Chapter Four
H ENRY Mendres smiled with pleasure. “You can call me ‘Henry,’ Shannon. Masyadong pormal ang itinatawag mo sa akin.”
She smiled back. “Then Henry it is.”
Puno ng kompiyansang hinila siya nito patungo sa dance floor. Hindi niya maiwasang sulyapan si Renz Navarro sa bar. Napuna niyang ang babaeng kasama nito ay nakatingin sa kanilang dalawa ng congressman, a frown in her forehead.
At sa isang pag-ikot nila ay napatuon ang paningin ni Henry Mendres sa mga ito. He raised his hand in acknowledgement. The woman smiled maliciously. Si Renz ay isang tango ang ginawa.
“Kilala ninyo ang lalaking iyon?”
“Sino? Si Renz?” Tumawa ang congressman. “He’s my daughter’s fiancé. At ang babaeng katabi niya ay ang anak ko. Ang pagkakaalam ko ay humingi ng exclusive interview sa iyo ang aking anak para sa isang bahagi ng show niya. At sa pagkakaalam ko ay tinanggihan mo...”
His fiancee. Isang marahang paghinga ang unti-unti niyang pinakawalan. Hindi na niya naririnig ang iba pang sinasabi ng congressman. Biglang-bigla ay nag-iba ang pakiramdam niya. Tila naging napakasikip ng bulwagan at walang hangin. And she needed to breathe.
Ipinagpasalamat niya nang matapos ang tugtog at ganoon din sa paglapit ng isang kakilala ni Congressman Mendres. At bago pa siya nito napigilan ay nagmamadali siyang nagpaalam na tutungo sa ladies’ room.
Hindi niya napigil ang sariling sulyapan ang bar. Wala na roon si Renz. Subalit nanatiling nakaupo sa stool ang fiancee nito at may kausap.
SHANNON’S eyes searched for Basil among the crowd. Oras na para umalis sila. It was almost two o’clock in the morning.
Dumaan siya sa gitna ng mga tao habang hinahanap ito. One photographer called her name. Her dark hair, long and wavy framed her face as she turned. She was forced to give an obligatory smile when the man raised his camera and took her picture.
Tatlong pulgada ang suot niyang stiletto and that made her five inches and ten feet tall. She moved gracefully. Kilos at galaw na sinanay sa mahabang panahon. Her figure was now back in fashion—slim but curvy, with high, and firm breasts, a narrow waist and sensually rounded hips.
In New York, she would have worn something more daring, something that would advertise to everyone that she wasn’t wearing anything underneath the dress. Pero wala siya sa New York.
Ganoon man, her pale yellow silk gown dinged her curve sensually as she walked. Sa harap, though it was obvious to everyone that she wore no bra, her gown looked demure. Round necked and haltered. Subalit kapag tumalikod siya, ang buong likod niya ay nakahantad hanggang sa first hips.
Halos kaya nang sukatin ng mga mata ng karamihan ang kurba ng kanyang katawan. At bagaman alam niyang maraming humahangang tingin ang nakatuon sa kanya ay pinipili niya ang nginingitian at tinatanguan. Karaniwan na ay ang mga who’s who sa fashion world na noon pa man ay kilala na niya. Sinikap niyang huwag siyang mahinto sa grupo ng mga ito upang makipagkuwentuhan.
Nasa labas na siya at patungo sa lanai. She expected to see Basil outside but the place was deserted maliban sa dalawang pares na pumasok sa kabilang entrada. Lumakad siya patungo roon upang muling pumasok sa loob. Subalit may isang lalaking palabas naman, and before she knew they collided.
“I’m so—” Ang paumanhing iuusal sana niya ay napigil sa lalamunan niya at sa halip ay nahalinhan iyon ng malakas na pagsinghap nang may maramdaman siyang malamig na bagay sa dibdib niya.
“Damn!” wika ng nakabunggo niya.
“I AM SORRY. Hindi ko sinasadya. Hindi ko alam na may makakasalubong ako,” wika nito.
Bahagya nang narinig ni Shannon ang paumanhin ng lalaki. Ang buong pansin niya ay natuon sa pagyuko sa gown niyang natapunan ng alak mula sa hawak nitong kopita.
Sa manipis na silk, unti-unting hinuhulma ng kumakalat na likido ang dibdib niya. Nanunuot ang lamig sa balat niya dahil ang ilang pirasong natutunaw na yelo nito ay kasamang tumapon sa dibdib niya.
