CHAPTER 13
“EARTH to Sasahh!” pukaw ni Lyca sa parang napakalalim na iniisip ng kaibigan. Dinalaw siya ni Sasahh. Pumuwesto sila sa pagkakataong iyon sa likod ng bahay sa may pool area.
Ngumiti ito sa kanya. “Where are we?”
Lyca laughed softly and said, “sa bahay pa rin namin.”
“Gaga!” Sumipsip ito ng red iced tea.
“Pinag-uusapan natin ang tungkol sa pagbubuntis ng mommy mo. So how is she?”
“She’s fine. She’s six weeks pregnant, and guess what? Twins ang ipinagbubuntis ni Mom.”
Nanlaki ang mga mata ni Lyca at natutop ang bibig sa balitang iyon ni Sasahh.
“Oh, my God! Totoo?”
“Uh-huh! Kaya ikaw, dapat mag-baby ka na rin.”
“I’m not ready for that. Maybe someday.”
“Sana naman si Alford ang inaasahan mong maging ama ng magiging anak mo at hindi si Tyler, ano?”
Tumawa siya sa sinabi ni Sasahh. “Gaga!”
“Seryoso ako. Baka mamaya may masaktan ka sa dalawa. Paano kung ma-in love na sa `yo ang dalawang lalaki mo. Ano ang gagawin mo?”
Seryoso nga ang kaibigan. Matiim itong nakatingin sa kanya. Ma-in love sa kanya si Alford at Tyler? Posible ba iyon?
“I think Alford can handle the pain,” nasabi na lang niyang ikinalaki ng mga mata ni Sasahh.
“So pipiliin mo si Tyler?”
“Ha?” Bago pa man siya makasagot ay naibaling muna ni Lyca ang atensiyon sa kanyang likuran nang marinig ang tahol ng aso. Noon naman lumabas mula sa pinto si Alford bitbit ang tray na may lamang dalawang beef cheese casserole. Inilapag iyon ng asawa sa ibabaw ng mesa.
“Ahm… Alis lang ako. Tumawag kasi si Wilson—” Natigil sa pagsasalita si Alford nang maubo si Sasahh at literal nitong naibuga ang iniinom na iced tea. Muling tumingin sa kanya si Alford. “Okay lang ba?”
“Of course.”
“Thank you.” Yumuko si Alford at ginawaran siya ng pinong halik sa mga labi. His deep brown eyes penetrated hers as he stared into her eyes. “Babalik din ako agad.” His voice was noticeably changed. It was weak and lifeless. Ibang-iba sa kanina. Kahit ang mga mata nito parang walang buhay. Anyare?
“Take your time. I’ll be fine here.” Inabot ni Lyca ang pisngi ni Alford. Pero bago pa man niya mahaplos ang pisngi ng asawa ay tumuwid na ito ng tayo pagkatapos siyang halikan sa ulo. Nagpaalam ito kay Sasahh at umalis.
Muli niyang ibinalik ang mga mata sa kaibigan nang mawala si Alford sa kanyang paningin.
“Ano’ng nangyari sa `yo?” tanong niya sa kaibigan na nagpupunas ng bibig at ilong gamit ang tissue. Inilagay niya sa tapat ni Sasahh ang beef cheese casserole at ang isa ay sa harap niya. Inilagay niya ang tray sa bakanteng upuan.
“Wilson and I had sex.”
Her gaze snapped to Sasahh. “What?” tanong niya sa mababang boses. Baka mali ang kanyang narinig.
“I slept with Wilson,” she said, shocking her to the core.
“What?!” Lyca exclaimed, her mouth dropped open. “Wilson Eliseo dela Fuente. Kaibigan ni Alford?”
“The grandson of Senator dela Fuente and the son of Mayor dela Fuente. So yes, Wilson Eliseo dela Fuente.”
“OMG! How? When? Why?” she sputtered slowly. “I mean how did it happen?”
“Sa party ng Artha Club. I don’t know what happened basta nangyari na lang. I was tipsy. I found him hot that night and a good kisser, and ` ayun, we did it in the car. Your husband’s car.”
“Oh, my!” she said, fanning herself dramatically.
“But he’s in a relationship. He is already engaged.” Ayon kay Alford, beinte-singko anyos pa lang si Wilson ay engaged na ito. Nakatakda itong ikasal sa apo ng kaibigan ng lolo ng lalaki.
“I know, sinabi niya sa `kin. Wala pa naman daw silang commitment sa isa’t isa ng babae. They both agreed that they can enjoy their lives for now. So hindi ako dapat ma-guilty.” Kinuha ni Sasahh ang tinidor, pinunasan ng cloth napkin, saka itinusok sa beef cheese casserole.
