lookupnovel logo lookupnovel
Franco Navarro (Kristine Series 7)

Chapter 4

Ch. 5 / 12 Nov 28, 2025

Chapter Four

S i Erlinda ay hindi mapigilan ang tawa nang matapos magkuwento si Bea tungkol sa pagtatagpo nila ni Franco.

“Sinabi mo ba talaga sa anak ko iyon?” Nakangiting tanong nito sa dalaga na sa sandaling pagtatagpo ay nagustuhan nito kaagad.

Nilunok muna ng dalaga ang pagkaing nasa bibig bago sumagot. “Ang totoo, t ita Erlinda, kinakabahan talaga ako kanina sa harap ng anak ninyo. But I just couldn’t let him intimidate me. Kung makikita ni Franco na sisiksik ako sa isang sulok `pag nagagalit siya ay lalo ko lamang siyang binigyan ng dahilang kaya niyang huwag tuparin ang pangako niya sa i tay.”

“I’m glad you did. Bea. Sana’y naroon ako at nakita ko ang anyo ni Franco,” amused na wika ni Erlinda.

“Very emotionless. Para ngang bato,” prangka niyang sinabi pagkatapos ay nagbaba ng tingin at bahagyang napahiya. “I’m sorry.”

“Don’t. Kilala ko si Franco. He has always been bitter and angry. At natutuwa ako at nagkalakas ka ng loob na harapin ang anak ko. No one would ever dare,” pagkatapos ay seryosong tinitigan ang dalaga. “Gusto mo ba talagang pakasal sa anak ko, Bea?”

Huminga nang malalim si Bea. “Buong buhay ko ay itinanim na ng i tay sa isip ko ang mga bagay na iyan. Ang i nay ay nagtatawa na binabale-wala. Pero hanggang sa magkaisip ako’y patuloy na sinasabi ng i tay iyan at alam kong hindi na biro iyon. Kaya nama n ang buong pag-iisip ko’y nakatuon sa lalaking mapapangasawa ko pagdating ng ikalabing walong kaarawan ko.”

“That’s strange, Bea. Ang ibang mga babae ay ginagawa ang lahat upang huwag lang mapakasal sa lalaking ipinagkasundo sa kanila ng kanilang ama maliban na lang kung mahal din ng babae ang lalaki. Take my case for example. Nang malaman kong ipinagkasundo ako ng Papa sa anak ni Don Enrique ay agad kong niyayang magtanan kami ni Crisanto.”

Nilaro-laro ng dalaga ang tinidor sa plato. “Hindi ko rin po maintindihan, t ita Erlinda. All my life ay pinuno ng i tay ang imahinasyon ko ng larawan ni Franco pati na ang pag-uugali. And in my mind, he became my prince charming and was really looking forward to meeting and marrying him as he promised.”

“Sampung taon si Franco nang huli siyang makita ni Alfonso, hija. Ang ikinukuwento marahil sa iyo ng itay mo ay ang anyo at pag-uugali ni Crisanto. Halos magkapareho ang mag-ama sa maraming bagay maliban sa minana ni Franco ang katigasan ng mga Sebastian. Isa pa, magkaibigan at magkababata ang itay mo at si Crisanto. Natatandaan kong ikinuwento sa akin ni Crisanto na talagang gumawa sila ng pangako ni Alfonso sa isa’t isa na pagdating ng araw na magsisipag-asawa na sila ay ipagkakasundo nila ang kani-kanilang mga anak. Kaya naman nang ikuwento ko sa papa ni Franco ang sinabi nito sa ama mo ay tumawa nang malakas si Crisanto. Hindi na raw sa kanya nanggaling ang pangako kundi kay Franco.”

Sandaling katahimikan ang namagitan. Si Bea ay patuloy sa marahang pagsubo.

“I want you to marry my son, Beatriz Montesa.”

Nag-angat ng ulo ang dalaga. “Gusto ko rin ho. Ang totoo niyan ay nilakasan ko lang ang loob ko sa sinabi ko kay Franco kanina na sa ayaw at sa gusto niya ay magpapakasal kami. Pero ang totoo niyon ay nanghihina na ang loob ko.”

“Huwag. Ipagpatuloy mo ang ginagawa mo, Bea. Hindi tatalikuran ni Franco ang salita niya pero gagawin niya ang lahat upang ikaw ang umayaw na magpakasal sa kanya.”

