lookupnovel logo lookupnovel
Down and Dirty (Fatal Attraction 1)

Chapter 15

Ch. 15 / 29 Feb 05, 2022

CHAPTER 15

“ANO ba talaga ang nangyayari, Alford?” tanong ni Lyca sa asawa habang nakatayo sa pinto at nakatingin sa labas ng bahay. Their house was guarded with heavily armed men. Suot ang isang puting polo at itim na slacks na karaniwang suot ng mga bodyguards.

“Ayaw ko lang maulit ang nangyari.” It had been four days nang mabaril si Oreo at hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa pagkawala ng alaga niya.

“Papasok ako ngayon. Medyo naiinip ako rito. Lalo akong nalulungkot, eh.” Nasa mukha ni Alford ang parang pag-aalangan na payagan siya pero sa bandang huli ay ngumiti na rin ito.

“Okay. Pero pasasamahan kita sa mga bodyguards. May hearing ngayon, eh.”

“It’s okay. Hindi mo ako kailangang samahan. May actual shoot kami ngayon. Sa La Mesa EcoPark ang location.”

“Sige, kapag maagang natapos ang hearing susunod ako, susunduin kita.” Inabot ni Alford ang pisngi niya at masuyong hinaplos. “Huwag ka nang malungkot.”

Pilit na ngumiti si Lyca. Alford was doing everything to make her happy, to make her feel better after losing Oreo.

KAHIT paano ay nalibang si Lyca sa pagkuha ng mga larawan. Kakatapos lang ng activity nila kaya naisipan niyang mahiga sa blanket na inilatag ni Tyler sa damuhan habang nilalaro ang pusang nasa ibabaw ng kanyang tiyan. Isang Sphynx na ibinigay sa kanya ni Tyler. Kamukhang-kamukha ni Oreo. Nabalitaan daw kasi nito mula kay Sasahh ang nangyari kay Oreo kaya naisipan nitong bigyan siya ng bago. Two weeks na lang din ay tapos na ang photography workshop.

Humiga sa tabi niya si Tyler. Ang ibang kasama nila ay abala pa sa pagkuha ng mga larawan. “Nagustuhan mo ba si Fudge?”

Ibinaling ni Lyca ang tingin kay Tyler. “Fudge?”

“Hmm. Fudge cookie?”

Ibinalik niya ang tingin sa pusa at hinaplos iyon. “Fudge…” she uttered and smiled. “Hello, Fudge. I’ll be your new mommy,” she chuckled on its head.

“And I’ll be your daddy.” Tyler propped up on his elbow, facing her with a broad smile.

Ang munting ngiti sa mga labi ni Lyca ay nawala. Bigla siyang nakaramdam ng pagkaasiwa, lalo nang titigan siya ng lalaki. Pilit siyang ngumiti at itinuon ang atensiyon sa pusa.

“Salamat pala rito. I really appreciate it,” sabi ni Lyca habang patuloy sa paghaplos sa ulo ng pusa. Natigil siya sa paghaplos nang maramdaman ang kamay ni Tyler na humaplos sa kanyang buhok.

“I like you, Lyca.” Her gaze averted to him. His penetrating gaze bore into her eyes, and that made her feel uncomfortable.

“I know you like me, too, since then. Narinig ko kayo minsan ni Sasahh na nag-uusap sa kuwarto niya.”

Bahagyang umawang ang mga labi niya sa nalaman.

“And I know that Photography is really not your passion. Noong una, akala ko, gusto mo talaga ang Photography. Pero nang makita kong hindi ka marunong kumuha ng larawan, na-gets ko na agad. Excuse mo lang `to para makasama ako, `di ba?”

Bahagya siyang ngumiwi. She could feel her face heating up from blushing. She felt embarrassed.

Marahang natawa si Tyler sa naging reaksiyon niya. Hinaplos nito ang kanyang pisngi habang nakayuko sa kanya.

“Don’t feel embarrassed. It’s actually cute. Thank you for admiring me, Lyca. I really appreciated it. Gusto rin naman kita dati pa, but I’ve chosen not to court you because I’ve been in a painful relationship before. Ayaw kong makipagrelasyon na hindi pa ako nakaka-get over sa past ko. Ayaw kitang masaktan at ayaw kong masira ang friendship n’yo ng kapatid ko.”

