lookupnovel logo lookupnovel
Not In The Contract

Chapter 4

Ch. 5 / 25 Feb 09, 2022

Chapter Four

L UMIPAS ang isang linggo na hindi nakita ni Claria si Cleevan. Sabi ni Manang Lucing, may meeting daw ang asawa niya sa ibang bansa kaya wala ito.

Paki naman niya. Mas nakakahinga siya nang maluwang kapag wala ang lalaki sa bahay.

Tahimik siyang nanonood ng balita sa TV sa sala nang dumating si Ace at may iniabot na diyaryo.

Kunot-noong tinanggap niya iyon. “Aanhin ko naman `to?” naguguluhang tanong niya sa lalaki na umupo sa katabing sofa.

“Read page nine.”

Naguguluhang sinunod niya ang sinabi nito. When she saw what was on page nine, her stomach tightened.

“Ano naman ang gusto mong palabasin dito?” tanong niya habang nakatingin sa picture ni Cleevan na may kasamang napakagandang babae with a caption ‘ The Business Magnate with his latest lover.’

Ace shrugged. “You should leash him.”

Tumawa siya nang pagak at napailing-iling. “Ace, sa tingin mo, magpapakadena sa akin itong kapatid mo? Look at him,” sabi niya at ipinakita ang diyaryo na may picture ni Cleevan at ang babae nito. “Ace, I don’t like him. So, why would I leash him? Mukha namang nag-i-enjoy siya sa babae niya.”

Bumaba ang tingin niya para basahin ang article.

The business magnate was seen entering Thai Mi Hotel in Taiwan with a beautiful model, Alexia Zu, wrapped in his arms. What could this possibly mean? According to our very reliable source, Mr. Sudalgo is married. Is he cheating on his wife or the rumor about him having a wife is just that a rumor—

Hindi niya tinapos ang pagbabasa at ibinalik ang diyaryo kay Ace. “Hindi ako interesadong basahin `yan.”

Tumayo siya at pumunta sa master’s bedroom na mainit ang ulo. Hindi niya alam kung bakit apektado siya. Dahil siguro umasa siya na walang gagawing kaimoralan si Cleevan habang nasa labas ng bansa.

Bakit ba ako umasa?

Claria entered the walk-in-closet and grabbed a sexy dress .

Nambababae siya? Puwes, hindi ako uupo lang dito sa bahay niya.

Hindi siya lumabas ng bahay mula nang umalis ang asawa dahil ayaw niya na may gawin na naman ito kapag lumabas siya. She already made peace with the fact that her body responded to his hot touch.

Pero kumulo ang dugo niya sa nabasa.

How dare he cheated on her? Oo nga at hindi sila tunay na mag-asawa sa tunay na kahulugan niyon, pero hindi ba nito puwedeng itago ang pambababae? Okay lang naman iyon sa kanya. Pero ipinakita pa talaga nito?

Hmp! Humanda ka sa akin!

BORED na bored si Cleevan habang nakatingin sa multimedia presentation na nasa harap niya. Paglapag ng eroplano na sinasakyan mula Taiwan, agad siyang pumunta sa Sudalgo Enterprise. May meeting kasi siya kasama ang mga investor. Ang totoo, gusto na niyang umuwi sa bahay. There is something inside him that want to go home to see Clarianette. Pero hindi puwede.

Nakatingin nga siya sa multimedia presentation pero wala doon ang isip. Lumilipad ang kanyang isip papunta sa isang babae na nasa bahay at naghihintay sa kanya.

Sana matapos na itong meeting na `to para makauwi na ako.

Na kay Clarianette pa rin ang isip ni Cleevan nang tumunog ang cell phone niya. Natahimik ang lahat at napatingin sa kanya. Bakit ba nakalimutan niya na i-silent iyon? Tiningnan niya kung sino ang tumawag at napakunot ang noo nang makita na ang nakababatang kapatid ang tumatawag.

“Excuse me. I have to answer this,” paalam niya sa mga ka-meeting at naglakad papunta sa gilid ng conference room kung saan hindi maririnig ang pag-uusap nilang magkapatid. Minsan lang tumawag si Ace kaya kailangan niya iyon sagutin.

“Bakit ka tumawag?” agad na tanong niya nang sagutin ang tawag.

Ilang segundo ang lumipas bago sumagot si Ace. “I’m in Eusebio Café.”

“So?” Puno ng iritasyon ang boses niya. “Tumawag ka para sabihin iyon sa akin?“

“Lance Guevara. Does that name ring a bell to you?” pagwawalang-bahala nito sa sentimiyento niya.

His jaw tightened. “Of course. Paano ko naman makakalimutan ang pangalang `yan?”

“Good. Because I’m looking at him right now and he’s happily chatting with your wife.”

“What?!” he shouted; his voice full of anger

His blood boiled at what he heard.

