lookupnovel logo lookupnovel
Man And Wife (Wifely Duties 2)

Chapter 16

Ch. 17 / 28 Feb 09, 2022

Chapter Sixteen

*Love? It never goes.

It’s just there, deep within.

Still sleeping, maybe.*

THE MOMENT Reeve cried with her, Agatha felt the connection that she failed to remember before. Hindi niya alam kung ano ang itatawag doon. Wala pa ring nadagdag sa alaala niya tungkol kay Reeve. Iyong mga pangit at masasakit pa rin ang bumabalik.

But somehow, crying with him felt more intimate than making love. Sa wakas, parang naramdaman niya ang koneksiyon sa pagitan nila, na doon sila matatawag na tunay na mag-asawa.

Isang linggo pa lang mula nang makilala niya si Reeve pero sa tingin niya ay ang dami na agad nangyari sa pagitan nila.

“Mommy, ang dami ko nang absent sa school. Can we just go home now?” angal ni Rainiel habang tinutulungan niya itong magbihis ng damit.

“We have two more days left, baby. Tapusin na natin. Our last day will be your sister and Sasa’s birthday. Nakausap naman na daw ni Daddy ang teachers ninyo ni Riana. They’ll help you catch up with some activities and lessons that you missed.”

Sumimangot ito. “I won’t have a perfect attendance. I won’t be the first honor.”

“You can still be,” she said positively. Hinaplos niya ang buhok nito. “First time mo lang mag-absent sa school according to Riana. That means your teachers would probably give you an exemption and another chance to be the first honor in the class.”

Yumakap ito sa leeg niya at isiniksik ang sarili sa kanya. “Mommy, I just want to go home with you. While we’re still here, I think I’m gonna lose you again. I’m gonna lose you to that ugly girl Sasa.”

“Rainiel,” saway niya at hinarap ito. “I’m your mother. Hinding-hindi iyon magbabago. You’re not losing me to anyone. You’re only sharing me with Sasa and she understands that. She’s just little. She’s just four. Isipin mo na lang na katulad siya nina Riana, Adam, at Rade. You share me with your siblings but that doesn’t mean you’re going to lose me, right?”

“It’s different with Riana, Adam, and Rade, Mommy. They are my siblings. They came from you and Daddy! Hindi katulad ni Sasa. She’s just a kid that’s not a part of our family!”

Masuyo niya itong niyakap at hinalikan sa pisngi. “But she’s a part of my heart, Rainiel. Nang sobrang miss ko na kayo, siya muna ang inalagaan ko para hindi ko makalimutan kung paano maging mommy,” she gently explained.

Tumingala sa kanya si Rainiel. Wala na ang simangot nito. “Do I get a big part in your heart, Mommy?”

Napangiti si Agatha at agad na tumango. “You’re our firstborn. You will always be special to me and to Daddy. Hindi lang malaki ang sakop mo sa puso namin, malaking-malaki.”

Sumubsob ito sa dibdib niya. “I love you, Mommy. You have the biggest part in my heart too. I can’t live without you.”

Rainiel could be the sweetest too. Niyakap niya ito nang mahigpit at hinalikan sa bumbunan. “I love you too, baby. Huwag ka nang magsusungit kay Sasa, please? Hindi naman niya ako gustong agawin. When you’re older, I’ll explain everything to you.”

Hindi sumagot si Raniel bagkus ay mas humigpit ang pagkakayakap sa kanya. Kumandong pa ito sa kanya. She gently rocked him in her arms. Iniugoy niya ito na para pa ring sanggol.

“And please be kinder to Daddy too. Nakikita ko kung paano nag-i-strive si Daddy para maalagaan kayong apat kahit nandito na ako. Nagluluto siya ng breakfast natin. Nag-iisip siya nang mabuti kung saan tayo dadalhin para mamasyal. He drives us all day. He plays with you and your siblings.”

“I hate Daddy.”

