CHAPTER 14
LYCA’S nostrils fluttered as she descended the stairs when she saw Alford, who was sitting on the couch, talking to her mom. Pagkatapos na sundan ang asawa sa strip club kagabi ay hindi siya umuwi sa bahay nila. Umuwi siya sa bahay ng kanyang mga magulang. She was pissed off. She breathed in and out deeply, trying to release the anger that had flooded her.
“What are you doing here?” Her mother and Alford looked up at the stairs. Agad na tumayo si Alford nang makita siya. She walked up to where Alford and her mother were talking in the living room. Humalukipkip siya at tinaasan ng kilay ang asawa.
“L-Lyca…”
“Hindi na ako babalik sa bahay mo. Kaya ayaw ko talagang makasal sa `yo dahil alam kong hindi ka marunong makontento sa isa. So just go home habang nakakapagpigil pa ako—Aw!” Halos mamilipit si Lyca nang kurutin siya ng kanyang ina sa tagiliran. “ ` My, bakit ba?”
“Show some respect!” Pinandilatan siya ng ina.
“Respect? Oh, big word. He didn’t deserve it. ` My, nagpunta siya ng strip club!”
“Lyca, puwedeng hayaan mong magpaliwanag ang asawa mo? Hindi puwede ang ganito. Tuwing mag-aaway kayo, lalayas ka. Dapat nag-uusap kayo nang maayos.”
“I have no time for him!”
“He came up with a good explanation so better hear him.”
“Good explanation? He went to a strip club, ` My! Ano’ng magandang explanation ang puwede niyang sabihin? He went there to taste some pussies!”
“Lyca!” gigil na bulalas ng kanyang ina.
“Hindi ko alam kung ano ang pinakain ng lalaking `yan sa `yo at nagpapaniwala ka. ` My, believe me, I know him better than you do. He only sees women as sex objects.”
“Lyca…” Alford said softly.
And her heart almost melted as she saw the forlorn look on his face. But nah! Nagpapaawa lang ang lalaking ito.
“Ayaw kong umuwi!” p adabog siyang nagmartsa paakyat sa hagdan para bumalik ng kuwarto. Nang makapasok ay ibinagsak niya paupo ang sarili sa gilid ng kama.
She hated him! Sabi na niya at sasaktan lang siya ng lalaking iyon. He knew exactly how to make a woman feel like she was the only girl on the planet. Iyon ang nararamdaman niya kapag magkasama sila pero nagkamali siya. Being involved with a known playboy was a risk, and there can never be a guarantee that he will be faithful. How come she actually thought that a playboy can commit to a serious relationship? Everything about him was designed to enchant a woman and intoxicate her while devouring her flesh. And when he had satisfied his appetite, iiwan ka na lang at maghahanap ng ibang mabibiktima.
Suddenly, her body coiled with frustration and rage. Kasabay ng pagpatak ng kanyang luha ay siyang pagbukas naman ng pinto. Agad niyang pinunas ang luha.
“I’m not crying because I’m hurt. Naiiyak ako sa inis dahil inaapakan mo ang pride ko!” angil niya kay Alford wala pa man itong sinasabi.
“Lyca, please kausapin mo ako. Let me explain.”
“Ayoko! Umalis ka!”
Lumuhod si Alford at yumakap sa kanyang baywang. “Hindi ako aalis hangga’t hindi kita kasama.” Tiningala siya ng asawa. “Lyca, I was at the club for a job.”
“Surveillance of some tits and pussies? Cool job!” she said sarcastically.
“Just hear me out first and judge me after you hear my explanation.”
Humalukipkip siya at hindi nagsalita. Umiwas din siya ng tingin kay Alford.
“Natatandaan mo ang mag-asawa na pumunta sa opisina while you were sucking me under my desk?”
One of the most unforgettable moments and wildest things she’d done. How could she forget that? Muli niyang ibinalik ang tingin kay Alford.
“Hiningi nila ang tulong ko dahil nasa club na `yon ang anak nila. Gusto kong makita mismo kung paano ang sistema sa club kaya ako nandoon. Lyca, I’m not playing behind your back. Believe me!” he said the last two words in a low tone with his eyes doing the begging. Mukha naman itong nagsasabi ng totoo. Pero paano kung hindi?
“Giliw ko, uwi na, please!” Lalong naging mukhang kawawa ang mukha ng asawa habang nakatingala sa kanya.
“Kailangan ka ng mga anak natin. Cookie and Oreo miss you so much. Ayaw nilang kumain.”
