lookupnovel logo lookupnovel
Down and Dirty (Fatal Attraction 1)

Chapter 24

Ch. 24 / 29 Feb 05, 2022

CHAPTER 24

NAGKAUSAP na sina Lyca at Monica. Nagpasalamat ito sa kanya dahil sa pagtanggap niya kay Fenix. Naramdaman niya ang matinding lungkot at takot ng babae. Mukhang hindi pa rin ito handa na iwan si Fenix. Matinding awa ang nararamdaman niya ngayon para sa mag-ina. Thinking na sa bawat takbo ng oras ay nababawasan ang buhay ni Monica, nababawasan din ang mga panahon na puwede nitong makasama si Fenix. Kung siya ngang wala sa kalagayan ni Monica ay nasasaktan na, what more ang sakit na nararamdaman ng babae.

Hindi na rin gustong magpagamot pa ng babae dahil wala na rin naman pag-asa. Ayaw na nitong ubusin ang oras sa ospital, mas gusto na lang ni Monica na ilaan ang mga natitirang oras para makasama si Fenix.

“Ibang klase rin po, Ma’am, ang kabaitan mo. Akalain mong intense na ang eksena kahapon `tapos ngayon biglang okay na. Akala ko, may World War three na magaganap, eh. Pero siyempre, sa `yo ako kakampi. Sa legal na asawa ang simpatya ko lagi. Pero, Ma’am, ah. Huwag masyadong mabait. Naku! Baka mamaya ahasin ni Monica `yang si Sir,” tuloy-tuloy na sabi ni Mira na kanyang pinagkibit-balikat na lang.

Hindi pa rin alam ni Mira at ibang kasambahay ang tungkol sa sakit ni Monica. Siguro dahil sa pagiging palangiti ni Monica kaya hindi gaanong pansin ang pagkakaroon ng sakit nito maliban sa maputlang balat.

Kasalukuyan siyang gumagawa ng pancake habang miron niya si Mira at Fenix. Muling umungot sa kanya si Fenix ng pancake. Katabi nila ni Alford na natulog kagabi ang bata at ito rin ang gumising sa kanya at kinulit nga siyang gawan niya ulit ng pancake. Fenix was such an adorable kid. Napakagiliw at napakadaling mahalin. Hindi mapigilan ni Lyca na mapangiti nang maalala ang kakulitan nito.

Pilit na pinapatulog ni Alford si Fenix kagabi pero hyper ang bagets. Ang nangyari ay nauna pang nakatulog si Alford.

Pumunta siya sa gas range bitbit ang pancake mix at nagsimulang magluto. Nasa kalagitnaan na siya ng pagluluto nang biglang yumakap si Alford mula sa kanyang likuran. He buried his face against her neck, sniffing long and hard, until she felt as if he’d breathed in every trace of her scent into his body. Hindi niya mapigilan ang lihim na mapangiti. Mukhang napatawad na siya ng asawa sa nakita nitong eksena sa pagitan nila ni Tyler. Hindi pa nila napag-uusapan pero bumalik na ang sweetness nito sa kanya. Mukhang hindi na galit.

“Good morning, giliw ko!” bulong ni Alford habang sinisinghot-singhot ang leeg niya.

“Nakatulog ako kagabi.” Marahan siyang natawa. Naglalambing kasi si Alford pero hindi naman nangyari ang gusto dahil may makulit na bata sa gitna nila.

“Balik muna tayo sa kuwarto?”

God, she missed him so much! Isang linggo na rin siyang diet. Bago pa man makapagsalita si Lyca ay nakalapit na sa kanila si Fenix.

“Papa, sabi mo ikukuha mo ako ng guava.”

Umungol si Alford sa leeg ni Lyca na ikinatawa niya.

“Ikuha mo na siya ng guava, Papa!” pang-aasar niya. Napilitan ang kanyang asawa na pakawalan siya. Nakanguso itong humarap kay Fenix.

“Mamayang gabi kay Mommy Monica ka muna tatabi, ah?”

“Ayaw!” mabilis na sagot ni Fenix.

Malakas na humalakhak si Lyca na pumuno sa buong kusina.

“`Tigas ng ulo mo, ah!” reklamo ni Alford sa mabait na tono sabay buhat sa bata at lumabas ng kusina. Both of them were so adorable. Nalilibang kasi si Fenix na kasama si Alford sa pagtulog. Panay ang harutan hanggang ang asawa niya mismo ang sumusuko.

