lookupnovel logo lookupnovel
The Blue-Eyed Devil (Kristine Series 21)

Chapter 8

Ch. 9 / 23 Feb 15, 2022

Chapter Eight

S HANNON took a deep calming breath. Don’t panic. Everything’s gonna be fine. Perhaps this man’s nothing like Jeffrey Moore... or Congressman Mendres...

Gusto niyang pawiin ang pag-ahon ng takot sa dibdib niya. The man used the word “marooned.” Hindi niya nais isipin ang literal na kahulugan niyon.

Marahil nang pumanhik siya sa yate nito ay pauwi sa isla si Renz at wala itong pagpipilian kundi isama siya. At matatagalan marahil bago ito makabalik sa Maynila.

“Alta Tierra,” she murmured. “I know it’s an island own by your family and—”

“Why wasn’t I surprised?” He cut her off, his brows rose mockingly. “Ngayon ko napag-isip-isip na pinlano mong lahat ito. Sinabi marahil ni Frederick sa iyo na naka-moor sa Manila Bay ang yate ko. Now, tell me. Paano ka nakarating sa yate? Wala akong narinig na motorboat. O gumamit ka ng bangkang de-sagwan para sa surprise effect?”

“A-ano ang ibig mong sabihin?”

“Don’t play innocent, Shannon. You must have known that night I am a very rich man.” He laughed without humor. “Hinintay mong maihatid lahat ang mga guest ko bago ka lumangoy patungo sa yate. I admire your originality. No one would have thought of going aboard my yacht in the middle of the night in a birth suit. No wonder men are crazy about you.”

“You’re wrong!” she said hoarsely. Hindi makapaniwala sa gustong ipahiwatig nito.

“I am seldom wrong, Miss de Asis. Lalo sa isang katulad mo. At kung gusto mo lang naman akong makita, madali lang akong hanapin. You could have told me that night that you want us to meet again. Instead you played, the hard-to-get maiden.”

Naningkit ang mga mata niya. Hindi niya mapigilan ang galit na umaahon sa dibdib. Iniisip ng lalaking ito na pinlano niyang panhikin ang yate nito! Hindi ba nito alam na halos wala na siyang lakas nang matanaw niya ang hagdanang lubid?

“Hindi ako interesado sa kayamanan mo, Mr. Navarro! At lalong hindi ako interesado sa iyo. Ang pagkakapanhik ko sa yate mo kagabi ay isang hindi sinasadyang pagkakamali. It could have been someone else’s yacht. Kung ipinagpatuloy ko ang paglangoy, I would have drowned! At para patunayan ko sa iyong totoo ang sinasabi ko ay sabihin mo sa akin kung paano ako makakaalis sa islang ito. Or allow me to use your phone so I can call Basil to—”

“Basil?” He repeated the name as if it were something bitter in his tongue. At pagkuwa’y lumatay ang matinding galit sa mga mata nito sa pagkamangha ni Shannon. “Of course, your lover...”

“Lover?” usal niya, nanlalaki ang mga mata. “Ako at si Basil? You thought Basil and I—”

“Itinatanggi mong may ugnayan kayo ni Basil Constantino?” Somewhere deep inside him wanted her to deny the accusation. For Steffanie.

“If he were, wala kang pakialam!” she hissed. “Now tell me how to get out of this place.”

Nagtagis ang mga bagang nito. “Sinabi ko na sa iyo, you are marooned here.”

“Hindi ko kailangang hintayin kung kailan ka babalik sa Maynila!” she almost screamed. “Makakaalis akong mag-isa kung pahihiramin mo ako ng maisusuot.” Bumaba siya mula sa kama, walang pakialam kung ang oversized shirt na suot niya ay dalawang pulgada lamang ang haba mula sa hindi nararapat. He had seen her all anyway.

Tinakbo niya ang unang pintong nakita niya. Pinihit ang isang antigong seradura at binuksan iyon at lumabas. A gust of wind met her, kasunod niyon ay ang malakas niyang pagsinghap.

