Chapter Thirteen
*How well do you know love?
How much do you take of it?
How willingly do you give it?*
JUST a light kiss on Reeve’s lips before Agatha hastily pulled away. What was she doing?
“Agatha,” pigil ni Reeve sa kanya. Inabot nito ang kanyang kamay. Puno ng pagtataka ang napakaitim nitong mga mata.
“I’m sorry,” sabi niya. “H-hindi ko alam kung bakit kita h-hinalikan.” Binawi niya ang kamay rito.
Hindi maipaliwanag ni Agatha ang nararamdaman. Napakalungkot ni Reeve nang amining totoo ang inaakusa ng kanilang anak dito. Ayaw niyang makita itong ganoon kalungkot.
But the moment her lips touched his, her heart ached so badly it hurt. Parang gusto ng kanyang katawan pero ayaw ng buong pagkatao niya. Hindi iyon maintindihan ni Agatha.
“Sweetheart, it’s not wrong. You’re my wife and you can kiss me anytime you want,” sabi ni Reeve at tinangkang mas lumapit sa kanya.
Agatha stepped away from him. She was stunned at how her body reacted, even without her thinking. Parang may kumokontrol sa kanya na hindi niya mabigyan ng pangalan.
Napabuntong-hininga si Reeve at nanatiling nakatayo.
Nahihiyang napayuko na lang si Agatha. Ano bang klase siyang asawa? Bakit humalik siya at umiwas pagkatapos?
“Pasensiya na, Reeve. Hindi ko alam kung ano ang ikinilos ko kanina. P-pero parang mali sa pakiramdam, hindi ko maintindihan,” matapat niyang sabi. Ayaw niyang maglihim dito dahil baka hindi makatulong sa pagbalik ng kanyang mga alaala.
“Mali sa pakiramdam?” he said sarcastically. “Mali sa `yo nang halikan ako?”
“Reeve, hindi ko kasi maintindihan. Parang tulad kay Niel…”
Marahas itong tumalikod. “No. Don’t say his name. I don’t want you saying his name.” Kalmado pero malamig ang boses nito.
Nag-umpisa nang maglakad uli si Agatha. Tahimik na sumunod si Reeve sa kanya hanggang sa makalabas na sila ng ospital.
Pagsakay nila sa sasakyan nito ay nakaupo na sa backseat sina Rainiel at Riana. Ang dalawa pa niyang anak ay nasa kabilang sasakyan kasama ang mga magulang niya at si Johann.
“Yey! We’re going home!” Riana said excitedly. “Mommy, do you miss the house? Do you miss your bed?”
Nilingon niya ito at nginitian. Actually, she couldn’t remember how their house looked like. O kahit pa ang kuwarto at kama niya. Malaki ba iyon? O tama lang para sa kanilang pamilya? Hindi iyon naipakita sa kanya ni Reeve sa pictures.
“I just miss going home with all of you,” she answered truthfully. “Pagkauwi natin, ipagluluto ko kayo. Do you miss the food I cook for you?”
“Yes!” Rainiel answered. “Gusto ko ang mga food na niluluto mo, Mommy. Iyon ang pinakamasarap sa lahat. Iyon lang ang love kong kainin.”
“Kuya, masarap ding mag-cook si Daddy, right?” sabi ni Riana. “You know what, Mommy? Daddy cooked our food while you were on vacation. Sabi ni Daddy, tinuruan mo daw siyang magluto ng masarap for us.”
Napatingin si Agatha kay Reeve na hindi na kumibo mula pa kanina. She bit her lip and lowered her gaze. She didn’t mean to compare him with Niel. She never kissed Niel. Mabuti na lang at hindi dahil hindi pala ito ang tunay niyang asawa.
Siguro dahil wala pa rin siyang mga alaala kay Reeve, hindi pa ganoon kabuo ang tiwala niya rito. Kaya hindi pa siya kumportable. Mali ang ginawa niyang paghalik dahil hindi man lang siya nag-isip bago iyon gawin.
Nasaktan niya panigurado si Reeve.
“Daddy, where are we going?” their daughter curiously asked. “We didn’t follow Tito Johann’s car…”
“We’re going to Sasa,” sagot ni Reeve sa tanong ng anak. “Your mommy wants to say good-bye to her.”
