8
“I REALLY don’t like the news about you and Tracy.”
Hindi na lang umimik si Mark sa sinabi ng ina. Ano ang magagawa niya kung ganoon ang opinyon nito? Noon pa mang bata sila ni Tracy, gusto na ng kanyang ina na silang dalawa ang magkatuluyan. His mother was very happy when he told her that he and Tracy were dating. Kulang na lang, magpahanda ito nang malaman na girlfriend na niya ang babae. Para sa kanyang ina, si Tracy ang dapat nitong maging daughter-in-law. Best friend kasi nito ang nanay ni Tracy.
There was a time when he thought he was in love with Tracy. When he found out how it was to be in love, he understood he was never in love with her. Simpleng physical attraction lang ang naramdaman niya para sa babae na nadagdagan ng pressure mula sa sariling ina na malaki ang impluwensiya sa kanyang buhay.
His mother was different. Noong bata pa siya, hindi iyon napapansin ni Mark. Akala niya, normal lang na maraming sinasabing hindi maganda ang isang ina tungkol sa ama ng anak nito. Akala niya, normal iyon sa mga hindi nagkatuluyan, tulad ng kanyang mga magulang.
Lumaki siyang hindi malapit sa ama, kahit pa nga madalas siya nitong imbitahan sa kung saan-saan. Bihirang payagan si Mark ng ina na sumama sa kanyang ama. Kahit ang apelyido ng kanyang ama, parang ayaw nitong gamitin niya. She made him stay away from his father.
His father was Dante Cardinal, an actor. Kilala ito sa bansa bilang isa sa mga may pinakamaraming bastardong binuo noong kapanahunan nito at siguro hanggang sa ngayon. Pero ang image ng kanyang ama sa maraming tao, hindi katulad ng image na nabuo sa isip ni Mark noong bata pa siya. Iba rin ang image na iyon sa nabuo nang makilala na niya ito.
Hindi masasabing close silang mag-ama dahil ayaw rin naman niyang sumama ang loob ng kanyang ina. “Don’t be like your father” ang madalas nitong sabihin noon pa mang bata siya kaya tumatak sa kanyang isip na napakasamang tao ng kanyang ama. Nang makilala niya si Dante Cardinal, nalaman niyang hindi iyon totoo. Nagkataon lang na nagkamali ito sa kanyang ina.
The story from his father’s perspective was simple: he met his mother, fell in love, and got her pregnant. Hindi nagawang pakasalan ng kanyang ama ang kanyang ina dahil hindi ito nagpakasal sa kahit na sinong babae para walang lalabas na “legal” na anak sa dami. Sa pananaw ng kanyang ama, isasakripisyo nito ang mga anak kung magpapakasal sa isang babae. Sa pananaw ng kanyang ina, malaking kasalanan na hindi ito pinakasalan ng kanyang ama.
Ni hindi tumanggap ng pinansiyal na suporta ang kanyang ina para sa kanya, pero hindi pumayag ang kanyang ama at nagpapadala pa rin. Ginamit naman din iyon ng kanyang ina sa pag-aaral ni Mark, kahit hindi kailangan. His mother was a wealthy woman. Nag-iisa itong heredera ng negosyo ng mga magulang. Kinailangan pang kausapin ng isang abogado ang mama niya para tanggapin ang pinansiyal na suporta ng kanyang ama para sa kanya.
His mother had so much pride. Siguro, hindi rin nito makita ang buhay na masaya at makulay dahil sa ganoong pananaw sa mundo—na parang lahat ng lalaki, nakahandang saktan uli ito anumang sandali, tulad ng kanyang ama. Iyon ang dahilan kaya kung minsan, kahit gustong kausapin ni Mark ang ama, hindi na lang niya ginagawa. Parang pagbibigay-respeto sa kanyang ina dahil alam niyang nasasaktan ito sa pakikipaglapit niya sa ama.
Hindi naman nagkulang ang kanyang ina. Mabait naman ito. Iyon lang, masyadong controlling. Minsan, nasasakal na siya. Sometimes, it felt as if she did not want him to have complete control of his life. Lahat ng bagay, parang kailangan niyang ikonsulta muna rito. Wala naman siyang reklamo. Hindi naman siya magastos kaya okay lang sa kanya na ito ang may hawak ng kanyang bank account. Minsan, gusto niyang magsimula ng negosyo, pero ayaw ng ina kaya hinayaan na lang niya.