Walang hanggang karagatan ang natatanaw niya. At ang naririnig niyang huni ng mga ibon kanina ay seagulls. Slowly, as if in trance, she walked towards the railings. Buong pagkamanghang inilinga ang paningin sa buong paligid. Tila ang buong kinalalagyan niya ay napapaikutan ng railings. Yumuko siya. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. She must be more than thirty feet from the ground!

Pagkuwa’y humarap at iginala ang mga mata sa kabuuan ng kinalalagyan niya. She was in an octagonal lighthouse!

Now panic rose in her chest. Her eyes filled with unmistakable horror as Jeffrey Moore’s and Congressman Mendres’ faces loomed up in her mind alternately. At sa isang sandali ay nawalang lahat ang kontrol niya sa sarili.

Tinakasan ba niya si Congressman Mendres para lamang bumagsak sa isa pang panganib? Pinanawan ng kulay ang mukha niya kasabay ng pagtaas-baba ng dibdib.

“You’re not just a model, you’re also a very good actress,” Renz drawled as he came closer. Tumayo ito sa pinto, almost occupying the whole frame.

He saw her fear and confusion and—panic. It seemed real. But he knew better. Alam ni Shannon na pagmamay-ari ng pamilya Navarro ang isla. At alam nitong naka-anchor ang yate nito sa Manila Bay. Anger rose his chest. He had met a lot of gold diggers and first-class bitch. But this one topped them all.

“If I didn’t know better, that look of maidenly panic could fool anyone. Why don’t you allow your gorgeous mouth to quiver a little,” nanunuyang suhestiyon nito. “At tiyak mapapaniwala mo na ako na ang isang seasoned vamp na tulad mo ay isa palang matimtimang birhen.”

Wala siyang mahagilap na sasabihin. Sa isang mahabang sandali ay nanatili siyang nakatayo roon.

This isn’t happening.

Nilinga ang paligid. She was in an island. In a lighthouse. At hindi alam ni Basil kung nasaan siya. Walang nakakaalam kung nasaan siya. Not even Ross. For all she knew, inisip na nito at ni Congressman Mendres na nalunod na siya.

“Welcome to Alta Tierra, Miss de Asis,” nanunuyang sabi nito na sinabayan ng bahagyang yuko. “As you can see, nasa lighthouse ka. Dito ako tumutuloy kung naririto rin lang ako sa isla. At ito rin ang magiging tirahan mo sa panahon ng pananatili mo rito.”

Sinisikap niyang ikalma ang sarili. If she thought him as just a man, then she was wrong. He was a man all right. But a powerful and dangerous man. Higit na mapanganib kaysa sa pinagsamang Jeffrey Moore at Congressman Mendres.

“Wala ka bang sasabihin?” wika nito nang manatili siyang tahimik. Irritation crossed his face at her calmness.

“What is there to say?” sagot niya. “We’ve already established your low opinion of me. Hindi ko ipakikipagtalo sa iyo iyon.” Humakbang siya papasok.

“With good reason.”

She sneered. “Wala akong pakialam kung ano ang tingin mo sa akin, Mr. Navarro.” Nagpalinga-linga siya at naghahanap ng anumang maaaring magamit na pang-ibaba. Nang walang makita ay nilinga itong muli.

“Your hatred towards me is so obvious and I’m sure you don’t want me to stay here longer than necessary. Kung mapapahiram mo ako ng maisusuot na pang-ibaba ay ako na ang bahalang maghanap ng paraan kung paano makakaalis sa islang ito nang hindi kita inaabala.”

“Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi ko sa iyo?” sagot nito. “You are marooned here. Dito ka sa lighthouse titira hanggang sa panahong itatakda ko.”

“Wala kang karapatang pigilin ako rito, Mr. Navarro,” she said angrily. Hindi gustong bigyan ng pagkakataon ang takot na unti-unting umaahon. “Gusto kong umalis sa islang ito ngayon din!”