“Hindi ka nagsisisi? You lost your virginity to him.”
Nagkibit-balikat si Sasahh. “Hindi naman. I enjoyed that night with him. He made me experience the most unforgettable moment of my life.” She sighed, shoving the fork into her mouth. “Oh, by the way.” Excitement splashed across Sasahh’s face. “Nandito ako para ibalita sa `yo na natanggap ako sa Glitterati Model Management sa New York.”
Her mouth dropped open in surprise again. “Talaga?!”
“Uh-huh! I’ll be a part of the best and most popular modeling agencies in the world.”
“Oh, my God! I’m so happy for you.” Tumayo siya pati na si Sasahh. Mahigpit silang nagyakap at sinabayan ng talon.
Pangarap ni Sasahh na maging fashion model. Panay ang apply nito sa mga sikat na modeling agencies sa iba’t ibang bansa. Nagpapadala ng mga sample photos na si Tyler mismo ang kumukuha. Isa sa nagustuhan niya kay Tyler ay ang pagiging supportive na kapatid nito. Minsan, kapag may photo shoot ang dalawa ay katulong siya ni Tyler.
Sasahh stood five feet and eight inches tall. She had a perfect body to die for and ideal for modeling. Not to mention the perfect symmetry of her face.
“You mean, aalis ka at pupunta ng New York?” Muli silang umupo.
“Yeah. Next month siguro, hindi pa sure. May mga aayusin pa ako, eh.”
Sadness filled her heart at ganoon din si Sasahh. Makikita ang lungkot sa mukha nito.
“Oh, I’m gonna miss you!”
“Me, too.” Naghawak sila ng kamay sa ibabaw ng mesa. Lyca had met Sasahh during her freshman year in college. They were classmates and became best friends. Sa ibang eskuwelahan ito nag-aral ng high school at lumipat sa university na pinapasukan niya noong mag-college ito.
“Sino ang kasama mo?”
“Si Tyler sana kaso ayaw umalis. Dito na lang daw siya kukuha ng master’s degree niya. Kaya si Mommy na lang. Balak ni Mommy na doon na manganak. Mukhang ikaw ang dahilan kaya ayaw umalis ng kapatid ko.”
“Ano? Paanong ako?”
“Lyca, mukhang in love na sa `yo ang loko. Mabuti pa, magdesisyon ka na. Baka masaktan ang kapatid ko.”
In love na sa kanya si Tyler? Seryoso ba ito? Iba ang ipinapakita sa kanya ni Tyler lately. Ibang atensiyon ang ibinibigay nito sa kanya. Atensiyon mula sa lalaking matagal niyang pinangarap.
PINAGMASDAN ni Lyca si Alford na tulog sa kama. Lasing na lasing ito at hindi na kinayang umuwi pang mag-isa kaya inihatid ni Dock at Wilson. Hinawakan niya ang dulo ng T-shirt ng asawa at inangat pero natigil siya nang magsalita ito.
“Venice…”
Kung anong kirot ang naramdaman niya dahil sa pag-usal ni Alford sa pangalan ng ibang babae.
“Buwisit! Buhusan kita ng mainit na tubig diyan, eh.” Walang ingat niyang itinaas ang T-shirt nito pero tinabig ni Alford ang kamay niya.
“Don’t touch me, bitch.”
Naku! Umiinit ang ulo niya. Namaywang siya habang nakatingin sa nakapikit na asawa.
“Humanda ka sa `kin bukas.” Pilit niyang hinubad ang T-shirt nito at isinunod ang sapatos at ang natitirang damit. Umupo siya sa gilid ng kama at sinimulan itong punasan ng towel na inilublob sa maligamgam na tubig.
“Hmm! I said don’t touch me, Venice. I love my wife.”
Ang nagngingitngit niyang kalooban ay nakalmang bigla sa narinig. “What did you say?”
“I love my brat wife.”
Malapad na ngumiti si Lyca. Inilapit niya ang mukha sa mukha ni Alford.
“Mahal mo ako?” Isang ungol lang ang sagot ng asawa at hindi na nagsalita pa. Hinalikan niya si Alford sa mga labi at marahang hinaplos ang pisngi ng asawa. Kung anong saya ang naramdaman niya dahil sa sinabi nito.
KINABUKASAN ay iginawa ni Lyca ng banana pancake si Alford. Dinalhan niya ng almusal sa kuwarto ang asawa. Nakaupo siya sa gilid ng kama at masuyong pinapaulanan ng halik ang mukha ni Alford para magising ito. Umungol ang asawa niya, kinusot ang mata, saka dumilat.
