Chapter Ten
“S i Jerome! ”
Tumango si Erlinda. “Kaya marahil ay maiintindihan mo kung bakit isasara ni Franco ang isip at puso sa iyo ngayon.”
“Pero... pero...” h indi niya alam kung ano ang sasabihin, ang iisipin. Gusto niyang patayin sina Lucinda at Jerome sa ginawa ng mga ito kay Franco sa mga sandaling iyon pero kung hindi naman nangyari iyon ay mag-asawa na dapat ang dalawa at wala siya sa buhay ni Franco.
“Hindi papayag si Franco na dalawang beses na masaktan nang dahil sa iisang lalaki. Pagkalalaki lang niya ang nasaktan noong hindi siya siputin ni Lucinda sa simbahan. I could never believe my son loved that woman. Pero sa pagkakataong ito, Bea, naniniwala akong Jerome really have succeeded in hurting him. He is hurting. Puso at damdamin dahil mahal ka niya. At natatakot akong ang pagmamahal ding iyan ang magiging dahilan upang tuluyang magtagumpay si Jerome. Franco is so unforgiving.” Tuluyang bumagsak ang mga luha ni Erlinda. Tumayo ito at lumakad patungo sa pinto. “Huwag mo siyang iwan, Bea.”
“Tinitiyak ko sa inyo. Kaladkarin niya ako palabas ng mansiyon pero hindi ako aalis,” matigas niyang sinabi. Marahang isinara ni Erlinda ang pinto ng silid palabas.
NANG malaman ni Franco na hindi umalis si Bea at nasa silid ay dalawang araw itong hindi umuwi sa mansiyon sa matinding pag-aalala ni Bea. Si Erlinda man ay hindi malaman ang gagawin. Nang ikatlong gabi ay umuwi si Franco at sa library nagtuloy. Bumaba si Bea upang muling kausapin ang asawa.
“Franco...”
Tumiim ang mukha ni Franco pagkakita sa kanya. “Hindi ko gustong makipag-usap sa iyo. Alam kong matigas ka, Bea. Nasubukan ko na iyan nang panindigan mong pakasal sa akin. Hindi rin kita kayang ihagis palabas ng mansiyon pero bahala ka sa gusto mong mangyari. Iwasan mo lamang ako.”
“Kahit ano ang gawin mo ay hindi ako aalis at hindi ko gagawing iwasan ka dahil wala akong ginawang masama. Paniwalaan mo iyan. Kung hindi ng isip mo ng puso mo!” aniya sa malakas na tinig. “Alam mong galit sa iyo si Jerome pero hindi mo sinabi sa akin ang totoo. Ginamit niya ako laban sa iyo, naiintindihan mo ba iyon?”
“Iwan mo na ako, Bea.” Malamig pa sa yelo ang tinig nito.
Tuluyan nang napaiyak si Bea. “Don’t let him do this to us, darling...” h umakbang siya palapit sa asawa at yumakap dito subalit marahas siyang ibinalya ni Franco palayo. Kung hindi siya napahawak sa sandalan ng sofa ay babagsak siya sa sahig. Nanlaki ang mga matang napatingala siya sa asawa. Hindi siya makapaniwalang sasaktan siya nang ganoon ni Franco.
“Huwag mo akong gamitan ng luha, Beatriz! Kung anuman ang plano ninyong dalawa ni Jerome laban sa akin ay mabibigo kayo. Once is enough...”
Pinahid ng likod ng palad niya ang mga luha at tumingala sa asawa. “Then I’m really sorry for you kung iyan ang paniwala mo. At hindi ko maunawaan kung bakit ka naniniwalang may relasyon kami when all my life I have wanted and loved you.”
“I saw you with my own eyes, para paniwalaan kita.” h alos iluwa nito ang salita sa kanya. “At hindi nag-aksaya ang lover mo ng panahon. Alam mo na sigurong ipinagbili sa kanya ng tatlong major stockholder ng FN Canning ang kanilang mga share dito. Meaning, si Jerome ngayon ang humahawak ng controlling shares...”
Nanlaki ang mga mata ni Bea. “N-no...” h indi siya makapaniwala. Noong naroon lang siya nila napag-usapan iyon. Paanong nangyaring naging napakabilis ng buying and selling ng stocks?