That woman! Ano ba ang nasa isip niya?!

Wala siyang pakialam kahit na nasa kanya na ang tingin ng lahat ng nasa conference room. He was gritting his teeth. He is trying to control his temper.

“You should come here, bago pa maiuwi ni Lance si Clarinette. We don’t want that, right? You’ve already sacrificed too much for her to get away. So come here and fetch your wife. Nakakairita na silang tingnan.”

Pinatay niya ang tawag at mahinahong hinarap ang mga ka-meeting. “I have to go. Just continue your meeting without me.”

Mabilis siyang lumabas ng conference room at nagmamadaling pinuntahan ang kotse na nakaparada sa parking area ng Sudalgo Enterprise. He hurriedly get inside his car and drove away with a speed that would make all the cast of The Fast and the Furious happy and proud of him.

CLARIA was smiling happily while talking to Lance. Sa isang oras na magkasama sila sa Eusebio Café, ang dami nilang napag-usapan.

“I’m happy to see you, Claria.” Malamlam ang matang nakatingin si Lance sa kanya. “It’s been so long. Akala ko, hindi na tayo magkikita. After that night, it’s like I’ve change.”

She smiled a bit. “Yeah. It’s been a long time since I saw you.”

“We’ve talked about a lot of things, but we haven’t talked about us.” Inabot ni Lance ang kamay niya na nasa ibabaw ng mesa at hinawakan iyon. “Claria, I’ve missed you.”

Claria waited for her heart to react at what Lance said but nothing happened. She waited and waited and waited, but nothing. Wala na ba talaga siyang nararamdaman para sa lalaking minahal niya pitong taon na ang nakararaan? Had her feelings for this man disappeared?

“Lance, I’m already married—”

Hindi natuloy ang sasabihin niya nang biglang may umagaw sa kamay niya na hawak ni Lance. Nang tingnan niya kung sino iyon, biglang bumilis ang tibok ng puso niya.

It can’t be!

“Cleevan…” she whispered his name in shock.

Cleevan looked at Lance; his stare was cold. “The next time you touch my wife, I’m going to break your hands.”

Parang nanunuyang tumawa si Lance at sinalubong ang tingin ni Cleevan. “So you’re the man who stole Claria from me.” Tiningnan nito ang mahigpit na pagkakahawak ni Cleevan sa braso niya. “Afraid I might steal her back from you?”

Cleevan’s lips formed into a taunting smile. “Why would I be? She’s married to me.”

Hinatak siya ni Cleevan palabas ng café. Walang imik ang lalaki. Pero alam niyang galit ito dahil gumagalaw ang panga.

Cleevan opened the car door and shoved her into the passenger’s seat. Umayos siya ng upo at hinintay na sumakay ang lalaki.

“I can explain,” agad na sabi niya nang sumakay ito sa kotse.

He looked at her. He looked calm as he talked. “What were you thinking, Nett?”

She bit her lip. “It was an accidental meeting. I promise, it really is.”

Seryoso muna siyang tinitigan nito bago binuhay ang makina ng kotse.

“Hindi ka naniniwala sa akin...” sabi niya sa mahinang boses.

“Bakit naman ako maniniwala sa `yo?”

“Dahil hindi ako gaya mo. Kung manlalalaki ako, sisiguruhin kong walang makakakita sa akin para gawing headline sa isang diyaryo.”

“You saw that, huh,” sabi nito na parang wala lang ang ginawa.

Sa halip na sumagot, tumingin siya sa labas ng bintana.

Nakakainis! Bakit ba apektado ako masyado sa ginawa niya sa Taiwan?

Wala siyang pakialam kay Cleevan. Iyon ang palaging isinisiksik niya sa isip. Pero bakit apektado siya?

Bakit?

Marahan niyang ipinilig ang ulo at tumingin kay Cleevan. “Kailan ka pa umuwi?”

“Kanina lang,” sagot nito na busy sa pagmamaneho.

Bumuka ang bibig niya at magtatanong pa sana. Pero naisip niya na wala siyang karapatan na magtanong. Sino ba siya? Mag-asawa lang naman sila sa papel.

“Go on. Ask,” udyok nito na mukhang napansin ang pag-aalinlangan niya.

Huminga muna siya nang malalim bago nagtanong. “Is she amazing in bed? Are you going to see her again? Did you get her phone number?” sunod-sunod na tanong niya.

Tumaas ang gilid ng mga labi ni Cleevan na parang pinipigilan ang sarili na ngumiti. Pero bakit naman ngingiti ang lalaki? Wala naman kangiti-ngiti sa tanong.

“Bakit ka naman interesadong malaman?” balik-tanong nito. “Are you jealous?”

She scoffed. “Jealous? Hell, no! Hindi nga kita gusto, eh.”

