Chapter Five
T ANGHALI na nang magising si Franco kinabukasan. Mabibilang niya ang mga oras na itinulog. Ang ibinigay na silid ni Erlinda kay Beatriz ay ang mismong silid sa tabi niya where he can hear her every move.
And worst, they were sharing bathrooms. Gusto niyang magalit sa ginagawa ng ina na sa tantiya niya’y sadyang pinaglalapit sila ni Bea.
Tumayo ang binata at lumabas ng veranda. Wala sa loob na nanungaw nang bahagya itong mapaatras. Nasa ibaba si Bea sa may hardin. Isa-isang inaalisan ng tuyong dahon ang mga rosas at mga damo na nakapaligid sa mga puno ng mga bulaklak.
Matiim niyang tinunghayan ang dalaga. Hindi man niya gustong aminin, Beatriz Montesa possessed a disturbing beauty. At gusto niyang mainis dahil hindi niya maalis ang mga mata rito. She was so calm and serene na kakaiba para sa isang kabataang tulad ng dalaga. Teenagers tend to be full of energy. At teenager pa lang si Bea. Two months and eighteen years. At dapat ang mga kasinggulang niya’y disco at shopping at kasayahan ang inaasikaso at pangunahin sa kaisipan.
Pero hindi ang dalaga. She was actually quiet and serene kung hindi nakaharap sa kanya at hindi niya ginagalit. At aminin man niya o hindi ay gusto niyang pinagmamasdan ang dalaga kung hindi ba naman ay kanina pa siya dapat na umalis sa veranda.
Huminga siya nang malalim. Wala sa listahan niya ng mga babaeng acquaintances ang tulad ni Bea. She’s young and sweet and innocent. Ang uri ng babaeng pinakakasalan. At ang mga babaeng nakakasalamuha niya’y mature (not that Bea is immature), ang ibig niyang sabihin ay mga worldly and sophisticated and are just willing to give in to his interest at naiintindihan ng mga ito na iyon lang ang gusto niya. At kapag tapos na ang maikling relasyon ay hindi siya nangangamba nag-iwan siya ng wasak na puso dahil sanay ang mga iyon sa ganoong uri ng relasyon. Ni hindi na niya naaalala man lamang ang mga ito malibang magkita silang muli.
Pero bakit mula pa sa unang araw na magkita at magkausap sila ni Bea ay nanatili ang dalaga sa isip niya? And even haunted him in his sleepless state.
“GOOD morning, Sir.” s i Dolly nang dumaan siya sa mesa nito upang alamin kung may message. “And congratulations, s ir.”
Nangunot ang noo ng binata. “Congratulations, Dolly? Bakit na-push through ba iyong malaking order natin mula sa isang milk company?”
“Sir, naman,” nakangiting sagot ng sekretarya. “Alam n’yo namang ang nalalapit ninyong kasal ang ibig kong sabihin.”
“Kasal!”
Sandaling natigilan si Dolly sa ekspresyon ng boss. Madaling binuklat ang pang-umagang peryodiko sa society page.
“Heto, s ir. Naka-announce dito ang nalalapit ninyong pagpapakasal kay Miss Beatriz Montesa. Siya iyong dalaga kahapon, hindi ba, s ir?”
Pahablot na inabot ng binata ang diyaryo mula sa kamay ng sekretarya at binasa ang itinuro nito.
Gorgeous businessman, Franco Navarro, will wed childhood sweetheart, Beatriz Montesa. Exact date is to be announced. Pinatutunayan lang nito na balewala kay Franco Navarro ang nangyaring iskandalo noong isang taon. Socialite Erlinda Gascon confirmed that Beatriz Montesa is very pretty, young and innocent. Italics mine. Engagement was made by Franco himself when the fiancée was barely two months old and the fiance is ten years old. How romantic and Victorian...
“Damn!” Hindi na tinapos ni Franco ang artikulo. Kilala niya ang sumulat. Isang baklang kaibigan ng mama niya. Ibinagsak nito ang diyaryo sa naniningkit na mga mata at nagmamadaling pumasok sa silid.
Nagtatakang sinundan ng tingin ni Dolly ang amo. Siguro ay hindi gustong ipa-announce ni Mr. Navarro ang kasal nito.
