Chapter Three
R ENZ’S chair swiftly swiveled forward. Ang mga mata niya ay nakatuon sa screen ng television. Ni hindi niya napuna ang kuryosidad sa mukha ng ina na biglang nagulat sa pagpapagulong niya ng silya patungo sa malapit sa TV set.
Naka-focus ang camera sa pagdating ni Shannon de Asis. Sa ayos nito, walang mag-aakalang isa itong celebrity. Ang lampas-balikat nitong buhok ay nakatali sa likod. Nakasuot ito ng long sleeves na blusang puti na nakarolyo sa dulo at blue jeans.
The shades she was wearing almost covered half of her face. Marahil ay iyon talaga ang intensiyon ng modelo upang hindi makilala. Nakikita niya sa screen ang pagkailang na nasa mukha nito tuwing kikislap ang mga flashbulb.
Hindi siya makapaniwalang naiilang ito sa mga flashbulb at camera. She lived with it. O baka naman kaya naka-dark shades ito ay upang itago ang pamumugto ng mga mata. Kamamatay lang ng ina nito. At ayon pa uli kay Vanessa na ang tinig sa pagre-report ay naririnig habang ipinapakita ang eksena sa NAIA ay dala nito ang mga labî ng ina upang dito ilibing sa Pilipinas.
“Do you have a relative here, Miss Shannon?” ang tanong ng isang reporter. Ang camera ay halos tumama na sa mukha ng modelo.
“Her mother was her only relative,” sagot ng kasama nito. “But we will take her mother’s remains in San Juan, Batangas.”
Renz saw her sniffed and then swayed, na para bang matutumba. Ni hindi ito makahinga sa dami ng gustong mag-interview rito.
Damn these media men for being so inconsiderate! And suddenly he wanted to wring the reporter’s neck. Kamamatay lang ng ina ni Shannon. Dapat ay bigyan man lamang ito ng privacy.
And then he checked himself. Bakit siya kailangang magkasimpatya sa babaeng ito?
“Have you met her in New York?” tanong ni Billie nang mawala sa screen ang mukha ni Shannon at muling nahalinhan ang balita ng weather report. Inabot nito ang remote at pinatay ang TV. “Hindi ba at siya iyong modelong nahuling kasama ng fiance ng pinsan mo?”
Tahimik siyang tumango. Nagpatuloy si Billie. “Hindi naman pala ganoon kaganda ang modelong iyan kaysa sa nakikita nating larawan niya sa mga magazine,” Billie said with contempt. Ang ina ni Steffanie ay anak ni Luis Montano (Monica’s brother) sa ibang babae.
“Hindi ako makapaniwalang pinatulan ni Jeffrey Moore ang babaeng iyan kapalit ni Steffanie!” patuloy ni Billie, naniningkit ang mata sa galit. “Ano ang ginagawa niya rito sa Pilipinas? Bakit hindi niya sa Amerika ipinalibing ang ina niya gayong wala na naman pala siyang kamag-anak?”
“Hindi natin alam ang dahilan, Mama,” sagot niya. “Baka iyon ang gustong mangyari ng mother niya bago ito namatay.”
“Magkikita silang tiyak ni Steffanie rito. Hindi ko gustong muling magtagpo ang landas nila, Renz. Ayokong muling maalala ni Steffie ang pait ng nangyari sa kanya.”
Tumiim ang mga bagang niya. “I just hope their paths won’t meet, Mama. Anyway, nasa Singapore si Steffie at dalawang linggo roong mahigit. By the time she came back, baka nakabalik na sa New York si Shannon de Asis.”
TAHIMIK niyang pinagmamasdan ang mga isdang lumalangoy sa man-made pond. Malalaki at iba’t ibang kulay na pinatitingkad ng artificial light sa ilalim ng tubig.
Ilang minuto na siyang nakatayo roon. Bahagyang umaabot sa pandinig niya ang ingay ng musika sa loob ng function room. Gusto niyang lumayo sa umpok ng maraming tao sa party na iyon ng isang kilalang fashion designer.
Shannon couldn’t say “no” to Frederick. He was her mentor. She was eighteen when she first modelled his creations. She was also his favorite being the most submissive person. She was also quiet, shy, and unaffected. Subalit pagdating sa trabaho, though young, she worked like a real pro. Sa rampa, habang naglalakad siya, one wouldn’t think for one moment what a shy young woman she was.
Nang dumating sila ni Ross sa Pilipinas dalawang linggo na ang nakararaan ay hindi niya inisip na may makakakilala sa kanya sa airport. Iniisip niyang tahimik silang makalalabas ng NAIA nang walang makakapuna. Ano ba naman ang malay niyang lihim na tatawag sa ilang kakilala sa Pilipinas si Ross upang ipaalam ang pag-uwi nila?