Si Tracy ang problema. Mula nang mag-break sila, parang wala nang katapusan ang panenermon ng kanyang ina. Parang iniisip nitong si Tracy ang pakakasalan niya kahit ang bata-bata pa niya.
“It happens, `Ma,” sabi ni Mark.
Umismid ito. “Don’t think that I don’t know the reason behind the breakup.”
Natigilan siya. “What?”
“I talked to Tracy.”
“Why do you have to do that?”
“Because I’m your mother and I needed to know!” Pinagmasdan siya nito. “I sure hope you weren’t serious with that girl like Tracy told me about.”
Hindi nakaimik si Mark. Kung ganoon pala, hindi sinabi ni Tracy ang lahat. He told Tracy that he fell in love. Siguro, sa isang banda, hindi rin talaga desidido ang babae sa kanya at hindi na rin naging interesado sa mga detalye. It seemed as if Tracy also wanted out of the relationship. Siguro, pressured din lang ito sa sariling ina, tulad niya.
“Are you?”
“I like Maristel.”
“Who is she exactly?”
Iyon siguro ang isang tanong na ayaw sagutin ni Mark. Mabait ang kanyang ina, pero may mentalidad na hindi siya puwedeng makipagrelasyon sa mga babaeng hindi papasa rito. Noon pa, sinabi na nito ang bagay na iyon. She used to tell him, “Please don’t you marry someone who is not educated and not like us, please. That is all I ask of you.”
Nang magka-girlfriend ng isang “ordinaryong” babae ang isang second cousin ni Mark, parang napakalaking trahedya ang dumating sa pamilya kung magsalita ang kanyang ina. She said, “There are two things that scammers want, Mark, remember that—either your soul or your money. So never, ever bring home someone who would need those from you. You should find someone who already has both. Mamamatay ako kapag tumulad ka sa pinsan mo.”
Hindi niya pinansin noon ang sinabi ng ina, naisip na isa lang iyon sa mga hinaing nito sa mundo. Hindi rin niya naisip na makakakilala siya ng isang tulad ni Maristel. It seemed like an impossibility at the time.
“Mark, I asked you a question.”
“She’s a girl I find admirable. I like her, `Ma.”
Natigilan ang kanyang ina, parang hindi inasahan ang sinabi niya. Siguro, inasahan nitong babale-walain niya ang babala o tanong, at sasabihing huwag itong mag-alalala, tulad ng madalas niyang sabihin. But he could not lie about Maristel. Hindi niya magawang paliitin ang papel ng babae sa kanyang buhay. She was sunshine in his life. Kahit anong bagay, kaya niyang sabihin dito. No judgement at all. Kay Maristel, wala rin siyang dapat na patunayan, o dapat na depensahan. Most of all, she made him want to be a better person.
Nakikita niya kay Maristel ang drive na nawawala sa kanya mula nang magsimula ang kolehiyo. Ang matataas niyang pangarap noon, parang naging salita na lang at nagkulang na sa gawa. Nawalan siya ng interes dahil hindi iyon ang gusto niyang tahakin. Hindi iyon ang course na gusto niyang kunin. But Maristel made him realize how lucky he was. Wala ring fliter ang babae sa pagsasabi sa kanya ng opinyon. Hindi nito sinu-sugarcoat ang mga salita para sa kanya. Ilang ulit ba nitong direktang sinabing wala siyang karapatang magreklamo dahil nakakapag-aral siya? Naintindihan niya ngayon na totoo iyon. She wanted to go back to school, but she did not have the means. Ilang ulit niyang pinag-isipan kung paano matutulungan si Maristel. Sa katunayan, gusto niyang i-share dito ang mayroon siya, pero alam niyang tatanggihan lang iyon ng dalaga.
“Well…” His mother heaved a sigh and raised her chin up. Ganoon ang mannerism nito kapag hindi nagustuhan ang narinig, pero nagtitimping magsalita. Ilang sandali bago nito naipagpatuloy ang sasabihin. “Well, how old is she? Where does she go to school? What do her parents do?”
“She’s twenty-one, she works as a clerk. Her father lives in the province.”