Sa opisina niya ay mabilis na tinawagan ni Franco ang ina. “Mama, hindi ko akalaing gagawin ninyo ito... huwag na kayong umiwas pa. Bakit ninyo ipinalagay sa society page ang tungkol sa amin ni Bea?”
“Iyon ba, hijo?” Ang kabilang linya. “Kagabi kasi ay tumawag ang kaibigan kong si Maureen. Itinanong sa akin kung kumusta ka na after last year’s scandal. Hindi mo inaasahang sasabihin ko sa kanyang nakaapekto sa iyo ang ginawa ni Lucinda, hijo?”
“Pero, Mama, alam naman ninyong hindi ko balak na magpakasal kay Bea o kahit na kanino pa mang babae.”
“That’s rubbish. Huwag mong sabihin sa aking tatalikuran mo ang binitiwan mong salita kay Alfonso, Franco? Ako mismo ang magagalit sa iyo.”
“Salita ng bata, Mama. Ng isang sampung taong gulang.”
“Pangalan ko bilang Sebastian ang nakataya, Franco, at ikaw bilang isang Navarro. Naniwala si Alfonso na gagawin mo iyon dahil kaibigang matalik niya ang papa mo. Noon pa may ay nag-usap na ang dalawa na `pag nagsipag-asawa ay ipagkasundo ang magiging mga anak. You only confirmed it eighteen years ago.”
Halos mabasag ang mga ngipin ng binata sa pagtatagis. At bago pa siya muling nakapagsalita ay nagpatuloy si Erlinda.
“Pupunta kami ngayon kay Pitoy Moreno, Franco, upang pasukatan ng damit-pangkasal si Bea. Gusto kong sa katapusan na ang kasal ninyo.”
“Hindi kayo pupunta roon, Mama, kung gusto mong magpakasal ako kay Bea!” banta ng binata.
“Ano ang ibig mong sabihin?”
“I won’t have a church wedding. No cameras, no visitors, no nothing. We will be married silently sa munisipyo at sa isang linggo bago pa may maisip na kung anong gimik ang kaibigan ninyo.”
“Pero, hijo, paano ang balak kong party para sa delayed celebration ng debut ni Bea?” aniya in a pained voice hoping na hindi mahalata ni Franco ang drama niya. And she was smiling, really smiling.
“You can have parties after we’re married. Ayokong pagpiyestahan ng mga reporter ang kasal ko tulad noon. Kung hindi ko sinunod ang kagustuhan ni Lucinda ng isang grand wedding ay hindi ako mapapahiya nang ganoon!” pagalit nitong sinabi.
“Surely, Franco, hindi mo aasahang hindi sisipot sa kasal mo si Bea?”
“I doubt that. Halos isubo na sa akin ng babaeng iyan ang kasal,” patuya niyang sinabi.
“Ganoon naman pala, Franco, bakit hindi mo ibigay kay Bea ang kasal na pinapangarap ng lahat ng babae?”
“Civil wedding or no wedding at all. At kung ako ikaw, Mama, ngayon pa lang ay ipapahanda ko na ang mga dapat kailangan,” pinal ang tinig nito.
Bagaman ikinagalak ni Erlinda ang pagtatagumpay ng gimik ay nalungkot naman dahil hindi mararanasan ni Bea ang kasal na pinapangarap ng lahat ng mga babae. Pero hindi bale, at least, magpapakasal ang dalawa nang tuluyan.
“Okay lang, t ita Erlinda,” ani Bea nang ibalita sa kanya ni Erlinda ang plano ni Franco. “Hindi naman kasali sa pangarap ko ang ganoon karangyang kasal. I have dreamed of him for so many years pero hindi sa magarbong paraan. Just him and me forever and forever.” Kumikislap ang mga mata niya.
Hindi malaman ni Erlinda kung ano ang iisipin sa nakikitang kasiyahan sa mukha ni Bea. i t made her so beautiful.
“Do you love my son, Bea?”
“Perhaps I do. I couldn’t seem to think of anything but him mula pa nang una kaming magkaharap. Huwag nang isali pa ang mga panahong siya ang iniisip at pinapangarap ko. And I will make him fall in love with me, t ita Erlinda, kahit na iyon na lang ang gagawin ko sa buong buhay namin. I will make him forget that woman who hurt him.” m ay bahagyang galit sa tinig niya sa huling sinabi. Pagkatapos ay umiling at ngumiti. “I guess I ought to thank her for jilting him, kung hindi ay hindi matutupad ang kasunduan nila ng i tay.”