Oh! Her babies! “Are you using my babies to convince me to go home with you?” She cocked a brow.
“I’m willing to use whatever I have at my disposal. Lalo na kung ikaw ang involved. Please, Lyca, uwi na!” Punong-puno ng pakiusap ang boses ni Alford.
Ilang sandali niyang pinakatitigan ang asawa. Gusto niyang paniwalaan pero paano kung nagsisinungaling ito? “Nagsasabi ka ba ng totoo? Wala kang ginawang milagro?”
“Wala. Promise, wala.”
“Eh, bakit si Dock mukhang may ti-nake-home na babae?” Tumayo si Alford at umupo sa kanyang tabi.
“Isa siya sa mga babaeng nailigtas namin na puwersahang pinagtatrabaho sa club. And she happens to be Dock’s friend. Ganito ako sa mga kasong hinahawakan ko. Personal akong nag-iimbestiga at naghahanap ng ebidensiya.” Marahang sinapo ni Alford ang mukha niya. “Maniwala ka sa `kin. I want to make our marriage work. Sana bigyan mo naman ako ng chance na ipakita sa `yo na kaya kong magbago. Please, give it a shot. Subukan natin.”
“I want. I’m trying. Nagpapakabait naman na ako, `di ba? Pero ikaw itong may ginagawang kalokohan.”
“Wala akong ginagawa!” Dumiin ang hawak ni Alford sa magkabila niyang pisngi dahilan para mahila ang ulo niya.
“Huwag mo akong balian!” angil niya sa asawa.
“Sorry,” he said with a chuckle.
“At bakit kailangan mong magsinungaling sa `kin?”
“I didn’t lie. I told you I had an urgent matter to attend to.”
“But you didn’t tell me it was a strip club!”
“Oh, my bad. I’m sorry. Ayaw ko kasing mag-isip ka ng masama. Ang hirap mo pa namang paliwanagan.”
Naningkit ang kanyang mga mata na ikinatawa ng asawa.
“Sorry na. Hindi na mauulit. I promise.”
“Have you seen a naked hoe?”
Hinawakan ni Alford ang kamay niya. “Half-naked,” pag-amin nito.
She could feel her heart ache at the thought of her husband watching half-naked women who performed a sexy dance. “Did you look at them lustfully?”
“No!” Mariin nitong pinisil ang kamay niya. “Believe it or not, I tried my very best not to look. I shooed them away when they came up to us. I would never hurt you. I’ve changed.”
Sumimangot siya. “Maniwala ako sa `yo! `Yang manyak mong `yan!”
Malakas na humalakhak si Alford. Kinabig siya ng asawa at mahigpit na niyakap.
“Nagseselos ka ba?”
“Of course not! Naiinis lang ako,” deny niya. Pero ang totoo ay nakakaramdam nga siya ng selos pero hinding-hindi niya iyon aaminin sa asawa. Baka inisin lang siya ni Alford, pagtawanan pa siya dahil pagkatapos niyang sabihing hindi niya gusto ang asawa ay magseselos-selos siya.
“Eh, di hindi,” sabi na lang ni Alford, ramdam ang tuwa sa boses nito.
“Bati na tayo?”
Ipinaikot ni Lyca ang mga braso sa katawan ni Alford. “Okay. Bibigyan kita ng chance pero kapag inulit mo `yon, ayaw ko na talaga.”
“Hindi na. Sasabihin ko na sa `yo kapag may lakad akong gano’n.”
Kunot-noo niyang tiningala si Alford. May balak pa yatang bumalik sa ganoong lugar ang asawa.
“Kapag trabaho!” he said through a laugh.
“Now tell me, how did you know that I was in that place?”
Pinatulis ni Lyca ang mga labi. “My intuition told me na may gagawin kang kalokohan. Tutok na tutok ka sa cell phone mo, eh. Nang hiniram ko `yong cell phone mo, tiningnan ko ang laman ng inbox and I was right.”
Nang magbanyo si Alford ay nanghiram siya ng cell phone para makita ang inbox nito. Tutok na tutok kasi ang asawa sa cell phone at hindi siya pinapansin. Nakita nga niya ang usapan ni Alford at Wilson na magkita sa Wild Angel. Hindi siya pamilyar sa Wild Angel so she did her research only to find out that it was a strip club. Niyaya niya si Sasahh at sumunod nang umalis si Alford.
“Tinalo mo pa ang imbestigador, ah,” natatawang sabi ng asawa.