Napabuntong-hininga si Agatha. Napatingin siya sa labas ng bintana. “‘Hate’ is a strong word, Rainiel. There’s too much hate in this world, we need to counter it with love.” Napapikit siya. “Don’t hate Daddy. He loves you so much he gets hurt whenever you mistreat him. He gets sad when you ignore him. Daddy does not deserve that, Rainiel.”

“But he did that to us anyway. I’m just returning what he did. He ignored us!”

“But your daddy is sorry already, anak.” Hinawakan niya si Raniel sa baba at maingat na itinaas ang mukha nito para makasalubong ang mga mata nito. “Mahirap pang maintindihan sa ngayon. Pero hindi ibig sabihin na may nagawang mali sa `yo ang tao ay gagawin mo rin iyon sa kanya. That’s not how love grows stronger in our hearts, baby. Getting even is not our job. It’s God’s work.”

His lips turned downwards. “Am I bad boy, Mommy? I just don’t want Daddy to hurt us again. I don’t want to see you cry again.”

Hinaplos niya ang pisngi ni Raniel at masuyo itong nginitian. “When you see Mommy cry again, it means I’m getting ready to be stronger. When you saw me cry before, did you see me smile after too?”

Tumango ito.

“Then that means Mommy became stronger. And that’s not a sad thing. Pagkatapos ng mga luha, may mga ngiti. Ibig sabihin, kaya pa.”

“I don’t want to see you cry, Mommy. It hurts me,” nakalabing sabi nito. His black eyes were glassy with tears.

“I’m sorry, baby.” Napapikit si Agatha at niyakap si Raniel. “But one day you’ll understand why sometimes we need to cry. Thank you because you can feel my pain before. You’re not a bad boy, anak. Kasi you can feel what other people can feel. You have sympathy. That means, you have love. And don’t let your anger take that away from your heart.”

Tumango ito.

“Look at Mommy…”

Tumingala ito sa kanya.

Ngumiti siya nang matamis. “Now, I’m smiling. Can you feel how happy Mommy is?”

Ngumiti rin ito. “Yes.”

“Do you feel happy too?”

“If you’re happy, then I’m happy, Mommy.”

Maybe she and Reeve did have a wonderful love together. Because they had an amazing child who sympathized and cared.

“Say ‘sorry’ to Daddy whenever you’re ready, baby. I’m not asking you to do it. I know that you know you have to do it.”

Marahan itong tumango.

“You love Daddy, Rainiel. I know you do. Sinasabi mo lang na ayaw mo sa kanya para hindi ka na ma-hurt uli.”

Napakurap ito. “How did you know, Mommy?”

“Because people are like that. We tend to hide our heart and protect it by being mad at those who have hurt us. Then we hurt them back. Pero ang hindi natin alam, hindi naman talaga natin pinoprotektahan ang puso natin. Lalo lang natin iyong sinasaktan kapag pinipili nating gumanti at hindi na lang magmahal.”

Napakunot-noo si Raniel, parang iniisip nang mabuti ang lahat ng sinabi niya. Rainiel was obviously a smart boy. Maybe he wouldn’t be able to understand now. But at least he had an idea about it.

“It’s normal to feel bad if we got hurt. But we can’t stay with that feeling for a long time. Or else, it will consume the real love and pure goodness we have within us.”

“Is there someone who chose not to hide his heart and still loved despite being hurt by other people, Mommy?”

Tumango siya at ngumiti. “Yes.”

“Who?”

“Jesus,” she answered softly. “Until death, He chose to love. And His death is kind of worst because people wanted him to die. When He lived again, His love remained stronger and most powerful. Even to the people who hated Him. He saved them actually. He does not give up. Up until today.”

Napakurap si Raniel.

“And as long as we keep Jesus here,” itinuro niya ang dibdib nito, “we can do it too.”