GABI na nang dumating si Franco sa mansiyon. Si Erlinda ay nasa silid na nito. Ganoon din si Bea. Pumanhik sa itaas ang binata at akmang papasok na sa silid nang magbago ang isip. Lumakad patungo sa silid ni Bea at walang sabi-sabing binuksan ito.
Si Bea na nagbabasa ng magazine ay nagulat sa biglang pagpasok ni Franco.
“Franco...” m abilis niyang hinablot ang kumot at itinaas hanggang baba upang takpan ang manipis na pantulog. Kasama iyon sa pinamili nila ni Erlinda at pinili ng matandang babae ang manipis na pantulog at manipis na sintas sa balikat.
“So now you’re really marrying me.” Isinara ng paa nito ang pinto at sumandal dito. Sinisikap ibalik sa isip ang sadya sa dalaga at hindi sa mukha at katawan niya.
“Wala naman akong alinlangan na hindi ako mapapakasal sa iyo.” s inabayan ng dalaga iyon ng kibit ng mga balikat.
Hindi halos mapaniwalaan ni Franco ang sarili na hindi pa ito nagagalit sa kanya. “Bilib ako sa kumpiyansa mo,” tuya nito.
“My father taught me that. May kumpiyansa din siya sa iyo na gagawin mo ang ipinangako mo sa kanya.”
Hindi sumagot ang binata roon. “Ano ang binabasa mo?”
Sinulyapan ng dalaga ang magazine na inilapag sa side table. “An article about kissing...”
“Whaaat?”
“Since na isang linggo na lang at magpapakasal na tayo, wala nang tsansa na may makapagturo sa akin. I might as well self-study.”
Hindi malaman ni Franco kung matatawa o magagalit. “Itapon mo ang walang silbing magazine na iyan.”
Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Umasam. “Meaning, ikaw na lang ang magtuturo? And that you’d like to kiss me again?”
Hindi sumagot si Franco. Dapat ay lumabas na ito. Pero ewan kung bakit nanatili pa ring nakatayo at nakatitig sa dalaga. She was annoyingly beautiful.
“Nag-aatubili ka. Would it help if I took the iniative?” aniya na sinabayan ng bangon upang tumayo.
“Stay where you are!” utos nito na lumakad patungo sa kama. Sandaling inisip kung tama ang gagawin o hindi. But hell with fine thoughts! She would be his wife in a few days time.
Umupo ito sa gilid at inabot si Bea and she was more than willing to obey. His face a breath away. Their lips touching but not kissing. His eyes skimmed her face. Pagkatapos ay mahigpit siya nitong niyakap na halos ikapugto ng hininga ng dalaga. Then he was kissing fiercely, hungrily, as if he was starving and out of control.
Gusto nang matakot ni Bea. Hindi niya naiintindihan ang ginagawa ni Franco. Pilit niyang pinakawalan ang mukha niya.
“You’re... holding me so tight.” h inahabol niya ang paghinga. “I might die of suffocation and bruised ribs instead of ecstacy.”
Napangiti ang binata. “Your humor is unbelievable. Nabasa mo ba iyan diyan sa magazine, this ecstacy thing?”
“Oh, yes. Sabi dito when a man kisses a woman she will be aroused and ecstatic. But you’re taking my breath... literally,” inihabol niya ang huling salita.
Pumormal ang binata. “Do you really want to feel ecstatic, Bea?”
“Eh, di kasi naman. Sige, umpisahan natin uli. You can kiss me properly.”
“And I thought I just did,” amused nitong sagot.
“You didn’t kiss me, you ravished me, Franco Navarro.”
“That is part of it, sweetheart.” s inisikap ng binatang huwag mangiti. Paano ba nito ipaliliwanag that he was kissing her with more passion than she’d hoped for, more than she was capable of handling dahil nga walang karanasan ang dalaga. And he bedded a few inexperienced women pero hindi kasing-inosente ni Bea.
“Hahalikan mo ba ako o hindi na?” ulit ng dalaga nang makitang nakatitig lang sa kanya ito.