“Where did she go to school?”
“In the province.”
“Where are her parents?”
Hindi alam ni Mark kung paano iyon sasagutin dahil alam niya ang kuwento ng buhay ni Maristel. Hindi iyon magiging maganda sa pandinig ng kanyang ina. Nagdesisyon siyang gamitin na lang ang kinilalang magulang ni Maristel sa pagbibigay ng impormasyon sa ina. “Her mother passed away a few years ago. Her father owns public utility vehicles. She didn’t finish college.”
Matagal bago nakapagsalita uli ang kanyang ina. “Driver ng jeep ang tatay niya?”
“Yes.”
“Drop her. I mean it.”
“No,” mariing sagot ni Mark.
Halatang nabigla ang kanyang ina, namula ang aristokratang mukha. “Use your common sense. This girl is using you.”
“She is not.”
“How can you be sure?”
“Because I know her and you don’t.”
“Oh, I think I do. Hindi ka sumasagot sa akin ng ganyan bago mo nakilala ang babaeng `yon. Drop her. That’s an order. I’m giving you a week.” Tumalikod ito at tumuloy na sa silid.
“MAY PROBLEMA ba?” tanong ni Maristel kay Mark. Alas-onse ng gabi at nasa parking lot sila ng Alabang Town Center. Wala nang masyadong tao dahil gabi na. Kanina pa niya napapansin na parang malungkot si Mark. Hindi tulad noon na kumakain sila sa labas, nag-take out lang ito ngayon ng pagkain sa McDonald’s.
“Wala naman. Come.” Hinigit siya nito papunta sa likuran ng kotse. Binuksan nito ang trunk at nakita niya roon ang isang skateboard at ilang comic books. “These are my contrabands growing up.”
“Bawal lahat ng `yan? Sa amin, nanghihiram si Tatay ng komiks ko. Pero hindi ganyang klase, ha? `Yong mga local lang— Funny Komiks , Horoscope , mga ganoon. Hindi mo siguro alam `yon.”
Natawa ang lalaki. “I had a few Funny Komiks .” Kinuha nito ang skateboard at niyaya siyang maupo sa gutter. Ipinatong nito sa skateboard ang plastic ng pagkain nila at inabutan siya ng isang burger. “Eat up.”
Inalis ni Maristel sa balot ang burger habang nakatingin kay Mark, naku-curious sa inaakto nito. “Ano ba talaga ang problema?”
“Walang problema.”
“Ows?”
Tumawa ito. “Nothing. I’m just a bit sad, I guess.”
“Ano’ng nangyari?” Apektado si Maristel kapag apektado si Mark. Kapag masaya ang lalaki, nahahawa siya at kapag ganoong halatang may iniisip, nalulungkot din siya kahit hindi pa niya alam kung ano ba talaga ang nangyari. Ang hirap pala kapag mahal mo ang isang tao; kung ano ang nararamdaman, nahahawa ka na rin.
Nagkibit-balikat si Mark. “Just remembering my dreams, that’s all.”
“`Yong pagiging doktor?”
Tumango ito. “Noong eight years old ako, gustong-gusto ko nito.” Itinuro nito ang skateboard. “Hindi ako binilhan ni Mama, delikado daw. She can be very corny sometimes. Marami daw naaaksidente dito. Kahit may pambili ako, hindi ako makabili hanggang mag-twelve na ako.”
“Apat na taon.”
“Yeah. So I talked to my father and told him I wanted one. He gave me one. Nagalit si Mama. Tinawagan niya si Papa. Somehow, Papa reasoned with her and in the end, I was able to keep this skateboard. I cleaned it everyday. I bought wheels and other stuff for it. Sinusunod ko ang lahat ng sabihin ni Mama para lang hindi niya kunin ang skateboard ko. I was very happy for a year. I learned tricks and I wanted to join competitions, but Mama won’t let me, of course.”
Masarap makinig sa kuwento ni Mark, pero sa isang banda, parang naiinis si Maristel sa nanay nito. Bakit napakaistrikta sa maling paraan? Sa bahay nila, hindi naman naging ganoon ang kanyang ama kahit paano. Kung may ipon siya, gastusin niya. Mabait ang kinilala niyang ama, nang mag-asawa lang uli saka nagkandabuwisit-buwisit ang kanyang buhay.