“Oh! I want to say good-bye too,” sabi ni Riana. “Daddy, Sasa and I, we played yesterday. She’s a cute cute girl. Her cheeks are fluffy, Daddy. I wish I had a little sister!”
“Hindi siya cute!” Rainiel disagreed which surprised everyone in the car. “Ang pangit kaya niya. Maitim. Maliit. I don’t even like her smell.”
“Rainiel…” mahinang saway ni Agatha sa anak.
“Totoo naman, Mommy, eh. I’m just saying the truth. And why do you have to say good-bye to her, Mommy? Hindi mo naman siya anak para magpaalam ka.”
“Your mommy took care of Sasa,” singit ni Reeve, pilit ipinapaintindi kay Rainiel ang sinasabi. “Sasa is not as fortunate as you are. Her real mommy is dead.”
“Is that my problem?” inis na sabi ni Rainiel. “Hindi naman dapat inaalagaan ni Mommy si Sasa. If you didn’t lose Mommy, Daddy, Mommy wouldn’t have met Sasa in the first place!”
Humigpit ang pagkakahawak ni Reeve sa manibela.
“Kuya Rainiel, why are you bad with Daddy?” malungkot na tanong ni Riana. “Wala namang ginagawa si Daddy na bad. And he didn’t lose Mommy. Mommy took a vacation. Right, Mommy?”
Lumingon uli si Agatha sa backseat. “What’s important is that I’m already here. You never lost me, mga anak. And it wouldn’t hurt if you share a little mommy love with Sasa.”
“Yes, Mommy,” malambing na sabi ni Riana. “It’s okay with me, Mommy. I can share mommy love with Sasa kasi wala na pala siyang mommy.”
Sumimangot si Rainiel at hindi na umimik. He crossed his arms on his chest and looked out the window.
Pagdating nila sa bahay ay kakausapin niya nang masinsinan ang kanyang panganay. He was already eight years old. Mas marami nang bagay itong nalalaman at iniintindi lang ang mga iyon base sa kung ano ang kaya nitong maintindihan.
Inabot ni Agatha ang tuhod ng anak na nasa backseat. “Baby, please be kinder to Daddy too.”
Lalong dumilim ang mukha ni Rainiel pero hindi pa rin ito nagsalita.
Bumaling siya kay Reeve. He was poker-faced. But Riana hugged his neck from the back. “Daddy, thank you! Uuwi na si Mommy. We will have her on my birthday.”
Unti-unting lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Reeve. His dark eyes softened. “Everything for you, darling.”
Riana giggled. Mayamaya pa ay lumipat ito sa harap at kumandong sa kanya.
“You’re very sweet,” bulong niya rito. “Thank you for cheering Daddy up.”
“Just like you, Mommy!” Yumakap ito sa baywang niya. “I remember you always cheer Daddy up when he’s too tired from work. Right, Daddy?”
Tumango si Reeve, ang mga mata ay nasa kalsada.
Hinaplos ni Agatha ang buhok ni Riana.
Tumingala ito sa kanya. “We miss you so much, Mommy. But Daddy missed you a lot more! Kasi, Mommy, we don’t cry. But Daddy cry every—”
“Riana,” Reeve cut her off. “Darling, why don’t you go back to your seat at the back? You need to wear your seat belt.”
“Okay!” Agad namang bumalik si Riana sa backseat, umupo nang maayos, at masunuring nagkabit ng seat belt.
Katahimikan na ang sumunod na bumalot sa loob ng sasakyan. May kalayuan ang sentro sa Kab-Laaw. Baku-bako rin pala ang daan.
Makalipas ang mahigit isang oras ay nakapasok na sila sa nayon na inakala niyang tunay niyang tahanan.
Agatha looked outside the car’s window. Nadaanan nila ang palengke at ang barangay hall. She saw some familiar neighborhood faces. Nadaanan din nila ang covered court. Hanggang sa matanaw na niya ang clinic. Ibig sabihin niyon ay malapit na sila sa kubo na isang buwan niyang tinulugan at pitong buwang tinirhan.
She could not describe how she was feeling at that moment. Halo-halo kasi iyon. This was not really her home but for months, she was made to believe it was.