NANG matapos sa pagluluto ng pancake ay dinala na iyon ni Lyca sa dining area. Patakbo namang sumalubong sa kanya si Fenix. May dala itong maliit na basket na puno ng bayabas.

“Look, Mama Lyca.”

“Wow! Ang dami. Where’s Papa?” Nilingon nito ang pinanggalingan saka itinuro ang direksyon kung saan raw naroroon si Alford.

“He’s there with Tita Sexy.”

“Tita Sexy?” bahagyang napakunot ang kanyang noo.

“Yes. They are hugging… Mommy!” Iniwan siya ni Fenix nang makita si Monica na kabababa lang ng hagdan. Inilapag ni Lyca ang plato sa mesa saka lumapit sa pinto. Napahinto siya at agad na umahon ang matinding iritasyon nang makita ang isang babaeng nililingkis ang asawa niya. Nakakunyapit ito sa leeg ni Alford habang ang asawa niya ay nakahawak sa baywang nito.

Humalukipkip siya at sumandal sa hamba ng pinto saka tumikhim. Magkapanabay na lumingon ang dalawa. Tinaasan niya ang mga ito ng kilay. Mabilis na inalis ni Alford ang kamay ng babaeng naka-lock sa batok nito.

“Lyca…” Nilapitan siya ng asawa.

“Ahm. This is Nicole… Nic, this my wife, Lyca.”

“Oh, so, she’s your wife… Hello there.” Lumapit ito sa kanya bumeso saka muli itong lumingkis kay Alford. Humawak ito sa braso ni Alford.

“Hindi kayo bagay.” Kinurot ni Alford sa tagiliran ang babae at maarte itong bumungisngis. Makabungisngis pa kaya ito kapag sinapak niya?

“Breakfast is ready. Tara na.” Pilit niyang kinalma ang sarili pero hindi naitago ang matinding iritasyon sa boses ni Lyca pero mukhang hindi iyon napansin ni Alford dahil sa pakikipagharutan sa babae.

“Giliw ko…”

“Giliw ko! Yuck! Ang baduy ng pet name n’yo!” Muling kinurot ni Alford sa tagiliran ang babae.

“Aalis muna ako. Kailangan ko lang samahan si Nicole.”

“What? At saan naman kayo pupunta?” Hindi na napigil ni Lyca ang pagsimangot.

“I am helping her with her annulment. Sasamahan ko lang siya.”

“Ikaw ang hahawak ng annulment niya?”

“No. Ni-refer ko siya sa kakilala kong lawyer. Sasamahan ko lang siya. Before lunch nandito na ako. Ihahatid ko lang siya.”

UMALIS ng mansiyon si Lyca. Gamit ang quad bike ay nilibot niya ang buong asyenda. Pumasok siya sa gubat hanggang sa mapadpad sa napakalinis na batis. Mukhang wala namang tao kaya lumusong siya na ang tanging suot ay itim na panties. Half-naked. Napakalamig ng tubig. Napakatahimik ng lugar na ito.

Alford left the mansion with that Nicole. Ang sabi ng asawa before lunch ay babalik din ito pero alas-tres na ng hapon ay wala pa. Nag-text naman ito na hindi na makakasabay sa lunch kasi raw ay kinulit ni Nicole na magpunta sa bahay ng babae. Nanggigigil talaga siya nang sobra! Humanda talaga sa kanya ang lalaking iyon! Hindi niya talaga ito papansinin.

“Shit!” Halos mapatalon siya sa gulat nang may sumipol mula sa kanyang likuran. Agad niyang pinagkrus ang braso para itago ang latad niyang dibdib saka nilingon ang sumipol sa kanya. She took a sharp gasp as she saw a tall, dark and handsome man stand on the huge rock with a wolfish grin on his face.

His eyes, those deep-set eyes that were the same color as his dark hair, were half lidded with lust, feasting on her sleek bare back. Nililipad ang wavy at hanggang balikat na buhok nito. Apat na butones ang nakabukas sa suot nitong asul na polo dahilan para lumantad ang medyo balbon nitong dibdib. Pinaresan ng kupas at hapit na maong na pantalon at isang brown low leather horse riding boots, at may hawak itong latigo.

“Who are you?” s a kabila ng kaba ay nagawa pa niyang magtaray.

“Hindi ako naniniwala sa diwata hanggang sa makita kita. Totoo pala,” namamanghang sabi ng lalaki habang pababa-taas ang tingin sa katawan niya. Bolerong manyak!

“Tinatanong kita kung sino ka. Stop talking nonsense!”