“Mommy! Kuya Rain!” sigaw ni Riana na kapapasok lang sa kuwarto. “We have to go. Sasa’s waiting for us.”

Tumayo na si Rainiel. Pinunasan niya ang gilid ng mga mata ng anak at hinalikan ito sa pisngi. Tumayo na rin siya pagkatapos. Hinawakan niya sa magkabilang kamay ang dalawang anak at sabay-sabay silang bumaba ng hagdan.

Reeve just finished putting Adam and Rade in their booster seats in the car. Pumasok si Riana sa sasakyan.

“Rainiel, get in the car too. Sa pinakalikod kayo ni Riana,” utos ni Reeve.

Tumingala sa kanya si Rainiel. “Thank you, Mommy,” he said to her.

“For what, baby?”

Ngumiti lang ito. Even his smile looked like Reeve. Bumitiw na ito sa kanya at pumasok sa sasakyan.

Reeve buckled up Riana and Rainiel.

“Thank you, Daddy,” Riana said sweetly.

“Thank you, Daddy…” Rainiel said too.

Napansin ni Agatha na bahagyang natigilan si Reeve. Then a smile curved his lips. He patted Rainiel’s hair.

“You talked with him?” baling ni Reeve sa kanya pagkasara nito ng pinto sa backseat.

Tumango si Agatha. “He’s a sensitive and smart child. But a sweet one too.”

Reeve sighed. “Ang dami kong kasalanan sa kanila, sa inyo. Kaya hinayaan ko na lang siyang sabihin ang lahat ng gusto niya, para mailabas niya ang sama ng loob. Rainiel can be really rude and vulgar but I guess he got it from me too.”

“He loves you.”

Sumilip si Reeve sa loob ng sasakyan at bahagyang napangiti.

“He forgives you.”

Tumango ito. “Let’s get going?”

Sumakay na si Agatha sa front seat. Reeve got on the driver’s side. Nagpatugtog sila ng children’s songs sa car stereo.

Hindi sila nag-usap ni Reeve buong biyahe. But the silence wasn’t awkward. It was a kind of silence that gave them both space and time to regain their peace.

Nang masundo na nila si Sasa ay bumiyahe sila papunta naman sa Pagudpud. They had been to Vigan and Laoag already for the past few days.

It was a three-hour drive from Iddu but it was worth it. Tuwang-tuwa ang mga bata nang makita ang malalaking windmills. Mahangin din at malalakas ang alon.

Naghabulan sina Riana at Sasa sa buhanginan. Nagpaikot-ikot ang dalawa sa isang windmill. Nakaupo lang si Agatha sa beach blanket. Kandong niya sina Adam at Rade. Itinuturo ng mga ito ang windmills. The two little boys were fascinated at how big the windmills were.

Nagpalinga-linga si Agatha hanggang sa makita si Rainiel na hinuhubad ang sapatos nito. Pagkahubad ay itinabi nito ang rubber shoes sa tabi ng sapatos ni Reeve.

Reeve was already in the shallowest part of the ocean. Nakatupi ang pantalon nito hanggang tuhod. Rainiel was wearing capri shorts. Lumapit ito kay Reeve at nilaro ng mga paa ang tubig.

Malayang hinahampas ng malakas ng hangin ang buhok ng mag-ama. Reeve held Rainiel’s hand they walked farther.

Agatha chuckled when a big wave came. Tumakbo kasi ang mag-ama pabalik. When the wave disappeared, sumulong uli ang mga ito. And when the wave came again, they ran back together.

Dinala ng hangin ang tawa ng mga ito papunta sa kanya. Her heart felt the warmth from those laughters.

Napag-isip si Agatha. Siguro noon ay may puso siyang katulad sa isang bata. Mabilis magpatawad. And maybe she gave away too much love that she forgot to pause and recharge for a while.

Yumakap sa leeg niya si Rade at inihilig ang ulo nito sa balikat niya. Tumayo naman si Adam at itinuro sina Riana at Sasa.