Kaya ganoon na lang ang gulat niya nang salubungin sila ng media men sa paglabas. Kung wala si Basil na siyang sumundo sa kanila ay hindi niya alam ang gagawin. So much for peace and privacy!
Mabilis siyang inakay ni Basil patungo sa naghihintay na sasakyan. Sininghalan nito si Ross nang tangkain nitong pigilin ang pagsakay niya upang harapin ang media.
Gayunman, si Ross ang siyang nag-asikaso sa mga labî ni Antonia na itutuloy sa San Juan upang doon ilibing ayon sa suhestiyon ni Basil.
Nang gabing iyon, sa primetime news, ay laman ng lahat ng television stations ang pagdating niya. At ni hindi siya nagkaroon ng pagkakataong magalit kay Ross sa ginawa nito. Naging abala sila sa pag-aasikaso sa mga labî ng ina.
“Narito ka lang pala, Shan. Kanina ka pa hinahanap ni Frederick.”
Mula sa pagmamasid sa mga isda sa pond ay nilingon niya ang papalapit na si Basil. She smiled at him. He was thirty-five. Ito na lang ang natitirang taong nagmamahal sa kanya. At hindi siya papayag na sirain ng press ang relasyon nilang dalawa.
Wala siyang pakialam kung ano man ang mabalita sa kanya. But they wouldn’t spare Basil and his family. At iyon ang hindi niya papayagang mangyari. Malaki ang utang-na-loob niya rito. Sa loob ng pitong taon ay inalagaan at kinupkop siya ng mag-ina. Pinag-aral, binihisan.
Pagkatapos ay dumating si Antonia. Sapilitan siyang muling kinuha mula sa mga ito. At walang nagawa kahit na sino. The security and happiness that she felt with Basil and his family suddenly came to an abrupt end.
At wala pang isang taon mula nang dalhin siya ni Antonia sa Maynila ay napanood na sa television ang unang commercial ni Shannon para sa isang toothpaste ad.
She was young, fresh, innocent looking. And with a certain beauty that was so difficult to categorize. Walang anggulong hindi siya magandang kuhanan ayon sa mga photographer.
That started the ball rolling. She was the new commercial princess. Antonia became her manager. Her everything. She wasn’t allowed to decide for herself. Ultimong pagbili ng gusto niyang kainin ay si Antonia ang nagpapasya. Lahat ng bagay na maaaring sa sariling opinyon nito ay makasasama sa kutis at katawan niya ay bawal.
Hindi miminsang may nag-alok sa kanyang maging artista sa pelikula subalit umayaw si Antonia.
“Hindi pa panahon, Ross,” wika nito sa talent scout.
“Mas maganda ang imahen ng anak ko bilang commercial model. Isa pa, kung papasok siyang artista ngayon, malamang na masasama lang siya sa grupo ng mga kabataan. Smorgasbord ang dating...” Her eyes twinkled and she smiled like a contented cat. “May panahon para diyan.”
At sa sumunod na mga taon ay ni hindi niya nagawang umuwi sa San Juan. Hindi siya pinahihintulutan ni Antonia na dalawin man lang si Basil. Ayon dito ay napakaabala niya para mag-aksaya ng panahong umuwi sa probinsiya.
At sa maraming pagkakataong dinalaw siya ni Basil ay hindi pinahintulutan ni Antonia na makausap niya ito.
“We missed you, Shan. Minsan ay nabanggit ka ng m ama. Our only consolation is that we see your face on television everyday,” wika nito minsang natutulog ang ina at nagkausap sila sa telepono. “Ingatan mong lagi ang iyong sarili. Napakabata mo pa para gugulin ang buong oras sa pagtatrabaho. You should be enjoying your youth.”
Basil was right. Bukod sa modeling ay nag-aaral pa siya. Tiniyak ni Antonia na magkaroon siya ng edukasyon at sa isang mamahalin at eksklusibong paaralang pambabae. Bukod pa roon, Antonia enrolled her in a very expensive finishing school.
Ang kapalit niyon ay ang pagtanggap niya ng ramp modeling maliban pa sa commerical. Ayon sa ina ay napakamahal ng kanyang escuelahan at kailangan niyang magtrabaho nang extra.
And when Shannon won the Supermodel Philippines, it was Antonia who had been so ecstatic. Her mother sold everything they possessed. At kasama si Ross, na noon ay pormal nang naging alalay ng ina, they left for New York and the rest was history.
“HEY,” ANI Basil na pumutol sa pag-iisip niya. “Have I grown two heads? Bakit ganyan kang makatitig?”