Napatingin si Agatha sa clinic nang doon mismo huminto ang sasakyan. Ang sabi sa kanya ng kanyang kapatid ay hindi na nakita ang babaeng inalagaan nila nang matagal. Maliit lang ang Kab-Laaw pero hindi na ito nakita mula nang tumakas.
Bakit kaya tumakas ang babae paggising nito? Ayos lang kaya ito? Nawala na ito sa isip niya dahil naging abala na siya sa pagkaalala sa totoo niyang pagkatao. Nakalimutan na niya ang tungkol sa babaeng hanggang ngayon ay misteryoso pa rin.
Nakasama kaya niya ito sa bus noon?
Hindi siya sigurado…
Nawala siya sa pag-iisip sa babae nang makita si Sasa na lumabas ng kubo. Kasunod nito si Hasmin. Sigurado siyang wala si Niel dahil may trabaho ito sa minahan nang ganoong araw at oras.
Bumaba si Agatha ng sasakyan. Napalingon sa gawi niya ang bata.
“Inay!” masayang bulalas nito, saka tumakbo palapit sa kanya.
Itiniklop niya ang mga binti at sinalubong ito ng yakap.
“Inay, magaling ka na? Labas ka na talaga ospital?”
Tumango si Agatha. “U-uuwi na ako, Sasa…” She tried to remain calm and smiling in front of the child. “Gusto ko lang na makita ka at magpaalam bago ako umuwi.”
Sasa’s lips turned downwards. But she nodded anyway. “I-Inay, hindi ba puwedeng dito ka na lang tira? Kahit sama mo mga anak mo, ayos lang. Kasya siguro tayo sa bahay…”
Nginitian niya ito pero hindi sapat iyon para hindi maramdaman ni Agatha ang pagkirot ng puso. Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ni Sasa. “D-dadalawin kita kapag may pagkakataon ako. O kaya puwede mo akong tawagan. Magpapakabait ka sa itay mo. Huwag ka nang magalit sa kanya. Love na love ka niya. `Di ba lagi siyang umuuwi galing sa trabaho nang maaga? `Tapos, kahit pagod na pagod na siya, nakikipaglaro pa rin siya sa `yo?”
Tumango si Sasa.
“Kasi ganoon ka niya kamahal. Ayaw niyang malungkot ka kahit… k-kahit kayong dalawa na lang ang magkasama.”
“Pero, Inay, hindi ba talaga puwede?” Lumagpas ang tingin ni Sasa sa likuran niya.
Pagkalingon at pagtingala ni Agatha, nakatayo pala sa likuran niya si Reeve.
“Manong, hindi ba puwede dito si Inay? Sama na lang din ikaw para hindi mo na kunin si Inay.”
“Sasa, paglaki mo, maiintindihan mo rin kung bakit kailangan kong sumama sa kanila. Pero hindi naman ibig sabihin n’on na maiiwan kita. Tatawagan kita palagi. Ayos lang ba iyon?”
“Hindi na ba ako liligo, Inay? Hindi na `ko maliligo?” Nangilid ang luha sa mga mata nito. “Pa’no kalamansi natin, Inay? Sino didilig?”
“Sasa…”
“Sama na lang ako sa `yo, Inay.” Tumingala ito kay Reeve. “Puwede ba `ko sama, Manong? `Bait po ako. Hindi ako kulit. Hindi ako ingay.”
“Bakit ka ba sumasama sa amin?” biglang sabi ni Rainiel na bumaba pala ng sasakyan kasama si Riana. “Hindi ka naman namin kapatid.”
“Rainiel,” magkasabay nilang saway ni Reeve.
“Pero ayoko iwan isa. Ayoko alis si Inay,” iyak ni Sasa, humigpit ang pagkakayakap sa kanya.
“Mommy is just my mommy. Not yours!” sigaw ni Raniel.
“That’s it,” nakatiim-bagang na sabi ni Reeve. Hinila nito si Rainiel pabalik sa sasakyan, almost dragging their son.
Hahabulin sana ni Agatha ang dalawa pero naramdaman niya ang mas mahigpit na pagyakap sa kanya ni Sasa.
Niyakap na lang din niya ito. “Pasensiya na talaga, Sasa. Pero kailangan ka ng itay mo. Malulungkot siya kapag sumama ka sa akin.”
“Iiyak Itay?”