Nagpatuloy ng kuwento si Mark. “Anyway, one day, I was with some new friends who were also into skateboarding. We were having fun in Subic Bay. Kasama ng isa kong kaibigan ang kapatid at yaya ng kapatid niya. Nag-stunts ako sa rampa, nakalimutan ng yaya ang alaga at tumakbo papunta sa akin. I saw the kid mid-air. It was a split-second decision, a matter of avoiding the kid but falling hard; or hitting the kid and landing unscathed. Isinugod ako sa ospital. Sa Subic ito, emergency. Dumating si Mama. Galit na galit siya kay Papa. Naka-cast ang braso ko nang ilang buwan. It was then that I realized I still had my childhood dream of becoming a doctor. Nakatulong ang idea na `yon para hindi sumama ang loob ko na kinuha ni Mama ang skateboard. Sinabi niya sa akin na itinapon na niya, pero nakita ko sa bodega last year.”
“Kung minsan, mahirap intindihin ang magulang.”
“I know. Kahit ilang ulit kong ipinaliwanag na aksidente ang lahat, kahit nagpaliwanag si Papa, kahit nagpaliwanag ang yaya, kahit nagpaliwanag ang parents at ang kaibigan ko, hindi nag-iba ang isip ni Mama.”
“Nagsisisi ka ba na hindi ka nag-Medicine?”
“Sometimes.”
“Pero nalulungkot ka ngayon dahil doon.”
“No. I’m not sad about it per se. I’m sadder that I can’t seem to disobey my mother. I always feel guilty if I don’t do what she wants, so I always end up doing what she asks.”
“Wala namang hihilingin ang magulang na ikasasama ng anak.”
“You think so?”
“Sa kaso mo siguro, oo. Kahit pinagbawalan ka niya noon, naiisip lang niya na baka masaktan ka. Wala siyang masamang intensiyon. Hindi naman niya ipinagbawal ang skateboard dahil gusto niyang maging malungkot ka.”
“But can’t she broaden up her mind a little bit and trust me?”
Hindi nakasagot si Maristel. Ang hirap magpayo. Isa pa, matalino si Mark at palaging nasa katwiran kung mag-isip. Hindi rin niya masabing nakakainis ang mama nito dahil wala siya sa lugar para mamintas sa isang taong ni hindi pa niya nakikilala. Siguro, normal lang para sa isang ina na maging protective sa anak. Baka ganoon din siya kapag nagkaanak na sila ni Mark.
Sabay gano’n! sa isip-isip niya, gustong matawa.
“What’s so funny?” tanong ni Mark, nakakunot ang noo kahit nakangiti.
“Wala po. May naalala lang ako.”
Nagkuwentuhan sila hanggang maubos ang pagkain at nagpatuloy pa rin ng kuwentuhan, hanggang sa subukan nito ang skateboard. “Matagal ko na itong hindi nasasakyan.”
Nagsimula itong magpaikot-ikot sa parking area, kumukuha ng buwelo sa pavement gamit ang isang paa, saka sasampa sa skateboard. Nakailang ikot ito sa parking area hanggang sa yayain siyang sumubok. Hindi pa nagtagal, dalawa na silang nag-uunahan makasakay sa skateboard. Masaya pala. Tawa nang tawa si Maristel nang papasampa na siya sa skateboard ay biglang sumampa roon si Mark. Hinabol niya ito at nilundag para makapasan nang bumaba ito sa skateboard.
Ang lakas ng halakhak ng lalaki, inilagay ang magkabilang kamay sa likod ng tuhod niya habang nakapasan siya rito. Sa ganoong posisyon uli ito sumakay sa skateboard. Tili siya nang tili, pero tawa rin nang tawa. Tumigil lang sila nang sitahin ng isang guwardiya. Pareho silang pagod nang maupo sa gutter.
“Man, that was the most fun I’ve had in years,” hinihingal na sabi ni Mark.
Hagalpak pa rin ng tawa si Maristel. “Na-stress si manong guard.”
“There are days when I don’t want the clock to move at all. This is one of those days, Maristel. Kung puwede lang, pigilan ang mga oras. I want to be with you, but it’s late.”