At narinig niya ang malakas na paghugot nito ng paghinga. Natitiyak niyang mas kitang-kita ng kaharap ang nangyayari sa dibdib niya kaysa sa kanya na nakayuko sa sarili.
Wala sa loob na inilagay niya sa dibdib ang mga kamay at tumingala sa kaharap upang mapasinghap din lang nang malakas nang makilala ito.
Renz Navarro of all people!
Blue eyes met dark ones. Agad ang paglitaw sa isip niya ng isang eksena. More than two years ago, sa hagdanan ng mansiyon ni Jeffrey Moore. The scene flashed in her mind. Halos manuot sa buto niya ang galit nito.
Subalit sa sandaling iyon ay wala sa asul na mga mata nito ang pagkapoot. Ang naroroon ay pagkalito at pagkamangha.
Both of them stared at each other for a long moment. Nang mula sa kung saan ay kumislap ang mga flashbulb. At bago pa niya makuhang lumingon ay mabilis na tumaas ang mga kamay ni Renz sa mga balikat niya at marahas siyang kinabig patalikod sa lumalapit na dalawang photographer at hinila patungo sa matipunong dibdib nito.
“Magkunwari kang kilala mo ako!” wika nito. At bago pa niya maisip kung ano ang ibig nitong sabihin ay yumuko ito at inangkin ang mga labi niya.
She was stunned. Ni hindi niya makuhang kumilos upang itulak ito. He was kissing her. He was actually kissing her!
Despite her shock, she was intensely aware of the mouth that seemed to burn against her own. And her breasts were pressed against the hard masculine chest.
She could smell the slightly spicy scent of him that teased her stammering senses.
Pinakawalan nito ang mga labi niya subalit sapat lamang upang makahinga siya—mula sa mismong hiningang inilalabas nito!
“Let those hounds believe that I am one of your lovers,” he murmured in her mouth.
“O-one of my l-lovers?” she whispered, still panting for breath.
“Kung pakakawalan kita, malalaman ng mga photographer ang nangyari sa gown mo. Ibibilad mo ang sarili mo sa kahihiyan. Alam kong sanay ka roon, pero hindi ito New York.”
He was sarcastic and yet his mouth took advantage of hers. And Shannon’s anger was starting to surface. He was kissing and insulting her at the same time.
“Let me go!” she hissed.
Sinikap niyang kumawala subalit tila bakal ang braso nitong nakapulupot sa kanya. At nang iiwas niya ang mukha ay niyuko ni Renz ang leeg niya at hinagkan iyon. Sa mga mata ng press tila nagbigay pa siya ng daan upang mahagkan nito ang leeg niya nang husto.
Muling kumislap ang mga flashbulb. She opened her mouth to protest but Renz silenced her by claiming her mouth again in fierce possession.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Nahahati sa pagitan ng kalituhan, galit sa lalaki, pagkamangha, at sa damdaming pinupukaw ng halik nito. For the first time in her life, a man’s kiss was melting her. Though she wasn’t responding, her lips were pliant and soft to his taking.
And when she thought she would have wanted the kiss to last forever, bigla ay pinakawalan siya nito. “They’re gone...”
“W-what are you talking about?”
“The press,” he said drily.
Dazed, she turned around. Wala na roon ang dalawang photographer na nasulyapan niya kanina. Sila na lamang dalawa ni Renz ang tao sa lanai.
“Hindi mo dapat ginawa iyon!” she said angrily, remembering the insult. “Wala akong pakialam kahit na ano pa ang isulat ng media!” She bit her lip, knowing how cruel the press could be. Matagal na niyang nilimot ang anumang emosyon sa mga isinusulat ng mga ito.
“Oh, I know that,” Renz said bitingly “But this is not New York, Miss de Asis. Filipinos won’t take you kindly. Kapag nalathala sa peryodiko ang kahubaran mo, they’d treat you like a prostitute. Walang disenteng babae ang nagpapakuha ng larawang hubad upang malathala sa mga peryodiko.”
“K-kahubaran?” usal niya, niyuko ang sarili. Alam niyang naaaninag ang dibdib niya dahil nabasa ang gown niya pero ang ituring ng lalaking itong hubad siya ay—she gasped aloud.
Her nipples hardened humiliatingly, making it visible to the man in front of her.