Hindi pa rin kumikibo si Franco pero muling kinabig ang dalaga. Sa pagkakataong iyon sa banayad na paraan. Then he was kissing her softly, tenderly. Napapikit si Bea, tumaas ang mga kamay sa leeg ng binata and pressed herself closer.
He was tasting her lips from one corner to another. And when she sighed her pleasure, sinamantala ng binata iyon and delved his tongue deeply. She gasped. Hindi niya inaasahan iyon. Was this part of kissing, too? Siguro dahil sa pakiramdam niya’y tila siya mauupos na kandila at parang may init na gumuhit sa ibaba ng tiyan niya.
On instinct, her tongue played with his. Franco moaned in his throat and kissed even erotically. At bago pa namalayan ng dalaga ay inihiga na siya nito pabalik sa kama. And she was gasping and writhing under him. She wanted to touch him, to tell him that she really felt not just ecstatic but feverish, too. Pero hindi niya magawa. He was not giving her a chance to breathe, magsalita pa kaya.
He was on top of her and pressing his thighs in between her thighs. Ang pagitan nilang dalawa ay ang pantalon ni Franco at ang manipis niyang nightgown. And again, that shocking hardness and she could feel it throbbing between her legs. Sa pagkakataong iyon ay hindi siya natakot. She was so hot that fearing him now is the last thing on earth na maaari niyang isipin.
Again, on instinct, itinaas niya ang sarili para salubungin ito that his groan was so loud. Kinabahan ang dalaga at mabilis na kumawala.
“Am I... causing you pain? M-may masakit ba sa iyo?”
Sandali munang natigilan si Franco sa tanong na iyon. Pagkatapos ay humagalpak ng tawa at ibinagsak ang sarili sa tabi niya pulling her on top of him. Itinukod ni Bea ang dalawang kamay sa dibdib ng binata and watched him laugh sa pagtataka niya. And she was sure she’d caused him pain moments ago.
Nakatawa pa rin si Franco nang makuhang magsalita. “Yes, sweetheart, you’d made me ache. Right there in between my thighs and I hope you can feel its throb.”
Bahagya lang ang panlalaki ng mga mata ng dalaga, pagkatapos ay ngumiti nang buong tamis. “Hindi ko alam kung iyon din ang nararamdaman ko. But I sure feel something’s hot and burning just below my stomach. Does it always so?”
“Always so,” nakangiti pa ring sagot ni Franco. His eyes sparkling. Hindi nito akalaing ang kawalang-alam ni Bea could make him laugh and warm and tender. At bago ang damdaming iyon. Minsan man sa panahon ng kasintahan nito si Lucinda at kahit sa panahon ng pagtatalik ay hindi nito nadarama ang ganoon. And not even with all the women he went to bed with. “Saan mo natutuhan ang ginawa mong paghalik sa akin kanina? Sa magazine ba?” Dinama ng thumb finger nito ang lower lip ng dalaga.
She wrinkled her nose. “Hindi po. I followed my instinct at ginaya ko lang ang ginagawa mo,” pagkatapos ay muling ngumiti. “Did you like it?”
“Very much.” h e couldn’t help smiling.
“Me, too.”
Dinala ng binata si Bea pabalik sa kama and stared right into her eyes. “You are refreshing, Bea. At marami akong gustong gawin. I want to do more than just kissing.”
“Ngayon?”
“Now and always,” pagkatapos ay umiling ito. “And since I am marrying you, gagawin ko na nang tama. I’ll do it on our wedding night, even if it will cause me pain for several nights.”
“Like making love?” tanong niya sa mahinang tinig.
“Yes.”
“Gusto ko rin iyon,” sang-ayon ng dalaga with wistfulness on her eyes. “Alam mo, may kaibigan ako sa Sto. Cristo, si Monica. Malimit naming pagkuwentuhan ang tungkol sa lovemaking. Kaya lang, tulad ko, wala rin siyang idea. May boyfriend na siya na hindi alam ng mama niya at nang tanungin ko kung nahalikan na siya, well she said yes. And when I asked her how it feels like, wala siyang masabi. Something like just touching of the lips and nothing more. Perhaps her boyfriend doesn’t kiss like you.”