“Don’t play the innocent, my darling infidel,” tuya nito sa kalituhan sa mukha niya. “Dugo at pawis ang pinuhunan ko sa kompanyang iyon upang iahon sa pagbagsak pero salamat sa iyo at tuluyan nang mawawala sa akin ito.” n aglalabas ng apoy ang mga mata nito sa matinding galit. “At hindi ko kayang bilhin ang shares ng iba pang stockholders upang mabalik sa akin ang management control.”
“Y-you have the ranch...”
“Hindi kumikita ang rancho ayon sa iyo dahil napabayaan. Paano ko ibabalik sa dati ang rancho kung wala ang pabrika na pansamantalang susuporta?”
“Damn you, Franco! Mahusay kang negosyante pero alam kong hindi mo gustong isipin ang maraming posibilidad dahil binubulag mo ang sarili mo sa paniniwalang may relasyon kami ni Jerome.”
“Cut the dramatics, Bea. Si Jerome mismo ang nagsabing ikaw ang may ideyang bilhin ang shares ni Mr. Prado. Nang alukin niya ito ng malaking halaga ay naakit ang dalawang ipagbili pa ang kanila. Now, ipagkakaila mo bang suhestiyon mo iyon? Hindi alam ni Jerome ang balak ni Pradong pagbebenta ng shares dahil hindi pa nito natitiyak kung tutuluyan ngang ipagbili. At alam mo iyon dahil nabanggit ko sa iyo noong isang linggo.”
Nanatiling nakatanga si Bea. Hindi magawang tumanggi dahil totoo ang sinasabi nito. Pero hindi sa paraang iniisip ni Franco. Gusto niyang mamatay sa panlulumo. Lalo lamang gumulo ang tsansa niyang papaniwalain ang asawa na wala siyang kaugnayan kay Jerome.
“H-hindi mo ba gustong pakinggan ang paliwanag ko?” pahikbi niyang sinabi.
“Get out. Bea! Out of my life!’’
Pinuno niya ng hangin ang dibdib. Hindi siya susuko. “Too bad, my darling, because you really have to put up and bear with me because I am not leaving you.”
Nagtagis ang mga bagang ni Franco. “Suit yourself but stay out of my sight.”
“You promised to love me more and more every day... pero unti-unti kang tumatalikod sa salita mo, Franco Navarro!”
“Give up, Bea, at patahimikin mo ako. Gusto kong magpahinga at mapag-isa.” i tinaas nito ang mga paa sa mesa at inihilig ang sarili sa swivel chair at pumikit. Walang nagawa si Bea kundi lumabas ng library.
Ang guest room sa ibaba ang ginamit na silid ni Franco at nang sumunod na mga araw ay iniwasan ang asawa. May mga gabing hindi ito umuuwi dahil naghihintay si Bea upang muli siyang kausapin.
“Nawawalan na ako ng pag-asa, Mama,” umiiyak niyang sinabi kay Erlinda.
“`Pag iniwan mo siya ngayon, Bea, it will kill him. Natitiyak ko.”
“He’s killing himself and me!”
“Gulong-gulo ang isip ni Franco, anak. Sinabi ni a ttorney na si Jerome na ang nasa management at alam mo kung ano ang damdamin ni Franco tungkol dito. Naniniwala si Franco na ikaw ang nagbigay ng ideya kay Jerome na bilhin sa malaking halaga ang shares ng ibang stockholders. At iyon ang lalong nagpatindi ng galit ni Franco, Bea, ang magkatulong kayo ni Jerome na ibagsak siya.”
Kahit siya ay hindi na rin alam ang gagawin. Nahahabag siya sa asawa. Hindi ang uri ni Franco ang basta na lang hindi makakaisip ng gagawin kung nasa kondisyon ang isip nito. But she knows he’s hurting at ginawa na niya ang lahat ng paraan para kausapin at paliwanagan ito.
NAGULAT pa ang dalawa nang gabing iyon nang umuwi si Franco na may kasamang babae.
“Daisy, ang Mama. Dito matutulog si Daisy, Mama,” wika nito sa ina na pinanlakihan ng mga mata.
“Good evening, Mrs. Gascon,” magalang na bati ng babae.
“Hindi ako papayag na dumihan mo ang pamamahay na ito, Franco!” Si Erlinda na hindi man lang tinapunan ng tingin ang babae.
“D-dumihan?” nauutal na bulalas ng babae at tumingin kay Franco at pagkatapos ay kay Erlinda.
“I’m sorry, Daisy, my mother is a little bit upset dahil sa domestic problems,” wika nito na binalingan ang ina. “Daisy is a friend, Mama. Kilala naman siguro ninyo ang mga magulang niya. May kaunting tampuhan sila ng stepmother niya kaya nakiusap siyang dito magpalipas ng gabi. Anyway, maraming silid sa mansiyong ito.”