“See what I mean?” he taunted cruelly. “It was my fault. Kaya ako na ang nagligtas sa iyo sa kahihiyang kinasanayan mo. Alam kong hindi ka disente pero hindi alam ng mga kababayan natin iyon. Ipinagmamalaki nila ang naabot mong katanyagan... marami sa kanila ang gustong maging ikaw. At hindi nila nanaising makita ka kinabukasan sa mga peryodikong nakahantad ang dibdib tulad sa isang...” Ibinitin nito ang sinabi.
“Nagligtas?” she flared, “o nanamantala?”
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito. “Nanamantala? Why would I do that?”
“You kissed me, remember? Nalimutan mo na ba agad?” she said sarcastically.
He smirked. “It was just a kiss, for heaven’s sake! I did it for you—”
“You did it for me! Why, thank you!”
“What’s the big deal? It isn’t like as if you were not kissed before. At hindi lang basta halik, nakalimutan mo na bang nahuli ka ng media sa ibabaw ng kama at nakikipaghalikan sa isang lalaking ikakasal na? Ikakasal sa kaibigan mo?”
Pinamulahan siya ng mukha. Mula sa kahihiyan at sa galit. Itinaas niya ang kamay upang sampalin ito subalit nahuli nito ang palapulsuhan niya bago pa lumapat ang kamay niya sa mukha nito.
“Don’t, Miss de Asis!” he warned. “Huwag mong dagdagan ang kasalanan mo.”
Nagpupuyos ang mga matang marahas niyang binawi ang kamay mula rito at mabilis na tumalikod upang bumaiik sa loob. Subalit hindi pa man siya nakakahakbang ay nahawakan na siya nitong muli sa braso at hinila pabalik.
“Don’t be a fool!” he said harshly. “Lalabas ka nang ganyan ang hitsura?”
She groaned. Tuluyang nakalimutan ang harapang dibdib. She almost screamed at him. “This is all your fault!”
“I know and I am sorry,” wika nito sa bahagyang bumabang tinig. “Now, let me take you home. Dito tayo sa likod magdaan upang walang makapuna dahil madilim ang bahaging iyon ng hardin.”
“I’d rather face the gutter press than be with you, you sonofa—!” She stopped. No one had made her lose her temper like this. Hindi siya nagmumura. Mahigpit iyong itinanim ni Antonia sa isip niya. Ladies didn’t curse.
Nang mahuli ng tingin niya ang paglabas ni Basil sa lanai. Nakahinga siya nang maluwag. Tinawag niya ito.
“Oh, your lover boy!” Renz mocked angrily. “Wala ka pang isang buwan mula nang dumating, at hindi pa rin marahil tumutubo ang damo sa pinaglibingan sa mommy mo, pero agad ay may lalaki ka nang nahagilap. Well, umaasa akong wala siyang nobya nang wala kang nasasaktan!” Pagkasabi niyon ay mabilis itong tumalikod patungo sa kabilang daan.
Ang ngiti sa mga labi ni Basil nang makita siya ay iglap na naglaho nang makita ang marahas na pagtalikod ni Renz.
“Sino iyon at bakit mukhang galit—hey, ano ang nangyari sa gown mo?”
Nagpupuyos pa rin ang dibdib niya, lalo na sa binitiwang salita ni Renz. Ang mga kamay niyang nakatabing sa dibdib niya ay lalo pang humigpit sa pagkakadiin sa pagpipigil na ikalma ang sarili.
“No one important,” aniya sa matigas na tinig. “Nagkabungguan kami at natapon sa gown ko ang hawak niyang alak.”
“My g od, you’re almost naked!” bulalas ni Basil, hinubad ang suot na silk jacket at inilagay sa mga balikat niya. “Ano ang iisipin ng mga tao kung papasok tayo sa function room nang nakabalabal sa iyo ang jacket ko?”
“Hindi tayo babalik sa loob. Let’s pass that way...” Itinuro niya ang nilingon kanina ni Renz. May palagay siyang tagilirang garahe ang ibaba ng hagdanang iyon na hindi naiilawan. “Umasa na lang tayong walang gaanong tao sa daraanan natin.”
“HINDI kita naiintindihan, Ross,” ani Shannon sa manager. “Bakit kailangan nating umupa ng condominium unit? Saan tayo kukuha ng ibabayad?” Nilinga niya ang malaking condominium na kinuha nito para sa kanila.
“At saan mo ako gustong tumira? Sa San Juan?” balik nito. “Wala akong pera, Shannon. Sagad na sagad ang bulsa ko. And I am trying to find a job here to support myself hanggang sa panahong tumino ang isip mo at bumalik tayo sa New York.”