“At sa papaanong paraan mo gagawin iyon? Ni wala kang damit. Kung kaya mong umalis dito...” The sensual lips pouted in amusement, ang mga mata’y bumaba-taas sa katawan niya, “nang iyan lang ang suot, be my guest. Pero ano ang magiging transportasyon mo patungo sa bayan? From here to Sto. Cristo by land is ten kilometers. At kung sa dagat naman, wala kang masasakyang bangka. At kung balak mong languyin ang patungong Infanta, then that would be suicide.”

“This—is abduction!”

“Abduction?” he repeated with a sneer. “Kung nakalimutan mo na kaagad, ipapaalala ko sa iyo. Ikaw ang sumampa sa yate ko.”

“Out of desperation! I was almost—” She stopped in mid-sentence. Hindi maniniwala ang lalaking ito anuman ang sabihin niya. She had been judged and condemned. At ang bawat salitang ilalabas ng bibig niya upang ipagtanggol ang sarili ay lalo lamang magdidiin sa kanya.

Tinitigan niya ito. Bewilderment on her face. “Why are you doing this?”

“I want to keep you here for one purpose alone. And that is to keep you from hurting Steffanie—”

“Steffanie!” putol niya.

“Yes. You remember her, don’t you?”

“Is this all about what happened two years ago?” she asked irritably. “It wasn’t my fault, Mr. Navarro. What happened two years ago was—”

“Forget it!” he snapped. “Hindi ko gustong makarinig ng anumang kasinungalingan mula sa iyo. Ikaw mismo ang naglagay ng sarili mo sa kinalalagyan mo ngayon. Minsan mo nang sinira ang buhay ni Steffie. Hindi ko papayagang gawin mong muli.”

Muli? “W-what are you talking about?”

“Tomorrow is Steffanie’s twenty-sixth birthday and she will announced her engagement to the world. I don’t want you anywhere near her and her fiance.” His voice hardened. Nasa dibdib ang galit para sa kasintahan ng pinsan. Bukod sa mahirap na ay wala pang isang salita.

Subalit kahit sinong lalaki kung mapapaharap sa babaeng ito ay sandaling makakalimot. Could he really blame Basil for falling for this vamp?

“But I haven’t seen Steffanie for more than two years now!” protesta niya. “Hindi kita naiintindihan!”

He sneered. “Kung papasok kang artista, agad kang magkakamit ng award. Anyway, I’ll play your games. Hindi mo marahil iniisip na hindi ko malalaman na ang lover-escort mo noong party ni Frederick ay ang kasintahan ni Steffanie—”

“Basil?” she said unbelievingly. “Si Basil ba ang ibig mong sabihin?” I met someone... galing siya sa may sinasabing pamilya... I think I’ve found the right woman, Shan. One of these days, ipakikilala kita sa kanya...” Si Steffanie Shultz ba ang tinutukoy ni Basil?

Unbelievingly, she closed her eyes tightly. Subalit muli ring nagmulat nang marinig ang matigas na tinig ni Renz.

“Tigilan na natin itong mga pagkukunwaring ito, Miss Shannon,” puno ng iritasyong sabi nito. “It’s getting to bore me. For as long as it takes, you will remain here. Hindi ka makakaalis dahil wala kang magagamit na isusuot maliban sa mga pang-itaas ko.”

“But Basil’s not my lover, Mr. Navarro!”

“Really? Halos inamin mo lang sa akin kani- kanina lang, `di ba?”

“He’s my... he’s my...” Paano ba niya ipaliliwanag dito ang relasyon nila ni Basil nang hindi niya ilalahad ang sekretong matagal na nilang iniingatan?

“Huwag mo nang pag-isipang mag-imbento ng relasyon, Shannon. Ang susunod mong sasabihin ay magkapatid kayo,” he said disgustedly. Mula sa isang bureau ay may kinuha itong susi at pagkuwa’y humakbang ito patungo sa isang pinto.

“W-where are you going?”

“I am a working man,” wika nito, pinihit pabukas ang seradura ng pinto. “I’ll be back before you go hungry again.” Sinulyapan nito ang pagkaing nasa tray.

