanyang mga mata. Humakbang siya paatras at bago pa malaglag ang luha mula sa mga mata niya at makita iyon ni Alford ay mabilis siyang pumihit at tumakbo papasok ng bahay. Saka lang niya hinayaang mag-unahan sa pag-agos ang mga luha mula sa kanyang mga mata.

Bumalik siya sa kuwarto at umiiyak na dumapa sa kama. Ngayon lang siya umiyak nang dahil sa lalaki. Nasasaktan siya! Paano kung hindi na siya mapatawad ni Alford? Paano kung magbago na ito? Paano na?