Ngumiti ang dalaga na lumitaw ang dalawang malalalim na dimple sa pisngi. “Well, it’s another thing when you have an ally.”

“At nangangako akong gagawin ko ang bahagi ko sa pagsasabi sa anak ko na dapat ka niyang pakasalan. Pansamantala ay mag-shopping tayo ngayon ng mga gamit mo.” h inagod nito ng tingin ang suot ng dalaga at umiling.

“Pero hindi ko yata matatanggap na...”

“Kalokohan,” agap ni Erlinda. “Ituring mong kabayaran ng Papa sa hindi nito pagpapasuweldo nang maayos sa mga tauhan ng rancho. Tapusin mo ang pagkain mo at pupunta tayo ng department store,” pinal nitong sinabi.

GABI na nang makauwi mula sa pagsha-shopping ang dalawang babae. Hindi pa nila halos naibababa ang mga pinamili nang dumating si Franco. Nagsasalubong ang mga kilay nitong tinitigan si Bea sa bagong damit na bumagay sa dalaga. Lalo itong nagmukhang bata sa bulaklaking summer dress.

“Hi,” bati ng dalaga. Hindi pinansin ang mabilis na pagtibok ng dibdib. It is so unfair that any man could be so handsome pero hindi naman ngumingiti.

“Naipamili ka na pala ng Mama,” malamig nitong sinabi. Hinalikan sa pisngi ang ina.

“Ipahahanda ko ang hapunan natin,” ani Erlinda na mataktikang lumabas patungo sa dining room.

“Dapat naman, `di ba?” nakangiting sagot ni Bea. “`Pag ang damit ko galing sa Sto. Cristo ang gagamitin ko ay mapupulaan ka ng ibang tao. Ano na lang ang sasabihin nila? Franco Sebastian Navarro’s fiancee is wearing a sackcloth!”

“At talagang hanggang ngayon ay buo pa rin sa loob mo ang pagpapakasal sa akin?” pagalit na sagot ng binata na lumakad patungo sa bar at nagsalin ng alak sa kopita.

“Hindi magbabago ang isip ko, Franco,” mahinahong sagot ng dalaga. “Hindi mo ba babatiin kung bagay sa akin ang suot ko? Do you like it?”

“It doesn’t matter what you wear.”

“How boring,” kaswal niyang sagot. “Well, once we’re married I’ll change your ways. Matututo kang maging appreciative sa asawa mo. Why, lahat halos ng mga lalaki sa department store kanina ay sa akin nakatingin.”

“Wala akong intensiyon na ang magiging asawa ko ay pagpipistahan ng tingin ng kalalakihan!”

Matamis na ngumiti ang dalaga. “So now, tinatanggap mo nang magiging asawa mo ako?”

Pagalit na lumingon ang binata. “You are twisting my words. At sana’y itanim mo diyan sa utak mo na wala akong intensiyong mag-asawa.”

“Di dapat hindi mo sana sinabi ang ganoon sa itay ko.”

“For goodness’ sake, I was only ten years old!”

“My father gave you a choice, Franco. Sinabi niyang kung hindi mo kayang ipangako iyon ay wala kang dapat bayaran. Hindi niya ipinatatanaw na utang-na-loob sa iyo ang pagligtas niya sa buhay mo. Your mother testified to that.”

“Hindi mo gustong magpakasal sa isang tulad ko. We have no affection for each other. We are not even friends. Mag-aaway lang tayong parati and I will make your life a living hell!” Halos ihiyaw ni Franco ang sinasabi.

“That remains to be seen. I can weave magic, you know,” aniya na hindi natigatig at humakbang palapit sa binata. “I want you, Franco Navarro,” she said softly na halos bulong na lang. Hindi niya akalaing magiging ganito siya ka-bold. Pero kailangang magpahatid siya ng mensahe rito na hindi lamang niya gustong magpakasal sa binata kundi kailangan din niya ito.

Binalingan siya ng tingin ni Franco. “That’s very interesting.” t umaas ang isang sulok ng bibig nito sa patuyang pagngiti. “If you put it like that then gawan natin ng paraang...”

“And I also want to marry you,” agap niya bago pa natapos ni Franco ang sasabihin.