“No!” Lumatay ang takot sa mukha niya. Ikukulong siya ng lalaking ito sa parolang iyon. Isang eksena ang mabilis na lumitaw sa isip niya. She was fifteen.

“Mananatili kang nakakulong sa silid na ito hangga’t hindi ka sumusunod sa gusto kong mangyari, Shannon!” galit na singhal ni Antonia, hawak sa kamay ang susi ng silid. “Binabayaran ko ang baklang iyon upang turuan ka sa tamang paglakad, pagngiti, at pagkilos!”

Patakbo niyang nilapitan si Renz bago pa nito mabuksan ang pinto. Tinabig niya ito at iniharang ang katawan sa pintuan.

“Wala kang karapatang ikulong ako rito! This is illegal!”

Isang nang-uuyam na ngiti ang pinakawalan ni Renz sa kanya. “In this island, I am the law.”

Sa pinagsamang takot at galit ay umangat ang dalawang kamay niya sa dibdib nito at pinagsusuntok iyon sa gulat ni Renz.

“Alisin mo ako sa islang ito, you bastard! Wala kang ipinagkaiba sa mga lalaking iyon!” She was almost hysterical. Itinaas niya ang tuhod upang tuhurin ito at bahagya nang nakaiwas si Renz.

“Hey!” wika nito, hard fingers curled tightly on her wrists. “Stop it, you little she-devil!”

She risked death by jumping into the dark sea to escape from being raped only to be abducted by this man, dinala sa isang isla na hindi niya alam kung saang bahagi ng lupa maliban sa narinig niya ang Infanta, at pagkatapos ay ikukulong siya sa isang parola.

Ang pinagsama-samang takot, galit, at sense of survival ang nagpangyari upang patuloy sa panlalaban si Shannon. Lalo na nang maramdaman niya ang mga daliri nitong tila bakal sa palapulsuhan niya.

Subalit hindi niya inaasahan ang gagawin nito. Sapat upang mahinto siya sa panlalaban. His one arm snaked around her waist and he brought her wrenchingly upwards to meet the punishing force of his mouth. At sa ikalawang pagkakataon ay naramdaman niyang muli ang sensasyon na unti-unting kumalat sa buong katawan niya. Isang banyagang damdaming hindi niya dapat maramdaman mula rito.

At sa isang lalaking ang pagkasuklam sa kanya ay hindi itinatago!

Hindi niya makuhang kumilos, kahit ang paghinga ay napigil sa dibdib niya. She didn’t even blink an eyelash in response. Subalit tulad noong gabi ng party sa hardin, she was suddenly and excruciatingly aware of him—aware of his strength, of the power behind the muscles that strained angrily against her, of the subtle pleasing scent of him, the smooth texture of his tight, tanned skin.

Nag-aalab ang mga labi niya. Her soft lips was throbbing where he pressed them bruisingly back against her tightly clenched teeth. Her breasts— were traitors as they were responding to the heated pressure of his hard chest.

Renz muttered something incoherent. Pagkuwa’y itinaas ang isang kamay sa batok niya upang lalo nitong maangkin nang buong-buo ang mga labi niya. And his other hand moved down to her buttocks—marahil ay upang itaas siya—only to find out her nakedness under his own shirt.

Shannon gasped. And it gave Renz entry into her mouth and muttered something in his throat. And the next thing Shannon knew she was being thrown into an intoxicating vortex of hot, moist intimacy.

And that shocked her. Never had she let any man kiss her like this. Magmula nang mangyari ang eskandalo sa buhay niya, iniiwasan niya ang ganoong uri ng intimacy. She was appalled by the very idea of kissing any man intimately.

But with this man, it was the most achingly sensual experience of her life!

When she felt his hand moved to her thighs down to the most intimate part of hers, she went dead still. Torn between ecstasy and sanity. Nanaig ang katinuan ng isip.

Marahas niyang pinakawalan ang mga labi mula sa pag-angkin nito.