Hindi malaman ni Erlinda ang gagawin sa galit at pagkapahiya. Namumukhaan nito ang dalaga bilang isa sa mga signature model ng isang sikat na designer. Maraming beses na itong nakapanood ng show ng babae na talaga namang maganda at galing sa mabuting pamilya. Kung guest ang turing ni Franco dito ay wala itong masasabi. Hindi ito ang unang pagkakataong nagpatuloy sila ng guest sa mansiyon. At pormal at kagalang-galang ang babae. Nagpupuyos ang dibdib na pumanhik ng hagdan si Erlinda.
Si Bea ay nanatiling nakamasid sa asawa mula sa pinakasulok ng sala at sa bisita nito. Nilingon siya ni Franco.
“Daisy, I want you to meet my wife. Bea, si Daisy,” kaswal na pakilala ni Franco.
“Hello, Mrs. Navarro. I hope you don’t mind my being here...”
Tumango siya at sinikap na ngumiti. “Kung... anuman ang kailangan mo, please don’t hesitate to ask my husband,” pormal niyang sagot at nagpasalamat ang dalaga. Bumalik siya sa dining room at umupo sa mesa kung saan matatanaw niya ang dalawa bagaman hindi siya makikita ng mga ito dahil sa decorative sash divider.
Pino at may touch of class ang bisita. At hindi nga marahil tulad ng iniisip ni Erlinda. Perhaps Franco would not resort to such cheap gimmick para lang paalisin siya. Pero nasasaktan siya. Mabuti pang mumurahin at bayarang babae na lang ang dinala ng asawa niya. Hindi pa siya maliligalig nang ganito. Bagaman kaswal at friendly ang pakikitungo ni Franco dito ay nakikita niya ang matinding paghahangad ng babae sa asawa. At maaaring nagsisimula na ang isang relasyon sa dalawa.
Wala siyang natatandaang naidlip siya kahit sandali sa buong magdamag. Nasa ibaba ang silid ni Franco at ganoon din ang isang guest room na siyang ipinagamit sa babae. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip niya at pinapatay siya nito.
Maaga pa kinabukasan ay bumaba na si Bea. Nakasalubong niya ang isang katulong galing sa labas.
“Good morning, m a’am. Maaga kayong bumaba...”
Tumango siya. “Bigyan mo ako ng kape, Delia. Tulog pa siguro ang panauhin?”
“Nakaalis na po. Sinamahan ko nga po kay Jose para ihatid sa kanila dahil iyon ang bilin ni s ir kagabi.”
“Ang sir mo?”
“Tulog pa marahil, m a’am...”
“Huwag ka nang magtimpla ng kape, Delia. Sige na,” aniya rito at lumakad patungo sa guest room kung saan naroon ang asawa. Nang itulak niya ang pinto ay bakante iyon bagaman may bakas na may natulog. Pumasok siya at inisip na nasa banyo pero walang tao sa loob. Muli siyang lumabas. Ang guest room na ipinagamit sa bisita ang pinuntahan niya at binuksan. Naroon si Franco at nakadapa pa sa kama at tulog at walang damit at hindi iyon ang bumabagabag sa isip niya dahil hindi natutulog ang asawa nang may damit. Kundi bakit naroon ito?
Sa nagsisikip na dibdib ay maingat niyang isinarang muli ang pinto at muling bumalik sa itaas. Walang pakialam kung tuloy-tuloy ang agos ng mga luha.
Makalipas ang isang oras ay muli siyang bumaba. Dumeretso sa silid na kinakitaan sa asawa subalit wala na ito roon. Nasa dating guest room na si Franco at nakapaligo at nakabihis na.
“Gusto kitang makausap...” marahang bungad niya.
“Hindi ka pa ba nagsasawa, Bea?” Kasinlamig ng yelo ang boses nito.
Umiling siya. “Hindi dahil alam kong mahal mo pa ako and I love you even more, my darling,” she tried to choke on her sobs. Inubos niya ang mga luha bago bumaba bakit mayroon na namang nagbabadyang bumagsak?
“Hindi ko gustong marinig ang mga sinasabi mo, Bea, at gusto kong maniwalang matindi ang brainwashing ni Jerome sa iyo para maniwalang may pagtingin pa ako sa iyo.” p arang patalim na humihiwa ang tinig nito.