“You want to play with them?”

Tumango ito. “I want play… Ate Riri play… run… Play run fast.”

“All right. But don’t go near the water, okay? If you want to play in the water, you call Daddy.”

Tumango ito at saka tumakbo palapit kina Riana at Sasa. Adam would be turning three as far as she could remember.

Nakita niyang sinalubong ito nina Riana at Sasa at kasali na si Adam na nagpaikot-ikot sa isang windmill.

Nang magutom ang tatlo ay eksaktong nailabas na niya ang mga binili nilang pagkain para sa mga bata. Natutulog na si Rade sa mga bisig niya. Natulog ito pagkatapos niyang i-breast-feed.

The kids were busy munching their food when Reeve sat beside her.

“Hey…” He softly caressed her back. “I’ll carry Rade. Eat with the kids.”

Hinayaan niyang kunin nito si Rade dahil nangangalay na rin ang mga braso niya. “Ikaw, hindi ka kakain?”

“I’ll eat later. Kayo muna.”

“Inay, gusto ko cupcake,” lapit sa kanya ni Sasa habang dala ang isang pack ng cupcake.

Inabot niya iyon at ipinagbukas ito ng isa. Kumandong ito sa kanya at tinulungan niyang kumain.

“I’m excited for Sasa’s and my birthday, Mommy!” Riana squealed. “It’s the day after tomorrow!”

“Is it really okay if we don’t have a party, darling?” tanong ni Reeve kay Riana.

“It’s okay, Daddy. I want to celebrate it together with Sasa. Sasa, ilang taon ka na sa birthday natin?”

Nag-angat si Sasa ng limang daliri habang ngumunguya pa.

“Wow! I’m going to be six!” sabi naman ni Riana. “I’m so excited! I just wish Aki and my other cousins were here. And also all my titos and titas.”

“Marami pagkain sa birthday, Inay?” tanong ni Sasa.

Hinaplos niya ang buhok nito. “Gusto mo ba ng marami?”

She smiled cheekily. “Opo. Para marami kami kain ni Ate Riana.”

Riana giggled. “Mommy, can we cook spaghetti and make calamansi juice?”

Tumango siya. “Sige, ano pa’ng gusto mo? Magluluto si Mommy.”

Riana and Sasa kept on requesting what they would like to have. Natutuwang nakipagnegosasyon siya sa mga ito dahil hindi naman lahat ay mailuluto niya.

Mayamaya ay sina Riana at Sasa na lang ang nag-uusap. Napatingin siya kay Rainiel. He was busy sipping his chocolate drink while staring at Sasa. Nakakunot-noo ito at halata pa rin ang disgusto sa mga mata.

She really couldn’t blame him. Agatha could understand how her own child felt threatened. Mas ipaparamdam na lang niya sa mga anak na kahit napalapit na ang loob niya kay Sasa, hindi ibig sabihin niyon ay nabawasan ang pagmamahal niya sa mga ito.

Pagkatapos kumain ay bumalik sa paglalaro ang dalawang batang babae. Rainiel and Adam fell asleep in her lap. Gising na si Rade; nakakandong ito kay Reeve. Naglabas ng phone ang asawa niya at nagpatugtog ng nursery songs. Rade was smiling and clapping his little hands.

“He likes listening to songs,” sabi ni Reeve. “You play piano for the children, especially to Rade. He stops crying, he smiles, he dances, he sleeps, as long as there’s music. Rade loves music like you do.”

Napangiti si Agatha at napatitig sa bunsong anak. “Maybe someday he can be a pianist or a singer, or a part of a band or orchestra. And then he’ll be able to play on local stages. Even international if he will strive hard enough.”

Napatingala siya kay Reeve nang maramdamang parang nakatitig ito sa kanya. Their eyes met.

“You’re still young, sweetheart. You can still go for your dream. The kids and I will support you.” He smiled gently. “I’ll be sitting in the crowd and I’ll be the proudest man in there while you play the piano.”