Tumango siya at pinunasan ang mga luha nito. “Kaya huwag mong paiiyakin ang itay mo. Alagaan ninyo ang isa’t isa. Magkikita pa rin naman tayo. Hindi ko alam kung kailan pero magkikita uli tayo. Sisiguruhin ko iyon.”
“Inay, kaya ayaw mo na dito kasi `di mo ako totoong anak?”
“No, Sasa. Sa puso ko, anak kita. `Di ba sabi ni Teacher Johann sa `yo, hindi ka galing sa akin pero inalagaan kita sa puso ko. Mahal kita, Sasa. Pangako, dadalawin talaga kita kapag may pagkakataon. Tatawagan kita…” paulit-ulit niyang sabi.
“Huwag matigas ang ulo, ha? Kakain ka ng gulay. Maliligo ka araw-araw.” Halos hindi na kayang pigilan ni Agatha ang damdamin. Pero nagpakatatag siya. Ayaw na niyang makita pa ni Sasa ang pag-iyak niya dahil lalo lang itong malulungkot.
“Lagi kang magpe-pray kay Jesus, anak, ha? Alam mo kasi, ang ibig sabihin ng pag-alis ko, may mas magandang dadating. May mas magandang-magandang ibibigay si Jesus sa `yo. Naiintindihan mo?”
Tumango ito.
“Malayo ang uuwian ko pero wala namang malayo o malapit sa love. Kahit malayo na si Inay, love pa rin kita kasi aalagaan pa rin kita sa puso ko.”
Suminghot ito at niyakap uli siya. Isinubsob nito ang mukha sa balikat niya. Lumapit sa kanila si Hasmin.
“Seline—este, Miss Agatha, ako na’ng bahala kay Sasa.”
Unti-unting lumuwag ang pagyakap niya sa bata. Hindi na ito umiiyak. Pero kitang-kita niya ang matinding pagpipigil nito.
Hindi dapat nangyayari ang ganoon sa isang apat na taong gulang na bata. Hindi dapat ito nasasaktan ng ganoon kaaga. Niel might not have been put to jail but this was the hardest consequence of his actions—his young daughter’s heartbreak.
Agatha did not want to break Sasa’s heart. Pero wala rin siyang magagawa. Kung puwede lang na isama na lang niya ito, but things didn’t work that way. Marami pa siyang kailangang ayusin at alamin sa kanyang buhay.
Hinalikan niya si Sasa sa noo at sa magkabilang pisngi. “Tatawagan kita. Promise `yan.”
Inilayo na ito ni Hasmin. Tumayo si Agatha at tinitigan pa si Sasa. She remembered how cheerful and playful this little girl could be. Para sa kanya, anak ang turing niya rito. Totoong-totoo. Sa lahat ng mga paghihinala niya nang wala pa siyang maalala kahit ang sariling pangalan, si Sasa ang bukal sa loob niyang tinanggap sa kanyang puso.
The way she called her “Inay” gave her comfort back then. Kaya siguro kahit hindi niya maalala si Reeve ay naalala niya ang lahat ng anak nila. Because Sasa made her continuously experience her life as a mother.
Nang hindi na niya kayang pigilan pa ang pagbagsak ng luha ay tumalikod na siya at nagmamadaling bumalik sa sasakyan.
Naghihintay na roon ang tunay niyang pamilya. Kailangan na nilang umuwi. Kailangan na niyang bumalik kung saan siya nararapat.
Hindi sa Kab-Laaw. Hindi kay Niel. Hindi kay… Sasa.
Pagsakay sa sasakyan ay nakayuko si Agatha. Rainiel and Riana were quiet. Nagsimula nang umandar ang sasakyan.
Agatha sobbed when she saw Sasa from the rearview mirror. Pilit itong humahabol pero pinipigilan ito ni Hasmin.
Ipinikit niya ang mga mata. Tears trailed down her face. But she tried not to make a sound. She did not want to worry Rainiel and Riana.
“Sasa is running…” narinig niyang sabi ni Riana, malungkot. “She wants to catch the car, Daddy. Slow down.”
“Don’t stop, Reeve,” Agatha sobbed. She felt Reeve glance at her.
Mas bumilis ang takbo ng sasakyan. Nanatiling nakapikit lang si Agatha. She could hear her heart breaking. Pakiramdam niya ay totoong anak ang tinatalikuran niya, ang iniwan niya… ang hindi niya pinili.