Pagkatapos ngang matapos ang relasyon ni Tyler at ng ex-girlfriend nito ay hindi na nagka-girlfriend pa ang lalaki. Masuyong humaplos ang thumb-finger nito sa kanyang baba habang nakatitig sa mga mata niya.

“I’ve been thinking about you a lot these past few days. I’ve noticed that being with you, I smile more often, and my heartbeat is different from the usual, whenever you’re around.”

“Tyler…” She could feel her heart tighten upon hearing his confession.

“I think I’m in love with you, Lyca.” Nang haplusin ni Tyler ang kanyang mga labi ay mariin ipinikit niya ang mga mata.

Kung noon niya siguro narinig ang mga salitang iyon mula sa lalaki ay baka naglulundag na siya sa tuwa. Pero ngayon, hindi siya makaramdam ng saya, bagkus ay nalulungkot siya. Nahulog na ang loob sa kanya ni Tyler na noon pa man ay pinakaaasam niya. Masasaktan lang niya si Tyler dahil hindi na niya matatanggap ang pagmamahal nito. Si Alford na ang asawa niya at sa ngayon ay nag-iiba na ang takbo ng kanyang mga plano. Parang gusto na niyang panindigan ang pagiging asawa ni Alford. Kailangan na niyang sabihin kay Tyler ang totoong relasyon nila ng lalaki. Wala nang dahilan para itago pa.

“Tyler—” Naputol ang kanyang sasabihin nang dumilat siya dahil naramdaman niyang lumapat ang mga labi ni Tyler sa kanya. Namilog ang mga mata ni Lyca at literal na nanigas. It took several seconds for it to register in her mind; bago siya nahimasmasan at nagawang itulak ang lalaki. Agad siyang bumangon.

“I’m sorry,” hinging paumanhin ni Tyler na parang kahit ito ay nabigla rin sa nagawa. Kinuha nito ang isa niyang kamay.

“Lyca, I love you,” he declared.

“Tyler, kasi…” Natigil siya sa pagsasalita nang may maramdamang presensiya ng ibang tao. Nang ibaling niya ang tingin sa kaliwa ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang makita si Alford.

“A-Alford…” nauutal niyang bigkas sa pangalan ng asawang matiim ang pagkakatitig sa kanila ni Tyler. Nakaramdam siya ng matinding kaba sa nakikitang hitsura ng asawa. His expression was harsh, and he was trying to hide his anger.

Bahagyang bumuka ang bibig ni Alford, umalon ang dibdib nang dahan-dahan nitong ilabas ang parang napakabigat na hininga mula sa bibig at iniiwas ang tingin mula sa kanila. Pinagtagis nito ang bagang, tumikhim bago ibinalik ang tingin sa kanila.

“P-pi…” he paused, struggling to get the sentence out. “Pinapasundo ka ni Tres. Pero kung hindi mo gustong sumama, sasabihin ko na lang sa kanya.” His voice was harsh, but his expression was all hurt. He took a step back before turning his back on them.

“Alford!” She called out his name, causing him to stop in his tracks, but he didn’t look back.

“S-sasama ako.” Her voice trembled, her knees shaking violently, at ang tibok ng puso niya, ang lakas-lakas at parang anumang oras ay sasabog ang kanyang dibdib. Muling nagpatuloy sa paglalakad si Alford. Nagmamadali naman siyang tumayo at kinuna ang camera bag na nasa blanket, habang ang pusa ay nasa kaliwang kamay.

“Lyca?”

“I’m sorry, Tyler, but I have to go.” Malalaking hakbang ang ginawa niya para mahabol si Alford. Sinalubong siya ng isa sa limang bodyguards na kasama niya at kinuha ang gamit mula sa kanya.

“Sasabay na ako sa asawa ko,” imporma ni Lyca sa lalaki na mabilis namang sumagot ng “yes, Ma’am”.

Nang marating ang sasakyan ay agad siyang sumakay sa passenger seat. Ipinatong niya ang pusa sa kanyang hita. She glanced at Alford hesitantly, and her breath hitched when she saw him staring at the cat intently, the clenched jaw muscles pressed through the skin on his face. His hands were gripping the steering wheel so tight that his knuckles were white. Nang mag-angat si Alford ng tingin at magtama ang kanilang mga mata ay kapansin-pansin ang paggagalawan ng buto nito sa panga. Itinuon nito ang tingin sa unahan at pinaandar ang sasakyan.