Ngumisi ito. “Ako lang ang may karapatang magtanong sa sarili kong lupain.”

Napakayabang! Mukhang nakalabas na siya sa lupain ng Costa. Pero hindi pa naman ito gaanong kalayo.

“All right. Malay ko naman na lupain mo na ito? Akala ko lupain pa ng pamilya ng asawa ko. Pakiabot na lang ang damit ko.”

Nalukot ang noo nito.

“Saang lupain ka galing?”

“Sa Hacienda Costa. Iabot mo na ang damit ko!”

“Hacienda Costa? Sino ang asawa mo?”

“Hays!” Naasar niyang inikutan ito ng mga mata.

“Alford Guevarra. Now, give me my clothes!”

Tumaas ang mukha nito at bahagyang tumiim ang bagang. Niyuko nito ang damit niyang nasa bato kung saan ito nakatayo. Naaapakan pa nito ang pantalon niya. Umuklo ang lalaki at pinulot ang itim niyang bra. Hawak nito sa strap. Isang manyak na ngisi ang gumuhit sa mga labi ng lalaki habang nakatitig sa kanyang bra na nakabitin sa harap ng mukha nito.

“Huge cups.”

“Give that to me!” Nauubusan na siya ng pasensiya sa lalaki. Tumingin ito sa kanya. Nakapaskil pa rin ang nakakairitang ngisi sa mga labi ng lalaki. He squatted on his heels.

“I’m the king of this land, and no one tells me what to do. Lumapit ka rito at ikaw ang kumuha ng damit mo.” Shit!

Makaahon lang siya sa batis kakalmutin talaga niya ang mukha ng diyablo na ito.

“Tumalikod ka.”

Muli lang itong ngumisi. Marahang umiling. “No one tells me what to do. Tatalikod ako kung gusto ko, pero hindi ko gustong tumalikod kaya ikaw ang mamili. Lalapit ka o mananatili ka riyan.”

“Buwisit!” Walang nagawa si Lyca kung hindi ang lumapit paatras.

Hinablot niya mula sa kamay nito ang kanyang bra. Inilubog ang dibdib sa tubig saka nagsuot ng bra. Ang T-shirt na puti ang kanyang sunod na isinuot bago umahon sa tubig. Sumipol ang lalaki habang nakatingin sa lantad niyang mga hita. Hinablot niya ang pantalon at nagmamadaling isinuot iyon. Ramdam niyang nag-iinit ang kanyang mukha sa pagkapahiya at matinding galit sa lalaking ito. Hindi alam ni Lyca kung paanong iaanggulo ang sarili. Kung tatalikod siya ay lalantad ang pang-upo niya sa manyak at kung haharap ay harapan ng kaselanan naman niya ang mamanyakin ng mga mata nito kaya tumagilid na lang siya.

“Ano ang pangalan mo?”

Hindi niya pinansin ang lalaki, sa halip ay mas minadali niya ang pagsuot ng pantalon. Naisuot na niya ang isang paa. At dahil nakaangat ang isa niyang paa habang isinusuot sa pantalon at sa pagmamadali ay nawalan siya ng balanse. Ang humiyaw na lang ang nagawa niya nang matumba siya at mahulog muli sa tubig. Naramdaman niyang tumama ang hita niya sa matalim na bato nang dumausdos siya pababa.

“Miss!” Tarantang hinubad ng lalaki ang polo at ang tangkang pagtanggal nito sa sapatos ay hindi na natuloy nang humiyaw si Lyca. Sa taranta ay tumalon ito sa tubig na suot pa rin ang sapatos at inahon siya. Pinaupo siya ng lalaki sa bato.

“Oh, God! Oh, God!” she screamed hysterically when she saw the deep scratches on her right leg.

“Miss, kumalma ka!”

“Mommy!!!!!!” Isang nakakabinging hiyaw ang umalingawngaw sa kagubatan na gumambala sa mga ibon na namamahinga sa mga puno ang pinakawalan ni Lyca. Tuluyang umiyak si Lyca.

“Shit! Namumutla ka!”

Bata pa lang si Lyca ay takot na siya sa sugat. Maliit man o malaki. Natatakot siyang makakita ng dugo. Parang lalong lumala ang takot na iyon nang mamatay si Oreo at makita itong duguan. Inalis ng lalaki ang pantalon niya. Pinatayo siya ng lalaki. Iyak siya nang iyak. Ipinulupot nito ang polong hinubad sa lantad na lower body ni Lyca.

“Ihahatid na kita.” Binuhat siya ng lalaki.