Nag-iwas si Agatha ng tingin at nahihiyang ngumiti. “When you said that I always play piano for the children, naabot ko na pala ang pangarap ko. Playing for them is like playing for the whole world.” Niyuko niya ang dalawang anak na mahimbing na natutulog habang nakaunan sa kanyang kandungan. “Siguro kaya hindi ko na rin pinilit noon na tumugtog pa sa labas kasi kontento na akong matugtugan ang mga anak natin.”

“Hindi ang pagpigil ko ang nakasakit sa `yo,” Reeve whispered. “It’s the thought that I’m not supportive enough as a husband.”

They fell silent afterwards. Hanggang sa nagdesisyon na silang umuwi dahil mahaba pa ang biyahe. Pagdating nila sa Iddu ay gabi na. Naghapunan sila kasama ang mga bata sa isang restaurant sa bayan bago ihatid pauwi si Sasa.

“Inay, dalawa araw na lang.” Itinaas ni Sasa ang dalawang daliri nito. “Masaya uli ako. Pagkatapos birthday ko, Inay, uwi ka na, ha?”

“Hindi ka na iiyak?”

“Siyempre hindi na, Inay! Usapan natin, pito araw, eh. Lapit na tapos kaya dapat hindi na `ko iyak. Okay sa `kin uwi ka na kasi, Inay, kahit hindi mo na `ko alagaan, nandiyan naman Ate Riana, pati Baby Adam at Baby Rade.”

Niyakap niya si Sasa nang mahigpit. “Babalik pa kami bukas. `Tapos sa isang bukas, ise-celebrate natin ang birthday mo. Magdadala ako ng maraming regalo para sa `yo.”

Natutuwa si Agatha sa pagtanggap ni Sasa sa sitwasyon. Maglilimang taong gulang pa lang ito pero kayang umintindi. Tama si Reeve, kailangan lang nilang ihanda si Sasa.

Pagbalik sa town house ay gising na gising pa ang kanilang mga anak. Rainiel was playing with his phone while Riana was playing with Adam and Rade.

But Agatha was too tired. Humiga muna siya sandali. Iidlip lang siya saglit para maasikaso nang mabuti ang mga bata mamaya kapag matutulog na ang mga ito. Pero nagtuloy-tuloy na pala ang tulog niya. Nagising siya ng mga bandang madaling-araw at nakitang katabi na niya ang mga anak at nakapantulog na ang mga ito.

Sinilip niya si Reeve sa kabilang dulo ng kama. Ito siguro ang nag-asikaso sa mga bata. Bumangon siya at marahang naglakad papunta sa puwesto nito.

“Salamat…” bulong niya at hinalikan ito sa noo. Then she went back to her side of the bed and slept.

Paggising niya ay tulog pa ang tatlong anak na lalaki. However, she could hear Riana laughing downstairs… and voices of other people. Parang marami iyon.

May mga tao sa ibaba?

Bumangon siya at pumasok sa banyo. She did her morning routine. Pagkatapos ay lumabas na siya ng kuwarto at bumaba ng hagdan.

Sumilip siya at nakitang may mga lalaki sa ibaba. Kasama roon si Johann. Isa-isang niyayakap ni Riana ang mga ito.

“Thank you, Titos! This is a far far place. I didn’t know you’ll be able to come. I’m so happy!”

“It’s your special day tomorrow, sweetie. Of course, we won’t miss it!”

“Ngayon na kami pumunta para advance.”

“Ang bilis mo namang lumaki. Para ka ring mommy mo noon. Dati, baby lang siya. Ngayon, pati baby niya ay malaki na.”

“Where’s your mom? Is she still asleep?”

“Did you miss her too, Tito Dylan? Tagal kasing nag-vacation ni Mommy.”

“Na-miss namin siyang lahat. Nasaan na ba siya?”