Isinandal ni Lyca ang likod sa upuan at pinakawalan ang hiningang kanina pa pala pinipigil. His expression and silence had scared the shit out of her.

HINDI alam ni Lyca kung paanong kakausapin si Alford; kung paano niya ito lalapitan. Mula sa EcoPark hanggang sa pag-uwi ay hindi ito umiimik. Kahit isang salita ay wala siyang narinig mula rito, and it bothered the hell out of her. This was frustrating! Her eyes snapped open and averted to Alford’s phone as it began to ring and dance across the nightstand. It hadn’t stopped vibrating and ringing.

Itinuon niya ang mga mata sa pinto ng banyo kung nasaan si Alford. Nagpasya siyang kunin ang cell phone nang hindi ito tumigil sa pag-iingay.

Numero lang ang naroroon. Sinagot niya ang tawag.

“Hello?”

“Good evening! I’m a representative of Lemuria Gourmet Restaurant. May I speak to Mister Alford Guevarra?” Boses iyon ng isang babae.

“This is his wife. What can I do for you?”

“We contacted him to ask if he’s still up for the reservation that he booked?”

“Oh, wait, here’s my husband,” sabi niya nang lumabas si Alford ng banyo na tanging tuwalyang puti ang nakapaikot sa ibabang parte ng katawan. Kakatapos lang nitong maligo. Agad siyang nag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata nila. She was guilty as sin!

“Ahm, from Lemuria Gourmet Restaurant,” she said, holding out her hand toward him, avoiding his gaze. Inabot ni Alford ang cell phone at kinausap ang nasa kabilang linya.

“Just cancel it. Thank you!” Initsa ni Alford ang cell phone sa nightstand at halos napakislot siya mula sa kinauupuan nang gumawa ng ingay ang pagbagsak ng cell phone. Nang pumasok si Alford sa walk-in closet ay dumapa si Lyca, isinubsob ang mukha sa unan at doon sumigaw sa sobrang frustration.

“Ang tanga-tanga mo kasi, eh!” Paulit-ulit niyang pinatalbog ang mukha sa malambot na unan pero natigil din nang marinig ang pagbukas ng pinto ng walk-in closet. Mula sa pagkakasubsob ay pasimple niyang ipinaling ang ulo sa direksiyon kung saan naroon si Alford. Bihis na bihis ito. Mukhang may lakad. Pumunta ito sa tokador, nagsuklay ng buhok at nagwisik ng pabango. Nagtagpo ang mga mata nila nang tumingin ito sa gawi niya, pero agad ding nag-iwas ng tingin.

Gustong tanungin ni Lyca kung saan ito pupunta pero hindi niya magawa. Wala siyang nagawa kundi ang sundan ng tingin si Alford na lumabas ng kuwarto, at hindi man lang nagpaalam sa kanya.

HINDI mawala sa isip ni Alford ang nakitang eksena sa pagitan nina Lyca at Tyler. They looked like a couple who were deeply in love with each other. Lyca was lying on the picnic blanket while Tyler was propped up on his elbow next to Lyca, glancing down at his wife lovingly. Nakita niya kung paanong haplusin ni Tyler ang mukha ng asawa niya, at kung paanong hinayaan ni Lyca na halikan ito ni Tyler.

Nanginginig ang kalamnan niya sa mga oras na iyon. Gusto niyang sugurin si Tyler at bugbugin. At ang pusa… sigurado siyang bigay iyon ni Tyler.

Lyca was really in love with Tyler, a fact that he didn’t want to accept. Mukhang wala na talagang pag-asang mag-work ang marriage nila. In love ang asawa niya sa ibang lalaki. Ano ang laban niya? He could see how Lyca tried to give their marriage a chance. Pero hindi naman kasi natuturuan ang puso.

“Attorney Alford Guevarra! Is that really you?” Si Wilson na nakaupo sa harap niya.

Kasalukuyan silang nasa penthouse ni Tres. Sa halip na nasa isang fine dining restaurant at kasamang mag-dinner ang asawa ay doon na lang siya nagpunta. He had booked a table for two tonight in a fine-dining restaurant, but his perfect plan was ruined.

“Kailan ka pa nagpaapekto sa babae?”

“She’s my wife,” mariin niyang sabi. Sinabi niya sa mga kaibigan ang problemang kinakaharap.