“Iyon ang masama. Okay lang kung gusto mo ako. I could want you, too.” h inagod siya nito ng may malisyang tingin na na tila wala siyang damit. Namula ang mukha ni Bea. “Pero ang magpakasal tayo ay malayo sa plano ko.”

Huminga nang malalim ang dalaga. “Hindi ko naman sinabing magpakasal tayo agad bagaman two months ago pa dapat ay pinakasalan mo na ako. I could make you want me and marry me at the same time.”

Pinagtatakhan nitong hanggang ngayon ay hindi pa nito tinatalikuran ang dalaga. He was known for being short-tempered. “At paano mo gagawin iyon, aber?”

“By making you fall in love with me.”

“Really?” Tumaas ang mga kilay nito. “Napakaraming magagandang babaeng umaali-aligid sa akin, Beatriz. Mas magaganda kaysa sa iyo, pareho ng intensiyon mo pero iisa lang ang interest ko sa kanila. Kung ano din ang interest ko sa iyo ngayon and that is how they can please me in bed.”

Alam ng dalagang dapat na umalis na siya at sundan sa kusina si Erlinda. Intensiyon ni Franco na sindakin siya at dapat lang. Nunca sa buhay niyang nakipag-usap siya nang ganito sa isang lalaki. Pero hindi siya papayag na madaig nang paganoon lang ng lalaking ito. Ang sabi nga ni Erlinda ay gagawin nito ang lahat ng paraan upang siya na mismo ang umayaw na pakasalan ito.

“Kaya kong punuan ang intensiyon mo, Franco. And anyway, we were as good as engaged eighteen years back, so I guess tama lang na ibigay ko sa iyo ang dapat para sa isang kasintahan.” d id she really say that?

Nanlaki ang mga mata ng binata. “An eighteen-year-old provincial young maiden is doing her best to tease a man!”

“I wasn’t teasing...” she whispered softly. “That was a promise.”

“Ah, ganoon...” d apat na matakot si Bea sa tono ng binata subalit humakbang pa siya palapit dito at inihanda ang sarili. Then his arms roughly closed around her at siilin siya ng marahas na halik.

He wanted to punish her for her boldness, to scare and shock her. Kissed her scandalously na hindi dapat para sa isang walang muwang na disi-otso anyos. It was deeply erotic and sensual.

For a long time she’d dreamed of this kiss, her first kiss. Umasam siyang gustuhin din siya ni Franco sa sandaling magkaharap sila. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang magiging pagtugon ng katawan niya sa halik na iyon. She was shocked all right, pero hindi sa takot kundi pakiramdam niya ay pinagapangan siya ng live wire sa katawan. At wala sa loob na itinaas niya ang mga kamay sa jeeg nito because she’d thought she was sinking.

Time and place held no meaning sa mga sandaling iyon. Hindi siya tumutugon bagaman nagpapaubaya pero hindi nangangahulugang hindi siya natatangay ng unos.

When his tongue played with her mouth, she gasped. Hindi niya alam kung paano gumanti ng halik, sa halip, inilapit pa niya nang husto ang katawan dito. Franco moaned. Binago ang paraan ng paghalik. It was both rough and tender. Then he held her bottom to lift her and pressed it hard against his thighs to let her know of his hardness.

Iyon ang biglang nagpangyari upang kumawala si Bea. And she was really shock and afraid. Hindi siya handa roon. She had only been dreaming of his kisses.

“E-enough...” t umaas-baba ang dibdib niya. That mysterious maleness bagaman kinabahan siya ay may ibang ginawa sa damdamin niya na hindi niya kayang ipaliwanag.

Si Franco ay nanatiling nakatitig sa mukha niya in a rasped breathing. “Did I detect fear there?”

Nagyuko ng ulo si Bea. “H-hindi mo... dapat ginawa iyon. Y-you were just supposed to kiss me. O-okay lang iyon... dahil magkasintahan naman tayo.”

Sukat doon ay humagalpak ng tawa si Franco. “So, may limitasyon ang panunukso mo sa akin... let me rephrase that, your promise.”

“I... only promised a kiss.”

“But I want more than kisses, Bea. Siguro ay alam mo iyon,” amused pa rin nitong sinabi. Sa pagkakataong ito ay naaaliw ang binata sa pagkailang ng dalaga.

“You can do those things to me `pag... `pag kasal na tayo,” aniya sa bahagyang nanginginig na tinig. “Pansamantala, while we’re engaged, you can start teaching me how to kiss.”