Nakababa na si Agatha nang tumibok nang mabilis ang puso niya. She knew them…

Ang huling lalaking niyakap ni Riana ang napatingin sa direksiyon niya. Umangat ang gilid ng mga labi nito nang magtama ang kanilang mga mata.

“There you are,” he said.

Agatha smiled. “Kuya Bari.”

Naglingunan ang iba pang mga pinsan niya nang marinig siya. One second, they paused. The next second, they all ran towards her.

Impit na napatili si Agatha nang sabay-sabay siyang yakapin ng mga pinsan.

“Agatha!”

Natawa siya nang isa-isa rin siyang halikan ng mga pinsan sa pisngi.

“Damn, you’re finally here!” tuwang-tuwang sabi ni Kuya Ramses. Tears were straining at the corner of his eyes.

“Thank God, Kuya Ram.”

“Alam na namin ang nangyari sa `yo sa mga nakalipas na buwan.” Hinaplos ni Kuya Gideon ang buhok niya. “We’re sorry for what happened.”

“May amnesia ka raw pero natatandaan mo raw kami, sabi ni Johann,” nakangiting sabi naman ni Kuya Reynald. “Ibig sabihin, hindi masama ang loob mo sa amin?”

“Bakit naman sasama ang loob ko sa inyo?” nagtatakang tanong niya.

“Because we weren’t able to rescue you when you most needed us,” sagot ni Kuya Charlie. “Pero love mo pa rin naman kami, `di ba?”

“Of course. It was an accident.” As far as she could remember. “Walang may kasalanan n’on kahit sino sa inyo. And it doesn’t matter if you weren’t there to save me. Naging maayos naman ako.”

“We’re glad you’re alive,” Kuya River said. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “We’re incomplete without you.”

“Agatha…”

Napaangat siya ng tingin at napangiti nang makita ang pinsang pinakamalapit sa kanya.

Parang nahawi ang iba nilang pinsan nang mabilis itong lumapit sa kanya. Binuhat at inikot siya nito.

Agatha chuckled. Napahawak siya sa braso nito. When she was little, Kuya Dylan used to carry and spin her around. Kahit yata nang magdalaga siya ay binubuhat-buhat pa rin siya nito.

“Thank God you’re alive, Agatha!” Hinalikan pa siya nito sa pisngi.

“Kung makayakap naman `tong si Dylan… Hoy, ampon! `Pag ikaw, nakita ka ng kapatid ko…”

Nagtawanan ang mga pinsan nila. Napalingon si Agatha sa nagsalita. Hindi niya pinsan ang nagsalita pero…

“Prince?”

Nanlaki ang mga mata nito. “N-natatandaan mo ako?”

Hindi niya alam kung bakit pero biglang pumasok sa isip niya ang pangalan nito. “Oo. Asawa ka ni—”

“Best friend!!!” malakas na tili ng babaeng bagong pasok. Mabilis itong tumakbo palapit sa kanya. Mangiyak-ngiyak pa ito nang yakapin siya. “Buhay ka talaga! Buhay na buhay! Na-miss kita, girl!”

Niyakap din niya ito. “Trisha.”

Napasinghap ito. “N-naalala mo `ko?”

Tumango si Agatha. “Sobra. I missed our girl talks and whenever we play the piano together.”

Napahagulhol si Trisha at mas humigpit ang pagkakayakap sa kanya.

“Why is Tita Trisha crying, Ninong Prince?”

“Ahm, kasi na-miss niya nang sobra ang mommy mo. Didn’t you cry when you saw your mommy?”

“No. Because she was just on vacation. I smiled when I finally saw her kasi happy ako to see Mommy.”

“Don’t cry…” alo ni Agatha sa matalik na kaibigan.

“Wala na `kong makausap kapag buwisit na buwisit na `ko kay Prince,” she whined.

“Grabe siya, o,” sabi ni Prince.