Masuyo niyang ikinawit ang mga braso sa leeg nito. “Kung hindi lang kay Frederick, mas gugustuhin ko pang manatili sa farm at mamasyal na kasama si Tiya Guada.”
Ngumiti si Basil, his arms went around her waist and pulled her against him. “Alam mo bang sumigla ang m ama mula nang dumating ka?”
She smiled thoughtfully. Sa ikalawang pagkakataon ay tinanggap siya ni Guada nang walang maraming tanong. Bagaman sa pagkakataong ito ay nagpakita ng bahagyang emosyon ang matandang babae. Nalaman niyang may mga collection ito ng imported magazines kung saan siya ang cover at may mga artikulo tungkol sa kanya.
“I hate parties,” bagot na deklara ni Basil.
Umangat ang mga kilay ni Shannon sa sinabi nito. “Kung hindi ko pa alam na halos hindi ka makawala sa magagandang babaeng nakapaligid sa iyo.”
Tumawa ito. “Kung alam lang nilang mahirap ako at isang magbubukid, malamang na nagpulasang palayo ang mga iyon sa akin.”
She pouted. “Hindi ka mahirap. You have your own undergarment business. At ang bukid ay pag-aari mo. Besides, hindi lahat ng mayayamang babae ay mayayaman din ang gusto,” aniya, half-convinced.
Tinitigan siya ni Basil, and then said thoughtfully, “You could be right, Shan. Months ago, may nakilala akong babae sa Puerto Azul. Alam ko kaagad na nabibilang siya sa may mga sinasabing pamilya. I tried to stay away from her but...” Nagkibit ito ng mga balikat.
“But what?” Shannon was curious. Hindi sila nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap nang matagal mula nang dumating siya.
“We seemed to meet in every turn. Then one thing lead to another. And I think I’ve found the right woman, Shan,” he said softly, a sparkle in his eyes. “One of these days, ipakikilala kita sa kanya. Magkakasundo kayong dalawa.”
“I couldn’t wait to meet this lucky girl. What’s her—” She stopped in mid-sentence. Sa sulok ng mga mata niya ay may tao siyang napuna sa mismong tapat ng lamppost. At kahit hindi siya mag-angat ng tingin ay alam niyang sa kanila ito nakatingin.
She had been attracting male guests since she and Basil arrived at the party two hours ago. At mula nang tumayo siya sa semi-darkened garden na iyon ay may dalawa o tatlong lalaki na rin ang dumaan at sandaling huminto upang titigan siya.
Subalit hindi nananayo ang balahibo niya sa batok tulad ng nararamdaman niya sa sandaling iyon. And she was sure it wasn’t out of fear. She was with Basil.
Nag-angat siya ng paningin sa dakong kinatatayuan ng Ialaki. She was right, nakatitig ito sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay niya. From a distance, the man looked familiar. And she could swear, mula sa distansiyang nakapagitan sa kanila ay kitang-kita niya ang hatred sa mukha nito habang nakatitig sa kanya.
“Something’s wrong?” tanong ni Basil at sinundan ng tingin ang hinayon ng mga mata niya.
“K-kilala mo ba ang lalaking iyon?”
But Basil missed his face. Nakatalikod na ang lalaking itinuturo ni Shannon at papasok na sa function room. “Maliban doon sa mga taong ipinakilala sa atin ng host ay alam mong wala akong kilala sa party na ito, Shan. Why?”
“He looked familiar.” Nagkibit siya ng mga balikat. “Forget it. Anyway, anong oras tayo uuwi?”
“Kung ako ang tatanungin mo, mas gusto kong umalis na. But your friend Ross is extremely enjoying the night.”
Shannon rolled her eyes. “Tell me something I don’t know. Give another hour and then let’s hit the road. It’s four hours drive mula rito hanggang San Juan.”
“At si Ross?”
“Kaya niyang pangalagaan ang sarili niya. At duda akong mayayaya mo iyon nang maaga.” Ikinawit niya ang braso sa braso nito at nagbalik silang muli sa function room.
Sa loob ay sinalubong sila ni Frederick at ipinakilala si Shannon sa kasama nitong lalaki. A man in his early fifties.
“Shan, darling,” anito. “I want you to meet Congressman Mendres.”
Kasunod na ipinakilala ni Frederick ay si Basil na bahagya nang tinanguan ng congressman. Ang mga mata nito ay nakatitig nang husto kay Shannon. Laughing, hinila ni Frederick palayo si Basil.
“It’s a pleasure meeting you, Shannon,” wika nito. Tila wala itong balak bitiwan ang kamay niya. “I’ve read so many things about you.” Shannon raised an eyebrow. Dinugtungan ng congressman ang sinabi. “I am your number one fan...”
She smiled obligingly. Banayad niyang hinila ang kamay mula rito.