“May problema ka sa bagay na `yon?” nakataas ang kilay niyang tanong, nagbabanta.
“Wala. You can invade my privacy whenever you want, boss. No big deal.”
“Good!” Isinubsob ni Lyca ang gilid ng mukha sa dibdib ni Alford at hindi mapigilan ang pagguhit ng ngiti. May parteng ayaw niyang paniwalaan ang asawa dahil sa reputasyon nito pagdating sa babae, pero may parte naman na gusto niyang paniwalaan ang asawa.
MAAGANG umuwi si Alford. Naglambing si Lyca na kung puwede raw siyang umuwi nang maaga dahil nagluluto si Nanay Carmen ng ginataang halo-halo. Gusto raw nitong kumain niyon na kasama siya na ikinatuwa naman niya. Tumuloy siya ng kusina nang maamoy ang mabangong niluluto. Ipinaikot niya ang braso sa balikat ng yaya at hinalikan ito sa pisngi habang nasa kaliwang kamay ang attaché case.
“Ay, ano ba naman itong batang ito? Pawis ako!”
Sumilip siya sa niluluto nito.
“Mukhang masarap `yan, `Nay Carmen. `Asan nga po pala ang asawa ko?”
“Nasa labas kasama ang mga anak n’yo. Hintayin ka raw niya sa labas. Hindi mo ba nakita?”
That made him smile. Hinintay talaga siya sa labas ni Lyca? Lately ay mas nagiging maayos na sila. Brat pa rin kung minsan pero mas naging mabait na kaysa dati si Lyca sa kanya. Close na rin ito sa mga alaga niyang aso at iyon ang tinutukoy ni Nanay Carmen na mga anak nila.
“Bihis lang po muna ako.” Marahan niyang tinapik ang balikat ni Nanay Carmen.
“O, siya, sige at luto na rin ito. Ipaghahanda ko na kayo.”
“Okay po.” As he made his way to the stairs, his hand went up to his collar and started to loosen his tie and he struck his foot the first step of the stairs. He froze as he heard the sound of a gunshot in the distance. Hindi agad siya nakakilos. Ilang sandali siyang nakatayo sa bungad ng hagdan at bahagyang natulala. Isang sigaw at mga tahol ng aso ang nagpagising sa kanya. Binitawan niya ang attaché case sa hagdan at patakbong pumunta sa labas.
Boses iyon ni Lyca, sigurado siya. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya na tinakbo ang gate, at mas matinding takot ang bumalot sa kanya nang lalong lumakas ang sigaw ng asawa.
“Lyca—Fuck!” Agad niyang nilapitan ang asawang nakasalampak sa gilid ng daan at iyak nang iyak habang nasa ibabaw ng hita nito ang duguan at wala nang buhay na si Oreo. Wasak ang ulo ng pusa dahil sa tama ng bala ng baril. Napahaplos siya sa bibig habang nakatingin kay Oreo. Ang mga alagang aso at si Cookie ay nakapaikot kay Lyca at nagpakawala ng mga impit na iyak.
Agad niyang nilinga ang paligid para hanapin ang may kagagawan niyon pero malinis ang paligid. Walang tao.
“Oreo—Oh, no! No! Wake up, baby! Please, wake up!” hagulhol ni Lyca. Nanginginig ang katawan nito. Takot na takot.
“Lyca, what happened, hmm? Sino ang may gawa nito?”
Lyca looked at him, tears of pain running down her cheeks. “Alford, si Oreo, please, help him. I can’t lose him!” Kinabig niya si Lyca at mahigpit na niyakap.
“Ano ba ang nangyari?”
“The gunman shot Oreo. Why did he do this to him!?” Pumalahaw ng iyak si Lyca.
“Susmaryosep! Ano ba ang nangyari?” bulalas ni Nanay Carmen na ngayon ay nasa likuran nila, nahihintakutan na nakatingin sa walang buhay na si Oreo. Sino ang puwedeng gumawa ng bagay na iyon?
“Alford, tingnan mo ito.”
Agad niyang kinuha mula kay Nanay Carmen ang batong nababalot ng papel. Binuklat iyon at tulad ng inaasahan ay may nakapaloob ngang mensahe roon.
Tigilan mo ang pangingialam sa negosyo ko at bitawan mo ang kaso. Dahil kung hindi, asahan mong ang susunod na bala ay sa ulo na ng asawa mo tatama!