“I love you and I have been missing you, darling,” she whispered in a broken voice. “I miss your touch, your body, and I...”
“Shut up!”
“Sinabi mo sa aking minsan na hindi ka nakakatulog sa gabi without making love to me. Did you miss me, too, darling?” aniya sa basag na tinig at tuluyan nang bumagsak ang mga luha.
“Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para huminto ka na, Bea.” h e gritted his teeth.
“Huwag mong gawin ito, Franco, dahil hindi mo kayang alisin sa puso ko ang pagmamahal ko sa iyo. I will always love you at alam kong mahal mo rin ako. Hindi nawawala nang ganoon na lamang ang pagmamahal. I know you’ve been missing me, too, miserably tulad ng nadarama ko sa iyo. Hindi ko gustong paniwalaang ipinagkaloob mo sa iba ang pagmamahal na iyon kahit panandalian, not even your body for physical needs. And I couldn’t even believe that you will want another woman’s kisses but mine. At lalong hindi ako naniniwalang hindi mo ako iniisip sa bawat gabing nagdaraan...”
Napaungol si Franco sa matinding galit. “Bitch!”
“Hindi, mahal ko, dahil hindi ako papayag na basta mo na lang itatapon ang pagmamahal ko na maraming taon kong inalagaan sa puso ko. Sinasaktan mo ako pero pinatatawad kita dahil sinaktan ka ng babaeng iyon at pinaniwala ka ng lalaking iyon na magagawa kong pagtaksilan ka. And I know you’re hurting too...”
“Damn you, Bea!”
“I won’t give you up, darling. Itanim mo sa isip mo iyan. I will be missing and wanting you in everyday of my life.”
“Malaya kang gawin iyon,” ani Franco sa kalmante subalit mapanganib na tono. Ang mga mata’y tila laser na halos humahati sa kanya. “At gusto kong ipaalam sa iyo na nag-file na ako ng annulment. Hindi aabutin ng maraming taon ang processing n’on dahil gagamit ako ng pera maliban pa sa hindi tayo ikinasal sa simbahan. Pangalawa, susuportahan ni Jerome ang akusasyon kong pinagtaksilan ninyo akong dalawa.”
“H-hindi....”
“Yes, my sweet wife.” p inanayuan siya ng balahibo sa pagkasuklam na nasa tinig at mga mata nito.
Umatras sa may dingding si Bea. Umiikot ang paningin niya at kung hindi siya sasandal ay matutumba siya. Sandali niyang ipinikit ang mga mata at pinuno ng hangin ang dibdib. Pagkatapos ay muling tumingin sa asawa.
“I love you, Franco, and I’ll be damned if you could get away from me so easily,” tahimik niyang sinabi bago marahang lumabas ng pinto.
Nahahapong ibinagsak ni Franco ang sarili sa higaan. Inikot ng tingin ang buong paligid. Paulit-ulit sa pandinig niya ang tinig ni Bea, declaring her love for him.
PAG-UWI ni Franco nang gabing iyon ay sinalubong siya ni Erlinda.
“Matatahimik ka na siguro, Franco... umalis na si Bea.”
Sandali siyang natigilan sa gustong iparating ng ina. Pagkatapos ay nagtuloy-tuloy na pumanhik.
“Kung ganoon ay gagamitin ko na ang dati kong silid.”
“Kung kaya mong matulog nang mahimbing gayong nagdurusa ang asawa mo sa bawat sandali,” galit nitong sinabi. “Kung naging mapagpatawad ang Papa ay hindi natin sasapitin ang ganito. Hindi mamamatay nang maaga ang ama mo. Hindi ko makikilala si Arsenio at walang Jerome na namumuhi sa iyo at walang Bea na nasasaktan!”
Hindi sumagot si Franco at patuloy na pumapanhik. Sumigaw si Erlinda. “She’s alone and hurting, Franco. Who knows kung ano ang mangyayari sa kanya sa rancho nang walang pera at kasama!”
Sa silid nilang mag-asawa ay inihagis niya ang attache case. Parang may dumakot na malaking kamay sa puso niya at piniga ito nang napakahigpit. Alin ba ang mas masakit, ang malamang pinagkaisahan siya ni Jerome at Bea o ang malamang wala na ang asawa at tuluyan nang umalis?
Hindi niya matiyak. Nahahati siya sa pagitan ng poot, pagkasuklam at sa pagsisikap na patayin ang pag-ibig sa dibdib.