Nagkibit ng mga balikat si Franco. Hindi gustong palawakin iyon. “Marami ka bang kaibigang babae at pare-pareho ang pinag-uusapan ninyo?” Pinaglalaro nito ang daliri sa mukha ng dalaga as if memorizing each and every contour of her face. Sinisikap alisin sa isip ang pagnanais na angkinin ito.
Nagkaroon ng lambong ang mukha ni Bea sa tanong. “Sana nga ay marami akong kaibigan. Girls do not like me, kahit ang ibang classmates ko sa kolehiyo sa kabisera.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Franco. “At ang dahilan?”
“Sabi ni Nicky dahil maganda daw ako. At natatakot ang mga girls that I might stole their boyfriends away which is very stupid because I do not have eyes for them. Ipinagkasundo na ako ng i tay sa iyo and I have been telling them na boyfriend kita at pinagtatawanan nila ako.”
May bahagi sa dibdib ng binata na gustong magalit sa mga babaeng sinasabi ni Bea. And sympathy dahil ang kabataang tulad niya ay dapat na nakikihalubilo among her peers. And warmth for the first time dahil totoong sineryoso ng dalaga ang pakikipagkasundo ni Alfonso bagaman walang katiyakan doon.
“Pero minsan, may isang pangyayaring talagang sumama ang loob ko at kung hindi ko napigilan ang sarili ko ay umiyak ako sa gitna ng klase. Iyong may-ari ng pinakamalaking tindahan sa Sto. Cristo, si Mrs. Lauriano, ay nag-celebrate ng birthday party ng anak niya who was my classmate since first year. Inimbita niyang lahat ang mga kakilala namin at mga kasinggulang ng anak niya pero hindi ako.”
“Bakit niya ginawa iyon?” Napalakas ang tinig ng binata nang magtanong. Nakita nito ang pagdaramdam sa mukha ng dalaga sa kabila ng matagal nang nangyari iyon.
“Because we were poor and again, sabi ni Nicky, dahil hindi gusto ng anak ni Mrs. Lauriano na may makaagaw ng pansin dito sa birthday party nito.”
“But that’s stupid!”
Nagkibit siya ng mga balikat. “Iyon din ang inisip ko. Sabi ko nga sa sarili ko `pag pinakasalan mo ako, nakaganti na ako sa kanila dahil ang mga Navarro at Montano ang nagmamay-ari ng pinakamalaking lupain sa buong Sto. Cristo. But of course, hindi iyon ang dahilan kaya gusto kong pakasalan mo ako. Kung noong una kitang makita at hindi kita gusto, bumalik na lang siguro agad ako pauwi.” b umuntong-hininga ang dalaga. “Hindi ko tuloy malaman kung dapat kong ikatuwa na ganito ang mukha ko. But of course, ayoko rin namang maging pangit at baka hindi mo ako magustuhan.”
He cupped her face tenderly. “I’m sure hindi mo ako gusto dahil sa mukha ko, Bea. At maaaring ganoon din ako sa iyo. Fondness comes from the heart, hindi sa panlabas na anyo. But it doesn’t mean na hindi ko ikinatutuwang maganda ka.”
“Thank you, Franco.” p uno ng sinseridad ang tinig niya. “I’m glad I have Nicky and you.”
“At ang Nicky ba na ito ay hindi na-threatened sa iyo? That you might stole her boyfriend?”
Ngumiti si Bea. “Naku hindi. She’s also very pretty bagaman lagi niyang sinasabing mas maganda ako kaysa sa kanya. Ang tanging set back nga lang ay mahirap ako at mayaman siya kaya hindi siya ma-snob ng mga tao. Alam mo ba kung sino si Nicky?” Sandaling huminto ang dalaga na parang naghihintay ng sagot gayong alam naman niyang hindi nito kilala ang kaibigan. “Anak siya ni Don Vicente Montano, iyong dapat sanang mapangasawa ng t ita Erlinda na siyang pinili ni Don Alvaro.”
Ngumiti si Franco roon. “I’m looking forward to meeting this friend of yours. I like her already. At ganoon din ang Mrs. Lauriano na ito, of course, with a different purpose.”
“Ano ang ibig mong sabihin?”
“Wala naman. Curious lang ako,” pag-iwas ng binata na akmang hahalikang muli ang dalaga nang isang marahang katok ang narinig nila kasabay ng pagbukas ng pinto.