Nagtagis ang mga ngipin ni Alford sa nabasang mensahe. Dumiin ang hawak niya sa papel. Sa kabila ng galit ay matinding takot ang lumukob sa kanya na ngayon lang niya naramdaman. Takot para sa asawa.
Congressman Atanante!
MULA sa veranda ng kuwarto ay tinanaw ni Alford si Lyca na nakahiga sa kama. Medyo nakalma na ito kompara kanina. Ayaw nitong tumigil sa pag-iyak. Awang-awa siya sa asawa. Ayon kay Lyca ay nakasakay sa isang itim na van ang bumaril kay Oreo. Tumawag ang asawa niya sa mommy nito at ipinaalam ang nangyari kaya napasugod sa bahay nila si Sasahh.
Ayon sa mommy ni Lyca ay limang taon nang alaga ni Lyca si Oreo and she had a deep affection for the cat. She had literally treated Oreo and Cookie as her babies.
Sigurado siyang si Congressman Atanante ang may kagagawan niyon. Nabalitaan niyang isang linggo pa lang nilang napapasara ang strip club pero nag-o-operate na naman iyon. Kapag ganoon ay napipikon talaga siya at mas lalong hindi niya tinatantanan. Kaya naman nagreklamo siya uli. Tinawagan siya ng kanyang ama at nakibalita. Nabalitaan daw nito ang nangyari mula kay Nanay Carmen.
“Ang laking tao ng binabangga mo. Hindi mo na nga tinanggap ang kaso, kinalaban mo pa! Nananadya ka ba talaga?” kastigo sa kanya ng amang si Alfredo sa kabilang linya.
“Hindi lahat ng rason ay pera kaya ko tinatanggap at tinatanggihan ang kaso, Alford. Madalas dahil sa kaligtasan ng pamilya ko.”
“Pero, Papa, alam mong hindi ko gustong tulungan ang mga ganyang klaseng tao.”
“May asawa ka na, Alford, at ang kaligtasaan na niya ngayon ang unang priyoridad mo. Bitawan mo ang kaso at tigilan mo ang pakikialam sa negosyo ni Congressman. Kulang na lang, pati presidente kalabanin mo! Kilala ko si Congressman Atanante. Walang sinasanto `yon, at mas lalo si Rex Atanante. Kung wala lang akong kasong hawak, ako na ang hahawak ng kaso ng Atanante pero alam mong importante rin itong hawak ko.”
Yeah, right! Isang druglord naman ang kliyente ng kanyang ama ngayon. Hindi na bago kay Alford ang death threat. Ilang beses na rin siyang nakakatanggap niyon pero binabale-wala lang niya. Pero hindi niya alam ngayon kung kaya pa niyang bale-walain kung si Lyca ang madadamay.
“Ang lola mo… namatay sa isang ambush,” patuloy ng ama. Ang hinala ng kanyang ama at lolo ay isa sa mga nakalaban sa kaso ang may kagagawan sa pagkamatay ng kanyang lola.
“Kaya simula noon ay mas pinipili naming kampihan ang mga taong delikado.”
Alford sighed deeply. Damn it! Tinapos niya ang tawag at nilapitan si Lyca na tahimik na umiiyak. Umupo siya sa gilid ng kama at inilapit ang mukha sa asawa.
“Wifey…” Hinalikan niya ang asawa sa pisngi habang patuloy ang pagtulo ng luha. “Tahan na.” Pinahid niya ang luha gamit ang thumb-finger.
“Si Oreo…” Nagsimula na naman itong humikbi. Hindi niya sinabi sa asawa na kagagawan iyon ng nagbabanta sa kanya. Baka lalo lang itong mag-alala.
“Alam kong masakit pero isipin mo na lang na mas importante ang buhay mo. Magpasalamat tayong walang nangyari sa `yo.”
“I’d rather die than lose him.”
“Don’t say that! Mas importante ang buhay mo.” Ikinulong ni Alford ang mukha ng asawa sa kanyang mga kamay.
“Tahan na, please! Nandiyan pa naman si Cookie, nandito ako.”
“Sino ba kasi ang mga `yon? Bakit nila `yon ginawa kay Oreo!? Why Oreo?!” Muling pumalahaw ng iyak si Lyca. Ibinangon niya ang asawa at mahigpit na niyakap.
“I don’t know. Mga taong walang magawa sa buhay siguro,” pagsisinungaling niya. Ayaw niyang mag-alala pa si Lyca. “Tahan na!” alo niya sa asawa.