“At bakit ko gagawin iyon?”

“I... I... kind of like the way you kissed me. And since I liked it, gugustuhin mo sigurong hagkan kita nang ganoon.”

Muling tumawa si Franco. “I like your logic, my sweet innocent temptress. But I can’t bear it if you kiss me the way I kissed you.”

Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga. “W-why? Didn’t you like kissing me?” tanong niya na na-misinterpret ang sinabi ni Franco. Bahagyang nasaktan.

Nakakita ng pagkakataon si Franco na sirain ang loob ng dalaga na magpakasal dito.

“Why should I like kissing you when you do not even know how to kiss?”

Hindi na maikaila ng dalaga ang nasaktang damdamin. “That... is why... you’re suppose to teach me.” Halos walang tinig na lumabas sa lalamunan niya. She felt like crying.

Gustong sipain ni Franco ang sarili sa ginawa. Nakikita niya ang pangingislap ng mga mata nito sa namumuong luha. Pero ipinagpatuloy ang pananakit ng loob.

“Waste of time, Bea. I am expecting my woman to know how to please me.”

Tumango nang marahan ang dalaga at nagyuko ng ulo at mabilis na tumalikod upang itago ang pagpatak ng solitary tear. Binalingan ni Franco ang alak. Nakakailang hakbang na ang dalaga nang huminto sandali at nagsalita nang hindi lumilingon.

“You think I need some practicing...”

“Right,” wala sa loob nitong sagot, and took one swallow.

“I think I’ll have to find someone who can teach me how to kiss so I can please you,” marahang wika ng dalaga at nagpatuloy sa paghakbang. Sukat doon ay marahas na nilingon siya ng binata na ilang segundo muna ang pinalipas bago tuluyang pumasok sa isip ang sinabi ng dalaga.

“The hell you will!”

Pero hindi sumagot ang dalaga at patakbong pumanhik sa silid na ibinigay sa kanya ni Erlinda. Si Franco ay muling nagsalin ng alak at uminom.

Damn the wretched girl! Mischievously irritating, a beautiful tease. At isiping hindi marunong humalik pero pinukaw ng pagiging inosente nito ang damdamin ni Franco. What more if she will return his kisses as passionately as he did?

He’d die.

Women kissed him... teased and aroused him. But never did he felt such longing to take her right there and then. And never did he long to kiss a girl with so much thoroughness and tenderness.

He intend to teach her a lesson para huminto sa pagiging bold and her-almost-flirting with him. To shock her with his scandalous kisses pero sa halip ay siya ang tila tinamaan ng malakas na kidlat sa ginawa. She was soft and innocent that he ached. Hindi niya sinasadyang takutin ang dalaga when he pressed his thighs. He was making love with her unconsciously. It was well and good na natakot si Bea.

He hurt her by hurling insults sa pagiging walang alam pero siya ang natakot nang sabihin ng dalagang maghahanap ito ng mapagpapraktisan. Surely the wench said it to anger him.

Si Erlinda na kanina pa nakatayo sa may di-kalayuan ay ngumiti. First day and first round, mukhang TKO ang anak niya. Franco finally met his match.

She saw him laugh for the first time in almost a year. Malaking bahagi ng pagkatao ng anak niya ang inalis ni Lucinda. Ang unang babaeng pinag-interesan ni Franco, ang babaeng binalak nitong pakasalan.

But soon, Bea will heal him. Bea will make him happy.

“Kung buhay ngayon si Alfonso at Crisanto, natitiyak kong magpipiyesta sa buong rancho. Pero nararamdaman kong ako ang gagawa noon,” bulong niya.

At may plano siya upang madali ang lahat. Mabilis siyang pumasok sa library at dinampot ang telepono roon.

SA hapunan ay magkasamang kumakain ang tatlo. At gustong magalit ni Franco sa ina nang ihayag ni Erlinda ang plano para kay Bea.

“Gusto kong magpa-party tayo, Franco,” excited nitong sinabi. “Matagal na rin namang hindi natin gi nagawa iyon. Isang taon nang mahigit mula nang huli tayong magkaroon ng party dito sa mansion. Parang belated debut ni Bea. Sa labing-walong taon ng buhay niya’y puro ranchero ang nakikita niya. Poor girl.” s inulyapan nito ang dalaga na tahimik na kumakain. “Sa pagkakataong ito, hija, magkakaroon ka ng tsansa na makakilala ng mga binatang kasing-edad mo.”