Johann laughed. “Suwerte mo naalala ka ng kapatid ko dahil siguro sa impluwensiya ni Trisha sa kanya. `Yong best friend mo, hindi pinalad.”

“Tsk, tsk.”

Agatha felt her cousins join their hug. Para na rin nilang pinsan si Trisha dahil sabay silang lumaki ng matalik na kaibigan.

“Kunwari pa kayong mga lalaki,” sumisinghot pang sabi ni Trisha. “Ako na lang ang umiyak para sa inyo. Agatha. Hindi talaga kami tumigil sa pagdarasal para makita ka uli.” Umiyak na naman ito.

Nagtawanan ang mga pinsan niya.

“Where’s Reeve?” narinig niyang tanong ni Kuya Bari.

“Where’s Lana?” he heard Prince ask.

Lana? Sino si Lana?

Nang tumahan na si Trisha ay niyakap uli siya nang mahigpit ni Kuya Dylan. Sinapo pa nito ang magkabila niyang pisngi. “We thought we really lost you…”

“Welcome back sa inyo ni Kuya Bari!” masayang sabi ni Kuya Reynald. “Sa wakas, kompleto na uli tayong magpipinsan!”

“Magluluto ako!” Kuya Charlie exclaimed. “Lahat makakakain!”

“Yehey!” Riana cheered. “Tito Charlie, will you bake two cakes? For me and Sasa?”

“Oh, sure!”

Kabilaan ang pangungumusta sa kanya ng mga pinsan. Katabi niya si Trisha na hindi na talaga tumigil sa kakatanong sa kanya.

Natutuwa si Agatha na makita ang mga pinsan at ang kaibigan kaya hanggang alam niya ay sumasagot naman siya.

Mayamaya ay nagpatulong si Charlie sa kusina. Niyaya muna si Trisha ng asawa nito sa labas. Hanggang sila na lang ni Kuya Bari ang naiwan.

“Nawala ka rin daw, Kuya?”

“Went into comatose like you. But it lasted for months. I don’t have amnesia, though. I gained a new heart instead.”

Ang alam nga niya ay may sakit ito sa puso. “So, you’re okay now?”

Tumango ito. “Hanggang saan ang naaalala mo sa tungkol sa amin? Do you remember our wives?”

Umiling si Agatha. “Kayo-kayo lang talaga ang naaalala ko. Kasama sina Mommy at ang mga anak ko. Mabuti at naalala ko rin sina Trisha at Prince.”

“That’s all right. Dahan-dahan lang muna siguro. How about Reeve?”

“M-may naaalala naman na akong kaunti tungkol sa kanya. I really believe that he’s my husband.”

“Were those good memories?”

Napakurap si Agatha. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong. Hindi siya marunong magsinungaling kapag nasa harap ng mga pinsan. She grew up with them always lecturing her to tell the truth. Ayaw raw kasi ng mga ito na hindi niya sabihin ang totoo kung sakali halimbawa na may nambastos sa kanya o anuman.

“Mommy, Rade is awake. He’s crying,” sabi ni Rainiel habang inaantok na bumababa ng hagdan.

“Excuse me, Kuya,” paalam muna niya sa pinsan. “Asikasuhin ko lang ang anak ko.”

Tumango ito.

“Rainiel, entertain Tito Bari first. And greet your titos in the kitchen.”

“`Kay…”

Umakyat si Agatha sa hagdan. At least, she didn’t have to answer Kuya Bari’s question. For now.

Pagdating niya sa itaas ay umiiyak nga si Rade. Nagising na rin si Adam pero tahimik lang ito.

“We have visitors downstairs.” Binuhat niya si Rade at pinadede.

“ Vis-tors ?” Adam asked.

“Yes.” Hinaplos niya ang pisngi nito. “Your titos are downstairs. All of them.”

“Wow!”