Noon niya gustong magalit kay Niel nang sobra. Gusto niyang sampalin ang lalaki, pagsabihan… Hindi dahil itinago siya ni Niel o niloko kundi dahil sa anak nitong pinagsinungalingan din nito. When everyone thought that she was the victim, it was really Sasa who would suffer the most.
Kumuyom ang mga kamay ni Agatha, pilit na nilalabanan ang kirot sa puso. But her tears kept on falling. Tinakpan niya ang buong mukha. Her shoulders were shaking.
Halos mapasubsob siya nang biglang huminto ang sasakyan.
Gulat na napaangat siya ng tingin kay Reeve.
“When I was eighteen, my mother left me,” he said. “Hinahabol ko rin siya habang nakasakay ng sasakyan. But she never stopped the car. Hanggang sa madapa ako.”
Napalingon si Agatha sa likuran at napasinghap nang makitang nadapa na si Sasa sa kakahabol.
Bumaba si Reeve ng sasakyan na agad naman niyang sinundan. Ilang hakbang lang at naabot na nito si Sasa. Reeve carried her in his arms.
Lumapit siya sa mga ito.
“Inay…” iyak ni Sasa pagkakita uli sa kanya.
Ipinasa ito ni Reeve sa kanya. Sasa cried on her shoulder. Niyakap niya ito.
“I know Sasa isn’t our real daughter but she sees you as her real mother,” Reeve said. Tumingin ito sa kanya at nakakaintinding ngumiti. “I guess we can still stay for a couple of days here. Until Sasa is conditioned enough to let you go. Nabibigla pa ang bata sa lahat.”
Tumango siya at napasinghot. “S-salamat, Reeve. Pero ang mga bata…”
“I’ll talk to them. Just stay here with Sasa.” Tumalikod na si Reeve at bumalik sa sasakyan.
Inalo muna niya si Sasa at tinanong kung saan ito nasaktan nang madapa. Umiling lang ito at mas humigpit ang pagyakap sa kanya. Habang buhat pa rin ito ay naglakad siya pabalik sa kubo.
Inabutan siya ni Hasmin ng isang baso ng tubig para mapainom kay Sasa. Mayamaya pa ay nakita niyang lumapit sa kanila si Riana.
“Hello, Sasa! Don’t cry na.” Umupo ito sa tabi niya. “Mommy, Daddy said we can stay here. He’ll get a hotel room in the bayan and then we can have a vacation. So I can play with Sasa a little longer.”
Napangiti na lang si Agatha. Humanga siyang bigla kay Reeve.
“But, Mommy, you can’t stay here. Kasama ka namin sa hotel. Pero puwede ka daw punta lagi for Sasa o si Sasa punta sa `tin sa hotel.”
“Inay, hindi ka na alis?” tanong ni Sasa.
“Hindi muna…” Pinahid niya ang mga luha nito.
“Sasa, play tayo. I have dolls in the car.”
Parang hindi umiyak na bumitaw sa kanya si Sasa at sumama kay Riana.
Sinundan niya ang dalawa. Parang ate si Riana kung hawakan nito ang kamay ni Sasa. Ipinakita ni Riana ang mga laruan nito.
Nakaparada nang maayos ang sasakyan sa labas. Bumaba si Rainiel. Nakasimangot ito na parang natalo sa kung saan.
Bumaba na rin si Reeve. Lumapit ito sa dalawang batang babae at tinulungan ang mga itong maibaba ang mga laruan.
“Mommy…” Yumakap si Rainiel sa baywang niya. “We’ll stay but for a week only, okay?”
Hinalikan niya ito sa noo. “Thank you, baby.”
Hindi alam ni Agatha kung gaano sila katagal sa kubo. Dumating ang kapatid niya at ang mga magulang nang magtanghalian. Kasama ng mga ito si Kapitana.
“Inay, baby mo rin sila?” Itinuro ni Sasa sina Adam at Rade.
“Yes. This is Rade,” pakilala niya sa buhat na anak. “And that’s Adam,” turo pa niya sa dalawang taong gulang na anak na naglalaro sa stroller nito.
“Cute sila, Inay.” Pinisil ni Sasa ang pisngi ni Rade. The baby boy smiled at Sasa.