“Lyca?”
“Good morning, giliw ko!” Tuluyang dumilat si Alford. Hindi ito nagsalita, nakatitig lang sa kanya na parang confused.
“Ang ganda ng tagagising mo, `no? Now get up and have breakfast.” Tumayo si Lyca at kinuha sa mesita ang bed tray na naglalaman ng pagkain. Inilagay niya iyon sa harap ni Alford matapos nitong umupo. Umupo siya uli sa gilid ng kama.
“Wow! Breakfast in bed.”
“Ako ang nag-prepare niyan,” pagmamalaki niya.
“Really?”
“Pancake lang ang ginawa ko. Si Nanay Carmen ang nagluto pero akin ang plate preparation.”
“May bulaklak pa.” Kinuha ni Alford ang isang stem ng pulang-pulang rosas at dinala sa ilong. A smile appeared on his face as he breathed in the scent of the red rose.
“So, ano ang una mong titikman?”
“Of course, my wife’s pancake.”
She grabbed the fork and bread knife, and wiped them with a cloth napkin. Nang mailapag ang napkin sa tray ay humiwa siya ng pancake na may maple syrup, tinusok ng tinidor at iniumang kay Alford. Alford took the piece of pancake, munching it as he hummed contentedly.
“Why do you look so happy?” Alford couldn’t help but ask.
“Do I?” Kumuha siya ng egg quesadilla at muling sinubuan si Alford. Isinubo iyon ng asawa bago sumagot.
“Yeah.”
Natulog siyang may ngiti sa mga labi at nagising na hindi nawawala ang ngiting iyon. Pakiramdam nga niya, natulog siyang nakangiti.
“By the way, lasing na lasing ka kagabi. May sinasabi kang pangalan.”
“Pangalan? Anong pangalan?”
Muli niyang sinubuan ng pancake ang asawa. “Venice. Babae mo?”
Natigil si Alford sa pagnguya. “N-noon.” Parang hirap itong magsalita habang nakatitig sa kanyang mukha. Pilit binabasa ang emosyong makikita kundi kasiyahan. Kumunot ang noo ni Alford nang hindi makita ang emosyong hinahanap sa asawa. “Galit ka?”
“Hindi,” nakangiti niyang sagot. Sa halip na matuwa ay parang nainis pa si Alford sa kanyang sagot. Inagaw nito ang tinidor mula sa kamay niya, tumusok ng hot dog at padabog na kumagat.
“Akala mo ako si Venice, pinagtatabuyan mo ako kasi sabi mo mahal mo ang asawa mo.”
“What?” he asked, confused.
“You mentioned Venice during your slumber. I was pissed off kaya muntik na talaga kitang buhusan ng tubig. But you said, ‘stay away from me, Venice. I love my brat wife’. So, very good ka sa `kin kaya breakfast in bed ang prize mo.” Unti-unting sumilay ang ngiti sa mukha ni Alford.
“And that makes you happy?”
Tumango si Lyca. Kinuha ang dessert spoon, sumandok ng vanilla pudding at sinubuan ang asawa.
“Masarap?”
“Yup! Pero mas masarap siguro kung susundan mo ng isang matamis na halik.” Pinatulis ni Alford ang nguso.
Lyca laughed softly, leaning forward, and left him with a tender kiss on the lips. “Happy?” she asked with a huge smile.
“Sobra!”
“Pero bakit ka nga pala nagpakalasing? Si Dock at Wilson naman hindi lasing.”
“Sorry,” tanging nasabi ni Alford.
“FUCK it! Nice tits!” Dock exclaimed as he watched the two women who were currently dancing on a runway-like stage. Wearing nothing but a black thin lacy thong each. Their tits were bouncing as they tried their best to dance in a sexy manner.
Alford was in the strip club with Wilson, Dock, Attorney Gomez at isang imbestigador. Parang pinagpapawisan siya nang malapot at hindi mapakali sa kabila ng lamig sa loob ng club. Nagi-guilty siya. Pakiramdam niya, ang laki ng kasalanan niya kay Lyca. Tinapik ni Wilson ang tuhod niya.
“Enjoy the night, pare. Ikaw ang nagyaya rito pero hindi ka makatingin sa stage,” sabi ni Wilson sa natatawang tono.
“I came here for a job and not to entertain my cock!” depensa niya. Nasa club siya para makita mismo ng sariling mga mata ang tungkol sa sistema ng pamamalakad sa strip club na iyon. Ayon sa mag-asawang Sta. Maria na humingi ng tulong sa kanya ay maraming babaeng sapilitang pinagtatrabaho roon.