Pagkatapos mag-breast-feed ni Rade ay si Adam naman. The two were both quiet afterwards. Pinaliguan na rin niya ang mga ito. Sumabay na rin siya.

Pagkatapos na mabihisan ang mga anak ay si Agatha naman ang nag-ayos. Na-realize niya na wala na pala siyang malinis na damit. Ubos na ang malilinis na ibinigay sa kanya ng mommy niya. Bukas pa babalik ang mga ito mula sa Maynila para dalhan siya ng damit.

Naghanap pa siya sa bagahe. Then at the very bottom, she saw the dress that Niel bought for her. Maganda talaga ang bestida. It was a vintage style dress. May maikling manggas at hanggang tuhod ang haba. It was colored blue.

Isinuot niya ang bestida dahil wala na rin naman siyang ibang pagpipilian. Binuhat niya si Rade habang inaalalayan si Adam nang pababa na sila ng hagdan.

“Ang popogi naman!” sabi ni Trisha na sinalubong sila sa ibaba. Niyakap nito si Adam. “Hello, Baby Adam!”

Luminga-linga si Agatha, hinahanap si Reeve. Pag-uusapan nila ang plano ngayong araw. Paniguradong hinihintay sila ni Sasa.

“Trish, have you seen Reeve?”

“Ah, oo. Nakita ko siya sa labas kanina. Parang may inaayos sa kotse ninyo.”

“Can you take care of my boys for a while? Pupuntahan ko lang si Reeve.”

“Sure, sure!” Kinuha nito si Rade sa kanya at hinawakan sa kamay si Adam. “Eat na tayo ng breakfast, boys? Chef ang naghanda ng breakfast natin today.”

Lumabas si Agatha at mabilis na umikot sa garahe kung saan naroon ang sasakyan ni Reeve. She saw him there… but he was with someone.

“Thank you, Lana.”

Nginitian ito ng babaeng tinawag nitong Lana. Napakurap si Agatha. Lana looked like her…

“You’re always welcome, Reeve,” she said gently. “Basta, I believe in you. I always do.”

Mas napangiti ang asawa niya. They exchanged high-fives and laughed together.

Kusang tumalikod ang katawan ni Agatha. She pushed herself back inside the house.

May kung ano siyang naramdaman sa sikmura. Also, her chest tightened. Bakit… bakit mukhang bagay si Reeve at `yong Lana?

Napahinto siya at napahawak sa sentido. Lana… Allana Rose… Wasn’t she Reeve’s first love?

“Agatha? Are you all right?”

Napatingala siya at nakita ang pinsang agad na umalalay sa kanya. “I’m all right. Thank you, Kuya Dylan. Ahm…”

Lumingon siya kung saan naroon sina Reeve at Lana. Wala namang maling ginagawa ang dalawa. But she felt like… she felt…

Hindi niya alam.

“Baka gutom ka na.” Inakbayan siya ng pinsan at hinawakan pa sa kamay. “Halika, mag-breakfast na tayo.”

May kung ano pa ring nararamdaman si Agatha sa dibdib at tiyan. But she ignored it. Nawala na rin naman iyon nang makakain siya. Baka nga gutom lang siya.

Pumasok si Reeve pero hindi nito kasama si Lana. Nakangiting nakisalo ito sa kanila.

“Good morning, sweetheart…” he greeted her.

“Good morning, your face!” asik niya.

Ang ginawa ni Agatha ay nagpagulat mismo sa sarili niya at sa ibang mga taong kasalo nila.

Napakurap si Reeve at napaawang ang bibig. Natigil din ang pag-iingay ng mga pinsan niya. Pati ang mga anak nila ay napatingin sa kanila.

Agatha’s cheeks turned red with embarrassment. Ano ang sinabi niya?

“Agatha…” Inabot siya ni Reeve pero mabilis siyang umiwas.

Ayaw niyang hawakan siya nito!

Tumayo siya at mabilis na umakyat sa kuwarto.