Habang nakikipaglaro si Sasa kay Rade ay napatingin si Agatha sa labas ng kubo. Ang sabi sa kanya ng kapatid niya, siya muna ang tumingin sa mga bata. May pag-uusapan lang daw ang mga ito kasama si Kapitana.
May dumating din na dalawang lalaki. Pulos matikas at seryoso ang mga mukha. Ang sabi ni Johann, private investigators daw ang mga iyon.
Nag-uusap-usap ang mga ito. Agatha wanted to know what they were talking about. Was it about her condition? About Niel and Sasa? Or something else?
“Mommy, I have the same birthday with Sasa!” sabi ni Riana. “Ang galing, Mommy! Sabay sa vacation natin. Dito na lang ako magse-celebrate with Sasa, Mommy.”
Napakurap si Agatha. July 7. That was why that date seemed very special to her even without her memories. Birthday din iyon ni Riana!
“Let’s see how we can celebrate it with Sasa,” sagot niya sa anak, hindi pa nangangako dahil baka may ibang plano si Niel para sa birthday ng anak nito.
Napatingin na naman siya sa labas at napako ang tingin kay Reeve. Hindi niya inasahan ang naging desisyon nitong manatili pa sila sa Iddu para lang mas maihanda pa nila si Sasa, para hindi gaanong masasaktan ang bata.
Reeve cared for a child that was not even his. Gustong humanga ni Agatha sa asawa. He was a father and not just for their children.
“Inay, siya ba itay nina Ate Riana?” turo ni Sasa kay Reeve. “Bait si Manong, Inay.”
“Tito Reeve,” pagtatama niya. “Siya si Tito Reeve. Mag-thank you ka sa kanya, anak, ha? Kasi ayaw niyang malungkot ka kapag basta akong umalis.”
“Opo, Inay. Pito araw ka pa dito. Promise, Inay, hindi na `ko iyak pagkatapos birthday ko. Basta, dito kayo ng pito araw. Bilang ako.”
“After seven days, okay lang sa `yo na umuwi na ako? Hindi ka na iiyak?”
“Opo, Inay. Basta pito araw pa? Pito ligo pa `yon!”
“Ang pangit mo,” sabi ni Rainiel dito, out of the blue.
“Rainiel, what did I tell you?” saway ni Agatha sa anak.
“Huwag ka na galit sa kanya, Inay. Pangit din siya. Hmp!” Tumakbo na lang si Sasa papunta kay Riana at nakipaglaro pa.
“Rainiel,” baling niya sa anak. “Halika, Mommy will tell you something.”
“Later na lang, Mommy.” Kinuha ni Rainiel ang isang tablet mula sa bag nito. “I’ll just play here.”
Napabuntong-hininga si Agatha. Matigas ba talaga ang ulo ng panganay niya? But she could only remember Rainiel as sweet as Riana before.
Hinayaan na lang muna niya ito.
Napakapag-breast-feed si Agatha kay Rade. Pati kay Adam. Nilalaro niya ang dalawang anak nang pumasok si Reeve sa kubo at tumabi sa kanya. Inilibot nito ang tingin sa buong bahay.
“Dito ako tumira nang pitong buwan. Ang unang buwan ko kasi ay comatose daw ako.”
Tumango ito. “I’ve heard,” matipid nitong sagot. Kinandong nito si Adam at hinaplos-haplos ang buhok ng anak. “Hey, li’l boy. Enjoying yourself?”
“Mommy milk. Yummy!”
Reeve chuckled. “So you got to drink your mommy’s milk again? Aren’t you the happiest?”
“Reeve, `yong sinabi mo kanina tungkol sa nangyari sa `yo noon…”
“I’m okay now. Maayos na kami ni Mama. Hiwalay na sila ni Papa pero magkaibigan pa rin sila.”
“Really? That’s good to know.”
Tumingin ito sa kanya pero hindi iyon nagtagal.
“Ahm…” Napayuko siya kay Rade na nilalaro-laro ang dulo ng kanyang buhok. “Reeve? Tungkol sa h-halik kanina…”
“It’s all right. We don’t have to talk about it.”
May gusto pa sanang sabihin si Agatha. But before she could explain, Reeve stood up while still carrying Adam. Lumapit ito kina Riana at Sasa.