“Bakit ka walang pera? Sumusuweldo ka mula sa akin sa nakalipas na mga taon. I can’t believe you’re broke...”
“I don’t care what you believe but it is the truth! I’m penniless! And unless we went back, maninigas ako sa gutom dito. At hindi ko gustong magtagal pa tayo rito sa Pilipinas!”
“You’ve been gambling, Ross!” hindi makapaniwalang sabi niya. He didn’t smoke. He seldom went out with men. But he was a chronic gambler.
Iyon ang dahilan kung bakit nang magkasakit si Antonia ay nakita niya ang pagkabahala sa mukha nito. Ross didn’t think Shannon would make it without her mother. Iniisip nitong kaya lang nakakakuha ng kontrata si Shannon ay dahil kay Antonia.
At naghihinala si Ross na ginagamit ng mommy niya ang sariling katawan upang makakuha ng kontrata para kay Shannon. One time, she even heard Ross accused her mother about it. Pinagtawanan lamang iyon ni Antonia.
“Dinampot lang kita sa gutter, Ross,” ang sabi ni Antonia, “you’re nothing without me. So I’ll forgive you the insult. You have no eyes for real beauty and talent kaya mo nasasabi iyan. What I do with the men in my life is my business and for my own satisfaction and they have nothing to do with Shannon.”
Her mother was no saint. Antonia had been undeniably beautiful as well as brilliant. Shannon knew she had some secret affairs with some of the men she had been dealing with. But that was her mother’s business. Siya mismo sa sarili niya ay nakatitiyak na walang impluwensiya ang mga lalaking iyon sa trabaho niya.
“I talked to Prada’s representative yesterday over the phone,” patuloy ni Ross. “They need you back there, Shannon. Your contract’s waiting, for pete’s sake! At alam kong hindi ganoon kalaki ang naipon mo para hindi magtrabaho. Lahat ng pera mo’y naubos sa ospital ni Toni.”
Hindi siya sumagot. Tama ito. Pero marahil ay makapagtatayo siya ng maliit na negosyo nang hindi kailangang bumalik sa New York. A boutique for one. She studied f ashion d esigning anyway in one of the best schools in New York where only the rich could afford. Hindi dahil iniisip ni Antonia na pakikinabangan niya iyon kundi magiging karagdagan iyon sa mga credential niya na isusulat ng media.
At kung magiging established ang negosyo niya, she would enrol in f ine a rts. Iyon talaga ang hilig niya—ang gumuhit. Hindi marahil siya magiging mahusay na pintor, subalit magagawa niya sa wakas ang gusto niya. At sino ang nakakaalam kung mula roon ay makapagtatayo siya ng isang gallery.
“Hindi pa ako nakapagpapasya kung babalik ako sa New York, Ross,” aniya matapos ang sandaling pag-iisip. “At kung wala kang pera, lalong hindi mo kailangang umupa ng condo unit. Sikapin mong mamuhay ayon sa kakayahan mo. Higit sa lahat, stop gambling.”
For one moment, nakita niya ang pagdaan sa mukha nito ng galit. Pero iglap ding naglaho iyon at ang humalili ay ang tila panlulumo nito. Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan nito.
“I really hope you’d come to your senses, Shannon,” mahinang sabi nito. “Our life’s in New York.” Tumalikod ito upang tunguhin ang pinto palabas ng condo. Hawak na nito ang doorknob nang may maalala at nilingon siya. “Oh, by the way. Nag-aanyaya si Congessman Mendres sa isang private party. Nabanggit niya sa akin noong gabi ng party ni Frederick. Nakaalis ka na. But he will call for confirmation.”
And she would say no to another party! she thought with determination.
NATANAW niya si Steffanie na nasa swimming pool. Kinawayan siya nito nang mapuna ang paglapit niya. Pagkatapos ay nagmadali itong umahon. Dinampot ni Renz ang tuwalya na nakasabit sa likod ng lounging chair at iniabot sa pinsan.
“Thanks.” Itinapis nito ang tuwalya sa basang katawan. Inalis nito ang cap sa buhok. “What brought you here?”
“Vanessa’s planning a party for our first year anniversary. Wanna come?” aniya at naupo sa bakal na silya. Inabot ang juice glass na para kay Steffanie at pinangalahati iyon.