Isang mayamang politician ang may-ari ng strip club kaya naman kahit may mali sa negosyo nito ay patuloy pa ring nag-o-operate. Si Congressman Atanante ang siyang nagmamay-ari ng strip club pero nakapangalan lang sa iba, kay Rex. Si Congressman Atanante ang ama ni Rex Atanante na nahaharap sa kasong rape at siyang ipinakiusap ng kanyang lolo na hawakan ang kaso nito. Matagal na niyang alam ang strip club na iyon pero ngayon lang siya nakapasok at ngayon lang niya nalaman na si Congressman Atanante pala ang nagmamay-ari ng establisimyento.
Hindi niya trip ang pagpunta sa mga ganoong lugar. He didn’t need to pay for a woman to entertain him. Makakakuha pa siya ng sakit sa ganitong lugar.
Pero ngayong may lumapit sa kanya at nagsumbong sa ginagawa ng club, minabuti ni Alford na pumasok doon para mag-surveillance sa sarili niyang paraan. Ilang beses na raw iyong idinulog sa kinauukulan at kahit sa mayor sa siyudad pero walang nangyari. Hindi raw inaaksiyunan kaya napilitang sa kanya lumapit para mabawi ang anak ng mga ito.
Alford specialized in more than one area of law. Ginagamit lang niya ang pagiging Criminal defense lawyer sa mga napagbintangang gumawa ng krimen; iyong mga na-frame-up. Hindi katulad ng kanyang lolo at kanyang ama na kahit halang ang bituka ay nagagawang mapalaya. Ewan ba niya sa dalawang iyon at gustong-gustong depensahan ang mga kriminal.
Si Attorney Gomez ang siyang pinakiusapan niyang humawak sa kasong ito. Isa itong public defender at alam niyang maaasahan niya ang abogado. Kasama niya si Attorney Gomez sa Harvard Law School, pero mas pinili nito ng maging public defender. At siya naman ang bahala sa anak ni Congressman Atanante. Nakapagdesisyon na siyang hahawakan niya ang kaso ni Dana Cristobal, ang biktima ni Rex Atanante.
Inindorso sa kanya ni Attorney Gomez ang kaso at nang makita niya ang larawan ng bata na puro pasa ay matinding awa ang naramdaman niya at galit para sa abuser. Napag-alaman niyang isa itong sadista at hindi lang isa ang ginahasa pero hindi lang nagsasalita dahil sa takot. Kailangan nang pagbayaran ni Rex Atanante ang mga kahayupan nito.
Kinuha ni Dock ang red LED light stick at itinaas. Once na itinaas ang LED stick, ibig sabihin ay pinapalapit ang dancer at sasayawan ang nagpatawag dito, at pera ang kapalit niyon. Nang ibaling niya ang tingin sa stage ay bumaba ang dalawang babae.
Napamura si Alford nang makitang lalapit na sa kanila ang dalawang babae. Sira-ulo talaga si Dock. Mas sira-ulo siyang di-hamak kompara sa mga kaibigan pero ngayon ay parang bahag na ang buntot niya. Kung wala siyang asawa, malamang sa hindi ay siya pa ang nagtaas ng LED light stick na iyon.
“I’m married. Just stay away from me!” taboy niya sa babae nang humawak ito sa balikat niya at itinaas ang kamay kung nasaan ang singsing para ipakita sa babae. Lumapit na lang ito kay Dock at si Dock ang sinayawan. Ang isang babae ay kay Wilson lumapit. Kumuha ng pera si Dock, iwinagayway sa harap ng mukha ng babae bago iyon inihaplos sa katawan nito pababa at iniipit sa garter ng panties.
Si Alford ay itinuon ang mga mata sa ibang bagay. Napansin niya ang paglabas ng isang babae sa stage na para bang maiiyak habang yakap ang sarili. Suot nito ay isang bejeweled underwear. Hindi nito magawang magsayaw kahit pinandidilatan na ng isang babae—ang manager ng club.
Maganda ang babae. Halos lahat ng nagtatrabaho sa naturang club ay magaganda. Iyong pangmodelo ang mga katawan. Hindi basta-basta ang strip club. Hindi pipitsugin. Mayayaman ang mga parokyano.
May isang lalaking banyaga ang nagtaas ng isang gold LED light, ang kulay na ginagamit kung tatawagin ang manager. Agad na nilapitan ng manager ang medyo may-katandaan nang lalaki. Nag-usap ang dalawa at mayamaya ay umakyat ang manager sa stage at hinila pababa ang babae. Dinala ito sa lalaking nagtaas ng gold LED light.