Eksaktong lumapit naman kay Agatha ang mga magulang at kinumusta ang kanyang pakiramdam. They talked about what she could remember about them so far.
Pagdating ng hapon ay dumating si Niel mula sa trabaho.
“Magandang araw ho,” bati nito sa mga tao.
Nagsalubong ang kanilang mga mata. Nagbaba agad ito ng tingin at napatingin kay Reeve.
Reeve ignored Daniel. Tinawag nito sina Riana at Rainiel para sumakay na sa kotse.
“Agatha,” tawag din ni Reeve sa kanya.
Nagpaalam siya kay Sasa at nangakong babalik bukas.
Nang mapadaan siya sa harap ni Niel ay umatras ito, nakayuko ang ulo.
“Patawad, Agatha…” narinig niyang sabi nito.
Napalingon siya rito. “Marami tayong nagagawa dahil sa pagmamahal sa mga anak natin. Pero kahit kailan, hindi naging rason ang pagmamahal para gumawa ng bagay na ikasasakit lang din natin sa bandang huli. Lalo na tayong mga magulang. Wala tayong hindi gagawin para sa mga anak natin. Pero sana gawin natin ang tama palagi. Para sa paglaki nila, hindi mawawala ang paghanga at respeto nila sa atin.”
Maraming-marami siyang gustong itanong kay Niel. Kung bakit mula pa noon ay picture na niya ang ipinapakita nito kay Sasa? Nagkataon lang ba na nakita siya nito kung saan siya nahulog mula sa bus?
Lalong napayuko si Niel. “Si S-Seline… Habang buntis siya kay Sasa, nakita niya ang picture mo sa isang magazine. Gandang-ganda siya sa `yo kahit hindi ka niya kilala. Kaya ginupit niya ang picture mo at inilagay sa frame. At araw-araw, habang nagbubuntis siya, lagi niyang tinitingnan ang picture mo.” Mapait itong napangiti na para bang inaalala ang kahapon. “Ang sabi niya sa akin, gusto niyang maging kasingganda mo ang anak namin. Sabi niya, balang-araw, gusto ka niyang makilala…”
Napakurap si Agatha. Hindi na pala niya kailangang magtanong pa. Siguro ay naramdaman na rin ni Daniel na kailangan nitong magpaliwanag.
“Hinayaan ko lang si Seline dahil sa isip ko, naglilihi lang naman siya. Nang ipinanganak si Sasa at n-nawala siya…” Napapikit si Niel, tumiim ang mga bagang. “Totoong nasunugan kami noon at wala kaming naisalba kahit pictures. Wala akong kahit isang litrato ng asawa ko. Ang naiwan lang niya sa akin ay si Sasa. No’ng mas bata pa si Sasa, sakitin siya at laging umiiyak. Hindi ko alam kung paano siya patatahanin. Naitapat ko lang minsan ang litrato mo at bigla siyang tumahan. Palagi na `yon, Agatha. Hindi ko rin alam kung paano iyon nagagawa ng picture mong ginupit lang ng asawa ko. Pero napakalaki ng tulong n’on para lagi kong mapatahan ang anak ko.
“Nang magkaisip na siya at naghanap ng nanay, akala niya ay ikaw ang nanay niya. Naisip kong sakyan na lang dahil imposible namang makilala ka namin. Pero siguro, higit sa lahat, kaya pinaniwala ko si Sasa na hindi pa patay si Seline at nasa malayo lang ay dahil hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon na wala na siya.
“Agatha…” Nag-angat na ng tingin si Niel. “Agatha, maniwala ka, nang makita kita na duguan at walang malay, nagulat talaga ako. Hindi ko akalain na makikita ko sa personal ang babae sa picture na pinaglihihan ng asawa ko. At, oo, nang magising ka at wala kang maalala, hindi ko na itinama ang iniisip ng lahat ng taga-Kab-Laaw kung sino ka talaga. Dahil habang natutulog ka, lagi kang dinadalaw ni Sasa. Kinakausap. Sobrang saya ng anak ko. Sobrang saya niya, Agatha, habang hinihintay kang magising. Para kang sagot sa isa ko ring panalangin.”
“Panalangin?”