“Bakit kailangan pa iyon?” tanong ni Franco na na nagpupunas ng napkin sa bibig.

“Gusto ni Bea na magpakasal sa iyo, hijo. It is not that I discourage her, lamang baka dahil wala siyang ibang nasa isip kundi ikaw kaya desidido siya roon. But if she will meet a few men, natitiyak kong mag-iiba ang damdamin niya. Ano sa palagay mo, Bea?”

Nagkibit ng mga balikat si Bea. “Kayo ang masusunod, t ita Erlinda. I’d really like to meet a guy whom I can befriend with. Perhaps he could teach me a lot of things...” patay-malisyang sagot niya. Hindi pinansin ang matalim na titig ni Franco sa kanya.

“Of course. Pero kung sa kabila niyon at talagang hindi nagbabago ang isip ni Bea at gusto pa ring magpakasal kayo, then, you must really marry her, Franco.” Nilingon nito ang anak na nagsasalubong ang mga kilay.

“Pati ba naman kayo, Mama? Alam naman ninyong wala akong balak magpakasal kahit na kanino.”

“Iba ang sitwasyong ito, Franco. Word of honor ng mga Navarro at Sebastian ang nakataya. At noong mangako ka kay Alfonso na pakakasalan mo si Bea ay naniwala at umasa si Alfonso roon dahil isa kang Navarro.”

“Mama, ilang taon lang ba ako noon? Ni hindi sumagi sa isip ko iyon saglit man,” naiiritang sagot nito. “And it is absurd to force me into marrying her nang dahil lang sa pangako ng isang batang paslit!”

“Matured at responsable ka na noon pa man, Franco,’’ kalmanteng wika ni Erlinda. Pagkatapos ay nagkibit ng mga balikat. “But anyway, don’t lose hope dahil baka makatagpo ng ibang binata si Bea sa gagawin kong party para sa kanya.”

Hindi na kumibo si Franco hanggang sa matapos kumain. Nauna itong tumayo at pumanhik sa itaas.

“Are you really going to give me a party?”

“I’d love to, Bea. It might make him jealous a little `pag nakita ka niyang inaaligiran ng maraming kabinataan.”

Nagkalambong ang mukha ng dalaga. “Paano kung balewala sa kanya kahit na sinong binata pa ang manligaw sa akin? Paano kung talagang hindi niya ako gustong pakasalan?”

“He will marry you, Bea, titiyakin ko. Kaya lang ihanda mo ang sarili mo sa isang simpleng kasal. Nasisiguro kong hindi na nanaisin ni Franco na magpakasal nang marangya.”

“Ano ang ibig ninyong sabihin?”

Nagbuntong-hininga si Erlinda. “Gusto ko sanang si Franco ang magsabi nito sa iyo pero sa nakikita ko ay hindi niya gagawin. At kaya ko naman sasabihin nang pahapyaw sa iyo ay upang maintindihan mo kung bakit hindi gustong magpakasal ng anak ko, hindi lang sa iyo, kundi kahit na kaninong babae.” u minom muna ito ng tubig, saka muling tumingin kay Bea. “Tinalikuran si Franco ng babaeng pakakasalan niya sa araw mismo ng kanilang kasal.”

“Oh!” Hindi makapaniwala si Bea. “That... woman must be out of her mind!” Nai-imagine niya kung ano ang naging damdamin ni Franco noon at nanlumo at nakaunawa siya.

Nagkibit ng mga balikat si Erlinda. “Ngayon ko gustong ipagsaya na hindi nagkatuluyan sina Franco at Lucinda, Bea. Baka kamayan ko pa si Lucinda sa susunod na magkita kami,” amused na sagot ni Erlinda at tinitigan ang dalagang natitiyak niyang siyang magbibigay ng susunod na mga tagapagmana ng Rancho Sebastian.

Fate’s irony. Kinasusuklaman ni Don Alvaro si Crisanto sa kasukdulang itinakwil ang kaisa-isang anak. Subalit ngayon ay tataglayin ng Rancho Sebastian ang pangalan ni Crisanto sa pamamagitan ni Franco.

Rancho Navarro.