Nagdaan ang isang roaming waiter at umabot ng dalawang kopita ng alak ang congressman at iniabot sa kanya ang isa. Alanganin niyang tinanggap iyon. She already had one glass, na ininom niya nang matagal.
Pagkatapos ng nangyari sa kanya sa New York ay atubili na siyang uminom ng alak. She took a little sip from her glass. Sa loob ng ilang sandali ay pinakikinggan niya ang congressman sa paraang tila ang sinasabi nito ay ang siyang kalutasan sa suliranin ng buong mundo.
She was bored but managed not to show it. Matinding pagpipigil ang ginagawa niya upang hindi maghikab. Ang kausap niya ay nagpapahiwatig ng interes sa kanya. Ipinagyayabang nito sa kanya sa disimuladong paraan ang mansiyon nito sa Amerika, ganoon din ang pag-aari nitong palaisdaan sa Bulacan at kung ano-ano pang linya ng mga negosyong nagdaan lang sa pandinig niya pero hindi naman niya matandaan.
Na masasakitin ang asawa nito kaya nagpipirmi na lang sa bahay-bakasyunan nila sa Bulacan.
DOM’s were all the same, anuman ang lahi. Kaya naman ang ngiting nasa mga labi niya ay naka-freeze na roon.
“I’d like us to meet again, Shannon,” wika nito. “ v ery much. Gusto kong dalawin ka sa tinitirhan mo...” Ang kamay ng congressman ay umangat at biglang pumulupot sa baywang niya.
Shannon felt his hand moved up and down her bare back softly. At dahil hindi niya gustong hiyain ito ay nanatili siyang nakangiti. She was expecting her face to crack any moment.
Her eyes searched for Basil, hoping him to rescue her. Subalit ibang mga mata ang nahagip ng paningin niya sa bar. At dahil ilang dipa lamang ang layo ng kinatatayuan nila ng congressman at ng bar. Kitang-kita niya ang mga matang kasinlamig ng yelo at nang-uuyam sa pagkakatitig sa kanya.
The man’s eyes moved down to the congressman’s arm on her waist. Nakita niya ang malisyang ngiting ibinigay nito sa kanya.
Sa hindi malamang kadahilanan ay nag-init ang mukha niya sa pagkapahiya. Which wasn’t very like her. Sa New York, sinanay niya ang sariling huwag maapektuhan ng opinyon ng mga lalaki. O ng nakararami sa pangkalahatan. They could brand her anything they want and she wouldn’t care a whit.
Subalit hindi niya maintindihan kung bakit naapektuhan siya sa tingin ng lalaking ito. At may hinala siyang sinusundan nito ng tingin ang bawat kilos at galaw niya.
Hindi siya nagkamali ng hinala kanina kung sino ito.
Lawrence Navarro, Jr., “Renz” to his friends and family. Mula sa buena-familia. His grandfather was a processed food magnate. At ayon sa nabasa niya, ang mga Navarro ay nagmamay-ari ng isang isla. Nakalimutan ng reporter na sabihin kung saang bahagi ng Pilipinas naroon ang isla ng mga Navarro.
Playboy. Jetsetter. And filthy rich, she added with a smirk. And he was very handsome. Not a boy-next-door-handsome. He could never be that.
Sa trabaho niya, Shannon met thousands of handsome men. Rich and gorgeous men. Walang dahilan upang mapaiba ang lalaking ito.
And yet she was certain this man was like no other she had met before.
He had distinction. Sa gitna ng karamihan, no one could fail to notice him. He had a hard face... yet the cynical twist of his mouth added to his attraction—as if he were king and unreachable.
And she noticed the stunning woman beside him. Smiling at him flirtatiously. Ang kamay ay nakapulupot sa baywang nito habang umiinom ng champagne.
The scandal made her wary of men. Nawalan siya ng interes sa mga ito. Which was so ironic dahil sa uri ng trabaho niya ay halos lalaki ang nakapalibot. Ang mga babae ay interesado lamang sa damit na isinusuot niya. Ang mga lalaki ay interesado sa tinatakpan ng damit.
Subalit pinag-interesan niyang basahin ang anumang artikulong isinusulat ng press tungkol sa Renz Navarro na ito. Hindi niya naiintindihan ang sarili kung bakit niya ginawa iyon.
She sighed and broke eye contact. Hinarap niya ang congressman at isang napakatamis na ngiti ang ibinigay rito. Suddenly, ang pagkapahiya ay nahalinhan ng ibang damdamin. Something inside her rebelled against the accusation in Renz Navarro’s eyes. Gusto niyang bigyan ng justification ang nakita niya sa mga mata nito. And let him think what he wanted to think.
“Let’s dance, Congressman,” she invited huskily.