“Na kahit sandali ay mabuhay uli si Seline.” Napasabunot si Niel sa sariling buhok. “At napakamakasarili ko na siguro. Desperado. Dahil para lang mabawasan ang sakit ng pangungulila ko sa kanya, pinaniwala kitang ikaw siya. Pinilit kong buhayin si Seline sa katauhan mo. Kahit alam kong posibleng may naghahanap sa `yo, itinago kita para maging si Seline na lang. Hindi ko alam na may asawa at mga anak ka na, Agatha. Hindi ko alam dahil hindi ko na inalam pa…”
Nag-iwas ng tingin si Agatha. Iba talaga ang naidudulot ng sakit at pangungulila sa isang tao. Gusto niyang magalit pero nakalalamang ang awa sa puso niya para sa sinapit ng buhay ni Niel. Bakit ganoon siya?
“Hindi ko lang din kayang masaktan si Sasa noong mga panahong asang-asa siya na ikaw ang inay niya. Hindi ko maitama. Hindi ko kayang alisin ang saya sa anak ko. Unang beses niyang maramdaman na may nanay siya. Akala ko, kapag naibigay ko kahit kunwari lang ang inay na inaasam niya, mararamdaman ng anak ko kung gaano ko siya kamahal...”
Huminga nang malalim si Agatha. “Madali lang makuha ang pagmamahal ng mga bata, Niel. You just need to always be honest with them.”
Nilagpasan niya ito nang mapansing nakatingin sa kanila si Reeve. May kasalanan pa siya kanina sa asawa at sa tingin niya, hindi nito gustong kausap niya si Niel.
Pagdating nila sa sentro ay wala pa talagang hotel doon mismo. But the governor of the town offered one of his town houses nearby. Kakilala pala ni Reeve si Gov. Lira.
Patakbong pumasok sina Rainiel at Riana sa loob ng town house. May ilang kasambahay na naghihintay sa kanila.
Ang pinakamalaking kuwarto ang ibinigay sa kanila. The whole room looked like a real family room. Walang masyadong mamahaling mga bagay, lalo na ang mga babasagin.
Tumalon-talon sina Rainiel at Riana sa napakalambot na king-size bed. Sumali si Adam habang natutulog pa si Rade sa stroller nito.
Inayos ni Reeve ang mga gamit ng mga bata. Tinulungan niya ito.
“Hindi pa yata kita napapasalamatan sa desisyon mong manatili pa dito nang kahit ilang araw lang. Para kay Sasa…”
“Don’t mention it. By the way, since we can’t go back to Manila, I asked the family psychologist to come here. Para maumpisahan nang ma-assess ang kondisyon mo. Pinapapunta ko dito ang doktor bukas ng umaga. Bago sana tayo mamasyal kasama ang mga bata.”
Tumango si Agatha. “Matagal ko na ring gustong magpatingin sa espesyalista. Marami pa akong gustong malaman tungkol sa amnesia ko at kung ano ang dahilan kung bakit may ibang mga bagay pa rin akong hindi maalala.”
Katulad ni Reeve.
“Hindi mo pa rin ba maaalala ang eksaktong nangyari sa `yo bago ang aksidente?”
“I just know that I fell from the bus window. Hindi ko alam kung bakit ako nahulog. I just know that I fell from it even before the bus fell off the cliff.”
Nakakaintinding tumango si Reeve. “Magpahinga ka muna. Don’t stress yourself too much about what you can’t remember.” May kung anong emosyon na dumaan sa mga mata nito. “And even the feelings that you can’t recall.”
“Reeve…” Ramdam niyang dismayado pa rin ito tungkol sa nasabi niya kanina. “Pasensiya na talaga tungkol sa halik kanina.”
“`Di ba sinabi kong ayos na? Hindi na natin kailangang—”
“Hindi ko gugustuhing lumayo sa `yo kung alam ko lang kung paano. I wouldn’t end the kiss that fast if I could just understand myself, Reeve.”
Tinitigan siya nito. Matagal. Pagkatapos ay tumingin ito sa mga bata, mayamaya ay sa kanya uli.
“Want to give it another try?” Pumasok ito sa loob ng banyo para ilagay ang toiletries ng mga bata.
Sinundan niya ito sa loob. “Another try?” nagtatakang ulit niya.
In a span of a two seconds or maybe three ay naisara ni Reeve ang pinto ng banyo, isinandal siya roon, at mabilis na inangkin ang kanyang mga labi.