“Geallan!” Binalingan niya si Dock na napatayo mula sa kinauupuan habang nakatingin sa babae.
“Kilala mo siya, pare?”
“Oo. Nakilala ko siya nang magpunta ako sa Dinagat Island.” Nagmura si Dock nang makita nitong kinaladkad ang babae ng manager at mayamaya ay sumunod ang matandang lalaki. Hindi nakatiis ang kaibigan at sinundan ito. Sa pag-aalalang mapaaway ay sumunod siya kay Dock.
“Hey!” Hinawakan ni Dock ang babae sa braso. Bahagyang nanlaki ang mga mata nito nang makita ang kaibigan niya.
“Dock?”
“Ano ang ginagawa mo rito?” Biglang yumakap ang babae sa kaibigan niya.
“Tulungan mo ako.” Kapansin-pansin ang panginginig ng katawan nito sa matinding takot. Hinubad ni Dock ang leather jacket na suot at isinuot sa babae.
“Alam n’yo bang bawal itong ginagawa n’yo? Pinaghuhubad n’yo ang mga babae nang sapilitan!” Si Dock na mahigpit na nakapulupot ang isang braso sa katawan ng babae habang nakasiksik ito sa katawan ng kaibigan niya.
“Satina, what’s going on?” tanong ng lalaking banyaga.
“I am so sorry, Mister Becker. Can you please go back to your table first while I’m fixing this problem.” Sumunod naman ang lalaki.
“Puwede bang huwag kayong mangialam? Hindi namin siya pinipilit.” Niyuko ni Dock ang babae.
“Totoo ba `yon?”
Marahas na umiling ang babae. “Hindi ko `to gusto. Pinipilit nila ako.”
“Aba’t ikaw na babae ka—”
“Don’t you dare lay a finger on her!” matigas na banta ni Dock. “Isasama ko siya.”
“Hindi puwede! Malaki ang pagkakautang ng nanay niya sa `kin at siya ang ipinangbayad! At kapag hindi natuloy ang transaction namin ni Mister Becker, humanda kayo sa `kin!”
Napakatapang! Ito ang humanda dahil sisiguruhin ni Alford na ipapasara ang strip club at magbabayad ang mga ito.
“Magkano ba ang utang na dapat bayaran?”
“Isang milyon! Ano, kaya mo?”
“Hindi naman ganyan kalaki ang utang ni Nanay—”
“Manahimik ka!” angil ng manager sa babae. Tinapik ni Doc k si Alford sa balikat at bumulong. May pinakuha ito sa kanya sa sasakyan nito. Nang maibigay sa kanya ang susi ay nagmadali siyang kunin ang cheque book nito, sa ka bumalik sa loob. Without hesitation, Dock wrote down the amount that the woman said—one million pesos. Pinilas ni Dock ang tseke at iniabot sa babae.
“Is that enough?”
Bahagyang umawang ang bibig ng manager at nanlaki ang mga mata habang nakatingin sa tseke. Hindi siguro akalain na ibibigay nga ni Dock ang halagang gusto nito.
“Let’s go, Geallan.” Iginiya na ni Dock ang babae palabas ng club. Tinawag na niya ang mga kasama nila saka lumabas ng club.
“Willing ka bang tumistigo para masampahan ng kaso ang club na ito?” tanong ni Alford kay Geallan.
Sunod-sunod na tango ang ginawa ng babae. “Oo. Maraming babae sa loob na pinipilit magsayaw ng hubo’t hubad. Tulungan n’yo sila.”
“Don’t worry. We will.”
“Paano, pare, mauna na kami? Isasama ko si Geallan,” paalam ni Dock.
“Sige.” Nang pumihit siya para puntahan ang sariling sasakyan ay para siyang ipinako sa kinatatayuan nang makita roon sina Lyca at Sasahh.
“L-Lyca?”
Sasahh mouthed. “Lagot ka! Putol ang ulo mo.” w ith her finger wiggling.
“Really? Strip club?” Nakataas ang kilay ni Lyca habang nakahalukipkip.
“Lyca, it’s not what you think.” Humakbang siya palapit sa asawa pero itinaas nito ang kamay, sabay talikod. Pinuntahan nito ang nakaparadang sasakyan at hindi na pinansin pa ang kanyang pagtawag.
“Shit!” palatak ni Alford at napahilamos sa mukha. Mukhang magkakapasa-pasa na naman siya. Paano bang nalaman ni Lyca na nandoon siya?