“Okay lang, wala namang pasok bukas. Holiday.”
“May I invite you someplace else?”
“Game ako.”
Lumakad na sila. Ang sabi ni Mark, pupunta sila sa twenty-four hour na restaurant sa loob ng BF Homes nang matanawan nito ang mataas na hotel sa Madrigal Business Park.
“Would it be too ungentlemanly if I invite you there? I promise, I will behave like a perfect gentleman.”
“Okay lang sa akin.” Subok na ni Maristel si Mark. Kahit kailan, hindi ito nagtangkang tsansingan siya. Tumuloy na nga sila sa hotel. Nag-book ito ng isang kuwarto. Nang makarating doon, napanganga siya. “Alam mo, ayoko man, kailangan kong aminin na first time kong nakarating sa ganitong lugar. Ang sosyal-sosyal pala, ano?”
Lumapit siya sa bintana at binuksan ang drapes, saka napaatras. Hindi niya inasahan ang taas ng kinaroroonan nila. Natawa siya sa sarili, saka pinagmasdan uli ang siyudad. “Nasaan diyan ang apartment ko? Hindi ko yata makikita.”
“Nasa kabilang side.”
“Hindi ko nga makikita.” Tumawa na naman siya, saka lumapit sa mesa. Lahat ng gamit doon, may tatak ng hotel. Nagpunta siya sa banyo at nakitang may tatak din ng hotel ang mga sabon, shampoo, toothbrush, at iba pa. Sa totoo lang, noon din lang siya nakakita ng bathtub sa personal. “Mark?”
“Yes?”
“Paano pabubulain itong sabon diyan sa bathtub?”
“Wala silang bubble bath.”
“Ita-try ko, ha? First time, eh.”
“Sure. You want some wine to go with your bath?”
“Ganoon ba dapat?”
“I don’t know. I don’t take baths.” Natatawa ang lalaki.
“Ah, naku, ang arte mo. Sige, kung ano pa `yan, go lang ako. Gusto kong i-try para feeling-mayaman ako kahit ngayon lang.”
Nakangiting tumango si Mark at iniwan na roon si Maristel.
Nagsimula si Maristel na butingtingin ang mga knob para sa tubig. Hinanap niya ang tamang timpla ng init at nainip mayamaya. Ang tagal palang punuin ng tubig ang bathtub. Ibig palang sabihin, effort pang maghintay ang mga mayayaman. Baka habang nagsa-shopping, nag-uutos na sa maid na punuin ng tubig ang tub. Sosyal masyado.
Lumabas muna siya ng kuwarto. Dumating na pala ang sinasabing wine. Tumikim siya at nasorpresa dahil nagustuhan niya ang lasa, hindi tulad ng wine na ilang ulit niyang natikman sa kanila na mapakla.
“Ano `to? Masarap, ha?”
“It’s champagne,” sagot ni Mark.
“Ah, kaya pala. Akala ko wine? Pareho lang ba `yon? Pero masarap ito.”
“Try it with this.” Inilapit sa kanya ni Mark ang isang kahoy na sangkalan na may mga hiniwang keso. Tumikim ng isa si Maristel. Masarap.
“Type ko, in fairness. Baka masanay ako sa sosyal na pagkain.”
Tumawa ang lalaki. Dinala niya ang champagne flute sa banyo at ipinatong sa counter. Nilagyan niya ng mga bathgel ang tubig, pero kulang sa bula kaya nilagyan na rin niya ng shampoo. Bumula naman iyon gawa ng shampoo. Tuwang-tuwa siya. Mabilis siyang naghubad at lumublob. Napapabuntong-hininga pa siya habang iniinom ang champagne. Nang maubos, tinawag niya si Mark.
“Yes?” tanong ng lalaki mula sa labas.
“Favor, pahingi pa akong champagne. Sarap, eh.”
“May I come in?”
“Oo, wala kang makikita dito. Puro bula ako.”
Binuksan nito ang pinto, dala ang bote ng champagne. Napansin ni Maristel na naiilang ito at ilang ulit napatingin sa mga bula. Saka niya napansin na sa bandang ibaba pala, nauubos na iyon.
“Shit!” sambit niya, saka itinulak ang mga bula paibaba. Wrong move, sa itaas naman naubos ang mga bula.