“Sana sinapak mo na lang ang Tyler na `yon. You have the right to do so. Ikaw ang asawa.” Si Dock.

“I can but I’ve chosen not to. My fucking ego was wounded already at kapag ginawa ko `yon, ano? Kakampihan ni Lyca si Tyler? Alam mo naman kung paanong magsalita ang babaeng `yon. Kaya kong mapahiya kahit sa harap ng pamilya at kaibigan niya pero sa harap ng lalaking `yon… I think that was too much.”

He grabbed his beer and drank the cool, bitter liquid. Umaasang baka sakaling makatulong para makalma ang kanina pa niyang nagngingitngit na kalooban. Nang maubos ang laman ay inilapag niya ang bote sa center table at muling nagbukas ng isa.

“Isipin n’yo, ha! Umalis ako ng bahay pero hindi man lang nagtanong kung saan ako pupunta. This is my worst birthday ever, for fuck’s sake.”

Birthday ni Alford ngayon at ang nakagawiang pagse-celebrate kasama ang mga kaibigan sa isang VIP room full of horny, uninhibited naked woman ay tinapos na niya. This time, he wanted to spend his birthday with his own wife. Siya at si Lyca lang! Hindi rin alam ni Lyca na birthday niya. Nang batiin siya kaninang umaga ng mga katulong ay tulog pa ang asawa.

“`Yan naman ang gusto mo, `di ba? Hindi mo gusto ang clingy na babae. Ang cool nga ni Lyca, eh. Walang pakialam sa `yo,” sabi ni Wilson na sinundan ng tawa.

Pinukol niya ng masamang titig ang kaibigan. “Gusto mo sa `yo ko ibunton ang galit ko, ah, pare?”

Natatawang itinaas ni Wilson ang dalawang kamay. “Sorry, pare! I don’t know but seeing you fucked up is making me laugh. It’s entertaining.” Binato ni Tres si Wilson ng throw pillow. Katabi niyang nakaupo sa mahabang sofa ang kaibigan habang si Wilson at Dock ay nasa pang-isahang couches sa harap nila.

“Tumahimik ka nga! Palibhasa, wala ka nang pag-asang makanahap ng babaeng mamahalin mo. Your future is already made by your manipulative parents,” said Tres.

Wilson snorted. “Bakit si Mhelanie, how are you sure na babalikan ka pa n’on?”

Bigla ang pagdilim ng mukha ni Tres. “Gago ka, ah!”

“Hep, hep! Tumigil kayo at mamaya magkainitan pa kayo,” awat ni Dock.

“Pero may point itong si Wilson, Alford, dude. Seeing you miserable is entertaining.” Malakas na tumawa si Wilson. Ang sarap talagang bigwasan ng hayup.

“Sanay na sanay kaming ikaw ang nagpapaiyak sa babae. But look at you now. You seem to be in pain. Ngayon, alam mo na ang pakiramdam ng ginago ng karelasyon.”

Nagtagis ang mga ngipin ni Alford sa sinabi ni Dock. Fuck it! Ito na talaga ang karma niya. And he admitted that the feeling he was getting at this moment was unbearable. Hindi niya gusto ang ganitong klaseng pakiramdam, at nakakaramdam siya ng takot sa puwede pa niyang maramdaman kung magpatuloy ang pakikipagkita ni Lyca kay Tyler.

Isinandal ni Alford ang ulo sa ibabaw ng sandalan at itinuon ang mata sa kisame. Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang biglang mag-init iyon. Did tears well up in his fucking eyes?

“ ` Tang ina!” palatak ni Alford at ikiniling ang ulo pagkatapos iangat ang sarili mula sa sandalan. Napansin niyang matamang nakatitig sa kanya ang tatlo at wala na ang nang-iinis na ekspresyon ni Wilson. Nasa mukha ng mga kaibigan ang simpatya.

Tinapik ni Tres ang tuhod niya. “Okay lang `yan, dude. Don’t give up on her,” sabi nito.

Hindi siya umimik. Dinala na lang niya sa bibig ang bote ng beer at ininom ang malamig na likido. Baka sakaling makatulong para makabawas ng problema niyang nagkapatong-patong na.

“Happy thirtieth birthday!” Wilson said in a happy tone, trying to lighten the mood a bit. He raised the bottle in a toast, and they clinked their bottles.

“For my worst birthday ever,” he said before downing the beer.