Naupo ito sa kabilang silya. “One year anniversary!” She rolled her eyes. Inabot ang baso at inubos ang natirang juice. “Isa na naman sa kapritso ng girlfriend mo. And she’s corny.”
Isang tawa ang pinakawalan ni Renz. “Kayong mga babae’y likas na caprichosa, Steffie.”
“Whatever,” pairap nitong sabi. “I just hope you’re sane enough not to marry her. We have common friends. Malimit niyang ikuwento sa mga kaibigan niyang mag-aasawa na siya isa sa mga araw na ito. At dahil ikaw ang latest niya, baka nagpaplano siyang bingwitin ka.”
“Sabihin mo sa akin, bakit hindi mo gusto si Vanessa?” natatawang tanong niya. Itinaas ang mga binti sa mesa.
Nagkibit ito ng mga balikat. “Wala lang. Ayoko sa kanya para sa iyo. I just don’t like the way she looked at me, na para bang kaawa-awa ako.” Pagkuwa’y isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi nito. “Let’s not talk about her. I want to tell you about my birthday party on Saturday. You’ll come, won’t you?”
Renz sighed his boredom. “Again,” he said drily. Three nights ago ay dinaluhan niya ang party ni Frederick. Isang mukha ang mabilis na gumitaw sa alaala niya subalit agad niyang pinalis iyon at hinarap si Steffanie, lihim na nagpapasalamat na kahapon lang ito dumating galing ng Singapore. Kung nagkataon, he would have a hard time explaining to her why he was photographed kissing Shannon.
At tulad ng inisip niya nang mangahas siyang hagkan si Shannon nang gabing iyon, the press assumed that she was the new woman in his life.
At nahirapan siyang ipaliwanag kay Vanessa ang nabasa nito sa peryodiko. Halos ipaghampasan nito sa kanya ang mga peryodiko. Ang tanging pumayapa kay Vanessa ay ang ama nitong si Henry Mendres.
“Hija, boys are boys. And you know this woman, she had this way with men. Nakita mo naman kung paanong kahit ang daddy mo ay naakit sa kanya,” nakangising paliwanag nito. At tinitigan si Renz. “At hindi si Shannon de Asis ang uri ng babaeng ipagpapalit ni Renz sa iyo, ` di ba, hijo?”
He wanted to hate Henry Mendres at that moment. Subalit agad niyang sinaway ang sarili. Hindi ba at ganoon din naman ang tingin niya kay Shannon? Hindi exclusive sa kanya ang pagkamuhi para sa isang babaeng walang moral.
At upang matapos na lang ang mga akusasyon ng kasintahan ay agad siyang pumayag sa suhestiyon nitong magpa-party sila sa yate niya. There would be photographers around, para buwagin ang balitang lumabas sa kanila ni Shannon.
“Oh, please, Renz,” Steffanie cut into his thoughts. “It is just a small gathering. Baka wala pang fifteen ang guests.” Nang makita nito ang pag-aatubili sa mukha ni Renz ay lumabi. “Just because my mother’s not a legal Navarro so—”
“That’s below the belt, Steffie!” mariing saway niya.
Chastised, she was silent for a moment. Then softly, “I’m sorry. I know you love me, Renz. James too and the rest. But please, please come,” she begged but there was a sparkle in her eyes. “If you want, you can bring Vanessa along. You see, I want you to meet my boyfriend. I want Mom to announce our engagement formally...”
“Ilang araw ka lang sa Singapore at nagka- boyfriend ka na kaagad?” amused nitong sabi.
Nakatawang umiling ito. “No. I met him more than five months ago. And we really hit it off at once. We have so many things in common. He is a perfect gentleman and he loves me. And this time, tinitiyak ko sa iyo, it’s gonna be for real.”
He gave her a tender smile. “I couldn’t wait to meet this lucky guy, Steffie.”
“Mom invited him for dinner tomorrow night. She has doubts about him. Natitiyak kong kaya siya inimbitahan ni Mommy ay para i-interrogate...” Nagkibit ito ng mga balikat. “Alam mo naman si Mommy...” She rolled her eyes. “k apag hindi kapantay ng kabuhayan namin ang nanliligaw sa akin ay agad na pinagdududahan. But Mom promised to be polite and civil.”
“At mahirap ang lalaking ito?”
“Depende sa definition mo ng ‘mahirap.’ Pero para sa m ommy, he’s poor. But I love him, Renz. I’m going to marry him with or without Mom’s blessings.”