“Then why are you asking?”

Claria shrugged and looked outside the window. “Wala lang. Masama bang magtanong?”

“No.”

“Okay.”

Naghari ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Pareho silang walang imik.

Her mind was in turmoil. She kept on asking herself. Bakit ba siya apektado sa nakita sa diyaryo? Hindi niya masagot ang tanong at naiinis siya sa sarili.

“Ano naman ang pinagusapan n’yo ni Lance?” basag ni Cleevan sa katahimikan.

Tumingin siya sa lalaki. “Bakit ka naman interesado? Nagseselos ka?”

He chuckled and shook his head. “Interesado ako kasi asawa kita.”

She rolled her eyes. “Asawa mo lang ako sa papel, Cleevan.”

Nakita ni Claria kung papaano humigpit ang hawak ng lalaki sa manibela. Kumunot ang kanyang noo. Galit ba ito dahil sa sinabi niya?

“Mag-asawa pa rin tayo, Nett. Kahit ano pa ang gawin mo, baliktarin mo man ang mundo, mag-asawa tayo. You signed the marriage contact and we’re legally married. We may not act like one, but we are a married couple. And don’t ask me about my women, I have needs. At kung hindi mo iyon kayang ibigay sa akin, maghahanap ako sa iba,” prangkang sabi nito.

Sumandal siya sa likod ng kinauupuan at huminga nang malalim.

Tama ang sinabi ni Cleevan. Kahit anong gawin ay asawa pa rin niya ang lalaki.

Why not give him what he wants? Sex, sabi ng munting boses sa isang bahagi ng isip niya.

Why not? Responsibilidad ko iyon bilang asawa niya.

Hindi naman iyon mahirap gawin. Her body tingled with just the thought of him touching her. She became wet just by thinking of his hand slowly playing with her clit. Kahit iyon man lang maibigay niya. Sabi pa nito, wala na siyang magagawa. Might as well, enjoy being Cleevan Sudalgo’s wife.

“Kapag naibigay ko sa `yo ang needs na `yan, mambababae ka pa ba?” tanong niya mayamaya.

“Hindi ko alam.”

Tumang-tango siya. “I want to have sex with you in a hotel.”

Napasubsob siya sa dashboard nang bigla na lang itong nag-preno.

“Bakit ba bigla-bigla ka na lang nagpreno?” she said while glaring at him.

Cleevan looked at her, stunned. Hindi ito apektado sa masama niyang tingin. “What did you say?”

She rolled her eyes. “I said, I want to have sex with you.”

His mouth gaped open like he could not believe what she just said. “What?”

Inirapan niya ito. “Puwede ba, Cleevan? Alam ko na narinig mo ang sinabi ko. I want to have sex with you,” ulit niya. “You have needs and I will give it to you. Just promise me one thing, Cleevan.”

He frowned at her. “Promise you what?”

“Promise me na hindi ka mambababae. Mambababae ka man, itago mo. Ayokong mapahiya ang pamilya ko nang dahil sa akin. I got married to you because of my family. Why not go all the way to save my family’s reputation? I don’t want people mocking my parents. Because let’s face it, sooner or later, malalaman nila na ako ang asawa mo. Alam na nga ng media, it’s just a matter of time bago malaman ng lahat. At ayoko na kapag dumating ang oras na iyon, mapahiya ang mga magulang ko.”

Natahimik si Cleevan. Mukhang iniintindi nito ang sinabi niya dahil halatang napakalalim ng iniisip habang nakatingin sa kanya. Pagkalipas ng ilang minuto ay nagsalita ito. “So… you’ll have sex with me now?” he asked looking at the backseat.

She gaped at him. Did he expect her to… no way! “What the hell? No way!”

Ibinalik ng lalaki ang tingin sa kanya. “Ayokong mag-sex tayo sa hotel. I bring my women there at hindi ka gaya nila. Asawa kita. I want to have sex with you in the house, in our room, in the master bedroom, in our bed.”

Claria’s heartbeat quickened. “O-Okay lang naman sa akin ang hotel.”

“Not okay with me,” tutol nito at pinausad uli ang sasakyan.

“Bakit naman?” kagat-labing tanong niya.

He looked at her through the rearview mirror. “Because you’re my wife and I want to fuck you in our room.”

Nag-init bigla ang mga pisngi ni Clarianette sa salitang ginamit ni Cleevan. Lihim siyang napalunok. Hindi niya maiwasang tanungin ang sarili kung masa-satisfy ba niya ang asawa. She could not help but compare herself to his women.

Kaya ko ba?

Parang may kumurot sa puso niya sa isiping mambababae pa rin ang asawa kahit ibigay ang pangangailangan nito bilang isang lalaki.

Bakit ba hindi ko gusto ang ideyang nakikipagtalik si Cleevan sa iba?